A Life In Star World [COMPLET...

By MissJ14

68.8K 1.7K 192

Sa Pilipinas mayroong Teen Queen at Teen King, ito sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang dalawang Teen... More

A Life In Star World
Chapter 1: ❤️FlashBack
Chapter 2: ❤️Old Friends
Chapter 3: ❤️Picture
Chapter 4: ❤️Flowers
Chapter 5: ❤️KathNiel and JulQuen
Chapter 6: ❤️Surprise Dalaw
Chapter 7: ❤️Twilight
Chapter 8: ❤️Caught In The Act
Chapter 9: ❤️Inviting
Chapter 10:❤️Special Day
Chapter 11:❤️Failed
Chapter 12:❤️Broken-Hearted
Chapter 13:❤️ASAP Day
Chapter 14:❤️Good News
Chapter 15:❤️Love Triangle Date
Chapter 16:❤️DJ's EX
Chapter 17:❤️Realization
Chapter 18:❤️Basketball Practice
Chapter 19:❤️The Story
Chapter 20:❤️Should I Confess?
Chapter 21:❤️Confession
Chapter 22:❤️Possessive
Chapter 23:❤️Midnight Date
Chapter 24:❤️Chances Back
Chapter 25:❤️Fight
Chapter 26:❤️The Reunion Movie
Chapter 27:❤️Open Forum
Chapter 28:❤️Jealous Again
Chapter 29:❤️Premiere Night & Party
Chapter 30:❤️Bothered
Chapter 31:❤️Trouble
Chapter 32:❤️Together
Chapter 33:❤️Career or Love?
Chapter 34:❤️Talk
Chapter 35:❤️Dinner Date
Chapter 36:❤️Star Magic Ball
Chapter 38:❤️Bhutan Taping (KathQuen)
Chapter 39:❤️Teleserye Royals Concert P1
Chapter 40:❤️Teleserye Royals Concert P2
Chapter 41:❤️Enchanted Kingdom (JulQuen)
Chapter 42:❤️Lasagna
Chapter 43:❤️The Truth
Chapter 44:❤️I Love You
Chapter 45:❤️Hospital Tension
Chapter 46:❤️Together Again
Chapter 47:❤️Necklace Issue
Chapter 48:❤️I Will Love Him No Matter What
Chapter 49:❤️Is Everything Will Be Okay?
Chapter 50:❤️HeartBreak
Chapter 51:❤️Because of Love
Chapter 52:❤️Moving On
Chapter 53:❤️Let Me Love You
Chapter 54:❤️After 2 Years
Chapter 55:❤️She's Back
Chapter 56:❤️Project Together
Chapter 57:❤️Heavy Rain
Chapter 58:❤️Difficult
Chapter 59:❤️DJ?
Chapter 60:❤️Stuck
Chapter 61:❤️Awkward
Chapter 62:❤️I Still Love You
Chapter 63:❤️What's Next?
Chapter 64:❤️End
Epilogue:❤️The Superstar And The Nurse

Chapter 37:❤️Getting Stronger Relationship

910 22 1
By MissJ14

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Enrique Gil Point of View-

Pagkatapos kong sabihin iyon kay Julia binuhat ko siya ng Bridal Style at ipinasok na sa may bahay nila. I think hindi pa nila ito nilolock dahil wala pa siya.

"Kuya Quen?" Gising pa pala si Patrick at nagbabasa ng libro. Buti na lang. Lumapit naman siya sa akin at tinignan si Julia. "Anong nangyari kay Ate?"

"Ano nalasing kasi namali siya ng inom akala niya kasi juice pero alak pala. Pakituro naman kung saan yung kwarto niya ng maihiga ko na siya oh.

"Cge dito sa itaas" Nauna na siyang umakyat at sumunod na ako. Binuksan niya ang kwarto ni Julia at pumasok ako dun. Nilapag ko si Julia sa may kama niya.

"Kuya Quen salamat nga pala sa paghatid sa Ate ko ah"

"Wala yun. Uhm....pwede mo ba akong kuhanan ng tubig tsaka bimpo?" Tumango na lang siya at lumabas na.

Inayos ko ang pagkakahiga ni Julia. Bakas sa mukha niya ang lungkot imbis na magsaya siya sa Star Magic Ball kanina selos at inis ang naramdaman niya. Nagpapakatanga pa kasi siya kay DJ eh nandito naman ako na handa siyang ipagmalaki.

"Kuya Quen ito na ang bimpo at tubig" Kinuha ko naman iyon.

"Salamat. Cge ako na muna ang magbabantay sa ate mo tapos pagkatapos nito aalis na rin ako"

"Cge Kuya Quen salamat ulit" Naiwan kaming dalawa dito sa kwarto.

Binasa ko yung bimpo at pinunas sa mukha ni Julia para naman mapreskuhan siya mainit rin kasi. Habang dinadampian ko ng basang bimpo ang mukha niya bigla niya itong hinawakan kahit na nakapikit siya.

"Mahal na mahal kita"

Alam kong hindi para sa akin yun kaya hindi ako nag-assume dahil alam kong kay DJ iyon at napagkamalan niya ako na ako si DJ. Napangiti na lang ako ng malungkot. Nahuhirapan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan.

Naalala ko naman yung sinabi ni Kath nung pinapunta niya ako sa Restaurant about sa Plan daw na gagawin niya para mapaghiwalay sina DJ at Julia.

(Quen tulungan mo naman ako sa planong gagawin ko)

(Anong naman yun?)

(Gagawa tayo ng paraan para magkagalit sina Julia at DJ. Nang sa ganun hindi na sila magkakaroon ng communication at hindi na sila magkikita)

(Are you out of your mind Kath!? Bakit ko naman gagawin yun ha!?)

(Para hindi sila magkaroon ng issue Quen. Tignan mo isang issue lang yan paano kung magkaroon pa ng sumunod diba? Pihadong maaapektuhan ang Loveteam namin ni DJ)

Nang maisip ko yun parang may kalahati sa akin na gusto kong gawin yun ng hindi na masaktan si Julia sa mga nakikita, naririnig at nasasaksihan niya kina Kath and DJ. Pero kung gagawin ko naman yun.....

(Diba mahal mo si Julia?)

(Ano naman ang connection ng pagmamahal ko kay Julia diyan sa plano mo?)

(Kung gagawa tayo ng paraan para magkagalit sina Julia at DJ. Magkakaroon ka na ng chance kay Julia. Oh diba ang saya nun)

(Siguro nga magiging masaya ako pero si Julia? Sa tingin mo magiging masaya kaya siya kapag nagkagalit sila ni DJ sa ano mang plano mo na yan? Hindi. Palibhasa kasi Kath sarili mo lang ang iniisip mo. Yang career na pinapahalagahan mo balang araw mawawala rin yan, hindi ka habang buhay na sikat)

Ano kaya kung pumayag ako sa gusto ni Kath? Pero napagisip-isip ko siguro magagwa ko lang ang bagay na yun para hindi na masaktan si Julia kung umabot sa kasukdulan na halos itaboy siya ni DJ para sa career niya kahit mahal niya si Julia baka dun lang ako papayag sa gusto ni Kath na mangyari na malaghiwalay silang dalawa.

Pagkatapos kong gawin ang parte ko dito. Kinumutan ko na si Julia at hinalikan siya sa noo. Umuwi na ako sa amin at pihadong bukas masusuntok ko nanaman yang si DJ.

-Daniel Padilla Point of View-

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip kay Julia. Oo inaamin ko seloso ako kaya hindi ko mapigil na magselos kaya nung nagtanong sa akin si Kiray yun ang sinagot ko napansin ko na parang nasaktan si Julia pero gumanti lang naman ako. Oo si Quen nga ang dahilan kaya kami nagka-usap ulit after a week dahil sa issue pero kailangan ba nilang magsama? Hindi ba kailangan ng kaunting distansiya man lang?

Tinatawagan ko si Julia kagabi hindi naman niya sinasagot siguro dahil nalasing siya kagabi. Naiwan pa nga niya yung award niya sa may Mini Bar kaya ito hawak-hawak ko ngayon at hindi ko alam kung paano ko ibabalik sa kanya.

"Bakit nasa iyo yung award ni Julia?" Tanong naman ni Kath na katabi ko lang.

"Nung nasa Mini Bar siguro siya nung nalasing siya naiwan niya dun kasi pumasok pa ako sa loob"

"Napansin ko galit siya sa iyo kagabi"

"Nakakainis rin kasi si Julia eh alam niya na ngang may relasyon kami sumasama pa siya kay Quen alam naman niya na seloso ako pero go lang siya ng go kapag niyayaya siya ni Quen"

"Eh baka naman may gusto rin siya kay Quen?"

"Hindi, sinabi niya sa akin na kaibigan niya lang si Quen pero kahit ganun pa man nagseselos pa rin ako sa tuwing nakikita ko sila na magkasama kaya kagabi gumanti lang ako"

"DJ!" Bigla namang pumasok sa tent si Quen.

"Oh bakit?" Maangas kong tanong sa kanya.

"Ano nanamang ginawa mo kay Julia at nalasing siya ng ganun ah?" Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. Napatayo naman si Kath.

"Hindi ko alam siguro nagselos siya kay Kath. Eh ikaw bakit kasama mo siya ha?"

"Sinasamahan ko siya dahil wala ka pa DJ. Alam mo kung bakit din siya nagselos? Dahil hindi mo man lang masabi sa iba ang relasyon niyo dahil diyan sa leche mong career na pinagkakaingat-ingatan mo. Ako kahit na sikat ako at kung papayag lang siya sa pag-ibig sa inaalok ko sa kanya kayang-kaya ko siya ipagmalaki di katulad mo!"

"Ano ba! Tama na nga yan!" Sigaw naman ni Kath sa aming dalawa at pumagitna sa amin.

"Ikaw! Ikaw Kath! Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit hindi masabi-sabi ni DJ ang tunay na relasyon nila ni Julia eh! Dahil diyan sa LoveTeam ninyo!"

"Anong nangyayari dito? Bakit nakakarinig ako ng sigawan?" Pumasok naman sa loob si Direk.

"Uhm.....Wala po Direk pinapraktis lang po namin yung lines naming tatlo" Si Kath na ang sumagot para sa aming dalawa ni Quen.

"Ganun ba? Kung namemorize niyo na tayo na sa labas ng makapag-taping na tayo"

Tumango na lang kaming tatlo.

"Alam mo DJ hindi ka tunay na nagmamahal dahil kung mahal mo talaga si Julia kayang-kaya mo siyang ipagmalaki.....Kahit na sino.....Kahit kanino....."

Lumabas na si Quen sa may tent at sumunod na kaming lumabas. Na-speecheless ako sa sinabi ni Quen. Nasasabi niya lang yan dahil wala siya sa posisyon ko mahirap pagsabayin ang career at love lalo na't sikat na sikat kami ni Kath at makagawa lang kami ng isang pagkakamali masisira agad kami sa mga tao.

-Julia Montes Point of View-

Pag-gising ko kinabukasan ang sakit ng ulo ko tapos sabi sa akin ni Patrick nalasing daw ako dahil sa hindi ko alam ang nainom ko nung nasa Star Magic Ball ako. Hinatid nga daw ako ni Quen dito sa bahay at inihiga sa kama. Dinampian pa daw ako ng basang bimpo sa mukha para presko ang pakiramdam ko.

Nung una akala ko si DJ ang may gawa nun pero si Quen pala. Bakit hindi na lang kasi siya ang tinibok ng puso ko? Ba't si DJ pa?

Yung taong hindi ko mahal yun pa ang nag-alaga at nag-aalala para sa akin. Ang hirap kasi kay DJ pinapa-iral niya ang selos niya at hindi niya pa ako magawang maipagmalaki. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya pero habang buhay ba nila lolokohin ang mga Fans nila na may pagtingin sila sa isa't-isa?

Tumawag na ako kay Direk at sinabi ko na masakit ang ulo ko kaya hindi ako makakapasok. Last month na namin kaya 1 week na lang tapos na taping namin at pahinga na kami.

"Alam mo Ate ang sweet ni Kuya Quen noh? Inihatid ka na nga dito sa bahay natin inalagaan ka pa niya para siyang Boyfriend mo"

"Kaya nga eh. Alam mo ba kung anong oras siya umuwi kagabi?"

"Naku! Hindi ate natulog na kasi ako nun eh. Bakit ka ba kasi naglasing?"

"Nagkamali ako ng inom akala ko kasi juice lang pero siguro okay na rin yun para malabas ko yung sama ng loob ko kay DJ"

"Ha? Bakit? Nag-away kayo ni Kuya DJ?"

"Nagkaselosan kasi kami kahapon tapos yung mga sinasagot niya sa tanong ng mga kapwa artista namin na swerte siya kay Kath sobra akong nasaktan at nagselos kaya nainis ako sa kanya. Ngayon nga hindi pa tumatawag eh"

"So anong plano mo ate? Parang pangit naman yata sa isang relasyon na taguan diba?"

"Kaya nga eh. Hindi niya ako maipagmalaki dahil sa career niya lalo na sa LoveTeam nila ni Kath kaya ayun tago tsaka isa pa MU lang naman kami sasagutin ko lang siya kapag 18 na takaga ako"

"Alam mo kung ako sa iyo ate kay Kuya Quen ka na lang kasi I'm sure kayang-kaya ka niyang ipagmalaki kesa kay Kuya DJ"

"Pero mahal ko si DJ"

"Bahala ka Ate kung mahal mo talaga si DJ at ganun din siya sa iyo edi ipaglaban ninyo at panatiliing tago hanggang sa maghiwalay na sila ni Kath sa Showbiz at iba na ang makapareha diba? Malay mo ikaw na pala ang next leading lady niya at pwede niyong ianunsiyo na may pagtingin kayo sa isa't-isa oh diba?"

Para sa akin mahirap yung may tago kayong relasyon lalo na't ilang buwan na lang magiging Official na kaming dalawa. Kahit mahirap, kahit masakit kakayanin ko para sa relasyon naming dalawa.

Buong maghapon nasa kwarto lang ako at nag-iisip ng mga kung anu-anong bagay na pumapasok sa isip ko. Sa buong maghapon ko sa bahay buong maghapon ding hindi nagparamdam nanaman si DJ tulad ng dati after nung issue. Dapat kapag nag-kakaganito kami dapat hindi kami naghihintayan dahil walang mangyayari kaya ako na ang gagawa ng first move.

Calling DJ/Love..........

DJ: Hello?

Ako: Uhh.....DJ?

DJ: Julia? Napatawag ka bakit? (Hindi niya rin ako tinatawag na Love)

Ako: Galit ka ba sa akin?

DJ: Okay fine! Aaminin ko nagselos ako kahapon. Hinahanap kita kasama mo lang pala si Quen tapos nakipag-sayaw ka pa sa kanya. Bakit ka nga pala naglasing kahapon?

Ako: Ako naman kaya ako nagselos dahil nakita kita na may nagpipicture sa inyo ni Kath nakahawak ka pa sa beywang niya kaya niyaya ko si Quen sa ibang lugar dahil ayoko yung nakikita ko. Tapos yung sinagot mo kay Kiray hindi ko nagustuhan tapos naman nun nakipag-sayaw ka pa kay Kath. Niyaya ka niya sa may PhotoBooth sumama ka naman at naiwan ako dun sa table mag-isa.

DJ: I'm so sorry. Julia, sana maintindihan mo ako. Hindi kita kayang ipagmalaki katulad ng sinasabi sa iyo ni Quen na kaya niyang gawin kung sakali na tatanggapin mo siya. Sana maintindihan mo kung nasaan akong sitwasyon. Nag-aaway tayo dahil sa hindi kita maipagmalaki. Julia sana talaga you can understand me promise dadating ang araw na kaya ko na yung gawin pero as of now hindi pa talaga pwede eh.

Ako: Bilang Girlfriend mo cge gagawin ko yan para sa iyo kaya sana yang pinapangako mo sa akin na balang araw maipagmamalaki mo rin ako sana matupad mo yan. Pero hindi ko maipapangako na hindi ako magseselos. Matakot ka kung hindi na ako nagseselos kasi kapag hindi na ako nagseselos ibig sabihin nun hindi na kita mahal.

DJ: Nakakatuwa naman ang Love ko. I love You Love.

Ako: I Love You too Love.

DJ: Oh paano balik trabaho na ulit ako. Wag na wag kang iinom ng mga inumin na hindi mo alam mamaya pala lason yun o gayuma. Cge!

(Call Ended)

Kailangan talaga sa isang relasyon ang pagtitiwala at pagiintindihan. Bulang Girlfriend niya iintindihin ko na lang ang kalagayan niya. Ang hirap magkaroon ng gwapong Boyfriend at sobrang sikat lalo na't parehas kaming artista.

~~~

After 1 Month (October)

"Gusto po naming magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta sa Walang Hanggan simula sa umpisa hanggang ngayon po na nagtapos na ang aming Teleserye. Kung wala po kayo wala rin po ang mga matataas na ratings na nakukuha namin gabi-gabi kaya sobrang salamat po talaga sa inyong lahat"

Nandito nga pala kaming lahat sa may The Buzz. Tapos na ang Teleserye namin na Walang Hanggan kaya nagpapasalamat na kami ngayon sa mga taong sumuporta.

"So may susunod ba na project for Julia Montes and Coco Martin?" Tanong naman ni Ate Toni Gonzaga.

"Actually meron po Movie siya and siguro by December magsisimula na kaming mag-film kasi sa ibang bansa kami magtataping eh tsaka pag-uusapan pa namin yung mga dapat pag-usapan about sa Movie. Bali 2014 na siguro siya ipapalabas" Sagot ko naman.

"Okay! Goodluck sa inyo CocoJul sa inyong Movie at inaasahan namin na maraming tatangkilik sa pelikulang gagawin ninyo. Magbabalik po ang-"

"THE BUZZ!" Pagpapatuloy naman namin.

Tumayo na kami at nagyakapan ng mga Casts. Halos lahat ng Casts ng Walang Hanggan nandito kaya nagyakapan kami naiyak pa nga kami eh kasi syempre sa araw-araw na pagtataping nagkaroon kami ng samahan.

After nun dumiretso na ako sa Dressing Room para magpalit na ng damit. Isang buwan nanaman ang lumipas at nanatiling okay ang MU Relationship namin ni DJ. May selosan kami minsan pero kagaya nga ng sinabi ko kapag wala ng selos na nararamdaman walang ng pagmamahal sa relasyon na iyon kaya ibig sabihin mahal namin ang isa't-isa pa.

Ang PAI hanggang February pa sila so may 4 months pa sila. Hindi ko masyadong sinusubaybayan iyon dahil nagseselos ako sa scene nina Kath and DJ.

Lumabas na ako at uuwi na sana ng makasalubong ko si Quen.

"Julia!"

"Quen!"

"Kamusta? Congrats nga pala sa sucess ng Teleserye niyo ah?"

"Salamat. Anong ginagawa mo dito?"

"Photoshoot sa Garage Magazine"

"Garage Magazine? Pinag-popose ka nila sa basurahang Magazine katulad mo?" Natawa naman siya sa akin.

"Joke ba yun?"

"Hindi nagtatanong nga ako. O cge uuwi na ako" Aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Pupunta nga pala kami sa Bhutan ni Kath sa may October 7 kaya pwede kayo ni DJ na magkita kaso dapat tago ah para walang makakita sa inyo"

"Talaga!? Pupunta kayo ng Bhutan?"

"Oo kaya nga mamimiss kita eh"

"Mamimiss din kita tsaka uwian mo ako ng pasalubong ah? Kahit pandikit lang sa ref o key chain sa bag"

"Oo naman papasalubungan kita kaya cge malalate na ako sa photoshoot. Bye!"

Bukas nga pala meron din akong photoshoot para sa Cosmopolitan Magazine. Pihadong matutuwa si Kath dahil makakasama niya si Quen. Naguguilty ako minsan sa mga naiisip ko sa kanya kasi minsan naiisipan ko siyang epal pagdating kay DJ lalo na nung last month sa Star Magic Ball siguro dala na rin sa sobrang selos ko.

-Daniel Padilla Point of View-

"Hit na hit sa kahit anong Radio Station ang kanta mo na Grow Old With You kahit na October na ngayon. Pero ang tanong sino ba ang babaeng gusto mong makasama sa pagtanda mo?"

Live guest nga pala ako sa 101.9 sa Radio Station pero boses lang ang naririnig nila.

"Syempre ang babaeng gusto kong makasama eh yung babaeng mamahalin ko habang buhay na magkakaroon ako ng mga anak kasama siya"

"Mukhang alam na namin kung sino yan ah kaya hindi na namin tatanungin yan. Nabalitaan namin na pupunta next week sina Kath and Quen sa Bhutan hindi ka ba nagseselos ng malaman mo yun?"

"Hindi po syempre kasi trabaho lang naman yun"

"So habang nagtataping sila dun anong gagawin mo dito?"

"Wala pahinga muna then kapag bumalik na sila dito from Bhutan taping na ulit kasama ako. Maraming magiging kaganapan sa may Princess and I so dapat talagang tumutok ang mga tao"

"Okay mga Kapamilya! Bago natin patugtugin ang ibang kanta ni DJ may one and only last question lang ako sa kanya. Sino pa sa mga Kapamilya actresses ang gusto mong makatrabaho bukod kay Kathryn?"

Napatingin naman ako kay Manager Kim na nakaupo sa may labas nitong kwarto. Glass wall kasi ito kaya nakikita ko siya. Nabasa ko naman sa labi niya ang 'Si Kathryn lang kamo'

"Si Kathryn lang po at wala ng iba pa"

"NAKU! kinilig ako dun ah oh paano hanggang sa muli DJ at maraming salamat sa pag-unlak mo sa aming imbitasyon"

"Salamat rin po"

Pagkatapos nun lumabas na ako kaagad. Buti nga at mawawala sina Kath and Quen for a week it means magpapahinga ako naisip ko nga na buti na lang at wala sila dahil ang pinagseselosan ni Julia wala, ang pinagseselosan ko naman ay wala rin dahil magkasama silang pupunta ng Bhutan para magtaping.

Tinext ko naman si Julia kung nasaan siya ngayon.

To: Julia/Love

Nasaan ka Love?

After 2 minutes nag-reply na siya agad.

From: Julia/Love

Nandito ako sa PhotoShoot ng Cosmopolitan ako kasi ang gagawin nilang Cover Girl eh.

Wow! Ang swerte talaga ng Love ko paano ba naman kasi hindi siya ang gagawin na Cover Girl eh sobrang ganda at sexy.

To: Julia/Love

Bigyan mo ako ng copy ah? Para makita kita na maganda at sexy.

From: Julia/Love

Oo na! Cge na bye muna for now. Talaga bang si Kathryn lang ang gusto mong makatrabaho ha?

Teka diba nasa PhotoShoot siya paano niya narinig ang interview ko sa 101.9 Radio Station?

To: Julia/Love

Paano mo nalaman?

From: Julia/Love

Break kasi namin ng 10 minutes so nakinig muna kami ng radyo dahil may dala-dala ang isa sa mga staff kaya ayun narinig ko. So totoo ba?

To: Julia/Love

Alam mo naman na ikaw yun diba? Tsaka yung babaeng gusto kong makasama habang buhay? O cge na mag-pose ka na diyan. I Love You Love. Wag ka ng mag-reply dahil alam ko naman na ang isasagot mo I Love You Too Love.

Ganito palagi ang gawa namin ni Julia kahit na hectic ang mga schedule namin. Dahil sa ganitong paraan nagiging matatag ang pagsasama namin. Siguro kung may mga dadating man na problema yun ang magiging dahilan para maging matatag kami sa relasyon naming dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
48.5K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
2.8K 352 22
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
1.4M 34.1K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...