Fight X. "Banta"

2.2K 100 6
                                    


Tumingin sa amin iyong mayor kuno nila, pati iyo iba pang mga tao ganun din.

"And look what we have here, may mga panauhin pala tayo ngayon dito,"iyong mayor kuno.

"M-Mayor teka, maghunos-dili kayo,"si kumag.

Pumunta naman ako sa kabilang side ni Mayor, at hinawakan siya sa isa niyang braso.

"Mayor, ano ba iyang ginagawa niyo! Hindi natin siya kilala, kaya hindi kayo dapat magpadalos-dalos!"

Tumingin siya sa akin. Naku po, nag-aapoy na ang mga mata ng bakulaw.

"Bitiwan mo ko!"

"M-Mayor, remember, ang number 5,"si kumag.

Tumingin lang din siya sa kanya, tapos nagpumiglas na siya sa pagkakahawak ko. Siniko niya ko bigla sa simukra, kaya wala akong nagawa kung di ang mapabitiw sa kanya. Napahawak na lang ako ng dalawa kong kamay sa sikmura ko, at sinundan siya ng tingin.

There goes the number 5, lumipad na sa kawalan! Wala na, sumiksik na si Mayor sa mga tao; pumunta siya sa pinakaharapan, at hinarap si de Quatro!

"Bilib din naman ako sa iyo, hindi ko malaman kung saang lupalop ka kumukuha ng kakapalan ng pagmumukha; para sabihin na maayos ang bayan na 'to, sa kabila ng mga kapotaenahang pinaggagawa mo dito!"

Bumaba na mula sa stage ang mayor kuno, at lumapit sa tapat ni Mayor.

"I believe, I don't know what you were talking about. Ginoong?"

"Rudivico Deforte."

"Ginoong Rudivico Deforte, sino ba kayo sa tingin niyo? Para bigla na lang umeksena dito sa bayan ko, at manggulo?"

"Hmph! Headmaster ako ng isang karate dojo, isang karateka. At kaming mga karateka, matapat; hindi tulad mo na manloloko, at mapagpanggap! Kunwaring mabait!"

"Pardon me, but what you were saying is preposterous. Hindi mo ba nakikita ginoo? Tahimik itong lugar namin, ikaw lang iyong nanggugulo,"with matching palingon-lingon pa sa mga tao, iyong pagkakasabi nun ni de Quatro.

"Oo, tahimik; dahil may ginawa kang katarantaduhan sa mga tao dito! Pinagmistulan mo silang robot na sunud-sunuran sa iyo!"

Tinawanan lang ni de Quatro iyong mga sinabi ni Mayor.

"Pfft! At sinong maniniwala diyan sa mga sinasabi mo, ginoong Rudivico?"

Lumingon-lingon ulit siya sa mga tao.

"Kayo? Paniniwalaan niyo ba ang tao na 'to? Look at him, walang modo; nagmumura, at walang galang sa isang babaeng tulad ko."

"Hmph! Lokohin mo iyang alampay mo na kasing bulok mo! Di magtatagal, sinisigurado ko sa iyo na lalabas din iyang baho mong leche ka!"sagot ni Mayor, with matching titig kay de Quatro sa mata, iyong tipong parang may kuryente sa pagitan nila.

Pero, tinawanan lang siya ulit ni mayor kuno de Quatro.

"Excuse me, ginoong Rudivico, but I don't have time anymore for this non-sense talk of yours! And so, I'm walking out!"

Tumingin siya sa mga tao.

"Pasensya na ho kayo. For now, pwede na kayong magsi-uwi sa mga tahanan niyo."

At pagtapos nga nun, umalis na siya kasama iyong dalawang bodyguard niya; pati iyong iba pa, isa-isa na ring nagsi-alisan.

                                                                             #

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon