Chapter 16

145K 3.9K 763
                                    

Chapter 16
Save

Hindi na natuloy ang pag-iikot sa mga isla nang dahil sa nangyari sa akin. Rav ordered the captain to maneuver the yacht back to the resort. Wala na rin namang nagawa sina Orion at Halsey kundi ang sumang-ayon na lang.

Hindi ko na rin sila pinaunlakan pa ng tingin habang paalis kalagitnaan ng dagat. Pinanood ko na lamang ang mababaw na paghawi ng tubig alat sa dagat na tinatahak ng yate upang makabalik kami sa pinanggalingan. Kapag nararamdaman ko namang tumatama ang malamig na hangin ay napapakislot ako sa pagkakaupo dahil sa panginginig. Mas lalo kong ibinalot sa'kin ang tuwalyang ibinigay ni Rav upang patuyuin ang sarili.

"Are you cold?" biglang marahan na tanong sa'kin ni Rav.

"Sakto lang..." sabi ko na lang.

"I don't really know what to do with you, Naiyah," he uttered before standing up and going to the back of the yacht.

Nanaig naman ang katahimikan nang maiwan kaming tatlo. Tanging ang pag-ugong ng makina ng yate, ang medyo bayolenteng pag-ihip na hangin at ang rumaragasang tubig nang dahil sa aming paglalayag.

Pigil na pigil ako sa pagtingin sa dalawang tahimik lamang sa kabilang sun lounger. Akala ko'y magiging matagumpay ang aking pag-iwas ngunit nabigo lamang ako.

"Naiyah..."

Napalingon ako kay Halsey na siyang tumawag sa'kin. Nakaupo siya sa pagitan ng mga hita ni Orion na nakaupo lamang sa kanyang likuran. Kahit na ang dami pang espasyo sa lounger ay mas pinili nilang magsiksikan.

It's a good thing that I'm actually getting used to their display of affection that it doesn't have an effect on me that much. Maybe I'm already getting numb. But that's more how I like it.

Sino ba naman ang hindi gustong maging manhid na lang kung paulit-ulit lang namang nasasaktan?

If only I can run away from the pain, I would do whatever it takes to get away from it. But it looks like I'm already tied to the wheels of pain that it's taking me along, wherever it rolls. Ito ang kusang nagdadala sa'kin kung saan ako masasaktan. Para bang wala akong kawala dahil hindi lang basta ordinaryong tali na kaya kong pigtasin ang itinali sa'kin. It is some kind of an unbreakable chain. Wala akong magagawa kundi ang sumunod na lang dito at tanggapin ang bawat sakit na ipinapadama sa'kin.

"I'm really sorry..." Halsey, once again, apologized to me. "I really didn't mean to harm you."

My lips parted when a tear escaped from her eyes before she started sobbing.

"Please forgive me. I'm not a bad girl," sabi niya pa sa pagitan ng kanyang pagluha.

"Yes, you're not, babe. You're not a bad girl," dinig ko namang pagtahan ni Orion kay Halsey.

Ipinulupot niya ang kanyang braso sa bewang ni Halsey upang makulong ito sa kanyang pagkakayakap.

"Hindi naman kita sinisisi..." sabi ko na lang. "You're forgiven."

I've had enough drama in my life. Mas mabuti pang tapusin ko na ang dinadagdag niyang drama sa buhay ko kaysa magmatigas pa.

Hindi ko man sigurado kung talaga bang sinadya niya o hindi, basta ang alam ko lang ay nasaktan niya ako.

What if Rav's not there to save me? Will she and Orion just stand there and stare at me while drowning?

Nagpapasalamat na lamang ako nang bumalik na si Rav na may dala-dala pang isang tuwalya. Binalingan niya ng tingin ang pinsan niyang hindi pa rin tapos sa pagluha, ngunit umiling na lang siya sa tuluyang lumapit sa'kin.

Ceaseless FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon