Spoken Word Poetry

Por yonzehhh

41.3K 294 7

Ang mga tulang mabubuo, tatagos saiyong puso Más

Almusal
Kitang-Kita
Napakatalino mo
Tandang Sora
Pansamantanga
Paglaho
Chamba
Panakip-butas
Lahat
Kung maghahanap pa ang iyong puso
Makakalimutin
Ako lang. Wala nang iba
Dati
Suko
Bilibid
Para sa mga nakaraan
Ikaw talaga
Sinag
Tayo na
Huwag ako
Kaya ko pa
isa kang paa
Para sa mga paalamanan natin
Ako nalang. Ako nalang ulit
Sisimulan ko na
Kilalang-kilala na kita
Pangungusap
Sana
Hindi ka isang panaginip
sa wakas
Hindi kita kailangan
Nandun ka
Garapon
Hindi kita mahal
Bagong salta
Sana pakinggan mo na ngayon
The masarap sapakin na breezy conyo
Kung ipipinta siguro kita
Kutsilyo
Perpekto
Hanggang Finals
Bagong Sarili
Babae, Maganda ka
Dear Puso
Kabibe
Ligtas ka
Eksam
Unan, Dingding at Hangin
Lasing
Kapag sinabi mo
Turok
Mababaw lang ako
Lunod
Sapat na
Ganito pala
Multo
Pangalan
Buhok, Buto, Balat
TIWALA
Isang open letter para kay Tadhana

Ang Pinakamagandang panahon

1.4K 16 0
Por yonzehhh


Ito na ang pinakamandang panahon para sumulat ng tula
Sa oras na kung saan ay madalas kausap kita
Sa ilalim ng buwan na dati nating tinatanaw
Habang unti-unting nanginginig ang ating mga panga nang dahil sa kaba at nang dahil sa ginaw
At kahit nasa harap na natin ang malawak na kalangitang nakamamangha
Ay mas namamangha pa rin ako kung paano nilikha ng Panginoong Diyos ang bawat pulgada ng iyong mukha

Ganito yung mga panahong hindi manguya ng aking utak ang makunat na katotohanang napakarami nating pagkakatulad
Ganito rin yung mga panahong gandang-ganda tayo sa ating mga pagkakaiba
Ganito kaginaw noon nang magkwentuhan tayo ng ilang libong madudugong giyerang ating pinagdaanan
Noong mahangin na panahon kung saan sa bawat pag-ihip ng salita mula sa ating mga bibig ay kay rami nating natututunan

Ganito kalamig noon nung sinakluban mo ng init ang giniginaw kong mga kamay
Noong ang mundo na tila ay isa nang malamig na bangkay ay binigyan mo ng isa pang pagkakataon upang muling mabuhay

Ito na ang pinakamagandang panahon para sumulat ng tula
Kung saan pareho ang ginaw at pareho ang itsura ng kalangitang nakamamangha
Sa unang linya ay gagamitin ko ang iyong mga letra

"Gustung-gusto din kita"

Ito kasi yung sinabi mo sa pinakatamang malamig na panahon
Sa bandang dulo ay ikukuwento ko na lang siguro

Kung gaano ka na rin kalamig ngayon.

Seguir leyendo

También te gustarán

3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1.3K 151 37
Madalas, may mga salitang hindi masabi ng bibig hanggang sa hindi na ito maiparating. May mga pangungusap na hindi maiusal ng bibig kaya't habang buh...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...