Fight XXVII. "Ang Antidote"

1.5K 83 10
                                    


Natigilan ang bruha, at nabitiwan pa niya iyong basong hawak niya; kaya natapon iyong juice na laman nito.

Walang salita-salita, bigla na lang siyang tumayo at tumakbo papunta sa may pintuan ng kusina; buti at nagawa siyang harangan ni Sarra.

"Nuh ah! At saan ka naman sa tingin mo pupunta, miss mahaderang frog?"ngingisi-ngising niya sambit.

Idinantay at hinarang rin niya iyong dalawa niyang mga kamay, sa hamba ng pintuan; para sure ball na hindi makakalusot ang bruha!

Pumunta naman ako sa likuran niya. Tinapik ko siya sa likod; dahan-dahan, pinagapang ko iyong kamay ko papunta sa balikat niya, at inakbayan siya.

Halos mapatalon siya sa gulat, tapos napalingon siya sa akin. Nagtry pa siya na magpumiglas, pero mas hinigpitan ko iyong akbay sa kanya; para di siya makawala.

"Alam mo ate Nancy este Lisa, kung mahal mo ang buhay mo, mabuti pang huwag ka nang pumalag."

Napapalit-palit siya ng tingin sa aming dalawa.

"Ay, anyare sa iyo girl? Bagong dance step ba iyan? Infairness, parang iyong aso lang na display sa mga taxi tsaka jeep; iyong gumigewang-gewang ang head."

"Teka, b-bakit ganun? B-Bakit walang nangyari sa inyo? Bakit hindi kayo hinimatay sa juice!"

Nagkatinginan kami ni Sarra sa mga sinabi niya, at natawa na lang.

Napahawak si Sarra ng isang hintuturo niya, sa may baba niya; napatingala siya, as if napapaisip siya.

"Ahmmm, iyon ba iyong dapat na script namin? Eh bakit hindi ata kami nainform?"hirit niya, tapos tingin na ulit sa bruha.

"Tingin mo ba talaga, mga shungaers kami para magpaisa ulit sa iyo? Hmph, try mo rin kasing baguhin iyang style mo, kapag may time; masyado na kasing old school eh,"napapangisi kong dagdag.

Syempre, bago pa man kami nagpunta dito, expected ko na na ganito na naman iyong gagawin niya; na mag-aattempt na naman siyang gumawa ng milagro sa ipapainom o kain sa amin. So, inutusan ko sina Allen at Anton na bantayan kung anong gagawin niya; habang prineprepare niya iyong cake, at kung anumang inumin na isasama niya dito. At ang mission nila, isabotage 'to; to make sure na malinis iyong iinumin namin ni Sarra, sa harapan niya.

"If you think na panalo na kayo, na kayo iyong nakaisa ngayon, nagkakamali kayo! On the way na dito ngayon iyong mga tao ni mayor de Quatro! At kahit na tumakas pa kayo, sasabihin ko sa kanila na—"

Hindi na niya naituloy iyong sinasabi niya; inalis ko kasi iyong pagkakaakbay sa kanya, at bigla siyang dinakot sa leeg this time!

"Sige, subukan mo lang na magsalita sa kanila! At subukan mo lang din na ituloy iyang sasabihin mo..."

Gamit iyong isa ko pang kamay, may inilabas ako mula sa bulsa ko. Itinapat ko 'to sa pagmumukha niya; para makita at mapagmasdan niyang maigi, kung ano 'to! Capsule container.

"Nakikita mo ba 'to? Oo, container 'to ng Shut Up pills; Shut Up pills, na kagaya nung pinalaklak niyo sa mga tao sa bayan na 'to! Alam mo ba kung anong ginawa ko sa laman nito? Ibinudbod ko lang naman dun sa cake na ineenjoy mo kanina!"

Tinitigan ko siya sa mukha, at pinandilatan; pansin ko na namutla naman siya, tapos hindi na siya nakaimik.

"Ngayon sige, magsalita ka ng kahit na anong tungkol sa akin, at sa mga kasama ko; tignan na lang natin kung saan ka pupulutin!"

"And don't even dare na magsumbong sa kanila, through text or writing; kasi kapag nalaman namin na ginawa mo iyon, hindi ka makakatikim ni kaunting patak o wisik ng antidote! Forever kang magiging ganyan girl!"dagdag ni Sarra.

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon