Fight XXV. "Fault In Our Scars"

1.5K 89 17
                                    


"G-Gusto ko lang sanang humingi ng so...rry...umiiyak ka ba?"si kumag.

Tinangka ulit ni kumag na hawakan ako. This time, si Luis naman iyong humawi sa kamay niya, tapos ihinarang niya iyong sarili niya sa akin; with matching pandidilat pa.

"Hindi niya kailangan ang pagsosorry mo, kaya pwede ba? Umalis ka na lang! Alam mo para kang allergy eh; nawawala, bumabalik, heto na naman."

"At sino ka naman sa tingin mo, para utus-utusan ako?"

"Ako lang naman iyong taong sumalo sa kanya, dahil sinaktan mo siya."

At ngayon pa talaga tiniming ng dalawang 'to na magbangayan na naman. Hindi pa ba sapat iyong kagaguhan nila sa videoke?

Pero, hindi pwede na hayaan ko na lang sila; baka mauwi pa sila sa sakitan. Pareho silang sugatan, at ayaw ko na may mangyari sa kanila.

"Hmph! Ang angas natin magsalita ah. Bakit, boyfriend ka na ba niya ha? Para magmalaki ka nang ganyan."

"Oo nga, hindi niya ko boyfriend; pero at least never akong nawala sa side niya. Lagi akong nandiyan para sa kanya, at hindi ko siya iniiwan o pinababayaan. Di tulad mo, na walang ibang idinulot kung di sakit; kasi, wala kang kwentang tao, wala kang kwentang boyfriend! At wala kang kwentang—"

Naputol iyong pagsasalita ni Luis, dahil bigla na siyang hinila ni kumag sa damit! Aawat na sana ko sa kanila, nang bigla namang tumunog 'tong cellphone ko. Pero, napahinto rin naman sila nito, at napalingon.

Pinahiran ko na muna ng mga kamay ko, iyong mga luha ko. At inilabas ko iyong cellphone ko, para icheck 'to; tumatawag si Mayor.

"Mayor."

"Sandro, magpunta ka na dito sa ospital ngayon din."

"Huh? B-Bakit Mayor, may nangyari ba diyan?"

"Nagkamalay na si Nessy."

At napatingin na lang ako sa dalawa, sa narinig ko.

                                                                       #

Salamat sa magandang timing ng paggising ni Madam Nessy, naudlot iyong dapat sanang upakan ng dalawang magaling; dahil nga sumugod na kami agad sa may ospital.

Eto na iyong hinihintay kong pagkakataon; ang malaman iyong buong katotohanan, mula mismo kay Madam Nessy. So far kasi, halos lahat ng mga nalalaman namin ngayon, puro second hand info lang. Pero ngayon, tuluyan na ring malilinawan ang lahat-lahat, mula sa pinakapuno't dulo nito.

Nasa may hallway ng opsital na kaming apat.

"Hindi pwede na lahat tayo papasok dun sa kwarto ni Madam Nessy. Kung okay sa inyo, kami na lang muna ni Mayor ang kakausap sa kanya,"sambit ko.

Nagkatinginan silang tatlo, tapos tumingin ulit sa akin.

"Sige, h-hihintayin na lang namin kayo dito,"si Luis.

Pumunta na ko sa kwartong pinagtataguan namin kay Madam. Nakaabang na si Mayor sa may pinto, nang makarating ako.

"Bakit ikaw lang ang nandito?"

"Nasa may hallway lang sila; sinabi ko kasi sa kanila na tayong na lang muna ang kakausap sa kanya."

Bubuksan ko na sana iyong pinto, nang bigla niyang dinakot iyong braso ko.

"Sandali Sandro."

Napatingin na lang ako sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit nagmumugto nang ganyan iyang mga mata mo?"

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon