Chapter 39

134K 3.2K 390
                                    

Chapter 39
Poetic

Just when I thought everything will go smoothly between Orion and I, that's when everything became rough until the wheels of the car we're using went flat as we aim to travel the supposedly endless road of our relationship. Hindi na kami nakausad ulit. Nanatili na lang kami roon sa gitna ng daan hanggang sa sumuko na ang isa sa amin at naglakad na pabalik.

Ramdam na ramdam ko ang paglagapak at pagkadurog ko sa lapag mula sa paglipad nang mapanood ko ang video ni Orion na may ibang kahalikang babae.

Pilit kong iniisip kung saan ako nagkulang at kung bakit niya nakuhang maghanap ng iba. Nang dahil ba magkalayo kami sa isa't isa ay ganoon ng kadali ang palitan ako?

I knew we had a misunderstanding, but was that the answer to everything already? Will cheating make our relationship better? No!

Hindi ako makapaniwala na kaysa ayusin namin ang hindi namin pagkakaintindihan ay naghanap na lang siya ng iba kung saan mas magiging madali ang lahat para sa kanya.

"Naiyah! Bata ka pa! Lalaki lang 'yan! Marami pang dadating sa buhay mo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa sakit at hayaan mo ang sarili mong maging masaya ulit."

Iyan ang paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Mommy na ginagatungan pa ni Daddy tuwing namamataan nila akong tulala sa isang tabi at hindi kumikibo.

Alam ko namang tama ang lahat ng mga sinabi nila pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko dahil masyado pang sariwa sa akin ang lahat.

Maybe in time, I'll be okay. But not now.

"A-Anak..."

Tamad akong lumingon sa bukana papasok ng bahay at nakitang naroon si Mommy kasama si Drew na may dala-dalang paper bag. Iniwas ko na lang agad ang aking tingin sa kanilang dalawa at ibinalik ang atensyon sa dagat na tanging kumakalma sa aking sumasabog na damdamin.

"Ako na po ang bahala, Tita." Dinig kong sabi ni Drew kay Mommy.

"Oh, sige..." Bumuntong hininga si Mommy. "Pumasok na lang kayo maya maya para kumain ng hapunan."

"Sige po. Salamat po," sabi na lang ni Drew at hindi na muling sumagot si Mommy.

Naramdaman ko naman na ang paglapit sa akin ni Drew at pinaglaruan ko na lang ang buhangin. Sumasalok ako ng buhangin gamit ang aking kamay at saka itinapon sa aking paa upang matabunan ito.

Kung ganitong kadali lang din sana tabunan ang sakit na nararamdaman ko. Baka isang truck na ng buhangin ang ipinangtabon ko para wala nang makakawala pang kahit anong sakit at para baong-baon na ito na hindi na susubukan pang hukayin ng kahit na sino.

"Naiyah..." Ang mapanuyo at malambing na boses ni Drew ay bumalot sa aking tainga.

I can't remember the last time he tried to visit me. Nasa unang taon pa lang ata kami noon ng high school. Dati ay madalas siyang bumibista rito sa bahay. Sabay pa kaming pumapasok at umuuwi.

He's one of the guys that I'm fond of being with. Sa totoo nga, noon ay mas nauna pa akong naging komportable sa kanya kaysa kay Walter. Hindi ko iyon inaasahan dahil sa tingin ko'y hindi magkakasundo ang aming ugali at katangian. But then, the two of us started to drift away from each other. Pero alam kong wala naman ng iba pang dapat sisihin sa paglayo ng loob namin sa isa't isa kundi ako. At saka iyon naman ang dapat na gawin dahil hindi na nagiging normal ang pagtakbo ng pagkakaibigan namin ni Drew. Para bang lumilihis kaming dalawa ng direksyon na hindi dapat namin tinatahak.

Hindi dapat ganoon.

Nararapat lang na nalayo kaming dalawa sa isa't isa.

At noong lumayo ako ay roon ko nahanap si Orion, na siya namang lumihis ng daan at kumaliwa.

Ceaseless FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon