GANGSTER ROYALTIES: Love and...

By Kirudesu

1.8M 52.8K 8K

Trouble wasn't unusual in Khali Vernon's life. Being the trouble herself she was penalized and was sent back... More

GANGSTER ROYALTIES: Love and Misadventures
PROLOGUE
CHAPTER 1. I'M BACK
CHAPTER 2. MARVEL HIGH
CHAPTER 3. NO ESCAPE
CHAPTER 4. ACQUAINTANCE
CHAPTER 5. AGAIN
CHAPTER 6. A RED FLAG
CHAPTER 7. THE FOUR DRAGONS
CHAPTER 8. A FALLEN ANGEL
CHAPTER 9. THE KING
CHAPTER 10. GIRL FROM NOWHERE
CHAPTER 11. AWE
CHAPTER 12. TROUBLE
CHAPTER 13. BLACK ORDER
CHAPTER 14. BEWILDERED
CHAPTER 15. DOMAIN
CHAPTER 16. SUDDENLY
CHAPTER 17. FISHY
CHAPTER 18. NEED
CHAPTER 19. YOU WILL KNOW
CHAPTER 20. WAITING
CHAPTER 21. FOUND
CHAPTER 22. THE QUEEN
CHAPTER 23. STAR RANKED
CHAPTER 24. A DATE?
CHAPTER 25. CONFESSION
CHAPTER 26. UP AND DOWN
CHAPTER 27. WORRIED
CHAPTER 28. FLATTERED, FLUSTERED
CHAPTER 29. PROTECT
CHAPTER 30. WATCHING OVER
CHAPTER 31. POWERLESS
CHAPTER 32. HINDRANCE
CHAPTER 33. MOVE
CHAPTER 34. ALWAYS AROUND
CHAPTER 35. ENVY
CHAPTER 36. PSEUDO
CHAPTER 37. INTENTION
CHAPTER 38. SHE'S NOT COLD
CHAPTER 39. MISSING YOU
CHAPTER 40. EYES, EYES BABY
CHAPTER 41. CHILL
CHAPTER 42. JEALOUSY
CHAPTER 43. MEMENTO
CHAPTER 44. CLOSER
CHAPTER 45. HIDE AND SEEK
CHAPTER 46. RUN, DEVIL, RUN
CHAPTER 47. I LIKE YOU
CHAPTER 48. WITHOUT HIM
CHAPTER 49. DISTRICT XII
CHAPTER 50. STRANGE
CHAPTER 51. MEN IN BLACK
CHAPTER 52. INTERHIGH
CHAPTER 53. THAT KIND OF GAME
CHAPTER 54. THAT GIRL
CHAPTER 55. REASON
CHAPTER 56. UNCONTROLLABLY FOND
CHAPTER 57. MVP
CHAPTER 58. BWISITORS
CHAPTER 59. SHE CARES
CHAPTER 60. REMATCH
CHAPTER 61. RESTRAIN
CHAPTER 62. WARMTH
CHAPTER 63. ALMOST
CHAPTER 64. TEARS
CHAPTER 65. CHANCE
CHAPTER 66. SUSPICIONS
CHAPTER 67. GAME OF LOVE
CHAPTER 68. SURREAL
CHAPTER 69. RING
CHAPTER 70. IN OR OUT
CHAPTER 71. SAFE NOT
CHAPTER 72. RUSH
CHAPTER 73. WRATH
CHAPTER 74. CALL OF DEATH
CHAPTER 75. ANTICIPATED
CHAPTER 77. SURPRISE
CHAPTER 78. BITE THE BULLET
CHAPTER 79. SHE'S GONE
CHAPTER 80. PLEASE, COME BACK
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 76. OPERATION: BREAK THEIR BONES

17.3K 471 148
By Kirudesu

CHAPTER 76. Operation: Break their bones

THIRD PERSON POV

Halos mapatalon sa gulat si Jaeshin nang may humawak sa braso niya. Kinilabutan siya dahil akala niya ay kung anong nilalang na ang humawak sa kaniya. Ngunit paglingon niya dito ay nakita ang kamay ni Harold na nakahawak dito.

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla dahil sa wakas ay gising na ang kaibigan nila.

Pipindutin sana ni Jaeshin ang button para alarmahin ang mga nars at doctor na nag-aasikaso sa kaniya ngunit mahigpit siyang hinawakan ni Harold para pigilan.

Lalo pa itong nagtaka nang ilagay niya ang hintuturo sa bibig na parang nagpapahiwatig ng pagtahimik.

Mabilis na dinampot ni Harold ang memo pad at ballpen sa bedside table at nagsulat. Ipinakita niya kay Jaeshin ang mensahe.

I have something important to say. My room is bugged, help me transfer into another room.

Nakaramdam siya ng kakaiba at sa palagay niya ay isang seryosong bagay ito kaya tumango si Jaeshin bilang sagot at mabilis na umaksyon.

*♡♤*

Nakaratay si Harold sa kama habang maraming nakakabit na aparato sa kaniya sa loob ng bagong kwarto.

Pumasok ang isang lalaki at tahimik itong lumapit sa tabi ng hinihigaan ni Harold. Ngumisi ang lalaki at sinandal ang mga kamay sa dulo ng kama at inilapit ang bibig sa tainga ng nakaratay na binata.

“Do you have any last words?” saad nito. Ngunit lalong lumawak ang ngisi niya nang wala siyang matanggap na sagot. “Oh, of course you can‘t... poor Harold. Hindi ka sana nakaratay dito na parang lantay gulay kung sumama ka sa akin...”

Inilayo ng lalaki ang bibig niya at tumayo siya ng matuwid.

Dinampot nito ang unan sa sofa sa gilid niya at muling lumapit kay Harold. Itinapat nito ang unan sa mukha ng binata at muling ngumisi.

“Good bye.”

Akmang itatakip na sana ng lalaki ang unan sa binata ngunit nagulat nalang nang biglang gumalaw ang mga kamay nito at hinawakan ang pulsuhan niya para pigilan siya sa binabalak niya.

Nanlaki ang mga mata niya at nataranta. Umatras ito at hindi niya inaasahan na paglingon niya sa likuran ay nakaabang na sa kaniya ang kamao ni Jaeshin Park.

Nagising ang misteryosong lalaki ngunit nanlalabo pa rin ang paningin niya dahil sa pagkahilo. Naaninag niya ang nag-iisang bumbilya na nagsisilbing liwanag sa madilim na lugar kung nasaan siya. Nilibot niya ang paningin ngunit wala siyang makita.

Nagsisigaw ang lalaki ngunit tila walang silbi iyon dahil pakiramdam niya ay walang makakarinig sa kaniya.

“AAAAAaAAAHR!—” natigilan siya nang marinig ang pagbukas ng bakal na pinto sa harap niya.

Lalo pa nang iluwa nito ang tatlong miyembro ng pinakakinakatakutang gang sa siyudad habang matiim na nakatitig sa kaniya. Kasunod lamang nito ang taong inakala niyang nasa ilalim pa ng comatose state.

“No one will hear you even if you scream until your vocal chords pluck out.” nanggagalaiting sambit ni Kevin.

Nataranta ang lalaki at pinipilit na makatakas sa pagkakatali sa kaniya sa inuupuan niya o kaya nama‘y lumayo sakanila ngunit nabigo lamang siya.

“What do you want?!” galit na sigaw ng lalaki.

“Fck this son of a bitch!” inis na sambit ni Jaeshin. “Just what the hck happened to you, Kyle?!” hinampas nito ang lamesa sa harap niya dahil sa galit.

“Hindi ba‘t kaibigan mo si Harold?!” dugtong nito.

Nag-iwas ng tingin si Harold. Maging siya ay hindi makapaniwalang nagawa ng matalik na kaibigan ito sa kaniya. He was in coma because of his own friend and he deceived every single one of them here by playing the victim role.

“Ayoko nang maging sunud-sunuran sa mga katulad niyo, mga gago—” hindi pa natatapos si Kyle sa sinasabi niya nang sinapain ni Alexander ang lamesa dahilan para tamaan rin si Kyle na nasa tapat nito.

“Kalagan niyo! Nangangati ang kamao ko!” galit na saad ni Alexander. “Hindi ba‘t sa ginagawa mo ay nagiging sunud-sunuran ka na rin sa mga ‘yon?!”

Lumapit si Kevin at mabilis na pinutol ang tali sa mga kamay ni Kyle. Dali-daling tumayo ang huli at sumugod kay Alexander.

Alexander kneeled his stomach and hammered his back that caused him to be knocked down the ground.

Tatayo na sana si Kyle ngunit inapakan ni Alexander ang ulo niya kaya hindi nito makagawang makatayo. Idiniin pa nito ang pag-apak dahilan para sumigaw sa sakit na nararamdaman si Kyle.

“Tell me everything you know!”

He might be described as the nicest and friendliest dragon, it shouldn‘t be disregarded the fact that he is still a gangster. A brutal person who doesn‘t fear anyone and one of the dragons who feared by everyone, in the world where violence is not anymore considered as a crime, Gangster Society.

“ARRRRRGHGGH!”

Binuhos nito ang buong lakas para lang makatakas sa paa ng nagngangalit na dragon. Mabilis itong gumapang palayo sa kaniya. Tumayo at ngumisi sa kanila.

“Hindi ako magsasalita kahit anong gawin niyo!”

“Alam naming may kinalaman ka sa illegal transaction sa Marvel High, Kyle. Keeping your mouth shut won‘t help.” Kevin said. “Kung hindi ka magsasalita, mapipilitan kaming ipaubaya ka sa SOD...”

Nanlaki ang mga mata ng binata.

“If they found out that you‘re one of the person behind the distribution inside the Hotnight... ” umiling-iling si Kevin. “I can‘t even bear to imagine what will happen to you...”

Malalalim ang hininga ni Kyle. Tila natataranta ito at natatakot dahil sa sinabi ni Kevin.

“How did you know?! HOW DID YOU KNOW?!” he hysterically shouted.

Sa isang iglap ay namalayan niya nalang ang sarili sa bingit ng kamatayan. May mahigpit na nakahawak sa kaniya sa braso habang nakadikit naman ang dulo ng matalim na bagay sa kaniyang leeg.

“I can just kill him myself...” isang malamig na boses ng babae.

Hindi makagalaw si Kyle at tila naestatwa ito sa kinatatayuan niya. Malakas ang tibok ng puso at nanlalamig ang katawan sa takot.

JAESHIN‘S POV

Hindi na talaga ako mapakali. Gusto ko nang malaman kung sino ang ba talaga babaeng iyon. Sino ba talaga si Khali Vernon?

Desidido nang hindi magsasalita si Kyle kahit na anong mangyari, ngunit sa takot nito nang sumulpot siya ay bigla nalang itong nagsalita. He even told us about their plan to capture us—Four Dragons.

They are already anticipating that we are going to barge in inside the place where they want Kianna to go and trade the video in exchange for Jaemin.

Naalala ko rin ang tagpo sa HQ, she just threatened who ever that fcking guy who bugged our territory. Dahil doon ay nagkasundo kaming magtulungan, at sasabihin niya sa akin ang totoong identity niya kapag nabawi namin si Jaemin.

She‘s incredible. But she‘s too dangerous to be with.

“They are probably at the Wilhelm Mansion—”

“What do you fcking mean probably?!” galit na sigaw ni Trev.

This guy recovered fast. Another incredible person I know. Fck. These beasts are unbelievable.

Gusto niyang sumama. At wala kaming magagawa doon dahil alam namin ang ugali niya.

“They are! They are at the Wilhelm Mansion! There won‘t be too many men of their Mafia right now because they are all doing some business abroad!” sabi niya. “But the rest of the Jokers must all be right there...”

I exchanged informations with Khali. Akala ko ay napakahalagang impormasyon na ang nakalap ko nang malaman kong si Kyle pala ay miyembro ng Jokers. Halos nagdalawang isip pa akong makipag-tulungan sa kaniya dahil baka walang kwenta ang ibahagi niya sa akin. Pero tangina! Saan niya nalaman iyon?

Paano niya nalamang ang miyembro ng Jokers ay miyembro rin ng Mafia na nasa likod ng illegal transaction sa Marvel High gym? Fck. Just how terrifying can this girl be?

Plinano talaga nilang gawin kay Erin iyon...

“FCK!” daing ni Kyle nang sapakin ko ulit siya sa mukha.

Dudurugin ko talaga ‘yung mukha niya hanggang sa magsawa ako! I won‘t forgive those asshole who did that to her!

“Don‘t mess with us!” banta ko.

Alam kong imposibleng konti lang ang tao dun. Mafia iyon, for pete‘s sake, they‘re not that stupid.

“I‘m fcking telling the truth here!” sigaw niya. “His parents don‘t really care that he is moving and doing something on his own! Basta matapos niya ang pinapagawa ng ama niya related to their Mafia, wala siyang pakialam! All he needs is the accomplished task.”

“He is using Jokers for his personal intentions and their Mafia members as another resource! Ano, okay na?!—Putangina!” Sa inis ni Xander sa inaasta niya ay sinipa niya ito sa mukha.

Tumunog ang cellphone ni Kyle at nakita namin ang nakapangalan sa numerong tumawag... Zero.

Alam naming siya na ang hinihintay naming tawag kaya sinenyasan ko si Kyle na sagutin ito.

“Don‘t try anything stupid...” banta ko bago ko ibigay ang cellphone sa kaniya.

Naka-loud speaker ito kaya narinig namin lahat ng sinabi ng nasa kabilang linya.

“Stick to the plan...” pagkatapos nito ay pinatay agad nito ang tawag.

Matapos ito ay mabilis na kaming kumilos para isagawa ang sarili naming plano.

“Mag-iingat ka Kevin...” bilin ni Xander bago bumaba si Kevs sa van na sinasakyan namin.

Madilim ang paligid at puro matatayog na puno lang ang nakikita ko.

Inabot ni Kyle ang maskara niya kay Kevs at mabilis niya itong isinuot bago tumakbo sa kabilang side ng kalsada.

Lumayo kami ng konti, habang minamatyagan pa rin si Kevs na hinihintay ang susundo sa kaniya. Nakita namin siyang sumakay sa isang itim na van.

Samantalang ang grupo namin nina Trev ay mabilis na ring nagtungo sa aming destinasyon.

We immediately excuted our plan when we arrived at the masion of Wilhelm Family. Sa gilid kami dadaan dahil paniguradong mas maraming bantay sa harap at likod.

Walang hirap na inakyat namin ang mataas na bakuran nila. Nang si Iron na ‘yung umakyat, muntik pa ‘tong sumobra at mahulog sa kabilang banda! Tangina, napakagunggong nito!

Kung hindi lang namin siya nahawakan ni Trev sa likod ng damit niya ay nauna na sana ang mukha niyang bumagsak sa sahig.

“Tangina, Iron. Kapag nasira ang plano dahil sa‘yo, sisirain ko talaga pagmumukha mo.” anas ko.

“Sorry na!” he hissed back.

Binaba ko ang tingin at nilibot ang mata ko para bilangin ang mga nagbabantay dito sa parteng ito. Lima lang sila at natutulog pa yata ang isa na nakaupo sa gilid ng pintuan.

We have to move as quiet as possible. We are only four and we are absolutely outnumbered.

“Fight with your fist and brain. Don‘t let your emotions cloud your mind.” That‘s what Khali Vernon said earlier.

She made me realize something when she said those line, especially the first one.

Kaya man namin silang patumbahin lahat, pero hindi namin sila kayang kontrolin. One might alarm the inside and might cause the plan to fail.

It can‘t be helped, this is my first time to encounter such situation, after all. Kaya kahit papaano‘y may pangamba parin sa akin...

Pinagtulungan naming hilain pataas ‘yung malaking bag na dala namin. Nang maipatong namin ito sa deck ng simentong bakod ay tumingin ako kay Trev.

“Now.” seryosong sambit ni Trev at tumalon siya pababa. Sumunod na rin kami agad.

Nagulat ang mga bantay at bahagyang hindi nakagalaw ang mga ito. Hindi yata inaasahang papasukin namin sila ng mas maaga sa inaakala nila.

“Sino—” bago pa man makasigaw ang isa ay nahawakan na agad siya ni Trev sa baba at ulo mula sa likod. I could even hear the sound of his neck breaking when Trev tilted it with force.

“Ow... that fckin’ hurts...” Iron whispered.

Mabilis rin kaming gumalaw nina Xander at pintulog ang tatlo pa. Now, we can proceed to the back part.

Akmang lalakad na kami nang ma-alerto kami dahil sa isang tunog. Paglingon namin, nakita ko ‘yung bag na dala namin. Nahulog lang pala!

Muntik ko nang makalimutan. Nilapitan ko ito at dinampot ang tali at ginamit ito sa paghila. Ang bigat! Bwisit.

Isa-isa naming pinatumba ang mga bantay ng tahimik. Hanggang sa iilan nalang silang natitira.

Narinig namin sa transmitter na cleared na rin ang kanang parte ng mansion na siyang naka-assign sa butler ni Trev. Nasa likod na rin si Butler Noh at handa nang sumugod kagaya namin.

Nang bigyan kami ng signal ni Trev ay mabilis kaming sumugod sa mga bantay. Naging tagumpay ang aming plano na matalo sila nang hindi gumagawa ng malaking ingay.

Ngayon ay malaya na kaming makakapasok sa back door.

Nilapitan ni Iron ‘yung isang natutulog na lalaki. Kinalabit-kalabit niya ito, “Huy! Gising!” sabi niya.

What the heck?!

Nang magising ito ay kapwa gulat rin ang ekspresyon niya. Ngunit hindi na ito nakapalag nang suntukin siya ni Iron dahilan para bumalik ulit sa pagkakatulog.

Ginising niya pa talaga para patulugin ulit? Wala nga si Kevs na mongoloid, pumalit naman siya. Tsk.

Itinali namin ang limang bantay at hindi rin namin nakalimutang lagyan ng busal ang bibig nila.

Pumasok sina Trev at Xander, samantalang naiwan kami ni Iron dito sa labas dahil may kailangan pa kaming tapusin.

“This is so exciting!” Iron exclaimed while throwing punch in the air.

Napailing nalang ako.

ALEXANDER‘S POV

Pagpasok namin sa mansion mula sa back door, halos walang tao sa hallway nito. Hinawakan ko ang transmitter sa tainga upang marinig ko nang maayos si Thelo.

“There‘s one in a hallway from the back door.” sabi ko.

“Two minutes.” sagot niya. Hinintay ko ang signal nito, “Go.”

Tinanguan ko si Trev bago lumakad, siya nama‘y tinahak ang ibang daan.

Kailangan kong makarating agad sa control room ng mansion na ito para mai-saksak ko agad ang device na binigay sa akin ni Thelo para ma-hack niya ang buong system ng lugar na ito.

Pagkatapos nito‘y mas malaya na kaming makakagalaw sa loob.

Hindi na ako makapag-hintay na lampasuhin lahat ng miyembro ng Jokers. I gritted my teeth by the thought.

Sa tulong ni Thelo, mas mabilis akong nakarating sa control room nang hindi nagkakagawa ng aberya.

May mga nasalubong man akong naka-itim na bantay ngunit mabilis ko rin silang napapatumba. Ibinalibag ko ang huling kalaban na siyang isa sa mga nakabantay sa entrance ng control room.

I can‘t afford to lose until I get Jaemin back...

Nang buksan ko ang pinto ng control room, tahimik ngunit kaswal akong lumakad papasok. Dalawa silang nagbabantay ng higit sa limampung CCTV cameras.

Halos lahat yata ng sulok ng mansion na ito ay may camera. Nakita ko si Trev na pumasok sa isang kwarto, sa palagay ko ay isang kitchen, habang may kinakaladlad na dalawang naka-itim na lalaki.

Napatayo ang isa at akmang dadamputin na sana ang telepono ngunit mabilis kong nakulong ito sa braso ko. Sinipa ko ang isa niyang kasama kaya natumba siya agad sa sahig. I used my other arm to add more force by pressing my arm which I used to strangle the other one—in martial arts, this move is called as chokehold.

Hindi ko siya binitawan hanggang sa mawalan siya nang malay.

Inilabas ko ang device at ikinonekta agad sa sistema. Habang hinihintay itong mag-loading ay natigilan ako nang marinig kong magbukas ang pinto.

“What do you think you‘re doing?”

When I turned around, I felt like my blood was boiling hot as hell when I saw that person... wearing a clown-like mask.

*♡♤*

JAESHIN‘S POV

Tahimik kaming naglakad sa gilid na parte ng mansion. My task is to keep those men from the back in order to prevent them from following the others inside.

May nakasalubong kaming isang lalaking naka-itim at nagulat ito nang makita kami. Naglabas siya ng balisong at pinakitaan pa talaga kami ng hand moves.

“Psh! This mother fcker is getting into my nerves, Shin!” sambit ni Iron sa tabi ko.

“Aish.” tinanguan ko siya para sabihing bahala siya sa buhay niya. Nababanas na nga ako dito sa dala naming pabigat.

Lumapit siya dun sa lalaki at matapang na hinarap ng mano-mano. Nakikipag-asaran pa ito, inaamba-ambahan niya ng suntok tapos samantalang inuulos naman sa kaniya ‘yung balisong. Minsan talaga ay may sapak ‘tong taong ‘to.

Paikot-ikot sila na parang naghihintay na may unang sumugod sa kanila. Nainip ako kaya nang mapunta ‘yung kalaban sa tapat ko ay sinipa ko siya ng malakas.

“Shin! That guy is mine!” sabi niya habang nakaturo sa lalaking nakahandusay.

“We didn‘t go here for a gang fight, remember that, you fcking asshle.” sabi ko.

Tutuloy na sana kami ulit sa paglalakad kaso grupo naman ngayon ang humarang sa amin.

Shit.

“Ang tagal mo kasi!” sisi ko kay Iron. He flinched for disagreement.

“Sabihan mo si boss!” sabi nung isa. Fck!

“Gago ka ba? Gusto mong tayo naman ang managot?” sagot naman ng isa.

“Nakapasok kami dito dahil bobo kayo! Gusto mo samahan pa kitang magsumbong?” sabat ni Iron.

Napahawak ako sa sentido ko dahil parang bata ‘tong kasama ko. Tangina, bakit ba kami pumayag na isama ‘to?

Dahil sa sinabi niya, lahat sila inilabas ang tinatago nilang patalim. Umiling ako at yumuko para damputin ang dulo ng bag na dala ko at mahigpit itong hinawakan. Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas para buhatin ito. Saka ko hinagis sa grupo.

Tatlo ‘yung tinamaan at natumba. Naging indikasyon iyon ng pagsisimula ng gulo.

I kicked everyone who goes in my way. Iron is having fun beating these goons as well.

Ito na ba talaga ‘yung mga naiwang tauhan ng Mafia nila?

Kaya pala hindi sinama eh, malamang magiging pabigat lang ‘tong mga ‘to sa business kuno nila abroad. For sure, those people who went off will just spread the illegal drug trafficking!

These cheap bastards!

“Look who‘s here~” a ng isang boses babae at saka humgikgik.

Nanggaling ito sa likuran ko kaya dahan-dahan akong lumingon. I saw two person wearing a clown-like masks standing in front of us. They‘re holding weapons such as iron pipe and baseball bat.

Nagkatinginan kami ni Iron at napangisi.

“These jerks are the Jokers, huh?” wika ni Iron.

“You get the pigtails. I can‘t hit a woman.” sabi ko naman.

“So, anong akala mo sa akin?” nakangiwing saad ni Iron.

Natawa nalang ako. At least they‘re a match, pareho silang immature!

“They have weapons...” Iron added.

“As long as it‘s not a gun, right?” I said.

He shrugged his shoulders wearing an evil yet excited grin.

Nilingon ko ang lalaking nakasuot ng maskara. I tauntingly beckoned him with my index finger. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa akin at sa isang iglap ay tumakbo siya‘t hinampas ako ng baseball bat na hawak niya.

I dodge his toy and hammered his back. Umubo siya at halos matumba na dahil doon. Ano ba ‘to, ang hina naman!

Nalaglag ang maskara niya. Tumayo siya at humarap sa akin. Napangisi nalang ako ng makilala ko siya.

“Hindi lang pala ang Wilhelm na ‘yun ang nasa likod ng mga maskarang ‘yan...” I paused. “Mga duwag...”

The smug in Dave Diad‘s face faded as he looked at me intently.

Sino pa bang Student Council ang miyembro ng Jokers? Kahit kailan mga duwag ‘tong mga ‘to!

Akala siguro nila‘y hindi namin alam ang ginagawa nila sa mga Marvelians na nahuhuli nilang may violations. Ginagamit nila ‘yung posisyon nila sa Marvel High para magawa ang gusto nila sa mga ‘yun!

We were letting them do what they want as long as hindi nakakaapekto sa paaralan. Pero tngina, ang dami pala nilang kagaguhang pinapalaganap dito sa Tenebrés.

“Shin! Tulong!” mabilis akong lumingon sa kinaroroonan ni Iron.

Namataan ko sila nung babae na naglalaban sa hawak na dagger nung babae.

Damn, pati si Chelsea ay isa sa Jokers?

She‘s my classmate and also the SSC Secretary. I recognize her as a unique but kind girl. Madalas siya ang nagpre-presinta sa mga activities na ginaganap sa classroom. She‘s also one of the class mood maker.

You really can‘t judge a book by it‘s cover, huh?

Bakit hindi ko agad siya nakilala sa paraan niya ng pagtali ng buhok? Siguro‘y dahil na rin sa kulay ng kanyang buhok.

Dahil nakina Iron ang atensiyon ko, nakalimutan kong may kaharap pala akong kalaban. Hindi ko agad namalayan ang pagsugod niya. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa inis nang lumapat ang kamao niya sa mukha ko.

“You piece of shit...” I said in a cleched teeth.

Nalasahan ko ang kalawang sa gilid ng bibig ko. He even made me bleed! This asshole! Dumura ako sa tapat niya.

“Huaaaa!” sigaw niya nang lumapit ulit siya.

Sinubukan niya akong suntukin pero naiwasan ko agad. Dahil mas matangkad ako sa kaniya, hindi naging mahirap sa akin na mahawakan siya sa buhok. Paulit-ulit kong tinuhod ang mukha niya hanggang sa makawala siya sa hawak ko.

Napaluhod siya dahil sa panghihina. Nilapitan ko ulit siya at hinila sa mga balikat niya patayo. I jabbed at his stomach until he coughed blood. And for the last hit, I gathered my strength and gave him a sidekick.

Natigilan ako nang tumilapon siya papunta kina Iron. Natahimik silang dalawa nung babae...

“Fck!”

Hindi naman siguro nasaksak si Iron ng patalim ano?!

Sa isang iglap ay naglayo ang dalawa sa isa‘t isa habang nagtitili naman ang babae. Samantalang si Iron ay gigil na gigil sa pagpupunas ng bibig niya.

“What the fck!! Kadiri! Tangina! Kadiri!”

“You‘re the disgusting one here! Fck you!!!” the girl shrieked while also wiping her lips.

Did they just kiss?

*♤♡*

THIRD PERSON POV

Pumasok si Trevor sa pinakamalapit na kwarto sa kaniya habang bitbit ang dalawang lalaking nasalubong niya kanina sa daan. Natigilan ang binata nang may marinig siyang ungol...

Pinakinggan niya kung saan nanggagaling ito at sinundan ang tunog nang matukoy niya ang pinanggagalingan nito. Dumaan siya sa pagitan ng dalawang kitchen counter at doon namataan ang isang lalaking nakatalikod.

Dahan-dahan siyang lumapit dito hanggang sa ilang pulgada nalang ang layo nila. Hindi siya napansin nito dahil tila abala siya sa ginagawa niya. Mabilis ang paggalaw ng kanang kamay niya at paulit-ulit ang ungol nito kasabay ng kalansing ng tila metal na kagamitan. Pinagpapawisan ang binata at parang nanginginig na ito sa ginagawa niya.

“Uhhhh...”

Nakakunot ang noo ni Trevor at hihilain niya na sana ito paharap sa kaniya nang mapansin niya ang isang litratong nasa harapan ng lalaki.

Litrato ng isang babaeng kilalang-kilala niya...

Nanlaki ang mga mata niya at biglang kumulo ang dugo nito dahil sa matinding galit.

Imbes na hihilain niya ang lalaki ay hinablot niya ito sa buhok at marahas na inumpog sa counter. Nabitawan ng lalaki ang hawak niyang stainless bowl at hand beater. Humandusay siya sa simento habang dumadaing dahil sa natamo sa pagkakaumpog.

Naibsan ng konti ang galit ni Trevor nang mapagtanto niyang nagbabatil lang pala ito ng itlog.

What the fck! I thought he was doing nasty stuff in front of Lili‘s photo!

Bakit ba kasi siya umuungol?! Tanginang gagong ‘to!

He might not be doing what I thought he was, but he was still being creepy!

Kumunot ang noo ni Trevor nang makilala niya ang lalaking nakahandusay. Napagtanto niyang siya ang lalaking nagbigay ng box of cookies kay Khali kanina sa Sapph, na nakilala niya bilang Arthur Xavier!

Is he going to give that to her again? Fck. This is disgusting!

Kinuha niya ang litrato ni Khali na nakalapag doon at ibinulsa. Napansin niya rin ang isang maskara na nakalapag sa tabi nito kaya napagtanto niyang isa rin ito sa mga kalaban nilang Jokers.

Nilapitan niya ang lalaking nakahandusay habang iniinda pa rin ang dumudugong galos niya sa noo. Nabasag pa ang salamin niya dahil doon.

“B-Bakit ka nandito?!” natatarantang tanong ng lalaki.

“To beat you into a pulp.” sabi ni Trevor saka ngumisi. Hinawakan niya nang mahigpit ang braso at kamay ni Arthur.

Let‘s see how tough this Jokers are.

“A-Anong gagawin m—AAAAAaaaAAAAAH!” At sa isang iglap ay halos mabaliw na ito sa kasisigaw dahil sa sakit nararamdaman nang marahas na pinilipit ni Trevor ang braso niya hanggang makarinig ito ng tunog ng nabaling buto.

Mabilis nitong dinampot sa kwelyo para itayo ang kawawang binata. Bumwelo si Trevor at binigyan niya ito ng isang malakas na suntok sa mukha na siyang naging dahilan para mawalan agad ito ng malay.

“Hoy, hindi pa ako tapos!” Trevor shouted as he harshly shook the poor guy.

Pero hindi na ito nakasagot dahil tulog na tulog na ito. Umiling-iling si Trevor dahil sa pagkadismaya.

Binitbit niya ang lalaki gamit ang isang kamay at bumalik sa pwesto kung saan niya iniwan ang dalawang tauhan na dala niya.

Habang itinatali niya ang tatlo ay hindi niya namalayan ang isang taong palapit sa kaniya kaya hindi ito agad nakakilos. Sinipa nito ang binata sa tagiliran kaya tumilapon ito hanggang sa humampas siya sa dingding.

Tumingala ang binata para tingnan ang umatake sa kaniya. Nakasuot ito ng puting damit, mula ulo hanggang paa. Sa tingin niya‘y higit pa sa 6 footer ang lalaking ito. Malaki na tila pang-sumo wrestler ang katawan nito.

Aish. This one‘s pretty big...

He wasn‘t carrying arms nor any weapons. Too bad that he have to fight this big guy bare hands.

He tilted his head from left to right as he warm his hands up. He raised his arms and spread his legs in a fighting stance.

The guy was walking sidewards on the left from him, while the latter walked on his left too to avoid getting by the big guy.

They were making a circle as they walk sidewards. The guy rushed to him and the clash begun on cue.

The big guy tried to capture Trevor using his thick arms but the latter jumped backwards and made a roundhouse kick. It hit his head, but it didn‘t affect the guy that much.

He is absolutely tough.

Trevor moved faster and he was already at his back, he hammered his nape trying to incapacitate him but it was expectedly no effect at all.

I guess I should take this seriously now...

Sumugod si Trevor sa lalaki at inambahan ito ng suntok sa mukha. The big guy smirked and readied his arms to get him, but he was surprised when Trevor ducked and lunged his fist on his stomach. Bumaon ang kamao niya at naramdaman ng lalaki ang sakit sa bandang ito.

Mabilis na umikot si Trevor sa likod niya at buong lakas namang siniko ito. He afterwards gave him a powerful kick. Hanggang sa pinaulanan niya ito ng suntok at sipa.

Halos hindi maka-recover ang malaking tao sa mga sunud-sunod na ginawa ni Trevor.

Ngunit hindi napansin ni Trevor, bigla nalang nitong nahawakan ang ankle niya at hinila siya dahilan ng pagkatumba niya.

“YOU SON OF A BTCH.” galit na galit na saad nito bago niya ihagis si Trevor.

Masakit ang tinamo niyang iyon dahil tumama siya sa isang mesa na maraming kagamitang panluto. He was about to set upon Trevor again when he kicked his face and thwacked him using the utensil that he just grabbed.

“That fcking hurts, piggy.” nanunuya nitong saad.

Bagaman nasisiyahan siya sa malakas na kalaban, hindi na dapat niya ito patagalin pa. Dapat niya nang tapusin ang laban dahil may misyon pa silang kailangang tapusin.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Trevor at sinugod na niya ito. Pinuntirya niya ang hita ng lalaki, sinipa niya ito kaya‘t nawalan ng balanse ang malaking nilalang at napaluhod ito.

Hindi niya pinalampas ang pagkakataong ito at kumapit siya sa balikat ng lalaki at mabilis niyang ipinulupot ang mga hita sa katawan nito, saka niya ikinulong ang leeg nito sa kanang braso, habang ang isang kamay nito ay nasa likod ng ulo niya para gamiting pangtulak.

The big guy was anxiously trying to get away with his grip because he knows how lethal a rear naked choke is.

Hindi mapakali ang lalaki at kung saan-saan na ito umatras. Inihampas niya sa dingding si Trevor habang nasa likod niya pa rin ito. Hindi nagpatinag ang binata at mas hinigpitan pa ang pagsakal niya.

Hanggang sa kalaunan ay naramdaman na nito ang panghihina at tuluyan nang napaluhod. Binitawan ni Trevor ang lalaki dahil kapag pinagpatuloy niya pa ito, baka malagutan na siya ng hininga.

Trevor scoffed in exhaustion.

×××

Continue Reading

You'll Also Like

423K 3.8K 14
Liz has a huge crush on Edward, his brother's best friend. She kept that feeling for a long time and admired him from afar, then suddenly, her ex-bes...
787K 40.1K 57
[UNEDITED] Night Blood University is a place where death is nothing but a next deadly adventure. The Earth's own version of hell. Can you stay alive...
15.2K 355 12
Zoe, at 16, is the only girl among the Hamilton siblings. After returning to the Philippines to study at the university with her older brothers, she...
12.8K 58 12
"BUGTONG" (RIDDLE) Ang BUGTONG ay isa sa mga kayamanan ng panitikang Tagalog. Ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid...