A Life In Star World [COMPLET...

By MissJ14

68.8K 1.7K 192

Sa Pilipinas mayroong Teen Queen at Teen King, ito sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang dalawang Teen... More

A Life In Star World
Chapter 1: ❤️FlashBack
Chapter 2: ❤️Old Friends
Chapter 3: ❤️Picture
Chapter 4: ❤️Flowers
Chapter 5: ❤️KathNiel and JulQuen
Chapter 6: ❤️Surprise Dalaw
Chapter 7: ❤️Twilight
Chapter 8: ❤️Caught In The Act
Chapter 9: ❤️Inviting
Chapter 10:❤️Special Day
Chapter 11:❤️Failed
Chapter 12:❤️Broken-Hearted
Chapter 13:❤️ASAP Day
Chapter 14:❤️Good News
Chapter 15:❤️Love Triangle Date
Chapter 16:❤️DJ's EX
Chapter 17:❤️Realization
Chapter 18:❤️Basketball Practice
Chapter 19:❤️The Story
Chapter 20:❤️Should I Confess?
Chapter 21:❤️Confession
Chapter 22:❤️Possessive
Chapter 23:❤️Midnight Date
Chapter 24:❤️Chances Back
Chapter 25:❤️Fight
Chapter 26:❤️The Reunion Movie
Chapter 27:❤️Open Forum
Chapter 28:❤️Jealous Again
Chapter 29:❤️Premiere Night & Party
Chapter 30:❤️Bothered
Chapter 32:❤️Together
Chapter 33:❤️Career or Love?
Chapter 34:❤️Talk
Chapter 35:❤️Dinner Date
Chapter 36:❤️Star Magic Ball
Chapter 37:❤️Getting Stronger Relationship
Chapter 38:❤️Bhutan Taping (KathQuen)
Chapter 39:❤️Teleserye Royals Concert P1
Chapter 40:❤️Teleserye Royals Concert P2
Chapter 41:❤️Enchanted Kingdom (JulQuen)
Chapter 42:❤️Lasagna
Chapter 43:❤️The Truth
Chapter 44:❤️I Love You
Chapter 45:❤️Hospital Tension
Chapter 46:❤️Together Again
Chapter 47:❤️Necklace Issue
Chapter 48:❤️I Will Love Him No Matter What
Chapter 49:❤️Is Everything Will Be Okay?
Chapter 50:❤️HeartBreak
Chapter 51:❤️Because of Love
Chapter 52:❤️Moving On
Chapter 53:❤️Let Me Love You
Chapter 54:❤️After 2 Years
Chapter 55:❤️She's Back
Chapter 56:❤️Project Together
Chapter 57:❤️Heavy Rain
Chapter 58:❤️Difficult
Chapter 59:❤️DJ?
Chapter 60:❤️Stuck
Chapter 61:❤️Awkward
Chapter 62:❤️I Still Love You
Chapter 63:❤️What's Next?
Chapter 64:❤️End
Epilogue:❤️The Superstar And The Nurse

Chapter 31:❤️Trouble

929 24 2
By MissJ14

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Nandito nanaman kami sa probinsiya. Nagtataping ng The Strangers kaya mahabang biyahe nanaman ang ginawa namin at sa sasakyan ulit ako ni Quen sumakay.

"Hindi mo ba napapansin palagi na lang tayo sa Probinsiya nagtataping ng mga pelikula natin?" Bigla namang sabi ni Quen pagkabuhat ko sa mga gamit na dala ko.

"Oo nga eh. Tsaka parang nakakatakot dito Quen wala masyadong mga bahay tsaka puro napaliligiran ng puno"

"Eh diba sabi mo gusto mo sa ganitong lugar? Tahimik, sariwa ang hangin tsaka makakapagisip-isip ka?"

"Dun sa ibang probinsiya pero sa ganitong klaseng probinsiya hindi nakakatakot parang may multo tapos aswang pa role nating magkapatid dito na nagcecelebrate ng 18th Birthday"

"Hayaan mo akong bahala sa mga multong gusto kang guluhin. Tara na"

Binuhat niya ang bag na dala-dala ko kahit na mabigat ang dala niya. Hindi ko na inagaw kasi kung aagawin ko hindi naman niya ibibigay sa akin.

"Kumain muna kayo and then after 1 hour and 30 minutes start na agad tayo sa taping" Sabi ni Direk. Ano ba yan kadadating nga lang taping agad pagkatapos kumain? Nakakapagod naman.

"Oh Julia at Quen dito na kayo maupo sa tabi namin" Sabi naman ni Ate Cherry Pie Picache.

"Hindi na po dito na lang po kami sa dalawahan gusto po kasi naming masolo ang isa't-isa" Pinalo ko naman si Quen sa may balikat niya. Loko talaga toh. Natawa na lang si Ate Cherry sa amin at naupo na kami at ibang casts sa kabilang table. Umorder na si direk para sa amin at naghintay na.

Kinuha ko naman ang phone ko na nagriring si DJ pala.

Ako: Hello DJ?

DJ: Nandyan na ba kayo?

Ako: Oo na dito na kami wag kang mag-alala.

DJ: Hindi naman ako nag-aalala na pumunta ka sa mga probinsiya eh para mag-taping ang inaalala ko ikaw dahil kasama mo si Quen.

Napatingin naman ako kay Quen na nakikinig sa usapan naming dalawa.

Ako: Naku! Ikaw talaga tumigil ka nga DJ hindi naman ano tong si Quen noh.

DJ: Nagsasabi lang oh paano mag-ingat ka sa kasama mo. Bye! Miss You and Love You!

Ako: I miss you and I Love You Too! Bye!

(Call Ended)

"Concern Boyfriend huh?" Sabi naman ni Quen ng maibaba ko ang phone ko.

"Oo mag-ingat daw ako sa kasama ko imbis sa lugar na toh"

"Kasama mo sino ako ba? Pinupuntirya nanaman ako nung patpatin na yun"

"Ganun lang talaga yun. Pero Quen nung nagtataping kayo ng PAI wala namang awkward sa pagitan ninyo ni DJ diba kasi alam kong mainit pa rin dugo niya sa iyo kahit na hindi mo na ako liligawan?"

"Hindi ko na lang siya pinapansin tsaka ba't pa siya magagalit sa akin eh panalo na naman siya sa iyo diba?"

"Oo nga eh"

"Oh ito na pala order. Salamat po kuya!" Sabi naman ni Quen kay kuya waiter at nilagay na ang mga pagkain sa may table namin.

"Wow! Ang sarap naman!" Sabi ko at naglagay na ng pagkain sa may plato ko.

"Uy dahan-dahan lang Julia may bukas pa huy!" Saway naman sa akin ni Quen.

"Naalala ko nga pala hindi ako nag-almusal kaninang umaga kaya gutom na gutom ako"

"Kahit na dapat hinay-hinay lang baka mabilaukan ka paglamayan ka na bukas. Hahaha!"

"Huy hindi magandang biro yan ha baka mamaya niyan magkatotoo paglamayan na nga ako bukas"

Pagkatapos naming kumain nagpalit na agad kami ng damit para makapag-taping na kami. Ang nakakainis pa kakakain lang namin ang scene na gagawin namin eh kakain baka naman lumobo nanaman ako nito ulit katulad nung bata pa ako.

~~~

Mag-gagabi na at nagtataping pa rin kami hanggang ngayon pero break muna ng 10 minutes. Pumunta ako sa may CR para umihi pero hindi ako pinapasok dahil marumi raw ang CR at walang tubig.

"San ka galing Julia?" Tanong naman ni Quen sa akin.

"Sa may CR kaso hindi ako pinapasok dahil wala raw tubig at madumi. Eh saan ako iihi?"

"Iihi? Dun sa may mpgubat duon wag dito may mga tao eh"

"Samahan mo ako" Nakakatakot kasi ang dilim eh.

"Ayoko nga hindi naman ako babae para samahan ka eh magpasama ka kay Ate Cherry"

"Nagmememorize si Ate Cherry ng script oh kasi mahaba ang lines niya. Di bale ako na nga lang"

"Cge mag-ingat ka ha! Baka may multo diyan!"

"Che!" Sigaw ko sa kanya at pumunta na sa may gubat. Akala ko ang lapit lang ang layo rin pala. Nang makarating ako umihi na agad ako. Grabe ang daming naipon simula kaninang umaga.

Babalik na sana ako pero may narinig ako na parang gumagalaw sa may mga mahahabang damo na nakatayo.

"Si-sino yan?" Kinakabahan kong tanong. May narinig naman ako na parang ingay nito. Wag mong sabihing baboy ramo.

Nakita ko naman na gumagalaw ang damo at parang papalapit ng papalapit sa akin. Imbis na papunta sa set ako tumakbo. Tumakbo ako sa ibang direksyon papunta sa isang lugar na madilim at nakakatakot. Hindi ko alam kung saan na ako nakakarating pero takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapagod ako. Mukhang wala na yata ang baboy ramo ah. Napagod yata dahil sa sobrang katabaan.

Pero ang problema paano ako babalik?

-Enrique Gil Point of View-

10 minutes na ang nakakalipas pero si Julia hindi pa rin bumabalik kaya hinahanap na siya ng ibang Staff pati kaming mga casts, sobra na akong nag-alala kaya pumunta na ako sa may gubat na tinuro ko na kung pwede siya umihi kaso pag punta ko duon wala naman siya.

Julia nasaan ka na ba? Bumalik ako sa may set at nakita ko si Direk na sobrang nag-aalala.

"Hanapin niyo si Julia dahil mapanganib sa lugar na toh lalo na kapag gabi dahil maraming baboy ramo dito. Hindi agad ako na-inform kanina tungkol dito dahil kanina lang nag-send ang pumili ng lokasyon na toh"

"Teka nga lang sino ba huling kasama ni Julia kanina?" Tanong naman ni Enchong.

"Ako ang huling kasama ni Julia kanina. Iihi sana siya kaso daw hindi siya pinapasok dahil walang tubig at marumi ang CR kaya pinaihi ko siya dun sa may gubat dahil pwede duon walang makakakita pero hindi na bumalik eh"

"Ano ka ba naman Quen! Babae yun dapat sinamahan mo! Paano kung napahamak si Julia sinong mananagot!? Ikaw kasi ikaw ang nagsabi na dun siya umihi at hindi mo man lang sinamahan. Oo nga babae siya pero pwede ka naman tumalikod diba atleast may kasama man lang siya" Sabi naman ni Enchong.

Napahawak ako sa batok ko at agad bumalik sa may gubat. Julia sana naman walang nangyaring masama sa iyo please lang. Papatayin ko sarili ko kapag nagkataon.

-Julia Montes Point of View-

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ako dito sa gubat na toh. Malaki kasi ito at ang dilim pa buti na lang wala na yung baboy ramo. Si Quen kasi hindi man lang ako sinamahan ayan tuloy naligaw pa ako. Mukhang bukas pa yata ako makakabalik kapag may liwanag na.

Saan naman ako magpapalipas ng gabi dito? Mukhang wala man lang akong masisilungan kung nagkataon na umulan at kung minamalas ka nga naman umulan nga talaga.

"Ay! Nakakainis!" Tumakbo agad ako para makahanap ng masisilungan pero wala akong mahanap hanggang sa may naapakan akong madulas at gumulong-gulong ako sa may bangin pero buti na lang nakahawak ako sa isang sanga na matigas at matibay pero kung mapuputol toh tuluyan akong mahuhulog dito sa bangin.

Katapusan ko na ba?

(Kahit na dapat hinay-hinay lang baka mabilaukan ka paglamayan ka na bukas. Hahaha!)

Naalala ko naman yung sinabi ni Quen kanina baka nga paglamayan na ako bukas lalo na't nasa panganib ako ngayon.

"TULONG! TULUNGAN NINYO AKO! MAY TAO PO DITO! TULONG!" Sigaw ako ng sigaw pero mukhang wala namang nakakarinig sa akin at isa pa gubat ito at mga hayop lang nakakarinig alanga namang marinig ako ng baboy ramo at tulungan akong maka-ahon kaso kainin naman ako ng buhay kapag naligtas niya ako.

Mas lalong lumalakas ang ulan at nawawalan na ako ng lakas sa pagkapit dito sa sanga. Hindi ko na mapigilang maluha. Ayoko pang mamatay please parang awa niyo na.

"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO! DJ!"

-Daniel Padilla Point Of View-

"DJ!!!!!!!!!"

Napabalikwas ako sa kama ko ng may marinig ako na sigaw. Parang si Julia tinatawag ang pangalan ko. Pero imposible naman iyon dahil nasa Probinsiya siya tapos ako nasa Maynila. Makababa nga muna hindi pa ako kumakain eh.

"Oh DJ buti gising ka na. Kumain ka muna. Buti na lang at naka-uwi ka kaagad ang lakas ng ulan kasi sa labas" Hinawi ko naman ang kurtina at tama nga si mama ang lakas ng ulan. Naku baka sipunin si Julia ko.

"Mommy can you- HAH!" May hawak na isang basong gatas si Lelay at tatlong aklat na story book tapos biglang nabitawan ni Lelay ang baso.

"Naku Lelay naman eh! Diba sabi ni mama mag-ingat ka? Masama pa naman yung may nababasag na baso eh baka mamaya niyan naku!"

Tinulungan ni mama si Lelay na linisin ang nabasag na baso. Teka masama kapag may nababasag na baso?

"Ma! Ano ang ibig niyong sabihin na masama na may nababasag na baso?"

"Kasi anak kapag may nababasag na baso it's either katangahan yun o may nangyaring masama sa kakilala mo"

(DJ!!!!!!!!!) May narinig ako na sumigaw boses yun ni Julia panigurado ako tapos umuulan at aksidenteng nabitawan ni Lelay ang baso kaya nabasag.

Kailangan kong kontakin si Quen. Baka may nangyaring masama kay Julia ko.

Ako: Hello! Quen! Si Julia?!

???: Si Enchong toh. Wala si Quen hinahanap niya si Julia dahil hindi pa siya bumabalik mag-iisang oras na.

Ako: Shit! Sinasabi ko na nga ba eh! Saan yan! Pupunta ako ngayon din!

Enchong: Sigurado ka? Brad malakas ang ulan baka mapahamak ka.

Ako: Wala akong pakialam kung mapahamak ako kailangan kong mahanap ng ligtas si Julia.

Agad namang sinabi sa akin ni Enchong ang lugar ng probinsiya na pina-tapingan nila kaya naman lumabas na ako.

"DJ! SAAN KA PUPUNTA ANAK!? UMUULAN!"

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni mama at agad akong nag-drive dun sa lecheng probinsiya na yun. Sa dinami-dami ng probinsiya dun pa kasi napili eh. Hindi ko mapapatawad si Quen dahil ang sabi niya poprotektahan niya si Julia kahit na hindi na siya manliligaw sa kanya kaso sinira niya ang pangako na yun. Mapapatay ko ang lalaking iyon.

-Enrique Gil Point of View-

"JULIA! JULIA NASAAN KA!? JULIA!" Sigaw ako ng sigaw dito sa madilim na gubat habang hinahanap ko si Julia. Wala akong paki-alam kung nababasa na ako ng ulan o magkakasakit ako bukas matapos toh pero kailangan kong mahanap si Julia. Mamamatay ako kapag may nangyaring masama sa kanya.

"JULIA!" Habang sumisigaw ako di ko namamalayan na napapaluha na ako sa sobrang pag-aalala sa kanya.

"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!" May narinig naman akong sumisigaw. Julia!? Agad akong tumakbo kung saan nanggagaling ang boses ni Julia...

Tumakbo ako ng tumakbo kahit na magkanda-dapadapa ako at maputikan ang buong katawan ko.

-Julia Montes Point of View-

Unti-unti na akong nawawalan ng lakas lalo na't nababasa ako dahil sa ulanan. Siguro nga hanggang dito na lang ang buhay ko. Sorry DJ mukhang hindi kita makakasama habang-buhay kaya paalam na.

Bibitaw na sana ako sa sanga ng biglang may humawak sa mga kamay ko. Hindi ko na makita kung sino dahil nanlalabo na ang mga paningin ko at ilang minuto na lang babagsak na ang katawan ko.

"Hindi kita pababayaan" Sabi naman niya at hindi ko alam kung sino siya dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

-Enrique Gil Point of View-

Sa wakas natagpuan ko na rin si Julia at sa ngayon pabalik na kami sa set habang umuulan pa rin ng malakas.

Walang malay si Julia at ang init niya na ngayon. Inaapoy na siya ng lagnat dahil sa ilang minuto na nababasa siya sa ulan.

Kasalanan ko toh! Kasalanan ko tong lahat! Dapat hindi ko siya hinayaan mag-isa na pumunta duon!

"Nandito na si Quen!" Sigaw naman ni Enchong at agad na dinikit-dikit ang mga upuan at inihiga ko si Julia duon.

"Saan mo siya nakita?"

"Hindi na mahalaga yun ang importante natagpuan ko na siya at nandito na siya ng ligtas. Kuhanan ninyo ako ng bagong damit, towel at tubig. Inaapoy si Julia ng lagnat"

Halos lahat kami dito alalang-alala kay Julia. Bukod sa maputi siya lalo siyang pumuti or namutla kaya para siyang bampira ngayon na hindi uminom ng dugo ng isang taon.

Malipas ang ilang minuto okay na siya. Pero si Ate Cherry Pie at Ate Janice ang nagpalit ng damit sa kanya dahil nga babae sila pero ako ang nagpababa ng init na nararamdaman ngayon ni Julia.

"Mukhang hindi matutuloy ang taping dahil sa lakas ng ulan at dahil sa may lagnat si Julia so magpahinga muna tayong lahat"

Sabi ni Direk at natulog na ang iba pero nandito pa rin ako sa tabi ni Julia. Pinagmamasdan ko si Julia habang natutulog siya. Alam kong okay na siya dahil medyo bumababa na ang lagnat niya.

Patawarin mo ako Julia hinding-hindi kita pababayaan kahit kailan at kailangan mong tandaan yun.

~~~

Author's Note: Nasaan na si DJ? On the way pa rin?

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 34.1K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...