Until We Meet Again

Bởi Janztrich

518K 19K 12.7K

Akaizha and Gwen | "we can never be friends" Xem Thêm

UWMA - AGNC book 2
I
II
III
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
Nobela ni Author
XXV
XXVI

IV

18.3K 750 244
Bởi Janztrich

Oh, to be numb. To escape the cruel torment of such bitter sweet love. There is no perfect ending to a relationship. No magic formula. Just a silent scream as they rip your fucking heart out.

-Michael Faudet




Chapter 4 - Akaizha Chan



'I'm back,' usal ko sa aking isip. Isang linggo na rin simula nang makabalik kami ng Pilipinas.

It's good to be back.

Ngumiti ako sa kawalan habang nakaupo sa kama. Nagrereminsce muli ng mga alaala ko sa bahay na ito pati na rin ang mga alaala ko noon. Talaga nga naman na nakakamiss. I miss the old days.


Sa wakas pagkatapos ng tatlong taon? Hindi ko na halos matandaan. Nakabalik na rin ako ng Stellenfield galing Texas. Nakauwi na rin ulit ako. The feeling is so overwhelming. I can't explain it. Naninibago ako pero yung galak, yung excitement, yung lumbay na nararamdaman ko, nag-uumapaw.


Puno ng ginahawa akong bumuntong hininga. It feels so much good. Marami ang pumapasok na ideas sa utak ko ngayon while looking at nowhere. Marami akong gustong gawin, mga panibagong plano na gustong tuparin dito mismo. I want to fix things up that I messed. Marami rin akong gustong balikan, gustong makita. I miss my friends so bad.


Sa mga kaibigan ko, kay Samantha lang nanatili ang communication ko noon. Pero hindi rin madalas dahil pareho rin kaming busy sa pag-aaral.


I miss Lie. Si Skylie na hanggang ngayon ay sila pa rin talaga ng bestfriend ko. Good for them, by the way. Masaya ako sa kanila. I'm pretty sure mas maganda pa siya ngayon kumpara noon. Patay na patay pa rin sa kanya si Khail eh. Madalas niya pa rin i-kwento sa akin si Lie kahit magkalayo kami.


Si Rob naman, excited na akong makita siya. I miss his kakulitan so much. How he makes me laugh sa mga nakakatawang banat niya. Hindi ko alam kung siya pa rin ba ang dating kilala ko noon o mas babae na kaysa sa akin ngayon haha. Who knows. I can't wait to see him.

And, of course, ang taong isa sa dahilan kung bakit ako bumalik dito. Si Gwen Chloe. There's no word that can describe how much I missed her. I never thought I would miss a person this much. It's been three months noong huli ko siyang makita but felt like years already.

I'm longing for that girl so bad.


"Mommy! Tita Ganda is looking for you." Bumalik ako sa ulirat. Inilihis ko ang tingin ko. Nakasilip sa bungad ng pinto si Baby Akihiro, kalahati lang ng katawan niya ang kita. Yun lang ang tanging sinabi niya at agad din umalis. Wala sa sarili naman akong napangiti.

Such a cute little bean.

"Alright," sagot ko kahit nakaalis na siya. Napailing ako. My baby is so cute. He's growing too fast. I don't like it.


Si Samantha ang tinatawag niyang Tita Ganda. Naturuan niya agad ang bata noong mismong araw na sinundo niya kami sa airport, just because she doesn't like the sound of being called ninang. Inaanak niya ito, although medyo nakukulitan siya. Medyo makulit kasi talaga si Aki dahil nga bata and...ahm alright, makulit nga siya. I don't know how to excuse him at all haha.


And to clear things out, Akihiro is my little brother. He's not my son, folks. Mom and Dad adopt him doon sa isang foundation sa Japan noong magbakasyon kami two years ago. Gustong-gusto magkaanak ni mommy ng lalaki dati pa lang pero hindi na siya pweding magbuntis pa because I already got in danger noong ipanganak niya ako. Agaw ang buhay naming pareho noon. Awa ng diyos we both survived. Kaya ngayon napagdesisyunan na lamang nilang mag-ampon dahil sa takot na baka mangyari ulit ang muntik nang mangyari sa akin. Matagal na nilang binalak mag-adopt pero kamakailan lang natupad. And that's him, our Akihiro. Half Japanese and Australian. Six years old na siya ngayon. Three years old na siya nung kunin namin sa foundation. At mabilis lang din napalapit ang loob ng bata sa amin. Buwan lang ang itinagal.


Sa totoo lang I don't want him to grow up quickly. Gusto ko baby boy lang siya, cute, charming, sweet and caring, and clingy. Pero hindi eh, ang bilis niyang lumaki. And I cannot do anything about it. Minsan sinasabi na niya sa amin na big boy na siya. However, big boy na nga rin naman siya bago pa maging parte ng pamilya namin.



Masaya ako na may baby brother na ako. Hinahangad ko rin yan noon. Ang nakakatawa lang ako ang tinatawag niyang mommy instead si mommy na siyang tinatawag niyang mama, and papa ang tawag niya kay daddy. Ewan ko ba sa batang yun. I told him several times already to call me 'ate' dahil gustong-gusto kong marinig yun mula sa kanya but, he's not even listening. Ang akala tuloy dati ni Keyl anak ko siya dahil narinig nitong tinatawag akong mommy the time na magkausap kami sa phone. Ganon din ang akala ng ibang relatives namin.


Hindi na ako magtataka kung marami pa ang mag-akala, however, wala namang problema sa akin. Baka nga ipagmalaki ko pang anak ko siya dahil hindi lang siya basta gwapo at bibo kundi matalino rin. Makulit lang talaga, but still super cute.



Inabot ko ang sling bag kong nakasabit sa may wardrobe saka lumabas ng kwarto at bumaba. Nakabihis na rin ako. Inaantay ko na lamang talaga si Khail na dumating to fetch me. Magpapasama ako ngayon sa kanya para mag-inquire sa New Generation University.


Yes folks, dito na ako mag-aaral.


Sa N.G.U ko napiling magtransfer para ipagpatuloy ang pag-aaral ko dahil hindi lang sa gusto ko kundi pati na rin ng parents ko. Alam kasi nilang doon din nag-aaral si Sam. At kung ako naman ang tatanungin, doon ko rin naman pipiliin dahil hindi lang ang bestfriend ko ang nandun kundi pati na rin ang tatlong tao pa na mahalaga sa buhay ko.



Matapos kong magpaalam sa mga tao sa bahay at kay baby Akihiro, umalis din agad kami. Nasa business meeting si dad kaya kay mom maiiwan ang bata. And speaking of business, just for you to know, official ko nang pag-aari ang Aizha mall na pag-aari ko naman talaga noon, it was just that nakikialam pa rin si dad. Pero ngayon, I own it on my own. Ako na ang personal na nagpapatakbo nito. And a big kudos for me sa pagiging responsable. Hindi na ako ang dating immature na puro goofing ang alam haha.


"Hindi ka ba mag-sishift ng course?"  Tanong ni Sam. Sinundo niya ako pero ako rin ang nagmaneho. How great.


"Bakit naman?" Business Administration ang balak kong kunin na course pero noong nasa Texas ako ay hindi ganon ang tawag. Vocational lang ang kinuha ko roon but still related sa business, accounting, and etc. "I'm also thinking to take PolSci or Psychology. Wala pa akong final decision."



"Akala ko sure kana sa Business Ad?"


"I don't know," I shrugged. "How about the rest of the friends? Anong course ng baby mo?"


"Why do your tagalog has sounded like that?" Natatawa niyang tanong.


"Sounds what?" I glanced at her.


"Slang, girl. Slang."


"I know, little bitch. Alam kong medyo tabingi na ang dila ko sa tagalog."



"Tabingi naman talaga dati palang. Ang kaibahan lang, nagiging konyo kana rin."



I rolled my eyes again. "Whatever, best."



Binalik ko ang atensyon ko sa daan. As like always, nothing seems new, traffic is permanent in Philippines. Ang dami pa rin ang walang disiplina. Marami pa rin ang sobrang mausok ang sasakyan. Pollution mode.


"Rob and my girlfriend took nursing," sagot niya sa tanong ko. Bigla ko namang naalala na dati na niyang nabanggit sa'kin yun.



"Oh, I remember. Naitanong ko na rin pala yan dati sayo."


"Kaya nga. What else?"


"What else?" Ulit ko.


"May tanong ka pa?" She smiled playfully. I just frown and rolled my eyes to her. "Share ko lang, si Gwen naman..."


Napatingin ako sa kanya. Naging interesado ako. Hindi ko kasi alam ang course niya at never akong nagtanong tungkol doon, never din naibahagi ni Sam.


"Keyl!" I snarled.


Paano ba naman nakangiti lang siya ng mapanukso habang nakatingin ng deritso sa dinadaanan namin. Binibitin ako sa kanyang sasabihin.

"Why are you interested?"

"Gusto ko lang malaman!"

"Choose ka muna ng course mo," she grins. "Polscie, Psychology, or Business Ad?"

I groaned. Binalik ko ang tingin ko sa daan baka mabangga pa kami. "Does it really matter? Fine, Psychology." Hula-hula ko.

"Are you sure?"

"Of course! Bakit ba?" Iniinis niya talaga ako. Hindi naman siya ganito dati. Bakit hindi na siya nagsusungit ngayon? 'O baka naman nasa mood lang talaga. Hindi siya maldita ngayon ah.

"If you say so. Business Ad ang course niya." She smiled cheekily. "Kung tinatarget mong maging magkaklase kayo or blockmate...malabo yun dahil irregular ka. So, go psycho..." Sinamaan ko siya ng tingin. "...logy." And she laughed.

I shook my head in disbelief. Naninibago talaga ako sa babaeng ito. "May courses bang advance for irregular ang N.G.U?" Naitanong ko.

"What do you mean advance? Yung advance lang naman dun is yung mga students. Mga advance mag-isip."

"What I mean yung katulad sa Texas. Ikaw yung pipili ng magiging subjects mo. And you are able to go with higher levels. Pwede mo silang makisabay. You can choose your own blocks. May ganon kasi sa Texas." Explain ko. Two days lang ang pasok ko sa school sa isang linggo doon. Masarap maging buhay irregular kung ikukumpara sa regular students kung nasa Texas ka.

"Uh, meron pero exclusive lang siya for Accountancy. And aside from entrance exam kelangan mo rin magtake ng another exam para makapag-advance." Ipinaliwanag niya rin kung bakit Accountancy Department lang ang nag-o-offer ng ganon. Iba pala kasi ang offer na meron ang ibang courses.

I nodded. "Ipapasa ko yun."

"You can. Ang easy lang kaya ng entrance exam nila. For your information, naperfect ko yun." Pagmamalaki niya.

"I know, ikaw pa ba. But I'm talking about the advance exam. Paano magtake nun?"

"Right after you---wait, don't tell me...Accountancy na kukunin mo?!" Gulat siya.

"Ahuh."

"Geez, Akaizha. Hello, you said Psychology tapos Accountancy na? Pabago-bago ka. Tapos baka later on iba na naman. Tss, don't be so goof."

"Sure na ako sa Accountancy, best. Swear. Gusto ko yun. And besides, hindi naman mahalaga kung anong kukunin ko because at the end of the day pagh-handle pa rin ng business ang gagawin ko. And I'm already proficient on that field. Tapos na ang training ko for that and ang gagawin ko na lang ay mag-aral para makagraduate for diploma. Yun na yun. Matagal na akong nagstart para sa future ko. My preparation is all done," mahaba kong lintaya.

Naiiling naman siyang nag-slowclap habang nakapatong sa harap ang mga paa niya at magkacrossed pa. She laughed. "You are so me, full of yourself."

Natawa na rin ako. Buti alam niya.

"Mana sayo."


Almost 30 minutes din ang tinagal ng pagmamaneho ko saka namin narating ang University. Tatlong gate muna ang nadaanan namin bago natunton ang parking lot para sa visitors, dahil ayon pa kay Keyl ito ang pinakamalapit sa Registrar building kung saan ako mag-iinquire. Separate ang parking lot ng mga estudyante, professors, at mga sangay ng paaralan. In other words, lubhang malawak ang unibersidad na ito. Hindi mo maiikot ng buong araw kung lalakarin mo lang.

Ilang beses na akong napunta rito kaya OA na kung magugulat o ma-a-amaze pa ako. Pangatlong beses ko nang maparito. Unang beses ay ilang taon na, hindi ko na matandaan, high school pa ako. And the recent one, three months ago. Ganitong-ganito ang setup, walang nagbago, kaya parang wala lang sa akin na nandito ako ngayon.


Siguro kung baguhan lang ako baka naglaway na ako sa ganda ng nakikita ko. Parking lot pa lang, mapapanganga kana. Folks, New Generation University ito where all your expectation will be met or hihigitan pa. Ganon sila ka-awesome. One of the best picked school.


Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa nararamdaman kong excitement. Hype, excited na ako!



"Are you really sure you're gonna take an advance exam?" My bestfriend asked once again. Naglalakad na kami ngayon papunta sa Inquiry Building na nasa tabi lang ng registrar building.


"Absolutely sure."



"Why? Nagmamadali ka bang gumraduate?"



"No. Gusto ko lang sumabay sa inyo. Gusto ko kayong maging classmate."



"Kami?" Napahinto siya sa pagtatype sa kanyang phone at tumingin sa akin.


Bati na siguro sila ni Lie. Magkatext na sila ulit eh. Sabi niya kasi kahapon nag-away sila. Uso pa pala yun sa kanila.


"Oo, kayo."


"Okay."



"Bati na kayo?" Tanong ko, referring sa kanila ni Lie.



"Kahapon pa."



"Good."



"Hindi rin naman namin matiis ang isa't-isa," she said. Ngumiti lang ako. Sana lang lahat.


Alam kong magtatagal talaga sila at baka sila na nga talaga.

Gwen Chloe's Point of View

"Hay, walang anino ni Sandoval. Pumasok ng walang alam, umuwi ganon pa rin," I grumbled.

Buong section namin ay nakatunganga lang habang naghihintay sa professor naming mas tamad pa sa mga tamad pumasok sa school. Once a week na nga lang ang klase niya sa amin hindi niya pa magawang pasukan ng maayos. Tapos kung magpaquiz akala mo may naituro. Letse, sarap ingudngod sa whiteboard.


Alam niyo yung nakakairita sa kanya? Hindi man lang naghabilin o kahit magbigay man lang ng hint na hindi siya papasok. Nasasayang lang ang oras namin. Alam niya naman sigurong ito lang ang nag-iisa naming subject kapag Tuesday. Tanga ba siya?! Hindi nakakatuwa!! Nakaka-agrabyado na siya ah.

"Darling, ipasa mo na kasi yung letter of complaint. Hindi natin deserve ang professor na gaya niya. Does he really a teacher ba talaga?" Gigil din na sabi ni Margo. Mataray itong nakasandal sa upuan niya habang nakabusangot.

"Naipasa ko na. Bukas na bukas tanggal na yun." Akala niya siguro i-totolerate ang pagiging heedless niya.

Dalawang linggo nang inaamag sa akin ang letter na gawa ko. As a President ako yung gumawa ng complaint para sa concern namin. Noong una nagdadalawang isip pa ako, pilit ko siyang binibigyan ng chance baka may emergency lang na hindi namin alam. Hindi rin naman ako pweding magpadalus-dalos dahil possible talaga siyang mawalan ng trabaho. But then, wala man lang kaming nakukuhang explanation mula sa kanya or reason kung ba't siya wala. Tama ba yun? Pagkatapos naming maghintay tapos babalik siya na parang wala lang? Kalokohan.


ANG MAHAL KAYA NG BINABAYARAN NAMIN PER UNIT!

"Dapat lang!" Sang-ayon ni Mylene, kaklase rin namin.


Kung ang iba sa amin ay badtrip na badtrip dahil wala ang guro. Mawawala ba ang mga monggoloid na kulang nalang magpalechon sa sobrang saya dahil wala na namang klase. Abot-langit ang mga ngiti nila lalong-lalo na ang boys. When I say boys, meaning lahat ng boys at kasama na rin ang dalawang asungot naming kaibigan ni Margo, sina Gabriel at Jervy.

"Glorietta tayo!" Masiglang aya ni Jerv sa amin ni Margo. Nakangiti pa siya ng malapad.


"Oo nga, Uniqlo." Segunda ni Gab.

With that, napangiti ako. Kuminang-kinang pa yata ang mga mata ko dahil sa magandang ideya ni Jervy at Gab. I love roaming around sa Uniqlo. Hindi ko alam pero sobrang nahuhumaling akong pumunta doon kahit wala namang pera o wala namang bibilhin. Halos lahat ng tees ko doon ko binili.

"Sige! Ngayon na ba?" Agad kong inilabas ang phone ko para i-chat si Rob dahil siya lang ang alam kong online ng ganitong oras kahit may klase dahil sa nakaschedule na landian nila ng kanyang jowa. Lakas ng bagang eh.

"G agad siya eh," rinig kong komento ni Margo sa akin.


"Mamaya. Nagc-charge pa ako." Gab.

"Oo nga, mamaya na konti. Nagc-charge din ako." Jervy.


"Pumasok lang ata kayo para magcharge eh!" Sumbat sa kanila ng highblood pa rin na si Margo.

"Sungit naman po. Nagbabayad kami ng tuition noh." Jervy.

Hinayaan ko muna sila at hindi muna nakisawsaw. Napangiwi ako nang makita ang bago na namang profile picture ni bakla. Kung hindi ako nagkakamali, boyfriend na naman niya ang nagpalit nito. Kung anu-ano nalang. Mema.

Agad akong nagcompose ng message. Alam kong hindi agad siya magrereply or baka i-seen lang ako kaya para sigurado, tinatlo ko na agad haha. Sinigurado ko rin na magrereply talaga siya.

Ang cute ng nickname niya noh? Haha.

Perks of having me: Mabilis magreply. Panis ang 'typing...' niyo.

Nambubulabog daw hahaha utot.

Hays. Ang boring niya talagang kausap.

Anong ginagawa nila dun?

Ibinalik ko sa bulsa ng blouse ko yung cellphone ko saka tumayo. Hindi na rin naman nagreply pa si bakla. Hanggang angry react na lamang ang nagawa niya haha.

"Sama kang Glorietta?" Tanong ko kay Margo. Tumango naman siya. Busy na rin siya sa kanyang cellphone. "Punta muna akong registrar. Daanan niyo nalang ako dun."


"Copy."


Lumabas na ako at hindi na nagpaalam pa sa dalawang bugok. Dahil wala naman akong sasakyan at malayo-layo rin ang kinatatayuan ng Registrar building, pihado hagard na hagard akong makakarating.

Pucha, ano ba kasing ginagawa nila dun?!

Ako naman itong si uto-uto, sinabi lang pumunta on the way na agad. Ang bait.

Nacurious kasi ako sa 'someone is looking for you' ni bakla. Hayp siya. Kapag ako ini-echos niya lang. Humanda siya sa akin!

Napahinto ako. Hindi kaya inuuto niya lang talaga ako? Prank ba 'to? Joke time?

Subukan niya lang talaga, bakla siya. Ang init-init kaya tapos naglalakad lang ako. Peram payong, tangina.


_____________

Halos mapamura ako ng malutong pagpasok ng restroom. Dumaan muna ako bago dumiretso sa Registrar pero kapag tinamaan ka nga naman ng kamalasan. Hindi ako nakailag.


Oh my gosh mga teh!


Sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng araw na sobrang fresh ko, bakit ngayon pa? Ngayon pa na sobrang hagard ko animo'y inangkin lahat ng bungang-araw.

Huta, hindi kayo maniniwala. Nakasalubong ko lang naman si Ms. McKendall Lacson sa ganitong lagay ng pagmumukha ko. Palabas siya ng restroom at nagkasalubong talaga kami sa pinto. Isa lang ang masasabi ko, nakakahiyaaaaa! Nginitian niya pa ako kaya mas lalong nakakahiya!


Napakarilag niyang tunay huhu. Out na ako sa world. Bye.

P*ta Gwen.


Chinat ko muna ulit si Rob nang makarecover na ako ng slight sa embarrassment na naramdaman ko. Baka wala na akong madatnan sa registrar. Nakalimutan ko pa kaninang sabihin na pupunta nga ako. Shunga ko talaga.


Agad akong nagretouch ng bongga. Pero naiisip ko pa rin si Ms. Lacson. Kingina, nakakahiya talaga. Yung ang ganda ganda niya tapos makakasalubong niya akong gusgusin. Akala mo di nagsuklay. Speaking of suklay? Agad ko itong kinuha sa bag at nagsuklay. Kung anu-ano na ang namumuo sa isipan ko habang nakatingin sa salamin. Naimagine ko, baka paglabas ko rito si Winter Thales naman ang makita ko o di kaya yung kakambal niya.

Omg!

Madali kong tinapos ang pag-aayos ng sarili. Kelangan ko nang sumibat. Hindi ko kakayanin na makita si Xenon. Crush na crush ko yun! Baka himatayin lang ako. Shet, no.


Walang pasubali kong hinila ang bag kong ipinatong ko sa side ng lababo. Sinampal-sampal ko rin ang sarili sa mga unintended katangahan. Pagkatapos ay pumihit na ako para lumabas.


Pero napahinto agad ako. Laglag lahat ng lakas na meron ako.

Isang hindi inaasahang tao ang nakatayo sa may pinto.


Kagyat ay parang sinemento ang mga paa ko sa isang pigura at pares na magagandang mata na sumalubong paglingon ko.

Pareho kaming nagulat.


Imagination ko rin ba 'to?


"G-gwen."

__________tbc.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

493K 21.6K 46
Nagising si Zaylea mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa pagtatalo ng kanyang mga magulang. Hindi sinasadyang narinig niya ang dahilan ng pagtat...
2.3K 148 1
Paano kung natutong mag mahal ang isang kamatayan?
4.2M 92.7K 48
"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table...
5.2K 221 8
PAALALA: Basahin muna ang Prophecy Of Two Creatures bago ang Vengeance. ---- Labing walang taon na kapayapaan ang natamasa ng mga Bampira sa ilalim n...