My Pandemic Love Tale

Par naylazz_

29.8K 613 249

One afternoon, Tristan was pranked by his sister. He started receiving hundreds of messages from girls who go... Plus

My Pandemic Love Tale
Achievements
Chapter 1: Post
Chapter 2: Notif
Chapter 3: Reply
Chapter 4: Story
Chapter 5: Chat
Chapter 6: Later
Chapter 7: Sister
Chapter 8: Past
Chapter 9: Fear
Chapter 11: Link
Chapter 12: Typhoon

Chapter 10: Talk

920 29 7
Par naylazz_

TALK


Tsaka lang ako kumalma nang magsimula na nga kaming mag-usap ni Tristan. Niyaya niya akong mag-usap at nagpapasalamat talaga ako na ginawa niya yon dahil mas maayos na ang pakiramdam ko ngayong meron na kong kasama.

Sobrang laki kasing tulong ng presence niya para bumalik ako sa katinuan. Ngayon unti unti na kong nakakapag isip ng malinaw at nababawasan narin ang kaba at takot sa dibdib ko. Hindi narin ako umiiyak. Naiinitan nalang ako dahil nasa loob parin ako ng kumot hanggang ngayon.


Tristan Andrei:

But how about now?

Still scared?


Reply niya matapos kong magkwento tungkol sa panaginip ko. Medyo inabot pa nga kami ng siyam siyam sa paliwanagan dahil hindi niya agad naintindihan yung mga sinabi ko.

Bukod kasi sa magulo akong mag-explain, nakalimutan kong hindi nga pala siya masyadong marunong magtagalog. Kung hindi pa ako nagtaka kung bakit ang tagal niyang sumagot sakin kahit nagseen na siya ay hindi ko pa marerealize.


Me:

Medyo scared pa po pero better na now

Sorry magulo akong kausap ha

Magulo pa kasi utak ko tsaka di ako makapag english e


Never ko naman kasing naisip na may dadating palang tao na makikinig sakin at sa mga bangungot ko sa buhay at lalo nang never kong naisip na balang araw pala ay kakailanganin kong magtranslate ng anxious thoughts sa English para ipaliwanag sa ibang tao.

Sa ganong paraan din ako unti unting kumalma dahil sa kada translate ko ng salita ay nakakalimutan ko na yung mismong issue ko.

Humiling ako kay Lord ng makakasama during challenging times like this pero di ko naman akalaing challenging din pala yung ibibigay niya sakin.

Gayunpaman, nagpapasalamat at masaya narin ako dahil sobrang laking bagay talaga ng presence niya ngayong mahina ako.

At higit sa lahat, napalaking bagay din na ang bilis niyang magreply at mukhang invested din siya sa issue ko. Plain nga lang siyang magreact pero nafifeel ko parin naman yung pakialam niya.


Tristan Andrei:

That's okay.

I'm just not good at speaking tagalog but I can understand it fluently.

You want water?


Gaya niyan. Isn't he a bit thoughtful? Marunong siyang mag-alaga at magpakalma. Yung kahit sobrang anxious ko na at OA narin yung mga sinasabi ko, prente parin siya.

I think yun yung way niya para hindi na palalain pa yung problema. Pero I don't think wala siyang pakialam kasi hindi naman siya nawawala e. Mukha namang inaantabayanan niya rin yung mga reply ko.


Me:

Yes po but I'm medyo scared to go out pa

I'm under my kumot nga

Sobrang pawis ko na kasi kanina pa me nagtatago dito :(((


Okay. Halata bang maayos na ko ngayon? Grabe ang weird ko talaga kahit kelan. Hays.

Ito yung ayaw ko sa sarili ko e. Mabilis akong matakot pero ang bilis ko ring umusad. Minsan nag aalala narin ako kasi 10 minutes ago para na kong mababaliw pero after 10 mins naman okay na ulit ako. Halos parang walang nangyari. Gaya ngayon, pabebe na ko ulit.

Gamot din siguro yung fast replies niya kaya mas mabilis akong nakarecover.


Tristan Andrei:

Lol why?

Come out na, you're suffocating yourself.


Wait. Ano nga ulit yung panaginip ko?

Bakit parang paiba na ata ng paiba yung understanding ko sa mga reply niya sakin. Kasi parang kinikilig na ko e?

Normal ba to? Okay lang ba ko? Okay na ba ko talaga?

Hindi ako makapagpasya kaya tinry ko nalang ulit magpacomfort pa ng konti sa kaniya para sure.


Me:

Scared e :(((


There. Para malaman ko lang. Wala namang masama mag-double check. Minsan kasi nagsisinungaling din mind and body natin e.


Tristan Andrei:

No, that was only a nightmare.

Stop scaring yourself.

Come out ka na.


At pinigilan ko na nga lang mangiti sa nabasa ko.

Shet. Opo, eto na po. Lalabas na.

Oo nga naman, nightmare lang naman yon e. Bakit ba ko nagkukulong dito?

At dahil ayaw ko na siyang pag-alalahanin pa, kumawala na nga ako sa kumot ko.


Me:

Okay done na po :)))


Reply ko matapos kong mapaspas narin ng hangin sa wakas. Ganun lang naman pala kadali. Sana pala kanina ko pa ginawa. Ano ba kasing nangyayari sakin?


Tristan Andrei:

Good.

Water?


Me:

:(((((


Tristan Andrei:

I'm here.

Go get water.


Oh, at bakit na naman ako kinikilig?!

Bumangon tuloy akong kagat kagat ang labi para pigilang mangiti. Ni wala na nga akong pake kung bigla nalang may magpakita saking multo. Mas takot pa nga akong may makakita saking nakangiti ngayon e.

Pagkainom ko tuloy, dumiretso ako sa sala at binuksan ang ilaw don para icheck ang itsura ko. As expected, mukha akong basahan. Muntik na tuloy akong matawa pero buti nalang napigilan ko.

Inayos ko lang yung sarili ko bago ako bumalik na ulit sa kwarto at nagreply na kay Tristan.


Me:

Done po


Tristan Andrei:

Good.

You feel better now?


Me:

Yes po :))


Alam mo cute pala talaga kapag yung guy gwapo na tapos caring pa no?

Hays. When kaya. Matagal pa kaya yung dating ng para sakin?

Crush ko si Tristan pero hindi ko naman kasi hawak yung kapalaran naming dalawa kaya nakakaguilty siyang angkinin. Pero if ever, pwede naman siguro? Single naman kami parehas. Adult na rin. Hindi nga lang halata sakin pero getting there naman na.


Tristan Andrei:

That's good.

Try to rest up na.


I sighed. Medyo nanlumo sa nabasa.

Ayoko pa sanang bumalik sa pagtulog pero ang totoo, inaantok narin talaga ako ngayon kaya hindi na ko papalag.

Tsaka baka rin kasi kailangan niya na palang matulog kaya sige na nga, nakapag usap naman na kami.

Hindi lang maganda yung simula pero bumawi naman sa dulo. Bawing bawi nga, actually.


Me:

Opo

Ikaw tutulog ka na din?


I asked dahil malapit narin palang mag-4 am. Silently hoping din na matulog na siya dahil bigla nalang pumasok sa isip ko yung story niya. Out of nowhere tuloy ay napa-overthink na naman ako.

Bakit nga pala siya gising pa ng ganitong oras? Bakit nasa Facebook pa siya? Meron ba siyang kausap? Sino kayang kausap niya?

Hays. Akala ko ba ayaw ko siyang angkinin? Okay ka lang ba, Romalyn?

Mabuti nalang at mas nangingibabaw na sakin yung antok ngayon kaya nawala rin agad yung mga iniisip ko.


Tristan Andrei:

Yeah


Me:

Okay, thank you po.

Good nights :)))


I really wish kaya ko pang iexpress ng mas maayos yung pag-thank you ko sa kaniya pero hindi ko na magawa dahil unti unti na talaga akong hinihila ng antok.


Tristan Andrei:

Good night, Romalyn.


Romalyn. Wow. Bakit parang ang bigat ata pakinggan ng pangalan ko ngayon? Bakit parang feeling ko walang kaamor amor yung pagtawag niya sakin?

Hays! Pa-weird na talaga ng pa-weird yung understanding ko. Matutulog nalang at lahat e. Pati ba naman yon lalagyan ko pa ng tono?

Kahit tuloy napapapikit na ko ay tinry ko paring resolbahan ang bagong issue ng utak ko. Kesa naman dalhin ko pa to hanggang pagtulog ko diba? Baka mamaya maging rason pa to ng bangungot ko e.


Me:

Uhm, can u call me Roma nalang po?


Kinakabahan ako sa tanong ko pero ito lang kasi sa ngayon yung naiisip kong solusyon para matahimik na yung toxic na utak ko. Nickname ko naman din yung Roma at feeling ko mas maganda yong pakinggan at mas nakakadalaga din.

Besides, kung nickname na yung tawag niya sakin, mas magiging komportable narin akong ichat siya dahil parang na-reach narin namin yung next level ng strangership.


Tristan Andrei:

Sure


I forced myself not to smile. Napakapogi niya. Sobrang pogi. Yun lang ang masasabi ko.


Me:

Okay, good nights po.

Thank you po again :)))


Kuntento na ko sa lahat ng napag usapan namin ngayon pero akalain mo nga namang tama pala yung kasabihan na laging yung panghuli ang pinakamasarap. That the best pala talaga is always saved for last. Like a dessert.


Tristan Andrei:

Yup.

Good night, Roma.

Sweetest dreams.


At tuluyan na nga akong napapikit, hindi dahil sa antok, kundi dahil sa kilig. 

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
18.9K 656 19
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
16.9K 351 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...