Rosa Magica

By EMbabebyyy

11.2K 1.9K 381

Ano'ng gagawin mo kung sakaling bibigyan ka ng isang mahiwagang bulaklak? Isang mahiwagang bulaklak na kayang... More

ROSA MAGICA
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabindalawang Kabanata
Ikalabing-tatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabinlimang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabimpitong Kabanata
Ikalabingwalong Kabanata
Huling Kabanata
ROSARIA
AUTHOR'S NOTE

Ikaapat na Kabanata

541 109 15
By EMbabebyyy

Ikaapat na Kabanata

Kinabukasan ay pumasok ako nang masaya dahil bukod sa excited akong makita si Jairo ay dinagdagan ni Nanay ang baon ko. Ako raw ang nagdala ng suwerte sa buhay namin kaya dapat lang na magamit ko ang blessing na 'yon.

Pagdating ko sa classroom ay agad nahagip ng mga mata ko si Jairo. Bigla akong namula nang maalala ko ang sinabi ko sa kanya kagabi habang magkausap kami sa cell phone. Bigla tuloy akong nahiya. Ano'ng sasabihin ko kapag tinanong niya ako tungkol doon?! Sabihin mo sa kanyang mahal mo siya bilang kaibigan. Gano'n din naman siya sa 'yo, 'di ba? Gusto ka lang niya bilang kaibigan.

Huminga ako nang malalim. Bakit nga ba ako mahihiya e kaibigan lang din naman ang tingin niya sa akin?

Pumasok na ako sa classroom at nagdiretso sa puwesto ko.

"Good morning, Syd!"

"G-good morning, Jairo."

Tumingin siya sa akin saka ngumisi. "Syd . . ."

Hindi ko gusto ang tono ng boses niya. Bigla akong kinabahan. Don't tell me naaalala niya 'yong tungkol sa I love you thing? At tatanungin na niya ako tungkol doon. No way!

"B-bakit?"

Ngumisi pa siya saka ako inakbayan. "Ililibre mo 'ko mamaya, a! Sigurado 'kong may pera ka ngayon." Saka siya natawa.

Natawa rin ako saka napahinga nang malalim. Thank God, at hindi iyon ang binanggit niya.

"Oo ba! Saan ba tayo mamaya?"

"Doon na lang tayo sa eat-all-you-can para makatipid ka."

Pumayag naman ako. Inilabas ko ang libro namin sa history at kunwaring nagbasa. Pero ang totoo'y umiiwas lang ako na makakuwentuhan si Jairo nang matagal dahil ayokong mapag-usapan ang tungkol sa I love you thing. Bakit ba naman kasi dumulas ang bibig ko?! Kainis!

Nang hapon ding iyon ay nagpunta kami nina Nanay at Tatay sa sinabing address ni Mrs. Ruby. Isinama ko na rin si Jairo para sabay-sabay ko na silang ililibre.

Isang cheke ang ibinigay sa akin ni Mrs. Ruby at agad din naman namin iyong ipinalit sa banko. Pagkatapos ay saka kami dumiretso sa isang restaurant para kumain at mag-celebrate.

"Wow! First time akong inilibre ni Sydney. Isang himala 'to!" sabi ni Jairo habang inilalagay ng waiter sa mesa ang mga in-order namin.

Hinampas ko siya sa braso pero tinawanan niya lang ako.

"Syd, I have a suggestion. Magbukas ka na ng bank account. Malay mo sa susunod, manalo ka uli, kung may bank account ka, may mapaglalagyan ka ng pera. O kahit hindi ikaw, si Tita, o kaya si Tito," sabi ni Jairo pagkatapos niyang nguyain ang kinakain niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. May point siya, baka sakaling hindi lang ito ang unang beses na manalo 'ko sa raffle. Baka sakaling masundan pa 'to.

"Sige, pag-uusapan namin 'yan nina Nanay at Tatay." Tumango naman ang mga magulang ko.

Sabay-sabay kaming kumain at masayang nagkuwentuhan. Malapit din si Jairo kina Nanay at Tatay, at tuwang-tuwa sila dahil may isang Jairo sa buhay ko. Napangiti nga ako nang sabihin nila 'yon. Masuwerte talaga ako na may isang Jairo sa buhay ko.

***

Ang unang ginawa namin sa perang napanalunan ko ay ang pagbabayad ng tuition fee ko at ang pagbabayad sa mga utang namin. Hindi pa namin nabayaran lahat dahil kailangan naming magtira ng budget namin at ng pang-entrance exam ko sa college. Pero at least ay nabawasan na.

"Seriously, Syd, nagpapasalamat ako na ikaw ang katabi ko. Kung hindi ikaw, baka namatay na ako sa pag-so-solve ng math problem kanina," sabi ni Jairo habang naglalakad kami pauwi. Tinawanan ko lang naman siya.

Hindi pa rin binabanggit ni Jairo ang tungkol sa pagkakasabi ko sa kanya ng I love you noon. Sa tingin ko'y naiintindihan niyang mahal ko rin siya bilang kaibigan. Siyempre, wala naman siyang gusto sa akin kaya hindi niya bibigyan ng ibang meaning 'yon.

Isang talulot pa lang din ang nagagamit ko kay Rosa. Wala pa naman kasing dahilan para gamitin ko ang ibang talulot. Sa ngayo'y kontento na ako sa kung ano'ng meron ako.

"A, Syd . . . may gusto pala akong itanong."

"Ano 'yon?" Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Seryoso ang mukha niya na para bang seryosong tanong ang ibabato niya sa akin.

"Syd . . . k-kasi . . ." kandautal si Jairo. Hindi rin siya makatingin nang diretso sa akin. "M-may naalala kasi 'ko. May—Syd!"

Bigla akong hinila ni Jairo palapit sa kanya at nakita ko na lang ang sarili ko na yakap-yakap ng lalaking gusto ko.

"Hey! Mag-iingat naman kayo!" bulyaw ni Jairo.

Napatingin naman ako sa direksiyong tinitingnan niya at nakita ko ang ilang kabataan na matuling nagpapatakbo ng bike. Hindi man lang sila huminto para humingi ng pasensiya.

Lumayo nang kaunti sa akin si Jairo at saka niya ako tiningnan. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Hindi ka ba nahagip kahit kaunti?" sunod-sunod na tanong niya. Tumango-tango naman ako.

"O-okay lang ako. Medyo nabigla lang. Pero okay lang ako. Walang masakit sa akin."

"Are you sure? Hindi kita kailangang dalhin sa ospital?" paulit-ulit niya akong inoobserbahan at tinitingnan mula ulo hanggang paa.

Pinisil ko naman ang dalawang braso niya. "Okay lang ako. Hindi ako nasaktan, promise," nakangiti kong sinabi.

Huminga naman siya nang malalim. "Basta sabihin mo sa akin kapag may naramdaman kang hindi maganda, a?"

Tumango lang naman ako kahit na deep inside ay gusto kong sabihin sa kanyang "May nararamdaman akong hindi maganda. 'Yong puso ko . . . ang bilis at ang lakas ng tibok, at dahil 'yon sa yakap mo."

"Ihahatid na kita pauwi. Mahirap na, baka mamaya hindi na bike ang makabangga sa 'yo."

Naglakad na uli kaming dalawa. Pilit kong pinakakalma ang puso ko. Oh my heart! Puwede bang manahimik ka?! Naiilang ako kay Jairo, e!

Nang kumalma na ang puso ko ay nasa bahay na kami. Bigla ko naman naalalang may itatanong nga pala siya sa akin.

"Jairo, ano nga pala 'yong itatanong mo kanina?"

Napaiwas naman siya ng tingin. "A, wala 'yon. K-kalimutan mo na lang . . ."

Tumango na lang ako at nagpasalamat sa paghahatid niya sa akin.

***

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan nina Nanay at Tatay habang nanonood ng TV nang may lumabas na isang segment kung saan i-a-announce nila ang winners para sa raffle promo nila.

"Teka, sinalihan ko rin 'to, e." Agad kong kinuha sa drawer ko ang raffle ticket ko. Kagaya ng sinabi ko kay Jairo noon, marami akong sinasalihang raffle, at kahit na alam kong maliit ang chance na manalo, itinatago kong mabuti ang mga raffle ticket.

Raffle sa isang chocolate drink ang ipinakikita sa TV. Paborito ko ang chocolate drink na 'to, ang Limo, kaya madalas akong bumibili sa tindahan. Mura na, masarap pa! Meron silang anniversary raffle ngayon kung saan mamimili sila ng tatlong winners ng kotse, 500,000 pesos cash, at house and lot.

"And last but not the least, here's the winner of 500,000 pesos cash!" sabi ng host. Ipinakita sa TV screen ang pangalan ng nanalo, at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Anak! Pangalan mo 'yon, oh! Pangalan mo 'yon!" sigaw ni Nanay nang makita ang pangalan ko.

"Oh my god! Oh my god! Oh my god! Nanalo 'ko!!!"

Nagtatatalon kami nina Nanay at Tatay. Hindi rin namin napigilang magtititili. Sobrang sarap naman sa pakiramdam nito! Thank you, Lord!!! Or should I say . . . thank you, Rosa?

***

Kinabukasan, Biyernes, nagpunta kami ng mga magulang ko sa kompanya ng Limo para kuhanin ang premyo ko. Um-absent na lang ako dahil nagplano na rin kami ng mga magulang ko na mamasyal at kumain sa labas. Tinawagan ko na lang si Jairo kung bakit ako absent, sigurado kasi 'ko na hindi ako titigilan n'on kapag hindi niya ako nakitang pumasok.

Masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Masaya ako na napapasaya ko ang mga magulang ko, na nakatutulong na ako sa kanila. Naisipan ko tuloy na magsimba. Pero teka, dapat ba talaga akong magpasalamat sa Diyos? Siya ba talaga ang nagbigay ng blessings sa amin? O si Rosa?

Noon kasi, noong hindi pa dumarating sa buhay namin ang kakaibang bulaklak na 'yon, ilang beses akong nagdasal at nagsisimba rin ako tuwing Linggo pero walang nangyayari sa pamilya namin. Walang blessings na dumarating sa pamilya namin. Pero mula nang dumating ang rosas na 'yon ay nagbago ang lahat.

Bigla tuloy akong nagkaroon ng duda sa Kanya. Siya ba talaga ang may gawa ng lahat ng 'to? Siya ba talaga ang nagbigay sa amin ng mga 'to? O talagang pinabayaan na Niya kami at hinayaan na lang na umasa sa isang bulaklak na ibinigay ng kung sino?

Buong maghapon ay iyon lamang ang nasa isipan ko, kung sa Kanya nga ba nanggagaling ang mga regalong dumarating sa buhay namin ng pamilya ko. Habang papauwi kami ay may nadaanan kaming simbahan. May isang pamilya na bumaba sa tapat n'on. Gusto rin sanang bumaba ni Nanay pero tumanggi 'ko. Sinabi ko na wala namang misa kaya sa Linggo na lang kami magsimba. Pumayag naman si Nanay. Pero ang totoo ay para akong nawalan ng ganang magsimba. Hindi ko alam pero sa mga oras na 'to ay lumalaki ang pagdududa ko sa Kanya.

At magmula sa puntong ito, bigla kong nakalimutang may taong nagmamasid sa itaas.

***

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nabayaran na namin ang lahat ng utang namin. Nakapagpagawa na rin kami ng bank account ni Nanay. Pinaghatian namin ang natirang pera mula sa premyong nakuha ko sa mga raffle. 'Yong perang nasa account ko ay itinatabi ko para sa pag-aaral ko sa college.

Nakapag-entrance exam na rin kami ni Jairo sa school na papasukan namin sa college. Hindi na rin niya kinailangang sagutin ang perang ginamit ko ro'n. At isa 'yon sa mga ipinagpapasalamat ko. Hindi na madadagdagan ang utang na loob ko kay Jairo at sa pamilya niya.

Pagdating ng Lunes ay pinagtitinginan ako ng mga tao sa school namin. Hindi ko alam kung ano ang big deal sa pagpapa-straight ng buhok, pagpapaayos ng ngipin, pagpapatanggal ng blackheads sa mukha, at pagbili ng bagong school uniform at sapatos. Kung tingnan kasi 'ko ng mga tao, lalo na ng mga kaklase ko, ay para akong transferee.

Nagpunta kasi kami sa mall nina Nanay at Tatay noong Sabado at nag-aya rin si Nanay na magpa-parlor kami. Nagpunta rin kami sa spa para makapag-relax. Bumili na rin kami ng mga bagong cell phone, 'yong latest model para pasok sa uso.

Kahapon naman ay nag-date sila ni Tatay at tuwang-tuwa ako nang makita ang picture nila na kinuhanan sa isang photo booth sa mall. Matagal-tagal na rin mula noong nag-date sila na silang dalawa lang.

"Good morning, Jairo!" bati ko sa lalaking nakasubsob sa mesa.

Napaangat siya ng tingin at biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. "S-S-Syd?! Ikaw ba 'yan?"

Hindi ko napigilan ang sarili na mapairap. "Don't tell me pati ikaw ay naninibago sa itsura ko?"

"H-hindi naman sa gano'n pero kasi . . . Wow, Syd! Hindi ko alam na babae ka pala!" Hinampas ko siya nang malakas sa braso, natawa lang naman siya. Maya-maya'y ako naman ang nagulat nang bigla niya akong akbayan. "Akala ko maganda ka na noon, may mas igaganda ka pa pala."

Dahil sa sinabi ni Jairo ay nagwala na naman ang puso ko. Homay, Jairo! Ano ba 'tong ginagawa mo sa puso ko?!

***

Halos lahat ng nakakakita sa akin ay napapalingon, mapa-babae, lalaki, tomboy, o bakla. Gano'n na ba ako kapangit dati para mapansin nila ang simpleng pag-aayos ko? Pero teka, sino bang niloko ko? Sigurado akong hindi lang ang itsura ko ang dahilan kung bakit sila napapalingon. Sigurado akong nabalitaan at napanood din nila ang pagkakapanalo ko sa Limo Anniversary Raffle.

"'Yong totoo, Syd, ano'ng naisipan mo at nagpa-straight ka ng buhok?" tanong ni Jairo habang kumakain kami ng lunch sa canteen.

"Wala lang. Nakakairita na kasi 'yong kulot at sabog na buhok ko. Ang kati na kapag tumatama sa balat ko. Saka inaya akong mag-shopping nina Nanay noong Sabado kaya sinulit ko na."

"Syd, hindi sa nangingialam ako, a. Pero hindi mo naman kailangang mag-ayos. Maganda ka naman na dati pa."

Bigla naman akong namula dahil sa sinabi ni Jairo. Nakakainis naman ang lalaking 'to! Paano ko pipigilan ang sariling mahulog sa kanya kung ganyan siyang magsalita?!

"Hayaan mo na ako, Jairo. Minsan lang naman ako mag-ayos nang ganito."

"Ano pa nga ba'ng magagawa ko e nakaayos ka na?"

Natawa kaming pareho saka bumalik sa pagkain ng tanghalian.

"By the way, Syd, may gusto nga pala akong itanong sa 'yo," sabi niya habang pabalik kami sa classroom.

"Ano 'yon?" tanong ko habang nakangiti. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko pero bigla ko na lang naisipang magpa-cute kay Jairo.

Para namang natigilan ang kaibigan ko. Nakita ko siyang napalunok at hindi na nakapagsalita pa. Nakatitig lang siya sa akin. Ibig bang sabihin ay effective ang pagpapa-cute na ginawa ko?

"Huy, Jairo!" I chuckled. "Gandang-ganda ka ba talaga sa akin?" Natawa ako sa sarili kong tanong.

"Oo, Syd . . . ang ganda mo talaga."

Natigil ako sa pagtawa dahil doon. Napatingin ako sa kanya at napatitig sa mga mata niya. Nag-a-assume lang ba ako o talagang may gusto sa akin si Jairo? Bakit ba ganito siya magsalita nitong mga nakaraang araw?

"Kayong dalawa, ano pa ang ginagawa n'yo riyan? Tapos na ang lunch break."

Napaiwas ako ng tingin kay Jairo at napatingin sa taong nagsalita. Bell na pala kaya nandito na si Mrs. Almendras. Agad naman kaming pumasok ni Jairo sa classroom at naupo sa kanya-kanya naming upuan.

Habang nagkaklase ay ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng aking puso. Mas naririnig ko pa nga ang tibok nito kaysa sa itinuturo ng teacher namin. Ghaaad! Iba na 'tong nararamdaman ko! Hindi puwede 'to! Lalo na't . . . hindi kami pareho ng nararamdaman ni Jairo.

Continue Reading

You'll Also Like

21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
Balang Araw By Æ

Historical Fiction

1K 80 34
balang araw // historical fiction story Isang marangal, tanyag, at perpekto kung maitatawag ang pamilya De Vera. Mayroong ilaw ng tahanan, haligi ng...
658K 21.4K 28
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...
67.1K 3.5K 26
Deities in Town #1 || Eliane Domingo wishes to live normally, finish her thesis, and graduate on time. But with her suddenly becoming the sun god's v...