Until We Meet Again

By Janztrich

519K 19K 12.7K

Akaizha and Gwen | "we can never be friends" More

UWMA - AGNC book 2
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
Nobela ni Author
XXV
XXVI

IX

15.9K 695 431
By Janztrich

What I feel--I shouldn't show you,
so when you're around I won't;
I know I've no right to feel it--
but it doesn't mean I don't.

-Love and misadventure(by Lang Leav)

Gwen Chloe's Point of View


Chapter 9 - Love sick


Napairap ako nang marinig ang chismisan sa kusina. Nasa hagdanan palang ako naririnig ko na ang usapan nila. Ako yata yun ah.


"Oh," nagtatakang react ni mommy pagsulpot ko. Nagk'kwentuhan sila ng kasambahay namin...or let's say nagch'chismisan nga habang nilalagyan ng hiwa o kung ano mang tawag dun sa ginagawa nila sa hotdog. Ang aga-aga chismis agad, ay.


Ako pa talaga ang topic nila. Specifically, lovelife ko. Always. Mas may paki pa sila sa lovelife ko.


'Huh? Lovelife? Meron ka ba nun, Gwen? Talaga ba?' Oo nga naman, self.


"Good morning," bati ko. Let's pretend nalang na hindi ko alam na ako ang pinag-uusapan nila.


"Good morning, baby."


Ugh, baby? Aysus, porke't pinag-uusapan niyo 'ko?


"Good morning. Ang aga mong nagising ah," puna ni Ate Joy, kasambahay namin.


"Oo nga," segunda ni mommy.


Isabay mo pa ang tinginan nila sa'kin. Para bang nakakita sila ng himala. Himala na nagising ako ng maaga. Alas kwatro palang kung tutuosin at ganitong oras talaga maghanda ng agahan si mommy at si Ate Joy, habang ako? Normally, nine o'clock ang pinakamaaga kong gising, at kapag may pasok inaasa ko lang ang sarili kong paggising kay mommy o kaya'y dito kay Ate Joy. Hindi ko na nga halos matandaan kung kelan ang huling araw na nagising ako ng kusa. Hmm, basta I'm pretty sure hindi ito ang una at hindi rin ito ang magiging huli.


Waking-up early can and cannot be me, pero waking-up so effin early like...what the eff, 4 o'clock?! Hindi alas sais, hindi alas syete, hindi rin alas otso. KUNDI ALAS KWATRO! Himala nga. Naintindihan ko na ang reaction nila. Kahit sinong nakakakilala sa akin ganyan ang magiging reaction. Maging si daddy naunahan ko pang magising. Ihhh, i'm so proud of myself! Tumitili ang kalooban ko.


"May seminar kami."


"Mamaya pa yun ah. Alas kwatro palang, anak. Matulog ka muna ulit."


Talaga ba, mommy? Matulog ulit? Hindi nalang matuwa sa'kin?


"Mommy talaga." Umupo ako sa tapat nila. "Hindi pa ba kayo nasanay sa'kin?"


"Hindi talaga. Ngayon ka lang gumising ng ganitong oras o baka naman..."


"Of course not!" counter ko agad nang may halong pagdududa na ang kanyang tingin. Iniisip niyang hindi ako natulog. "Nagising nalang ako bigla. Maaga kasi akong natulog."



"Lagi ka namang maaga matulog ah, bakit ngayon ka lang nagising ng maaga? Iba yan ah."


So, ano naman? Not a big deal to me, though.


"Anong iba? Si mama talaga. Tulungan ko na nga kayo dyan." Natawa sila. Kinuha ko ang isa pang balot ng hotdog saka binuksan at sinimulang balatan. "Ano nga palang pinag-uusapan niyo?" Segway ko. Oo, ako. Alam ko, hmp!


"Ikaw," mabilis na sagot ni mommy. Hindi man lang nagdeny kahit konti.


"Sabi kasi ni tita baka raw may boyfriend kana. Meron na ba, Gwi?" Ate Joy.



"Wala Ate Joy. Paano niyo naman nasabing may boyfriend ako?"



"Eh girlfriend?" Mommy. Natawang muli si Ate Joy.



"Ma! Wala noh!"



"Guilty? Hahaha."



"I'm telling the truth. Anong guilty?"



"We're just asking, anak. Relax. Hahaha."



Argh. Pambihira. Matulog nalang kaya ulit ako?




Sumimangot lang ako.



"Oh, nagbibiro lang naman kami. Anong oras nga pala ang start ng seminar niyo?"



"Sa hapon pa after lunch pero aalis ako ng maaga. Alas syete. May pupuntahan pa kasi ako. Tapos...ah---mommy," nahinto ako. Naisip ko si Akaizha. May sakit siya kagabi. Nagkalagnat siya. Wala pa naman ang parents niya. Magaling na kaya yun?



Nag-aalala ka?



Hindi.



"Oh?"



"Kapag nagkakasakit ako, usually ginagawan niyo ako ng aroskaldo," usal ko. "O di kaya'y pinagluluto niyo ako ng sopas."



"Oo, bakit? Gusto mo ba? Pwede ka namang kumain ng ganon kung gusto mo, hindi lang kapag may sakit ka."




"Sige, igawa mo nga ako ma. Kahit sopas nalang."




"Okay, sweetie. Bukas ipagluluto kita."




"Ngayon na, ma. Aalis ako ng seven. Dadalhin ko yun. Or pwede namang ganito nalang...turuan mo nalang akong magluto nun. I-guide mo ako tapos ako yung magluluto. Okay ba yun, ma?"




They gasped. I rolled eyes.




Ano na naman ba?




Biglang lumapit sa akin si mommy at niyakap ako, at hinalikan pa ako ng matunog sa pisngi. Natatawa lang si Ate Joy.




"Anong bang meron ngayon at nagkakaganyan ka, nak? Nagmimilagro ka."




Nagmimilagro ampucha.




"Oa, ma. Nagmimilagro talaga? May sakit kasi yung kaibigan ko."




"Sino? Si Rob?" Tanong ni Ate Joy.




"Hindi ate. Hindi tinatablan ng sakit ang taong yun."



"Si Skylie?"




"Hindi rin ate. Basta friend ko."



"Friendly kana ngayon?" Hays. Nakakaoffend talaga magtanong si mommy. Hindi ba ako friendly dati? "Hindi ka naman friendly dati. Si Rob at Skylie lang kaibigan mo." Sabi ko nga hindi.




"Marami akong friends, ma! Marami na akong friends ngayon. Sila ang nakikipagfriends sa'kin."




"Ah," tumango-tango siya at mukhang di naniniwala. "Edi mabuti."




"Ma!" Duda pa siya ah.


"Hahaha, sabi mo kasi dati bilang lang sa kamay mo ang mga kaibigan mo. Ano ba talaga?"




"Bilang pa rin naman. Nag-a-add lang ako."



"At Sino ba 'tong inadd mo?" Nakangising tanong ni Ate Joy.



"May sakit kasi siya."



"Sino, Gwi? Sino?"



Pinagtutulungan ako ng dalawang 'to ah.



"Hindi niyo siya kilala." H'wag niyo nang itanong.



"Alam mo anak. Kung ipagluluto mo ng sopas ang kaibigan mo kasi may sakit siya, isa lang ibig-sabihin niyan," sabi ni mama. Itinuon ko ang atensyon ko sa kanya. My mother knows best.



"Ano ma?"



"Nagmimilagro ka."



Pota.


Napapokerface ako.



"Ang aga-aga may topak ka, ma!"




Tawa sila ng tawa. Ang ingay nila, lalo na si mommy na nagsisimula palang ang araw napasaya ko na agad dahil lang sa pangb'bwesit sa anak.



___________



"Bye, dad. Alis na po ako." Paalam ko kay daddy na naglilinis palang ng sasakyan.



Wala naman yata silang pupuntahan ngayon ni mommy or gagawin. Babe time, babe time lang dito sa bahay ayieee hahaha.



"Ah, teka, nak..." hindi niya alam ang sasabihin. Natawa ako. Hahaha, ang cute ng daddy ko. Palipat-lipat siya ng tingin sa'kin at sa sasakyan. Akala niya siguro magpapahatid ako. "Naglilinis palang ako ng sasakyan, nak. Hindi mo naman---!"




"Dad, okay lang, magc'commute ako." Panic mode agad siya hahaha.





"Commute na naman? Bakit hindi mo gamitin ang sasakyan mo para naman makatipid ka."




"Dad, tanong niyo sa gasolina baka naman. At saka nagagamit naman ni mommy yung car ko. Sanay na kasi ako eh, ng wala siya," sabay bulong sa huling linya hahaha. "Sanay na ako magcommute. Sige na dad, aalis na po ako."




Napapalatak siya sabay iling-iling, "Hay nako, Chloe. Mag-iingat ka ah. Nagpaalam kana ba sa mommy mo?"




"Yes, my dad." Sumaludo ako at nagflying kiss na rin sabay tawa ko. "I love you."




"I love you. Umuwi ng maaga."




Natawa lang ulit ako. Minsan lang niya ako paalalahanang umuwi ng maaga e, hahaha.



I check my phone paglabas ng gate. Alas otso na.




Dapat alas syete ako aalis ng bahay, hindi ko alam kung anong nangyari at alas otso na ngayon. Hindi pa ako nakapagdala ng sopas dahil wala palang ingredients dito sa bahay kaya hindi rin makakapagluto. Isabay mo pa ang pangungulit ni Ate Joy at mommy tungkol sa kaibigang binanggit ko. Sumikat lang ang araw hindi man lang nila ako napaamin. Strong, hahaha.




Napailing ako nang makasakay ako sa taxi. Nabungaran ko lang naman kasi sa phone ko ang sunod-sunod na text ni Akaizha nang buksan ko ang inbox ko.



"May sakit ba talaga ang isang 'to?"




H'wag ko nalang kayang puntahan? Puro sweet pinagsasabi, brrr.




Nagtype ako at nireplyan siya.




"Saan tayo ma'am?" Tanong ng driver na hindi ko naman naintindihan. Pangalawang beses na niya 'to. At hindi pa pala kami umaalis.




"Ho?"




"Okay lang ba kayo, ma'am?"



"Oo kuya."



"Tulala kasi kayo. Sa'n ba kayo, ma'am?"



Ay, pucha! Oo nga 'no. Sa'n nga ulit ako? Pota, sudden amnesia.




"Dito kuya," pinakita ko ang address na nasa phone ko. Hindi ko alam kung saan ang eksaktong location nito. Marikina ba 'to o sa Pasay?




Noong inihatid ko siya sa kanila noon. Wala akong kapakipaki kaya hindi ko alam kung anong lugar ba yung napuntahan ko at kung tagasaan siya. Paano ko naman nakuha ang address niya? Kay Samantha. Tinukso pa nga ako bago ibinigay sa'kin ng dragona na yun.



"Tara na kuya."




Sakto naman ang biglang pagtunog ng phone ko.



(Unknown number is calling....)



Napabuntong hininga ako.




Hayup. Nagpalit na naman ba sila ng number? It's either si Rob o si Sky lang naman 'to. Sila lang ang kilala kong papalit-palit ng sim tapos tatawagan ako para lang sabihin na, 'besh, new number ko. Save mo'. Gago di ba? Pwede namang i-text nalang.




Sinagot ko.




"New number?" Inunahan ko na. Pinikit ko pa ang mga mata ko. Isang walang kwentang tawag na naman.




Ang hilig magsayang ng load ng mga punyetang 'to.




"No, it's not. It's me, wife. Good morning."




What? Napamulat ako.




Hindi ako nakareact agad. Inisip ko muna kung tama ako ng narinig.




"Wife?"




My eyes widened. Napabalikwas ako at napaayos ng upo.



"K-Kiara?"




"Yes, wife. How was your sleep?"




"San mo nakuha ang number ko?" Sa halip ay tanong ko. Private much kaya 'tong number ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla akong makaramdam ng kaba. Bakit na naman ako kinakabahan?




"I have my ways basta sayo, wife." Bakit ganon ang boses niya? May sakit ba siya o bedroom voice yun? Bedroom voice amp. "Bakit ka umuwi ng maaga kahapon? Nag-alala ako. Bumabagyo pa naman. Nagkasakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo, wife? Uminom ka ng gamot at kumain ka kahit konti lang if wala kang gana." Sunod-sunod na sabi nito na ikinatawa ko.




Aww, worried naman siya masyado.




"H-hindi. Okay lang ako."




I heard her sighed.




"That's good to know." Mahina ngunit malambing ang boses niya. Feeling ko nga paiba-iba eh. Nagiging husky tapos sweet tapos iba na naman. Ako lang talaga 'to. Ang weird ko.




(Silence...)




Wala na akong masabi. End of conversation na agad. Ganito ako kaboring kausap.




Saan kaya nakuha ng babaeng 'to ang number ko? Kelangan ko na rin sigurong gayahin si Skylie at Rob. Magpapalit na rin ako ng number.




"Wife?"




Wife. Wife. Wife.




Wala na rin namang pagtutol sa loob ko. Kahit naman sabihin ko ng paulit-ulit sa taong 'to na h'wag akong tawaging ganon...pero ipinganak yata siya ng makailang beses. Ayaw makinig. Ang magandang paraan, hayaan nalang. Ngunit ang inaalala ko, ang magiging malisya ng ibang tao. As much as possible ayaw ko ng isyu. Umiiwas ako sa tsismis. Mommy ko lang at si Ate Joy ang may karapatang pagchismisan ako. Ayaw ko rin pagkaguluhan at mas lalong ayaw ko ng eskandalo.




"Wife, still there?"




Tumikhim ako, "Oo."




Natahimik muna sandali sa kabilang linya.




"Wife?"




"Hmm?"




"May sakit ako and thinking I won't be able to see you today...is making me feel more even weaker." Kaya pala ganon ang tono ng boses niya kasi may sakit talaga siya. "Wala ako sa seminar later. Although, hindi naman talaga ako kasama," tumawa siya ng mahina. "Gusto lang talaga kitang makita. Sorry ah. Sorry kung lagi mo akong nakikita. It's just that...you are my happy pill. Ikaw rin ang bumubuo ng araw ko. Sorry rin kung nagulat ka nang sabihin ko sayo na mahal na kita, pero wife, mahal na talaga kita. I know hearing this is making you uncomfortable pero I want to be vocal about it. You are worth of this love."



Napahawak ako sa noo ko. Magkakalagnat na rin yata ako. Hindi ko na naman alam ang sasabihin ko. Nakakaspeechless.




Mas lumakas lang ang tibok ng puso ko. Whyyyy?!





"W-wag kanang pumunta," basag ko sa awkward atmosphere na nararamdaman ko. Ang layo ng sagot ko halatang umiiwas. "Just rest and get well. Ano ba kasing ginawa mo bakit nagkasakit ka?"




"Asdfghkl."




"Huh?" Ano raw?




"Sabi ko dahil sayo."




"Huh? Bakit ako?"




"Joke haha. I'm just kidding, wife. Wala 'to." She faked a laugh again.




Magpinsan talaga sila. Pareho silang may sakit. Pinsan goals.




"May sakit din si Akaizha. Magpinsan nga kayo," I chuckled. Wala sa sariling nasabi ko yun.




"Oh."




Hayy, hindi talaga sila bati.




"Sige na, magpahinga kana diyan. Pagaling ka."




"Do you care?"




"Ano?"




"Do you care for me?"





Ano raw? Ano na naman bang tanong 'to? Ang hirap sagutin ng mga tanong niya, feeling ko ang bobo ko. Kung exam lang 'to, bagsak na ako.




Hindi ako nakasagot agad. Syempre, umiiwas na sagot na naman ang ibinato ko.




"Magpahinga kana diyan. Ibaba ko na 'to ah?" Hindi ko alam ang isasagot dun. May sagot ba dun?




"How about my cousin? Do you care for her, wife?"





"Umm..."




P*tanginang tanong yan. I quit. Yes or no lang naman pero...basta.




"M-may gagawin pa pala ako. Bye."




Nayakap ko bigla ang bag ko nang maibaba ko ang tawag. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kabadong-kabado ako.



Shit!



Tangina, bakit ganito ang nararamdaman ko?




Kiara's Point of View

She hungs up.



I gasped on a fake laugh. Yea, she cares. It just that...not to me but, for my cousin.



"Gusto ko siyang makita."


Pinilit kong bumangon pero mas lalong sumasakit ang ulo ko. Masakit din ang buong katawan ko.



"Fuck!" I groan. Trangkaso na 'to. "Eze!" Tawag ko sa kapatid ko.



Damn it. I need to get up here.




"Why ate? Uuwi na ako." Napairap ako. Pumunta lang talaga siya rito sa condo ko para magpaluto at makikain.




"Help me out."




"Okay," parang bata niyang sagot. Lumapit siya at inalalayan ako. "Wait," natigilan siya.




"What?"




"You're hot!" Alam ko. Kinapa niya ang noo ko. "Oh fuck, you're sick! You're sick, ate! What did you---!" Binatukan ko nga. "Ouch. What was that for?!"




"Wag ka ngang magpanic, kalalaking tao. Lagnat lang 'to. Okay lang ako."




"But you're---"




"I'm all right. Tulungan mo ako."




"No, ate. Stay here and rest. I'll cook something for you. Mamaya nalang ako uuwi."



Napasinghap ako. Cook something? "Don't bother. Baka mas lalo lang akong magkasakit sa lulutuin mo. Umuwi kana." Sinubukan ko ulit bumangon. Napakabigat ng pakiramdam ko maging pati ang katawan ko'y hinang-hina. Ugh. Napahiga lang ulit ako. Hindi ko kaya.




"Tsk. Take a rest. Mahihilo ka lang."




Argh, my head. Nasapo ko ang noo ko.




"Uminom kana ba ng gamot?" Tumango lang ako. Nagmulat ako ng mata at tumingin sa kanya.




"Mabait ka naman pala kahit papano," sabi ko. Akala ko puro kapasawayan lang ang alam niya.




Noong nasa Texas kasi siya, puro reklamo lang mula sa pinapasukan nitong school ang natatanggap ng parents namin. Lagi siyang nasa detention. Nagsawa na lamang si mom at dad sa kasasaway sa kanya kaya naman ngayon ipinatapon dito at ipanasa sa'kin ang responsibilidad. Nauna lang umuwi rito sa Pilipinas si Akaizha at sumunod na rin agad siya. Sana naman tumino na 'to rito. H'wag niya lang talagang subukang magpasaway.




Umupo siya sa edge ng kama ko.





"May sakit din si Ais," sabi niya, referring to Akaizha.

Hindi ako kumibo. Alam niyang ayaw ko siyang pag-usapan. Hindi ako interesado.




"Bakit ba ayaw mong makipagbati sa kanya?"




Bakit nag-aaway ba kami?




"Hindi ako galit sa kanya, Ezekiel. Siya ang galit sa akin."





Hindi kami magkagalit dahil siya lang naman ang galit sa akin. Sinubukan ko naman siyang kausapin noon para magpaliwanag ngunit masama talaga ang loob niya sa'kin. Ayaw niya akong pakinggan. Tapos ito kami ngayon, natatakot ako na maulit ang nangyari dati na alam ko namang mali ako. Dapat umiwas ako. Dapat pinigilan ko, hindi na sana nangyari. Ngunit, sa pagkakataong ito, malaki ang posibilidad na mangyari ulit. Handa ba ako? Handa ba akong magparaya para lang sa pinsan ko? Para lang magkaayos kami?




Masyado nang malalim ang nararamdaman ko kay Gwen. Takot na akong pigilan pa 'to. Huli na.




"I think kung mag-uusap kayo, pwede na kayong magkaayos. Wala na sila ni Brent di ba? At wala na siyang pakialam sa lalaking yun."





"I don't think so, Eze. May iba na siyang mahal and that's the problem here." Iisang tao lang ang gusto namin. "Malamang iniisip na niyang malandi ako," I chuckled.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong niya.




"Nevermind." Dati palang iniisip na niya sa'kin yun.




"Ugh. What is it?!"




"Wala nga."




"Babae ang gusto ni Ais, okay? Alam ko yun."




Natawa ako dahil he sounds like siya lang ang may alam nun, hahaha. "Alam ko rin yun."




"And her name is Chloe."




"Yes. I know. Si Gwen."

"No, Chloe."




"Yea, right."




"Cause you said, Gwen."




Natawa ulit ako. Pasikat talaga 'to. Gusto niya siya lagi ang nakakaalam ng lahat.




"Gwen Chloe, that's her name. You don't know?" I smiled wickedly. "Now you know."




"Whatever. Like it's so big deal, 'cause it's not," sabay irap.





Hahahaha.




"She's pretty," he said.




"Sino?"




"Chloe. And...oh! Nakatabi ko siya kahapon doon sa stadium. Yes, I remember," tumango-tango siya while thinking of it. Ngumiti pa. Magkatabi nga sila kahapon. Nasa entablado ako kaya alam ko. "Then, I saw her again after that when I visited Akihiro. Hinatid niya si Ais. Doon ko nalaman na siya pala si Chloe, yung katabi ko kahapon. Damn, ang ganda ganda niya. Kaya pala gusto siya ni Ais. Great taste, though. Magaling pumili ng babae ang pinsan natin, man."




"Hinatid niya si Akaizha?"




"Ahuh. Nilalagnat kasi kahapon si Ais."




"And?"




"And wala pala si Akihiro. They went to province with tita and tito. Siguro bibisita nalang ulit ako---"




"I mean si Gwen. Umuwi ba siya agad?"



"Uh...no? Ais introduced me to her. Then...umm, what else...hmm," Nag-isip pa siya. Ugh, this jerk. "Gosh, how can a girl be so simple and gorgeous at the same time?" Absolutely. "She's---okay, don't you dare to tell it to Ais but, Chloe is my kind of girl. You know...she's cool and---whatever. How lucky I am that you two are not in good terms. Ais is so goddamn lucky. I want to be Ais," he pouted.




Kung alam mo lang, Eze. Gusto ko rin ang gusto niya kaya wag kanang dumagdag.




"You're not answering my question. Umuwi ba agad si Gwen?"




"Yes pero hindi naman agad-agad. Nagpatila pa siya ng ulan. Bakit ba?"




"Wala."




Iniisip ko palang nagseselos na ako. Selos na selos ako. Alam ko naman na hinatid siya ni Gwen. Sinundo pa nga siya sa school. Alam ko dahil sumunod ako, sinundan ko si Gwen. Sana nga hindi ko nalang ginawa dahil nasaktan lang ako sa nakita. Kung paano mag-alala ang babaeng gusto ko sa pinsan ko. Kung paano niya ito niyakap ng mahigpit. Kung paano inalalayang pumasok sa sasakyan. Kung paano niya ito tignan. Para bang...para bang...may nakaraan sila.




Ang sakit. Wala akong magawa kundi ang umiyak. That's the reason kung bakit may sakit ako ngayon, hinayaan kong mabasa ako ng ulan. Nagrerebelde ang puso ko sa sakit na nararamdaman at nakiayon naman ang katawan ko. Nagpakabasa ako sa ulan. It felt really good. Malamig tapos masakit.




May sakit ako ngayon, Gwen. Nag-aalala ka ba sa'kin kahit man lang konti?



Akaizha's Point of View

"Yes, mom. Take care. Yeah, I'm all right. I love you too. Bye."


I ended the call with mom. Bukas pa ang uwi nila galing probinsiya. Hindi niya pa alam na may sakit ako ngayon, hindi ko rin sinabi dahil baka magpanic lang silang dalawa ni daddy doon at baka umuwi agad ngayon. Nag-iisang babae lang naman kasi ako kaya takot na takot sila. Super oa nila pagdating sa'kin like damn, super duper over protective.



I think I'm feeling better na rin naman pero mabigat pa rin ang katawan ko, mas malala nga lang kagabi. Ang swerte ko lang dahil magaling mag-alaga ang yayas ko. Hindi nila ako pinabayaan. And also my girl. My girl who's until now...hindi pa rin ako nirereplyan. Pagkatapos niyang magpakasweet sa akin kahapon, ngayon naman kasing lamig na naman siya ng yelo. Walang good morning text, walang hi, walang hello. Nakakatampo.



Ayaw kong isipin na napipilitan lang siya sa'kin kaya siya ganon.

Ano kayang ginagawa niya ngayon?



I tried to dial her number, pero out of coverage. Pang-apat na beses kong pagdial, it rangs but, she didn't pick-up. May kirot na naman sa puso ko. I'm so sensitive like, even this smallest thing can hurt me. Hindi niya lang ako pansinin, nasasaktan na ako. Gusto ko ng atensyon niya. I'm craving of it badly.



Nagreply naman siya sa text ko pero simpleng 'oo' lang. I asked kasi kung may seminar sila ngayon, eh bumabagyo kaya. Sa dami kong sinabi, sunod-sunod pa, dalawang letra lang ang reply niya. Nakakainis! Hindi pa ako binati man lang. Oo, that's it?! Tamad ba siya?




Sa sobrang pagtatampo ko, nagtext pa rin ako. Ito talaga ang nakakainis, hindi ko siya matiis. Kahit pa hindi niya ako kayang replyan o hindi i-text buong araw, i-r'reach-out ko pa rin siya. I wanna make sure na okay siya at walang lumalandi sa kanya. Sigurista kasi ako. Ang sakin ay dapat sakin lang.



Nagtype ako ng message, 'Ingat ka later. I-update mo ako, pls. Ayaw kong may mangyari sayong masama.' And sent it.




Ugh, I feel sick again. Hindi ko siya makikita tapos hindi ko pa makausap. Ayaw niya talaga akong kausap. Paano ako gagaling nito?




Kalandian mo Akaizha, ghad.




Ayaw kong maging nega. Pero kasi...hindi ko mapigilan. Especially right now, umaali-aligid ang magaling kong pinsan. The nerve of that bitch. Lahat nalang ng sa'kin gusto niya rin. Kelangan lagi kaming share? Ano siya, siniswerte?




"Yaya!" Tawag ko when I heard the doorbell.




Nasa living room ako ngayon, balot na balot pa. I brought the comforter with me pagbaba ko kanina galing sa kwarto. Nilalamig pa rin ako. Buti nalang suspended ang klase ngayon, makakapagpahinga ako. Kung may pasok man ngayon, I would like to. Wala akong gagawin dito sa bahay kaso masama pa rin ang pakiramdam ko.




"Bakit iha?"




"I think may tao sa labas. May nagd'doorbell."




"Talaga?" She noticed my phone. "Paano ka gagaling niyan? Selpon ka ng selpon," pangaral niya muna. Kinuha niya ito at itinabi. Ngumiti lang ako. Yaya talaga.




Tumunog na naman ulit ang doorbell.




"Ya, may tao sa labas. Si Keyl siguro yun."




"Oo, ito na nga. Pumunta kana dun sa hapag. Nakahanda na breakfast mo."




"Nagluto ka ng noodles, ya?" I asked her to cook me some kasi. Noodles lang ang hinahanap ng panlasa ko. Hindi ako makakakain ng ibang food for now.




"Oo, iha. Naglugaw rin ako."




Lumabas na siya kaya pumunta na rin ako ng dining area dala-dala pa rin ang comforter ko na sumasayad na nga sa sahig. Nakapatay na nga ang aircon pero ang lamig pa rin. Ang lakas naman kasi ng hangin sa labas and it seems like uulan na naman ng malakas. Heaven. Ang sarap matulog.




"Good morning, Yaya Eli." Bati ko sa isa ko pang yaya. The other one is Yaya Ben.




"Good morning, Ais. Kain na. Kumusta ang pakiramdam mo? Nilalamig ka ba? Dala-dala mo pa comforter mo," and she giggles.




"Yes, ya." I made a sad face.




"Kumain kana para makainom ka ng gamot. Nako, mag-aalala yung mommy at daddy mo kapag naabutan ka nilang ganyan."




"Sure yan, ya. Pero bakit ang dami naman nito?" Akala ko lugaw and noodles lang? "This is too much. Hindi ako mahilig sa prutas, ya."




"Ano ka ba, kelangan mo yan. Kung nandito lang ang magulang mo, hindi lang yan ang nakahanda rito. Baka puno itong lamesa."




She's right.




"May bisita ka, iha." Yaya Ben from behind said.




Nakangiti akong lumingon. Akala ko si Keyl pero nawala ang ngiti ko nang makita ang kasama ni yaya.




Bakit ang emotional ko pagdating sa kanya?!




Bigla akong naging teary-eyed.




Bumilis ang tibok ng puso ko. Literal na nawala ang ngiti ko dahil nahihikbi na ako and I'm already biting my lower lip. I suddenly felt happy.




"Good morning," she smiles.




Tumayo ako at tumakbo palapit sa kanya. Dinamba ko siya ng mahigpit na yakap na muntik pa naming ikatumba. Ang alam ko nagkita naman kami kahapon pero bakit miss na miss ko siya. Bigla na lamang akong umiyak while hugging her. Nakakahiya. Nakakainis.




"W-why are you here?" I managed to ask while sobbing.





"Ba't ka umiiyak?" Natatawa niyang tanong. Pinipilit niyang lumayo at tignan ako sa mukha pero mas lalo akong yumakap ng mahigpit. Nahihiya na ako.




"H-hindi mo kasi s-sinagot yung call ko. I...I thought..," I kept sobbing na parang bata. "I thought hindi tayo magkikita ngayon."




"Kaya nga ako nandito para magkita tayo."




Napangiti ako. That sounds so sweet.




"You miss me too?"




"May lagnat ka pa rin," she said. Napasimangot ako. Hindi niya sinagot ang tanong ko.




Tuluyan na siyang kumawala sa yakap ko. Panay naman ang pag-iwas ko ng tingin. Pula na nga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak, pula pa ang pisngi ko sa hiya. I don't know the reason why, pero nahihiya talaga ako. Natatawa niya lang akong tinignan.




"Anong nakakatawa?" Pagsusungit ko.



"Ang ganda mo pa rin," inayos niya ang buhok ko.




Napakagat labi na naman ako. Ang bilis kong kiligin, damn it.




"Ehem. Lalamig na ang pagkain."




Sabay kaming napatingin kina yaya na nandito nga pala. Nakangiti sila ng mapanukso. Well, may ideya na siguro sila na itong babaeng 'to ang madalas kong ikwento sa kanila. Lagi ko kasing ikinukwento si Gwen sa kanila noong nasa Texas palang kami. Alam nilang gusto ko siya. Alam nilang babae ang gusto ko. Okay lang naman sa kanila lalo na kay Yaya Ben dahil may anak din daw siyang gay at tanggap niya rin.





"Yayas, this is Gwen Chloe. You knew her, right?" Palihim akong kumindat. Nagkatinginan naman sila at ngumiti, at tumango rin. "Baby, they are my yayas. Siya si Yaya Eli ko, and Yaya Ben ko."




Tumingin muna siya sa'kin dahil sa pagtawag ko sa kanya ng baby, hahaha. Nagkibit-balikat lang ako. What? You're my baby. You're mine.




"Good morning. Nice to meet you po."




Nagfake cough silang dalawa ng paulit-ulit habang nagpipigil ng ngiti. I can see na kinikilig sila haha.




"Ate Ben, may tb na ata ako," sabi ni Yaya Eli.





"Ako rin, Eli. Paconfine muna tayo sa ospital sandali, iwan muna natin sila rito." Hinila ni Yaya Ben si Yaya Eli paalis. Natawa ako sa kalokohan nila. "Iha. Bantayan mo yang alaga namin ha, baka hindi kumain. Ikaw munang bahala sa kanya," bilin niya pa kay Gwen.





"O-opo," naguguluhang sagot niya naman. At nang makaalis...agad itong humarap sa'kin, "May tb silang pareho?"




I burst out in laughter, "Hahahaha, did you really bite that? Syempre wala. They were just teasing us."




"Ah. Ang harot mo kasi eh," bulong niya.




"Gusto mo naman," I chuckled. Hinila ko siya paupo. Nagbalot ulit ako ng comforter. "Alam mo masaya akong makita ka ngayon pero malakas ang hangin sa labas. Sana tinawagan mo nalang ako, sa phone nalang tayo nag-usap kesa may mangyari pa sayo. Delikado ngayon. Ang layo pa ng binyahe mo," lintaya ko and I realized that she's staring at me and smiling.




Touch na touch tuloy ako na pinuntahan niya ako rito. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Nawala lahat ng bad vibes and negatron ko sa katawan earlier.




"Nilalamig ka ba?" She asked. I nodded.





"Kumain kana ba? Sabayan mo akong kumain, boo."





"Kumain na ako sa bahay," kinuha niya ang noodles ko. "Subuan na kita. Ito munang sabaw para mainitan 'yang tiyan mo."




Ang sweet naman nitong baby boo ko. Sala sa lamig, sala sa init, hahaha.




Darn it. God, walang katapusang kilig. Hindi ko na kelangang uminom ng gamot. Magaling na ako.




"Hoy!"




"Huh?"




"Natulala kana diyan. Nakangiti ka pa. Dali na. Say ahh..." sabay tawa nito pagkatapos akong subuan. "Masarap ba?"




"Yes. Basta ikaw ang nakikita ko, lahat ng kakainin ko masarap."





"Para kang sira. Bakit naman?"




"Naiimagine ko kasing ikaw ang kinakain ko," sagot ko agad na nagpaiba ng mukha niya. Nabitiwan niya pa ang kutsara. Tawa lang ako ng tawa. "Joke lang babyboo hahahahaha. You should've seen your face, hahahaha."




"N-nakakatawa."



"Joke lang," I pout.




"Ganyan ka pala kapag may sakit 'no? Ang laki ng saltik mo."




"So, may saltik ako?" Pagtataray ko.




"Maganda pa rin naman, di ba? Hahahaha."




Nahampas ko tuloy siya sa braso.




Asaran lang kami ng asaran hanggang sa maubos ko ang noodles at ang lugaw na niluto ni yaya. Paminsan-minsan bumabanat ako pero parang wala lang sa kanya, although namumula siya, hahaha. Pinilit niya rin akong kumain ng prutas. Hindi naman ako makatanggi. Hindi ko siya matanggihan. Pinainom niya rin ako ng gamot. Ang sweet sweet niya at ako naman itong mamatay na sa kilig dahil lang sa mga simple gestures niya. Ang harot-harot ko sa kanya. And I really feel so comfortable like I never been before. Hindi ako naging ganito sa kahit na kanino dati, kahit kay Brent.




"Boo, may itatanong ako." Nakaupo siya sa kama ako habang ako nakatayo. Dinala ko siya sa kwarto ko dahil uuwi na siya mamaya, so I asked her to stay kahit sandali lang.




"Ano yun?"




"Sinong first kiss mo?"




"Huh?"



"Sinong first kiss mo?" Ulit ko.



"Huh? Bakit?"



"Gusto ko lang malaman." Gusto ko lang inisin ang sarili ko.



"Ano..." pero parang ayaw niyang sagutin.



"May first kiss kana ba?"




"Uh...para sa'kin...wala pa."




"Wala pa?" Tumaas ang kilay ko. "But, your bestfriends told me na kinasal ka three months ago."




"Hindi yun totoong kasal," depensa niya. "Booth lang yun. At saka hindi ko yun kinoconsider as first kiss."




"Why?"





"Hindi ko naman kasi kilala."




"My cousin, isn't she?"




"Kahit na."




"So, what would you consider as first kiss?"




"Syempre sa taong nakikita ko."



Ngumiti ako.




Tinanggal ko ang comforter na nakabalot sa akin at hinayaang bumagsak. Napasunod naman siya ng tingin doon bago muling tumingin sa'kin. I witnessed how she stiffened on her seat. Lumapit ako.




I lean down para pantayan ang mukha niya.




"Would you consider me as your first kiss kapag hinalikan kita ngayon?"




Nagkatitigan lang kami. Hindi siya sumagot. Napangisi ako nang makita siyang napalunok when I started to run my sight down on her lips.



It's a yes, then?




Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. I lift her chin at agad kong inilapat ang labi ko sa kanya. Feeling her sweet, thin, and natural pinkish lips. Wala akong natanggap na pagtutol. I closed my eyes and started to move. I bit her lower lip.




Feeling her lips into mine feels goddamn right, but why does it feels like there's something wrong? I continue to kiss her gently and yet, she's still not responding kaya inihinto ko na. Idinikit ko ang noo ko sa kanya.




You know what's right?




Telling her this.





"I love you," I whispered.




Tbc.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 40.9K 50
Thin line between Lust and Love.
5.1M 79.3K 50
Simpleng Psychology student lang naman si Genesis eh. She took up that program kasi gusto nyang tulungan yung mama nya sa psychological clinic nila...
10.1K 807 6
She was fine . . . or that's what she thought all along.
4.2M 92.7K 48
"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table...