Ceaseless Fire

By nininininaaa

8.8M 215K 27.5K

[ARDENT SERIES #1] This a dangerous kind of love. A love that is like a fire that can't be ceased and kept o... More

Ceaseless Fire
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 21

151K 3.8K 521
By nininininaaa

Chapter 21
Towel

"I don't," I answered, and his lips parted as he heard my answer. "I don't regret making you leave."

Orion averted his eyes away from mine. He licked his cherry lips before biting his lower lip.

My heart feels so happy and hurt at the same time while seeing him disappointed and not satisfied with my answer.

Ano'ng gusto mong isagot ko, Orion? Do you want me to regret? Gusto mo bang pagsisihan kong pinakawalan kita na dahilan kung bakit ka napunta sa iba? Na dahilan kung bakit nawala tayong dalawa?

"That's because I'm proud of whatever you've achieved right now," I added.

Muling napaawang kanyang bibig bago ako binalikan ng tingin. Mukhang hindi niya inaasahan ang aking pahabol.

"If I didn't make you leave before, baka hindi mo naabot ang mga naabot mo ngayon. Baka hindi mo nakilala ang babaeng nakalaan para sa'yo. Baka hindi mo nakilala si Halsey," pagpapaliwanag ko.

His eyes shifted from being in a state of shock to a melancholic one.

Kahit masakit para sa'kin ang mawala siya, masaya naman ako dahil napunta siya sa babaeng nararapat para sa kanya. Alam kong pinahiram lang naman sa'kin siya ng tadhana. Sa pagbitaw ko sa kanya palayo ay iyon na ang simbolong pinapabalik ko na siya sa tunay na nagmamay-ari sa kanya.

He's not really mine to begin with. And I don't want to hold on to what isn't mine. It's like gripping on a stem of rose that's full of thorns. I may be holding on to something beautiful—just like the relationship that we had, but underneath that beauty was an unattractive hand that's coated with blood, as a result of being pricked by the thorns—waking me up from a fairytale like dream and bringing me back to reality. The reality where the rose isn't really for me. He's simply not for me.

Destiny just used him as an instrument for me to feel love and to know about love. He is the best subject of love. I wanted so much to pass that love subject, but I know I won't be able to achieve the requirements and standards for me to pass and be eligible. Wala pa ako sa kalingkingan upang pumasa. Ang pagiging babae lang ata ang ipinasa ko sa listahan. Aside from that, the rest of the lists was filled with red x-marks.

I sincerely smiled at him. "I'm proud of you, Orion," I told him. "And I'm also happy for you."

Muntik nang lumandas ang aking luha mula sa aking mata. Mabuti na lang at kasabay nito ang pag-ihip ng hangin. Natakpan ng aking buhok ang aking mata at nahipan pabalik ang luhang nagbabadya.

Hinawi ko ang mga hibla ng buhok na nakatakip sa aking mukha at inipit sa likod ng aking tenga. Sinikop ko rin ang aking buhok at inilagay sa kanang balikat upang hindi masiyadong magulo.

Tumayo ako at saka pinagpag ang buhanging dumikit sa akin. Pinulot ko rin ang drawstring bag na dala ko at isinukbit sa aking balikat.

"Where are you going?" he asked me.

"Uuwi na ako," sagot ko. Mukhang hindi naman ako makakapaligo ngayon sa laot dahil medyo malakas ang ihip ng hangin. At saka nawalan na rin ako ng ganang maligo. Baka sa susunod na linggo na lang.

"Hindi ka maliligo?" sunod niyang tanong at saka pinasadahan ng tingin ang dala kong bag.

Umiling naman ako at ngumiti. "Sa susunod na lang."

"Why?" he curiously asked. "Is it because I'm here? You're not comfortable that I'm here?"

Maagap naman akong umiling. "Hindi ako makakapalaot dahil medyo malakas ang hangin," dahilan ko. "Ayaw ko namang dito lang sa dalampasigan maligo."

Tumayo naman siya at saka pinulot ang kanyang sapatos bago idiniretso ang tingin sa akin.

"I can take you at the open sea with the yacht," he volunteered.

Muli akong umiling. "Huwag na," pagtanggi ko. "Sa susunod na lang. Medyo malakas din ang alon dahil sa hangin. Nakakatakot lumangoy."

Bahagya naman siyang nagtaas ng kilay sa akin. "Are you avoiding me?"

"Hindi, ah," sabi ko dahil hindi naman talaga.

Nawalan lang talaga ako ng ganang lumangoy dahil sa naging takbo ng pag-uusap naming dalawa pero hindi ko naman siya iniiwasan.

"Kung gusto mo ay sumama ka pa sa'kin kapag napagdesisyunan kong maligo sa susunod na day off ko, eh," wala sa sarili kong sabi.

Huli na nang maisip kong masiyado akong naging matapang sa pag-aya sa kanya. Naging padalos-dalos ako sa pagsasalita at hindi ko man lang nasala ang dapat kong sabihin.

"Well, I'll wait for that, then," sabi naman niya at saka ngumiti.

Hilaw na lang akong ngumisi sa kanya. "Sige... Uhm... Aalis na ako."

Akmang tatalikuran ko na siya upang makaalis ngunit hindi niya ako hinayaang tumalikod sa kanya. Agad niya akong pinigilan sa pag-alis nang hawakan niya ang aking palapulsuhan at iharap ng maayos sa kanya.

"Ihahatid na kita pauwi," pagp-prisinta niya.

"You can't," sabi ko.

"I can," giit niya.

Umiling naman ako at saka tinuro ang kanyang yate. "Paano ang yate mo?" tanong ko. "Wala naman sa tabing dagat ang bahay nina Tito at Tita para ihatid mo ako gamit 'yan."

He slightly chuckled. "Let's bring the yacht back at the resort," he said. "I'll drive you home afterwards with my car."

"May dala akong bike," sunod kong dahilan.

"Not a problem," agap niyang sabi. "Pwede naman natin 'yang isakay sa yate at pwedeng isabit sa likod ng sasakyan ko. May mga naiisip ka pa bang palusot, Naiyah?"

My eyes slightly widened when he mocked me. I shook my head and smiled slyly.

"Hindi naman ako nagpapalusot," sabi ko na lang. "Kuhanin nga muna natin ang bisikleta ko."

Mabilis ko siyang tinalikuran at halos takbuhin ko na ang daan patungo sa harap ng aming bahay kung saan ko kinadena ang aking bisikleta. At dahil sumunod sa akin si Orion ay siya na ang nagbuhat ng bisikleta ko gamit ang isang kamay kahit na pwede naman namin 'yong itulak na lang. Mas gusto niya atang pinapahirapan ang kanyang sarili.

Tumungo ako sa barandilya ng yate upang busugin ang aking mata sa magandang tanawin. Hindi ko ito nagawa no'ng mag-iisland hopping kami noong isang araw dahil sa presensya nina Orion at Halsey.

Ngayon na nagawa ko na ay hindi ko maiwasan ang mamangha. Noon pa man ay pinagmamalaki ko na ang malinaw at malinis na dagat dito sa Bela Isla na nakakonekta sa West Philippine Sea. Mabuti na nga lang at hindi pa ito masiyadong nadadayo ng mga turista. Mas mapapanatili itong malinis kung kaunti lamang ang dumadayo rito sa amin. Pero ngayong palago na nang palago ang The Valley ay alam kong hindi na maiiwasan ang pagdagsa ng mga turista.

Sana lang ay mapangalagaan ng maayos ang anyong tubig na nakapalibot dito sa Bela Isla. Okay lang naman na dayuhin ang kayamanan na mayroon ang isla ngunit ang problema kasi ay mga ibang turista ay walang disiplina. Hindi nila naiisip ang maaaring maging epekto ng kanilang mga aksyon na nakakasama sa kalikasan.

It's very ironic how God created us to be the stewards of His creation, when we're also the ones who are destroying it. Dapat nga ay hindi Niya na kailangan gawin pang obligasyon ang pangangalaga sa kalikasan na Kanyang pinaghirapan kundi dapat tayong magkusa bilang pasasalamat. It's very disappointing to see that there are only few people who really care about nature.

Minsan ay napapaisip ako... Kailan sila aaksyon upang mapangalagaan ang kalikasan? Kikilos lang ba sila kung kailang huli na ang lahat? O patuloy pa rin nilang iaasa sa iba ang pangangalaga rito?

Kaysa dumiretso ang yate papaliko sa ruta patungong The Valley ay unti-unting huminto ang yate sa gitna ng dagat. Humina ang makina hanggang sa nawala na ng tuluyan ang ugong nito. Tanging ang paghampas na lamang ng mararahan na alon ang aking natutunugan at ang bawat pagyapak ng papalapit na si Orion na agad kong nilingon.

Bago pa ako makapagsalita upang tanungin kung bakit kami huminto sa laot ay nakita ko siyang nagbaba ng tuwalya sa sun lounger.

Alam ko na agad ang gusto niyang iparating sa akin.

He turned to look at me after placing the towel at the top of the sun lounger. "You can swim now," he told me. "I have a towel here. Mukhang damit lang kasi na pamalit ang dala mo sa liit ng bag mo."

"Dapat ay dumiretso na tayo sa The Valley," sabi ko naman. "Hindi rin naman buo ang loob kong maligo ngayon dahil sa alon."

"I know you really planned and wanted to swim today, Naiyah," he said. "Your eyes say it all. And you don't have to be scared, I am here with you. I'll watch over you while you swim."

Naalala ko naman ang hindi niya pagsagip sa akin noong kamuntikan na akong malunod. If I drown again this time, will he really save me, or will he just watch me gasp for air to breathe and let me drown like before?

Dahil sa kuryosidad ay nag-ipon ako ng hangin sa aking baga bago ako nangahas na tumalon sa dagat ng walang imik. Ang damit na suot ko naman ay ang aking panligo kaya walang kaso. I'm wearing pink board shorts and a black tank top.

"Naiyah!" I heard Orion's shouted, but the sound was slightly faint as the water blocked my hearing.

I dove and swam deeper up to the point where I could almost see the corals clearly. Medyo malalim na rin ang tubig kaya kahit gaano kalinaw ang dagat ay hindi ko makita ng malinaw ang mga koral na mapayapang namumuhay sa ilalim ng dagat. Noong bata ako'y hindi ko natatagalan ang pagdilat sa ilalim ng dagat dahil sa pagkahilam, ngunit ngayon ay sanay na ako.

I stayed there, trying to hold my breath as long as I could before I swam back to the shallow waters.

I took a deep breath and collected air as I got to breathe when I felt a warm hand on my tummy no matter how cold the sea water is and even if there's a cloth covering it.

"Damn..." he softly cursed. "You don't need to show me your talent in holding your breath for so long. You're tryna give me a heart attack. Maybe it's a wrong idea to let you swim, hmm?"

Sobrang lakas ng kabog ng aking puso. Kung nakakabingi ang tubig ay 'di ko akalaing mas nakakabingi pala ang pagkabog ng puso ko.

"Now, I'm wet..." he whispered, his hand never left my tummy. "I don't have extra clothes with me."

"Sorry..." sabi ko na lang dahil wala na akong makapa pang ibang salita sa sobrang panghihina dahil sa kanyang paghawak sa akin.

"Now, go and swim some more before I drag you back to the yacht," he said before setting me free from his hold.

I didn't know why I'm slightly disappointed when his hand left mine. But I didn't stay, I swam far from him. I wanted to enjoy the time he had given me to be free and explore the wonders of our exquisite sea. Hindi na nga lang ako sumisid pa ulit sa ilalim ng dagat. Nakuntento na lamang ako palangoy-langoy sa ibabaw. Nakuha ko pang languyin paikot ang buong yate.

Nang mapagod ako ay doon lamang ako nagdesisyon na umahon. Siguro'y halos labing limang minuto lang ang itinagal ko sa paglalangoy sa dagat.

I grabbed the stainless ladder to go up at the yacht, ngunit bago ko pa naiangat ang sarili ko paakyat ay naramdaman ko na ang paghawak ni Orion sa aking bewang. Umangat din ng bahagya ang aking tank top na suot. I was able to feel his rough fingers against my skin that gave me shivers down to my spine. His touch is giving me that kind of sensual feeling. I've already felt this feeling before. Siya rin ang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.

Walang kahirap-hirap niya akong naingat paupo sa yate. Hindi naman na ako nanatili roon upang panoorin pa ang pag-ahon niya. Kinuha ko na ang tuwalyang inilapag niya sa lounger kanina.

Patutuyuin ko na sana ang aking sarili nang lingunin ko si Orion. His dark blue jeans became darker and his wet white plain shirt impressed his abdominal packs. Nakuha ko pang bilangin iyon. Anim! Hubog na hubog ang kanyang katawan dahil sa pagkabasa at lalo na't puti pa ang kanyang suot.

My eyes traveled to his face, only to catch him raising his eyebrows at me.

Bahagya naman akong naubo. Mabuti na lang nakaisip agad ako ng tamang iakto. Inangat ko ang tuwalya upang ipakita sa kanya.

"Wala kang pamalit. Ikaw na lang ang magpatuyo gamit 'tong tuwalya," sabi ko na lang.

Umiling naman siya at saka pinasadahan ng kanyang daliri ang buhok niyang basa. "May extra towel pa sa loob pero magpatuyo ka muna at doon ka na magbihis," sabi niya. "Pagkatapos mo ay saka tayo babalik ng resort."

Sa takot kong baka magkasakit siya ay nagmadali na akong pumasok sa loob. Mabilis kong pinunasan ang aking katawan ng tuwalya bago nagpalit ng damit. Ang basa kong damit ay inilagay ko sa plastik bago ipinaloob sa aking bag.

Nang lumabas ako ay si Orion naman ang pumasok sa loob upang patuyuin ang sarili.

Hindi rin naman nagtagal ay lumayag na ang yate patungo sa resort. Hindi naman ito naging matagal dahil sobrang lapit lang ng bahay sa The Valley. Wala pa nga atang limang minuto ay dumaong na ang yate.

"I will just change inside the office. May damit ako roon," sabi niya habang naglalakad kami sa dalampasigan patungo sa hotel.

Buhat-buhat niya pa rin ang aking bisikleta.

Tumango naman ako dahil kailangan niya naman talagang magpalit.

Papalabas si Tita Cora sa The Valley nang mamataan niya kami na papasok naman. Her mouth slightly parted before a smile formed on her lips. Binilisan niya ang lakad papalapit sa amin ni Orion.

"Saan kayo galing?" natutuwang tanong ni Tita Cora. "Bakit basa ka, Rion?" sabay baling niya sa anak.

"I was at the Castellano's land... Naabutan ako ni Naiyah doon. Sinamahan ko siyang magswimming," sagot naman ni Orion.

Makahulugang ngiti ang ipinakita ni Tita Cora sa aming dalawa ni Orion. "I'm glad that you two are having fun already," sabi ni Tita. "Anyway, I must fix my things already. I will fly to Manila tonight. Nandoon ang Daddy mo. We're gonna stay there for three days bago bumalik dito."

Tumango naman si Orion at lumapit kay Tita Cora pero sinigurado niyang hindi mababasa ang kanyang ina nang humalik siya sa pisngi nito.

"Take care, Mom," sabi ni Orion kay Tita Cora.

Humalik din naman ako sa pisngi ni Tita Cora bilang paalam sa kanya bago siya tuluyang umalis.

Mapanuring tingin ng mga kasamahan ko sa trabaho ang sumalubong sa akin nang pumasok kami sa loob ng hotel. Iniwan pa ni Orion sa isang bell boy ang aking bisikleta upang bantayan.

Orion made me wait inside his office while he changed his clothes. Hindi siya pumayag na maiwan na lang ako sa baba at doon na lang maghintay sa kanya.

Mabilis lang din siyang nakapagpalit. Hindi niya na inalintana pang ayusin ang kanyang basang buhok. Pero kapag hinahawi niya iyon gamit ang kamay niya ay umaayos na. Kung kanina'y puti ang suot niyang shirt, ngayon naman ay itim. He doesn't need to pay an effort in order to look good. Kahit anong ayos niya ay gwapo pa rin.

"Let's go?" pag-aya niya sa akin.

Tumayo naman ako mula sa sofa at nagulat ako ng hawakan ni Orion ang aking palapulsuhan. Kahit humaharurot sa pagtibok ang aking puso ay pilit ko itong kinakalma. Baka maramdaman niya ang nagwawalang pagtibok ng puso ko dahil sa paghawak niya sa aking pulso.

Tahimik lang ako habang sumusunod sa kanya. Kahit noong nasa elevator kami ay hindi niya binitawan ang aking palapulsuhan. Nang buhatin naman ang aking bike ay gamit niya ang kabilang kamay na libre upang hindi ako mabitawan.

Nang makarating sa kanyang sasakyan ay roon niya lang ako binitiwan at pinauna na niya akong pumasok sa loob habang inaayos niya ang pagkakasabit ng bike ko sa likuran ng kanyang sasakyan. Pagkapasok niya sa loob ay muli nanaman kaming napalibutan ng katahimikan.

Mabuti na lang at hindi ganoon katagal ang biyahe pauwi sa bahay nina Tita at Tito.

"Where are your auntie and uncle?" tanong niya nang sumilip sa loob ng aming gate.

Wala pa ang sasakyan. Paniguradong hindi pa sila nakakauwi.

"Pumunta kasi sila sa kabilang lungsod. Baka mamaya pa ang uwi nila," sagot ko naman.

"Sayang naman... Nangako pa naman ako sa kanilang mananatili na ako para kumain ng hapunan sa susunod na paghatid ko sa'yo," sabi niya. "Pero sila naman ngayon ang wala."

Bahagyang napaawang ang aking bibig. "Uh... May next time pa naman siguro..." nag-aalangan kong sabi.

Tumango naman siya bago ako muling nilingon. "Are you gonna be fine alone?"

Ngumiti naman ako at tumango. "Oo naman," sabi ko.

He gave me a smile. "Thank you for today, Naiyah," he sincerely thanked me. "I really had fun and somehow forgot all the inhibitions running through my mind earlier."

"Ako rin..." sabi ko at hindi na ako magsisinungaling pa. "Masaya naman ako lagi kapag kasama ka..." kahit na alam kong mali ang nararamdaman ko.

Continue Reading

You'll Also Like

5.6M 183K 48
Dallace, a rebellious student, feels neglected since her father's death. Her mother's new family exacerbates insecurities, leading to harmful behavio...
1M 28.7K 15
"How can I move on when I'm still in love with you?"
5.2M 161K 63
"There's another heartbeat in the darkness." Worthwood Academy, a school where extraordinary is only ordinary. Everyone is special in their own ways...