Chapter 33

137K 3.2K 336
                                    

Chapter 33
What You Want

"Naiyah!"

Pagkaakyat ko sa yate ay agad akong tinawag ni Kriesha. Nilingon ko naman siya at sumenyas siya sa akin na lumapit sa kanya. Iyon naman ang ginawa ko dahil mukhang may importante siyang sasabihin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

Hindi nakuntento si Kriesha sa aking pagkakalapit sa kanya at mas hinila niya pa ako papalapit sa kanya upang bumulong sa aking tainga.

"May plano ako ngayon..." panimula niyang sabi.

Bahagya namang napakunot ang aking noo. "Ano namang plano 'yan? Tungkol saan?"

"Plano para kina Drew at Emma," sabi niya. "Paglapitin natin silang dalawa ngayon. Sa amin ka lang ni Walter sumama. Hayaan mong silang dalawa ang magsama habang nasa Tanawan tayo."

Dahan-dahan naman akong tumango at naisip na tama ngang iyon ang gawin namin. Ito na rin siguro ang pambawi na dapat kong gawin. Paglalapitin namin silang dalawa. Tutulungan ko si Emma.

"Papalapit na si Drew, doon tayo sa may dulo. Panoorin na lang natin ang mga alon," bulong sa akin ni Kriesha.

Lilingunin ko pa lang sana si Drew upang makumpirma kung nalalapit na talaga siya nang marinig ko ang kanyang pagtawag sa akin at ang paghila ni Kriesha palayo.

"Naiyah—"

"Iyah, doon tayo bilis!" sigaw ni Kriesha at hinatak na ako, bago pa makalapit ng tuluyan sa akin si Drew.

"Sama ako sa inyong dalawa!" sabi naman ni Walter at agad na sumunod sa amin ni Kriesha. Paniguradong alam niya rin ang tungkol sa plano.

Kahit gusto kong lingunin si Drew ay pinilit kong ituon ang buong atensyon ko sa dagat habang unti-unting lumalayag palayo ang yate sa dalampasigan. Ang pagiging kalmado ng tubig ay nagambala dahil sa aming paglalayag.

"It must be their first time riding a yacht. That's why they are excited." I heard Emma speak, and she's probably talking to Drew. "Is it your first time riding as well?"

"Nope," tipid na sagot ni Drew.

"Sabi na, eh!" Bahagyang humagikgik si Emma. "Does your family also have a yacht?"

"We don't have a yacht," sagot naman ni Drew. "Nakasakay lang ako noong pumunta kami ng Hong Kong."

"Oh! I've been to Hong Kong, too! Ang ganda roon, 'di ba?" Emma's voice was filled with excitement.

"Not really..." Drew said otherwise. "I found LA more beautiful."

"Talaga? Hindi pa ako nakakapunta roon. I've only been to Asian countries with my family, but my cousin's family has a house at England," she told Drew.

"Oh, really?" Iyon na lamang ang narinig kong sabi ni Drew kay Emma bago ako kinalabit ni Kriesha.

Nilingon ko naman siya at nakita kong punong-puno ng kuryosidad ang kanyang tingin sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Bahagya naman akong napaatras nang mas lumapit siya sa akin.

"Umamin ka nga sa akin, Naiyah..." Panimula niya at hindi ko alam kung bakit ako ginapangan ng kaba. "May gusto ka ba kay Drew?"

Maagap naman akong umiling sa kanya upang itanggi ang kanyang katanungan.

Kumunot naman ang kanyang noo at nagsalubong ang kilay. "Hindi nga, Naiyah?" nagdududa niyang sabi. "Hindi ko naman sasabihin kay Emma. Gusto ko lang talagang malaman kung gusto mo si Drew o hindi."

Ceaseless FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon