Rosa Magica

Por EMbabebyyy

11.2K 1.9K 381

Ano'ng gagawin mo kung sakaling bibigyan ka ng isang mahiwagang bulaklak? Isang mahiwagang bulaklak na kayang... Más

ROSA MAGICA
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing-tatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabinlimang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabimpitong Kabanata
Ikalabingwalong Kabanata
Huling Kabanata
ROSARIA
AUTHOR'S NOTE

Ikalabindalawang Kabanata

299 84 19
Por EMbabebyyy

Ikalabindalawang Kabanata

Walang sinayang na oras ang mga magulang ko dahil pagdating ko sa bahay ay nakita kong may tatlong sasakyan nang nakaparada sa bakanteng lote na katabi ng bahay namin.

"Good afternoon, Ma'am Sydney."

Isang dalaga na nakasuot ng uniporme na pang-katulong ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng bahay.

"Ikaw po ba ang katulong na kinuha ni Nanay?" tanong ko.

"Opo, ako nga po," nakangiti niyang sagot.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang mabait at mukhang palangiti rin. Mukha rin naman siyang magalang at parang ang bata pa niya.

"Ano'ng pangalan mo?"

"Ako po si Shahara."

"Ilang taon ka na po?" tanong ko uli.

"Twenty-two years old pa lang po ako, Ma'am."

"Bakit po katulong ang pinili mong trabaho? Hindi ka ba nakapag-aral?"

Hindi ko inaalis ang 'po' dahil kahit na katulong namin siya ay mas matanda pa rin siya sa akin. Alam ko pa rin naman ang mga salitang paggalang at respeto.

"Hindi na po. Mahirap po kasi kami kaya high school lang ang natapos ko. Pero sa ngayon po ay nag-iipon ako para makapag-aral uli," sagot niya

Tumango-tango ako saka nagpaalam sa kanya. Pumunta na ako sa kuwarto ko at nahiga sa kama.

Hindi mawala sa isip ko ang ginawang paghaplos ni Jairo sa ulo ko kanina. Kahit na galit siya sa akin ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya. Kaibigan pa rin ang turing niya sa akin. Gusto ko nga sana siyang habulin kanina para kausapin pero bigla na lang siyang nawala. Hindi ko na siya hinanap at hinayaan na lang muna.

Bigla akong napangiti. Ang suwerte ko talaga dahil nakilala ko si Jairo. Pero ang malas niya dahil ako ang itinuring niyang best friend. Kung hindi ako ang naging best friend niya, sana hindi siya nahirapan noong mga panahong nag-aaway kami. Kung hindi ako ang naging best friend niya, hindi masasayang ang effort niya sa panghaharana. At kung hindi ako ang naging best friend niya, sana hindi ako nahihirapan sa paglayo sa kanya dahil sa nararamdaman ko.

Bakit nga ba kasi kailangang kami pa ang naging mag-best friend? E di sana hindi ako nahulog sa kanya. Sana hindi ako nahihirapang itago ang pagmamahal ko sa kanya. Kung naging simpleng classmates o schoolmates na lang sana kami sa isa't isa, e di sana hindi kami nahihirapan nang ganito.

Maya-maya'y may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko—si Ate Shahara, tinatawag na ako para kumain ng hapunan. Nagbihis muna ako saka lumabas ng kuwarto at nagpunta sa kusina. Inabutan ko ro'n ang aking tatay na nakaupo na sa harapan ng mesa at si Ate Shahara na naghahanda ng mga pagkain.

"Nasaan po si Nanay?" tanong ko.

"Nagsabi po si Ma'am Shiela na baka gabihin daw po siya sa pag-ma-mahjong," sagot ng katulong namin.

"'Yang nanay mo, palibhasa'y may katulong na kaya ginagabi na sa paglalaro," sabi ni Tatay.

"E, ikaw po, 'Tay, bakit parang ang aga mo ngayon?" tanong ko.

"Ang sakit kasi ng katawan ko. Siguro nasobrahan sa trabaho kaya nagpaalam muna ako kay Boss na magli-leave muna ako ng one week. Pumayag naman siya dahil nga ilang beses na rin akong nag-o-overtime."

Tumango na lang ako at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay napansin ko si Ate Shahara na panay ang sulyap sa tatay ko. Naglilinis siya ng lababo habang sumasayaw pa na parang enjoy na enjoy sa paglilinis. Kumekembot-kembot pa siya at ewan ko ba kung sinasadya niya pero nasa bandang harapan kasi ni Tatay ang kinatatayuan niya kaya kitang-kita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Tatay nang makita ang pagkembot-kembot ni Ate Shahara.

Tumikhim naman ako at agad na ibinaba ni Tatay ang kanyang mga mata sa pagkain niya. Hindi na uli siya tumingin sa katulong namin at ilang sandali lang din ay tumigil na si Ate Shahara sa pagsayaw.

***

Kinabukasan sa eskuwelahan ay usap-usapan pa rin ako. Mabuti na lang at half-day lang ang klase namin dahil wala ang mga afternoon teacher namin, may pupuntahan daw na meeting.

Today is Valentine's Day kaya naman nagkalat ang mga echoserang couple sa paligid. Dapat ipagbawal na ang pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend dito sa school namin, e! Nakakasira kasi ng araw ang mga kalandian nila.

"Good morning, friend!" bati sa akin ni Kimmy. Binati ko rin naman silang tatlo.

"Tarang mag-date latur!" suggestion ni Louela. "Nakaka-miss gumimik! Saka katatapos lang ng exams, o!"

"Oo nga, Syd! Shopping tayo latur o kaya kumain sa ibang resto," dagdag pa ni Irene.

Umoo na lang ako kaya nagtilian sila at nagplano na kung saan kami kakain. Naglakad na rin kami papunta sa classroom namin. Mainam na rin 'yong gumimik kami mamaya kaysa naman sa magpaka-loner ako sa bahay. Maaalala ko lang si Jairo.

Sa nakaraang tatlong taon ay laging si Jairo ang nagbibigay sa akin ng rose at chocolates tuwing Valentine's Day. Alam niya na hindi ako malapit sa lalaki kaya imposible na may magbigay sa akin ng mga gano'n. Kaya naman tuwing February 14 ay kaming dalawa ang magkasama.

"Oh my gosh! Si Jairo ba 'yon?" sabi ni Louela.

"Si Jairo nga! Pero ano'ng ginagawa niya ro'n? Bakit hindi pa siya pumapasok sa classroom?"

"Kayo naman, girls, of course! It's Valentine's Day! Malamang sa malamang ay hinihintay ako ni Fafa Jairo. Can't you see the flowers and chocolates na hawak niya? I'm sure na para sa akin 'yon!" tili ni Kimmy.

Napataas ako ng kilay nang sabihin niya 'yon pero agad ko ring ibinaba ang kilay ko. Baka makapansin siya na nainis ako. Bruha 'to! Akala ko naman ay tinigilan na niya si Jairo, hindi pa rin pala.

Naglakad na uli kami at nang matapat kami sa puwesto ni Jairo ay hinawakan niya ako sa braso. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa akin. Umayos siya ng tayo at walang salita na inabot sa akin ang bulaklak at chocolates na hawak niya. Nagkatitigan kami. Halo-halong emosyon ang nababasa ko—lungkot, galit, saya, at pangungulila.

"Salamat. Happy Valentine's Day," tipid na sabi ko. Tumango lang siya at saka pumasok sa classroom namin.

Nakita ko na nairita si Kimmy kaya pumasok na rin siya sa classroom, sinundan naman siya nina Louela at Irene. Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa aking labi. Kahit na magkagalit kami ni Jairo ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang routine niya tuwing sumasapit ang araw na 'to. Hindi ako umaasa kanina na bibigyan niya ako dahil nga magkaaway kami, but he's still my best friend—he's still my Jairo.

Maglalakad na sana ako papasok sa classroom nang makita ko si Jorina na nakatingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang galit kaya naman napangisi ako. Kunwari pang inamoy ko ang bulaklak saka tumingin sa kanya at dumila. Natawa ako nang mas lalo siyang nagalit.

Sorry, Jorina. Akin pa rin si Jairo.

***

Habang naglalakad ako palabas ng school ay kitang-kita ko kung paano ako pag-usapan ng mga schoolmate ko. Sa tuwing makakasalubong nila ako ay agad silang magbubulungan pero kapag tumingin na ako sa kanila ay agad silang titigil. Nakakainis lang! Kung alam ko lang sana kung ano'ng mga sinasabi nila tungkol sa akin, hindi ko sila aatrasan.

Pauwi na ako ngayon. Iniwan ako nina Kimmy, Louela, at Irene, next time na lang daw kami mag-shopping. Sinabi sa akin ni Irene na naiinis daw sa akin si Kimmy ngayon kaya minabuti ng babae na huwag akong pansinin. Bukas naman daw ay magiging ayos na kami.

Ayos lang naman sa akin na iniwan na nila ako. Naiinis din naman kasi 'ko kay Kimmy. Napaka-feeling-era niya kasi! Akala niya ba'y magugustuhan siya ni Jairo? Ha! Asa pa siya!

Nang makauwi ako sa bahay ay may narinig akong ingay sa loob ng kuwarto ng mga magulang ko. Para bang may umuungol sa loob n'on. Agad akong lumapit doon at rinig na rinig ko ang pag-ungol ng tatay ko.

"Oh . . . Shahara! Ang galing moooo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ng katulong namin. Ano'ng ginagawa ni Ate Shahara sa loob ng kuwarto ng mga magulang ko?

"Shit! Ang sarap naman niyan! Sige pa!"

Hindi na ako nakapagpigil kaya binuksan ko na ang pinto at nagulat ako sa aking nadatnan. Nakadapa ang tatay ko habang nasa tagiliran niya ang katulong namin.

"'Tay, ano'ng ginagawa n'yo?"

"Nagpapa—Ohhh . . . m-masahe ako kay Shahara. Sumakit kasi ang likuran ko at sanay palang magmasahe itong katulong natin kaya—Shit! D'yan nga, Shahara. Nadali mo!"

Napangiwi ako sa isinagot ng tatay ko. Mukhang sarap na sarap nga siya sa ginagawang pagmamasahe sa kanya ni Ate Shahara. Grabe kung makaungol, e!

Nagpaalam na ako sa kanila saka lumabas ng kuwarto.

Pagdating sa kuwarto ay inilagay ko sa ibabaw ng study table ang bulaklak at chocolates saka nagbihis. Mahihiga na sana ako sa kama nang maalala ko si Rosa, ang kakaibang bulaklak na ibinigay sa akin ni Rosaria. Kinuha ko 'yon sa aking cabinet, pati na ang lumang papel. Binasa kong muli ang nakasulat sa lumang papel.

ROSA MAGICA

Asul – Isang kapangyarihan ang maaari mong makamit.

Pula – Mapapasaiyo ang pag-ibig ng taong mahal mo.

Puti – Isang kahilingan ang maaari mong hilingin kapalit ng iyong buhay.

Itim – Isang kahilingan ang maaari mong hilingin kapalit ng buhay ng iyong minamahal.

Proseso ng Paghiling:

1. Pitasin ang kulay ng talulot na may kahulugan ng iyong hiling.

2. Ibulong sa talulot ang iyong kahilingan at pagkatapos ay bigkasin ang mga salitang hoc volo (this is what I wish).

3. Hipan ang talulot hanggang sa ito ay maging abo.

Dalawang kulay na ang nagagamit ko at may apat pang natitira. Nabura na rin ang nakasulat sa papel patungkol sa kulay lilang talulot.

Naalala ko naman ang mga tsismisan sa eskuwelahan tungkol sa akin. Gamitin ko kaya ang kulay asul na talulot upang humiling ng isang kapangyarihan? Isang kapangyarihan na maaari kong marinig ang mga usapang gusto kong marinig.

Napangisi ako habang tinatanggal ko mula sa vase ang bulaklak. Pinitas ko ang kulay asul na talulot at inilapit ito sa aking bibig.

"Bigyan mo 'ko ng kapangyarihan na maaari kong gamitin kapag gusto kong malaman ang usapan ng ibang tao." Huminga ako nang malalim saka pumikit. "Hoc volo."

Hinipan ko na ang talulot at napadilat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang paglamig ng paligid. Hinipan ko nang hinipan ang kulay asul na talulot hanggang sa ito'y maging abo at sumama sa hangin.

Seguir leyendo

También te gustarán

4.3K 185 58
Dlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he w...
33.4K 3.3K 81
[Taming Mariah Book 2 • Taehyung×Yoona] © novacorps for my beautiful cover
249 132 22
Balang araw ay magiging katotohanan ang mga bagay na inakala nating suntok sa buwan. -- A compilation of prose and poetry from Usad, Manunulat's Week...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...