The Bad Boy's Queen (R-18 Vik...

By twightzielike

10.6M 229K 28.3K

R-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story co... More

Prologue
Synopsis
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Read me
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
EPILOGUE
Special Chapter
Thank you, next
His Broken Possession
Happy Two
Information

Chapter 1

341K 5.1K 434
By twightzielike


C1: The Scholarship

🥀

Zarena

KAPAG minamalas ka nga naman o! Kanina lang ang tindi ng sikat ng araw. Kumain lang ako at uminom ng pampaalis ng sakit ng ulo, paglabas ko sa bahay, ang lakas na ng ulan!

Nagpakawala ako ng isang mabigat na buntong hinga. "Pagod na nga ako sa paggawa ng project namin sa pol-sci, bubungad naman sa akin ang lintik na ulan kung kelan ipapasa ko na ang natapos kong output" Reklamo ko.

Humahampas sa balat ko ang malakas na simoy ng hangin. Tumingin ako sa mga ulap. Himig ng lamig at pagdilim ng paligid ang nagbabantang tumirik.

Ano ba naman 'yan! Nakiki-dagdag problema pa 'tong ulan sa buhay ng isang estudanteng tulad ko. Abala 'to sa plano ko ngayon. Hindi man lang nakikibagay ang panahon! Kung kelan naman gusto ko ang malakas na sikat ng araw, saka uulan ng malakas.

Ang weather para din palang mabahong kili-kili ng isa kong kaklase, nakakabuwiset!

I groaned and went back inside the house. Mamaya na lang ako pupuntang school. Tatawagan ko na lang muna si Savi para tignan kung natapos na ba niya yung group presentation namin sa debate.

"Sis.." Bungad niya. This is what I like about Savi. Hindi ka niya paghihintayin kapag tumawag ka. Lagi atang katabi nito ang phone niya. Kahit sa pag-ebak, hawak ang phone!

"Hello bakla! Natapos mo na ba ang asignaturang binigay ni Ma'am Alyeza sa atin?"

Inilapag ko na muna ang mga dokumentong hawak ko doon sa lamesa sa gilid. Laking pasasalamat ko at hindi pa ako nakakapag-ayos. Mukhang matatagalan pa kasi ang pagtila ng ulan.

Rinig kong may kaluskos sa kung saan siya. "A ah! Hindi pa e. Hmm... hinihintay ko pa yung isa-submit ni hmm.. Jaden sa akin n-na hmm questions, ah!" Sagot niya.

Sgalit kong inilayo ang phone mula sa tenga ko at kinunotan ng noo ang screen nito. Ano bang nangyayari sa kanya? Hinihingal pa ang gaga. "Savi okay ka lang ba? Bakit parang kapos ka ng hinga? Ungol ka pa ng ungol" Istriktong sita ko.

Importante kasi na dapat handa kami para sa debate kasi kung hindi, bagsak ang grado namin kay Ma'am Alyeza. And I don't want that to ever happen. Last year kasi hindi ko natutukan ng maayos ang pagdedebate namin. Kaya nagkaroon ng kumplikasyon. Kung hindi pa kami tinulungan ni Sir Greg noong kailangan namin ng assistance mula sa professors, o edi dapat natanggal na ako bilang isa sa top notch ng St Thomas University. Natuto na ako ngayon. I learned from my mistake. Now, I don't want that risk to repeat again.

Mahirap maging isang law student. Ang daming batas na kailangang isaulo. Hindi mabibilang sa daliri lamang ang mga salita at pangungusap na dapat malaman. Makakapal na libro pa ang kaharap mo araw-araw. Lalo na kapag binibisita lagi ang silid-aklatan. Studying law needs hardwork and perseverance because being a law student is so tiring. Pero kung may dedikasyon ka sa napili mong kurso, kaya mong lampasan ang lahat ng proseso para lang maka-graduate ka at maging isang propesyunal na abogado. Bata pa lang ako, eto na ang gusto kong trabaho. Abogado ang tatay ko. Si Mama naman, may sariling restaurant na inaasikaso. I want to be like my father. He lives by the rules. He's an ally of the law. A total output of the supreme court. Gusto kong maging isang abogada dahil plano kong ipaglaban ang mga kasong karapat-dapat maipaglaban. May mga taong ginagawang makasalan ng batas kahit sa totoo naman ay hindi, dahil lang hindi nila kayang maipaglaban ang mga sarili nila. Hindi nila maibulalas ang saloobin nila. Here I am, I want to be their voice. Their innocence should be proven right and worthy. Gusto kong ipaglaban ang mga karapatan ng mga taong hindi naman talaga nagkasala. I want to stand with the law. Thus, I want to fight for the right of the people betrayed, used and blamed.

Rinig na rinig sa linya ang muling pag-ungol ni Savi. "Oh yes! Hmm.."

Natutop ko ang bibig ko. "Savi!" Hindi napigilang maibulalas. "I'll get back to you later, Zarena" Sagot niya sa alertong boses bago ako pinatayan ng tawag.

Itinuon ko ang atensyon ko sa screen ng phone ko. "That girl" 'Di makapaniwalang bulong ko at nailing. Hindi ako bobo para magmaang-maangan pa. Naka-ilang ungol na siya e. Yung kaibigan kong 'yon! Gumagawa na nga ng milagro, may gana pang sagutin ang tawag ko. Malilintikan talaga ang babaeng 'yon sa akin, mamaya. Kung nakikipagharutan siya, edi mas minabuti na lang sana niyang patayin ang telepono niya kesa ang sagutin ang tawag ko habang ginagawa nila ang nasty!

Letse! Pakiramdam ko, na de-virginize ang tenga ko! Nanindig na rin mga balahibo ko.

Dinampot ko ang twalya tsaka kumuha na rin ako ng mga damit pampalit ko bago ako pumasok sa banyo. Naligo ako at nag-ayos para mamaya sana, kapag tumila na ang ulan, diretso na ako sa office ni Sir Rey. Ngayon ang deadline ng proyektong bigay ni Sir kasi bukas, ibang activity naman ang ibibigay niya.

Mga ilang oras pa ang hinintay ko tsaka tumigil sa pag-iyak ang mga ulap. Laking pasasalamat ko naman dito. Ni hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis isinuot ang bag ko. Nag-tricy ako. Sadyang pinatigil ko pa ang tricy sa karindirya ni Mama.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko agad si Mama na inaasikaso ang paghahanda ng mga pagkain. Gustuhin ko mang samahan siya sa pagluluto, hindi maaari kasi kinailangan ko pang tapusin yung project ko. Babawi ako sa kanya bukas.

"Ma! Male-late ako ng uwi mamaya. Baka gagabihin ako kasi kailangan ko pang kausapin sina Savi. Sabihin mo kay Daddy na huwag ulit siyang magbababad sa trabaho dahil makakasama sa kalusugan niya iyon" Paalala ko kay Mama habang kinukuha mula sa bag ko ang gamot niya.

"Basta huwag kang masyadong magpagabi, 'nak. Tumawag ka kung uuwi ka na para hintayin ka namin ni Dad mo sa labas ng bahay"

Napangiti ako sa bilin niya. Mabilis ko siyang hinalikan at nagpaalam na saka muling sumakay sa tricy na pinaghintay ko. "Manong, sa St. Thomas po tayo"

Inilabas ko na ang mga barya baryang meron ako para may pamayad. Ang maganda dito sa lugar na kinagisnan ko ay walang masyadong usok gaya ng probinsya. Hindi rin masyadong maingay. Masaya lang, ganon. Hindi gaanong kumplikado ang pamumuhay dito.

Binaba mismo ako ng pinagsakayan ko doon sa harapan ng gate ng Unibersidad. "Salamat ho, Manong" Atat kong inabot sa kanya ang bayad tsaka tumakbo papasok sa loob ng school. Mabilis kong tinungo ang kung nasaan ang office ni Sir Rey. Malapit na sana ako sa pintuan kaso natigilan ako nang mapatid ako. Napadaing ako buhat ng sakit ng pagkakadapa ko. Bumagsak ang katawan ko sa matigas na sahig.

Nakangiwi kong pinaupo ang sarili ko. I massaged my elbows. Kagat labing inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nag-alay ng munting pasasalamat nang makitang walang gaanong tao. May ilang dumadaan sa may kalayuan pero sa iba sila nakatingin. Napabuga ako ng marahas na hangin saka tumayo. Ano ba namang paa 'to!

Pinagpagan ko ang suot kong pantalon tsaka bumalik sa paglalakad. Makaka-ilang hakbang na lang sana ako, mararating ko ang opisina ni Sir Rey subalit natigilan ulit ako nang bumukas ito at iniluwa ang isang pigura na nakatalikod sa akin. Sinundan ito ng isa pang lalaki na mukhang kasama niya.

