Chapter 47

136K 3.3K 253
                                    

Chapter 47
Fault

"Tita, ayos na po ba talaga na cake lang ang dadalhin ko? Hindi po ba masyadong simple?" nag-aalala kong tanong habang tinitingnan binili kong cake sa may Tanawan.

I was waiting for Drew's arrival while being problematic with the gift that I was about to give to Drew's parents. Ngayon na kasi niya ako dadalhin sa kanila upang ipakilala ng maayos sa mga magulang niya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko mapigilan ang kaba na nararamdaman ko kahit na nakilala ko na ang mga magulang niya dati.

His parents were both humble and kind when I met them before. Naalala ko nga ang tahimik na pang-iinis at pang-aasar nila kay Drew noong graduation namin no'ng high school.

Maybe the nervousness came from my experience with Orion's mother. What if they just also seemed to like me before to show support to their son, when the truth was they didn't really like me at all?

Ayoko ng ganoon.

"Hindi naman kailangang mamahalin ang dalhin mo roon sa kanila, Iyah..." sabi naman ni Tita at saka umupo sa aking tabi. "Kahit ganyang simpleng regalo ay ayos na. Ang importante ay mayroon kang maibibigay bilang paggalang sa kanila. Hindi na importante kung ano pa man ang dala mo."

Lumabi naman ako at saka muling tiningnan ang box kung saan nakalagay ang cake.

Hindi pa rin mapalagay ang loob ko kahit na sinabi na sa akin ni Tita na ayos lang at hindi na masyadong importante sa kung ano ang napagdesisyunan kong ibigay. I really feel like I should give something more for them.

I was startled from my thoughts when my phone suddenly rang and revealed Drew's name on the screen as the caller.

Mabilis ko namang kinuha ang aking cellphone na nakalapag sa coffee table upang masagot na ang tawag ni Drew.

"Hello?" I said, as soon as I answered his call.

"I'm already outside. Are you done preparing already?" he said.

Kahit alam kong hindi niya makikita ay tumango-tango pa rin ako. "Tapos na ako," sabi ko. "Lalabas na ako. Sandali lang."

"Just take your time. I'll wait for you here," he told me. "Ikaw na ang magbaba ng tawag."

Napangiti naman ako. "Okay, sige."

Agad ko namang pinatay ang tawag bago isinukbit ang aking bag at binitbit ang cake.

Muli ko namang nilingon si Tita bago lumabas ng bahay at ngumiti na lamang siya sa akin bilang pagbibigay suporta at para na rin mapanatag ang aking loob.

As soon as I went outside of our house, my eyes already darted at Drew who was leaning on his car with his arms crossed. And when he saw me walking towards him, a smile slowly appeared on his lips while staring straight at me.

Napalunok naman ako at bahagyang nag-iwas ng tingin sa kanya habang pinapakiramdaman ang nagawawala kong puso. Daig pa nito ang mga tambol na parang sumasabog ang tunog tuwing may gumagawa ng musika gamit ang mga ito.

Wala na ata talagang pag-asa na makasanayan ko ang mga ngiti at pagtitig na ibinibigay niya sa akin. Hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin akong kakaiba.

"Good morning," he greeted me and kissed my forehead when I got closer to him.

I smiled at him and nodded before raising my hand to show him the cake I bought.

Bahagya namang napakunot ang noo niya. "You bought a cake?"

"Oo," sabi ko at bahagyang kinabahan. "Ayaw ba nila ng cake? Hindi ba sila mahilig sa matamis?"

Ceaseless FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon