Chapter 1

288K 6.5K 524
                                    

Chapter 1
Lifetime

"Iyah, bakit ba ayaw mong pansinin si Orion? Kanina pa siya nandoon sa labas ng library. Gusto ka raw niyang ihatid pauwi dahil wala silang training," sabi sa akin ni Kriesha nang maupo siya sa aking tapat.

Kriesha is one of my closest friends. Lima kaming magkakabarkada. Simula noong Grade 7 kami na nina Drew, Walter, Emma at Kriesha ang magkakasama. We were all inseparable.

"Sabihin mo, umuwi na siya at hindi niya ako kailangang ihatid pauwi. Marami pa akong ginagawa," sabi ko na lang at patuloy sa paghahanap ng puwede kong i-recite na monologue para sa speech namin sa makalawa.

Napabuntong hininga naman si Kriesha at saka tumayo sa kanyang kinauupuan. Siguro'y sasabihin niya kay Orion ang pinapasabi ko.

It had been three months already since that guy started to show his interest towards me. He came from Manila. Doon siya nag-aral ng elementary at lumipat lamang sa Bela Isla nang mag high school na.

Noong Grade 7 ay usapan na ang pagkakagusto sa akin ni Orion ngunit hindi ko pinapansin ang mga tsismis na 'yon. Masyado pa kaming mga bata. Nang tumuntong ako sa Grade 11 ay saka lamang siya kumilos at ipinakita sa akin na talagang may nararamdaman siya para sa akin.

Other girls envied me for being the girl that Orion fell for.

Honestly, he's very attractive. His body did not depict his age. He was a year older than me pero hindi naman katulad ng katawan niya ang katawan ng ibang mga seniors. Maybe because he has a foreign blood in his veins for being half-Spanish.

"Hihintayin ka raw niya hanggang sa matapos ka sa ginagawa mo," tamad na sabi ni Kriesha nang makabalik siya sa aming lamesa.

"Dapat ay pinilit mo pa rin siyang umalis," giit ko sa kanya.

Ayokong-ayoko kapag ako ang tumatanggi sa kanya kaya madalas ay pinapasabi ko na lang sa mga kaibigan ko.

"Pinilit ko siya. Ilang beses kong pinaulit-ulit ang sinabi mo pero ang sabi niya, hihintayin ka talaga niya kahit gaanong katagal dahil gusto ka raw talaga niyang ihatid sa inyo lalo na't magkalapit lang naman daw ang bahay niyo at ang bahay nila," kuwento sa akin ni Kriesha.

Napabuntong hininga naman ako at sinarado ang libro na binabasa ko kung saan maraming naka-compile na mga monologue speeches.

"Alam mo, Iyah, hayaan mo nalang kasi siya sa kagustuhan niyang ligawan ka. Hindi ka rin naman talo sa kanya. Guwapo na nga, matalino at mayaman pa! Ikaw lang ata ang kilala kong aayaw sa kanya."

"Iyon na nga ang ayaw ko. Guwapo, matalino, at mayaman. Ang mga ganyang lalaki, paniguradong babaero," I bitterly said.

"Wow! Ang nega mo naman doon, Iyah," sarkastiko niyang sabi. "Hindi mo pa naman gano'n kakilala si Orion. Kilalanin mo kaya muna. Akala mo namang nasaktan ka na ng babaero kaya ka nagkakaganyan eh no boyfriend since birth ka naman."

Nakakunot-noong nag-angat ako ng tingin sa kanya. "At least, I'm being cautious."

Kriesha rolled her eyes at me. "Try not to stereotype, Iyah. Baka sakaling may patunguhan ang lovelife mo."

Sasagot pa sana ako nang may biglang tumabi sa akin at binagsak ang kanyang hawak na libro.

"I saw my cousin outside who looks like he's waiting for someone..." mapaghinalang sabi ni Emma at saka ako nilingon ng nakangiti. "Seeing you here isn't a surprise anymore."

"Of course, it isn't. We texted you earlier kaya alam mo talagang nandito kami," sarkastikong sabi ni Kriesha kay Emma.

"Alam mo naman ang ibig kong sabihin, Kriesha," sabi na lang ni Emma. "Kung nasaan si Iyah, paniguradong nandoon din ang pinsan ko."

Ceaseless FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon