My Pandemic Love Tale

By naylazz_

29.8K 613 249

One afternoon, Tristan was pranked by his sister. He started receiving hundreds of messages from girls who go... More

My Pandemic Love Tale
Achievements
Chapter 1: Post
Chapter 2: Notif
Chapter 4: Story
Chapter 5: Chat
Chapter 6: Later
Chapter 7: Sister
Chapter 8: Past
Chapter 9: Fear
Chapter 10: Talk
Chapter 11: Link
Chapter 12: Typhoon

Chapter 3: Reply

1.3K 59 28
By naylazz_

REPLY


Sobrang hiyang hiya ako. Sana talaga hindi nalang ako naging tao.

Matapos kong maibato ang cellphone ko ay di ko na namalayang nakatulog na pala ako sa kahihiyan. Nagising nalang ako nang pumasok si mommy sa kwarto at sinigawan akong hapon na daw at gumising na ko.

Hindi ko chineck ang cellphone ko kahit kating kati na kong malaman kung nagreply kaya sya ulit at kung ano naman kaya ang nireply niya.

Nagsaing na ko ng panghapunan at naghugas na ulit ng pinggan. Hindi pa ko kumakain pero apaw na agad ang plato sa lababo. Sino ba naman ang hindi tatamarin maghugas kung ganyan diba? Tapos ako pa ang sasabihang tamad. Sila naman yung kumain at nag iwan nalang basta.

Akala mo mga nasa restaurant e. Apat lang namin kami sa bahay pero ewan ko ba. Minsan sarap narin talaga maglayas.

Pagkatapos ko sa kusina ay naligo na ako. Mas gusto ko talagang naliligo ng pagabi kesa sa umaga. Di ko rin alam kung bakit pero hindi naman siguro weird yon.

Nag oversized t-shirt na black lang ako at red na shorts. Nagsuklay lang din ako at humiga na ulit sa kama.

Heto na naman ako at thrilled na thrilled na namang icheck ang cellphone ko.

Dumapa ako at binuhay na ang cellphone. Lampas alas singko narin pala. Nagdadalawang isip pa ko kung magfefacebook na ba ko o sa IG muna.

Excited ako na parang nahihiya din. First time ko lang kasi talagang mag first move sa buong buhay ko. Lagi lang kasi akong dalagang filipina kung kumilos at pabebe kung magsalita.

Hays!

Sige na nga, buksan ko na. Ganun din naman.

Bakit ba ko nagkakaganto e di niya naman ako nakikita? Ni hindi ko nga picture yung DP ko kaya bakit ako mahihiya? Hindi niya naman ako kilala sa personal. Hindi niya naman alam saan bahay ko. Hindi niya naman ako mahahanap.

Kaya sige na self, buksan mo na yan. Okay lang naman mareject. Kasama yan sa paglaki.

Nang finally ay in-on ko na ang wifi, wala naman agad lumabas na notif from my messenger kaya naghintay muna ako saglit.

Hindi ko din alam kung ano bang gusto ko. At hindi ko rin talaga alam kung bakit ba bini-big deal ko masyado to. Gaya nga ng sabi ko, hindi niya naman ako kilala.

Nang medyo matagal na kong naghihintay at wala paring lumalabas, hindi ko alam kung bakit parang disappointed ako. Nag IG nalang muna ako kahit yun parin ang nasa isip ko.

Siguro ganito lang ako kasi first time ko nalang ulit makakita ng gwapo mula ng magpandemic. Ngayon nalang ulit may crush e.

Hanggang sa hindi ko narin natiis at chineck ko na kung may reply na ba siya. Umaasa akong meron kahit na reaction lang sana ulit. Kasi diba nga sabi ko, hangga't may response, go. Pag wala, try mo ulit. Hanggang sa wala na talaga.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabuksan ko na ang messenger. Mukhang napalakas ata ang pagmamanifest ko at mukhang narinig ng langit ang panalangin ko.


Me:

Hello! Hindi ko alam kung nag-bday ka na ba or hindi pa kaya advance and belated happy birthday nalang po sayo. Sana masaya ka dyan sa Zurich :))


Tristan Andrei:

Thank you. Nasa Pinas po ako.


Sizzz!!!

Tapatan niyo ko ng electric fan please! Nahihilo ata ako!

Pakiramdam ko ay bigla talaga akong nahilo at mukhang pulang pula na din ang mukha ko.

Hindi ko maexplain yung feeling pero parang gusto kong mangurot sa sobrang saya.

Grabe. Mukhang crush ko na nga talaga siya!

Hindi ko alam kung pano ako kakalma at kung ano ang irereply ko. Idagdag mo pa na active 1 hour ago lang siya kaya kinakabahan na naman ako at baka bigla na naman siyang mag online habang nagtatype ako ng reply.

Binasa ko ulit ang reply niya. Yung disappointment na naramdaman ko kanina ay bigla nalang naglaho sa sistema ko at napalitan na ng thrill.

Yung 'po' talaga yung nagdala e! Parang ang cute cute pag sa kaniya galing!

Malinis din ang pagkakatype niya at halatang hindi rin siya jejemon. Nakakaturn on lang kasi bihira nalang ngayon yung maayos magtype sa fb.

At nasa Pinas pala siya. Nakalagay kasi sa profile niya yung Zurich sa hometown niya kaya akala ko nandun sya ngayon.

Shet. Ibig sabihin malapit lang pala siya at possible din kaming magkasalubong sa labas ng di namin alam?

Damn! Bakit parang mas naexcite ako?

Ninamnam ko muna ng paulit ulit ang reply niya bago ako nagtype ng reply. To be honest, worried ako kasi yung reply niya parang patapos na yung usapan. Ang hirap tuloy isipan ng sagot.

Pero that's fine. Habang may reply, pwede pa yan. Tinry ko nalang din naman, tingnan ko nadin kung hanggang saan to aabot diba? Malay mo. Wala namang nakakaalam ng mangyayari bukas. Basta ako, push ko na to.

Kaya kung may crush ka pero nag aalangan kang mag first move, ito na ang sign. I-chat mo na yan habang single pa.


Me:

You're welcome! Sana matupad na mga wish mo this year :))


Kinakabahan na naman ako. Ang hirap naman replyan ng poging to. Buti nalang medyo matalino ako. Sana mag thank you siya ulit sakin para makapag reply ulit ako kahit you're welcome lang ulit.

Isang reply pa please.

Sinend ko na ang reply ko at nagpunta nalang ulit sa profile niya. Wala namang nagbago.

Zinoom ko ang picture niya at ewan ko ba pero habang tumatagal mas lalo ko talaga siyang nagiging crush. Mas lalo siyang gumagwapo sa mga mata ko at mas lalo din akong kinikilig.

Isesave ko pa sana ang DP niya kaya lang medyo natakot na ko sa sarili ko. Para namang stalker talaga ko kung gagawin ko yon. Medyo creepy kaya wag na. Respect ko na din sa privacy niya. Hanggang titig nalang muna ako sa ngayon.

Naubos ang dalawang oras ko sa kakafacebook at sa kakahintay na mag online siya. Nagutom ako kaya bumangon na ko para kumain. Lowbat narin ako kaya ichacharge ko muna ang cellphone ko.

Medyo disappointed na naman kasi di sya active. Pabalik balik pa naman ako sa inbox ko dahil baka nagseen na siya pero hindi.

Buti nalang masarap ang ulam kaya nakalimutan ko din ang tungkol doon. Adobong manok ang ulam na siyang pinakapaborito kong ulam sa lahat.

Ako lang ba yung pag may problema o nasstressed napapadami ang kain? Halos 2 years nadin akong hindi nilulubayan ng anxiety kaya naman obvious din ang pag-gain ko ng weight. Dati ay 45 kilos lang ako pero ngayon ay 55 na ako. Lagi na din akong napapansin tuwing may ganap sa bahay at may bisita kaming dumadating.

Alam mo yon, yung mga relatives mong walang preno yung bibig kung makapag comment. Yung tita mong tatanungin ka kung buntis ka daw ba porket tumaba ka.

Hay nako. Kaya di ako nakikipaghalubilo e. Lalo na sa family.

Mag isa akong kumakain sa kusina at ineenjoy ang pagkain ko. Hindi kasi kami sabay sabay kumain nila mommy. Dito, walang oras ng pagkain. Kung kelan ka magutom at kung kelan mo trip kumain, kain lang. Kahit alas dos pa ng madaling araw.

One thing din kung bakit napaparami ang kain ko ay dahil sobrang hilig ko sa maanghang. Ewan ko ba, hindi ako makakain ng hindi maanghang ang pagkain ko. Kailangan laging may sili. Dun nalang kasi nawawala ang stress ko bukod sa pagcecellphone.

Speaking of cellphone, tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako sa pagsubo. Messenger ringtone yon kaya medyo naexcite na naman ako. Oo nga pala, hindi ko pala napatay ang wifi kanina.

Gusto ko sanang kunin ang cellphone ko kaya lang nagkakamay nga pala ko. Kakacharge ko lang din kaya siguradong wala pa masyadong charge yon.

Bumalik nalang ako sa pagkain ko at ninamnam ang spicy adobo. Parang masarap din magkape ngayon ah. Mamaya nga magtitimpla ako.

Nagpatuloy ako sa pagkain habang iniisip parin kung sino kaya yung nagchat.

Siya na kaya yon?

Teka, bakit parang naeexcite talaga ko?

Hay nako, self. Palibhasa ilang taon ng walang crush.

Pinigilan ko nalang ang sarili kong bilisan ang pagkain para hindi ko muna mahawakan ang cellphone ko. Kain ibon ang ginawa ko kaya tumagal din ako ng halos 20 minutes sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na din ang plato ko para humaba pa ang oras ko sa kusina. Hindi ko naman usually ginagawa yon kaya heto na naman si mommy na kung makapag comment ay parang ang tamad tamad ko.

"Himala?" Sabi niya.

Hindi na ako sumagot dahil wala naman din akong isasagot. Sanay na ko. Ganto naman kami lagi. Ganto kami lahat sa pamilya.

Nang maitaob ko na ang platong ginamit ko ay nagtimpla naman ako ng kape. Isa pa pala sa ilang bagay na nakakapagcomfort sakin ay kape. Great taste choco ang favorite ko. Dati Blanca pero naumay narin ako kinalaunan dahil sobrang creamy niya na.

Tamang tama, sa labas nalang ako magkakape para makapagmuni muni. Gabi naman na kaya wala na masyadong titingin at eepal sakin.

Kinuha ko narin ang cellphone ko at lumabas na nga sa terrace para doon tumambay. Madilim na sa labas pero hindi ko binuksan ang ilaw dahil yun nga ang gusto ko. Maging invisible. Kahit pa sinabihan na ko ni mommy na buksan na ang ilaw.

Umupo ako sa monoblock chair na dinala ko din dito sa labas. May lamesa dito at dun nakapatong ang kape ko at cellphone.

Pagdampi palang ng kamay ko sa cellphone ko ay naactivate na naman agad ang thrill sa sistema ko. Chineck ko na agad ang messenger dahil hindi ko na kayang maghintay pa. Masyado ng nangangati ang mga kamay kong makapindot.

Pero parang mas nangati pa lalo ang kamay ko nang makita ko na ang laman ng inbox ko. Parang ang sarap mangurot kasi shet! Nagreply ulit siya!


Tristan Andrei:

You too. Thanks, Romalyn.


Omg!

Okay.

Wait.

Shet!

Wait.

OMG!!!

Romalyn daw!

Did he just mention my name?!

Shet! Walang kinilig dito promise. I swear. Wala talaga. Kalmado ako. Kalmadong kalmado. 

Hindi ko naman alam na maganda pala yung pangalan ko. Ngayon ko lang narealize nung galing na sa kaniya.

Shet. Parang lumandi ata ako ng slight today?

Hindi pa nakatulong sa kilig ko yung kulay green na bilog sa tabi ng DP niya. Oo, online siya, siz. Online siya.

Hindi ko tuloy alam kung ano ng nararamdaman ko. Ang tagal ko pang nakatunganga sa convo namin bago ako natauhan.

Wait. Kailangan magreply na ko bago pa sya mag-out. Pero shet. Anong irereply ko?

Kinakabahan din akong magtype ng sasabihin ko ngayong active siya. Feeling ko kasi makikita niya pag nagtype ako. Nakakahiya!

Pero hindi naman siguro diba? Kasi bakit naman siya tatambay sa thread namin e di niya nga ako kilala. Pero in fairness ha, ang bait naman pala niya. Marunong naman pala magreply.

Yun nga lang, kung nagrereply siya, ilan naman kaya ang nirereplyan niya? Huling kita ko lampas 1k na yung comments sa post e.

Pero hayaan mo na, at least nagrereply din siya sakin. Kahit halos patapos nga lang lagi ang reply niya. Pero sabi ko nga, nagagawan naman ng paraan yan.

Gaya ngayon, tamang brainstorm na naman ng irereply. Medyo mahirap, siz. Parang tapos na ata kami sa birthday niya. Nabati ko na e. Naipag-wish ko na din.

E kung mag open kaya ako ng bagong topic? Sasagot parin kaya siya?

Shet. Yung kaba ko lalabas na puso ko. Ang hirap pala pumorma tapos wala pa kong masyadong experience sa human interaction.

Pero wala naman sigurong masama kung susubukan. Wala naman mawawala sakin. Edi pag inignore na ko, block ko na siya forever.

Osige, ipaglaban mo ulit yang point mo, self.

Pero kasi tatanungin ko lang naman diba? Tanong ko lang kung kumain na ba siya. Dinner time na e. Alukin ko lang. Malay mo diba.


Me:

You're welcome :))

Kumain ka na ba?


Message sent.

Sinend ko na nga ang reply ko bago pa ko mag-back out sa sobrang hiya.

Sa totoo lang, kabado talaga ko sa ginagawa kong to. Wala naman kasi talaga kong nakakausap, in person man or dito sa chat.

Pero ewan ko, siguro bored na din ako sa pattern ng buhay ko araw araw kaya medyo nag loloosen up narin ako. Pandemic naman kasi e. Introvert na nga ako, mas lalo pa kong pina-introvert.

Nag-scroll scroll lang ako sa feed ko dito sa Facebook habang lowkey nag-ooverthink sa chat namin ni Tristan Andrei. 5 minutes palang naman ang nakakalipas pero parang ang tagal tagal na sa utak ko.

May part sakin na gusto nalang idelete yung thread pero may part din sakin na gustong bantayan kung nagseen na ba siya.

Huminga ako ng malalim bago ko napagpasyahang bantayan na nga lang ang pag seen niya.

Pumunta ako sa thread namin at tinitigan ang kabuuan ng conversation namin don.

Base naman sa mga reply niya, mukha naman siyang approachable na tao kahit papano. Nagtthank you naman siya.

At yung mga reply ko naman, nahihiya akong basahin. Hays. Ni hindi ko alam anong personality ko don.

Humigop nalang muna ako ng kape habang bantay parin ang thread namin.

Ilang minutes pa ang lumipas nang mapadako ang tingin ko sa taas. May bagong buwan pala ngayon kaya napatitig ako don.

Ang ganda talaga ng buwan. Parang ang paya-payapa niyang tingnan. Sobrang sarap sa mata. Nakakakalma.

Yun nga lang, natakpan na siya ng ulap. Don ko lang ulit naalala na may binabantayan nga pala ko.

Pagtingin ko tuloy sa thread namin, akala ko namamalikmata lang ako. Na-delay nadin ang reaction ko kaya tanging pagtulala nalang ang nagawa ko.


Tristan Andrei is typing...

Continue Reading

You'll Also Like

28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
5.5M 278K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
14.9K 336 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine SerraƱo is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...