My Pandemic Love Tale

By naylazz_

29.8K 613 249

One afternoon, Tristan was pranked by his sister. He started receiving hundreds of messages from girls who go... More

My Pandemic Love Tale
Achievements
Chapter 1: Post
Chapter 2: Notif
Chapter 3: Reply
Chapter 5: Chat
Chapter 6: Later
Chapter 7: Sister
Chapter 8: Past
Chapter 9: Fear
Chapter 10: Talk
Chapter 11: Link
Chapter 12: Typhoon

Chapter 4: Story

1.1K 49 26
By naylazz_

STORY


Mukhang pinagbibigyan ata talaga ako ng langit ngayong araw. Sa buong buhay ko, ngayon nalang ulit ako naging ganito kabuhay.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ewan ko kung sa acid ba to o totoong kinikilig lang ako.

Matapos kong makita na nagtatype na siya ng reply ay ni-close ko agad ang thread namin. Sobra akong nataranta kaya tinaob ko muna ang cellphone ko. Napahigop din ako ng kape na hindi ko alam kung tama bang gawin dahil paniguradong mas magpapalpitate lang ako.

Ilang minutes muna ang pinalipas ko bago ako nagkalakas loob na balikan ang thread namin.

May reply na siya. At oo, nag-reply siya. Ulit.

Napakagat nalang ako ng labi nang masilayan ko na naman ang DP niya. Grabe. Sobrang gwapo niya talaga! Sa sobrang gwapo, parang ang hirap tuloy paniwalaan.

Sasama talaga ang loob ko if ever na fake account lang to at poser siya. Pero sana hindi naman. At base naman sa post ng sister niya, mukhang totoong tao naman siya na nabubuhay sa mundo. Mukhang totoo naman din yung nakalagay sa caption. If ever na hindi, feeling ko magagalit talaga ko. No joke.

Napainom nalang ulit ako ng kape nang finally ay mabuksan ko na ang thread namin. Online parin siya hanggang ngayon kaya doble doble talaga ang kaba ko.

Kahit nabasa ko naman na yung message niya sa preview, iba parin yung feeling nung nasa mismong thread na ako. Kasi syempre, may history dun ng conversation namin tsaka pwede nadin akong magreply. At online siya, siz. Green na green ang status niya. Feeling ko tuloy nasa iisang kwarto lang kaming dalawa.


Tristan Andrei:

Yeah, in a bit.


Shet! Yung dibdib ko! Kung bulkan lang ako, baka pumutok na ko. Shet talaga!

Hindi ko maexplain yung pakiramdam pero kung totoo man yung crush at first sight, feeling ko ito yun. Ganitong ganito.

Pero sa gitna ng kilig at kaba ko, nahihirapan din akong mag isip ng sasabihin dahil patapos na naman ang reply niya. Nahihirapan din akong ijudge kung ano bang tono ng message niya. Kung masyado bang cold or what.

Feeling ko naman kasi normal lang yung mga reply niya since di naman kami magkakilala kaya natural lang na di siya casual makipag usap sakin. Hindi naman kami close. Plus, he's mature enough para makipagchat sa isang stranger. Mabait lang siguro talaga siya kaya siya nagrereply.

Wala kasi sa mukha niya ang pagiging friendly. Lalong hindi naman siya mukhang panglandian lang. 2 years na nga daw single tsaka workaholic. Impossible namang walang nagkakagusto sa kaniya sa itsura niyang yon. Tsaka di rin siya mukhang playboy e. He has a unique face and I swear, wala siyang kamukhang artista. Siguro kung magshoshowbiz nga siya, baka sobrang sumikat siya. Ganun lang naman siya kagwapo.

Kaya di narin ako magtataka kung lahat kaming nirereplyan niya ay nagpapalpitate na ngayon. Ilan kaya kami no? Pwede ko kaya yong itanong? Kaso baka naman isipin niya usisera ako at i-ghost nalang ako bigla.

Hays. Pano ba kasi makipag usap ng tama? Ano bang dapat sabihin pag ganito? Nakakastress naman.

Napatingala nalang ulit ako sa buwan. Wala ng ulap na nakaharang dito ngayon kaya malaya na ulit itong nagniningning sa kalangitan. Ang ganda talaga. Ang payapayapa. Nakakawala ng frustration.

Noon pa man, malaki na talaga ang paghanga ko sa buwan. Feeling ko nga bestfriend ko narin ito. Wala kasi akong masyadong kaibigan kaya tuwing may problema ako at nahihirapan, sa buwan ako nagsasabi. Bukod kay Lord, buwan ang pinakanakakaalam sa lahat ng sikreto ko at nararamdaman. Sa lahat ng iniyak ko at mga hiling.

Kung si Lord ang magulang ko, ang buwan naman ang nagsisilbing bestfriend ko sa langit.

Kaya naman, instinctively ko na naman itong kinausap sa utak ko.

Guminhawa naman agad ang pakiramdam ko pagkatapos kong masabi lahat ng nasa isip ko ngayon.

Huminga ako ng malalim at nagtype na ng sasabihin. Medyo kumalma na ang dibdib ko matapos kong iwish sa buwan na pakalmahin ako at bigyan ng energy kaya may lakas na ko ng loob na magreply ngayon.


Me:

Okay :)) Make sure you eat po.


Feeling ko ito na ang pinakatamang ireply sa message niya. Ayoko narin i-overdo. After all, babae parin ako. Yung branding ko, siz. Isang araw palang pero ang laki na ng pinagbago.

Wala namang masama kung mag first move pero ayoko sana gawing hobby. Yung tamang hinhin at harot lang sana. Ganon.

Kaso pag naiisip ko yung age gap namin, biglang bumababa confidence ko. Kaka-19 ko lang. Pano kung hanap niya pala ay stable at mature na relationship, kaya ko kaya yun? Ni hindi pa nga ako nagkakaboyfriend buong buhay ko. Pano ko naman malalaman kung pano yung mature love? Hays.

Hindi pa siya nagsiseen pero delivered na ang message ko. Nagreply nalang muna ako kay Loise at tsaka nag IG. Ayoko na siyang bantayan ulit dahil baka magpanic na naman ako.

Nag-scroll scroll nalang ako sa feed ko habang umiinom ng kape. Nag-view ng stories, nanood ng videos at nag-share ng memes.

Hindi pa tumutunog ang messenger ko kaya nagsimula na kong ma-curious. Chineck ko ang inbox ko at nakitang wala siyang reply pero nag-seen na siya. Unfair nga dahil kahit mismong pagseen niya lang ay sapat na para kabahan ako.

Online parin siya pero mukhang ubos na ang swerte ko for tonight. Hindi rin siya typing at mukhang kanina niya pa pala naseen ang message ko.

I think yun na yon for today. Baka ubos na din ang patience niyang magreply.

Okay lang naman. Enough narin yung mga naramdaman ko today. Sakit narin ng dibdib ko e. Daig ko pa inatake ng hika.

Pumasok nalang ako sa loob ng bahay at humiga na sa kwarto. Pinatay ko na ang ilaw at tinago ko narin ang cellphone ko para mas mabilis akong antukin.

Pero sino ba ang niloloko ko? Syempre hindi ako agad agad makakatulog kahit gustuhin ko man. It has been my reality for quite a while now. Na kapag hindi ko na hawak ang cellphone ko, kapag sumapit na ang gabi at patay na ang mga ilaw, isa nalang akong malungkot at anxious na teenager.

Kahit anong pikit ko, kahit anong pwesto ko, hindi ko parin magawang makatulog. Sobrang busy lagi ng utak ko sa pag ooverthink sa mga problemang ako lang din mismo ang gumagawa. Self sabotage, suicidal thoughts, na hindi ko rin alam kung saan nanggagaling. Hanggang sa maiyak nalang ako sa takot at kawalan ng pag asa.

Makakatulog lang ako kapag katawan ko na ang kusang bumigay sa pagod. Pero madalas hindi rin tuloy tuloy dahil nagigising din ako sa bangungot at sleep paralysis tuwing madaling araw.

Ang araw araw ko na nga lang na pinagdadasal ay sana maging okay na ako at maging okay na din ang lahat. Gustong gusto ko na ulit maranasang matulog ng walang iniisip at walang mabigat na nakadagan sa dibdib.

Sabi ko nga kay Lord, kung sakali mang dumating sa point na parang hindi ko na kayang mag isa, sana padalhan niya ko ng makakasama. Yung taong makikinig sakin at pwede kong pagkatiwalaan sa lahat. Pero alam ko naman na kahit hindi na ako mag-request ay hindi niya naman ako pababayaan. Kaya nga nandito parin ako ngayon.

Buti nalang at nakatulog narin ako after ng isang oras na pag iyak at pag iisip. Nagpapasalamat din ako na hindi ako binangungot at nagsleep paralysis ng madaling araw kaya nagtuloy tuloy naman ang tulog ko.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa uhaw. Ewan ko ba pero lagi nalang tuyo ang lalamunan ko tuwing paggising ko. Bumangon na ako para uminom ng tubig. Hindi na ako masyadong inaantok pagbalik ko sa kwarto kaya kinuha ko na ang cellphone ko bago bumalik sa paghiga.

Oo na, ganito ako everyday. Cellphone agad pagkagising palang. Pero sino bang hindi diba? Alam ko namang marami tayong guilty dito.

As usual, una kong chineck ang social media. IG muna para pang warm up. Syempre ayokong unahin yung Facebook para surprise.

After ng IG, chineck ko naman yung website ng school na inapplyan ko for college para tingnan kung nag-release na ba sila ng list of passers. Yun nga lang, wala parin hanggang ngayon kaya disappointed na naman ako ng slight.

Ano ba yan. Umagang umaga, walang good news.

Dahil tinopak na ko slight, chineck ko narin ang facebook sa pag asang may magandang balitang sasalubong sakin don at hindi naman ako binigo ng pag asang yon.

Napakagat labi nalang ako nang makitang online si Tristan Andrei at may kulay blue pa na circle sa palibot ng DP niya. Meaning, may story siya na nakapublic otherwise hindi ko yon makikita. Naexcite agad ako kaya hindi na ko nagpatumpik tumpik pa at viniew na agad ang story niya.

Wala pang dalawang segundo ay nanlaki na ang mga mata ko kasabay ng pagbilis ng kabog ng dibdib ko.

Siya ba to?! Omg!

Napatakip nalang ako ng bibig sa sobrang mangha. Parang nagising ata lahat ng tulog ko pang nerves at red blood cells sa katawan sa napanood ko.

Hindi nga?!

Guitarist pala siya siz! Marunong siya!

Feeling ko tuloy mas lalo pa siyang gumwapo. Talented din pala. Hindi lang puro mukha.

Nagsimula na naman tuloy akong magpalpitate pero mas malalang level na ngayon. Aga aga namang kilig nito. Hindi pa nga ako nag aalmusal bumabaliktad na agad sikmura ko.

Grabe na to si Tristan Andrei. Ang sakit sa puso!

The story was a video of him playing the guitar sa parang studio pero hindi kita ang mukha niya dahil nakayuko siya at nakatingin sa gitara but I know it's him. It was slow and sweet pero hindi ako familiar sa song na pineplay niya kahit pa ilang beses ko mang paulit ulitin. It sounds so gentle and romantic though. RIP replay button nalang talaga.

Sorry pero feeling ko busog na ko.

Blessing. Blessing siya sa umaga ko. Akalain mo yon? Siya lang pala yung blessing na hinahanap ko. Nasa Facebook lang pala. Dito ko lang din pala siya makikita.

Ang galing niyang maggitara. Bagay na bagay din sa kanya. Ang lakas ng dating niya at kahit di mo kita yung mukha, alam mong gwapo siya.

The way niya palang istrum yung gitara, parang alam na alam niya talaga kung anong ginagawa niya.

At mukhang ako din, alam ko na kung anong gagawin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

190K 8.4K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
398K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...