So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.7K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 49 : Princess - News

14.8K 295 37
By Ytianity

ALLEN'S POV

"Ano iniisip mo? Kanina ka pa tulala dyan." tanong niya sa akin habang nagda-drive siya.

Pauwi na kami ngayon galing sa 'HONEYMOON' namin. Hindi kami pwedeng magtagal dun kasi baka maghinala na ang iba. Mga utak pa naman ng mga yun lumelevel sa computer. Tsk.

"Wala po. Pagod lang." pagsisinungaling ko naman.

Actually, iniisip ko yung sinabi niya sa akin kanina bago kami umalis.

*FLASHBACK*

Masaya akong kumakain ng almusal sa sala habang nanunuod ng TV nang biglang tumabi sa akin si Karl.

"Sabihin na natin sa kanila." sabi niya agad.

"Ha? Anong sasabihin natin?" nagtataka kong naitanong sa kanya habang hawak ko ang tinidor na may tusok-tusok na hotdog.

"Ibaba mo muna yang tinidor. Iba kasi naiisip ko eh." utos niya sa akin na sinunod ko naman agad.

Natatawa pa nga ako habang inilalapag ko yung pagkain ko sa mesa eh. Paano ba naman kasi bigla kong naalala yung eksena nung minsan siyang dumalaw sa bahay. Lunok siya ng lunok ng laway dahil sa kinakain kong hotdog.

"Oh ayan na po. Ano ba ang sinasabi mong sasabihin na natin?" tanong ko ulit sa kanya pero may halo nang pang-aasar yung tono ko.

Inismiran niya lang ako tapos ay kinuha niya yung remote at pinatay yung TV. Matapos niyang mailapag yung remote ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Napansin ko ang pagseryoso ng mukha niya kaya kinabahan ako. Ano ba kasi 'tong sasabihin niya?

"Babe, isang taon na tayo diba?" tanong niya sa akin na tinanguan ko lang bilang sagot.

"Sa tingin ko, dapat na natin ibulgar ang relasyon natin." kasabay nung sinabi niyang iyon ay ang paghigpit ng hawak niya sa akin.

Hindi ako makasagot sa sobrang pagkabigla. Ibubulgar na namin? Ito na ba talaga ang panahon?

"Allen?"

"Karl, pag-isipan muna natin ng maayos 'to. Kung sasabihin na natin sa kanila ang totoo, naisip mo na ba yung magiging reaksyon nila?" kabado kong tanong sa kanya. Kinakabahan kasi talaga ako  sa naisip niya eh.

"Hindi pa. Pero paano natin malalaman kung hindi natin gagawin diba?"

"Para ano? Para malaman natin na ayaw nila sa atin? Para paghiwalayin nila tayo? Kung ganun lang din naman, wag na lang nating sabihin."

"Allen, sawa na ako sa pagsisikreto natin. Gusto kong maipagmalaki sa mundo kung gaano ako ka-swerte na maging akin ka. Na mahalin ako ng tulad mo."

"Karl. Kung ako lang, gusto ko na talagang sabihin sa lahat na tayo nga. Proud din naman akong ako ang minahal mo kahit na maraming babaeng umaaligid sa'yo. Pero kasi, maraming nakapaligid sa atin. Kahit na anong gawin nating pagpupumilipit, mas mataas pa rin yung chance na sila ang manalo laban sa atin."

"Pero Allen.."

"Karl, pag-isipan muna natin, okay? Alam ko namang kaya mong magtiis pa ng konting panahon eh."

Hindi na siya sumagot pero pansin ko ang paglungkot ng mukha niya.

"Sige. Kung ayaw mo pa, hindi kita pipilitin." sabi niya lang tapos ay tumayo na siya at pumasok sa kwarto.

*END OF FLASHBACK*

"Iniisip mo yung kanina ano? Wag mo nang isipin yun. Okay lang talaga sa akin kung ayaw mo pang sabihin. Naisip ko rin naman kasing hindi nga tayo dapat magmadali sa lahat ng bagay. May tamang panahon para dun, at handa akong hintayin yun para sa'yo." sabi niya sa akin kaya nabalik ako sa pag-iisip ko.

Karl, bakit ba napaka-sweet mo? Napaka-bait mo? Tingin ko tuloy hindi ko deserve ang tulad mo dahil parang sobra-sobra nang atensyon ang ibinibigay mo sa akin. Samantalang ako, parang puro sakit na lang ng ulo ang binibigay sa'yo. Hindi mo man sabihin alam kong nalungkot ka nung sabihin kong wag muna nating sabihin ang relasyon natin.

Ayoko rin naman kasing magpadaskol-daskol sa desisyon. Oo nga't kilala namin yung mga taong nakapaligid sa amin pero katulad ba ng iniisip namin yung mga isasagot nila? Yun ang dapat naming pag-isipan.

"Babe, don't worry about it. It's fine with me. Kung ano ang desisyon mo, gagalangin ko." sabi pa niya kaya parang tinamaan na naman ako ng guilt.

Isang taon na nga naman kayo, Allen, ano pang ikinatatakot mo? Sa loob ng mahabang panahon ng pagsasama niyo, hindi mo pa ba napatunayan na para kayo sa isa't-isa? Na hindi na madaling matitibag ang relasyon niyo? Ano pa bang hinahanap mong patunay?

"Binabawi ko na ang sinabi ko Karl."

Bigla niyang inihinto ang sasakyan sa tabi dahilan para mapa-igtad ako patama sa headboard. Tinignan ko siya ng masama dahil sa ginawa niya. Muntik na kayang tumama ang ulo ko sa headboard!

"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko yung seatbelt ko.

"Anong binabawi mo na? Yung 'I love you' na sinabi mo? Hindi mo na ba ako mahal? Ayaw mo na ba sa akin? Ano bang nagawa ko? Sabihin mo." sunod-sunod niyang sabi kaya natawa lang ako.

"Tinatawanan mo lang ako? So, totoo? Iiwan mo nga ako? Pakshet naman! Hinintay ko ang isang buong taon para sa wala?" sabi pa niya tapos ay napasandal siya ng ulo niya sa manibela.

Bakit po ba binigyan Niyo ako ng OA na boyfriend? Pero magkagayon man, mahal na mahal ko yan. Yun nga yung gusto ko sa kanya eh.

Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya pero hinawi niya lang yun at nagpatuloy siya sa pagmumukmok.

"Karl, makinig ka nga muna. Hindi kasi yun ang ibig kong sabihin." sabi ko sa kanya tapos ay kinuha ng mga kamay ko ang kanyang mukha at pinilit siyang iharap sa akin.

Nakita ko ang nangingilid na niyang luha kaya nagpigil ako ng tawa. Mamaya magalit 'to pag tinawanan ko pa siya lalo. Pinunasan ko muna ang luha niya at hinalikan siya sa pisngi. Ibinaba ko ang kamay ko at hinawakan ang kanyang kamay. Marahan ko iyong pinisil para ipaalam sa kanya na hindi ko siiya iiwan. Na hindi ko siya pababayaan.

"I won't leave you, okay? Ang sinasabi ko kasi, yung balak kong pag-isipan muna ang pinaplano natin na magtapat sa lahat. Parang ayoko nang pag-isipan pa yun. As long as makatungtong agad ako ng teritoryo namin, sasabihin ko na agad yun kay Mama." sabi ko sa kanya at nakita ko ang biglang pagliwanag ng mga mata niya at ang pagngiti niya.

Humigpit din ang hawak niya sa kamay ko at bigla akong hinila para yakapin. Hinagod niya din ang likod ko na para bang dinadama niya ako.

"Akala ko, ayaw mo na sa akin eh. Akala ko hindi mo ako mahal."

"Posible ba yun? Binigay ko sa'yo virginity ko, papakawalan pa kita? Hindi pwede yun!"

"Good. Pa-kiss nga."

Biglang tumama ang labi namin sa isa't-isa at ninamnam namin ang sandaling iyon. Pagkatapos nun ay bumalik na siya sa pagmamaneho at binaybay namin ang daan pauwi sa amin.

Napag-planuhan naming magkasama kaming magsasabi sa pamilya ko. Gusto ko sanang ako na lang mag-isa ang magsabi pero ang kulit niya eh. Talagang ma-push siya sa pagsama sa akin.

Habang papunta kami sa bahay ay hawak-hawak niya ang kamay ko. Gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa hiyang bumabalot sa akin. Pinagtitinginan kasi kami ng mga kapitbahay namin eh. Pero hinayaan ko na lang din kasi magtatapat na din naman kami kay Mama eh.

"Sabi ko na nga ba boyfriend mo yan Allen eh!" sigaw ng isa naming kapitbahay kaya nginitian ko lang siya. tinaas naman ni karl ang magkahawak naming kamay kaya sumipol ang iba. Sige, ipagpatuloy niyo lang yan. Lumalakas lalo loob ng lalaking 'to eh.

Pagtapat namin sa pinto ng bahay namin ay humigpit ang hawak niya sa akin. Tinignan ko siya, seryoso siyang nakatingin sa pinto na akala mo ay in-interrogate siya nito.

"Kabado?" tanong ko sa kanya.

"Medyo." maikli naman niyang sagot.

Pinisil ko na lang ang kamay niya at binuksan ang pinto.

KARL VINCENT'S POV

Nyeta! Kinakabahan ako! Lalo pang lumakas yun nung marinig kong nagsisisigaw si Tita sa taas. Pagpasok kasi namin ni Allen sa loob ay bigla kaming sinalubong ni Tita at hinila niya si Allen papunta sa taas. Nagalit siya siguro nung hindi umuwi si Allen kahapon. Magpapaliwanag na lang ako sa kanya mamaya. Alam ko namang pakikinggan niya ako eh.

"Karl. Bakit hindi umuwi si Kuya kahapon? Anong ginawa niyo?" tanong ng kapatid ni Allen sa akin. Nginitian ko lang siya kesa sa sumagot ako. Ayokong pangunahan si Allen eh.

Kinulit-kulit niya ako hanggang sa dumating na si Allen kasunod si Tita.

"May sasabihin daw kayo sa akin?" tanong ni Tita na may tono ng pagsusungit. Paktay. Mukhang bad mood ah?

Umupo si Allen sa tabi ko at ipinatong ang kamay niya sa may tuhod ko.

"Sorry po kung hindi po naka-uwi si Allen kahapon. Kasalanan ko po yun." bigla kong nasabi para mawala ang pagka-badtrip niya. Pero walang sumagot sa kanila bagkus ay isang mahinang pagsiko sa tagiliran ang natanggap ko.

"Naipaliwanag ko na yan kay Mama. Yung 'sasabihin' natin ang sabihin mo sa kanya." bulong niya sa akin.

"Bakit ako?" patanong ko ding bulong sa kanya. Kabado kasi ako eh.

"Kesa naman ako! Eh ikaw may gusto nito diba?" sagot niya.

"Ako lang ba? Sabi ko naman na hihintayin ko hanggang sa maging handa ka diba?" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Eh kasi nam---" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang umubo si Tita. Napalingon kami sa kanya at nakita kong nakataas ang kilay niya. Shit! Seryosong bagay na 'to.

"Tuloy pa ba? Ano ba yang sasabihin niyo?" masungit na tanong sa amin ni Tita.

Napalunok ako ng laway at napapunas ng kamay sa pantalon. Pinapasma na ako sa sobrang kaba. Napayuko pa ako dahil hindi ko kaya yung pressure ng titig ni Tita. Nakakabutas ng kaluluwa eh.

"Uhm, Tita. Kasi po si Allen at ako..." binitin ko muna yung sasabihin ko dahil gusto kong makita ang reaksyon ni Tita. ".... isang taon na po kaming mag-syota." mabilis kong dugtong.

Nagulat si Kate pero parang hindi na nagulat si Tita.

"Oh tapos?" tanong pa ni Tita na parang bored sa sinabi ko.

"Ma! Isang taon! Naitago nila sa atin ang relasyon nila ng isang buong taon? Paanong hindi ka nagulat? Ako, gulat na gulat! Hindi ko aakalaing magkaka-boyfriend si Kuya na gaya ni Karl! Akala ko, kay Jake lang talaga siya!" sunod-sunod pang sabi ni Kate kay Tita.

"Epal ka, 'nak! Oo, botong-boto ako kay Jake pero anong magagawa ko kung si Karl ang pinili niya diba? Hindi naman natin kayang diktahan ang puso ng isang taong nagmamahal eh. Kung dyan siya masaya, suportahan na lang natin siya." kalmadong sabi ni Tita. Para talaga siyang isang ina na nagmamahal sa mga anak niya.

"Ma?"

"Bakit Allen?"

"Thank you."

"Para saan? Sa pagtanggap ko sa inyo? Matagal ko na kayong natanggap. Simula pa lang nung unang beses na makita ko si Karl dito sa atin. Alam kong hindi niyo pansin nung mga panahon na yun pero iba ang tinginan niyo sa isa't-isa. Halatang may gusto kayo sa isa't-isa." sabi pa ni Tita kaya parang nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya. Napansin na pala ni Tita yun?

"Totoo, Ma?" tanong ng kapatid ni Allen na para bang isang interesting na topic sa school ang pinag-uusapan namin.

"Oo, Kate. At saka, aayain niya ba tayo sa isang family dinner sa Pasko kung wala lang yung nararamdaman niya? Alam ko na noon na higit pa sa pakikipagkaibigan ang turing mo sa kanya Karl. Nakakatuwa lang isipin na ikaw ang napili niya. Ang hiling ko lang sana, wag na wag mong sasaktan ang anak ko. Pag nangyari yun, wag mong aasahan na magiging maayos ang pakikitungo ko sa'yo. Mabait ako kung sa mabait, pero pag mga anak ko na ang involved sa issue, nagiging masama ako." sabi ni Tita sa akin kaya napatango na lang ako. Nakakatakot yun ah?

"Ma! Wag mo namang takutin si Karl!" pagsaway ni Allen.

Tumawa ng malakas si Tita kaya parang nabawasan yung kaba ko.

"Kuya. Hanggang saan na kayo naka-abot?" biglang tanong ni Kate.

Napatayo si Allen at napasigaw naman si Tita sa batang babae. Pinaakyat niya ito para hindi na mangulit pa sa issue na yun. Parehas na namumula sina Tita at si Allen dahil sa narinig. Si Tita, siguro dahil sa inis kaya namumula. Si Allen, panigurado, dahil sa hiya. Ang cute nila! Hehehe.

Umupo sila parehas pero walang nagsasalita. Napuno kami ng katahimikan kaya nailang ako. Nung ibuka ko ang bibig ko para magsalita ay naunahan ako ni Tita.

"Meron na nga bang nangyari sa inyo?" nakayukong tanong sa amin ni Tita.

Napaigtad si Allen at bigla siyang uminit. Napayuko din siya at napahawak sa kamay ko.

"Sa kanya ko po ibinigay ang virginity ko." mahinang sagot ni Allen.

Napasinghap si Tita at tinitigan ulit ako.

"Ayan, pirmado mo na ang anak ko. Pag yan naging malungkot ng dahil sa'yo, ha-hunting-in kita kahit saang sulok ng mundo!" pagbabanta ni Tita kaya bumalik ang kaba sa dibdib ko. Bakit ba ngayon ko lang na-notice na may pagka-dragon pala ang pamilya ni Allen? Nakakatakot tuloy. Pero kahit na ganun ay mahal ko pa rin sila. Sila ang pinakamahalagang tao sa buhay ni Allen kaya dapat ko rin silang mahalin.

"Tita, hinding-hindi ko po sasaktan si Allen. Mahal po namin ang isa't-isa. Hindi ko po hahayaan na maging malungkot siya." paninigurado ko sa kanya. Kahit maikli lang yung sinabi ko, totoo naman yun.

"Sige. Panghahawakan ko yang sinabi mo. Pero paano na si Jake nyan?" biglang tanong ni Tita kaya napalingon ako kay Allen.

"Magkaibigan pa rin po kami ni Jake. Walang nagbago. Alam na din po niya ang tungkol sa amin." sagot ni Allen.

"Mabuti naman. Matagal na rin kayong magkaibigan nun, mahirap kung masisira ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa nagka-boyfriend ka." sabi lang ni Tita at sabay kaming tumango ni Allen bilang pagsang-ayon.

Tumayo si Tita at tinungo ang kusina.

"Dito ka ba manananghalian Karl?"

"Pwede po ba?"

"Oo naman! Boyfriend ka ng anak ko eh."

"Sige po. Thank you po."

Nung maiwan kami ni Allen sa sala ay nakangiti kaming nagtinginan sa isa't-isa. Hindi ko alam, pero sobrang saya ko ngayon. Wala akong masabi sa pagtanggap sa amin ng Mama niya.

"Kaya natin 'to. Alam kong mahirap, pero basta nandyan ka sa tabi ko, alam kong kakayanin natin ang lahat." nakangiti niyang sabi sa akin tapos ay sumandig siya sa balikat ko.

Matapos ang isang oras ay tinawag na kami ni Tita para kumain. Masaya kaming nagkwentuhan sa hapag-kainan. Tinanong nila kung kailan ba ang anniversary namin, kung bakit wala kami kahapon, kung ano ginawa namin, kung naka-ilang beses na kaming nag-'ganun'. Natutuwa lang ako sa pagka-open-minded nila. Hindi problema sa kanila kahit na gawin namin yun ng madalas, basta lang daw gumagamit kami ng proteksyon. Nung malaman ni Kate na ginawa na nga namin 'yun', para siyang batang sabik na sabik sa lollipop! Gusto niyang ipa-kwento ang mga nangyari sa amin. Pero bilang nandun si Tita at nahihiyang magkwento si Allen, hindi namin yun pinag-usapan. Besides, bata pa si Kate para dun. Hahaha.

Matapos ang pagkain namin ay nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na. Nagpasalamat ako kay Tita sa pagtanggap niya sa akin tapos ay hinalikan ko si Allen sa pisngi sa harap nila. Kilig na kilig si Kate sa likod kaya ngiting-ngiti lang ako.

This turned out to be good. Sana pag sinabi namin 'to sa iba, ganito din reaksyon nila. Ayaw ko ng gulo eh.

ALLEN'S POV

Pagkaalis ni Karl ay tinext ko si Diane. Balak ko na ding sabihin kay Diane ang relasyon namin ni Karl. Napaka-unfair naman kasi kung hindi ko pa sasabihin sa kanya diba? Bestfriend ko pa ba ang huling makakaalam ng isa sa pinakaimportanteng part ng buhay ko?

Naghintay ako ng reply niya sa loob ng kalahating minuto pero walang dumating. Ano bang ginagawa ng pangit na dragonesang 'to? Bakit walang reply? Pulubi mode na naman ba siya? Tatawagan ko na nga lang! Kainis! Ang gasta sa load ng babaeng 'to!

Pagtawag ko sa kanya ay agad na may sumagot. Pero lalaki yung boses! Si Jason? Magkasama sila ni Jason?

/ Allen! Anong nangyari kahapon? Hindi na kami bumalik kasi sumakit yung tiyan ni Greg eh. Sinugod namin siya sa ospital. Buti nga maayos ang lagay niya eh. / bungad agad niya.

Shit! Bakit ba magkasama 'tong dalawang 'to? At ngayon pa talaga ha?

/ Si Diane? / tanong ko sa kanya para iwasan namin yung issue na yun.

/ Nasa changing area. Nagsha-shopping kami, bakit? / sagot naman niya tapos ay narinig ko ang tunog ng paggalaw ng mga plastic. Grabe, mukhang nangurakot na naman 'tong kaibigan ko kay Jason ah?

/ Gastos mo na naman ano? / tanong ko sa kanya.

/ Hayaan mo na. Minsan lang naman 'to eh. / natatawa-tawa niya pang sagot sa akin. Tsk tsk. Baliw na ang kaibigan ko sa bestfriend ko. Hay.

/ Naku, wag mong pamihasain yan. Ikaw din magsisisi sa huli. / babala ko sa kanya tapos ay suminghot ako, parang sisipunin ako eh.

/ Ako pa ba? Eh ito ang gusto niya eh. Alangan namang i-disappoint ko siya. Bakit ka nga napatawag? May sasabihin ka ba? Nagtext ka din kanina ah? / paalala niya.

Shit kasi! Alangan namang sabihin ko sa'yo diba? Ikaw na ang huling taong pagsasabihan namin ng sikreto. Iba ka mag-isip eh. Magagalit ka sa amin eh.

/ Ah, wala. Kukumustahin ko lang sana si Diane. Na-miss ko ang bestfriend ko eh. / pag-iwas ko ulit. Mamaya madulas pa ako lalo pag nagbigay ako ng kahit na konting hint eh.

/ Ganun ba? Sige, sasabihin ko sa kanya mamaya. / sabi niya lang tapos ay narinig ko ang boses ni Diane na parang tuwang-tuwa sa ginagawa niya. Nakakita siguro ng magandang damit yun at tuwang-tuwa siya sa fit nun sa katawan niya. tsk tsk.

/ Sige. Sabihin mo na lang na tumawag ako ha? And for the last time, papatayin kita pag sinaktan mo yang bestfriend ko! /

/ Ako pa talaga ang papatayin mo ha? Isinakripisyo ko na nga ang pagiging playboy ko para lang sa kanya eh. /

/ Sige. Tignan natin kung kaya mo ngang panindigan yan. /

/ Oo. Makikita mo, ako nga ang lalaking para sa bestfriend mo. /

Matapos nun ay ibinaba ko na agad ang tawag. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya eh. Tatawagan ko na lang ulit si Diane mamayang gabi. Gusto ko na talagang sabihin sa bestfriend ko eh. Kating-kati na ako!

Natulog muna ako saglit para makapag-pahinga. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa ginawa namin ni Karl. Inilapag ko ang phone ko sa sidetable at nagbalot na ng kumot para hindi ako maistorbo ng mga tao.

Matapos ang ilang oras ay ginising ako ni Mama. Kanina pa daw ring ng ring ang cellphone ko tapos may bisita daw ako sa baba. Pagbangon ko ay napansin kong gabi na pala. Ang tagal ko ding nakatulog ah? Dinampot ko na yung phone ko at sinagot ang tawag.

/ Hello? Sino 'to? / bungad ko. Medyo garalgal pa ang boses ko dahil nga kakagising ko lang

/ Babe! / sigaw ni Karl. Grabe lang. Ano tingin niya sa akin? Bingi?

/ Oh Karl! Bakit? Anong meron at napatawag ka? / tanong ko na lang sa kanya habang tinataktak ko ang tenga ko dahil baka tinubuan agad ako ng something dun.

/ Wala lang, na-miss kita eh. / sabi niya lang tapos ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

/ Luh! Pagkalat mo sa kanto! Kanina lang magkasama tayo ah? / 

/ Eh sa na-miss kita eh, anong magagawa mo? /

/ Oo na! Na-miss mo na kung na-miss. Balak ko nga palang sabihin kay Diane yung tungkol sa atin. /

/ Ha? Sigurado ka ba dyan? /

/ Yup. Ayoko namang magalit sa akin yung pangit na yun! Pag nalaman niyang matagal na tayong magka-relasyon, sigurado ako, magwawala yun. /

/ Gusto mo bang samahan kita? /

/ Wag na. Kaya ko naman 'to eh. Besides, alam kong mahal ako ni Diane kaya huhupa din agad yung galit niya, kung sakali mang magalit nga siya. /

/ Sige, I'll leave you at that. Basta sabihin mo lang sa akin pag may problema ha? Ayokong harapin mo ng mag-isa yun. /

/ Oo na. Feeling ko tuloy babae ako. /

/ Oo naman! Ikaw ang prinsesa ko eh. /

/ Luh! Corny mo! May gwapo bang prinsesa? /

/ Oo, ikaw! /

/ Leche! Sige na! May kakausapin pa ako. May bisita daw ako sa baba eh. /

/ Sige po, my princess. Wag mong i-entertain yang bisita mo kung manliligaw lang ha? May prinsipe ka na, wag ka nang maghanap ng iba. /

/ Che, Karl! 20 ka na, ganyan pa nasa utak mo. /

/ Eh syempre, gusto kong akin lang ang prinsesa ko. /

/ Tama na nga! Para ka nang tanga. /

/ Nang dahil sa'yo. /

/ Ahh ewan. Ibaba ko na ha? /

/ Sige. Bye, princess. Tatawag ako mamaya ha? /

Tss. Princess!? Minsan talaga saltik ang boyfriend ko! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip nun at bigla akong tinawag na ganun! Pero hindi niya ako dapat tawaging ganun! HINDI AKO BABAE!

"Anak!! May bisita ka nga diba? Mano man lang na bumaba ka diba?" sigaw ni Mama mula sa baba kaya natauhan ako at dali-daling bumaba ng kama.

Binuksan ko ang drawer ko at kumuha ako ng T-shirt na pamalit sa suot ko. Pagkatapos kong magpalit ay nagsuklay ako ng buhok at ibinulsa ang cellphone ko. Paglabas ko ng kwarto ko ay nasalubong ko ang kapatid ko na may dala-dalang mga makukulay na papel.

"Saan punta mo, Ate?" agad kong tanong sa kanya.

"Sa bahay ng kaklase ko. Gagawa kami ng portfolio namin." nakangiti naman niyang sagot.

"Portfolio, bakasyon? Ano ka, advance studying?" sarcastic kong tanong sa kanya. Sino ba naman kasing maniniwala na gagawa siya ng portfolio diba?

"Gagawa kami ng cover! Alam mo naman ang labanan ng mga portfolio ngayon, kailangan mala-scrapbook ang peg!" sagot niya tapos ay may kinuha siya sa bulsa niya. Cellphone niya.

"Sino yang 'kasama' mo?" pang-uusisa ko sa kanya.

"Si Mara saka si John Dave."

"Si John Dave? Diba yun yung lalaking sikat sa school sa pagiging playboy? Bakit kasama mo siya? Hindi mo naman kaklase yun ah?" pangungulit ko pa sa kanya.

"Eh sa gusto niyang sumama eh. Anong magagawa mo?" pagtataray naman niya sa akin.

"Pag nalaman kong boyfriend mo yun, lagot ka sa akin. Hindi ka na makakalabas ng bahay." pagbabanta ko sa kanya.

"Relax, Kuya! Hindi naman siya sa akin nanliligaw eh. Kay Mara. Sumama lang siya sa amin kasi nga nagpapa-impress siya sa kaibigan ko." biglang bawi niya sa sinabi niya.

"Siguraduhin mo lang ha? Pag nalaman kong boyfriend mo yung ganung klase ng tao, maghahalo talaga ang balat sa tinalupan."

"OA mo! Sabihin mo yan kay Ate Diane na kanina pa pinakikinggan ang pagtalak mo." sabi niya sa akin tapos ay inginuso niya ang hagdan.

Lumingon ako at nakita ko doon si Diane na nakatayo at nakangiti lang.

"Very, very tatay ka na naman sa kapatid mo." bigla niyang sabi.

"Ayoko lang na dumating yung panahon na ma-realize niya na mali pala siya ng desisyon. Ayokong tatakbo siya sa amin para lang umiyak dahil sa iniwan siya ng mga ganung klase ng tao." pagpapaliwanag ko naman.

"Grabe ka, Kuya! Wala ka bang tiwala sa akin? At saka, kaya nga pamilya ko kayo kasi kayo ang taong inaasahan kong tutulong sa akin sa oras ng problema ko eh. Ganyan ka na ba sa akin?" lungkot-lungkutan na sabi sa akin ng magaling kong kapatid.

"Ayan! Pinapalabas mo na naman ang pagiging matured ng kapatid mo eh. Gusto mo talagang pinamumukha niya sa'yo na dapat siya yung unang pinanganak eh 'no?" pagbibiro ni Diane na tinawanan ng kapatid ko.

Masama na bang mag-alala sa lagay ng kapatid? At saka, gusto ko lang na mag-ingat siya sa magiging desisyon niya. Hindi naman palaging nandyan kami sa tabi niya.

"Gusto ko lang ipaalam na dapat muna niyang pag-isipan ang lahat ng bagay." sabi ko naman tapos ay napasandal ako sa pintuan ng kwarto ko.

"Oo na, Kuya. Promise ko sa'yo, hindi muna ako magso-syota hangga't hindi pa ako nakakapag-college. Pa-chape-chaperone lang muna ako sa mga kaibigan ko." ang galing magbitaw ng pangako! Akala mo naman madali niyang matutupad!

"Che! Sige na! Lumayas ka na! Magpagabi ka ng makita mo ang mga damit mo sa kalsada!" babala ko sa kanya.

"Hala! Bahay mo? Makapag-palayas ka ah!?" ganti naman niya.

"Soon-to-be owner ako bakit? Ako ang tagapag-mana ng Villa Estanislao!" pabiro ko namang sabi sa kanya na ikinatawa ni Diane.

Inirapan lang ako ng kapatid ko at bumaba na. Alam kong susunod yan sa akin ngayon. Kasi alam niyang seseryosohin ko yung pagtatapon ng damit niya. Hahaha.

"Oh, ngayong naka-larga na ang kapatid mo, ano ba yung gusto mong sabihin kanina? Sabi ni Jason may sasabihin ka daw sa akin eh." biglang paalala ni Diane kaya dumiretso ako ng tayo.

"Halika, dito tayo sa kwarto ko. Gusto kong sabihin sa'yo ng pribado." seryoso kong sabi sa kanya.

"Baka rape-in mo ako ha?" bigla niyang bulalas kaya napalingon ako ng masama sa kanya.

"Maganda ka ba? Sexy ka ba?" pang-aasar ko sa kanya.

"Ang harsh mo sa akin." sagot niya lang. Nangingiti ako dahil hindi niya mapalagan yung sinabi ko.

"Totoo naman kasi! Ewan ko nga kung bakit nagkagusto sa'yo si Jason eh. Sa pagkakaalam ko, may taste yung taong yun." sabi ko pa tapos ay binatuhan ko siya ng pinaka-mapang-asar kong ngiti.

"Sige lang, Allen. Damang-dama mo yang pang-aasar mo sa akin ha?" naiinis niyang sabi. Bakit ba ang pikon ng babaeng 'to ngayon? Ano bang ginawa sa kanya ni Jason at bigla siyang nagkaganito? Ang pangit pala ng epekto ng lalaking yun sa kaibigan ko?

"Oh bakit? Ikaw nagpasimula eh." sabi ko na lang para tumigil na kami sa asaran.

Sumunod siya sa akin sa loob ng kwarto at lumundag agad siya sa kama. My gahd! Parang walang kama sa bahay! Pag nagkapera nga ako, bibilhan ko ng kama 'tong kaibigan ko. Kawawa naman eh. Hahahaha.

"Oh ano ba yung sasabihin mo?" tanong niya sa akin habang nakalagay ang mga kamay niya sa likod ng ulo niya.

Bago ako sumagot ay umupo ako sa tabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at nag-sorry.

"Para saan? Bakit ka nagso-sorry? Anong meron?" sunod-sunod at punong-puno ng pagtataka ang mga tanong niya. humigpit lang lalo ang yakap ko dahil nagi-guilty ako sa ginawa ko sa bestfriend ko. Naturingang bestfriend ko pero hindi ko mapagsabihan ng sikreto eh 'no? Baliw lang talaga siguro ako. Isama na yung takot sa panghuhusga.

"Oy! Allen! Kinakabahan na ako sa'yo! Ano bang meron at nagso-sorry ka? Sabihin mo kaya!" sabi pa niya habang pinipilit niyang kalasin yung yakap ko sa kanya.

Dahan-dahan akong bumitaw at hinawakan ang kanyang kamay.

"Wag kang magagalit sa akin ha?" tanong ko agad sa kanya.

"Eh ano ba yan?"

"Basta wag kang magagalit ha?"

"Oo, sige. Basta ba hindi ako mapapahamak dyan eh."

Napa-buntong hininga ako dahil isang malaking sikreto ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya. Yumuko muna ako bago ako magsalita.

"Boyfriend ko si Karl. At isang taon na kaming magka-relasyon." mabilisan kong nasabi dahil ayoko nang patagalin pa.

Inalis niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko kaya kinabahan ako. Gusto kong mag-angat ng mukha para titigan siya at humingi ng sorry pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang harapin ang galit ng bestfriend ko.

"Sorry, Diane. Sorry talaga."

"ALLEN! Bakit mo yun ginawa?" tanong niya sa akin. Hindi ko malaman sa boses niya kung galit ba siya o hindi.

"Eh kasi gusto muna naming isikreto sa lahat ng tao ang relasyon namin. Ayaw naming mahusgahan habang nagmamahalan kami. Gusto naming sumaya. At ang pagpapaalam sa mundo ng estado ng kung ano mang namamagitan sa amin ay hindi makakatulong para mangyari yun. Kung galit ka man, sorry." pagpapaliwanag ko sa kanya. Gumagaralgal ang boses ko pero pinilit kong ipaintindi sa kanya ang bawat salita.

Naramdaman ko na lang na tumayo siya at bumaba sa kama.

"Diane." mahina kong pagtawag sa kanya. Grabe naman! Dapat pala talaga pinaghandaan ko 'to eh. Ayoko ng ganito. Na galit sa akin ang bestfriend ko.

"Bakit?"

"Sorry na. Hindi ko naman intensyon na itago ang lahat sa'yo eh. Gusto ko lang ng payapang relasyon kaya itinago muna namin. Sorry na, please?" pagmamakaawa ko sa kanya.

Hindi siya sumagot kaya napa-angat ako ng ulo. Nandun lang siya sa may pintuan at nakatayo na para bang sinasabi niya sa akin na mali yung ginawa ko. Na malai yung hindi ko siya pinagkatiwalaan.

Shit naman eh! Nakaka-guilty na nga yung pag-iwas niya sa akin, pati ba naman sa pagtitig, bubutasin niya pa ang puso ko? Tsk.

"Diane, I'm so---" hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang napahampas sa pader.

Natakot ako dahil ngayon lang nagalit ng ganyan yan. Hindi humahampas sa pader yan. Kung may pagkakataon man na maging bayolente yan, sinasarili niya. Hindi niya ipinapakita na kaya niyang mandurog ng pader. Na kaya niyang pumatay ng kahit na anong buhay na nilalang.

"ALLEN! HINDI AKO GALIT SA'YO! MAHAL NA MAHAL KITA AT ALAM KONG MASAYA KA SA NAGING DESISYON MO KAYA AYOS LANG SA AKIN!" shit! Sumisigaw na siya! Ayan ang ayoko sa kanya eh. Pag galit na siya, nilalabas na niya yung thunderous voice niya!

"Diane naman wag kang sum--- ANO!? Pakiulit nga yung sinabi mo!"

Pero tumawa lang siya at napahawak sa tiyan niya. Ano ba yung sinabi niya? Hindi siya galit sa akin? Tanggap niya ako? Kami ni Allen? Huwwaaa!?

"Allen, pansin ko naman na kayo ni Karl eh. Medyo magaling lang kayong magtago kaya hindi masyadong halata. Pero kung kayo man, ano naman? As long as nagmamahalan kayo, okay sa akin. Basta ba wag ka niyang sasaktan eh." nakangiting sabi pa niya tapos ay lumapit siya sa akin at tinabihan ako.

"Baby, wag kang mag-alala. Hindi ako galit. Dyan ka masaya eh, bilang kaibigan, dapat ka naming suportahan." nakangiti pa niyang dagdag kaya napayakap uli ako sa kanya.

"Salamat, D. I love you." sabi ko na lang sa kanya dahil na-overwhelm ako sa pagtanggap ng mga tao sa amin, sa relasyon namin.

Kumalas siya sa yakap ko at muling tumayo. Bago siya makalayo sa akin ay hinawakan ko ang braso niya kaya lumingon siya sa akin.

"Bakit may pagsigaw nga pala?Akala ko tuloy galit ka!" reklamo ko sa kanya.

"Eh kasi, wala lang, feel ko lang sumigaw. Ang ganda ko kasi pag sumisigaw ako eh." sagot niya lang sa akin tapos sabay pakawala ng tawang mala-halimaw sa lakas!

Binitawan ko na siya dahil naiirita ako sa tawa niya. Tinungo niya uli ang pintuan at binuksan ito.

"Dapat niya itong malaman." nakangiti niyang sabi.

Malaman? Nino? Sino pa ang dapat na makaalam nito?

OH SHIT! SI JASON!!

"D! Wag!!!" sigaw ko sa kanya kaya napahinto siya bago siya tuluyang makalabas.

"Bakit?" tanong niya habang nakahawak siya sa doorknob.

Sinenyasan ko siyang bumalik sa loob at isara ang pinto. Ginawa naman niya agad kaya nabawasan ang kaba ko.

"Bakit ba?" agad niyang tanong na puno ng pagtataka.

"Sino yung kasama mo? Si Jason ba?"

"Oo, gusto ka din daw niya kasing makita kaya sinama ko na siya. Bakit? May problema ba?"

"Wala naman. It's just that..." napahinto ako dahil iniisip ko kung tama ba ang gagawin ko.

"Ano?"

"Pwede bang isikreto mo muna 'to kay Jason?" pakiusap ko sa kanya.

"Bakit? Kaibigan naman niyo naman siya diba? Dapat lang malaman niya kung anong nangyayari sa mga kaibigan niya."

"Hindi, Diane. Hindi mo naiintindihan eh. Si Jason kasi, hindi siya katulad niyo mag-isip. Galit siya sa mga bakla. Sa tingin mo ba magugustuhan niya kapag nalaman niyang ang dalawa sa mga kaibigan niyang lalaki, magka-relasyon?" tanong ko sa kanya para makuha niya yung punto ko.

Natahimik siya at napa-upo ulit sa kama. Napanguso pa siya sa sobrang pag-iisip

"Eh anong balak niyong gawin sa kanya?"

"Sasabihin din naman namin sa kanya eh, pero hindi sa ngayon. Makitid pa ang utak ni Jason. Kailangan niyang malaman na hindi mali ang ginagawa namin. Nagmamahalan lang kami." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Naiintindihan ko. Pero sana masabi niyo agad sa kanya. Patagalin niyo man o hindi, malalaman at malalaman pa din yan nung tao. Masasaktan siya pag siya ang huling naka-alam."

"Opo, madam! Salamat uli sa pagtanggap sa amin ng boyfriend ko."

"Wala nga yun. Kaibigan kita eh. Pero matanong ko lang..." bitin niyang sabi tapos ay pinaningkitan niya ako ng mata. "Ginawa niyo na 'YUN' 'no?" walang kagatol-gatol niyang dugtong.

Aba'y punyeta ang mga tao ngayon! Bakit ba gustong-gusto nilang malaman yung mga ganung bagay? Jusko naman! Uso naman yung konting discretion diba?

"Oo, kaya lalong hindi mo dapat sabihin kay Jason 'to!" pabulong kong sigaw sa kanya.

Ngumiti lang siya at energetic na tumango! Mabali sana leeg niya. Hahaha. Mga taong pervert!

"Promise! Wala akong pagsasabihan."

"Salamat." nasabi ko na lang at mahigpit ko ulit siyang niyakap.

Matapos ang madrama naming confession at ang aming baliwan session ay tumayo na kami at nagbalak na lumabas pero pagbukas namin ng pinto ay may nakakagulat na bumungad sa amin.

"Kanina ka pa ba dyan!? JASON!?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 42.6K 44
Playboy Series #1: M-PREG Dahil sa sobrang pagmamahal ni Kenjie kay Zedric ay nagawa niyang ibigay ang sarili sa binata. Ngunit sa hindi inaasahang p...
105K 5.4K 35
Mahirap magka-asawa ng malandi. Pero mas mahirap magkaroon ng asawang malanding may kabit na malandi rin. O sige putangna, maglandian kayo. Hayup! (H...
2M 152K 80
ေလနတ္သား၏အေအးဒဏ္မွခ်စ္ရသူအား ကာကြယ္ေပးလိုပါေသာ္လည္း ရင္ခြင္တံခါးမွတဆင့္ ထိုလူသားေလးအပူဟပ္သြားမည္ကိုေတာ့ ကြၽန္ေတာ္စိုးရိမ္မိသည္။ လေနတ်သား၏အအေးဒဏ်မှခ...
357K 12.1K 44
Yakob Alcuzar was a mess and a bully but everything change when he meet Cloy Linel Martinez, a first year architecture student.