Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)

By chasterrassel

82.1K 3.3K 362

Si Sandro, astigin, pagdating sa karate walang inuurungan. Pero siya ay may dark little secret from the past... More

Introduction
Fight I. "Ang Shotopyu Dojo"
Fight II. "Ex-Men: Rise Of The Daldalerong Lips"
Fight III. "Ang Mahiwagang Shut Up Pills"
Fight IV. "Shut Up Pa More"
Fight V. "Ex-Men: Days of the Immature Past"
Fight VI. "Ang Martial Law Ng Pag-ibig Ni Alessandro Monteballe"
Fight VII. "Finding Nessy"
Fight VIII. "Tena Na Sa Daang Matuwid"
Fight IX. "Misteryo Ng Daang Matuwid"
Fight X. "Banta"
Fight XI. "Lihim Sa Kakahuyan"
Fight XII. "Pag-igting"
Fight XIII. "Journey To The Center Of The Hurt"
Fight XIV. "Eskapo"
Fight XV. "Kapag Nablock Na, Tama Na"
Fight XVI. "Nagising Ang Dormant Na Puso"
Fight XVII. "JeaLuis Of The Way You're Happy Without Me"
Fight XVIII. "State Of Devastation Address"
Fight XIX. "Shot Through The Heart"
Fight XX. "The Challenge"
Fight XXI. "Mass Distraction"
Fight XXII. "Finally Found"
Fight XXIII. "Kapit Lang!"
Fight XXIV. "Is It Really Over?"
Fight XXVI. "Kunin Natin Si Powder"
Fight XXVII. "Ang Antidote"
Fight XXVIII. "War Of The Worse"
Fight XXIX. "Daang Matuwid No More"
Final Fight. "Shut Up Na Lang Tayo"

Fight XXV. "Fault In Our Scars"

1.5K 89 17
By chasterrassel


"G-Gusto ko lang sanang humingi ng so...rry...umiiyak ka ba?"si kumag.

Tinangka ulit ni kumag na hawakan ako. This time, si Luis naman iyong humawi sa kamay niya, tapos ihinarang niya iyong sarili niya sa akin; with matching pandidilat pa.

"Hindi niya kailangan ang pagsosorry mo, kaya pwede ba? Umalis ka na lang! Alam mo para kang allergy eh; nawawala, bumabalik, heto na naman."

"At sino ka naman sa tingin mo, para utus-utusan ako?"

"Ako lang naman iyong taong sumalo sa kanya, dahil sinaktan mo siya."

At ngayon pa talaga tiniming ng dalawang 'to na magbangayan na naman. Hindi pa ba sapat iyong kagaguhan nila sa videoke?

Pero, hindi pwede na hayaan ko na lang sila; baka mauwi pa sila sa sakitan. Pareho silang sugatan, at ayaw ko na may mangyari sa kanila.

"Hmph! Ang angas natin magsalita ah. Bakit, boyfriend ka na ba niya ha? Para magmalaki ka nang ganyan."

"Oo nga, hindi niya ko boyfriend; pero at least never akong nawala sa side niya. Lagi akong nandiyan para sa kanya, at hindi ko siya iniiwan o pinababayaan. Di tulad mo, na walang ibang idinulot kung di sakit; kasi, wala kang kwentang tao, wala kang kwentang boyfriend! At wala kang kwentang—"

Naputol iyong pagsasalita ni Luis, dahil bigla na siyang hinila ni kumag sa damit! Aawat na sana ko sa kanila, nang bigla namang tumunog 'tong cellphone ko. Pero, napahinto rin naman sila nito, at napalingon.

Pinahiran ko na muna ng mga kamay ko, iyong mga luha ko. At inilabas ko iyong cellphone ko, para icheck 'to; tumatawag si Mayor.

"Mayor."

"Sandro, magpunta ka na dito sa ospital ngayon din."

"Huh? B-Bakit Mayor, may nangyari ba diyan?"

"Nagkamalay na si Nessy."

At napatingin na lang ako sa dalawa, sa narinig ko.

                                                                       #

Salamat sa magandang timing ng paggising ni Madam Nessy, naudlot iyong dapat sanang upakan ng dalawang magaling; dahil nga sumugod na kami agad sa may ospital.

Eto na iyong hinihintay kong pagkakataon; ang malaman iyong buong katotohanan, mula mismo kay Madam Nessy. So far kasi, halos lahat ng mga nalalaman namin ngayon, puro second hand info lang. Pero ngayon, tuluyan na ring malilinawan ang lahat-lahat, mula sa pinakapuno't dulo nito.

Nasa may hallway ng opsital na kaming apat.

"Hindi pwede na lahat tayo papasok dun sa kwarto ni Madam Nessy. Kung okay sa inyo, kami na lang muna ni Mayor ang kakausap sa kanya,"sambit ko.

Nagkatinginan silang tatlo, tapos tumingin ulit sa akin.

"Sige, h-hihintayin na lang namin kayo dito,"si Luis.

Pumunta na ko sa kwartong pinagtataguan namin kay Madam. Nakaabang na si Mayor sa may pinto, nang makarating ako.

"Bakit ikaw lang ang nandito?"

"Nasa may hallway lang sila; sinabi ko kasi sa kanila na tayong na lang muna ang kakausap sa kanya."

Bubuksan ko na sana iyong pinto, nang bigla niyang dinakot iyong braso ko.

"Sandali Sandro."

Napatingin na lang ako sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit nagmumugto nang ganyan iyang mga mata mo?"

"Ahmmm...Mayor, k-kung pwede sana...huwag niyo na lang muna kong tanungin. Tsaka, mas importante ngayon ang makausap muna natin si Madam Nessy,"napapalunok kong sagot.

Binitiwan na niya ko, at hinayaan na ko na pumasok sa loob; sumunod din siya.

May kurtina na nakaharang kung saan nakapwesto si Madam Nessy; nang hawiin ko na 'to, nakita ko na talaga ngang gising na siya. Nakaupo na lang siya sa kama; nakasandal siya sa headboard, at kumakain.

"Madam, k-kumusta na po ang pakiramdam niyo?"napapangiti kong usisa.

Nilapitan ko na siya; siya naman, napahinto sa pagkain, at napatitig lang sa akin.

"O-Omg! Nagladlad na ang yummy papa?"sambit niya, na papahawak sa magkabila niyang pisngi.

Oo nga pala, nawalan na naman sa isip ko na nakadisguise pala ko. Pero napansin ko lang; compare sa dati na maligalig, may pagkamalamya iyong way ng pagsasalita niya ngayon. Hmph, hindi na rin naman na nakakapagtaka; ikaw ba naman ang ikulong.

"Ah, Madam, disguise lang po 'to; para di ako makilala nina de Quatro at ng mga tauhan niya. Pero, paano niyo ho ko nakilala agad?"

"Oh, iyon pala iyon. Ahmmm...physically at literally, hindi kita actually nakilala; pero na feel ko sa aura at vibes mo, na ikaw si Sandro."

So in short, nahulaan pala niya. Nagkatinginan na lang kami ni Mayor, tapos napatingin na ulit ako sa kanya.

"I know, marami kang questionable questions for me. I also know kung anong nangyari sa iyo, kaya napadpad ka ng Daang Matuwid. Pero ang di ko lang gets, eh iyong kung paano?"

"Ho?"

"Paano nangyari na nakainom ka rin ng pills? If I remember it right, di ba ikaw dapat iyong magpapainom nun sa Ex-Men mo kamo?"

"Iyong Ex-Men ho na iyon, pinainom rin niya ko. At malamang, kilala niyo rin ho siya; dahil nga meron din siyang pills."

"T-The who?"

Tumingin ako kay Mayor, para siya iyong sumagot; kasi nga di ko pwedeng banggitin iyong pangalan ni kumag.

"Si Baste."

"Si Baste, as in Sebastian Flores?"

Napatango na lang ako.

"I see, siya pala ang Ex-Men mo...What a co-accidents. Si ate Gigi talaga, hindi man lang ako ininform. So, ibig sabihin, siya rin naging kagaya mo ngayon?"

Tango na lang ulit iyong isinagot ko sa kanya.

"Kaya nga ho hinanap namin kayo, para sa antidote. Lalo na't sinabi nung kapatid niyo na—"

"Hindi ang sister ko iyong babaeng nakakaharap at nakakausap niyo; h-hindi siya si Nancy."

"Ho!"

Nanlaki iyong mga mata ko sa gulat sa mga sinabi ni Madam, tapos napatingin na lang ako kay Mayor. So, ito pala iyon; ito pala iyong trinatry niyang sabihin sa akin nung tumawag siya sa cellphone. Pero pucha! Anong ibig sabihin nito?

"Hmph! Anong kagaguhan 'tong pinagsasabi mo sa amin? Kung hindi iyon ang kapatid mo, sino ang taong iyon?"si Mayor.

"Siya si Lisa. Dati siya naging...ahmmm...ano nga iyong tawag dun sa parang julalay na trinetrain? In...Inburn ba iyon?"

"Intern ho,"sagot ko.

"Iyon! Intern, naging intern namin siya ng sister ko. Tinuruan namin siya ng everything na alam namin sa paggawa ng mga gamot, at kung anu-ano pa. Pero, di namin alam na lolokohin at tratraydorin lang pala kami, na magpapagamit pala siya kay de Quatro."

"Teka lang ho, di ko ho maintindihan eh. Nasaan na iyong kapatid niyo, iyong totoong Nancy? At bakit nagpapanggap iyong Lisa na iyon bilang siya?"

Natigilan si Madam Nessy. Napansin ko na lang na namamasa na iyong mga mata niya, tsaka siya nagsalita ulit.

"W-Wala na siya, i-ipinapatay na siya ni de Quatro."

Napaisip ako sa narinig ko, at bigla kong naalala iyong nakita namin nun sa dojo ni Rolando; nung bago 'to pinasabog.

"Mayor! Iyong taong nasusunog na nakita natin nun sa dojo ni Rolando, di kaya..."bulalas ko, with matching tingin kay Mayor.

"Oo, si Nancy ang taong iyon,"si Madam Nessy.

Napalingon na lang ulit ako kay Madam, at dun na niya itinuloy iyong pagkukwento ng lahat sa amin.

Kapalit ng pera, nakipagsabwatan pala si Lisa kay de Quatro; para makuha, at maitago iyong totoong Nancy nang di niya namamalayan. At mula nun, ito ang ginamit nila para mapasunod siya sa lahat ng mga gusto nila. Ang naging una dun, iyong paggawa ng mas matapang na Shut Up pills.

"Believe me Sandro, hindi ko ginusto iyong mga nangyari sa mga tao sa Daang Matuwid. Napilitan lang ako n-na sumunod kina de Quatro, dahil hawak niya iyong buhay ng kapatid ko nun."

Tungkol naman sa pagpapanggap nung Lisa, ginagawa raw niya iyon para hindi mahalata na may something na nangyayari sa bahay nila. Kilala rin sa labas ng Daang Matuwid si Madam Nessy; kaya kinailangan nila ng taong haharap, if ever na may mga tagalabas o dayo na dumating. Kagaya nga ng nangyari sa amin. At obviously, pati si Yaya Gigi nauto niya rin nung nag-usap sila sa telepono.

Alam syempre ng mga taga-Daang Matuwid na fake siya; pero wala silang magagawa, dahil kasama rin iyon sa mga bawal nilang sabihin.

"Pero kung kailangan pala nila kayo para sa paggawa ng pills, bakit itinago nila kayo? At pinatay pa nila iyong kapatid niyo?"

"H-Hindi na kaya ng conscience ko iyong mga nangyayari sa Daang Matuwid. Gusto ko nang tumiwalag sa kanila, kaya pinadukot at itinago ako ni de Quatro.  Tapos pinilit niya ko na ituro kay Lisa iyong formula ng pills. At ngayon, alam na 'to ng wicked witch na iyon."

Wala nang reason para pilitin pa siya na gumawa, dahil nga pwede nang gawin iyon ni Lisa para kay de Quatro; in short, wala nang silbi pa sa kanila iyong totoong Nancy. At natiming naman iyong pagdating namin; kaya dinispatiya na raw nila siya, para masure na walang bulilyaso na mangyayari sa kanila.

"Sa mga sinasabi mo, ibig sabihin wala na ring pakinabang si de Quatro pati sa iyo. Huwag mo sanang mamasamain 'to, pero bakit binuhay ka pa nila? Hmph, hindi ba't mas mapapadali rin ang problema nila sa amin, kung iniligpit ka na rin nila?"si Mayor, with matching cross arms pa.

Morbid man iyong idea, pero may point si Mayor.

"Meron pang kailangan si de Quatro sa akin."

"Ano ho iyon?"usisa ko.

"Iyong bagay na kailangan niyo rin ng Ex-Men mo, iyong antidote. Gusto niya ring gamitin iyon, para pagkakitaan."

"Pero wala na ang kapatid mo, hindi ka na nila mahahawakan sa leeg; kaya hindi mo na sila kailangang sundin pa,"si Mayor.

"M-May isa pa kong kapatid; kapatid sa ina. At natuklasan ni de Quatro iyong tungkol sa kanya; pero, hindi pa sila aware sa kung sino siya. But the hell, as if naman tanga ko para ibigay sa kanila iyong formula ng antidote; hindi ko na uulitin pa ang mistakes of the past."

"Pero Madam, kailangan niyo pa ring gawin iyong antidote; dahil hindi lang naman ho kami ang may kailangan nun, kung di pati iyong mga taga-Daang Matuwid."

"I know that iho. At gagawin ko talaga iyong antidote, itatama ko iyong mga pagkakamali ko. Tsaka, gusto ko ring magkaroon ng justice iyong pagkamatay ni Nancy."

"K-Kaya niyo ho bang gawin iyon agad-agad?"

"Oh, before I forgot; I know natatakot ka na baka matigok ka. Ah, kailan niyo nga exactly napainom ang isa't isa?"

"Nung sumunod na araw ho, pagkatapos kong magpunta sa shop niyo."

"So...2 days na lang pala. Pero don't worry, be happy; dahil hindi naman kayo literally na matitigok agad."

"A-Ano hong ibig niyong sabihin?"

"After 2 days, magiging kagaya lang naman kayo ng mga tao sa Daang Matuwid; kapag may bawal na words kayong nasabi, kahit isa, dun lang kayo maggugoodbye."

Hmph, in other words, wala pa rin talaga kaming ligtas ni kumag; unless, makainom nga kami nung antidote.

"Kayo naman kasi, masyado kayong masunurin sa dosage na binilin ko."

Napakamot na lang ako ng ulo, sa hirit na iyon ni Madam Nessy.

"Madam, kung anuman iyong kakailanganin niyo sa paggawa ng antidote, gamit man o ingredients, sabihin niyo lang; ako na hong bahala sa lahat."

"Well, iyong ibang ingredients madali lang gawan ng paraan; pero, there is one ingredient na magiging problem."

"Ano ho iyong ingredient na iyon?"

"Powder siya na nakalagay sa jar, na ako rin iyong gumawa. At itinago ko iyon sa may kwarto ko, sa bahay namin sa Daang Matuwid."

Problema nga! Paano namin makukuha iyon, kung nandun iyong Lisa na iyon. Napaupo na lang ako sa kama, sa may tabi niya. Tapos, napatapik at hawak sa isa niyang balikat.

"Ah, sige ho Madam. Gagawan namin ng paraan, para makuha iyang sinasabi niyo na powder. Pero sa ngayon, kung papayagan na kayong lumabas ng doktor, sumama muna kayo kay Mayor; may niready ho kaming safe house para sa inyo, at dun niyo gagawin iyong antidote."

Napatango naman si Madam, kaya napabitiw na ko sa kanya; pero, pansin ko na nag-iba iyong expression ng mukha niya. Naalala ko, ganito rin iyong itsura niya nun sa shop; nung may sinabi siya sa akin na cryptic.

"Iho, kailangan mong iprepare iyang sarili mo; lalo na iyang dibdib mo."

"Ho?"

"M-May something akong nafeel at naforesaw, sa paghawak mo sa akin. Sa paglabas mo dito, isang matinding secret na pwedeng bumaliktad sa mundo mo, ang matutuklasan mo."

Sabi ko na nga ba, at nagsabi rin nga siya ng something na cryptic! Pero aaminin ko, bigla kong kinabahan sa warning niya. A-Anong secret? At sino iyong nagsisisecret sa akin?

"Hmph! Bago mo isipin iyang secret scret na iyan, may isang importanteng bagay kang dapat na inuuna; may nakakalimutang ka itanong sa kanya Sandro."

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Mayor.

