I FEEL NO PAIN...

Per chiaki_08

184K 3.4K 1.3K

i don't have friends, i have enemies... i don't trust everybody, i suspect everyone.. i don't believe in forg... Més

I FEEL NO PAIN...
1 : flashback....
2 : AT THE MANSION... introducing LJ
3: real story
4:how they meet again
5: supposed to be reunion??
6: the race...knowing the other charactersss
chap7: THE QUEENS OF EVIL PLANS..
8: small world for them...
9: at the bike shop..
10: RESULTA...
11: seeking for the truth....
chap12: face-off
13: LJ DA MOVES
14: new cast, first part of date
15: date part2...meet her
special info's...bout sa characters
16: operation ligtas
17: the holes....
18: kaartehan ni commit/story of liar
19:PLANS..PLANS
20: tonight is the night....
21: may time maglandian??
22: the real deal is...
23: nabuking na nga ba??
24: revenge of siblings
25: soo..it was you!!!
26: paratang
27: killer siblingssss...
28: the 4th alliance???
29: devil's breath...
31: simple glimpse....
32: rebelasyon 101
33: island hopping
34: caught in act.
35: the story of their lives...
36: what he knows (the truth pt.2)
37: LJ REvelationss....
38: i choose love and revenge ...
39: in doubt...
40: unknown...
41:Perfect bait...
42: AGONY..
43: wish you hell!!
44: what you don't know
45
46: unexpected
47:
48: reunited
49:confrontations
50: SECRETS
51:surprises
52: didn't expect
53:the truth pain??
54: #MULING IBALIK
55: relax, chill and confess
56: confession of LJ
57:betrayal?
58: biggest surprise
59: in right place
60: this the end
EPILOGUE

30: rebelasyon

1.9K 36 13
Per chiaki_08

LJ pov...

Bago ako tuluyang tumungo kay Lez dumaan muna ako sa base nina papa dahil may pag-uusapan kami tungkol sa bagong alyansa at sa magkapatid na Ly. Iniisip ko parin kung sino ang babeng iyon kung patay na nga ba si Paine. Masasagot lamang iyon kapag si Commit mimsmo ang tatanungin ko pero mukhang hindi naman ako masasagot nito.

Pumasok na nga ako sa conference room kung saan nandun na din ang ibang miyembro at si Papa. Naupo na nga ako sa tabi ni Kint at nagsimula na din kaming magpulong.

"Hindi ko inaasahan na isa sa mga kasapi ko sa drug world ang sumusuporta sa bagong sulpot na alyansa. Sekreto sila kung umataki at hindi madaling matukoy ang kanilang identity kaya nakakapikon sila but we're doing our best to find and know them well. Idagdag niyo pa ang magkapatid na Ly na inuunti-unti naman tayo." napatingin naman si Papa sa akin. 

 

Alam ko na ang rason kung bakit niya ako tinitingnan at iyon ay ang nais kong masolve ang kaso nila. Umiwas na nga lang ako ng tingin sa kanya at napatingin sa cellphone ko.

"Diba patay na ang bunsong anak na babae?" usisa naman ni Kint.

"Iyon ang akala ng lahat at yun ang kinalat nila pero ang totoong buhay na buhay pa siya. Nagtutulungan silang magkapatid para ipaghiganti ang kanilang mga magulang. Unti-unti na nila tayong inuubos kahit si Speed at Liar ay walang kawala sa listahan nila ibig sabihin nun dapat natin silang unahan."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Papa at bigla na may sayang nadama. Buhay pa nga si Paine at siya ang babaeng ito? She looks staunning now, grabe ang pag-improve niya. Aisht, hindi-hindi may syota kana LJ huwag ka ng humanga sa kanya sabay iling.

 

"Hoy LJ ano iniiling mo diyan?!" singhal naman sa akin ni Papa at napatingin ako sa kanila nasa akin pala ang atensyon.

"Ah wala, masakit lang ang leeg ko. Aww." palusot ko naman sabay sapo sa leeg ko.

"Anyway, leave the Ly sibling to Kint and LJ guys tuonan niyo na lang ng pansin ang bagong alyansa." info pa ni Papa.

Matapos ang mahabang usapan nagpaiwan naman ako sa conference room para kausapin si Papa.

"Pa, bakit ako pa ang inatasan mo sa magkapatid? Bakit naman natin sila papatayin? Pwede naman natin sabihin sa kanila ang totoo." wika ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin ng seryoso.

"Hihintayin mo pa ba ako ang papatayin nila o isa sa ating pamilya ang mapapatay nila? Wala silang pinipili na papatayin at alam mo naman na kasali ako sa issue ng pumatay sa kanilang mga magulang." nagagalaiting wika ni Papa.

"Kapag makausap ko sila sasabihin kong wala kayong kinalaman dun. Pakana lang iyon nina Speed at Liar." 

Natigilan ulit si Papa at hinarap ako. "Mag-isip ka nga iho, ang taong puno ng poot sa puso hindi mo mababali ang kanilang misyon kaya unahan mo na sila bago kapa maunahan nila."

Napaisip ako dun sa sinabi ni Papa. "Dad, wala nga ba kayong kinalaman dun sa pagkamatay nila?"

"Ilang beses ko ba ipaliwanag sa iyo wala akong alam sa krimeng iyon. Dinamay lang nila ang pangalan ko dun para sa akin maibaling ang galit at atensyon." sagot naman nito at pumasok na nga sa opisina niya.

Sumunod naman ako sa kanya. "Pero Pa hindi ko iyon magagawa, nanahimik ako ng ilang taon na dapat maging eye witness ako tapos ngayon ipapatay niyo sila sa akin?"

"Damn LJ!" Napahampas naman si Papa sa mesa niya at tiningnan ako. "Just do it! Mas gugustuhin mo bang tayo ang mapatay nila?!"

"Pa sisiguraduhin kong hindi tayo mapapahamak o walang mamatay sa atin at wala akong papatayin." tigang na wika ko sa kaniya at umalis na nga ako.

Tumungo na ako agad sa apartment ni Lez, actually ngayon ko lang naisip iisang apartment lang pala sila ni Fear slash Commit. Mabuti pa daanan ko na lang muna si Commit hindi pa naman nakatext sa akin si Lez. Baka sakaling magkita kami dun ni Paine, magkikita na din kami ulit. Pinapasok naman ako ni Commit at walang tense sa pagkikita namin ulit.

"Napadaan ka dito pare?" usisa naman nito sa akin.

"Susunduin ko kasi ang girlfriend ko, eh hindi pa naman siya nagtext kaya daan muna ako dito sayo." sagot ko naman sa kanya habang nakatingin sa magazine.

Dapat ko bang itanong sa kanya kung nasaan si Paine? Dapat ba niyang malaman na alam ko ng buhay si Paine? ARGHH...ano ba dapat kong itanong??

 

"Commit?!! Fear?!!!" may boses babae na biglang nagsisigawan papalapit sa unit ni Commit.

Nagkatinginan naman kami ni Commit. Ayun sa pagbabasa ko sa mukha niya hindi siya at ease at bigla din siyang umiwas ng tingin sa akin. Bigla na ngang bumukas ang pinto at hindi ko inaasahan ang aking nakikita.

PAINE pov....

Ang ingay talaga ni Lulu, kahapon lang sila nagkahiwalay ng asawa niya kung makamiss naman parang 20 years hindi nagkita. Sumama na nga lang ako kay Lulu papunta dito dahil magkikita kami ni LJ. Hindi ko pa nga pala sya nagtetext at andami kong gustong itanong sa kanya. Lalo pa sa mga sinabi ni Sleep. Ano nga ba ang kinalaman ni LJ sa nangyari sa pamilya namin?

"Commit?!! Fear?!!!" paninigaw naman ni Lulu kahit limang unit pa ang layo namin sa unit nila.

Pagdating namin dun sirado, nasaan kaya ang kuya ko?? Sa pagbukas ni Lulu ng pintuan hindi ako makapaniwala sa aking nakaeye-contact. Owh shit!! Nagkatinginan nga kaming apat, yung tipong tumigil ang oras namin. 

 

"Lez? Lulu?" awkward naman kaming tiningnan ni LJ.

"Ha-ha-hi??" bati naman ni Lulu sa kanya at awkward naman na kumaway.

"Magkakilala kayo?" usisa ni LJ sabay tingin sa akin at alam ko ding ako ang gusto niyang sumagot.

"Ah, oo! Nandito ka pala? Ma-magka-magkakilala din kayo?" namamawis na ako sa nangyayari huh.

"Oo, siya yung kapatid ng kababata kong kwenikwento ko sayo." paalala naman niya sa akin.

"Oo nga pala, siya ba? Magkakilala naman kami kasi alam mo na dito din ako nangungupahan." palusot ko naman.

"Oh baka nagseselos kana agad diyan pare. Wala kaming relasyon at tsaka taken na ako." dugtong naman ni Commit.

"Dito ka din nangungupahan Lulu?" si Lulu naman ang napadiskityahan niya.

"Huh?? Ahh...oo! Oo!" exage naman ang reaction ni Lulu.

"Tara na, itetext pa sana kita." bigla ko na ngang hinila patayo.

"Sandali lang nakikipagkwentuhan pa nga ako." wika naman.

"Umalis na tayo, balita ko kasi may sugat si Commit kaya kailangan niya ng pahnga. Let's go Lj, let's go." pinandilatan ko na nga siya.

Tumayo naman siya. "Sige mauna na kami. Ang liit naman ng mundo natin." wika nito,tssk mukhang nagdududa na siya.

"Bye Commit, bye Lulu." nagpaalam na nga ako at hinila na siya palabas.

Umalis na nga kaming dalawa at sumakay na kami sa kotse niya.

"Saan tayo?" usisa nito ng nakangiti. Hayy nakakawala ng stress ang mga ngiting iyon.

"Ahm..nagugutom ako. I want to eat bubble tea!" sagot ko naman.

"Then let's go!" ipinaandar na nga niya ang kotse niya.

Tumungo nga kami sa isang Tea shop at kasalukuyang umiinom ng tea malamang. Sisimulan ko na ang pang-iimbestiga sa kanya.

"Ahmm Love, yung tungkol sa kababata mo paano nga namatay ang mga magulang nila?" intro ko na ikinatigil naman niya at napatingin sa akin.

"Bakit mo natanong?" usisa naman nito.

"Ahmm alam mo na curious lang ako sa kanila. It's a small world talaga sa atin, imagine kapitbahay ko si Commit tapos kababata mo pala sila." bahala na kung convincing ang palusot ko.

"Sabagay, si Commit na lang tanungin mo buhay nila nun eh. Ayoko naman ipagkalat yung tungkol dun sa kanila."

Gusto ko siyang batukan, wala akong makukuha ata sa kanyang impormasyon ah. Paano na ba ito?!!

"By the way babe, may nakita ka bang kasamang babae si Commit sa apartment niya?" usisa naman nito sa akin.

"Babae? Si Kishie ba? Bakit mo naman natanong?" pag-uusisa ko din sa kanya. Alam na kaya niyang buhay ako? Hindi din niya pwedeng malaman na si Lulu ay asawa ni Commit paniguradong isusumbong niya iyon kay Kint.

"Kasi noong unang pagpunta namin sa kanila may narinig akong boses babae eh. Sino naman ang Kishei na yun?"

Napasip muna ako sa bubble tea ko. "Ewan, hindi ko alam eh. Tsaka hindi naman ako close sa kanya."

"I see." napanod na lang siya sa sagot ko. 

Ano bang alam mo LJ?? Bakit andami mong tanong? Nakakabaliw ka!! Ano ba talaga ang kinalaman mo o alam mo sa nangyari sa pamilya ko.

"Tapos kana?" pamumukaw nito sa akin.

"Huh? Ah..oo, tara." tumayo na ako agad at kinuha ang gamit ko.

Umalis na nga kami ng shop at niyaya ko siyang tumungo sa dating bahay namin. Siyempre nagpalusot ako na may naiwan akong alahas dun na napakaimportante pero yung totoong gusto ko lang masulyapan muli ang bahay namin.

"Here we are." wika nito sa akin at bumaba na nga kami ng kotse.

 

Pumasok na nga kami. Waa, Ma,Pa, nagkita na kami ni Kuya Fear! Iisa na lang ang kulang ang mapatay namin ang totoong may kasalanan kong bakit kayo namatay.

Napatambay kami sa lanaii at nasa couple swing. Ang tahimi namin promise at napatingin ako kay LJ and there's something bothers him.

"Alko ang naging witness sa nangyari sa kanila. Nakita ko lahat ng nangyari ng panahon na yun. Gusto kong magsumbong ng mga oras na iyon pero hindi ko magawa dahil pati ang buhay namin madadamay. Nakita ko kung paano binaril ang papa nina Paine ng limang armadong mga lalaki." kwento nito na ikinagulat ko.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Gusto ko siyang sumbatan, sampalin at maiyak pero hindi ko magawa dahil hindi iyon ang tama. Napatingin na lang ako sa kanya, habang kwenikwento niya sa akin. Kailangan kong pigilan ang aking nararamdaman at ito nga siguro ang sinasabi ni Sleep na alam ni LJ.

"Ba-bakit mo inilihim at ngayon kwenikwento mo sa akin?" 

Napapilit na ngiti naman siya sa akin. "Dahil matagal ng gustong sumabog ng puso ko at konsesnya. Ilang taon kong dinala ang guilt sa puso ko at pagsisisi kaya nga bilang ganti ko sa katangahang desisyon ko pilit kong hinanap si Fear at Paine." napatingin naman siya sa mga ulap.

Inaamin ko, nakadama ako ng awa sa kanya dahil sa ilang taon niyang bitbit ang guilty sa puso niya.

"Kilala mo ba ang mga armadong lalaking iyon? Hindi pa naman huli Love para magsumbong ka." 

"Ang alam ko lang mga tauhan sila nina Liar at Speed. Ang ama ko nga nadamay sa isyong ito kahit wala naman siya talagang kinalaman." tigang naman na wika nito.

Imposible, si Uncle Grey at Liar? Matindi silang magkalaban paano iyon nangyari? Ano ba ang totoong nangyari? Oo nadamay ang kanyang ama sa krimen sa tindi ng galit ni Mama sa kanya at ganun din siya kaya nga posibleng may kinalaman din siya pero sino talaga ang pinuno ng krimeng iyon?

"Tara hanapin na natin yung hikaw mo." biglaang yaya nito sa akin.

"Huwag na, baka sa ibang lugar ko iyon nawala." palusot ko naman at tumayo na din ako.

Naging tahimik ang biyahe namin pauwi. Walang may nagbalak na mag-open ng topic. Nakaconcentrate siya sa pagdadrive habang ako naman ay napapatingin na lang sa daan. 

Baka tama nga si Sleep na ang pagmamahalan namin ni LJ ang siyang mapapahamak sa amin. Teka, mahal ko na nga ba siya? Tumagos na ba siya sa pinakailalim ng puso ko? Hindi ako takot masaktan diba? Paano kapag mawala siya?? ARGH!! Hindi! HIndi!

"Hey babe, bakit mo naman inuuntog ang ulo mo sa bintana?" usisa nito kaya napasapo na lang ako sa aking noo.

"Wala, napagtripan ko lang." palusot ko naman at sapo-sapo parin ang noo ko.

"Hehehe, ang wierdo ng girlfriend ko." napangiti na lang kami pareho. "Dinner date tayo." yaya nito sa akin.

"Ahm, call!" nagthumbs-up naman ako sa kanya.

Pareho kaming problemado kaya pumayag na lang din ako at baka may impormasyon pa akong malalaman sa kanya. Nakadating na nga kami ng apartment at tinext ko na din si Lulu na sa kanya na lang ako muna manghihiram ng damit.

"Hintayin mo na lang ako dito sa sasakyan, okay??" wika ko sa kanya.

'Sige, huwag kang tumagal at huwag masyadong magpaganda,okay?" wika nito at tumango na nga lang ako sa kanya.

LULU pov..

Itong mahaderang palaka sa akin manghihiram ng damit sa dinner date nila, naku naman. INLababu ang assassinator na itich. 

"Lulu ikaw talaga ang savior ko. Si Kuya Commit?" usisa naman nito pagdating niya sa unit namin.

"Umalis at ako aalis na din kaya ikaw na bahala dito. Nnadun ang damit ko sa walk-in-closet kaya pumili kanalang dun. Ciao!" umalis na nga ako.

Umalis nga si Commit may pupuntahan daw siya. Simula ng araw na nagkita muli ang magkapatid naging masiyahin na ulit si Commit. Ito din si Paine nagpapakachildish sa kuya niya. Papasok na ako sa kotse ko ng mapansin ko si LJ sa labas ng kotse nakasandal at may kung anong tinitingnan sa isang papel kaya nilapitan ko siya.

"Hi Lulu." bati nito sa akin at nginitian ko naman siya.

Napatingin ako sa litratong hawak-hawak niya. Akala ko sino na, si Paine lang pala. Ito yung litrato niya nung napasugod kami sa isang bar para patayin si Condom. Napangiti na lang ako ng maalala ko kung paano ko siya pilitin na magpaganda ng ganyan kabongga at magsuot ng seductive dress.

[a/n: see multimedia >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>. pix ni Paine]

"Kilala mo ba ang babaeng ito?" usisa nito sa akin.

"Huh? Hi-hindi ahh." sabay iling naman ako. Hindi niya alam si Paine ito?

"Kung makangiti ka naman parang kilala mo." nagsusuplado lang.

"Sino ba ang babaeng ito sa litrato LJ?" kunwaring hindi ko kilala.

Napatingin naman siya sa kalangitan. "Siya ang babaeng kailangan kong patayin." seryosong sagot nito.

"WHAT?!" bulalas ko naman. Si-si-Paine papatayin niya?!

"Hehehehe,got you! Fools month ngayon diba? Hahahahaha!!" putcha hapapahawak pa siya sa kanyang tiyan sa kakatawa.

Inismidan ko naman siya. "Ako yan, tingnan mo nga mabuti malapit kami oh."

"Ha-ha-ha! Andami pwede mong pangloko sa akin yan pa talaga? Ang layo nuh!" natawa naman siya ulit.

"Mapapatay kita eh." bulong ko sa sarili ko at nagwalk-out na nga.

abangan...

"IKAW?!"

"Ano ginagawa mo dito?!"

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

"Bilisan mo diyan Sleep pabalik na ang mga bantay!!"

"Hindi ko mahanap ang chip!!"

Continua llegint

You'll Also Like

261K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...