MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1

By jhuennstorm

1.8M 55.7K 5.1K

Gwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova... More

PAALALA ni Jhuennstorm
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Book 2
Valentines Special Chapter
^_^

Chapter 7

38.7K 1.3K 94
By jhuennstorm

Ella Marie’s P.O.V.

“Yaya! Nasaan po ang baon kong pagkain?” tanong ko kay Yaya. Habang nasa kusina siya. Maagang umalis sila Mommy kaya wala akong kasabay sa pagkain. Hindi naman kasi sumasabay sa’min ang mga katulong namin kahit gustuhin namin. Hindi daw kasi sila mabubusog kapag kami ang kasabay nilang kumain iyon ang sabi ni Yaya.

“Nandiyan Senyorita sa gilid ng lamesa yung may kulay pink na baunan.” Paglalarawan ni Yaya sa baunan ko.

Nilapitan ko iyon upang tingnan ang laman ng baon ko. Pagbukas ko ng baunan ko, nadismaya ako sa nakita ko isang Sandwich at isang pirasong saging. “Yaya! Ito lang po ba ang pagkain ko?” tanong ko sa kaniya.

Lumapit sa’kin si Yaya. “Oo senyorita. Sabi ni Ma’am ‘yan lang daw ang kainin niyo.”

Sumimangot ako. “Wala talaga kayong awa sa’kin. Pinagkakaisahan niyo ako.” Pagda-drama ko pa. Pero kahit anong gawin kong drama kay Yaya hindi ito umipekto.

“Wala po akong magagawa senyorita ‘yan po ang utos sa’kin ng Mommy niyo. Ayoko po namang mawalan ng trabaho.” Sagot pa niya.

Wala akong nagawa kung hindi ang kunin ang pagkain na pinabaon sa’kin. Wala naman akong choice eh, dahil kahit umiyak pa ako ng dugo hindi madagdagan ang baon ko, kinuha ko iyo at itinago sa loob ng bago ko. Sayang din naman kesa walang baon. “A-alis na po ako Yaya!” sabi ko sa kaniya bago ako lumabas ng mansion at sumakay sa kotse. Nasa tamang edad na ako para magdrive ng kotse pero hindi ako pinapayagan magdrive ng kotse  dahil walang tiwala sa’kin si Mommy at Daddy. Kaya naman sa tuwing papasok ako palagi akong hinahatid ng driver ko gayon din sa pag-uwi.

PAGDATING ko sa school agad kong hinanap ang mga kaibigan kong si Annaliza at Loren. Hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng nakatingin sa’kin. Alam ko namang kapag nakatalikod ako pagtatawanan nila ako. Gano'n naman talaga ang mga iyon patalikod silang tumira sa’kin.

“Nasaan kaya ang dalawang piggy na iyon?” sabi ko habang palingon-lingon ako. Baka kasi nandoon lang sila at nagatatago sa’kin. Dahil abala ang mga mata ko. Hindi ko napansin ang mta taong nakabungguan ko.

“F*ck!” narinig kong sabi ng taong nakabungguan ko. Nang lingunin ko ang taong iyon. Sumimangot ako at matalim ko itong tinitigan. Sa dinami-dami ba namang makakabangga ko si Mhaika pa ang sikat na sikat na babaing higad slash Ahas sa school namin. Alam niyo kung bakit? Siya lang naman ang nang-agaw sa mga crush ko na sina Andrei Sebastion Tee at si Shawn Skyler Santiago at sa ibang mga gwapo sa school. Nakakasira tuloy ng araw.

“Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo baboy ka!” sigaw niya sa’kin ng tumayo siya.

Nagcross-arm ako habang pailalim ko siyang tinitigan. “Pasalamat ka pa nga dahil hindi kita nakita habang naglalakad ako. Dahil kung nakita kita kanina baka dinaganan pa kita ng Bilbil ko!”

Nameywang siya sa’kin. Tapos dinuro niya ako. “Inggit ka lang dahil sexy ako at maganda. Di ba? Guys!” tanong pa niya sa mga tsismosang mga estudyante.

Tumawa ako ng malakas na mas lalong kinainis niya. “Ambisyosa! Hindi ako maiinggit sa katawan mong pang perya! At mukhang mong pang Manila zoo!” gigil kong sigaw.

Humalakhak ang mga esudyanteng nakarinig sa sinabi ko. Mas lalo tuloy nanggilgil sa galit si Mhaika sa’kin. Ang mga titig niya sa’kin halos gusto na akong patayin. Pero syempre hindi ako magpapatalo! Hindi ibig sabihin na mataba ako pwede na niya akong bulihin at insultuhin. Hindi ako papayag na apihin ng kahit sino never!

“May araw ka din sa’king baboy ka!” sabay pihit niya patalikod.

“Sige umasa ka! Walang forever ipakta ka!” habol kong sigaw sa kaniya. Matalim ko namang tinitigan ang mga estudyanteng mga tsismosa na kanina pa nakikiusyoso sa pag-aaway namin ni Mhaika. “Oh? Tapos na ang palabas! Ano pa ang tinatanga niyo diyan?” pagtataray ko sa kanila. Isa-isa silang nagsi-alasan. Ako naman ay nagtungo na sa classroom namin.

“Piggy besh!” bati sa’kin ni Loren.

Inirapan ko siya nang makaupo ako sa pwesto ko. “Piggy besh, wag kang magtampo sa’min. Sorry na kung hindi ka namin hinintay kanina.” Sabi pa ni Loren, alam niya kasing galit ako sa kanila.

Inirapan ko lang sila at hindi ako umimik. Kinuha ko ang Libro ko at nagkunwaring nagbabasa.

“Piggy besh, sorry na. Ayaw lang kasi naming makasalubong si Mhaika. Alam mo naman kapag araw ng Friday mas gugustuhin naming pumasok ng maaga. Nakakastress kasi kapag makakasalubong namin ang grupo ni Mhaika.” Paliwanag ni Annaliza.

Tumingin ako sa kanila.  Totoo naman kasi ang sinabi ni Annaliza. Tuwing Friday kasi nabubuo ang grupo ni Mhaika. Dahil magkakapareho sila ng oras ng klase kapag kasi ibang araw. Salungat ang oras ng klase nila sa’min. At sa tuwing buo ang grupo nila trip nilang pagtripan kami.

“Nagtagpo na kami ni Mhaika kanina.” Sagot ko.

Namilog ang mga mata nila sa pagkagulat. “Anong ginawa sa’yo Piggy besh ng grupo nila?” tanong ni Loren.

“Sinaktan ka ba nila? Sugurin natin sila.” Sabad naman ni Annaliza.

“Wala silang ginawa sa’kin, pero si Mhaika, nagkasagutan kaming dalawa. Nilait naman kasi niya ako.”

“Hay naku! Nakakaasar talaga yang si Mhaika. Gumamit lang naman ng gluta kaya pumuti. Akala mo maganda na siya, masyadong GGSS-gandang-ganda sa sarili.” Sabad ni Annaliza.

“Hayaan niyo na lang hindi naman siya uubra sa’kin.” Sagot ko.

“Pero girl, mukhang nagtawag ng kakampi si Mhaika. Look oh!” ngumuso pa si Loren sa labas ng pintuan ng classroom namin. Nakita ko si Shawn Skyler kasama si Mhaika na nakapalupot ang braso ni Mhaika kay Shawn. Galit ang nakita ko sa mga mata ni Shawn ng magtama ang mga naming dalawa. Hindi ko napigilang malungkot. Ewan ko ba parang ang bigat ng loob kong nakikita silang magkasamang muli. Balita kasi noon sa School na magkasintahan ang dalawa dahil palagi silang magkasama. Kaya naman feeling maganda si Mhaika dahil kay Shawn.

“Baby, that Pig, She’s hurt me.” Sabi pa ni Mhaika ng lumapit sila sa’kin

“Hoy! Kurimaw, ikaw nga itong palaging nambu-bully kay Ella Marie eh, napakasinungaling mo!” Sabad ni Annnaliza.

Nilingon ni Shaw si Annaliza at tinitigan ng masama. “Keep your mouth shut!” mariing sabi ni Shawn kay Loren. Para namang naputol ang dila ni Annaliza. Nanahimik na lang siya.

“Aba! Hindi naman yata tamang pati ang kaibigan ko idamay niyong dalawa? Hindi ako ang unang nakipag-away 'yang girlfriend mo ang unang nanlait sa’kin.” Tinapunan ko pa ng tingin si Mhaika.

“Baby, wag kang maniwala sa baboy na ‘yan.” Sabad ni Mhaika.

Inakbayan ni Shaw si Mhaika. “Don’t worry baby, ako na ang bahala sa mga ito.” Sagot ni Shawn.

Daig pa ang nanalo ni Mhaika sa lotto ng tumingin sa’min. Habang nang-aasar siyang nakangiti sa’kin. “Thank you baby!”

“Thank you baby! Ang arte.” Sabi ko sa isip ko.

Siniko ako ni Annaliza kaya napatingin ako sa kaniya. And she whisper. “Ano Piggy besh? Isumo wrestling ko na ba ‘yang Kurimaw na babaing ‘yan?”

“Hayaan mo na siya piggy besh.” Pabulong kong sagot sa kaniya.

“Miss Weibford!”

Napatingin ako kay Shawn nang tawagin niya ang pangalan ko. “Why?”

“Susunduin kita bukas ng maaga sa bahay niyo 4am sharp.” Walang emosyon nitong sabi sa’kin.

Hindi ko pinansin ang bulungan ng mga classmate ko. Bahala sila kung anong isipin nila.

“My gosh girl, baka parurusahan si Ella, paano inaway niya ang girlfriend nitong si Mhaika. Lagot tuloy siya.” Narinig ko pang sabi.

Hindi ko na lang iyon pinansin. Sira na ang araw ko dahil sa dalawang hudas na iyon. “Okay!” tipid kong sagot. Tapos tumalikod ako para ituon ang pansin ko sa ibang bagay.

Loren’s P.O.V

Nanggigil kong kinapa ang alarm clock. Pagkatapos pinatay ko iyon at binato kung saan bago ako bumalik sa pagtulog. Araw ng sabado ngayon pero dahil kay Yabang na si Shawn Skyler Santiago. Kailangan kong gumising ng maaga dahil may Jogging kami. Ayokong sumama kung hindi lang dahil kay John Patrick. Ang sabi kasi ni Piggy besh Ella Marie isasama daw ni Yabang si John Patrick at Hairu. Kaya naman pumayag ako at si Annaliza na sumama. Syempre pagkakataon na namin iyong dalawa ni Annaliza na magkaroon ng Chance na makausap ang crush namin.

Hindi pa ako nakakabalik sa pagtulog muli namang tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko iyon sa table pagkatapos nakapikit pa ang mata ko ng sagutin ko ang tawag.

“Hello..” sabi ko.

“Goodmorning piggy besh, bumangon ka na para maaga tayong magsimula.”bungad na sabi ni Annaliza sa’kin. Minsan nakakainis din kapag may Crush ka. Kailangan mo talagang magsakripisyo para lang sa crush. Tulad ngayon? Imbes na tulog pa rin ako sa mga oras na ito. Heto ako at iniistorbo ng piggy besh kong si Annaliza para lang mag jogging..

“Hoy! Piggy, bumangon ka na diyan! Anong oras na! Magjogging pa tayo!” halos mabingi ako sa boses ni Annaliza sa sobrang lakas.

“Oo na! Babangon na nga eh, anong oras na ba?”

“Oras na para bumango ka at para makita mo ang crush mo na si John Patrick!”

“Kapag hindi lang talaga siya kasama. Sisipain ko yang si Yabang papuntang planetang memek.”

“Ang dami mong sinabi. Bumangon ka na diyan! Bilisan mo ang lamig dito sa tapat ng bahay niyo.”

Bigla naman akong napabalikwas at tumayo upang silipin siya sa Bintana. “Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin na nandito ka na pala.” Sagot ko.

“Sinabi ko na ngayon. Magbihis ka na!”

“Okay bye!” tapos nagmadali na akong naligo. Nag jogging pants lang ako at tshirt at rubber shoes. Hindi na rin ako nag-almusal kahit gusto ko. Kaya naman habang papunta kami ng plaza. Kumukulo ang tiyan ko. Pagdating namin sa plaza nandoon na ang tatlong gwapo at si Ella Marie. Pero parang gusto kong bumalik pauwi. Paano ba naman! Ang tatlong itlog nakasakay sa motor. So ibig sabihin kami lang ang tatakbo. Grrr!

“Kami lang ang magjo-jogging?” hindi ko napigilang magtanong.

Nakangising sumagot si John Patrick. “Syempre kayong tatlo lang naman ang mataba.”

Pailim ko siyang tinitigan tapos ng magtama ang mata namin inirapan ko siya. Nakakabadtrip! “Kapag ako pumayat who you ka sa’kin!”

“Tama na ‘yan! Umpisahan niyo ng tumakbo susundan namin kayo.” Sabad ni Yabang na si Shawn.

Lumapit ako kay Ella Marie. “Piggy besh, wag na kaya natin itong ituloy?”

Umiling siya sa’kin. “Kayo na lang mga piggy, hindi ako pwedeng umatras magagalit sila Mommy.”

Pinagmasdan ko siya at napansin kong maga ang mata niya at namumutla siya. “Umiyak ka ba dahil hindi ka pinakain ng kanin sa gabi?”

Tumango siya. “Wala akong kawala Piggy, hindi sila Yaya nagluluto sa gabi. Gutom na nga ako.”

“Mamaya kakain tayo ng marami libre kita Piggy sabi ko pa.”

“Sabay kami ni Shawn umuwi.” malungkot niyang sagot sa'kin.

Salubong ang kilay ko. Abah! Grabe naman yan! Hindi na tama ‘yan!” reklamo ko.

Pilit siyang ngumiti sa’kin sa kabila ng lungkot sa mukha niya. Bumuntong-hininga ako. “Sasamahan ka na nga lang namin sa pagjo-jogging.”

“Thank you mga piggy.” Sagot niya.

Nag-umpisa na kaming tumakbo. Ngunit Hindi pa kami nakakalayo sa starting point namin sa pagtakbo. Hingal na hingal na ako. Para sa’kin ang ganitong gawain ay isang parusa. Habang pawisan kami ang tatlong itlog. Pa-chill-chill lang habang dahan-dahan nilang pinapaandar ang motor nila.

“Bwiset! Ang sarap pumatay ng Crush!” sabi ko.  Nagpapacute pa kasi sila kapag may nakakasalubong silang sexy at magandang babae na nagjo-jogging. Nilalapitan nila at kinakausap. Kagigil!

“Ella!!” bigla akong napalingon sa sigaw ni Annaliza. Ako kasi ang nauuna sa kanilang tumakbo. Paglingon ko si Ella. Hawak-hawak ang dibdib. Bago pa ako makatakbo papalapit sa kanila. Lumapit na agad si Shawn. Pinagmasdan ko lang sila.

“Ella! Ella!” sigaw ni Shawn habang hawak niya ang braso nito. Binigyan ni Shawn ng tubig si Ella Marie.

“Are you okay?” tanong ni Shawn matapos niyang painumin ng tubig.

Tumango si Ella Marie. “Thanks.” Tipid niyang sagot.

“Magpahinga ka muna. Hindi ka ba kumain kagabi?” tanong ni Shawn.

Parang gusto kong maniwala na may gusto rin si Shawn kay Ella Marie. Ang mga tingin kasi niya rito. Halatang-halata kay Shawn ang matinding pag-aalala. Ewan ko, pero habang pinagmamasdan ko sila kinikilig ako.

“Hindi, umimom lang ako ng gatas at kumain nang nilagang itlog.” Sagot niya.

“Kaya naman pala ganyan ka. Dapat sinabi mong may joggging tayo para pinakain ka ng marami.” Binaling ni Shawn ang tingin niya kay John Patrick at Hairu. “Tulungan niyo akong buhatin siya at isakay sa motor ko.”

Agad namang sumunod sa dalawa. Pasalamat na din ako dahil sa nangyari kay Ella Marie. Blessing in disguise kasi iyon. Dahil heto ako ngayon nakayakap kay John Patrick habang nakaangkas ako motor niya at nakayakap  sa likuran niya. Ang bango-bango niya grabe! Nang lingunin ko naman si Annaliza. Abot jupiter ang ngiti niya. Nakayakap ba naman siya sa likuran ni Hairu. Syempre alangan kami maglakad tapos sila nakasakay sa motor? Hindi iyon pwede.

“Psst! Piggy besh, kamusta na pakiramdam mo?” tanong ko ng nasa maliit na foodcourt kami di kalayuan sa plaza. Ang tatlo kasi umu-order ng pagkain.

“Magsasalita pa sana si Ella pero naudlot iyon dahil may tatlong lalaki ang lumapit sa’min. Matangkad at bakas sa katawan nila ang matinding dinanas nila sa gym dahil ang ganda ng katawan nila.

“Excuse me mga Oink! Oink! Pwede maki-share?” tanong nila sa’min tapos nagtawanan silang lahat.

Tumayo si Ella Marie. “Bastos kayo ah!” sabay sampal niya sa lalaki.

“Lintek ka!”

“Ella!” sigaw ko dahil susuntukin sana si Ella Marie ng lalaki.

Bago pa dumapo ang kamao ng lalaki sa mukha ni Ella, mabilis na hinarang ni Shawn ang kamao ng lalaki. "Bakla lang ang pumapatol sa babae Dude." Sabi ni Shawn.

Parang gusto ko tuloy magtayo ng Fans club para kay Yabang, 

"Tama ka! Pero kapag inahing baboy ang kaharap mo. Papatulan mo talaga!" Nakangisi pa ito.

“Don’t you f*ckin dare to touch my girl.” Mariin niyang sabi dito. Pinilipit ni Shawn ang kamay nito pagkatapos sinuntok niya ang lalaki. Bumagsak ito sa katabing lamesa kaya naman napatakbo ang nakaupo dito. Naging center of attraction tuloy ang gulo kaya agad na rumisponde ang security guard ng food chain. Hindi na tuloy nagawang makaganti ng lalaki. Hawak-hawak na kasi siya ng guard ang mga kasama niya awat-awat din siya. Takot lang ng mga kasama nito. Ang matatalim na titig ni Hairu at prince charming kong si John Patrick Nagbabadya ng World war II.

“May araw ka rin sa’kin! Hayup ka!” pagbabanta ng lalaki kay Shawn. Galit na galit ito kay Shawn.

Pero sa halip na patulan siya ni Shawn. Nag-uuyam lang itong tumingin tapos pang-asar siyang ngumiti na labis na kinagalit ng lalaki.

Napatakip ako sa bibig upang pigilan ko ang sarili kong tumili dahil sa kilig. Paano ba naman kasi si Shawn nilapitan si Ella Marie, at sinuklay niya ang buhok ng piggy besh kong. Hindi lang mataba, mahaba na rin anh buhok dahil sa presensiyang binibigay ni Shawn.

“Are you Okay Ella?” tanong ni Shawn kay Ella. Mababakas pa sa mukha niya ang pag-aalala.

“Oh-my-pignesh! Hihimatayin na yata ako sa nakikita kong kilig scene.”

“Okay lang ako. Thank you!” tipid na sagot ni Ella Marie.

Tinitigan si Ella Marie ni Shawn. Tapos dinukot ni Shawn sa bulsa ng pantalon niya ang panyo.  “I’ll do it for you.” Sabi ni Shawn habang nakatitig siya kay Ella Marie at pinupunasan niya ang basang mukha ni Ella Marie. Natalsikan kasi ng juice si Ella Marie kanina. Kitang-kita kong pulang-pula ang mukha ni Ella Marie.

Napatili ako sa kilig. "Magtatayo ako na talaga ako ng fans club nila!"

“Ayy Sorry!” sabi ko. Nang tumingin sila sa’kin.

Biglang nanigas ang katawan ko ng bigla na lang akong akbayan ni John Patrick. Nanlaki ang mata ko at namumutla. Hindi ko magawang lingunin siya. Hanggang sa tumayo ang balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. Bumulong siya. “Hayaan mo Chubs, malay mo magkaroon din tayo ng ganyang Sweet scene.”

“Oh my Gosh!”



Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25.6K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
12.3M 99.3K 65
IKAW NA LANG BA ANG NBSB SA BARKADA?.. BAKIT DI MO I-TRY ANG GUMAWA NG IYONG FACEBOOK BOYFRIEND...? MAKAKAPAG PALIT KA PA NG STATUS MULA SINGLE INTO...
733 63 18
Eversince Tobi met Fiona, ipinangako niya sa sarli niyang hindi na siya makikipaglapit pa sa ibang babae dahil ayaw niyang mapahamak ang mga ito. He...