Rosa Magica

By EMbabebyyy

11.2K 1.9K 381

Ano'ng gagawin mo kung sakaling bibigyan ka ng isang mahiwagang bulaklak? Isang mahiwagang bulaklak na kayang... More

ROSA MAGICA
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabindalawang Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabinlimang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabimpitong Kabanata
Ikalabingwalong Kabanata
Huling Kabanata
ROSARIA
AUTHOR'S NOTE

Ikalabing-tatlong Kabanata

338 80 8
By EMbabebyyy

Ikalabing-tatlong Kabanata

Kinabukasan ay nagising na naman ako na nakahiga sa sahig. Itatabi ko na sana si Rosa nang may maalala ako. Sinabi ni Rosaria na ingatan ko raw ang bulaklak na ito dahil alaga niya si Rosa. Paano niya inaalagaan ang bulaklak na ito kung sa bandang huli ay isang talulot na lang ang matitira? Babalik kaya ito sa anim na talulot? At bakit parang tao niya kung ituring ang bulaklak na ito?

Pinagmasdan kong mabuti ang bulaklak. Ano nga kaya ang hiwagang bumabalot dito bukod sa kaya nitong tuparin ang mga kahilingan ko?

Ilang minuto pa akong nag-isip pero dahil wala akong makuhang sagot ay naisipan ko nang itabi si Rosa. Ang babaeng nagbigay sa akin nito ang tanging makasasagot sa mga katanungan ko.

Gumayak na rin ako para pumasok sa eskuwela. Paglabas ko ng kuwarto'y nakasalubong ko si Nanay at nagtaka ako dahil kung ano'ng suot niya kahapon ay iyon pa rin ang suot niya ngayon.

"'Nay, ngayon ka lang po ba umuwi?"

"Oo, 'Nak. Nasiraan kasi 'yong sasakyan namin kagabi kaya doon muna kami natulog sa bahay ng amiga ko. Nag-text ako sa tatay mo na hindi ako makakauwi, a?"

"Baka po hindi na niya sinabi sa akin dahil maaga akong nakatulog. Pero, 'Nay, sa susunod po huwag naman kayong masyadong magpagabi. Baka po mamaya may mangyaring hindi maganda sa 'yo," nag-aalala kong bilin.

"Huwag kang mag-alala, 'Nak, hindi na ako magpapagabi uli."

Ngumiti ako. "Sino nga po palang nag-drive ng sasakyan n'yo? Hindi ka naman sanay mag-drive, a?"

"A, 'yong isang katulong ng amiga ko. Dati raw kasing jeepney driver 'yon kahit na babae siya."

Tumango-tango na lang ako. Humalik siya sa pisngi ko saka dumiretso sa kuwarto nila ni Tatay.

Pagdating ko naman sa kusina'y nandoon ang tatay ko saka si Ate Shahara. Nakita kong nagtitinginan silang dalawa at para bang may kakaiba sa mga tinginan nila.

"Good morning," bati ko at sabay silang nag-iwas ng tingin. Tumikhim pa si Tatay at binati rin ako. Binati rin naman ako ni Ate Shahara.

Habang kumakain ay hindi sinasadyang nagkatinginan kami ng tatay ko.

"Ang sarap talaga niya. Hindi na ako makapaghintay na matikman uli siya mamaya."

Teka, ano 'yon? Bakit parang nabasa ko ang iniisip ng tatay ko?

Umiwas ng tingin si Tatay at nagpatuloy na sa pagkain. Ano'ng nangyari? Totoo bang nabasa ko ang iniisip niya? At saka, sino 'yong tinutukoy niya? Sino 'yong babaeng iniisip niya? Si Nanay ba? Pero wala naman dito ang nanay ko.

Pagkatapos kong kumain ay hindi ako agad tumayo. Sinusundan ko ng tingin si Ate Shahara, hinuhuli ko ang mga mata niya. Susubukan ko kung mangyayari uli ang nangyari kanina sa tatay ko.

Kinukuha na ng katulong namin ang pinagkainan namin ng tatay ko. Nang kukuhanin na niya ang pinggan ko ay nagkatinginan kami.

"Bakit ba hindi pa rin umaalis 'tong babaeng 'to? Hindi ko tuloy siya masolo."

"Ma'am? Okay lang po kayo?"

Napahinto ako sa pagbabasa sa isip ni Ate Shahara nang bigla niya akong tanungin. Pumikit ako at umiling nang ilang beses. May kung anong ideya ang pumapasok sa isip ko tungkol sa mga narinig ko sa isip nilang dalawa pero binalewala ko 'yon. Nagkakamali ako. Guniguni ko lang 'yon.

Pero teka, nabasa ko ang isip nilang dalawa habang nakatitig sa kanilang mga mata. Ibig bang sabihin . . .

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko para pumasok.

Naglakad lang ako papasok sa school. Hindi naman kasi 'ko sanay mag-drive kaya hindi ko rin magagamit ang kotse na binili ng mga magulang ko. Pero one of these days ay kukuha ako ng driving lesson para hindi mabulok ang sasakyan ko. Sa pamilya namin ay si Tatay lang ang sanay mag-drive. Nagpaturo siya dati sa kasamahan niya sa trabaho dahil minsan ay kailangan nilang bumili ng materyales. At isa pa, mainam na rin daw 'yong sanay siya para in case of emergency ay may driver kami.

Habang naglalakad ay napaisip ako. Nakapagtataka kung paano ko narinig ang usapan nina Tatay at Ate Shahara gayong nakatingin lang naman sila sa mata ng isa't isa. Napatigil ako sa paglalakad. Hindi kaya . . . natupad na ang hiniling ko kay Rosa? Pero paano ko naman kaya gagamitin ang kapangyarihang ibinigay sa akin?

Pagpasok ko sa classroom ay nagtitinginan pa rin sa akin ang mga kaklase ko. Hindi ba sila napapagod? Ano-ano pa bang tsismis ang nasasagap nila tungkol sa akin?

Naupo na ako sa upuan ko at pagkaupong-pagkaupo ko'y namataan ko na nakatingin sa akin ang dalawa kong kaklase. Bigla naman silang umiwas ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kanila. Pero bago pa tuluyang makalingon ang isa ay natitigan ko na siya sa mga mata.

"Grabe! Talagang nagbago na si Sydney. Ibang-iba na ang itsura niya. Kagaya na rin siya nina Kimmy na bad girl ang dating. Tapos punong-puno na rin ng makeup ang mukha niya."

Pumikit muna ako at unti-unting napangiti. Kailangan ko lang palang tingnan ang mga mata ng isang tao para mabasa ang iniisip niya, sa sarili man niya o sa ibang tao.

Tumayo ako at nilapitan ang dalawa kong kaklase. Nang malapit na ako sa kanila ay naririnig ko silang nagbubulungan, pinag-uusapan pa rin nila ako.

Pumunta ako sa harapan nilang dalawa at kitang-kita ang gulat sa kanilang mga mata.

"S-Sydney . . ." ani Colline, isip niya ang nabasa ko kanina.

Ngumiti lang ako at saka tinitigan sa mga mata ang katabi niyang si Paola.

"Nagbago na talaga si Sydney. Napabayaan na niya ang pag-aaral niya. Nasayang tuloy 'yong scholarship niya. Nawala pa siya sa honors. Nakakapanghinayang."

Pagkatapos kong basahin ang isip ni Paola ay pumikit ako sandali. So kinaaawaan na ako ng mga tao ngayon? Sa yaman kong 'to ay naaawa sila sa akin?

Tumayo ako at saka idinilat ang mga mata. Muli kong tiningnan ang dalawa kong kaklase na ipinanganak siguro ng mga tsismosa. Ngumisi ako.

"Alam n'yo, nanghihinayang nga rin ako sa sarili ko. Sayang 'yong scholarship ko, 'no?" Nakita ko namang nagulat sila pareho. Nagtataka siguro kung paano ko nalaman ang pinag-uusapan nila. "Pero na-inform ba kayo na kayang-kaya ko nang bayaran ang tuition fee ko? Actually nabayaran ko na nga ng buo, e. At na-inform din ba kayo na kaya kong bayaran ang lahat ng graduation fees natin?"

Hindi pa rin sila sumasagot. Nagtitinginan lang silang dalawa.

"O, e, bakit ayaw n'yong magsalita ngayon? Kanina'y todo ang kuwentuhan n'yo, a?" Tumawa ako. "Ah! Alam ko na kung bakit kayo napahinto sa pag-uusap. Kasi, ako ang pinag-uusapan n'yo. Ako rin ang mga nasa isip n'yo. Hinuhusgahan n'yo 'ko sa isip n'yo. Tama ba?"

Napayuko silang dalawa kaya lalo akong napangisi.

"Sa susunod na pag-uusapan n'yo 'ko, medyo lumayo-layo kayo para hindi ko naririnig. Nakakahiya naman kasi na ang lapit-lapit n'yo lang sa akin pero nagagawa n'yo 'kong pagtsismisan. Pero babalaan ko kayo. Sa susunod na marinig ko pa kayo na pinag-uusapan ako, kayang-kaya ko kayong pabagsakin. Hindi na ako 'yong Sydney na binu-bully n'yo noon dahil mahirap lang ako. Mayaman na ako ngayon. Marami na akong pera. At alam n'yo naman siguro kung ano'ng puwedeng gawin ng pera, 'di ba?"

Tiningnan ko silang dalawa at mas lalo silang napayuko. Parang gusto na nilang magpalamon sa kinauupuan nila.

"And by the way, wala akong pakialam kahit na mawala ako sa honor. Iyon lang ba ang sukatan n'yo para masabing matalino ang isang tao? Kung oo, mga bobo nga kayo. At saka, wala rin kayong pakialam kung nagbago 'ko. Bakit? Masama bang magbago? Tandaan n'yo na walang permanente sa mundo," mariing sabi ko pagkatapos ay bumalik na ako sa upuan ko.

Wala silang pakialam sa buhay ko, dahil unang-una, buhay ko 'to.

***

Dumating ang recess at nilapitan ako ni Kimmy bago 'ko makalabas ng classroom, nasa likuran niya sina Louela at Irene.

"Hi, Sydney. Sorry for what happened yesterday. Medyo na-hurt lang kasi 'ko noong sa 'yo ibigay ni Jairo 'yong rose and chocolates."

Ngumiti ako, 'yong plastik na ngiti. "It's okay. Don't worry about it. Nakaka-hurt naman kasi talaga 'yon. 'Yong tipong umaasa ka na sa 'yo ibibigay pero sa iba pala."

Nakita ko kung paano nagsalubong ang mga kilay ni Kimmy, pero sa huli ay tumawa lang siya, isang pekeng tawa.

"Tara na sa canteen?" aya niya sa amin at sabay-sabay na kaming naglakad papunta ro'n.

Alam ko namang pinaplastik lang ako ni Kimmy. Hindi ko nga inaasahang lalapitan niya pa ako matapos ng nangyari kahapon. Hindi ko alam kung ano'ng motibo niya at isinasama pa rin nila ako. Hindi na kami magkaibigan ni Jairo, so what's the point ng pagsama nila sa akin? O baka naman . . . dahil sa yaman ko kaya patuloy pa rin siya o sila sa pakikipagplastikan sa akin?

Pagdating sa canteen ay um-order ako ng burger at pasta, pagkatapos ay bumili ako ng red tea. Muntikan pa akong mabangga ng isang estudyante na nakikipagharutan sa kaklase niya.

"Hoy! Puwede bang tumigil kayo sa paghaharutan? Nasa canteen kayo, oh! Umayos nga kayo!" sigaw ko at napatigil naman sila.

Nakita ko pang umirap 'yong isa pero binalewala ko na lang at bumalik na sa mesa namin ng mga kaibigan ko. Nagkukuwentuhan kami nina Kimmy nang maalala ko na hindi pumasok si Jairo kanina.

"Bakit nga pala wala si Jairo?" tanong ko sa mga kasama ko.

"Oh!" sabi ni Louela na parang may naalala. "Nakita ko sila kanina ni Jorina sa isang coffee shop. Para ngang wala silang planong pumasok dahil hindi sila naka-uniform."

Napataas ako ng kilay. Magkasama na naman sina Jairo at Jorina? Talaga bang ginagalit ako ng babaeng 'yon?!

Tatayo na sana ako para hanapin sina Jairo at Jorina, kahit na mag-cutting ako ay wala akong pakialam. Ang mahalaga ay makita ko ang bruhang Jorina na 'yon. Pero pinigilan ako ni Kimmy kaya napaupo uli ako.

"Nakikita mo ba ang mga babaeng 'yon?" turo niya sa isang grupo ng mga kababaihan na nakatingin sa puwesto namin. Nang tumingin ako sa kanila ay bigla silang nagsilingunan sa ibang direksiyon. "Kanina ko pa sila nakikitang patingin-tingin sa 'yo. I think, pinag-uusapan ka nila."

Hindi ko sinagot si Kimmy. Pinagmasdan ko lang ang mga babaeng itinuro niya kanina at hinintay na muli silang tumingin sa akin. At hindi naman ako naghintay nang matagal dahil ilang saglit lang ay nasulyapan ko na ang mga mata nila.

"Nakakainis talaga 'yong Sydney na 'yon! Akala ko pa naman dati ay mabait siya. Akala ko rin ay matino siyang estudyante kasi nga running for honors siya tapos hindi naman pala. Akala ko kung sino siyang anghel, bruha naman pala. Eww!"

"Hay naku! Mabuti na lang at nilayuan na ni Kuya Jairo 'yang Sydney na 'yan. Saka mas bagay sina Kuya Jairo at Ate Jorina. Sa tuwing magkasama sila sa Arts Club at magkalapit, nakikita ko na meant to be sila! Hindi kagaya ng Sydney na 'yon! Malayong-malayo siya kay Ate Jorina."

Nag-init ang ulo ko dahil sa mga nabasa ko mula sa isip ng mga babaeng 'yon. Padabog kong ibinaba ang tinidor na hawak ko kaya nagtinginan ang ibang estudyante sa akin. Kinuha ko talaga ang atensiyon nila para makita nila kung ano'ng gagawin ko sa mga estudyanteng pinag-uusapan ako at pinag-iisipan ako ng masama.

Tumayo ako dala-dala ang pinggan na may lamang pasta. Lumapit ako sa mga estudyanteng binabasa ko ang isip kanina. Nagbubulungan sila pero nang makita nila akong palapit sa kanila ay huminto sila.

"Hi! Ahm, kayo 'yong napagalitan ko kanina sa pila, 'di ba? I just want to say sorry." Nagkatinginan silang dalawa. "Heto, o, nagdala pa ako ng pasta para sa inyo."

Ngumisi 'ko saka ko ibinuhos ang pasta sa bawat isa sa kanila. Sinimulan ko sa ulo na parang pinaliliguan ko sila. Nagtilian silang dalawa at napahalakhak naman ako. Poor pasta. Nasayang dahil sa mga walang kuwentang nilalang na 'to.

"Ang ayoko sa lahat ay 'yong pinag-uusapan ako at mas lalo na ang ikinukumpara ako! Wala kayong karapatan para husgahan ako! Bakit? Sino ba kayo? Kayo ba ang gumawa sa akin at kilalang-kilala n'yo 'ko? Kayo ba ang nagluwal sa akin sa mundong ito?! Saka teka nga, ako ba talaga ang nagpapanggap na anghel? O kayo na mahilig humusga sa mga tao?!"

Natahimik ang lahat ng estudyante sa canteen.

"Kayo! Kayong lahat!" Itinuro ko lahat ng estudyanteng nasa loob ng canteen. "Akala n'yo kung sino kayong magagaling! Akala n'yo'y napakatitino n'yo! Ano ba'ng pakialam n'yo sa buhay ko? Kayo ba ang mapapariwara? Kayo ba ang mamamatay sa alak? Kayo ba?!" Halos mapatid ang litid ng lalamunan ko dahil sa pagsigaw. "O sige, sabihin na nating concern kayo sa akin. Pero ang tunay na concern, ipinapakita sa pamamagitan ng pagkausap sa taong involve, hindi 'yong pinag-uusapan ang taong involve! Gets n'yo? Siyempre hindi, kasi mga bobo kayo!"

Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy. "Wala kayong karapatan para ikumpara ako sa iba, lalo na kay Jorina! Siya si Jorina! Ako si Sydney! Magkaibang pangalan. Magkaibang tao. Magkaibang dugo ang pinanggalingan namin. May kanya-kanya kaming kakayahan at layunin sa buhay. Magkaiba kami ng pangarap! Kaya huwag n'yo 'kong ikumpara sa kanya!"

Nakita ko na nakayuko na ang karamihan sa mga estudyante.

"O ano? Bakit kayo nakayuko? Kasi guilty kayo? Sa ganyan naman kasi kayo magaling, e—sa panghuhusga. Magaling kayong manghusga pero hindi n'yo muna tinitingnan ang mga sarili n'yo! Hindi n'yo alam na ang itinutukso o inihuhusga n'yo sa iba ay siyang ugali n'yo!"

Ibinagsak ko ang isang upuan na nagbunga ng napakalakas na ingay saka ako lumabas ng canteen dala ang mga gamit ko. Mga b'wisit sila! Kung makapagsalita sila, akala mo naman napakagaganda ng mga ugali nila!

Umalis ako sa canteen at naglakad palabas ng school. Nakasalubong ko pa ang ibang guards at teachers, siguro'y may nagsumbong sa kanila. Pero inirapan ko lang sila at nagpatuloy lang sa paglabas sa school.

Nang makalabas ako ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Ang galing. Nasa drama o pelikula ba ako? Kung oo, this is not worth to watch. B'wisit.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
33.4K 3.3K 81
[Taming Mariah Book 2 • Taehyung×Yoona] © novacorps for my beautiful cover
1.9M 53.2K 40
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...