Napatitig ako sa likod ng naunang lalaki. My forehead creased. Naglalakad na sila palayo. Nakatalikod nga pero parang ang lakas ng karisma niya.

Hays! Ano ba naman 'tong pumasok sa kokote ko? "You're not seriously thinking about any man, Za!" Pabulong kong sita sa sarili ko tsaka na nagsimulang maglakad muli. Napangiwi ako nang makarinig ng ilang tili sa may liko ng corridor bago ako tuluyang nakapasok sa opisina ni Sir.

"Miss Ramirez?" Kunot noong bati sa akin ni Sir habang may pinipirmahang papel.

"Good afternoon po. I'm here to submit my project po, Sir" Magalang akong tumungo nang ngumiti siya. Ibinaba niya ang hawak na ballpen, pinagsaklop ang mga kamay at sumandal sa upuan niya.

"Alam mo bang ikaw pa lang ang nag-submit sa akin ng project niya, Miss Ramirez?" Manghang tanong ni Sir sa akin. Pumorma ang pagkalito sa mukha ko.

Anong sinasabi niya e last submission ngayon? Wala pang nag-submit sa kanya ni isa? He has to be kidding me!

"Po?"

Marahang natawa si Sir Rey at namamangha akong tinanguan. "Mahirap ang pinagawa kong proyekto sa inyo Miss Ramirez. Sa tingin ko nga walang makaka-abot ngayon na mag-pasa ng gawa nila. I thought everyone in your batch couldn't buy time to possibly pass their work today, as of the deadline. Pero nagawa mo" Tumayo siya. He extended his hand. "May I have it then" Aniya.

Natatarantang binigay ko naman sa kanya ang document na hawak ko. Naguguluhan pa rin ako. Aaminin ko, mahirap talaga ang pinagawa ni Sir. Kinailangan ko ngang utusan ang brain cells ko at ang katawan ko na magsama ng maigi para lang hindi ako sumuko sa pag-research at pag-interview ng kung sino-sinong tao na kailangan sa output ko. Nagpawis talaga ako sa proyektong 'to.

"Thank you Miss Ramirez. You can leave now"

Yumuko ako konti at nagpahayag ng maliit na salamat. Nagpaalam na ako at lumabas.

Paglabas at paglabas ko, napangunyapit ako sa pagkabigla nang bumulagta sa paningin ko ang mukha ni Savi. "Ay impaktang binudburan ng asin, mamatay ka!" Tarantang saad ko dala ng gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko.

Inirapan ako ni Savi. "Kakaabot ko nga lang ng langit kanina e! Wala kang hiyang sabihing mamatay ako!" Sipat niya sa akin.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Nanggugulat ka kasi!"

Sinimangutan niya lang ako. Humalukipkip siya at hinipan ang bangs niya. "Wag' mong sabihin sa akin na natapos mo na ang project natin sa Political Science. Mahahampas kita ng tsinelas" Inirapan ko lang siya sa banta niya.

"Deadline ngayon, Savi. Malamang ayokong mabagsak kaya ipinasa ko na kay Sir Rey ang output ko" Isinabit ko ng maayos ang bag ko sa balikat ko.

Ngiwi ang kinalabasan ng istriktong pagbabanta niya sa akin. "Bes naman! Papaano mo nagawang matapos ang project natin e sobrang hirap nun! Kailangan mo pang halughugin ang library at internet para lang makakuha ng sagot! Kailangan pa ng maraming interviews sa mga matatanda! Nagawa mo lahat iyon?!" Sa mukha pa lang niya, hindi siya makapaniwala. Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay sinimulan ko na ang paglalakad.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko siyang sumusunod. "Nakalimutan ko. Ikaw pala ang top two sa dean's list" Habol niya.

Pumihit ako paharap sa kanya at binigyan siya ng matalim na tingin. Kung akala niya nakalimutan ko yung kabalastugang ginawa niya kanina, well, hinde!

Natigilan naman siya at kunot noong ipinilig sa gilid ang ulo niya. "Bakit ganyan ka makatingin?" Inosenteng pahayag niya.

"Tinatanong mo pa 'yan? Really, Savi? After you answered my call while you're in the middle of having sex with someone, you forgot about it?" Walang paligoy-ligoy ko siyang sinipat.

Napaawang ang labi niya.

"M-mali ka ng narinig. Ano ba 'yang inaakusa mo sa akin?" Nag-iwas ang lola niyo ng tingin.

