Spirits

By Slylxymndr

449K 22.6K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

5

6.3K 311 8
By Slylxymndr

"Magaling! Simula ngayon, isa ka nang ganap na myembro ng SHO!" Sabi ni Master Lao.

Agad akong nagbow at nagpasalamat. Binigyan na rin ako ng damit na nagdedeklara na ako ay isang Spirit Healer.

"Maraming salamat po Master Lao para dito. Pero nais ko po sanang maging Myembro ng SHO pero ayoko pong manatili lang dito sa gusaling ito. Nais ko pong maging malaya at walang pumipigil sa anumang desisyon na aking gagawin." Matapang kong sabi kay Master Lao.

"Bakit bata?"

"Dahil gusto ko pong tumayo sa aking sariling mga paa na hindi umaasa sa iba." Sabi ko sa kanya.

Nanatili siyang tahimik. Para bang may malalim siyang iniisip. Siguro ay dahil sa ginawa kong mga pills kung kaya't nagdadalawang isip siyang pakawalan ako.

"Pero bago kitang payagan, nais kong bigyan mo ako ng listahan ng mga sangkap na ginamit mo sa paggawa ng Spirit Booster Pill." Sabi niya.

Napangisi ako sa kanyang sinabi. Sinasakbi ko na nga ba!

"Sige po. Payag ako. Pero gusto ko pong magkaroon ng parte sa makakalap na kita sa pagbebenta ng Pill na ginawa ko." Sabi ko sa kanya.

"Sige, payag ako. 40-60! 60 sa iyo at 40 ay para sa SHO." aniya.

Agad akong nagbow para magbigay galang.

"Patawad po Master pero hindi ko po iyon matatanggap. Ako po ay nag iisa na lamang sa buhay. Wala na po akong magulang at kamag anak. Aa tingin ko po ay hindi sapat ang porsyento ko para sa ikabubuhay ko." Sabi ko.

Agad siyang natahimik sa aking sinabi. Hindi siguro siya makapaniwala na nag iisa nalang ako sa buhay.

Pero ang totoo ay kay kasama ako. Si Val.

"Mas maganda po siguro kung ang hatian ay 20-80. Sa aking ang 80% ng kitang makakalap sa pagbebenta ng aking pill. Kung sa tingin ninyo ay mababa ito, nagkakamali kayo. Simula nang bumalik ako sa Bayan mula sa aking Training, napansin kong mas dumami ang mga Spirit Bearer. At sa tingin ko ay nasa 70% nf ating Populasyon sa buong bayan ang mga Bearer. Kung ang 70% na iyon ay makabibili ng produkto natin, sobrang laki ng kita na makakalam natin. Ang 20% mo ay magkakaroon ng ilang milyon". Sabi ko sa kanya.

Nang marinig ito ng mga myembro ng SHO ay para bang tumalon ang kanilang mga puso sa kanilang nalaman. Kung magkataon ay muling mabubuhay ang SHO sa bayan. Marami ang maeengganyo na sumali dito.

Ito palang ang simula ng lahat.

"At higit pa roon, ang listahan mga sangkap na ibibigay ko sa inyo ay mga pangkaraniwang uri lang. Walang mahal na materyales. Sobrang laki ng inyong kikitain kung ganon!" Sabi ko.

Bakas sa mukha ni Master Lao na unti unti siyang nakukumbinsi sa aking sinasabi pero parang may pumipigil parin sa kanya. Para bang naghahanap siya ng kulang at wala. Kung kaya't nakaisip pa ako ng mas magandang ideya.

"Ang pinakahuling kapalit po sa hinihingi ko, ay ang pagbibigay ng bagong listahan para sa bagong pill. Kung hindi po ninyo alam, marami akong alam ng mga formula para sa paggawa ng mga pills. Ang Spirit Booster Pill ay isang basic type pill. Kung kaya't sa tingin ko ay aabutin lamang ng mahigit tatlong buwan para malaman ng ibang kakompitensya ninyo kung paano at saan gawa ang pill na ibinenta natin. Kung kaya't tuwing ika-tatlong buwan, magpadala ka ng isa sa mga myembro ng SHO at ibibigay ko sa kanya ang susunod na Formula para sa paggawa ng susunod na Pill. Kasabay na non ay ang pagbibigay sa akin ng parte ko sa kitang nakuha ng pill ko. Ayos na po ba iyon bilang kapalit ng hinihingi kong kalayaan?" Mahabang sabi ko.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Para bang nakakita siya ng isang maliit na bato ng Dyamante sa gitna ng malaking putikan.

"Si-Sige! Pumapayag ako. Pero ituturing ka ng SHO na isang Asset. Kung kaya't bibigyan ka namin ng Special Protection. Ayos ba iyon sa iyo?" Aniya.

"Hindi na po kailangan. Kaya ko pong protektahan ang aking sarili. Huwag po kayong mag alala." Sabi ko.

"Sige. Pumapayag na ako sa kasunduan natin. Ngayon, ibigay mo na sa akin ang listahan ng mga sangkap para sa paggawa ng Pill mo!" Sabi niya na ikinatawa ko.

Magkakaroon na ako ng katulong kapag nangangailangan ako ng tulong.

Binigyan nila ako ng isang papel at lapis. Isinulat ko na ang mga kailangan sa paggawa ng Pill tinuruan ko rin ang mga Myembro ng SHO sa paggawa ng Pill. Nagpatawag na rin si Master Lao ng dalawa sa kanyang mga Alagad. Ang Dalawang iyon ay nasa 2- Step Spirit Practitioner. Ang 2- Step Practitioner sa bayan ay kasama na sa mga malalakas na tao. Tinitingala na ang mga Spirit Bearer na nakakaabot sa ganoong Stage.

Sa aking pagkakaalala, ang pinakamataas na nakamit ng isang mamamayan sa bayan ay isang 2- Step Spirit god. Sinasabi na ang Spirit god ay kayang sumira ng isang bayan at gawing abo sa loob lamang ng ilang araw. Ganoon katakot- takot ang kakayahan ng Spirit god. Ngunit nang mawala ang Spirit god na ito, wala nang Sumunod na mamamayan ng Bayan na nakaabot dito.

Sa kasalukuyan, ang may pinakamataas na nakamit ng isang mamamayan ng Bayan na nabubuhay pa ngayon ay isang 8- Step Spirit King. Siya si Yung Fei. Ang Pinuno ng Bayan.

Ilang saglit pa ay natapos na rin ang aking pagtuturo. Lumapit sa akin si Zed at kinausap ako.

"Balita ko ay wala ka pang nakukuhang Spirit. Maaari ko bang malaman kung bakit?" Sabi niya.

"Bakit mo pa kailangang malaman Zed?" Tanong ko sa kanya. Iniangat niya ang kangyang dalawang kamay at ipinatong sa aking balikat.

"Alam mo Kid, bilang isang Kapatid, kailangan kong malaman ang lahat tungkol sayo, bilang kapalot ay sasabihin ko rin ang tungkol sa akin. Upang maayos ang lahat. Ang pagtanong ko sa iyo kung ano ang rason kung bakit wala ka pang Spirit ay isa sa mga bagay na gusto kong malan tungkol sa iyo." Sabi niya.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Ha! Sa labinlimang taon ko nang nabuhay sa mundong ito, ngayon lang ako nagkaroon ng kapatid!" Sabi ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Isa sa dahilan kung bakit wala pa akong Spirit ay dahil hindi ko pa nahahanap ang para sa akin. Sinasabi nila ang ang Isang Spirit ay nakatakda na para sa iyo magmula pa lamang nung ipanganak ka. Kung kaya't wala pa akong Spirit ay hindi ko pa nakikita ang spirit na nakatakda para sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Aahhh. Ganoon ba, sige. Mabuti ngayon ay maliwanag na sa akin ang dahilan. Teka Kid, nais ko sanang imbitahan ka sa aming palasyo. Nais kong ipakilala kita sa aking ama. Pwede ba?" Sabi niya.

"Bakit naman agad agad ang desisyon mo na ipakilala agad ako sa Pinuno ng mga Levi? Ganoon ba talaga ako kahalaga?" Sabi ko sa kanya.

"Oo! Kundi dahil sa iyo, hindi ako lalakas ng ganito. Hindi ko makukuha ang kakayahang mayroon ako ngayon. Maipapakita ko na sa aking ama ng kaya kong pumalit sa kanya pagdating ng panahon." Sabi niya sa akin.

Maigi kong pinag isipan ang kanyang sinasabi. Kung ipapakilala niya ako sa Pinuno ng mga Levi,.. Teka, Levi?

Sila nga pala ang namamahala sa Agrikultura ng bayan! Mga produkto at pagkain! Mukhang makakatipid ako nito pagdating sa pagkain! Hindi na ako makakagastos! Hahaha!

"Sige na nga! Sasama na ako sa iyo. Pero makikihingi sana ako ng pabor sa iyo." Sabi ko sa kanya.

"Sige! Sabihin mo lang at tutulungan kita sa abot ng aking makakaya." Aniya.

"Kasi diba, alam mo naman na ako na lamang mag isa sa aking buhay--"

Agad niya akong pinahinto at agad siyang nagsalita.

"Ah! Gusto mong tumira sa amin? Sige! Ayos lang! Ipapatayo kita ng maliit na bahay sa tabi ng kwarto ko!" Sabi niya.

"Hindi! Teka lang! Mula pa kasi kanina, hindi pa ako kumakain. Ang huling kain ko pa ay nung nasa bahay ako ni Aling Matilda. Hanggang ngayon di pa ako kumakain!" Sabi ko.

"Ah! Sige. Sasabihin ko sa aking ama na maghanda ng maliit na salu salo." Sabi niya

"Hindi na kailangan niyon Zed! Kahit simple lang ayos na sa akin." Sabi ko.

"Hindi. Nais kong magpasalamat sa iyo. At ito ang naisip kong paraan para magpasalamat." Sabi niya. "At itutuloy ko ang bahay mo malapit sa kwarto ko ha!" Sabi niya at natawa ako dahil doon.

Ilang saglit pa ay patapos na ang araw. Nagligpit na ako ng mga gamit. Nakagawa pa ako ng ilang bote ng Spirit Booster Pill at itinago sa isang Space Ring na ibinigay sa akin ni Master Lao. Regalo niya ito sa akin bilang bagong myembro ng SHO at bilang pasasalamat na rin.

Isinuot ko ang singsing sa kanang kamay ko. Sa gitnang daliri. At nagsimula nang maglakad paalis ng SHO.

Habang nasa daan ay nag uusap kami ni Zed tungkol sa kung saan ko nakuha ang ganoong kaalaman, mga pinagdaanan ko habang nasa Training ako at marami pang iba.

Habang naglalakad kami ay biglang may pumasok sa isipan ko.

"Sandali lang Zed. Hindi ba Agrikultura at Produkto ang pinaka kinabubuhay ng mga Levi?" Tanong ko.

"Oo. Tama ka."

"Ibig sabihin, maraming mga tanim sa inyo. Anu anong mga Pananim ang mayroon kayo?!" Sabi ko ng may galak sa boses. Simula kasi nang magtraining ako sa Spirit Forest at naeengganyo ako sa pagkuha ng mga sangkap para sa mga Potions at Pills na ginagawa ko. Kung kaya't natuwa ako nang maisip iyon.

"Ah! Oo! Tama ka diyan. Pero pakiusap ko sa iyo, huwag kang basta bastang pipitas ng mga bulaklak sa paligid. Kailangan mong magpaalam sa Espiritu ng Agrikultura at Pag aani." Sabi niya.

"Teka, isang Spirit?" Sabi ko kay Zed.

"Oo. Isang Spirit. At siya si Ceres." Sabi ni Zed. "O mas kilala bilang Spirit God of Harvest and Fertility."

Biglang lumabas si Val sa kanyang Lugar at agad aking kinausap.

'Kid! Kid! Gawin mo ang lahat para makausap ang Spirit God na iyan!' Sabi ni Val sa akin.

'H-ha? Kakausapin ko? Isang spirit kakausapin ko? ' sabi ko sa kanya.

'Oo! Kakausapin mo siya at alam kong matutulungan ka niya kaya kausapin mo si Ceres.' Sabi niya.

Napaisip ako sa kanyang sinabi. Mukhang matutulungan ako ng Spirit na iyon para mahanap ang Spirit na para talaga sa akin. Sana nga ay ganoon ang mangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

48.2K 2.6K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
13.2K 1.8K 38
Due to some external forces who drive the Four Kingdoms in Chaos. What kind of danger that awaits for the people who lives in Sky Ice Kingdom, Hollow...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
4.1K 760 38
"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan bin...