Fight XI. "Lihim Sa Kakahuyan"

2.1K 100 8
                                    


"Sandro, anong nangyari sa inyo?"

Dumating na sina Mayor. Napalingon na lang ako, tapos itinabi ko na muna iyong bandana.

"May taong nakamaskara na umatake sa amin. Pero Mayor, huwag ako ang intindihin niyo; si Luis, kailangan natin siyang dalhin sa ospital."

Itinayo, at inakay ko na ulit si Luis.

"Iyong mga bata, nasaan na sila?"si kumag.

"H-Hindi ko pa sila nakikita."

"Hmph!"napapailing niyang reaksyon.

"Mayor, balikan na lang natin sila. Delikado kasi 'tong sugat ni Luis."

"Ano, aalis tayo? Eh paano kung may nangyari nang masama dun sa dalawang bata!"si kumag.

"Don't you think na hindi ko rin iinisip iyan? Ako ang may kasalanan sa pagkawala nila, responisibilidad ko sila! Pero hindi ko rin naman kaya na pabayaan si Luis!"

"Iyan! Mabuti naman at inamin mo rin na ikaw iyong may kasalanan!"

"Magtigil nga kayong dalawa!"galit na bulalas ni Mayor.

Napatahamik kaming pareho.

"Leche! Ngayon niyo pa talaga naisipang magtalo? At ikaw Baste, gamitin mo iyang kokote mo! Tama si Sandro, hindi natin pwedeng pabayaan na lang si Luis. At kung talagang gusto mo na mahanap natin sina Marco at Jomar, kailangan planuhin nating mabuti ang mga susunod nating magiging hakbang. Dahil hindi imposible na bumalik dito, iyong potaenang may gawa nito sa kanila!"

Hindi na umangal pa si kumag, tapos na napailing-iling na lang siya ulit.

"Fine! Pero bago tayo lumakad..."

May suot siyang jacket, tinaggal niya iyon.

"Oh, ayusin mo iyang sarili mo! May sugat ka na nga, baka mamaya eh pulmunyahin ka pa,"sambit niya, sabay abot sa akin nito.

Kinuha ko na lang 'to, at isinuot; para walang ng issue at makalakad na kami. Pagtapos nun, dalawa na kami ni Mayor na umakay kay Luis.

                                                                            #

Akala ko, magiging ayos na kapag nakarating na kami sa ospital; kaso, meron na namang problema. Iyong mga tao dito, para ring robot! Sa lahat naman ng mga place na pwedeng idamay, talagang ito pa. Ang tindi rin ng de Quatro na iyon!

At ang masaklap pa, ayaw kaming asikasuhin sa reception! As in, dedma sila, parang walang mga tao na duguan sa harap nila!

"Kabadtrip! Feeling ko para kong nakipag-usap sa pader!"sambit ko.

"Pero hindi naman na nakapagtataka, na ganito iyong naging pakikitungo sa atin ng mga tao dito ngayon. Di ba, Mayor?"si kumag, with matching titig kay Mayor.

"Hmph!"

Iyon lang ang naging reaksyon ni Mayor, tapos napaiwas na lang siya ng tingin sa amin. Masakit man aminin, pero nagpalala rin talaga sa sitwasyon namin ngayon, iyong ginawa niyang pakikipagsagutan kay de Quatro kanina. Who knows kung inutos na nung taong iyon sa mga nandito, na huwag kaming ientertain kapag makita nila kami.

Kung uubra lang sana iyong first aid, kahit sa bahay nina ate Nancy na lang kami maggamutan eh; kaso hindi, dahil parehong may kalaliman iyong mga sugat na natamo namin.

"Pero ano nang gagawin natin ngayon?"usisa ko.

"H-Huwag ka nang mag-alala Sandro, m-may kakilala kong nurse dito; hindi siya tagasunod ni de Quatro. K-Kailangan lang nating siyang mahanap, para m-matulungan niya tayo,"si Luis.

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Where stories live. Discover now