I rolled my eyes. "You can't fool me. Ang ibig mong sabihin, wala lang yung mga ungol na narinig ko kanina mula sa'yo? Mali ako ng narinig? Well I heard you moan not just once. So if your think I'm accusing you of having sex while your on the phone with me, then I certainly am! My god Savi! Sana hindi mo na lang inangat yung tawag ko sa lagay na 'yon!" Bulyaw ko sa kanya.

She squinted her eyes. Bit her lip. And chuckled. "Sorry" Nag-peace sign pa ang bruha.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Hindi sincere" Pagak kong sabi.

"Sorry na nga! Kasi naman alam ko kasing hindi ka basta tumatawag kung hindi importanteng bagay. So I had to answer. Pasensya na kung narinig mo ang mga walang hiya kong mga ungol. Kasi naman ang galing ni Daryl. Ang laki ng talo-ARAY!" Malalaki ang mga mata kong mabilis tinapal ang bibig niya.

"You shut your nasty mouth! Huwag mo nang ibuka sa bibig mo ang ginawa ninyong kabalastugan nang kung sino mang bagong lalaki mo! Savi naman! I'm not interested about you sex life so spare me your stories!" I hissed.

Kinurot ko siya sa tagiliran nang tumawa siya. "Kung bakit kasi hindi mo pa sinasagot si Jayden! E dalawang taon ka na nung nililigawan. Ga-graduate na tayo next year, ni hindi mo pa siya binibigyan ng chance! Hindi ka na naawa sa tao at maraming beses mo na siyang binasted"

Napailing ako sa sinabi niya, tignan niyo 'to, dinamay pa si Jayden.

"Di kita maintindihan, actually. Ang gwapo kaya ni Jayden, mas gwapo pa nga siya kesa sa mga naging kasintahan ko! Magaling din siya at gentleman! Halos siya nga ang pinapangarap ng mga kababaihan dito sa campus! Ngunit ikaw ang gusto! Kaso nga lang, binabasted mo na lang parati! Hayan tuloy, mainit ang dugo sa'yo ng mga fans ni Jayden. Na sa'yo na nga yung lalaking gusto nila, ayaw mo namang tanggapin ang panliligaw ni Jayden sa'yo! Aba! Marami talagang aaway sa'yo!"

Two years and Jayden still won't stop. Sinabi ko naman na sa kanya na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay kaso ayaw niya. He wants more than friendship from me which I can never offer. Sa totoo lang, lahat ng mga babae, mahuhulog at mahuhulog kay Jayden. Mabait siyang tao. Humble rin. Nasa kanya na rin ang kaguwapuhan. Kaso, wala talaga akong maramdamang kahit katiting na pagkagusto sa kanya. Nanligaw na siya't lahat-lahat, wala talagang epekto. I can't even find any attraction towards him. Hanggang ngayon, pinagtatrabahuan niyang kunin ang pagsang-ayon ko sa relasyon na gusto niya. Kaninang umaga nga, may ipinadala siyang bulaklak sa bahay. Halos araw-araw na niyang ginagawa iyon at hindi siya napapagod. Napapatanong na nga sina Mama e. Dalawang taon na ang nakalilipas pero hanggang ngayon, nililigawan niya pa rin ako. Kahit klarong sinabi ko na sa kanyang hindi ko tatanggapin ang pag-akyat niya ng ligaw. He's persistent. And personally, I am not a fan of it.

"You know I don't care about the glares I'm receiving from his admirers" Pabalang na sagot ko.

Umungot si Savi. "Yan nga ang problema sa'yo e! Wala kang paki! Kahit ginawa ko na lahat para sa'yo! Handa pa akong iskaripisyo ang sariling kaligayahan ko para lang sa'yo! Mahal na mahal kita pero wala kang paki!"

Tumigil ako sa paglakad at liningon si Savi. "Really Savi?" I gave her a bored look.

Tumawa naman siya at kumindat. "Okay ba acting ko? Anong kulang? Mga luha ba? Hindi kasi ako prepared!" Binuntutan niya ito ng tawa.

Babatukan ko na talaga 'to!

Iling lang ang nagawa ko tsaka muling humarap kaya lang nahinto ulit ako nang makita si Jayden na paparating sa gawi namin. Muntik ko pang sipain si Savi nang tumili siya ng malakas.

"Shet! Shet! Palapit na siya bes!" Pagtitili niya.

He had a smile on his lips while looking at me. "Hey beautiful" Bulong niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang umangat ito. "Good afternoon" Magiliw niyang sambit ngunit napako ang tingin ko sa inilahad niyang bulaklak. Tulips...

No one knows that my favorite flower is a red rose. I just like the look of it. Parang forbidden flower kung tutuusin. It has thorns. And the red color of its flower comes with a rage of passion. Which I like a lot.

Nakangiti kong tinanggap ang bulaklak saka siya nginitihan. "Salamat, Jay. Pero anong ginagawa mo dito?" Ang alam ko kasi, may praktis pa sila kasama ang tropa niya ngayon. Lagi kasing may gig itong sina Jayden. He's the vocalist and the guitarist of the Syntax Band at the same time.

"Kinausap ko kasi si dean tungkol sa nalalapit na fair na gaganapin dito sa school. Kinuha nila kami para magperform. And she also asked me to find you. Sabi niya, may importante siyang sasabihin sa'yo"

Napatango-tango ako.

"Sige, salamat. I'll take it from here" Tipid kong sabi sa kanya. Sinubukan kong hindi pansinin ang mga tingin na natatanggap ko mula sa mga nagsisidaang mga estudyante. Hayan na naman ang mala-agila nilang mga mata na nakamasid.

Tumaas ang sulok ng labi ni Jayden. Tumango siya. "I'll see you on Monday"

Napansin kong bumaling siya kay Savi na nasa tabi ko. Napatingin din ako sa kaibigan ko at jusko! Buti na lang at napigilan ko ang tawa ko. Kasi naman, ang mukha ni bruha, nagpipigil ng kilig!

Nginitihan siya ni Jayden. "Hi, Savi" Bati nito sa kaibigan kong siguradong naiihi na sa kilig. Tumango naman si Savi saka muli akong tinignan ni Jayden at nagpaalam.

Pagkaalis ni Jayden, napadaing ako ng hampasin ako ni Savi gamit ang malalapad niyang kamay. "Pinansin niya ako!" Sigaw niya.

Natawa lang ako sa inasta niya tsaka na kami tumungo sa office ni dean.

"Ano naman ang sasabihin sa'yo ni Dean at talagang ipinatawag ka pa niya sa office niya?" Nagkibit-balikat ako. Maski nga ako nagtataka. Wala akong kaide-ideya kung bakit. Sa natatandaan ko, malinis ang record ko. Wala akong kabalastugang ginawa.

"Tignan na lang natin" Kalmadong saad ko.

Naiwan si Savi sa labas. Pagpasok ko sa loob, nagulat ako dahil nandito si Aly at Trixie. Si Aly ang top 1 student ng course namin habang si Trixie ang sumunod sa akin. Siya ang third. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at napaawang ang labi ko nang makitang si Julius ang pumasok. Ang fourth sa ranking ng law deans listers.

Sabay-sabay kaming napatingin kay Dean nang tumayo siya. "Mabuti at kumpleto na kayo. I know you're all confused. Ipinatawag ko kayo dito dahil sa isang importanteng bagay na kailangan nating pag-usapan. You heard about the Weston University right?"

Napatayo ako ng maigi pagkarinig sa sinambit niynag paaralan. As far as I know, Weston University is one of the most respected schools over Asia. Mamahalin ang pangalan ng University tulad ng mga estudyanteng nag-aaral doon. Puru galing sa mayayaman na angkan ang nag-aaral doon. And a lot of their students became professionals which means, maganda ang quality ng education nila.

Napatayo si Aly na kanina lang ay naka-upo. "What about it Ma'am? Walang hindi nakakaalam tungkol sa University na 'yon. Marami ngang nangangarap mag-aral doon kaya lang di nila afford. Tulad rin namin"

Pinanatili ko ang tingin ko kay Ma'am Dran na bahagyang tinapos ang ginagawa. Tumayo siya at inayos ang salamin tsaka isa-isa kaming tinignan. "Well congratulations. You just became one of the students of the Weston University. The best scholar grantees are giving you the opportunity to accept their offer. It's either you say yes or decline"

Lahat kami, pare-parehong nagulat sa narinig. Nahigit ko ang hinga ko nang tumigil sa akin ang tingin ni dean. "Do you accept the scholarship?"

My lips parted.

Continue Reading

You'll Also Like

980K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
9.1M 220K 47
Hestia has learned her lesson: never flirt with a casanova or else, you'll end up with a broken heart and a fatherless child. She has done everything...
5.6M 91.7K 30
The most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his ever...