What Love Can Do? (UNDER REVI...

Od Princesss_AJ

1M 24.8K 1.2K

(COMPLETED) Ang "pag-ibig" ay maraming kahulugan para satin. Ito ay emosyon na ating nararamdaman sa isang t... Více

-Prologue-
«Disclaimer»
Chapter 1 My Virgin Eyes!
Chapter 2 The Brother
Chapter 3 Friendship
Chapter 4 For the First Time
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 Lover's Quarrel
Chapter 7 He's the Brother
Chapter 8 Panyo
Chapter 9 Crush?
Chapter 10 Apology
Chapter 11 It's a Deal!
AUTHORS NOTE! MUST READ!
Chapter 12 For you
Chapter 13 Meet the Sister
Chapter 14 Permission?
Chapter 15 Friendly Date
Chapter 16 She's the Noona
Chapter 17 Siomai
Chapter 18 Mr. Right?
Chapter 19 Is this Real?
Chapter 20 Comfort
Chapter 21 Protective Kuya!
Chapter 22 Aminan Time!!
Chapter 23 We're Still Friends?
Chapter 24 I'm Stuck with him
Chapter 25 A Princess for a Night
Chapter 26 A Princess for a Night (part 2)
Chapter 27 A Princess for a Night (part 3)
Chapter 28 Threat
Chapter 29 Her Realization
Chapter 30 Tuloy Pa rin
Chapter 31 Night Party
Chapter 32 End
Chapter 33 Blessing in disguise
Chapter 34 Stay with Me
Chapter 35 His Reason
Chapter 36 Revelation
Chapter 37 True Feelings
Chapter 38 Sacrifice
Chapter 39 Love-Struck
Chapter 40 First Date
Chapter 41 "Yes"
Chapter 42 Officially Mine
Chapter 43 Undeserved
Chapter 44 Don't like her
Chapter 45 Out of town
Chapter 46 Just Friends?
Chapter 47 Allergic
Chapter 48 Respect
Chapter 49 We are Jealous
Chapter 50 Couple's Conflict
Chapter 51 First love
Chapter 52 I'm Hurt
Chapter 53 I Love Her (Part 1)
Chapter 54 I Love Her (Part 2)
Chapter 55 Understand
Chapter 56 Dare
Chapter 57 The Truth
Chapter 58 Loss
Chapter 59 Grief
Chapter 60 First Monthsary
Chapter 61 We meet again
Chapter 62 Brothers
Chapter 64 Left
Chapter 65 Tulad Mo
-Epilogue-
Shout Outs 🎉
💖Pasasalamat💖
What Love Can Do?
Book 2

Chapter 63 Friends

9.3K 235 17
Od Princesss_AJ

63: Friends

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»




Para akong mental na nakatingin sa walang hanggan. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ako mapakali dahil sa birthday na gaganapin mamaya. Hindi ko alam kung ano ang magiging itsura ko kapag nakita ko ang mga angkan ni Kiel at sa kaarawan pa talaga ng kapatid niya.


"Jassy!" Tawag sakin ni Sarah. Tumingin naman ako sa kanya. 



"Ayos ka lang?" Tanong niya sakin. Tumango ako. 

"Oo naman. Bakit?"



"Kanina pa kita tinatawag pero ang lalim ng iniisip mo." Sagot niya sakin.

"Ahh wala 'to. Ano ba yun?" Sagot ko sa kanya. Siguro ganun nga kalalim ang iniisip ko para hindi ko marinig ang tawag niya sa akin.



"Hinahanap ka ng boyfriend mo." Sagot niya sakin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Huh? Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.



"Oo nga, ayun oh!" Tinuro niya sa akin kung nasaan si Kiel at andoon nga siya, hinihintay ako. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa sahig. Agad ko siyang linapitan. 


"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.



"Pwede mo ba akong samahan?" Sagot niya sakin. Kumunot naman ang noo ko.

"I don't know. Gumagawa kasi kami ng report." Dahilan ko sa kanya.



"Hindi na kaya!" Narinig kong sumigaw si Sarah.

"Hindi naman na pala eh. Ano tara?" Nakangiting tanong niya sakin.



"Teka lang..." Umalis ako at pinuntahan ko ang mga kagrupo ko.

"Ayos lang Jassy. Tapos naman na natin eh. I-eedit na lang namin 'to. Sige sumama ka na." Nakangiting sambit ni Te- tep sakin.



"Talaga? Ayos lang sa inyo?" Tanong ko.

"Oo naman." Sagot nila sakin. Ngumiti ako sa kanila at kinuha ko na ang mga gamit ko. Lumapit naman ako kay Kiel na agad binitbit ang mga gamit ko papunta sa kotse niya.



"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa mall." 



Bago kami dumeretso papunta sa Mall ay bumili muna siya ng makakain namin sa drive thru. Tamang-tama nga eh, dahil hindi pa ako nakakakain simula nung gumawa kami ng report namin.

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami at magkahawak ang mga kamay namin.



"May sasamahan lang tayo." Sagot niya habang lumilingon-lingon. Hindi na ako nagtanong at sumama na ako sa kanya.


Pumasok kami sa isang shop ng mga nag gagandahang damit pang babae. Nauna si Kiel at binati siya ng mga staff doon. Magkahawak pa rin kami ng kamay at sumusunod lang ako sa kanya.




"We're here!" Sigaw niya at may na-aaninag akong babaeng naka-upo sa isang sofa. Tumayo siya.


"Kuya!!" Agad niyang sinalubong si Kiel ng yakap. Hinila ako ni Kiel papunta sa tabi niya. Nakita ko ang mukha ni Katelyn na nagbago. Biglang dumilim at nangasim ang mukha niya.



"Kuya! Nasaan si Ate Ingrid?!" Tanong niya.

"Katelyn! I told you na busy si Ingrid. Naghahabol siya ng mga lessons, okay?" Sagot ni Kiel sa kapatid niya.



"Then sino ang tutulong sa akin na mamili ng susuotin ko?" Medyo irritadong tanong niya.

"Si Jassy." Diretsong sagot ni Kiel. Napalingon ako sa kanya dahil sa gulat.



"Ako?" Tanong ko at lumingon siya sakin.

"Yes." Sagot niya at ngumiti sa akin. Binaling niya ulit kay Katelyn ang kanyang atensyon.



"I know she can help you, Katelyn. I trust her." Sambit niya sa kapatid niya. Kita ko sa mukha ni Katelyn na gustong-gusto niyang umangal dahil sa desisyon ng Kuya niya.


"Iiwan ko muna kayo dito? May pupuntahan lang ako." Paalam samin ni Kiel. Nagulat ako kaya napahawak ako sa braso niya.



"Teka? Iiwan mo ako dito?" Agad kong tanong sa kanya.

"Yes baby. Sandali lang. Babalik din ako." Sagot niya sakin at pinisil niya ng mahina ang pisngi ko.



"I'll go ahead. Be nice to Jassy, Katelyn." Tumingin siya sa kapatid niya bago sakin. 

"Bye baby." Bago siya umalis ay hinalikan niya muna ako sa noo ko.




Parehas kaming walang nagawa ni Katelyn nang maiwan kaming dalawa sa shop na 'to. Parehas kaming tahimik at hindi nagkikibuang dalawa. Narinig ko ang pag buntong hininga niya na may halong pagka-irita.


"Uhmm..Ma'am. Pwede na po kayong pumili." Sambit sa amin nung babaeng staff. Siya ang bumasag ng katahimikang bumabalot sa aming dalawa kanina.



Padabog na tumayo si Katelyn at pumili ng susuotin niya. Umupo lang ako sa sofa habang tinitingnan siya. Ayokong makialam sa susuotin niya dahil hindi naman kami close, kahit na sinabi pa ng Kuya niya. Hinayaan ko lang siya. Nakita ko siyang naglalakad na papunta sakin at may hawak na dalawang damit.


"Pick" Simpleng utos niya sakin. 



Sa kanang kamay niya ay hawak niya ang isang dress na kulay pink na may ruffles sa baba na hanggang tuhod lang ang haba. Sa kaliwa naman niya ay hawak niya ang isang itim na fitted na damit at medyo nagpapakita ng dibdib. Magkaibang-magkaiba ang damit na hawak niya. 


"Pick faster! Naiinip na ako." Sambit niya sakin na halatang naiinip na nga.



"Uhmmm...ako ba talaga ang pinapapili mo?" Tanong ko sa kanya. Binababa niya ang kamay niya at agad na tumingin sakin. 


"Mygad! Tatanungin pa ba kita kung ako yung mamimili?" Mataray na tanong niya sakin. Hindi ako nakapagsalita sa kanya. Yumuko na lang ako.




"Just pick!" Utos niya sakin. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang hinihintay ang isasagot ko. 

"Yung nasa kanan." Mabilis na sagot ko sa kanya.



"This?!" Tiningnan niya ang damit sa kanan niya na hawak-hawak niya at napangiwi siya.

"I look like a kid in this dress." Angal niya habang tinitingnan ang damit.



"Try it Ma'am." Suggest nung staff na kakadating lang.

"Fine." Napa-irap siya at binigay na lang basta sa staff yung itim na hawak niya sa kaliwa. Pumuntat siya ng fitting room at doon nagpalit.



Iyun ang napili ko dahil bagay yun sa kanya. Bagay sa edad niya hindi tulad nung itim na pang matanda at mas appropriate pang clubbing. Ilang minuto lang ay lumabas na siya ng fitting room.


Napatayo ako at napangiti. Tama nga ako. Bagay sa kanya ang damit. Mas lalong lumabas ang balat niyang maala-gatas sa puti at mas naging dalaga siyang tingnan.


"Bagay sayo.." Sambit ko sa kanya at ngumiti ako. Ngumiti lang siya ng tipid sakin at linapitan yung babaeng staff. Umupo na lang ulit ako sa sofa habang hinihintay si Kiel. Tingnan ko ang cellphone ko pero wala pa akong natatanggap na text mula sa kanya.


"Let's go." Aya niya sakin habang kakatapos lang niyang magbayad sa cashier at nakapagpalit na rin siya ng damit niya.



"Sabi ni Kuya nasa Mcdo daw siya at doon ka na lang daw niya kikitain. Kaya tara na." Masungit niyang sambit sakin. Hindi na ako umangal at sumama na lang ako sa kanya.


Nauunang maglakad si Katelyn kaysa sakin. Sinusundan ko lamang siya papunta sa Mcdo. Marami ang tao ngayon kahit na work days. Karamihan ay puro mga estudyante amg nakikita ko. Siguro ay uwian na nila kaya dito sila tumatambay.



"Hey.." Liningon ako ni Katelyn. 

"Just go to Mcdo. Andoon si Kuya." Sambit niya sakin.



"Huh? Akala ko ba sasabay ka?" Tanong ko sa kanya.

"No. Hindi na. Mag meet-up kami ng mga kaklase ko. Kaya ikaw na lang ang pumunta sa Mcdo. Hindi na ako makakasama pakisabi kay Kuya." Sagot niya sakin at linamapsan na ako.



Naiwan ako dito sa daanan. Tinanaw ko kung nasaan ang Mcdo at medyo malayo 'to. Naglakad na ako papunta doon. Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Kiel kaso low battery na pala ako. Hindi na niya magawang makapag-text kaya tinabi ko na lang siya.



Dumiretso ako ng lakad. Hanggang sa makapunta ako sa Mcdo. Pumasok ako sa loob na hingal na hingal. Tinanaw ko ang kubuuan at tinitingnan ko kung nasaan si Kiel pero hindi ko siya nakita. Umakyat ako sa 2nd floor pero wala siya doon. Nag baka sakali ulit ako sa baba pero wala talaga siya dito. Hindi ko naman siya matawagan o matext man lang dahil wala na akong battery.



"Ayy sorry miss" May nakabanggaan akong lalaki na parang pamilyar sakin. Inangat ko ang ulo ko para makita ko siya at nagulat kaming parehas.



"Jassy?!"

"Ethan?!"




Hindi kami makapaniwala na magkikita ulit kami. Tinulungan niya akong makatayo.


"Anong gingawa mo dito Ethan?" Tanong ko sa kanya.



"Ahh, may business kasing inaasikaso si Dad and sumabay ako sa kanya papunta dito." Sagot niya sakin. Inaya niya akong umupo sa may labas ng Mcdo. 


"Hinahanap kaya kita...." Sambit niya habang umiinom ng coke.



"Ako? Hinahanap mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Oo." Sagot niya sakin. Tumawa lang ako sa kanya.



"Kamusta ka pala?" Tanong niya sakin habang binibigyan ako ng french fries.

"Ayos lang." Sagot ko. 



"Ikaw?" Tanong ko sa kanya habang sinsawsaw ang fries sa ice cream niya.

"Ayos lang din." Sagot niya at ngumiti sa akin. 



"Bakit pala ang aga niyong bumalik dito nung nasa La Coastal Resort kayo? Tinanong kita sa mga kaibigan mo eh." 


"Ahh. Napagdesisyunan kasi namin ni Kiel na mauna ng umuwi." Sagot ko sa kanya. Tumango lang siya habang patuloy ang pagkain ng fries.




"Kami na pala ni Savannah" 


Sambit niya sa akin. Agad akong napataas ng ulo sa kanya.




"Anong sabi mo?" Pagtatanong ko. Ngumiti lang siya sa akin.


"Ang sabi ko, kami na ni Savannah. Sinagot na niya ako." Sagot niya sa tanong ko.



"Talaga?! Paano?" Excited kong tanong sa kanya.

"Last two weeks lang. Nag set kasi yung mga barkada kong mag blind-date kaming dalawa pagkayari niyong umuwi. Nag-usap kami at nagkwentuhan. Hanggang sa ayun. Umamin ako sa kanya." Kwento niya sa akin. Mariin lang akong nakikinig sa kanya.



"Binigyan ko siya ng oras para makilala ako at makalimutan ang taong gusto niya. At nagtagumpay naman ako. Masaya na kami ngayon." Dugtong pa niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang sayang nararamdaman niya. Masaya rin ako dahil sa wakas masaya na siya sa taong matagal na niyang mahal.


"Congrats pala kung ganun." Bati ko sa kanya habang sobrang lawak ang mga ngiti ko.



"Fries and Ice Cream!" Sambit nung waiter sa amin.

"Salamat pala dito Ethan ah! Sabi ko naman sayo ako na ang magbayad kaso ayaw mo naman." Sambit ko sa kanya. Siya kasi ang bumili nito.



"Ayos lang yun, Jassy. Nakakahiya kayang pagbayarin ang babae." Natatawang sagot niya sakin. Tumawa lang ako sa kanya at hindi na siya pinansin. Nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa business ng daddy niya kaya nakapunta siya dito. Almost one week na pala sila andito. Kasama ang daddy niya.


"Nakaka homesick din pala." Sambit niya. 



"Namimiss ko na yung mga alon." Dugtong niya. Tumawa naman ako sa sinabi niya. 


"Wag ka ngang maghanap ng dagat dito. Puro building at traffic ang makikita mo rito sa Maynila." Sagot ko sa kanya. Tumawa lang siya sa sinabi ko pati rin ako.



"Teka Wait.." Inangat ko ang ulo ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla niyang pinunasan ang gilid ng labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. 


Magsasalita pa lang sana ako nang......




"Having a good time?" Narinig namin ang isang boses malapit samin. Tumingin kami sa kanya. 

"With my girlfriend?"  Magkasalubong ang kilay niya at nag-igting siya ng bagang. 




"Brad!" Tawag sa kanya ni Ethan at lumayo sakin. Inabot niya ang kamay niya kay Kiel pero hindi ito pinaunlakan ni Kiel.


"Kiel.." Mahinang tawag ko sa kanya. Kinakabahan ako. 



"Masaya ba, Jassy?" Seryosong tanong niya sakin at tiningnan ako ng masama. Napayuko ako.


"Brad! Wala kaming masamang ginagawa." Depensa ni Ethan na nasa tonong seryso na rin.



"May sinasabi ba ako?" Pilosopong tanong niya kay Ethan. Nakita ko na nagpipigil na rin si Ethan.


"Wala pero wag mong tratuhin si Jassy ng ganyan." Seryosong sagot niya kay Kiel.  Nagpapaligsahan silang dalawa sa pagtititigan ng masama. Agad akong kinabahan dahil mukhang hindi ata 'to magiging maganda.




"Concern ka naman kay Jassy, sa 'girlfriend' ko."  Pinagdiinan ni Kiel yung salitang girlfriend sa harap ni Ethan. Nag-igting na ng bagang si Ethan.


"Oo concern ako sa kanya." Tumayo na si Ethan sa kinakaupuan niya. Hinarap niya si Kiel.



"Eh gago ka pala eh!" Bigla sinuntok ni Kiel si Ethan. Nanlaki ang mga mata ko kaya napatayo na agad ako. Hinawakan ni Kiel ang kwelyo ni Ethan. 


"Girlfriend ko pinapatos mo!" Sigaw ni Kiel kay Ethan. Hinawakan ko ang braso ni Kiel at marahas kong inalis ang kamay niya sa kwelyo ni Ethan. Pumagitna ako sa kanila.



"Brad! Sa pinapakita mo? Mukhang hindi mo deserve si Jassy!" Sigaw ni Ethan. Susuntukin ulit sana siya ni Kiel kas0 pinigilan ko si Kiel.


"Sinong deserve niya? Ikaw?! Gago! Fvck your imagination." Galit na sagot niya kay Ethan. Nagpupumiglas si Kiel sa akin.



"Kiel may girlfriend na siya." Bulong ko sa kanya at umaasang titigil na siya pero nagkamali ako.


"Eh g*go ka pala eh. May girlfriend ka na tapos papatusin mo pa yung girlfriend ng iba?! Cheater!" Sigaw niya kay Ethan.



"Kiel, Tama na." Pagpigil ko sa kanya.

"Bakit ako ang pinapatigil mo, Jassy?" Inis na tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot sa kanya.



"Your such an ass, Brad." Bulong ni Ethan. Gusto ko siyang patigilin dahil sa patuloy niyang pag sagot kay Kiel. Pero hindi ko magawa dahil hindi ko mabitawan si Kiel.


"You are the ass!!" Sigaw ni Kiel at bigla niya akong tinulak kaya napa-upo ako sa sahig.



"Aray!" Napahawak ako sa sahig para kumuha ng supporta. Tumama yung ulo ko sa paa ng lamesa kaya napahawak ako dito.

Napatingin yung mga tao sa amin pati yung mga nagkakainan sa ibang restaurant. Dumating naman yung mga crew para tumulong sa pagpigil sa dalawang lalaking yan na gustong magpatayan.




Bigla akong nakaramdam ng kamay na humawak sa akin. Nag-angat ako ng ulo at tiningnan ko siya. Akala ko si Kiel ang tumulong sa akin pero nakatayo lang siya at nakatingin sa akin.


"Ayos ka lang, Jassy?" Nag-aalalang tanong ni Ethan sa akin. 



"Gusto mo bang dalhin kita sa Ospital?" 

"Wag na ayos lang ako." Tinulungan niya akong tumayo at medyo inalalayan pa niya ako.



"Sure ka ba?" Tanong niya ulit sa akin. Magsasalita pa lang sana ako nang biglang may humila sakin palayo kay Ethan. Marahas niya akong hinila palabas ng mall papunta sa parking lot. 


"Aray!" Inda ko sa sakit ng pagkahawak niya sa braso ko. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa paghila sakin. Nang makarating kami sa parking lot ay agad niya akong binitawan at kinulong sa sasakyan niya.



"What's that?" Seryosong tanong niya sakin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya umii was ako.


"Answer me!!" Sigaw niya sakin kaya napapikit ako.



"Wala" Mahinang sagot ko sa kanya.


"Anong wala?! Hindi ako t*nga, Jassy! Nakita kong hinawakan ka nung Ethan na yun!" Galit at irritadong sumbat niya sakin.



"Wala naman yun eh. Pinunasan lang naman niya yung dumi sa labi ko. Walang masama doon." Katwiran ko sa kanya.


"Anong walang masama doon?!" Lumayo siya sakin at kita ko sa mukha niya ang frustration na nararamdaman niya. 



"Jassy may boyfriend ka!! Tapos magpapapunas ka sa iba? Anong mararamdaman mo kung makikipaghalikan ako sa ibang babae?" Agad ko siyang sinampal. 


"Masakit Kiel! Masakit! Pero magkaiba yung pinunasan sa hinalikan! Masasabi mo bang hindi sinasadya yung makipaghalikan? Diba hindi?! Kasi magkaiban yun! Kaya wag mong pagkumparahin!" Sigaw na paliwanag ko sa kanya.




"Fvck it! Bakit kasi pumunta ka doon sa Mcdo?!" Tanong niya. Sigaw lang naming dalawa ang bumabalot sa buong parking lot. 


"Alam mo ba na kung saan-saang lupalok ng mall ako pumunta mahanap ka lang? Diba ang sabi ko sayo? Hintayin mo ako doon sa shop?!"




"Hinintay kita! Pero ang sabi ni Katelyn nasa Mcdo ka daw at hinihintay mo ako doon. Kaya pumunta ako pero wala ka naman doon. Nagkita lang kami ni Ethan doon dahil doon siya kakain kaya nag-usap lang kaming dalawa. Wala kaming ginagawang masama!" Paliwanag ko sa kanya. Nangingilid na ang mga luha ko. Wala pa ring nagbabago sa expression ng mukha niya. Galit pa din siya.


"Fvck! Get inside the car!!" Utos niya sa akin. Kaya sumunod agad ako. Mabilis niyang pinaandar ang kotse niya maka-uwi lang ako sa amin. Tahimik lang ang biyahe naming dalawa pauwi at walang kumikibo sa amin dalawa.




Nang nasa bahay na kami. Pinatay niya ang makina at nabingi kami sa katahimikan. Sumasakit na ang puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta isa lang ang gusto kong mangyari, maayos na 'to.


"Get out." Mahinang utos niya sa akin.




Agad na biniyak ang puso ko. Hindi ko inaasahang itataboy niya ako ng ganto-ganto lang. Parang gusto kong umiyak sa harapan niya. Lumabas na ako ng sasakyan niya at hindi pa ako nakakalingon paharap sa kanya ay pinaandar na niya kaagad ang kotse niya. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at napa-upo ako sa kinakatayuan ko.




Ang sakit!



Itutuloy....


A/N: 3 more chapters before the ending!! Please kindly follow me. Hehehe para ganahan akong mag UD bukas. Thanks in advance.


 

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

4.4M 112K 50
[PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.] Have you ever made the most stupid mistake in your life? I don't know which one is mine, is it introducing t...
2.3M 79.3K 49
Fairytale Series #1 COMPLETED #Wattys2020 New Adult Dahil sa kagipitan, naging personal doctor si Belle Antonette Flores Del Monte sa halos walang bu...
976K 26.2K 32
(#3) Paano kung sa mura mo pa lang na edad ay nabuntis ka na. Pero natatakot ka na sabihin sa lalaking 'yon ang katotohan dahil iniisip mo na baka h...
5.4M 347K 75
[To Be PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"