Chapter 17

154K 3.6K 718
                                    

Chapter 17
Secrets

"Is this the meal that Orion brought you?" Rav asked when he was already near me.

Tinignan ni Rav ang dinalang pagkain ni Orion para sa'kin. Halos pareho lang sila ng dalang pagkain. Siguro ay dahil galing mismo sa hotel ang pagkain. Ang pinagkaiba lang ay may soup ang dala ni Orion kanina, habang kay Rav naman ay wala. It's all dry foods.

"Uh... Oo," sagot ko na lang.

"Kumain ka na, Iyah," bigla namang sabi ni Tita Edna na hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin. "Para makainom ka na agad ng gamot at hindi na lumala pa ang sakit mo."

Binalik ko naman ang tingin ko kay Rav na nakatingin pa rin sa pagkaing dala ni Orion habang tangan-tangan ang hawak na tray. I don't want his effort to be wasted. Alam kong nagmadali pa siya para ipagkuha ako ng pagkain.

"Uhm, Tita, sa'yo na po itong pagkain na 'to," sabi ko naman kay Tita Edna na bahagya niyang ikinagulat. "Iyong dala po ni Rav ang kakainin ko."

Napalingon naman si Tita Edna kay Rav na dahilan kung bakit muli akong napatingin sa kanya. He was trying to surpress his smile by pursing his lips, while looking at me. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti na lang din.

"Parehas lang naman sila ng dalang pagkain, ano bang pinagkaiba?" pinagtatakang tanong ni Tita Edna.

"Baka po siguro bagong luto lang 'yung akin kaya mas gusto ni Naiyah kasi mainit pa, Tita," inunahan pa ako ni Rav sa pagsagot at nagbiro na lamang.

Marahan namang tumawa si Tita Edna. "Pabiro ka pala, Attorney," komento niya.

Kinagat ko naman ang aking pang-ibabang labi upang mapigilan ang sarili sa pagtawa.

"Sige na nga't ako na ang kakain nito," sabi na lang ni Tita Edna at kinuha na ang dala-dalang pagkain ni Orion.

Nilipat niya ito sa kabilang lamesa upang malapag ni Rav ang kanyang dala-dalang pagkain.

"Ay! Itong sabaw ay kay Naiyah na lamang para mainitan ang kanyang sikmura," pahabol ni Tita at saka binalik ang mangkok sa lamesa na katapat ko.

Nag-angat naman ako ng tingin kay Rav dahil nahihiya talaga ako sa kanya. I don't want him to think that I'm favoring Orion, when he's the one who saved me.

"That's okay," sabi naman ni Rav at siya na mismo ang naglapit ng soup sa akin. "You need this. I forgot to ask them for some soup. It's a good thing that Orion gave you this."

Simula palang ay ramdam ko na ang pagiging maalaga ni Rav. When I first met him, the day he went to our house and discussed about my family's debts, he had that kind solicitude aura. He wasn't rough, but very considerate. He knew how to balance his attitude. Alam niya kung kailan dapat magseryoso at maging mapaglaro. But I think I kinda like this new side of him—the caring one.

Hinatak naman ni Rav ang isang upuan patungo sa gilid ng kamang aking hinihigaan.

"Tita, sana po ay okay lang kung pakain ko si Naiyah," pagpapaalam ni Rav kay Tita Edna na ikinalaglag ng aking panga.

Bahagya namang humalakhak si Tita Edna. "Wala namang problema sa'kin 'yon. Basta ba ay ayos lang din kay Naiyah," sabi ni Tita Edna.

Rav beamed at me before he got the bowl of soup. Hinalo niya ito ng isang beses bago sumalok sa kutsara at itinapat sa akin.

"It's not that hot anymore. Hindi na nakakapaso 'yong sabaw. Tamang-tama lang," sabi niya sa'kin bago mas inilapit pa ang kutsara sa aking bibig.

"Kaya ko namang kumain mag-isa, Rav. You don't need to feed me," pagtanggi ko naman.

Ceaseless FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon