Fight XXVIII. "War Of The Worse"

1.5K 82 5
                                    

Napangisi na lang ako sa hirit ng hinayupak na 'to; iyong ngisi na nang-aasar.

"Tama ka, ito na nga ang magiging huli; dahil ngayon na matatapos ang maliligayang araw niyo ni de Quatro! Babagsak na kayo, at mabubulok sa bilangguan!"

"Ahahaha! Babagsak? Kami ba talaga ang tinutukoy mo, o ikaw at ang mga kasamahan mo? Sinabi ko naman na sa iyo nun bata, hindi mo ko mauutakan. Tuso ka, mas tuso ako; nagpaplano ka pa lang, nakasabotahe na ko!"

Lumingon siya kay Anton.

"At buti na lang, nagmana sa akin ng katusuhan ang nag-iisa kong anak."

Napalingon na siya ulit sa akin, tapos ako naman iyong tumingin kay Anton.

"Pasensya na po Master Sandro; wala 'tong personalan, ginawa ko lang po iyong misyon na ibinigay sa akin ng tunay kong Master."

"M-Misyon?"

"Hindi ako gumagawa ng hakbang, nang walang backup na plano. Sa tingin mo, paano ko nalaman nun na nakatakas kayo dito sa Daang Matuwid? At paano ko nalaman, na dito kayo magpupunta ngayon?"si Gary ang sumagot.

Nginisihan ako ni Anton. Tila nauunawaan ko na kung anong ginawa nila; n-naging mga mata rin siya sa amin ni Gary. Kaya pala, kaya pala mahilig siyang pumuslit para makasama sa amin ni Mayor; dahil binabantayan niya ang mga kilos namin. At mapahanggang sa safe house, nakapuslit at sunod rin siya sa amin.

"Anton hindi mo dapat ginawa 'to; hindi ka dapat nagpapaggamit sa mga masamang gawain ng tatay mo!"

"Manahimik ka! Hmph, hindi uubra iyang pangangaral mo; dahil kahit na anong gawin mo, ako lang ang pakikinggan ng anak ko!"

Ngayon naman, si Luis naman ang tinitigan, at pinandilatan niya.

"At ikaw! Akala mo siguro, palalampasin ko nang ganun-ganun lang ang ginawa mong pangtraytraydor sa akin; pwes, nagkakamali ka!"

"Pinagsisisihan ko, na minsan akong nagsilbi sa isang tulad mo!"sagot naman ni Luis.

"Tama iyan, magsisi ka na; dahil ibabaon kita ngayon sa lupa kasama ni Sandro!"

"Ang dami mong satsat! Kung gusto mo talaga kaming patayin, bakit hindi mo pa ginawa dati? Eh nalalaman mo naman pala ang mga kilos namin!"bulalas ko.

"Hindi ba't mautak ka? Bakit hindi mo gamitin iyang utak mo ngayon, para sagutin iyang tanong mo,"sagot niya na napapangisi na naman, with matching sulyap sa ibaba ko.

At dun ko lang narealize; alam niya na ang lahat, from the moment pa lang na niligtas namin si Madam Nessy mula dun sa kweba; obviously, pati iyong pagpunta namin kina Madam para kunin iyong powder. Pero sa lahat ng iyon, wala siyang ginawa para pigilan o harangin kami; which means...sinadiya niyang hayaan kami para sa isang bagay.

"D-Dahil sa antidote; kailangan niyo rin 'to, kaya hinayaan niyo na magawa muna 'to ni Madam Nessy."

Ngisi lang ang isinagot niya.

"Ngayon, bitiwan niyo iyang mga bitbit niyo, at ibigay niyo sa akin ang lahat ng antidote na dala niyo!"

"Hmph! Patayin mo na ko kung gusto mo; pero hinding hindi ko ibibigay sa iyo 'to!"

At bigla na lang siyang humalakhak.

"Alam mo, inasahan ko na rin na magmamatigas ka; kaya sige, bibigyan na lang kita ng pagkakataon na mamili."

Gamit iyong isa niyang kamay, naglabas siya ng cellphone.

"Sino kaya, ang gugustuhin mo na unang mawala?"

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon