MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1

By jhuennstorm

1.8M 55.7K 5.1K

Gwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova... More

PAALALA ni Jhuennstorm
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Book 2
Valentines Special Chapter
^_^

Chapter 16

37.1K 1.3K 66
By jhuennstorm

[Ella Marie's P.O.V.]

Ito ang araw na pinakahihintay ng lahat ng mga estudyante sa weibford university. Ngayon na kasi gaganapin ang pageant at karamihan sa mga estudyante ay excited malaman kung sino ang mananalo. Bukod do'n ang pinaka-excited sa lahat ng ito ay si Mommy, kahapon pa lang nandito na siya para paghandaan ang event na ito. Kung noong mga nagdaang araw hindi sila sumama sa'kin para suportahan ako sa mga pictorial at practice, ngayon silang dalawa ni Daddy ang kasama ko para sumuporta sa'kin, napapataas kilay na lang ako sa kanila dahil pinaghandaan talaga ni Mommy ito, mas mahal pa yata ang mga suot kong gown sa prize ng mananalo, pero hindi iyon alintana ni Mommy dahil ang mahalaga kay Mommy ay ang makuha ko ang titulo ng mananalo, iyon kasi ang pangarap niya.

"Jovel, Ayosin mo ang buhok ni Ella, Trisha! Siguraduhin mong maganda ang pagkakamake up mo kay Ella Marie.. Ella, wag kang sumimangot. Blah! Blah! Blah!"

Hindi pa nga nag-uumpisa ang pageant pero stress na ako kay Mommy dahil sa boses niyang maraming reklamo at opinyon, sa tatlong taong nag-aayos sa'kin habang nakaupo ako. Feeling ko kapag natapos ito ibang tao na ako. Kung ano-anong pinaggagawa sa'kin mahigit isang oras na akong inaayusan.

"Mommy, masyado na yatang sobrang paghahanda ang ginagawa natin. Hindi naman ito contest para sa Miss Universe." Reklamo ko.

"Jovel, medyo itaas mo ng konti ang pag-curly ng book niya." Tumingin siya sa'kin. "This is the fist step of my dream. Susunod niyan isasali na kita sa contest sa bayan. Tapos dadayo tayo kung saan-saang contest hanggang sa mahasa ka at makasali ka sa Binibing pilipinas tapos Miss Universe, kaya dapat ituloy-tuloy mo na ang pagda-diet." Nakangiti niyang sabi.

I rolled my eyes. "No way! Last na ito Mommy. Masyado ng nakakapagod."

Nameywang si Mommy sa harapan ko, "Sasali ka sa ayaw at gusto mo, ibabalik ko na pala ang credit card, Atm card at bank book mo Ella Marie, basta siguraduhin mo'ng mananalo ka. Sinabi ko sa kanilang kahit ikaw ang Anak ko, hindi sila pwedeng maging balimbing piliin nila ang deserving na manalo. Kaya galingan mo."


Okay na sana yung sinabi niyang ibabalik niya lahat, pero napakahirap naman ng kondisyon niya, hindi ko nga alam kung anong gagawin kahit paulit-ulit naming pina-praktis ito, nahihirapan pa rin ako, lalo na ang pagrampa sa stage.

"Hindi ko maipapangako ang gusto niyo Mommy, gagawin ko ang lahat ng kaya ko. Kaya sana naman Mommy ibalik niyo na ang Bank Account ko at Atm ko."

"Ibabalik ko kung mananalo ka." Sabay ngisi niya.


"Wala ng pag-asa."


"Teka? Nasaan ang Escort mo, Ella?"

"Wala po akong escort Mommy." Tipid kong sagot.

"Wala ba? Sino 'yang gwapong papalapit dito?" nakangiti pa si Mommy.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ng magtama ang tingin namin ni Shawn, hindi ko nagawang umiwas ng tingin dahil sa itsura ni Shawn. He's so Handsome and hot sa suot niyang white fit tshirt. Habang nakasampay sa balikat niya ang red polo niya. Feeling ko tumutulo ang laway ko sa adonis na papalapit sa'kin. My cheek turn to red ng bigla siyang kumindat sa'kin. "Shit! My heart, kailangan yata ng pampakalma."


"Hello, Tita." Bati niya kay Mommy ng lumapit siya.


Dug,dug, dug. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang papalapit siya sa'kin. Kung pwede lang hilahin ko na siya para yakapin agad. "Hi Babe, sabay halik niya sa'kin sa pisngi." Simpleng halik lang iyon pero parang gusto ng sumabog ng puso ko. Parang nasa fourty degree ang temperature ng init ng katawan ko ng maramdaman ko ang labi niya sa pisngi ko.

"H-hi," mahina kong sabi.

"Ang gwapo naman ng escort ng anak ko madam." Sabad ng babaing nagme-make up sa'kin.

"Boyfriend siya ng anak ko." Pagyayabang pa ni Mommy.

Hindi nga pala alam ni Mommy na wala na kami si Shawn. Siguro pagkatapos na lang ng pageant ko sasabihin kay Mommy.

"Shawn, ikaw na ang bahala diyan mamaya kay Ella Marie." Ani Mommy.

"Yes, tita."

"Madam, tapos naming ayusan ang anak niyo."

Yumuko ako ng ibaling nila ang tingin, sa gilid ng mata ko ramdam kong nakatitig sa'kin si Shawn.

"Perfect! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa inyo." Sabi ni Mommy, habang aliw na aliw siyang nakatingin sa'kin.

Tumayo ako upang lumabas na. Malamig sa loob pero ang init ng pakiramdam ko, lalo na sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Shawn, nagkakaroon ng kakaibang pakiramdam na hindi ko kayang ipaliwanag. "Mommy, alis na po ako." Hinawakan ko ang gown ko upang hindi ko maapakan habang naglalakad ako.

"Sige anak, susunod na kami. goodluck!"


Tumango ako kay Mommy at naglakad palabas ng silid na iyon.

"Let me hold your hand my princess."

Hindi ko na nagawang magreak pa dahil hawak-hawak na niya ang kamay ko. Ang tibok ng puso ko ay hindi ko naman kayang ipaliwanag. Tumatayo ang balahiho ko sa tuwing dumadampi sa balat ko ang mabango niyang hininga. Bakit kung kelan wala na kami saka ko pa ito naramdaman?

"Nasabi ko na ba sa'yo na sobrang ganda mo? Ikaw ang pinakamagandang dalaga ngayong gabi." Ngitian pa niya ako.

Umiwas ako ng tingin upang itago ko ang pag-init ng pisngi ko, napaka- impokrita ko naman kung hindi ko aamin na sobrang kilig na kilig ako.

"Salamat sa pambobola."tipid kong sagot.

"Ella..."

"Hmmm.."

"Can I call you mine? You're mine again."

"Oh-my-pignesh!"

My cheeks heat up. Para tuloy sinampal ang mukha ko sa sobrang pamumula. Gusto kong magsalita para tumutol pero walang salitang gustong kumawala sa labi ko. Pinisil ko ang palad niyang nakahawak sa'kin at nginitian ko siya ng tumingin siya sa'kin.

"Good luck Babe, kailangan mo'ng manalo dahil kapag hindi ka manalo kahit First to Third runner up, ipagsisigawan ni Mhaika na ako ang boyfriend niya, nagkaroon kasi ng pustahan sa Building section namin, sinabi nilang kapag natalo ka raw, magiging boyfriend ako ni Mhaika."


Ang kaninang kilig na nararamdaman ko ay napalitan ng inis dahil sa narinig ko, ang panget na iyon bakit kailangan niyang i-dare si Shawn!

"Ang hirap ng dare niyo Shawn, bakit ka pumayag." Hindi ko napigilang sagot.

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako. "I believe you, alam kong galit ka sa'kin, pero naniniwala akong hindi ka papayag na mapunta ako kay Mhaika di ba?"

"Ofcourae Never! Over my sexy fats body!" napalakas pa ang boses ko, huli na para ma-realize ko ang sinabi ko, nakangiti na siya sa'kin dahil sa sinabi ko.

"Sound sweet babe." Tapos muli niyang hinawakan ang kamay ko. Holding hands while walking kaming dalawa habang patungo building ng pagdadausan ng pageant.

Halos mabinge ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko hindi dahil sa nerbiyos or takot sa pageant kung hindi dahil nasa tabi ko si Shawn.

Nang makarating kami sa lugar, agad kong napansin ang mga tingin at bulong-bulungan ng mga taong nadadaanan namin, binaliwala ko ang naririnig ko hanggang sa makapasok kami ni Shawn sa dressing area. Lahat ng candidates ay naroon maging ang mga escort. Kaya naman hindi ko naiwasan ang mga tingin ni Andrei.

"Ella!" tawag niya sa pangalan ko.

Nilingon ko siya at tipid na ngumiti. Pagbaling ko ng tingin kay Shawn, nakasimangot siya habang nakatingin sa'min ni Andrei. Muling lumapit sa'kin si Shawn at bumulong, "Babe, nagseselos ako."

Parang gusto kong tumili ng malakas sa kilig, si Shawn kasi parang normal lang sa kanya ang sinabi niya, malapit na talaga akong maniwala at kalimutan ang narinig ko noong isang linggo.

"Okay, candidates! Mag-uumpisa na tayo. Be ready, escorts mag ready na rin kayo." Sabi ng baklang head organizer.

Inalalayan ako ni Shawn sa pagtayo. Tapos marahan niya akong hinila papalapit sa kanya, nagkatitigan kaming dalawa. "I'll give you a good luck kiss." Bago pa ako makatutol naramdaman ko na ang labi niyang nakadikit sa labi ko. Para namang kamatis ang mukha ko, ramdam ko ang presensiya ng mga taong nakakita sa panghahalik sa'kin ni Shawn, maging si Andrei, alam kong nakatingin siya sa'min.


Huminga ako ng malalim ng dahan-dahan kong itinapak ang paa ko sa stage. Ngayon ko nararamdaman ang kaba at takot.

"Kaya mo 'yan babe, nandito lang ako para suportahan ka." Pabulong na sabi ni Shawn sa'kin habang pinipisil niya ang kamay ko. I feel so relief habang ginagawa niya 'yon.

"Galingan mo Ella, dahil kung hindi wala ka na talagang pag-asa kay Shawn." Bulong ko sa isip.

"Thank you! Shawn,"

Isa-isa kaming nagpakilalang lahat, kinakabahan ako sa tuwing nakikita ko ang mga tao sa ibaba ng stage pero kapag nai-isip kong kailangan kong manalo para kay Shawn, nawawala ang hiya ko, nagawa akong rumampa sa stage, Sumayaw sa maraming nanonood at higit sa lahat ipakita sa kanilang karapatdapat akong manalo. Ngayon ko lang ninais na manalo 'yon ay dahil kay Shawn.

"Tingnan mo nga naman, nakapasok pa siya sa top 5 hindi naman siya magaling." Naririnig kong usapan ng isang contestant na hindi nakapasok sa top5. Isa kasi ako sa mga ma-swerteng nakapasok sa top 5.

Huminto ako at nakapameywang na humarap sa kanila, nakataas pa ang kilay ko. "May problema kayo sa'kin?"

Nameywang din ang babae at taas ang kilay niya habang nakatingin sa'kin.

"Oo, dinaya mo ang mga judge e, napasali ka lang naman dahil anak ka ng may-ari ng school!"

"Tsk! Kasalan ko ba'ng hindi ka nakapasok?" pa-ilalim ko siyang tinitigan at ngumisi ako. "Pasalamat ka at maputi ka dahil kung hindi?" Ngumisi ako sa kanya. "Ka-level mo na ang aso ko!" sabay irap ko sa kanya.

"Aba't Letche ka!" sasampalin niya sana ako pero nagulat na lang ako ng may biglang humawak ng kamay niya.

"Shawn?" sabi ko.

"Matuto kang tumanggap ng pagkatalo Miss Bitter melon.

Pagkaalis ng kamay ni Shawn sa babae, nagmadali na itong umalis palayo sa'min.

"Okay ka lang ba?" tanong sa'kin ni Shawn. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Tumango ako, "Thank you, bakit ka pala nandito? Di ba, dapat nasa kabilang silid ka or nasa harap ka ng stage at nanonood?" tanong ko, isang beses lang naman kasi silang umakyat ng stage, no'ng hinatid lang kami para magpakilala. At ang susunod na pag-akyat ng mga escort sa stage ay ang pag-escort nila sa mananalo mamaya.

"Pinabibigay kasi ng mommy mo ito." Sabay abot niya sa'kin sa isang maliit na plastik.

Nang silipin ko ang laman ng plastik na ibibigay niya sakin. Para akong sinisilaban ng buhay dahil sa hiya.

"Anong laman Babe?"

"H-ha? A-ahh, burger." Nauutal kong sagot.

"Penge, gusto ko rin yan." Pilit pa niyang tinitingnan. Iniwas ko sa kanya 'yon.

"Ayoko gutom ako." Sabay talikod ko sa kanya at nagmadali akong pumasok ng banyo.

"Babe, ang damot mo naman penge ako! Wag kang kumain diyan sa Banyo." Sigaw pa niya sa'kin.

Hindi ko siya pinakinggan. Hindi naman kasi burger yung laman, kung hindi pading ng bra at sa pwet. Nakakahiya namang sabihin sa kanya ang totoong laman no'n.

"Si Mommy talaga! Bakit kailangang maglagay pa ng ganito, may laman naman ito kahit paano." Reklamo ko habang isa-isa kong inaalis sa plastik ang laman. Ang sabi kasi ni Mommy kailangan daw 'yon para naman mas mapansin ng mga tao ang ka-seksihan ko hindi ang bilbil ko.

"Babe, ang tagal mo'ng kumain. Nagtatawag na sila, mag-uumpisa na ang question and answer sa top 5." Narinig kong sabi ni Shawn habang kumakatok.

"Oo na! Lalabas na ako!" nagmadali kong sinuot ang pading bago ako lumabas ng banyo.

"Bakit ka pinagpawisan? Kumain ka lang naman Babe, or baka naman tumae ka hindi kumain." Pilyong ngiti ni Shawn.

Namula ang mukha ko sa sinabi niya, bigla ko kasing naalala ang nangyari noon. Hinampas ko siya sa balikat. "Kainis ka!"

Tumawa siya. "Nagbibiro lang ako, goodluck babe, sana may makuha kang award."

Sumeryo akong tumingin sa kanya, tama kahit hindi ko makuha ang crown basta makasali lang ako sa top 3 ayos na sa'kin dahil ibig sabihin hindi mangyayari ang gusto ni Mhaika.

"I'll try my best."

Nakahawak siya sa bewang ko ng bumalik kami sa stage. Mas nakaka-tense ang oras na ito. Dahil kailangan kong manalo kahit first to third lang.

"Tinatawag na kami." Sabi ko kay Shawn.

Ngumiti siya, pagkatapos hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "Goodluck Babe, I love you." Sabay kindat niya sa'kin.

Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Kabang dulot ng mga salitang sinasabi niya. Parang kahapon lang umiiyak ako at galit na galit sa kanya. Pero ngayon heto ako naguguluhan dahil sa mga sinasabi niya.

"I love you too Shawn..." bulong kong sagot sa kanya.

Taas noo akong humarap sa maraming tao. Mas nag-e-enjoy na akong marinig ang hiyawan nila ngayon. Dahil nakikita ko sila Mommy, Daddy, kuya Calixto, si Loren, Annaliza at si Shawn na humihiyaw para sa'kin. 'yon pa lang panalo na ako.


Continue Reading

You'll Also Like

9M 136K 51
Van o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang...
686 222 75
An Epistolary | Completed Keisha WP always hiding something she is not vocal person who well confess her feelings or her displeasure to her family. U...
435K 2K 49
NOTE: Sorry for the typographical errors. This compilation was made last 2014 so please do expect some of my jeje critiques. And also, outdated na di...
15.4K 475 46
What happens when a fugly student breaks into an academy where only flawless faces and big brains are qualified? Where trusting is negligence and dra...