Words and Feelings

By pilyangcute

10.1K 46 2

Letters... Words... Phrases... Sentences... Paragraph... Stanzas... to express your feelings. More

Mabuting Mamamayan
Huwarang Pilipino
Luha
Pangungulila
Move On
Sa Pangarap ma'y Hindi Dapat
Pusong Nagalak
Guwardiyadong Puso
Hopeless
YOU ARE
MULI
WAITING...
IKALAWANG TASA
HAKBANG
NGITI
ANG AKING PAG-IBIG
THANK YOU
ALONE BUT NEVER LONELY
MINAMAHAL KITA
SALAMAT...

PULUBI

36 2 0
By pilyangcute

PULUBI
(09.26.2017)

Natatandaan mo pa ba nung panahong kapwa pulubi tayo sa atensyon
Sa dati nating relasyon?
Ngunit di naglaon ay tinuring natin prinsesa't prinsipe ang bawat isa.
Wala nang pulubi sa ating dalawa.
Walang dahilan para manlimos ng atensyon at pagpapahalaga.
Ngunit mahal, bakit naisip mong manlimos pa ng atensyon sa iba?
Di pa ba sapat yung panahon ko at pagpahalaga?
Na kahit di mo masuklian ay di na mahalaga.
Ako, na dati mong prinsesa, ibinalik mo sa pagiging isang hamak na pulubi.
Mahal bakit?
Bakit sakit ang kapalit?
Iba na ang tinuring mong prinsesa
At ako'y di hamak na pulubi sa kalsada
Kalsada na ni minsan ay di mo ginustong dumaan pa
Dumating ang panahong ikaw naman ang tinuring niyang pulubi
Iniwan ka niya sa kalsadang iyong pinili
Kinabukasan ay bumalik ka sa kalsada
Kung saan iniwan mo akong mag-isa
At alam na alam mong lubos pa din ang aking pagpapahalaga
Sa prinsipeng tinuring akong prinsesa
Muli ay sinabi mong ika'y nagkamali
Sa iyong ginawang pagpili
Ngayon ako na naman muli ang iyong prinsesa
Sana ako na nga, hanggang sa huli.
Ngunit mahal bakit pakiramdam ko ay mas panandalian lang ang pagiging prinsesa ko
Muli mo na namang pinararamdam sa aking pulubi ako
Di mo na naman ako maambunan ni kusing ng pagmamahal
Mananatili na lamang ba akong nanlilimos sa aking pinakamamahal?

Continue Reading

You'll Also Like

45 11 12
Mga kaisipan mula sa'king damdamin, ipahahayag gamit ang isang sulatin. Para sa isang babae kong pilit pipiliin, kahit 'di siguradong kaniyang mamaha...
13.6K 309 58
Mga tulang iba't-iba ang paksa. May tungkol sa romantiko at politiko, mga pangyayari sa totoong buhay ko na pwedeng mangyari sayo. Sana ay magustuh...
108K 506 52
Koleksyon ng Haiku sa Tagalog. Ito ay traditional na poetry ng mga Hapon. Binubuo lamang ito ng tatlong linya. Ang una at huli ay may limang silaba...
2.5K 402 101
❛The rhythm of my heart speaks through these hundred poems.❜ ━━━━━━━━━━━━━━ Started: September 03, 2018 Ended: February 03, 2020. Cover: @goth6c Thi...