Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)

By chasterrassel

82.1K 3.3K 362

Si Sandro, astigin, pagdating sa karate walang inuurungan. Pero siya ay may dark little secret from the past... More

Introduction
Fight I. "Ang Shotopyu Dojo"
Fight II. "Ex-Men: Rise Of The Daldalerong Lips"
Fight III. "Ang Mahiwagang Shut Up Pills"
Fight IV. "Shut Up Pa More"
Fight V. "Ex-Men: Days of the Immature Past"
Fight VI. "Ang Martial Law Ng Pag-ibig Ni Alessandro Monteballe"
Fight VII. "Finding Nessy"
Fight VIII. "Tena Na Sa Daang Matuwid"
Fight IX. "Misteryo Ng Daang Matuwid"
Fight X. "Banta"
Fight XI. "Lihim Sa Kakahuyan"
Fight XII. "Pag-igting"
Fight XIII. "Journey To The Center Of The Hurt"
Fight XIV. "Eskapo"
Fight XV. "Kapag Nablock Na, Tama Na"
Fight XVI. "Nagising Ang Dormant Na Puso"
Fight XVII. "JeaLuis Of The Way You're Happy Without Me"
Fight XVIII. "State Of Devastation Address"
Fight XX. "The Challenge"
Fight XXI. "Mass Distraction"
Fight XXII. "Finally Found"
Fight XXIII. "Kapit Lang!"
Fight XXIV. "Is It Really Over?"
Fight XXV. "Fault In Our Scars"
Fight XXVI. "Kunin Natin Si Powder"
Fight XXVII. "Ang Antidote"
Fight XXVIII. "War Of The Worse"
Fight XXIX. "Daang Matuwid No More"
Final Fight. "Shut Up Na Lang Tayo"

Fight XIX. "Shot Through The Heart"

1.6K 87 20
By chasterrassel


Bumalik na ko sa loob. For the mean time, magkukunwari na lang muna ko nang parang walang nangyari. Hahayaan ko na munang matapos itong pagriresearch namin. At mamaya, kapag kaming dalawa na lang ulit; tsaka ko kakausapin si Luis nang masinsinan. Magtitiis na lang muna ko, kahit na gustong-gusto nang sumabog ng dibdib ko!

Lumapit na ulit ako sa likuran nila.

"Guys, pasensya na ha. Okay na, t-tapos na kong tumawag."

"Well, habang wala ka, merong na kaming nakita. Look at this,"sagot ni Sarra.

Binasa ko iyong nasa screen ng monitor, tungkol 'to dun sa past election sa Daang Matuwid. Apparently, may riot pa lang nangyari nung declaration ng pagkapanalo ni de Quatro.

Nagrally iyong mga tao sa tapat ng city hall, at pwersahan silang pinalayas ng mga tao ni de Quatro! At with matching picture pa iyong mga nakasulat dito. Ito iyong klase ng article na hinahanap ko nun!

"So, it means hinarang ni de Quatro iyong paglabas nito; dahil ayaw niyang malaman ng lahat na hindi siya iyong ibinoto ng mga tao. At na maraming inosenteng tao ang nasaktan nang dahil sa kanya,"sambit ko.

"Not only that. Hindi lang mga citizen iyong nasaktan, meron ding mga member ng media na nadamay; dahil pinigilan sila na makunan iyong mga pangyayari."

Iniscroll down ni Sarra; nakalagay din nga dito na may mga reporter na nasaktan.

"Luis, eto rin ba iyong parehong incident na nabanggit mo sa amin nun?"

Napalingon siya sa akin; pansin ko lang, parang nabigla siya sa pagtatanong ko.

"Ha? Ahmmm..."

"Pre, ba't parang di ka agad makasagot?"usisa ko ulit, pero this time with matching titig na sa mga mata niya.

"Siguro nga, p-pero di ako sure."

"Luh, di sure? Teh, akala ko ba taga dun ka?"si Sarra.

Napatingin siya kay Sarra.

"Ah, oo nga. P-Pero wala kasi ko diyan mismo, nung nangyari iyan; nasa bahay lang ako niyan."

Hmph, hindi ko na alam ngayon kung nagsasabi ba talaga ng totoo 'tong mokong na 'to, o baka mamaya, part pa rin 'to ng napakagaling niyang pagpapanggap!

"Anyway mga teh, this is perfect! Ito ang kailangan natin; ito ang nukleyar na bubulabog sa mundo ng de Quatro na iyan."

Prinint ni Sarra iyong buong article sa papel.

"Iyan, babaunin natin 'to sa pagpunta dun,"sambit niya, tapos kinuha na niya iyong mga papel mula sa printer.

Tumingin siya sa akin.

"Wait pala, okay lang ba kung umuwi muna ko for awhile? Syempre, di naman pwedeng lumarga ko nang walang gamit."

"Okay lang,"napapangiti kong sagot.

Sige lang, mas mabuti ngang umuwi ka muna; para masolo ko 'tong isa dito. At nang magkaalaman na kami!

"And itratry ko rin pa lang kontakin iyong reporter na gumawa nitong article. Who knows kung may iba pa siyang alam na pwedeng makatulong sa atin, di ba?"

"Good idea! Sige, do that. Ahmmm, sa Shotopyu na lang tayo magmeet mamaya?"

"Sure!"

"Sige, mauna na rin muna kami."

Tumingin ako kay Luis.

"Luis, tara na."

Pagkasabi nun, nauna na kong maglakad sa kanya; kahit na hindi pa siya tumatayo mula sa kinauupuan niya.

                                                                           #

Pagdating sa may parking lot, dire-diretso lang ako ng lakad papunta sa kotse.

"Sandro! Sandro sandali naman, ba't ba parang nagmamadali ka?"narinig ko na lang na sinasabi iyon ni Luis.

Hindi ako sumagot, at diretso pa rin ako sa paglalakad; huminto lang ako, nang makarating ako sa tapat ng pinto ng driver's seat ng kotse. Siya naman, dumiretso sa pinto ng passenger's seat.

"M-May problema ba?"usisa niya.

"Sumakay ka na lang ng kotse."

"Pero—"

"Ang sabi ko sumakay ka na!"

Hindi ko na napigilan na pagtaasan siya ng boses; bagay na halatang ikinabigla niya.

Sumakay na ko ng kotse. Syempre, no choice na rin siya kung di ang sumunod na lang sa akin.

Sa tindi ng panggigigil na nararamdaman ko, naibunton ko 'to sa pagmamaneho ko. Naging pwersado at madiin iyong pagtapak ko sa gasolina, at naging mabilis din iyong pagpapatakbo ko.

Sa lahat ng pinakaayaw ko, iyong nagsisinungaling at nagsisikreto sa akin; lalo na kung isang taong pinagpapahalagahan ko iyong gagawa nun! Kaya masakit para sa akin, na malamang niloloko ko ni Luis! Kahit pa sabihin na tinulungan at iniligtas niya kami nang ilang beses.

"S-Sandro anong bang nangyayari sa iyo? Baka madisgrasya tayo niyan sa ginagawa mo!"

"Hmph! So what? Mamamatay na rin naman na ko di ba?"

Napatingin ako sa kanya.

"Kaya wala na kong pake, kung may mangyari man sa atin!"

Ipinagpatuloy ko lang iyong pagpapatakbo nang mabilis, hanggang sa napadpad kami sa isang lugar na may pagkaliblib; isang lugar na mga damuhan at kalsada lang ang nakikita. Just exactly the place, para makapag-usap kami nang walang distorbo.

Dun ko na itinabi ko na iyong kotse. Dali-dali akong bumaba, at lumakad palayo; syempre, sinundan niya ko.

"Sandro! Ano bang problema mo! Hindi ka naman ganyan kanina ah."

Huminto ako, nilingon ko siya, at tinitigan nang masama.

"Ikaw! Ikaw ang problema!"bulalas ko, with matching pagduro sa kanya.

"H-Huh? A-Ano ba iyang pinagsasabi mo?"

"Alam ko na kung sino ka! Luis Oliveros, the genius match crossbow champion, 8 years ago."

Natigilan siya, at biglang namutla.

"Ano, bakit hindi ka makakibo? Bakit hindi mo sabihin sa akin iyong totoo, na ikaw iyong taong umaatake at tumutulong sa amin!"

Wala pa rin siyang sagot; nakatitig lang siya sa akin, habang iyong mata niya parang naluluha na. Dun na ko mas lalong napikon, kaya hinila ko na siya sa damit niya!

"Magsalita ka!"

At di ko na rin napigilan iyong sarili ko, naging emotional na rin ako.

"Luis pinagkatiwalaan kita! Ipinaglaban, at ipinagtanggol kita sa kanila! Dahil naniwala ako sa iyo, dahil naramdaman ko na mabuti kang tao; tapos ngayon ganito? Malalaman ko na niloloko mo ko, na niloloko mo kaming lahat!"mangiyak-ngiyak ko nang bulalas.

"S-Sandro, p-patawarin mo ko—"

"Hindi ko kailangan ng paghingi mo ng tawad! Ang kailangan ko, iyong buong katotohanan! Sabihin mo sa akin Luis, bakit kailangan na paikutin mo kaming lahat! A-Ano ka ba talaga? Kakampi, o kaaway?"

"O-Oo, i-inaamin ko Sandro, ako nga iyong taong iyon. Pero sana, h-hayaan mo muna na maipaliwanag ko sa iyo ang lahat-lahat."

Binitiwan ko siya. Hindi na muna ko nagsalita; dahil this time, siya iyong hinayaan ko na magsabi ng mga gusto niyang sabihin.

"N-Noon pa man, bago ka pa man masangkot kay de Quatro, binabantayan ko na kayo ni Mayor; pero hindi dahil sa utos ng babaeng iyon, kung di...sa utos ni Gary."

"S-Si Gary..."

"Matagal nang pinaplano ng hayop na iyon ang paghihiganti niya kay Mayor, at naging isa ko sa mga tauhan niya. Inutusan niya ko na tiktikan ang bawat kilos niyo. Alam niyang malapit ka kay Mayor, kaya balak ka niyang gamitin."

Bigla kong naalala, nung nag-eensayo ko nun mag-isa sa dojo, naramdaman ko na parang may mga matang nakatingin sa akin. I-Ibig sabihin, hindi pala si kumag iyon.

"Ikaw iyon, ikaw iyong nanonood sa akin nun habang nag-eensayo ko?"

Napatango lang siya.

"Pero nagkataon na naging kaaway rin kayo nung taong tumulong sa kanya para makabangon. At naging iisa sila ng hangarin, kaya nabago ang lahat ng mga plano niya."

"So it means na all this time alam mo naman pala ang lahat-lahat, at ako 'tong si gago nagpauto sa iyo! Hmph, pati ba dun sa pagkawala ni Madam Nessy, may alam ka rin? Ha!"

"W-Wala akong alam tungkol dun. Gaya ng sinabi ko, tauhan lang ako ni Gary, hindi ni de Quatro; kaya wala akong alam tungkol kay ate Nessy. Ni hindi ko alam kung ano iyong mismong naging ugnayan nila ni de Quatro. Pero sa tingin ko, nagkakalabuan na sila. At patunay dun iyong naabutan mo, nung una mong punta sa shop niya."

Kung ganun tama nga iyong hinala ko, mga tao nga ni de Quatro iyong mga lalakeng iyon.

"Sandro, iyong pagkakasangkot mo kay ate Nessy, iyon ang nagpabago sa lahat. Alam ko kung anong klaseng kapahamakan iyong naghihintay sa iyo, kaya sinubukan kitang balaan at pigilan nun na gumawa ng anumang hakbang."

Pero nagpunta pa rin nga ako ng Daang Matuwid. At nung time na iyon, pinapunta rin siya ni Gary dun; dahil sa utos na ibinaba ni de Quatro, ang iligpit ako.

Hmph, hindi pala totoo na matagal na siyang nakatira dun, at hindi rin siya talaga katiwala ni ate Nancy. Ang totoo, minsanan lang siya nagagawi sa lugar na iyon. Which obviously means, na parte rin pala ng lahat ng 'to iyong sariling kapatid ni Madam Nessy.

"Nung nasa liwasan tayo, setup ko lang din iyong mga bolt na bumagsak sa atin; pero ginawa ko lang iyon para takutin ka, para umalis ka na agad ng Daang Matuwid."

"Hmph, ano 'to? Sinasabi mo sa akin na inutusan ka ni Gary para iligpit ako, tapos sinasabi mo rin na gusto mo kong iligtas? Ano, balak mong gawing career iyong panggagago sa akin!"

"S-Sandro, hindi mo kasi naiintindihan..."

"Pwes ipaintindi mo sa akin! Dahil gusto kong maintindihan, kung bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to!"

"N-Nung magkasama tayo sa Daang Matuwid, nasa akin na iyong lahat ng pagkakataon nun para tapusin iyong trabaho ko; pwedeng-pwede kong gawin sa iyo anuman iyong gustuhin ko. Pero hindi ko magawa-gawa! Dahil narealize ko na sa tinagal tagal kitang sinubaybayan, n-nahulog na pala ko sa iyo. Narealize ko na hindi kita kayang saktan, dahil mahal kita Sandro!"

Tuluyan nang bumagsak iyong mga luha niya. Ako naman, natigilan na lang sa mga salitang narinig ko. At the same time, parang nanlambot iyong buong pagkatao ko; mula ulo ko hanggang paa. Hindi ko rin maintindihan, pero biglang nawala iyong matinding bigat sa dibdib ko.

"A-Ako iyong dapat na namamana, pero ako iyong napana...sa puso. At iyon iyong rason kaya sinaksak ako nun ni Gary sa kakahuyan, dahil lantaran na kong sumuway sa mga ipinapagawa niya; dahil hindi ko na kaya. Wala na kong pakialam kung anuman iyong mangyari sa akin, ang importante mailigtas at maprotektahan kita."

"S-Si Madam Nessy, nasaan siya? Alam mo ba kung nasaan siya?"

Iling iyong naging sagot niya sa akin.

"Si de Quatro lang iyong tanging nakakaalam kung nasaan siya."

Napailing-iling na lang rin ako.

"Kung ganun, wala na pala kong mahihita sa iyo."

Lumakad na ko, pabalik na sana ko nang kotse; nang maramdaman ko iyong bigla niyang pagyakap sa akin nang mahigpit mula sa likuran ko!

"Sandro! Aminado na kong niloko kita, na nagsinungaling ako; pero iyong nararamdaman ko para sa iyo, iyon ang hinding-hindi magiging kasinungalingan. Dahil totoong mahal kita Sandro. At sa yakap kong 'to, sana maramdaman mo iyong pagmamahal na iyon."

May kasama nang paghagulgol iyong pagsasalita niya; naramdaman ko rin iyong pagyuko, at dantay ng mukha niya sa isang balikat ko.

At iyong yakap niya, may kakaibang init. Iyong feeling na parang punong-puno siya ng pananabik; pero at the same time, nakakapagpakalma at gaan ng loob. F-For the longest time, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong klaseng yakap.

Ilang minutes din, bago ko natauhan. Pagtapos nun, dahan-dahan ko nang inalis iyong pagkakapulupot ng mga braso at kamay niya sa akin. Kumalas na ko sa pagkakayakap niya. At walang sali-salita, tumuloy na ko sa pagsakay sa kotse.

Nakaupo na ko sa driver's seat; nakahawak sa manibela, at natutulala na lang dito. Pauli-ulit na bumabalik sa akin iyong mga salitang sinabi ni Luis; pati iyong naramdaman ko, habang yakap-yakap niya ko.

Mayamaya pa, bigla ko na lang rin naalala iyong masasaya naming moments; iyong mga kulitan, biruan, at asaran. Hanggang sa naramdaman ko na lang iyong luha sa mga pisngi ko. At the same time, nahuli ko na lang rin iyong sarili ko na ngingiti-ngiti.

Inangat ko iyong ulo ko, at napatingin ako sa may rear view mirror. Natanaw ko si Luis na naglalakad na palayo; pero hindi pa siya tuluyang nakakalayo!

Dali-dali akong nagmaniobra, at hinabol siya. Tapos binuksan ko iyong bintana ko.

"Luis! Luisss!"mangiyak-ngiyak ko pa rin na bulalas.

Napahinto siya sa paglalakad, dahil sa pagtawag ko; hininto ko naman iyong kotse sa tapat niya. Dali-dali akong bumaba, at nilapitan siya. Hinila, at hinawakan ko nang mahigpit iyong isa niyang kamay.

"S-Sinabi mo sa akin na hinding-hindi ka mawawala sa tabi ko di ba, kaya saan ka pupunta?"

Hindi siya sumagot, maluha-luha lang siyang nakatulala sa akin.

"Hindi ka aalis pre, dito ka lang sa tabi ko! H-Hindi ako papayag na mawala ka sa tabi ko, dahil kailangan kita!"

