My Pandemic Love Tale

By naylazz_

29.8K 613 249

One afternoon, Tristan was pranked by his sister. He started receiving hundreds of messages from girls who go... More

My Pandemic Love Tale
Achievements
Chapter 1: Post
Chapter 2: Notif
Chapter 3: Reply
Chapter 4: Story
Chapter 5: Chat
Chapter 6: Later
Chapter 7: Sister
Chapter 8: Past
Chapter 9: Fear
Chapter 10: Talk
Chapter 12: Typhoon

Chapter 11: Link

906 30 12
By naylazz_

LINK


Kape agad ang hinanap ko pagkamulat palang ng mga mata ko dahil tamad na tamad akong bumangon. Sumasakit din ang ulo ko dahil sa sirang tulog ko kagabi kaya kumain na din ako ng agahan dahil feeling ko kailangan ko nang iinom ng gamot to. 

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa kabila ng sakit ng ulo ko ay nangingiti parin ako tuwing naaalala ko yung nangyari kaninang madaling araw.

Hay nako, Tristan Andrei. Kung sino mang makatuluyan mo sana mahalin at alagaan ka talaga habang buhay. Deserve mo ng mundo at sana alam mo yon. 

Nang matapos na kong kumain ay uminom na nga ako ng biogesic at dumiretso na ulit sa kwarto. Wala na kasing gagawin ngayon kaya pwede na kong maghiga nalang ulit. Tsaka masakit pa kasi talaga yung ulo ko kaya ayoko munang magkikilos.

Hindi nga din muna sana ako gagamit ng cellphone pero nagchat na kasi si ate Nath kaya wala na kong nagawa at napareply narin ako.


Nathalie Mae:

Morning siz

Hulaan mo sino nagrereklamo ng ganito kaaga?


Malawak agad ang ngiti ko. Unang chat palang juicy na. Paano ko naman tatanggihan to diba?

Dumapa ako sa kama para mas komportable akong mag-type dahil mukhang mapapalaban na naman ako. Hindi ko kasi pwedeng palampasin to e. About kasi kay Tristan.

Hay! Di bale, tatalab naman na siguro yung gamot maya maya. Bahala na.


Me:

Mornings ate :))

Sinooo

At bakit nagrereklamo?

HAHAHAHHAHAHAHAHAHA


Syempre alam ko naman na kung sino pero I still asked just to make the conversation more fun. Sa ngalan ng chismis, ika nga.


Nathalie Mae:

Edi si Tristan

Pano puyat

Kala niya day off niya today e bukas pa pala

Eto nakikipagaway na naman sa call


Natawa ako nang maimagine ko yung eksenang nakikipagtalo siya sa call pero agad ko ring sinaway ang sarili ko sa takot na baka pumasok na naman si mommy sa kwarto at abutan na naman akong pangiti ngiti.


Me:

HAHAHAHAHAHAHHA OMG

Hala kaya ba siya gising pa ng madaling araw?


Yun nga siguro yung dahilan. Supposedly day off niya naman pala kasi e. Deserve niya nga namang mag-unwind at aminin narin nating masarap din talagang magpuyat pag pahinga mo.


Nathalie Mae:

Oo siz

Wait bat mo alam?


Napangiti ako. Siguradong magwawala to si ate Nath pag nalaman niya. Yun lang naman kasi yung goal niya everyday e.


Me:

So eto na nga, ready ka na ba?

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA


Nathalie Mae:

Siguraduhin mo lang na matutuwa ako dyan siz :)))))


As expected, mukhang nakiliti ko na agad ang curiosity niya sa bilis niyang magsend ng reply.

Grabe. Minsan napapaisip nalang din ako na baka tatlo yung kamay niya sa sobrang bilis niyang magtype e.

Anyway, yun naman yung kailangan namin ngayon para mas maging exciting tong toxic na bisyo namin. Ang magchismisan.


Me:

Sana ate HAHAHAHHAHA

Lamoba nag usap kami kaninang madaling araw, mga 3am ata yon

Kasi ate, may problema ako non tapos nakita ko siyang online kaya ayon, binulabog ko siya :)))


Shet. Ang lala ko na. Limang beses na ata akong napangiti ngayong umaga at hindi ko narin alam ang gagawin ko kapag may nakakita sakin dahil hindi ko narin kayang magpigil pa ng ngiti.

Tuwing naaalala ko kasi talaga yon, automatic nang napapangiti ako e. Ang hirap pa naman pigilan pag buong pagkatao mo masaya. Hays!


Nathalie Mae:

ABA!!!

HOY WEH

SASABUNUTAN KITA SIZ

SPLUK!!!

Anong pinag usapan niyooo

Napaproud ako sayo :)))))))


At mas lalo pa ngang lumawak ang ngiti ko. Inexpect ko naman na na magwawala tong si ate Nath pero tawang tawa parin ako nang mabasa ko na yung naka all caps at sunod sunod niyang reply.

Kinuwento ko sa kaniya yung nangyari kaninang madaling araw at mukhang satisfied naman siya sa interaction namin ni Tristan kahit pa hindi kagandahan yung puno't dulo ng paguusap namin.

Tinanong niya naman ako kung kamusta na ba ko ngayon tapos ay nagkaron lang kami ng kaunting sharing about sa experience namin sa anxiety at sleep paralysis.

Sabi niya yung age ko daw ngayon yung sobrang prone sa ganon kasi ito daw yung age na most vulnerable ang tao emotionally and mentally. Danas niya din daw kasi to dati kaya alam niya yung pakiramdam. Diagnosed pa nga daw siya at pinagtake din ng gamot.

Sinabi ko naman na okay na ako ngayon kaya naging light din agad yung usapan namin at di kalaunan ay napunta na naman sa bugawan.


Nathalie Mae:

Alamo di talaga yon madamot sa comfort tsaka marunong talaga siyang makinig siz

Bait yun e, napakalawak ng understanding tsaka haba ng patience


Me:

Oo nga teh e

Kahit di niya magets yung mga sinasabi ko nagtatry parin siya tsaka bilis din mag-reply

Parang nakabantay siya ganon


Nathalie Mae:

Oo siz

Alamo try mo nga din ispluk yung exam mo


Me:

Lah kaya ko pa ba teh

Hihiya na ko dun kasi ang drama ko kagabi e

Di ko na alam pano siya haharapin

HAHAHAHAHAHAHHAHAHAH


Naalala ko tuloy bigla yung resulta ng entrance exam ko. Kumpara kahapon na sobrang eager ko malaman kung nakapasa ba ko, ngayon halos wala na kong maramdaman sa sarili ko.

Ewan ko ba. Namanhid na ata talaga ako kaya hindi na ko masyadong nag-expect na makakapasa pa ako. Kaya naman nung nakita kong wala nga ako sa listahan ay hindi na ko nasaktan o nagulat man lang. Pagkakita ko palang na wala ako, tanggap ko na agad.

Ipinagkibit balikat ko nalang yon at kung hindi pa nagtanong kanina si ate Nath habang nagshesharing kami ay hindi ko na yon maaalala pang sabihin sa kaniya.

Nag aabang din kasi siya dahil gusto niya daw akong tulungan maghanap ng school pero syempre, hindi na ako pumayag. Nakakahiya kaya. Busy din naman siyang tao kahit hindi halata.


Nathalie Mae:

Eh pano tayo uusad dito siz?

Di ka naman jajudge non no

Basta come as you are lang palagi

Di mo need maging perfect don siz nako

Treat him as your friend lang, kung pano ka sakin


Me:

Eh baka I'm too young naman para maging friend niya :((


Nathalie Mae:

Adult ka na gaga ano ka 16?

Di naman kita bubugaw don kung minor ka jusko edi nakulong yon siz?

Tayo nga friends e, 10 years agwat natin tas hihiya ka don


Me:

Eh babae ka namannn


Nathalie Mae:

Alamo basta magtiwala ka nalang sakin

Chat mo na yon wala namang mawawala sayo :))


At dahil mukhang hindi naman siya titigil kahit anong reason ang sabihin ko, unti unti narin tuloy akong sumuko at nakumbinsing ichat na nga si Tristan.

Huli narin ang lahat bago ko pa man mapigilan ang sarili ko dahil nang makita kong active siya ay nawalan narin ako ng control sa sarili kong mga kamay.


Me:

Hi, are you busy po?

Just wanna say thank you po pala again for last night :))


Umaapaw ang kaba ko nang masend ko na ang message ko sa kaniya pero kumpara kahapon, mas at ease na kong i-chat at kulitin siya ngayon dahil alam kong single na siya at according to ate, hindi naman din daw siya busy today.

Tsaka may back up ako no. Sabi nga ni ate Nath habang buhay siya may pag asa kami e. Alam mo naman ako, isa't kalhating opportunista din. Hindi lang halata kasi nerbyosa ako.

Speaking of ate Nath, magpapaligo daw muna siya ng baby niya. May lakad daw kasi silang pamilya today kaya nagbabye narin kami sa isa't isa after ng halos dalawang oras naming chikahan.

Meanwhile, mukhang tumatalab naman na yung gamot sakin kaya umokay na ulit yung pakiramdam ko. Pinapakiramdam ko na nga kung kelan tutunog yung cellphone ko sa reply ni Tristan e. Buti nalang after ng ilang dasal ay nagreply na nga siya.

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip. Okay lang ba talagang sumaya ako ng ganito? Okay lang bang kiligin? Wala ba tong magiging kapalit?


Tristan Andrei:

Hey

No worries

How are you now?


Me:

Hi, good morning po :)))

I'm okay naman na kaso may isa pang bad news e


Gusto ko sanang sabihin na 'eto okay na sana kaso pinagpapalpitate mo na naman.'

Hays! Bakit ba kasi ang gwapo gwapo niya? Di na naman tuloy ako magkamayaw dito. DP palang pang-buo na ng araw e. Pano pa kaya tong nakakausap ko na siya? Damn!

Pero syempre kahit anong kilig ko dapat focus parin sa goal. Kailangan namin ng quality conversation para hindi naman masayang ang oras niya.

Mukha pa namang may time nga siya ngayon. Nakapagseen na agad at typing narin e. Mas lalo tuloy siyang pumogi.

Gustuhin ko mang i-claim na sinuswerte ata ako ngayon, ayoko namang mabati at baka matampal pa ng hangin.


Tristan Andrei:

Again? lol

What is it?


Bigla naman akong parang tanga na natawa sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ba maoffend ako pero ewan ko ba kung bakit ang cute parin ng dating niya sakin.

Ngayon alam ko na kung bakit sinasabi nilang love is blind! Ganito pala yon! Yung mawawalan ka nalang bigla ng kakayahan mag-differentiate ng color. Yung tipong di mo na alam kung alin yung green at pula!

Sana lang talaga ay kayanin ko pang makapag-explain ng matino sa kaniya dahil kailangan namin ng quality conversation. Kailangan yung may sense dahil baka hindi na to masundan ulit kung lalaruin ko lang.

Sabi pa naman ni ate Nath, ayaw daw ni Tristan yung lumalandi lang at halatang may pakay. Ewan ko kung anong kaibahan nitong ginagawa namin pero ang mahalaga ay nagrereply siya.


Me:

I didn't pass my entrance exam po e, pang second time na :((


I know. I hate myself too kapag nagiging pabebe ako kaso kusang lumalabas kapag siya na yung kausap ko e. Feeling ko kasi ang liit liit kong tao kapag kaharap ko na siya at hindi rin malinaw sakin kung bakit gusto ko yon.


Tristan Andrei:

University?


Oh, wow. At mukhang may time nga talaga ang kuya mo today! May reply kaagad e. Ayos to!


Me:

Opo

Actually, pang-second take ko na nga yon pero bagsak parin me :((


Tristan Andrei:

Their loss then

That's okay, there are still lots of school available.

Have you looked into other colleges?


Me:

Yes, pero dun kasi gusto ng parents ko since libre lang yung tuition don tapos sikat din siya sa city namin


At this point, alam kong dapat mahiya na ako dahil literal na binubunyag ko lang naman sa kaniya yung kapalpakan ko pero masyado ata akong masaya para makaramdam ng hiya. Ayoko nalang talagang batiin yung momentum namin ngayon dahil baka mabato pa.

Besides, I'm feeling unexpectedly comfortable too. Hindi ko nga mafeel na nagkukwento ako sa isang stranger e. Meron kasi siyang ganong vibes. Kaya din siguro magaan yung loob ko sa kaniyang mag-share.


Tristan Andrei:

Why don't you try UP? I heard it's open to scholars.


Ayun lang. Hindi ko alam kung dahil ba to sa language barrier pero mukhang nawalan narin siya ng kakayahang humusga ng tao.

Hindi ata nagsink in sa kaniya na dalawang beses na kong bumagsak sa entrance exam dito samin tapos itry ko daw mag-UP.

I mean?

Okay, medyo kinikilig tuloy ako lalo. Pa-weird na talaga ng pa-weird interpretation ko sa mga bagay bagay. Hays!

Wala tuloy ako sa sarili nung nagtatype na ako ng reply.


Me:

Malayo samin yun e tsaka di po ako ganun katalino para mag UP hehe

Tapos mabilis pa akong ma-stress 

Ngayon nga nasstress na naman ako e


Tristan Andrei reacted to your message.


Oh tingnan mo! Nag-haha pa!

Pano naman ako kakalma nito kung panay siya ganyan diba? Shet!

Now it really feels like we're talking na talaga. Like for real siz!


Tristan Andrei:

Wait til you're working, it's worse.

From what I heard PUP is free too right?


Okay, kalmahan mo self. Quality conversation dapat. Quality, hindi flirty. Umayos tayong lahat dito.


Me:

Yes po pag scholar

Check ko nga dun later after ko mag mag-chores

Alam mo pala yung PUP?


Okay, that was such a dumb question pero wala na kasi akong maisip para mapahaba pa tong convo namin e.


Tristan Andrei:

Not really but I've heard of it.


Buti na nga lang at sinagot niya pero mukhang kailangan ko paring i-try ulit dahil wala akong masyadong nakuha.


Me:

Hmm okay

San ka pala nagcollege?

Dito po ba sa Philippines?


I know, I know. Hindi ko alam kung kalabisan na ba yan pero diba nga, hangga't di pa tayo binablock, means it's not over yet.

Tsaka minsan lang naman to e. Pagbigyan niyo na ko, okay?


Tristan Andrei:

No, I graduated in Europe.


See!


Me:

Ohhh, maganda ba dun?


Tristan Andrei:

I'd say yes, it's better there.


Me:

Sanaol huhu


Tristan Andrei reacted to your message.


Omg! Nag-haha ulit siya!

Paniguradong pulang pula na ang mukha ko ngayon pero wala na kong pake kahit makita pa ako ni mommy.


Me:

Alamo dito kasi samin yung PNC lang yung free e tapos puro private na yung iba

Wala naman akong pang-tuition tsaka idk pa pano makakuha ng scholarship

I'm still yet to check pa yung sa PUP pero later pa kasi gusto ko mentally prepared na ko

Hays! Kakastress talaga maging estudyante :)))

Dami mong pagdadaanan bago makagraduate pero in the end di parin naman guaranteed na mabilis ka lang makakahanap ng work dito sa pinas

Kaso wala e, mataas expectations sayo

Alamo di ko pa nga din alam kung anong course yung gusto ko pero mukhang di naman na din yon mahalaga kasi gusto nila mag-teacher ako e

So ayun nga, pasensya ka na ha ang daldal ko

Wala kasi akong ibang kausap kaya ako ganto hehez


Mahabang paliwanag ko habang nakakagat labi pa dahil sa excitement. Kasabay naman ng pag-send ko ay ang unti unti kong pag-realize sa isang bagay.

Natawa nalang ako nang ma-receive ko na yung reply ni Tristan na siyang inaasahan ko na ngang mabasa. 


Tristan Andrei:

You know what


Me:

What po?


Ni-ready ko na ang sarili ko.


Tristan Andrei:

I haven't gone to sleep yet and I'm still trying to process what you said.

I assure you, I've never felt this lightheaded before.

Damn, you just mentally assaulted me.


At ayun na nga!


Me:

HAHAHAHAHHAHAHAHAHHAAHHAHAHAHAHHAAHAH

Omg sorry! Nakalimutan ko!

HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHA

Sorry na!


Pandalas tuloy ang tawa ko habang nakataklob ng unan sa mukha para hindi marinig ng pamilya ko. Sabi na e! Masyado ata akong naexcite sa pagsheshare at nakalimutan kong hindi nga pala kami parehas ng dila nitong kausap ko.

Mas lalo naman akong natawa nang mag-haha na naman siya. Kahit siguro siya ay natawa rin sa hindi namin pagkakaintindihan.


Tristan Andrei reacted to your message.


Tristan Andrei:

I'm kidding, that's okay.


Patuloy lang ako sa pagtawa at hindi agad nakapagreply sa kaniya. Pinapakalma ko muna kasi ang sarili ko at inuubos ko muna lahat ng tawa ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako tawang tawa pero I guess good mood lang talaga ako kaya sobrang babaw lang din ng kaligayahan ko.

Nakataob ang screen ng cellphone ko sa kama habang nagpapahid ako nang luha at nag-aayos ng sarili just in case may biglang pumasok sa kwarto. Nang matapos na ko at sa wakas ay kalmado na, hinawakan ko na ulit yung phone ko at bumalik na sa thread namin.

Hindi ko naman inasahan yung sumunod na replies niya kaya naestatwa nalang ako nang mapagtanto ko na kung anong nakita at nabasa ko.

Hindi ko narin namalayan na tumigil na pala ang paghinga ko sa sobrang mangha. Napahawak nalang din ako sa dibdib kong parang siga na namang nagwawala. Ito na ata ang pinakamalalang palpitation na nangyari sakin sa buong 19 years ng buhay ko.


Tristan Andrei:

I honestly couldn't understand what you were saying but hope this helps haha


Tristan Andrei sent you a link.


Tristan Andrei:

Just visited PUP's website and they're still accepting applicants.

Check out the link and sign up na before the slots run out.

Good luck, Roma.

Hope everything goes well for you.

Continue Reading

You'll Also Like

53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
15.3K 343 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...