"Iyong isa mo pang kapatid Nessy, hindi mo pa sinasabi sa amin kung sino siya. Kailangang malaman namin kung sino, at kung nasaan siya. Nang sa ganun maprotekhan namin siya, bago pa tayo maunahan ng hukluban,"si Mayor na iyong nagtanong.

"Actually, nakakasa-kasama niyo na siya."

At nagkatinginan na lang kami ni Mayor, sa naging sagot na iyon ni Madam Nessy.

                                                                  #

Lumabas na kami ni Mayor ng kwarto ni Madam Nessy. At bago ko balikan sina kumag, nag-usap ulit kami sa may tapat ng pinto, nang kami lang.

"Hindi ako makapaniwala Mayor, kapatid din pala ni Madam Nessy iyong taong iyon. I mean, sino namang mag-aakala."

"Hmph! Maging ako man, nabigla rin. At tila tadhana na rin talaga ang siyang gumawa ng paraan, para maglapit silang dalawa,"sagot niya, tapos napacross arms na lang rim siya ulit.

"Ano palang gagawin natin tungkol sa kanya?"

"Sa ngayon, makabubuti na tayong tatlo na lang muna ang nakakaalam ng tungkol sa pagkatao niya; mas kaunti ang nakakaalam, mas ligtas para sa kanya. At tama si Nessy; mas makabubuti rin para sa kapatid niya, na wala muna 'tong malaman tungkol sa kaugnayan nila sa isa't isa."

Oo, hindi rin alam nung tao na iyon, na magkapatid sila ni Madam Nessy.

Dahan-dahan, napatango na lang ako.

"Sige Mayor, babalikan ko na sila dun sa hallway; kayo na munang bahala ulit kay Madam Nessy."

Tumango lang rin siya. Pagkatapos nun, lumakad na ko.

                                                                           #

Nang makabalik ako sa hallway, si Sarra lang iyong nadatnan ko. At siya lang rin iyong sumalubong sa akin.

"Atengggg! Oh anong news diyan sa atin, ano iyong big revelation sa inyo ni Madam Nessy?"napapangisi niyang usisa.

Instead na sagutin siya, napalingon-lingon ako sa paligid; wala talaga iyong dalawa!

"B-Bakit ikaw lang iyong nandito? Nasaan sina Luis at kumag?"

"Hay naku teh! Ewan ko ba diyan sa dalawa mong love interest, mga beastmode masyado when it comes to you. Kaloka! Tinalo pa nila sina Amor Powers at Claudia Buenavista kung magtarayan. Ayun, biglang nagpaalam, lumabas! Maybe, maybe lang naman, isesettle na nila iyong score between them?"

"Ano! Bakit mo sila hinayaan!"

Dali-dali akong lumakad papunta sa labas ng ospital; pero wala akong Luis na nakita, kahit si kumag wala rin!

Napailing-iling na lang ako. Nag-ikot ikot ako sa vicinity ng ospital, para hanapin silang dalawa. Pucha wala sila! Hindi ko sila makita, saan ba sila nagsuot?

K-Kinakabahan na ko, kinukutuban nang masama! Hindi naging maganda iyong pag-uusap nila kanina; matindi rin iyong tensyon sa pagitan nila. At ngayon na wala ako para mamagitan, wala ring pipigil o aawat sa kanila; baka kung anong gawin nila sa isa't isa!

Bwiset! Gulong-gulo na nga ko ngayon, at di pa ko nakakaget over sa mga nalaman ko kay Madam Nessy; tapos heto, nakikisabay pa ang mga pasaway na 'to!

At bigla na lang akong napahinto sa paglalakad. N-Naalala ko kasi iyong sinabi ni Madam Nessy sa akin kanina, i-iyong warning niya.

"M-May something akong nafeel at naforesaw, sa paghawak mo sa akin. Sa paglabas mo dito, isang matinding secret na pwedeng bumaliktad sa mundo mo, ang matutuklasan mo."

D-Di kaya may kinalaman sa kanilang dalawa iyon?

Napalingon na lang ako, nang may marinig akong mga boses. Dun ko lang nakita, napahinto pala ko sa tapat ng isang lumang commercial building; iyong itsura nito, parang abandonado na. P-Parang dito nanggagaling iyong mga boses. At iyong dating, p-parang nagtatalo; d-di kaya silang dalawa na iyon?

Napalunok na lang ako, tapos sinundan ko iyong mga boses. Lumakad ako sa may gilid ng building, hanggang sa napadpad ako sa likuran.

Tumambad nga sa akin iyong dalawa. At hindi maganda iyong eksenang naabutan ko! Hila-hila na ni kumag si Luis sa damit niya, at gigil na gigil na siya; nakaakma na siyang sasapakin 'to!

"Sige! Ituloy mo, saktan mo ko! Tutal, iyan lang naman ang alam mong gawin..." bulalas ni Luis, with matching pandidilat pa.

Pansin ko rin na mamasa-masa iyong mga mata niya.

"Mula nun hanggang ngayon, expert ka sa pananakit!"

G-Gusto kong lumapit sa kanila; gusto ko silang awatin, at pigilan iyong pag-aaway nila. Pero, hindi ako nakakilos dahil sa mga narinig kong sinabi ni Luis. A-Ano 'to? Anong ibig niyang sabihin na mula nun hanggang ngayon? M-Matagal na rin ba silang magkakilala?

Hindi itinuloy ni kumag iyong balak niya, instead binitiwan na niya si Luis. Tapos, napatalikod na lang siya mula sa kanya.

"Tigilan mo na siya, tigilan mo na ang panggugulo sa amin,"si kumag.

"Panggugulo sa inyo? Hmph, wala akong ginugulo, dahil matagal nang walang kayo ni Sandro! At wala ka ring karapatan na barikadahan siya, dahil walang sinuman sa atin ang nagmamay-ari sa kanya."

Napalingon na ulit si kumag sa kanya.

"Alam mo, bilib din naman ako sa iyo; ikaw pa talaga iyong may tigas ng mukha na magalit sa akin. Di ba, ako dapat iyong galit na galit sa iyo, dahil sa panggagagong ginawa mo sa akin?"

Hindi nakakaimik si kumag sa mga sinasabi ni Luis, halos natutula na lang siya. Pansin ko rin na pati siya, namamasa na rin iyong mga mata.

"Ah! Baka naman kaya ka nanggagalaiti, at kating-kati ka na palayuin ako kay Sandro, dahil natatakot ka? Kasi anytime, pwedeng-pwede niyang malaman ang buong katotohanan. Tama ba ko ha? Sebastian Flores!"

K-Katotohanan na kinatatakutan niyang malaman ko? K-Kung ganun, tama nga iyong kutob ko; may kinalaman sa kanila iyong hula ni Madam Nessy!

"Kung alam ko lang, sana hindi na kita pinagkatiwalaan; sana hindi na ko nagpaubaya."

"K-Kung anuman iyong mga nagawa ko nun, pinagsisisihan ko iyon nang sobra-sobra hanggang ngayon; higit pa sa sobra."

"Hmph! Fine, sinabi mo eh. Pero pasensyahan na lang tayo, dahil hindi ko lalayuan si Sandro; hindi ako papayag, na saktan mo na naman siya."

Napaiwas na ng tingin si kumag sa kanya.

"May isang tanong lang ako. Bakit? Bakit nagtry ka pa rin na magbigay ng dugo sa akin, para iligtas ako? Kasasabi mo lang, dapat galit na galit ka sa akin."

"Simple lang, dahil alam kong masasaktan si Sandro, kapag may nangyari sa iyo. At isa pa...sa kabila ng lahat, hindi pa rin kaya ng konsensya ko na tiisin ka. Dahil hindi na mabubura sa alaala ko na minsan kitang itinuring na parang kapatid, na minsan kitang naging matalik na kaibigan."

Matapos ang lahat ng mga narinig ko, hindi ko na rin napigilan na mamasa iyong mga mata ko. At kaya pala pamilyar sa akin iyong itsura ni Luis, dun sa picture niya sa newspaper nung bata siya. N-Naaalala ko na ngayon kung saan ko siya nakita; sa may arcade, isa siya sa mga tropang kasa-kasama nun ni kumag!

"So, dati pala kayong mag-best friend..."sambit ko, habang dahan-dahan nang lumalakad palapit sa kanila.

At hindi na rin ako nakapagpigil na magsalita na. Sabay naman silang napalingon.

"S-Sandro,"si Luis.

Paglapit ko, pareho silang nakatitig lang sa akin.

"Hmph! Hindi niyo man lang ako ininform, aba'y ang gagaling niyo din! Akala ko, si de Quatro na iyong award-winning na artista dito, pero tinalo niyo siyang dalawa! Ang galing, ang galing-galing!"pagpapatuloy ko, with matching palakpak na may panggigigil.

Hindi pa rin sila kumikibo, nganga pa rin!

"Ano? Tititigan niyo na lang ako? B-Bakit hindi kayo magsalita? Ipaliwanag niyo sa akin, ano iyong mga narinig ko; ano iyong katotohanan na ayaw niyong malaman ko!"

Nagkatinginan silang dalawa. Si kumag, napatango. Kung siya lang, understandable na hindi siya pwedeng magsalita; dahil tungkol sa akin 'to. Pero si Luis, walang reason pa hindi siya makapagpaliwanag!

Tumingin si Luis sa akin.

"S-Sandro, a-ako...ako iyong talagang unang tao na nagkagusto, at nahulog sa iyo."

Siya raw iyong talagang unang nakakita sa akin nun sa arcade, habang naglalaro ako. At dahil nga madalas akong natambay sa lugar na iyon, dun pa lang sinusubaybayan na niya ko secretly. Nung mga time na iyon raw talaga siya nagsimulang mahulog sa akin.

Pero gaya ng nabanggit niya dati sa akin, torpe siya nun; sobrang mahiyain talaga siya, pagdating sa mga nagugustuhan niya. Takot siyang mag-approach, at makipagkilala sa akin. Dun raw pumasok sa eksena iyong ex-best friend niya(si kumag); para tulungan siya.

Siya pala ang nakaisip nung gimik na idaan sa pagchallenge sa video game, iyong pagpapapansin sa akin. Siya rin iyong unang nagchallage sa akin nun, at siya pala iyong madalas kong nakakalaban. Nakikipagpalit lang si kumag ng pwesto sa kanya, kapag time na para silipin o kausapin ako; ako naman 'tong si tanga, walang kaalam-alam.

Syempre, nasa kabilang side sila nung video game machine, at nakafocus pa ko sa screen; kaya hindi ko namamalayan na may iba pa palang nangyayari.

Ang kasunduan at plano daw nila, si kumag iyong haharap at makikipagclose sa akin; para lang mas makilala pa nila ko. Tapos pagdating ng tamang time, tsaka niya ipapakilala sa akin si Luis. Pero obviously, walang ganun na nangyari; dahil sa something na unexpected! At iyon iyong kaming dalawa ni kumag ang nagkagustuhan.

In other words, iyong kinuwento niya sa akin nun na nainlove siya dati, ako rin pala iyong tinutukoy niya dun; iyong tropa naman na inunahan daw siya, si kumag!

Sa totoo lang, hindi ko na alam; hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko, dito sa lahat ng mga nalalaman ko ngayon.

N-Napatingin na lang ako kay kumag.

"Alam kong hindi ka pwedeng magsalita; pero pwede ka pa ring makatango, para sagutin ang tanong ko. Ito ba? I-Ito ba iyong reason, kaya bigla-bigla ka na lang naging mailap sa akin nun? M-May kinalaman ba dito iyon?"

Dahan-dahan, napatango nga siya.

"N-Nagawa ko lang naman iyon, dahil nagiguilty na ko sa mga nangyayari,"paimpit pa niyang dagdag.

"Nung time na iyon na naging mailap siya sa iyo, nagkakagulo na kami; nag-away kami, dahil inamin na niya sa akin na nagkakagusto na siya sa iyo. Pero pareho ko kayong pinagpapahalagahan nun, at nakita ko rin kung gaano kayo naging kasayang dalawa sa isa't isa; kaya kahit na masakit para sa akin, pinagbigyan ko si Baste, nagparaya ako. H-Hinayaan ko na lang na maging kayo..."si Luis.

"A-At pinalabas ko naman na pinagseselos lang kita; para hindi mo mahalata n-na may iba pa kong dahilan."

"Pero hindi ko pala dapat ginawa iyon; dahil ginago lang niya ko ulit sa ikalawang pagkakataon! Dahil sinaktan ka lang niya."

Napalingon bigla si kumag kay Luis.

"Hindi porket ako iyong nang-iwan,  ibig sabihin hindi na ko nasaktan; masakit din para sa akin iyong ginawa ko! Kaya huwag mo kong pagsasalitaan at huhusgahan nang ganyan Luis, dahil wala kang alam sa mga nangyari sa pagitan namin nun!"mangiyak-ngiyak na bulalas ni kumag.

Napalingon din si Luis kanya, at pinandilatan na naman siya.

"Ikaw ang walang alam! Pinabayaan mo siya, hinayaan mo na masaktan siya ni Fidel! Hmph, oo nga pala, hindi mo nga pala talaga malalaman iyon; kasi, iniwan mo siyang mag-isa nun sa ere!"

Natigilan si kumag sa mga sinabing iyon ni Luis, maging ako ganun din.

"Alam mo iyong nangyari sa akin nun?"reaksyon ko.

"A-Anong nangyari? Anong pinagsasasabi niyo?"si kumag, sabay tingin sa aming pareho ni Luis.

Oo, hindi niya alam iyong pambubugbog na ginawa nina Fidel sa akin nun. At hindi rin 'to binanggit ni Yaya Gigi, nung nagkwento siya kay Mayor.

Napatingin na ulit sa akin si Luis.

"Oo Sandro, a-alam ko, dahil nandun ako."

Nung nag-away pala kami nun ni kumag, sinundan niya kami hanggang sa labas. Nakita niya raw iyong lahat-lahat ng mga pangyayari, until dun sa moment na sumulpot sina Fidel, at pinagtulungan nila ko.

"Gustong gusto kitang tulungan nun, pero naduwag ako; natakot ako na baka pati ko pagtulungan din nila. At nung nakaalis na sila, d-dun lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ka; wala ka nga lang malay nun. Sinubukan ko na gisingin ka, pero di ka magising. Kaya nagdecide akong umalis sandali, para humingi na ng tulong sa iba; pero nang makabalik ako, w-wala ka na."

Nagkasalisi silang dalawa ni Mayor.

"P-Pagkatapos nun, di ko na alam kung anong nangyari sa iyo. Gusto ko nang magpakilala sana sa nun; pero hindi ko na alam kung saan ka makikita, at hindi rin kita makontak sa cellphone mo."

No wonder na hindi na niya ko mahagilap nun; lumipat na kasi ko ng school, at nagpalit na ng number.

"At kahit pa alam ko iyong bahay niyo, nahiya na din ako; dahil nga hindi naman tayo magkakilala. Hanggang sa...hanggang sa nakita na lang kita ulit, nung inutusan ako ni Gary na bantayan kayo ni Mayor."

Napailing-iling na lang si kumag, tapos napaiwas na siya ng tingin sa amin. Ako naman, dahan-dahan nang napaatras mula sa kanilang dalawa. At the same time, tuluyan na ring bumagsak ang mga luha ko.


"S-Sandro...H-Huwag ka naman sanang magalit sa—"si Luis.

Nagtangka si Luis na lumapit sa akin, at hawakan ako; pero blinock at hinawi ko iyong kamay niya. Tapos, ako ngayon iyong dumakot sa braso niya; halos panggigilan ko 'to sa tindi, at higpit nang pagkakadakot ko.

"Huwag magalit? Anong gusto mo, matuwa ako sa mga pinaggagawa niyo? Matuwa ako na pinagmukha niyo kong tanga! Hmph! Nananahamik ako dati, tapos dumating-dating kayo para lang guluhin iyong buhay ko! At ngayon, sasabihin mo na huwag akong magalit? Eh talaga naman palang gago ka eh!"mangiyak-ngiyak ko na ko na ring bulalas.

Napailing-iling na lang ako.

"Alam niyo, mas mabuti siguro kung mawala na lang kayo sa buhay ko; para mawalan na din tayo ng problema pare-pareho. Layuan niyo na lang ako; layuan niyo na kong dalawa!"

Matapos iyon, binitiwan ko na siya, at tuluyan na kong nagwalkout. Nang makarating ako ulit sa may harapan ng building, dun na ko napahugulgol. Tila bumalik ulit sa akin iyong mga masasakit na nangyari sa akin nun. At sa mga nalaman ko ngayon, mas tumindi pa 'to!


Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
836K 13K 43
The story talks about three close friends. Derick Villafuente lived in the states with his mom and younger brother almost half his life. His bestfrie...
25.5K 1.2K 41
Magandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-inter...
7.8M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...