Fight III. "Ang Mahiwagang Shut Up Pills"

3.4K 131 5
                                    



Patalim? Hmph, kahit kailan hindi ako natinag sa mga ganitong bulok na style. At bago pa man siya makalapit sa akin, sinalubong ko siya ng isang mabilis na tobi ushiro mawashi geri(jumping back roundhouse kick). Sa mukha ko siya pinuntirya para tapos agad. Tilapon ang loko pabalik sa counter. Natabig at nagbaksan ang mga nakapatong dun sa paglanding niya. Tapos nashoot siya sa loob.

Lumapit ako sa counter. Naupo ako at sumilip.

"Ay nawalan ng malay."

Dun na lang ako tumingin sa isa.

"Oh ano boss? Pili ka na lang, kung saan mo gustong ihatid ko kayo. Sa pulis o sa ospital?"ngingisi-ngisi kong usisa.

                                                                                         #

Matapos iyon, tinulungan ko na iyong tao sa backroom. Isang babae na parang gypsy girl ang peg. Kulot na mahaba iyong buhok niya. May bandana sa ulo, nakasuot ng makulay na bistida, tapos may malalaking hikaw, mahahabang kuwintas at makakapal na porselas. Medyo match sa dating ng shop niya. Hindi rin siya katandaan, parang nasa early 30's lang ata ang edad niya. Mukhang siya na ata si Madam Nessy.

Inalis ko iyong tape sa bibig niya at kinalagan siya.

"Naku pogi, thank you ha. Tiyak natsugi na ko, kung di ka dumating,"ngingiti-ngiti niyang sambit habang kinakalagan ko siya.

Medyo nailang lang ako sa pagtawag niya sa akin ng pogi.

"Ah, walang ano man ho iyon. Ginawa ko lang naman ang nararapat.

Pagkakalag ko sa kanya, tinulungan ko naman siyang makatayo.

"Kayo ho ba si Madam Nessy?"

"Oh yes! I am Madam Nessy, Nessy Balasi."

"Ahmmm, sino ba sila? I mean, iyong dalawang ulupong ho na pinatumba ko sa labas. Sino ba sila? Bakit ho nila 'to ginawa sa inyo?

Hindi siya agad sumagot. Napatingin muna siya sa may pinto, tapos may bahid ng pagkalito sa mukha niya.

"Ac-Actually hindi ko sila kilala. Sila ay mga strangers. Bigla na lang silang pumasok dito sa tindahan ko. Then ayun, tinatakot nila ko. Sasaktan daw nila ko, paghindi ko sila binigyan ng datong. Sabi ko naman, baka pwede katawan ko na lang. Alam mo ba kung anong sagot nila? Hindi raw sila pumapatol sa mga mukhang witch. Ang salvage di ba?"

Napatango na lang ako sa kanya. Di ko kasi alam kung mabwibwiset ba ko o ano sa sagot niya.

"Ah, sapalagay ko po dapat tumawag na muna po tayo ng pulis."

"Ay, oo nga pala noh. Wait lang ha."

Tumawag na muna nga siya ng pulis. Makalipas lang ang ilang minuto, dumating na sila at dinampot iyong dalawa. Matapos akong makuhanan ng statement, si Madam Nessy na lang iyong kinausap nila. Naghintay na lang ako sa isang tabi. Medyo magtagal din silang nag-usap. By how I look at it, parang nagne-negotiate sila tungkol sa kung ano.

Pagkaalis ng mga pulis, bumalik na kami sa loob ng shop.

"Pasensya na nga ho pala kayo, kung nasira ko iyong ibang paninda niyo dito."

"Okay na iyan, tinulungan mo naman ako eh. Siya nga pala, narinig ko kanina iyong pangalan mo nung kausap mo iyong pulis. Bat di mo naman agad sinabi na ikaw pala iyong alaga ni Ate Gigi. Sandro? Tama ba?"

"Bat alam niyo ho ang tungkol sa akin?"pagtataka ko.

"Oy hindi pa hula iyon ah! Tinawagan ako ng yaya mo, ininform niya ko na darating ka today."

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Where stories live. Discover now