This time, ako naman iyong pumunta sa likuran niya, at yumakap sa kanya.

                                                                      #

Bumalik na kami sa loob ng kotse. Heto na naman po, awkward na naman kami; muntanga na naman. Paano hindi kami magkasalubong ng tingin. Kapag tumitingin ako sa kanya, umiiwas siya; kapag siya naman iyong tumitingin sa akin, ako naman iyong napapaiwas lol. Napakamot na lang tuloy ako ng ulo.

Pero sa totoo lang, feeling ko meron pang hindi sinasabi 'tong mokong na 'to sa akin. It's either nahihiya siya o nag-iinarte lang. I don't know, pero iyon iyong sinasabi sa akin ng instinct ko.

"M-May gusto ka bang sabihin?"iyon, nag-usisa na ko.

"H-Huh?"

"Ano?"

Napatitig lang siya sa akin. Hmph, at least nagkatitigan na rin kami.

"Meron! Meron nga! Tungkol kay ate Nancy."

"Okay, anong tungkol sa kanya?"

"Hindi niyo siya dapat pagkatiwalaan, dahil kasabwat din siya ni de Quatro."

"Oo nga, nagets ko na rin iyan kanina dun sa mga sinabi mo eh."

"Pero hindi ko pa nasabi sa iyo iyong mga detalye..."

Hinayaan ko lang siya na magpatuloy.

"Gaya ko, napag-utusan din siya na siguraduhing di ka makakalabas nang buhay ng Daang Matuwid. Wala siyang balak na tulungan kayo ni Baste mula diyan sa epekto ng pills. Iyong tsaa na gusto niyang ipainom sa inyo nun, nilagyan niya iyon ng lason."

So iyon pala iyon, sinadiya pala talaga niya na sagiin kami nun; para hindi namin mainom iyong tsaa. At kaya rin pala ang oa nung reaksyon ni ate Nancy nun.

"Kaya ka rin ba bubulong-bulong nun pre? Dahil ayaw mong marinig niya na binibigyan mo kami ng tip?"

"Oo."

"So dinamay pa talaga niya si kumag, para lang isipin ko na pang relief lang iyon ng epekto nung pills."

"Hindi lang iyon; iyong pagkahilo na naramdaman niyo, hindi iyon dahil sa pills. Kagagawan niya iyon."

"Ano! Paanong nangyari iyon?"

"May nilalagay siya sa inumin niyo."

Come to think of it, naglunch muna kami nun; bago kami nagpunta nung mga bagets sa kakahuyan para sa training nila. Tapos the next day paggising ko, may inihandang pagkain si ate Nancy para sa akin dun sa dining. At bago iyon, nabanggit nung mga bagets sa akin na nauna na silang lahat kumain. Aba'y magaling din.

"Teka pre! Don't tell me na pati iyong taning na ibinigay niya sa amin, fake din?"

"Hindi, actually iyong lang iyong tingin ko na nag-iisang legit."

"Paano mo naman iyan nasabi?"

"Narinig ko si ate Nancy na kausap si de Quatro sa cellphone; tinatanong niya nun kung bakit kailangan ka pang ipaligpit, gayung mamamatay ka na rin naman dahil sa pills."

Pagkasabi niya nun, napailing-iling na lang ako, at napadabog nang mahina sa manibela.

"Alam mo pre, ang di ko lang magets dito, eh iyong kung paano niya nagawang ipagkalulo iyong sarili niyang kapatid. I mean, ganun talaga siya kasama?"

"Hmph, ganun naman talaga di ba. Iyong inaakala mong mabait, masama pala; iyong inaakala mong masama, mabait pala."

Sabay hirit ng ganun si mokong, napangisi na lang tuloy ako sa kanya.

"Pero...kung kasabwat pala ni de Quatro si ate Nancy, ano na iyong sinasabi ni Madam Nessy na hindi siya?"

"Ewan ko, hindi ko rin alam Sandro."

Pagtapos nun, natahimik na naman kaming pareho. At naipawas na naman siya ng tingin sa akin; akala niya siguro, nakalusot na siya.

"Oh, tapos na nating pag-usapan si ate Nancy. Baka naman pwede mo nang sabihin, iyong talagang gusto mong sabihin."

Napatingin lang siya ulit sa akin, pero this time pansin ko na unti-unti siyang namumula.

"Pre, pwede tama na iyong acting? Buking na buking na kita eh,"napapangisi kong sambit.

Napakamot siya ng ulo.

"G-Gusto ko lang sanang magpasalamat. Kasi, tinanggap mo pa rin ako, sa kabila ng mga nalaman mo tungkol sa akin. H-Hindi mo alam kung gaano ko kasaya ngayon, dahil sa iyo Sandro,"napapangiti niyang sambit.

"Sinabi ko naman sa iyo di ba; kahit kailan, hindi ko naman talaga naramdaman na masama kang tao. At kahit na sabihin pa na sinubukan mo kong tsugihin nung una, ang importante, pinili mong gawin iyong tama sa huli. At dun mo ko napahanga,"napapangiti ko ring sagot.

"Nga pala, dapat sabihin din natin kina Mayor at Baste ang lahat ng 'to."

Napatahimik ako saglit, at napaisip sa sinasuggest niya.

"H-Huwag na lang muna Luis."

"Ha? Pero kailangan din nilang malaman iyong totoo."

"Kapag nalaman nila iyong totoo tungkol sa iyo, lalo ka lang nila pag-iinitan. Masyadong mainit ang mga mata nila sa iyo ngayon, kaya baka hindi ka rin nila maintindihan. Ikaw rin, kaya mo bang sabihin kay Mayor, lalo na dun sa wilab na kumag na iyon, ang lahat-lahat?"

Mukhang nagets naman niya, kung ano iyong mismong tinutukoy ko na hindi niya pwedeng sabihin; nag-iba kasi iyong itsura ng mukha niya, para siyang nanlamabot na ewan. Kasi naman, kapag sinabi niya iyong bagay na iyon dun sa dalawa; naku po, goodluck na lang lol.

"O-Oo nga naman, t-tama ka. Galing mo talaga. Pero at least ngayon, gumaan na iyong pakiradam ko. Kasi alam mo na ang lahat, at wala na kong kailangang katakutan pa; kaya mas matutulungan, at maproprotekhan na rin kita nang maayos."

"May ganyang hirit ka pa talaga eh noh,"ngingisi-ngisi kong reaksyon.

Napangisi na lang rin siya sa akin. At iyong ngisihan na iyon, nauwi lang naman sa eye to eye contact. Tapos, naramdaman ko na lang iyong dahan-dahang pagpatong ng isa niyang kamay sa kamay ko; hanggang sa tuluyan na niya 'tong hinawakan.

                                                                     #

Bumalik na kami ulit ng Shotopyu. Nakaalis naman na pala sina Mayor at kumag; kaya sa staff room ko na lang muna pinaghintay si Luis, habang wala pa si Sarra. Nagpunta naman ako ng changing room, dahil may kailangan akong kunin sa locker.

Paglabas ko ng changing room, may nasalubong ako na dalawa sa mga bagets na tinuturuan ko; sina Gracielle at Lanie. Kaya napahinto ko.

"Oh, gabi na ah. Bakit nandito pa kayo?"

"Master, ito po kasing si Gracielle eh. Ayaw paawat sa pag-eensayo, kaya ngayon lang po kami natapos."

Napangiti ako kay Gracielle, sa sinabi ni Lanie.

"Mukhang determinado talaga tayo ah Gracielle."

"Gusto ko po kasing mahasa iyong sarili nang husto Master. Plano ko po kasi sanang lumahok sa mga karate tournament, gaya po ng ginagawa ng ama ko nun."

"Hmmm...So ang magcompete pala ang target mo. Pero just to remind you lang Gracielle, kapag nasa tournament match ka na, hindi lang naman lakas at bilis ang magiging best friend mo; tsaka hindi sa lahat ng oras, iyon ang magpapanalo sa iyo. Dapat, magfocus ka rin sa talino at strategy..."

Hinawakan, at tinapik ko siya sa isa niyang balikat.

"Kaya di mo kailangang pwersahin nang sobra-sobra iyang sarili mo, okay?"

Napapangiti naman siyang tumango sa akin.

"Eh kayo po pala Master? Kailan pa po kayo nakabalik? Sabi sa amin ni Mayor, nasa Tagaytay daw po kayo,"si Lanie.

"D-Dumaan lang ako dito; pero mayamaya lang, aalis na rin ako ulit."

"Master, bakit po aalis na naman kayo? May kinalaman po ba 'to dun sa mga nangyari nung nasa Daang Matuwid tayo?"si Lanie ulit iyon.

Syempre, magtatanong sila. Pero, hindi naman na kasi bulinggit 'tong mga 'to, hindi basta mauuto. Paano ba 'to?

"Ah, parang ganun na nga. Pero don't worry, kapag okay na ang lahat at hindi na busy si Master Sandro; babalik na ulit ako dito, at tuturuan ko na ulit kayo, okay?"

Tumango lang sila. At bago pa sila ulit magtanong, nagpaalam na ko.

                                                                       #

Pagbalik ko ng staff room, naabutan ko si Luis na nakatayo at nakaharap sa may bintana. Nang lapitan ko siya, dun ko nakita na ngingisi-ngisi mag-isa ang mokong.

"Hoy wilab! Ba't ngingisi-ngisi ka diyan?"napapangisi kong usisa.

Bigla siyang napalingon, nagulat lol.

"Ah, wala lang. Masayang-masaya lang talaga ko ngayon, alam mo na kung bakit,"sagot naman niya na ngingisi-ngisi pa rin.

"Pre, oa na iyan ha."

"Walang oa sa isang taong nagmamahal. Sandro, kahit na hindi mo na muna ko bigyan ng matinong sagot, okay lang sa akin."

Sagot, hmph...sa totoo lang, hindi ko pa rin talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya tungkol sa pagtatapat niya sa akin. Ayaw ko na kasing magpadalos-dalos. Basta, sa isang bagay lang ako sure ngayon; gusto ko na nandito lang siya sa tabi ko.

"Alam ko naman na hindi rin kita pwedeng pilitin eh. Pero kung magpapaligaw ka, syempre ibang usapan na iyon."

"L-Ligaw?"

Okay, I know na nagkaroon siya ng confidence boost ngayon; pero parang sumobra ata, iba na 'tong sinasabi niya eh.

"Bakit, hindi ka ba naligawan nun?"

Umiling-iling lang ako.

"Pre, alam mo kasi n-naaalibadbaran ako eh, p-parang ang awkward. I mean, di naman porket aminado na tayo na lalake rin iyong gusto natin, ibig sabihin okay nang gawin natin iyong ganyan. Tsaka, kailangan pa ba talaga iyan sa mga tulad natin in the first place?"napapakamot sa ulo kong sambit.

"Haha! Suggestion lang naman iyon. Actually, kahit ako rin naman parang naiilang rin; buti na lang pala ayaw mo rin."

"Isa pa pre, bago mo po isipin iyan, dapat makasure mo na tayo na mabubuhay ako. Hmph sige ka, mahirap manligaw sa patay."

Natawa na lang kaming pareho.

"Pero Sandro..."

Bigla niyang kinuha, at hinawakan iyong dalawa kong kamay.

"Handa akong maghintay sa iyo. At ang importante ngayon, magkasama tayo, at hindi ka galit sa akin,"pagpapatuloy niya with matching eye contact pa.

Heto na naman iyong titig niya! Hindi na lang tuloy ako nakaimik.

"Sandro..."

"P-Pre?"

"Marcos ka ba?"

Ampucha! Kala ko naman serious mood na si mokong, tapos bigla pa lang hihirit ng ganito.

"Ano iyan, pick up line?"

"Hehe, sakyan mo na lang,"ngingisi-ngisi niyang sagot.

"Fine, bakit?"

"Eh kasi...ikaw iyong nagdidikta sa pintig ng puso ko."

Imbis na matawa o kiligin sa mga sinabi niya, n-natigilan ako. Para kong biglang natauhan, at napaiwas na lang ako ng tingin mula sa kanya. I don't know why, pero narinig ko lang iyong 'ikaw iyong nagdidikta', kinabahan na ko bigla.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
926K 2.5K 6
Alexander Villanueva always being tagged as "May Itsura naman" and he always hated hearing that comment, dahil para sa kanya it's either guwapo ka o...
972K 61.5K 118
Gusto mo bang makatanggap ng RED CARD? Ang kwento ito ay BXB version ng sikat na Asianovelang Meteor Garden.
32.3K 2.9K 26
Tatlong taon - sa mahabang panahon na ito ay nagkukulong lamang si Jam sa sariling mundo nila ng kanyang nobyo. Sa bawat araw na lumilipas, iisa lang...