Fight XXIX. "Daang Matuwid No More"

1.5K 93 14
                                    


Umalis na kami ng tore, at papunta na kami sa may liwasan. Hindi pa namin alam kung anong gagawin kay Anton, kaya isinama na lang muna namin siya.

May tumunog na cellphone, kay Baste.

"Si Mayor."

Sinagot na niya 'to, at niloudspeaker ulit.

"Mayor, nasaan na kayo?"usisa niya.

"Nandito na kami sa may liwasan, nagbabantay. Nakahanda na si Sarra, at iyong iba pang mga reporter na nandito.

"Sige Mayor, malapit na rin kami diyan,"si Baste.

"Mayor, hintayin niyo muna kami; huwag muna kayong magpapakita, hangga't wala kami diyan,"dagdag ko.

                                                                              #

At sakto naman sa pagdating namin, tumunog na iyong sirena; nakita pa namin iyong pagdagsa ng mga tao, sa pagbaba namin.

Kung pagmamasdan lang sila, mahirap tukuyin kung nakainom na ba sila nung antidote o hindi pa; parang ganun pa rin kasi iyong mga kilos nila.

Pinaiwan na lang namin ulit sina Allen at Anton sa sasakyan, tapos bumaba na kami nina Baste at Luis.

Syempre, hindi rin muna kami lumabas o nagpakita; pinanood na lang muna namin ang magiging diskarte ni Sarra.

Nandun na siya sa may tapat ng stage; nakaupo sa nakahilerang mga upuan dun, kasama iyong iba pang mga reporters. Ilang sandali pa, lumabas na ang bruha at umakyat na.

"Magandang hapon po, mga mamamayan ng Daang Matuwid. Ngayon ho, may mga kasama tayo na butihing miyembro ng media. At narito po tayo, para sila ay bigyang paunlak sa isang panayam; para bigyang linaw ang mga kung anu-anong ipinaparatang, ng mga tao na nais sirain ang katahimikan, dito sa ating bayan."

At nagsimula na nga iyong press con; isang lalakeng reporter iyong unang nagtanong kay de Quatro.

"Mayor, ano hong masasabi niyo dun sa kumakalat na article online, na nagsasabing nagkagulo raw dito nung araw ng deklerasyon niyo; dahil hindi kayo ang kandidadong ibinoto ng mga tao?"

"Alam niyo ho, ako ay isang biktima lamang ng fake news; fake news na ipinakakalat lamang ng mga taong walang magawa sa buhay, ng mga taong gustong sumira sa akin..."

"Meron ho ba kayong idea, kung sino itong mga tao na sinasabi niyo?"

"Ah, sa tingin ko ho, mas makabubuti na huwag na lang ako magbanggit ng tungkol diyan. After all, alam naman ho nila kung sino sila, at konsensya na lang rin nila kung ipagpapatuloy pa rin nila ang mga maling gawain na ito."

How ironic, siya pa talaga iyong may tigas ng mukha na mabanggit ng tungkol sa konsensya, at sa maling gawain.

Okay, heto na, humanda ang bruha na 'to; dahil si Sarra na iyong sunod na tumayo para magtanong.

Hmph, medyo nag-iba iyong expression ng mukha niya; iyong parang nagpupumilit na magmukhang fierce, pero kabado naman lol. Si Sarra naman, ngumiti lang sa kanya, tapos nagstart na sa pagtatanong.

"Madam Mayor, is it true na may nasaktan raw na media crew nung nagkagulo dito?"

"I-I just told your fellow reporter here na fake news iyong lumabas online. Walang nangyaring gulo dito sa bayan namin; so walang nasaktan na sinuman, kahit na miyembro pa ng media."

"You know Madam Mayor, napakadali lang naman ho kasi ang magdeny; so I tried to confirm this thing, myself. Sinubukan kong hagilapin kung sino iyong reporter na sumulat nung article, but it turns out...na namatay siya; just a few days after the alleged incident..."

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Where stories live. Discover now