Chapter 8

156K 4.1K 511
                                    

Chapter 8
Lunch

Nakatitig lamang ako ng diretso sa screen ng aking laptop. Nakalog-in dito ang aking Facebook na sobrang tagal nang naka-deactivate.

Nang malaman ko ang patungkol sa bagong girlfriend ni Orion ay tila parang may nag-udyok sa'king buksan ang aking Facebook para tignan kung ano ang itsura nito.

I bet his new girlfriend is everything that I'm not. Maybe she's the best example that depicts all the descriptions of the girl who deserves to be called Orion's girl.

Dapat ay hindi ko na ginagawa 'to. Dapat ay wala akong pakialam kung sino man ang bagong babae sa buhay ngunit nakukuryoso ako. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon.

Wala sa loob kong tinipa ang bawat letra na bubuo sa pangalan ng girlfriend niya sa search box. Panigurado naman ay mayroon itong Facebook.

"Halsey Navarro..." basa ko sa pangalan nito bago pinindot ang enter.

Agad na nagload ang aking Facebook page at ilang Halsey Navarro rin ang lumabas bilang resulta. Nang makita ko ang babaeng hamak ng ganda ay agad ko itong pinindot. Tinignan ko ang location nito at nakitang sa England siya nakatira. Doon din pumunta si Orion upang mag-aral ng kolehiyo.

Hindi pa ako tuluyang nakakababa sa kanyang timeline ay bumungad na agad sa akin ang litrato nilang dalawa ni Orion. Nakaakbay sa kanya si Orion habang siya naman ay naka-ulo sa balikat nila. Mukhang nasa beach silang dalawa dahil na rin sa suot nila.

Nawala na ako sa bilang ng mga nadaanan kong mga litrato nila habang pababa ako ng pababa sa timeline ni Halsey. Hindi mo maipagkakailang bagay na bagay silang dalawa. Umaabot din ng ilang libo ang mga likes at comments sa bawat litrato. Dito palang ay makikita mong maraming sumasang-ayon sa relasyon nilang dalawa.

I stopped from scrolling down her timeline when I saw a familiar video tagged to her. Kusa itong nagplay nang tumigil ako sa tapat nito at kakaumpisa palang ay agad ko nang tinigilan ang panonood.

Sinarado ko ang aking laptop at kahit tinigilan ko na ang panonood ay kusang nagpatuloy ang video sa aking isipan. It was like I've memorized the whole video when I repeatedly watched it before, just to make sure if the guy who's the main character of the video is Orion.

The girl he cheated with before is his current girlfriend.

Akala ko'y matagal nang naghilom ang sugat sa puso ko na dulot nang pagtataksil nilang dalawa. Ngunit ngayon ay walang kahirap-hirap itong bumuka at muling naging sariwa.

Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang maging masaya para sa kanilang dalawa kahit na sila ang dahilan kung bakit ako sobrang nasaktan noon.

Bakit kung sino pa ang mga nasaktan ay sila pa ang napagkaitan ng kasiyahan? At kung sino pa ang nanakit ay sila pa ang agad na nakahanap ng pamalit?

Life doesn't really play fair. It has a hobby of making the good ones suffer, while the bad ones prosper. Kung bakit ganoon ang kanyang napiling pagpapatakbo sa buhay ay hindi ko alam. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakakuha ng sagot.

"Sa tingin ko ay kasya sa'yo itong uniporme na 'to. Tamang-tama lang naman ang laki ng katawan mo," sabi sa'kin ng head ng housekeeping department.

Binigay niya sa akin ang extra uniform na sa palagay ko'y kasya nga sa akin. Hindi ito ganoong kalaki o kaliit. Tamang-tama lamang para sa akin.

"Ito na rin ang nameplate mo," sabi niya ay kinuha sa kanyang bulsa ang maliit na nameplate na pini-pin sa uniporme. "Magbihis ka na at pagkatapos mo ay pumunta ka sa'king opisina. Ibibigay ko sa'yo ang schedule mo."

Ceaseless FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon