♡ Playing Love Games ♡

Por nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... Mais

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46

15.3K 163 36
Por nyghtdreamer

Chapter Forty-Five

Lianne's POV

Ilang segundong nakatingin lang kami pareho sa loob ng unit. Walang nagsalita dahil pareho kaming gulat sa mga nakita namin. Naging triple ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ito pala ang dahilan kung bakit ako kinakabahan.

Nilingon ko si Mark. Wala na ang ngiting nasa mga labi niya kanina. Salubong ang mga kilay niya at nakatiim ang bagang. Iniwasan kong tingnan ang mga mata niya dahil natatakot ako sa makikita ko doon.

"M-Mark..."

Tumingin siya sa akin at kahit ayokong makita kung ano ang nasa mga mata niya ay hindi ko na naiwasan. Pain and anger. Iyon ang mga nasa mata niya but I can't figure out which emotion is greater.

Napalunok ako. I want to say something pero hindi ko mahanap ang sarili kong boses.

"I'll wait in the car," malamig niyang sabi kasabay ng pagtalikod niya. "Pakibilisan." At naglakad na siya pabalik sa kotse niya.

Hindi ko agad nagawang sundan siya. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko at kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nasa loob ng unit ni Ejhay. Nakatingin lang ako sa likod niya at habang papalayo siya, pakiramdam ko ay hindi na siya babalik pa.

Sa bawat hakbang na ginagawa niya ay nagsisikip ang dibdib ko. Napahawak ako sa gilid ng pinto dahil pakiramdam ko ay nawawalan na ng lakas ang mga tuhod kong kanina pa nanginginig.

Sinulyapan ko ulit ang loob ng unit at mariin akong napapikit.

Ejhay, anong ibig-sabihin nito? Hindi ko maiwasang itanong sa isip ko.

Marami pang tanong na pumasok sa isip ko habang nakatingin sa mga malalaking litrato na nakadikit sa glass walls na nakatapat sa pinto ng unit ni Ejhay. Lahat ng pagkakataon na magkasama kami may litrato. Kahit iyong gabi na naglalakad kami sa labas ng bahay namin at kanina sa café. Lahat ay nandoon.

Kung sa ibang pagkakataon siguro na makita ko ito ay baka mapangiti pa ako dahil bagay na bagay kaming dalawa. Pero sa sitwasiyon ngayon ay hindi ko kaya iyong makita kahit pa gaano kagaganda na para bang professional and kumuha.

But dammit! Hindi dapat iyon ang iniintindi ko! Mark is furious about this, for sure.

Dumaan ulit sa isip ko ang galit at sakit na nakita ko sa mga mata ni Mark. I gasped for air dahil parang sumikip na naman ang dibdib ko.

I let a minute past to calm my still trembling knees. Nang pakiramdam ko ay bumabalik na ang lakas ko ay agad kong isinarap ulit ang pinto at saka ako nagmamadaling sumunod kay Mark without getting the things na sinadya ko.

Nakabalik ako sa pinagparadahan ng kotse in a swift. Nasa loob na si Mark, sigurado ako dahil nakabukas ang manika ng sasakyan. Pagbukas ko ng pinto sa gilid ng passenger seat ay nakita ko siyang mariin na nakapikit habang nakasandal sa driver's seat na para bang gusto niyang alisin sa utak ang nakita niya sa loob ng unit ni Ejhay.

Agad siyang umayos sa pagkakaupo nang maramdaman niyang sumakay na ako sa kotse. Pagkasara ko ng pinto sa gilid ko ay walang salitang pinaandar na niya ang kotse. His face's blank.

Katulad kanina ay hindi ko pa rin alam kung ano ang sasabihin ko. Saan ako magsisimula? At sa nakikita ko sa kanya ay mukhang hindi siya makikinig sa kahit anong sabihin ko. But I have to try...

"M-mark..." tawag ko sa kanya sa nanginginig na tinig.

As I expected, hindi siya kumibo. Nagpatuloy lang siya sa pagda-drive. Medyo nakalayo-layo na din kami dahil may kabilisan ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.

"Mark..." tawag ko ulit sa kanya kasabay ng paghawak ko sa kamay niyang nakahawak sa gear stick.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya doon at ang pagbilis pa lalo ng takbo ng sasakyan namin.

"Mark, please, listen first..." pakiusap ko sa kanya.

Wala pa rin siyang kibo. Inalis ko ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya dahil sa takot na baka lalo pa niyang bilisan ang takbo ng sasakayan. Napasandal ako sa upuan at napapikit madiin.

Sumasakit ang ulo ko!

I want to shout at him na wala akong ginawang masama. Walang ibig-sabihin ang mga litratong iyon. Pero alam kong papasok at lalabas lang iyon sa tainga niya.

Alam kong galit siya. Sino ba namang matinong boyfriend ang hindi magagalit kapag nakita niya ang girlfriend niya sa malalaking litrato kasama ang lalaking pinagseselosan niya? Pero sana naman makinig muna siya.

Naramdaman ko ang pagbagal ang takbo ng sasakyan. Pagmulat ko ay mabagal pala ang usad ng mga sasakyan sa unahan namin. Tamang-tama para makausap ko siya ng hindi bumibilis ang takbo ng sasakyan.

Huminga ako ng malalim bago ko ulit siya tiningnan. "Mark, listen..." pakiusap ko ulit sa kanya na may halong determinasiyon sa boses.

Parang wala pa rin siyang naririnig. Nakatingin lang siya sa unahan at parang inip na inip sa bagal ng takbo ng sasakyan sa unahan. Kahit isang tingin ay hindi niya pa ako tinatapunan simula kanina.

Gusto kong mainis dahil pakiramdam ko napaka pangit ko para hindi man lang niya lingunin. Pero pinigil ko na lang ang inis ko. Hindi niya alam kung ano ang kuwento sa likod ng mga litratong iyon kaya siya nagkakaganito.

"What you saw—"

Bigla na lang niyang pinatugtog ang stereo ng sasakyan at nilakasan niya pa talaga ang volume. Kumabog sa dibdib ko ang beat ng party song na nag-play mula doon. Nilamon ng malakas na tugtog ang katiting na determinasiyon kong magpaliwanag at ang inis na napigil ko kanina ay bumalik.

Nanahimik na lang ako kaysa makipagsabayan sa lakas ng pagpapatugtog niya. Umusad na ang mga sasakyan at nagsimula ulit siyang mag-drive.

Hindi naman ako mapakali sa pagkakaupo ko. I want to talk to him right now. Ayokong patagalin ang away na ito dahil wala namang kuwenta kung magtatagal. Magsasayang lang kami ng oras o araw.

Ilang araw na lang ang natitira sa two months namin. mag-aaksaya pa ba ako ng panahon? At iyon nga, nagpakita na ang third sign.

Bumilis na naman ang takbo ng sasakyan dahil maluwag na ang kalsada. I'm starting to get scared again. Gusto niya yatang maaksidente kami! Nang lingunin ko ang metro ng sasakyan ay nakita kong halos nasa 120kph ang takbo namin.

Shit! I still want to live!

"Mark, gusto mo na bang mamatay?!" sigaw ko sa kabila ng takot.

Nakahawak na ako sa gilid ng upuan ko. Hindi nakakabit ang seatbelt ko dahil nawala iyon sa isip ko kanina. Note to self, huwag kakalimutang mag-seatbelt kapag galit ang driver!

Kapag nasubsob ang maganda kong mukha sa dashboard, hindi ko mapapatawad si Mark at hahayaan ko na siyang isipin kung anong gusto niyang isipin sa mga pictures namin ni Ejhay!

He gradually slowdown. Na-realize niya rin siguro na natatakot na talaga ako.

Dammit really! Naiwan yata ang puso ko sa daan sa sobrang kaba sa bilis niyang magpatakbo ng sasakyan. Pati ang kaluluwa ko humiwalay na yata sa katawan ko.

"If you don't want to listen, fine! But you don't have to put our lives in danger!" I snapped at him.

Badtrip na ako, from head to toe but he remained silent.

Hindi ko na alam. Maybe hindi nga dapat kami mag-usap ngayon. Dahil kahit ako ay galit na. Kailangan namin pareho magpalamig muna.

"Ihinto mo ang sasakyan," mahinahon kong utos sa kanya.

Parang walang narinig na nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho.

"I said, stop the car!" mariin ko nang sabi.

Inihinto niya sa tabi ang sasakyan this time. Gustong umikot ng mga mata ko dahil kailangan ko pa talagang mag-Ingles para lang makinig siya. But of course, it's just me being sarcastic in this situation.

I counted up to ten at nang hindi pa rin siya magsalita ay huminga ako ng malalim. Napipi na yata siya at walang pag-asa na magkaayos kami ngayon.

Tahimik na binuksan ko ang pinto sa side ko at bumaba. A little part of me is hoping na pipigilan niya ako. I even moved slowly pero hindi iyon nangyari hanggang sa maisara ko ulit ang pinto ng sasakyan.

Pinara ko ang unang taxi na nakita ko. Mabuti na lang at walang pasahero. Pagpasok ko pa lang sa taxi ay tumulo na ang kanina ko pang pinipigil na mga luha. Naiiyak ako sa sobrang inis. Hindi naman kasi ako guilty dahil wala naman akong gingawang masama. Masama lang talaga ang iniisip niya.

Narinig ko pa ang mabilis na pagpapatakbo ulit ng sasakyan ni Mark at nang mag-angat ako ng tingin sa side mirror ng taxi ay hindi ko na agad makita ang sasakyan niya. May kabang bumalot na naman sa dibdib ko pero napahiling na lang ako na sana ay walang masamang mangyari sa kanya.

Nang tanungin ako ng driver kung saan ako papunta, nagpahatid ako pabalik sa unit ni Ejhay. Ewan ko kung bakit gusto kong bumalik doon pero siguro gusto ko lang magkaroon ng kahit kaunting ideya kung sino ba ang may gawa niyon.

Gusto kong pag-isipan ng masama si Ejhay pero hindi iyon ang nararamdaman ko. I'm sure it's not Ejhay's work. Hindi naman siguro ganoon kalala ang pagkagusto niya sa akin para gawin iyon.

Kailangan kong manalig sa crush ko! Hindi niya magagawa iyon sa akin!

Pinunasan ko na ang luha ko. Mukha na kasi akong timang at tinitingnan na ako ng taxi driver. Baka sabihin niya, ang ganda-ganda ko, 'tapos umiiyak ako dahil sa kagandahan ko. Agh! Ang korni!

"Okay ka lang ba, hija?" masuyong tanong ng may edad na driver. Mukhang hindi niya napigilan ang mang-usisa.

"Okay lang po, manong," ngumiti pa ako sa kanya ng pilit.

Malumanay na ngumit rin siya sa akin. "Kung nag-break kayo ng boyfriend mo na sakay ng kotseng binabaan mo kanina, sigurado akong hindi iyon makakatiis at makikipagbalikan din sa'yo. Sa ganda mo pa lang, siguradong magsisisi iyon kung hindi ikaw ang magiging ina mga anak niya."

He should sound creepy and I should be scared right now. But his tone is so fatherly and sincere. Disente rin ang anyo niya kaya hindi ako nakaramdam kahit na kaunting takot.

Idinaan ko na lang sa mahinang pagtawa ang pangbobola ng matanda. Kung ganda lang rin ang labanan, siguradong panalo na ako at si Mark ang gusto kong premyo. Pero ayokong dahil lang sa maganda ako kaya ako hindi iiwan ng lalaki. Paano na lang kung tumanda na ako at kumulubot ang balat?

"Hindi ako nagbibiro, hija. Totoong maganda ka at tanga lang ang lalaking magpapaiyak sa 'yo at papakawalan ka pa, lalo na at mukhang mahal mo rin siya," sabi pa ulit ni manong.

"Manong, hindi pa po kami break. Magbe-break pa lang, gutom na po kasi kami kaya kailangan ng break," pabiro kong sabi.

Natawa rin ang matanda. Naaliw ako sa mga kuwento niya sa mga sumunod na sandali at bahagyang nalimutan ko ang problema ng sandali. Pero pagdating ko sa unit ni Ejhay ay bumalik lang ang lahat.

Naghintay ako sa labas ng unit kay Ejhay dahil nga nawawala ang susi ko. Mabuti na lang at nasa school pa siya at pauwi pa lang rin nang mag-text ako.

I don't really know kung saan ko nailagay ang susi ko dahil sa coin purse ko lang talaga nilalagay iyon. Hindi ako burara, sadyang may mga bagay lang talaga na nawawala kapag kailangan. Katulad na lang ni Renz.

Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi ko ma-contact! Leche talaga ang lalaking iyon! Mana sa kuya niya! Makapatid na pruta de leche!

Nag-text ulit ako kay Ejhay para itanong kung nasaan na siya. I can't wait to snap at him. Paanong nangyari na may ibang nakakapasok sa unit niya? Damn! I stayed there for a week at hindi pala ako safe sa mga panahon na iyon dahil may ibang taong nakakapasok?!

Na-tense ako sa kung anu-anong scenario na pumasok sa isip ko kung sakaling nalooban itong unit sa mga panahong nandito ako. Hindi ko napansin na palakad-lakad na pala ako sa harap ng pinto. Namalayan ko lang iyon nang mapahinto ako dahil sa babaeng naglalakad sa di kalayuan.

She caught my attention because of her blonde hair at para siyang supermodel kung maglakad in her red fitted tank top and denim shorts. Ngayon ko lang rin napansin na napaka puti niya pala at na-insecure agad ang balat ko.

Napaismid ako. Mas maganda lang ang kulay ng balat niya sa akin pero sigurado akong mas maganda pa rin ang kutis ko. Ay, ano ba? Bakit ba pinagtutuunan ko ng pansin ang appearance niya?

I shrugged it off at sumandal ako sa pader nang malapit na siya sa kinaroroonan ko. Nangangawit na kasi ang mga binti ko.

Ang tagal naman ni Ejhay. Mado-double dead siya sa akin mamaya pagdating niya!

"Hi! We meet again," nakangiting sabi ni Vanilla pagtapat niya sa akin.

I didn't expect that she'll approach me. Close ba kami? Ang alam ko lang kasi ay pangalan niya at ex-girlfriend siya ni Ejhay at siya rin ang humalay sa mga labi ni Ejhay doon sa bar nang una ko siyang makita! Hindi ko makakalimutan ang huli.

"Hi!" bati ko na lang din sa kanya at binigyan ko din siya ng tipid na ngiti.

"Why don't you get inside?" usisa niya. "You occupy Ejhay's unit now, right?"

May pagka usisera rin pala siya, parang iyong taxi driver kanina. But I'd rather talk to the taxi driver than her. Feeling close masyado. Hindi ko siya gusto sa hindi ko malaman na dahilan. Siguro dahil nakita ko kung paano hinalay ng lips niya ang lips ng crush ko.

"I lost my key," napipilitan at maikli kong sagot sa kanya. Hoping na umalis na siya dahil naaalibadbaran ako sa kanya.

Oh, I didn't expect I'd feel something like this to anyone. I'm usually snob sa ibang tao pero hindi ako nag-aaksaya ng emosiyon na mainis na lang sa isang tao lalo pa't wala namang ginagawang masama sa akin.

But I can't help my dislike of her.

"Oh!" nag-letter 'O' pa talaga ang bibig niya na dumagdag sa inis ko. "You can borrow mine," offer niya pa kasabay ng pag-abot sa akin ng isang susi.

Hindi ko napigila ang pagtaas ng isang kilay ko. Bakit may susi siya ng unit ni Ejhay?

Nang umangat ulit ang tingin ko sa mukha niya ay nakangiti na naman siya sa akin. Parang si Ejhay lang, ah? Nakangiti palagi. Mag-ex nga sila. Too friendly and always smiling.

Pero siyempre, hindi ko gusto ang ngiti niya. Wala siyang dimple.

"We used to be together and I often come here so I have a duplicate key," paliwanag niya kahit na hindi naman ako nagtatanong. "He didn't change the doorknobs, right?"

She extended again her hand with the key and waited for me to take it, but I didn't.

"Ejhay is already coming, I can still wait," I said in a straight tone.

Nangiti na naman siya at kahit kaunting pagka-offend ay hindi ko nakita sa mukha niya. "Are you sure?" paninigurado niya pa.

"Yes."

"Okay... I'll go ahead now," paalam na niya at ngumiti ulit.

Tinanguan ko na lang siya. Hindi ko talaga siya gustong kausap. Or maybe I'm not really in a good mood dahil sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko rin in-expect sa sarili ko na magiging ganito ako ka-rude.

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Ejhay. Ngiting-ngiti pa siya. Pero napalitan din agad ang ngiti niya ng kunot sa noo nang makita niyang masama ang tingin ko sa kanya.

"Bakit hindi ka pumasok sa loob?" tanong niya pagkalapit niya sa akin.

"I lost my key," sagot ko. "Open the door and see what's inside," utos ko pa sa kanya na para bang sinasabi sa kanya na nasa loob ang sagot sa kunot ng noo niya.

Sinunod niya ang utos ko. Isinuoot niya ang susi sa key hole at parang slow motion niya pang binuksan ang pinto. Ewan ko, siguro nagmamadali lang ako na makita niya ang nasa loob kaya parang nababagalan ako sa pagkilos niya.

O baka nagmamadali akong makita ang reaksiyon niya pagkakita sa magaganda naming pictures?

Hindi ako nakatingin sa loob ng unit dahil alam ko naman na ang nasa loob. Inaabangan ko ang magiging reaksyon ng mukha ni Ejhay. Sa tingin ko kasi ay wala talaga siyang alam. Dahil kung may alam siya, baka kanina pa siya taranta sa kaba. Pero hindi iyon ang nakita ko nang magkaharap kami. He's the usual smiling Ejhay.

At ang inaasahan kong reaksyon niya ang nakita ko sa mukha niya nang tuluyan niyang nabuksan ang pinto at tumambad sa harap niya ang mga pictures sa glass wall. Katulad namin kanina ni Mark ay nagulat din siya.

Mas lalo kong nakumpirmang guwapo nga talaga siya at kahit anong expresion ng mukha niya hindi nababawasan ang kaguwapuhan niya. Este... wala nga talaga siyang alam.

Lumingon siya sa akin. "W-what's this?"

Museum nating dalawa. Gusto kong isagot to light up the mood pero masyado na akong pagod ngayong araw para magbiro pa.

"Ano sa tingin mo?" balik tanong ko sa kanya.

Tumingin ulit siya sa loob saka ibinalik rin ang tingin sa akin. "Wala akong alam dito," litong sabi niya na may kasama pang pag-iling.

"This is your unit and you're telling me na hindi mo alam kung sino ang may gawa nito?" my voice raised a fraction because of frustration.

I didn't want to sound like accusing him because I know he didn't do this pero iyon ang naging dating ng sinabi ko.

"Ikaw lang naman may duplicate ng susi dito at si JD. Pero alam kong hindi sila nagpupunta dito ngayon dahil wala namang practice," paliwanag niya.

"How about your ex-girlfriend?" tanong ko pa ulit sa kanya.

"Si Vanilla?" maang namang balik-tanong niya.

"Ay, hindi! Baka iyong ex mong namatay!"

Oh, god... what I am saying? That's foul!

Umiling lang si Ejhay sa sinabi ko. "May nakakita na ba nito maliban sa atin?" he asked, concern is still on his face kahit pa napaka tactless ko sa pagsasabi ng kung anu-ano.

"S-si Mark..." nanlulumo kong sagot at parang gusto ko ulit maiyak.

∞∞∞

Chapter Forty-Six

Lianne's POV

Pinagtulungan namin ni Ejhay tanggalin ang mga pictures na akala mo posters na nakadikit sa malapad na glass wall ng unit niya. Hindi pa nga kami sumisikat, may pa-posters na iyong stalker namin!

Natanggal namin lahat pero may mga naiwang maliliit na parte sa glass wall kaya nagmukhang marumi iyon. Ipapalinis na lang daw ni Ejhay.

"Hay!" Pabagsak akong umupo sa sofa.

Nakakapagod alisin ang mga iyon. Lalo na't parang ayaw kong tangalin. Ang ganda ko kaya sa lahat ng pictures! Nakaramdam na rin ako ng gutom. Kumain naman kami ni Mark kanina pero parang gutom na gutom ako. Siguro dahil naubos ang energy ko kaka-try magpaliwanag sa kanya at sa stress sa mga nangyayari.

"Let's go out for dinner?" tanong ni Ejhay at umupo siya sa tabi ko.

"Can we just order food, and have it delivered?" I suggested. Wala na talaga akong lakas para lumabas pa.

"That's better," nakangiti naman niyang sabi at tumayo para pumunta kung nasaan ang telephone.

Sumunod naman ang tingin ko sa kanya at naihilig ko pa ang ulo ko sa sandalan ng sofa. I know he's tired too pero hindi nakabawas ang pagod niya sa pagiging guwapo niya. Kapag guwapo talaga kahit ano pang gawin, guwapo pa rin, ano?

At ang landi ko talaga! Napailing ako sa mga nasa isip ko. Galit na nga si Mark sa nakita niya, nakukuha ko pa talagang maglandi dito. 'Tapos ang nilalandi ko pa ay iyong taong inaakala niyang... hmm... ano bang inaakala niyang namamagitan sa amin ni Ejhay? Mag-boyfriend kami? Sounds great!

Ay, joke lang! Kung mag-boyfriend nga kami ni Ejhay, sisiguraduhin kong siya lang at walang iba! Sapat na ang kopogian niya. Echos! Napakalandi talaga!

But on the second thought... sa isip ko lang naman siya nilalandi, ah? Hindi naman sa totoong buhay. Sa imagination ko lang naman siya hinahalay! Kaya wala akong dapat ika-guilty! Wala pa rin akong ginawang masama para magalit si Mark ng ganoon! Siya ang may problema dahil hindi siya marunong makinig sa paliwanag ko!

Saktong kakatapos lang umorder ni Ejhay ng pagkain nang tumunog ang doorbell. Siya na rin ang lumakad papuntang pinto. Dumating na agad ang order niya?

Nakatanaw pa rin ako sa kanya nang mabuksan niya ng pinto ay nakitang kong ang babaeng mais. Este... ang babaeng may kulay mais na buhok pala ang nasa labas. It's Vanilla.

"Oh, hi!" masiglang bati agad ng mais kay Ejhay. Naka-'O' na naman ang bibig niya bago nag hi.

Mabuti at hindi pinapasukan ng langaw ang bibig niya kaka-'Oh' niya.

"Oh, hi, Vanilla!" At naki-'Oh' na rin si Ejhay.

Hindi ko alam kung nakakahawa ba ang pag-'Oh' niya o ano. Pero para sure, hindi ako makikipaglapit sa kanya para hindi ako mahawa.

Alright, napaka bitter ko kay Vanilla!

"Come in," aya ni Ejhay sa kanya. "What brought you here?" tanong pa ni niya habang sabay silang naglalakad papasok.

Naku...! Malamang ay masamang hangin ang nagdala sa Mais na iyan dito. At ang epal na talaga ng utak ko sa pag-uusap nila.

"Ah... Lianne told me that you're coming over," sabi niya at tumingin pa sa akin. "So, I brought some food." Itinaas niya ang containers ng pagkain na hawak niya.

"I just ordered food pero hindi ko maipagpapalit ang luto mo sa kahit anong pagkain ng restaurant o fast food, sikat man o hindi," natutuwang sabi ni Ejhay at kinuha niya mula kay Vanilla ang food containers.

Gusto kong mainis sa sarili ko na dahil sinabi ko sa kanya na si Ejhay ang hinihintay ko! I should have told her na wala siyang pakialam at hindi na siya pinansin pa.

At nakakainis din si Ejhay! Why he flirts back to his ex. Iniwan na siya ng babae at ngayong humahabol-habol ito sa kanya—according to what Myleen said noong nasa bar kami—dapat hindi na niya ine-entertain. Ang ex ay ex. Hindi na dapat binabalikan!

"Oh..." ayan na naman ang 'O' ni Mais. "What happened to your glass wall?" tanong niya kay Ejhay. "Did you remove the decorations? You never let me decorate it before." Natawa pa siya sa huling sinabi.

Kaunti na lang ay baka pumitik na ang katarayan ko dahil sa kaartehan niya. Fine, maarte rin ako pero hindi O.A. ang pagkamaarte ko!

Napakamot lang sa ulo si Ejhay at bumaling sa akin. "Vanilla, si Lianne nga pala. Lianne, this is Vanilla," pakilala niya sa amin.

Ngumiti lang ulit ako ng tipid sa kanya. As in, tipid na tipid na halos kumibot lang ang gilid ng labi ko. Habang siya naman ay ngumiti ng malaki.

I thought, contagious ang ngiti? Bakit napapasimangot ako?!

"I'll just prepare this food," tukoy ni Ejhay sa dalang pagkain ni Vanila at nagpunta sa kusina.

Naiwan kaming dalawa ni Mais. I didn't bother to offer her to sit, but she just sat down sa pang-isahang upuan. Hindi ko siya pinansin at pumikit ako habang nakasandal pa rin ang ulo sa sofa. Nasisilaw ako sa kadilawan niya.

"You look tired," puna niya na sa pandinig ko ay parang concern. "And Ejhay too..." dagdag pa niya pa.

I really want to believe that concern tone, but I know better. Nang magmulat ako ng mga mata ay hindi nga ako nagkamali. She has this malicious smile on her lips.

"Yeah, nakakapagod talaga kasi ang ginawa namin kanina," sagot ko at tinugunan ko ang ngiti niya ng palaban na ngiti.

Bigla namang nabura ang ngiti niya, kung dahil ba sa isinagot ko o sa ngiti ko ay hindi ko alam at wala na akong pakialam. I won't let her bully me in her own way. Mabuti na lang at tumunog ulit ang doorbell kaya na-interrupt kami. Mabilis akong tumayo para tingnan iyon.

Bahala siyang mag-isip kung ano ang ginawa namin.

Laking tuwa ko na pagkain na ang dumating. Dumiretso ako sa kusina pagkatanggap niyon at ang Mais, nandoon na rin pala at tinutulungan si Ejhay ihanda ang lamesa.

Tahimik lang akong kumain pagkatapos naming maghanda, habang silang dalawa ay nagkukuwentuhan. Ejhay tried to include me in the conversation pero hindi pulos tango at maiikksing sagot lang ang ibinibigay ko at napansin niya naman iyon kaya hinayaan niya na lang ako.

Katatapos ko lang isubo ang huling pagkain sa plato ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko agad iyon at nakita kong si Renz pala ang tumatawag. Kumunot ang noo ko.

I excused myself at pumunta sa kuwarto para doon sagutin ang tawag ni Renz.

I tapped the answer button on the screen. "Hello, Renz?"

"Where the hell are you?" pagalit niyang tanong.

Lalong kumunot ang noo ko pero hindi na dahil sa pagtataka. Kundi dahil sa inis. Kaninang kailangan ko siya, hindi ko siya ma-contact. At ngayon siya pa itong galit na nagtatanong kung nasaan ako!

"What? I'm here at Ejhay's unit," iritang sagot ko.

"Anak ng tinapa!" Narinig ko pa ang pagpalo niya sa kung ano, na sa tingin ko at lamesa. "Anong ginagawa mo d'yan?!"

What the?! Nailayo ko sa tainga ko ang phone dahil sa lakas ng boses niya. Gusto niya bang basagin ang eardrums ko?! At ang pangit ng dating ng boses niya over the phone!

"Bakit ka ba sumisigaw?! I'm not deaf!" sigaw ko na rin sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Na-realize niya sigurong sumisigaw nga siya.

"Nasaan ba iyang unit ni Ejhay? Susunduin na kita," biglang umamo ang boses niya. "Inuutusan ako ni kuya na sunduin ka dahil wala ka pa sa kabilang bahay."

Sa narinig ko ay agad na makyat ang dugo sa ulo ko.

"Pagkatapos niya akong pabayaan kanina na bumaba sa gitna ng daan, inuutusan ka niya ngayon na sunduin ako? Ano'ng akala niya?! Señorito siya?! Bakit hindi siya ang—"

"Lianne!" sumigaw na naman siya!

"Ay, ano ba?! Kanina mo pa ako sinisigawan!"

Lintek! Ang sakit talaga sa pandinig ng boses niya!

"Because you're shouting too! And please just text me the address. Hindi ka na masusundo pa ni kuya."

"And why is that?!" pasigaw ko pa ring tanong sa kanya.

I'm so mad I want to slap both of them! Kahit kailan talaga silang magkapatid, sobrang nakakainis! Hindi na natapos ang pagkainis ko sa kanila sa lifetime na ito. Hindi na ako magtataka kung mamamatay ako na naiinis pa rin sa kanila!

"He's already drank. Ako na ang susundo sa'yo at huwag ka na magpahatid kay Ejhay kung nand'yan man siya. Baka magpakamatay na 'to si kuya nang wala sa oras."

Ang O.A. naman ng magpakamatay? Pero kanina halos paliparin na ni Mark ang sasakyan niya. Kaya hindi malabo na... Ah! Ano ba?! Hindi gagawin iyon ni Mark! Hindi naman siya ganoon ka-head over heels sa akin para gawin niya iyon.

I texted Renz the address after we talked at inayos ko na rin ang mga gamit na iuuwi ko sa bahay na dapat kukunin ko kanina.

Paglabas ko ng kuwarto ay nasa living room na ang dalawa na magkatabi sa couch. Nagkukuwentuhan pa rin.

"Ready to go?" tanong agad ni Ejhay pagkakita sa akin.

"Ah, yeah... pero susunduin ako ni Renz," sabi ko. "In twenty minutes nandito na siguro siya."

"That's great!" nakangiti namang sambit ni Vanilla. "You can stay tonight here, Ejhay. We'll have a lot of things to catch up!"

Hindi ko napigilang umikot ang mga mata ko. Catch up, whatever! As if namang iyon talaga ang gusto niyang gawin nila ni Ejhay ngayong gabi!

Ipinagpasalamat ko na lang na dumating si Renz na wala pang biente minuto. Halos masuka-suka na ako sa pagsusumiksik ni Vanilla sa katawan niya kay Ejhya. But I'm glad too that Ejhay wasn't taking the bait. Or maybe dahil nandoon pa ako kaya nagpapaka-gentleman pa siya.

Pero pakialam ko ba kung anuman ang gawin nila ngayon?

"Bakit amoy alak ka, manong?" tanong ko kay Renz habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.

"Malamang, nag-one-on-one kami ni kuya." Binuksan niya ang pinto sa gilid ng passenger seat at sa gulat ko, bigla na lang niya akong tinulak papasok.

Mabuti at hindi ako nauntog! Umikot siya sa kabilang side para makasakay na rin. Hindi naman siya mukhang lasing pero amoy alak siya.

"Alam mo bang muntik pa nga kami magkasuntukan kanina?"pagkukuwento niya habang ini-start ang sasakyan.

"O, bakit hindi mo pa binugbog ang kuya mong ugok?!" nandidilat kong sabi. Bumalik na naman ang inis ko!

"Edi, ako naman ang mabubugbog mo kapag nagkataon? Tss!" nakairap niyang sabi at nagsimulang magmaneho.

Napairap din ako. Mabuti naman alam niya! Ako lang ang puwede bumugbog sa pangit na 'yon!

"Ewan ko talaga sa inyong mga babae..." umiiling na sabi niya makalipas ng isang minuto. "You always act like you don't care when deep inside, you really care."

Nagsalubong ang kilay ko. "Anong drama mo manong?" Yumuko pa ako para silipin ang mukha niya at para na rin maasar siya.

Sinulyapan niya ako ng masama. "Ewan ko talaga sa inyo. Magsama kayo ni Wendy," ibinulong niya lang ang mga huli salita pero dahil nga hindi ako bingi, narinig ko pa rin.

"Sus! Nag-away rin pala kayo!" Tumawa ako ng malakas. "Break na 'yan!" pang-aasar ko pa.

"Magkakamatayan muna!" eksaheradong reaksiyon niya.

"Pustahan tayo magbe-break din kayo?" asar ko pa lalo sa kanya.

Dahil of the same situation kami, na malapit na ang pagbe-break, aasarin ko na lang siya.

"Manahimik ka nga! Baka gusto mong ibangga ko itong kotse!" banta niya.

"Edi, game!" natatawa kong sabi. "Siguraduhin mo lang na hindi tayo mabubuhay!"

Para matapos na ang lahat. Ayoko ng maguluhan pa. Tapusin na lang!

"Baliw!" Binatukan niya ako. "Magkakaayos din kayo ni kuya. Just give him a little time."

But what we have now is little time. Gusto kong sabihin sa kanya pero mang-aasar na lang ako kaysa iyon ang sabihin ko sa kanya. Mas mabutin nang pasayahin ko ang sarili ko sa pang-aasar sa kanya.

"Well, kayo ni Wendy hindi na magkakaayos."

"Lianne..." tumalim ang tingin niya pero hindi niya inalis sa daan.

Ngumisi ako kahit pa hindi siya nakatingin sa akin.

"Bakit ba napaka bitter mo kanina pa?"

"Excuse me! Hindi ako mukhang ampalaya!" Huh! Hindi ako kulay berde at hindi rin kulubot ang balat ko!

"Whatever! Bitter!"

"Bakit nalasahan mo ba ako at nasabi mong bitter ako?! Leche kang manong ka, ha!" inirapan ko siya.

"Eww! At bakit naman kita titikman? Never, even in your wildest dream!"

And the table has turned. Ako na ang inaasar niya!

"Excuse me! Why would I even dream of you? That would be a nightmare!"

"Alam mo, best... kung anumang problema niyo ni Kuya, h'wag ako ang pagbuntunan mo. Hayaan mo, ibibgay ko sa'yo ang susi sa kuwarto niya mamaya pag-uwi natin para. Kiss and make-up," advice niya pa na walang kwenta.

"Ewan ko sa'yo!" Hinampas ko siya sa braso.

Tumawa siya. "Kunyari ka pa... gusto mo rin naman."

Sinimangutan ko siya. "Magtu-two months na kami," out of nowhere ay nasabi ko.

"Yeah, two months nang nagtitiis sa'yo si kuya. Akalain mo 'yon?" pang-asar niya pa rin.

Tahimik na napabuntong-hininga na lang ako at tinigilan na ang pakikipagtalo sa kanya. He doesn't need to know na two months lang dapat ang usapan namin ni Mark na magpapanggap ng mag-boyfriend.

>>> Next Chapter >>>

Continuar a ler

Também vai Gostar

3.5K 171 14
Ang kwento ng isang babaeng asado at bola-bola ang cycle ng buhay pag-ibig.
659K 14.6K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
419K 6.1K 78
Taming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only in...
260K 17.7K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...