Until We Meet Again

By Janztrich

512K 18.8K 12.7K

Akaizha and Gwen | "we can never be friends" More

UWMA - AGNC book 2
I
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
Nobela ni Author
XXV
XXVI

II

21.9K 835 497
By Janztrich

The closer I get to love,
the further away it seems.

• The Irony of Love (Lang Leav)



Chapter 2 - GWEN CHLOE



3 years later...



"Mama! Ano 'to?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay mama. Gusto kong maglupasay dahil sa ginawa niya. This is treacherous! "Ma!"



"Ano?!" Sumulpot naman agad siya na nakagwantes pa, galing sa labas, doon sa garden niya. "Kung makasigaw ka naman diyan." Nakabusangot kong ipinakita sa kanya ang hawak kong papel. "Waiver mo 'yan. Anong problema?"



"Bakit niyo naman po pinirmahan? Sinabi ko bang pirmahan niyo?!" Masama ang loob na turan ko at saka nagdadabog na nagpadyak ng paa. "Hindi nga ako sasama eh!"



Isa itong consent paper para sa paparating naming tour. Hindi world tour, ibang tour 'to. Museum tour. Pupunta kami sa isa sa mga kilalang Museyo rito sa bansa. At ayaw kong sumama dahil ilang beses na akong nadayo roon. Por pabor! Una, noong nagpasama sina Rob at Skylie para lang magpicture. Pangalawa noong trip lang ni mama na dumaan; gusto niya lang daw silipin pero naging tour din, tipong kawat kasulok-sulukan ng palapag sinilip na namin tapos may kasama pang 'facts sharing' mula sa kanya. Kabisado ko na nga lahat ng mga nakadisplay roon eh, at may pictures din ako. Aba! Sabihin lang nila, gagawan ko na lang sila ng slideshow presentation.



"Ba't naman ayaw mong sumama?"



"Ma, museum ang pupuntahan namin!"



"Oh, ano naman?"



"Mommy, nakapunta na ako roon! Naaalala mo 'yong pinuntahan natin para silipin kuno?" pinagdiinan ko ng slight sa kanya. "Do'n ang target. Dalawang beses na akong napadpad doon eh. Nagsasawa na ako!"



"Tsk. Tumigil ka, Gwen Chloe. Pupunta kayo roon para may matutunan kayo, hindi para mamasyal lang. Napirmahan ko na 'yan, sumama ka!"



"Mama naman eh!" Hindi na niya ako pinansin. Tinalikuran niya ako at lumabas na ulit. "Ma!" Tawag ko pa. "Nakakainis naman oh!" Ngumuso ako, mas matulis na kaysa sa kanina. Napansin ko naman si daddy na nandito rin pala sa sala, busy magkape. "Dad, hindi niyo man lang ako tinulungan!"



"Huh?" Maang niya. "Tinulungan saan?"



Napamaang din ako. Hindi ako makapaniwala na sa lakas naming mag-usap ni mama ay dedma lang siya at wala talagang narinig. "Dad, nasobrahan kana yata sa kape." Lumapit ako sa kanya at inilapag ang waiver sa table. "Pinirmahan ni mama oh. 'Di dapat ako sasama eh. Ang mahal pa ng registration!"



"Ano 'to?" Kinuha niya ito at binasa. "Oh, tour pala." Nag-angat siya ng tingin sa'kin. "Ayaw mong magtour? Noong high school ako, gustong-gusto ko ang mga ganito. Exempted kana sa klase, nakagala ka pa!"



"Dad, hindi naman ako galang tao at hindi mapirme kagaya mo. Kay mommy ako nagmana."



"Ang sakit mo namang magsalita, anak."



Natawa ako sa biglaang paglungkot ng tinig niya. "Dad...seryoso nga! Help me. Kausapin mo si mommy."



"Anak, isang araw lang naman 'yan. Pagtiisan mo na. At saka kung napirmahan na ng mommy mo, wala na tayong magagawa. Gusto niyang sumama ka kasi hindi naman malayo at hindi naman delikado ang gagawin niyo. H'wag na nating kontrahin, hindi na magbabago ang isip non."



Hindi ako nakasagot agad. Napabuntong hininga ako. "Tsk. Matutulog lang talaga ako sa bus, 'di ako bababa," ungot ko pa. Natawa lang siya. Kinuha ko na ulit ang waiver. "Pasok na ako, dad." Niyakap ko siya. "See you later!"



"Mag-iingat ka."



"Yes, sir!"



"Ma, alis na ako!" Sigaw ko paglabas para marinig niya. Hindi ko na siya pinuntahan sa garden. "Love you!"



"Umuwi ng maaga ah!"



Napasimangot ako. Hindi na ako sumagot at lumabas na ng gate para hintayin ang binook kong Angkas. Tsk. Mukhang mal'late pa ako ah. Alam ko namang malayo sa school ang bahay namin pero bakit hindi ko magawang umalis ng maaga? Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ang mahalaga naman ay pumapasok ka 'di ba? 'Di bale nang late, 'wag lang absent. Ganon dapat. Hindi 'yong porke't alam mong late kana ay hindi kana papasok. Dude, that's not a good behavior! Ekis! Anyway, nagc'commute lang ako. Yes, may sasakyan naman ako pero si mommy muna ang gumagamit no'n dahil hindi convenient para sa akin ang magdala ng kotse sa school. Sa tindi ba naman ng traffic dito sa lugar namin, aabutin ka talaga ng tatlong oras sa daan kapag naka-four wheels ka. Natuto na ako. Kaya I choose Angkas or Joyride tuwing papasok. Kapag pauwi naman, it's either sinusundo ako ng tatay ko, or sumasabay ako sa friends ko. Gusto ko ang ganitong setup. Nasanay na ako dahil simula noong nagkolehiyo ako, lagi ko na 'tong ginagawa.



Inilabas ko ang phone ko para bumati sa gc namin.



'Good morning mga panget!' chat ko sa gc namin named THE NOTORIOUS SQUAD!



Si Rob ang gumawa ng nitong group chat at ako naman ang nagbigay ng pangalan. Astig 'no? Wala kayong pakialam kung hindi, 'yan ang unang pumasok sa isipan ko, okay?! It sounds so badass! Apat lang kaming members dito: si Skylie Rae, Samantha Khail, Kim Robert, at syempre ako...your girl, Gwen Chloe.



Skylie's: Sup? Late again?



Skylie's is Samantha's nickname rito sa gc at Samantha's naman ang kay Skylie. Ang corny nila 'no? Sarap pagbabatuhin ng mais. Walang respeto sa mga nags'self-love at mga walang jowa. Kung itatanong niyo naman kung anong nickname ni Rob dito? It's baklang waladede. Si Ulap ang nakaisip nito. Ang akin naman, si Roberto ang nagbigay; it's babaeng hindi jowable, which is so untrue! Hindi ba pwedeng choosy lang, o natrauma? Sa sobrang jowable ko nga parang gusto ko na lang jowain ang sarili ko kaysa masaktan ako sa iba.



Okay, enough. Masyado nang madrama



'Syempre!' proud na reply ko kay Monteclaro.



Samantha's: 'Wag kanang pumasok. Nagsasayang ka lang ng pamasahe.



:Bakit? Ikaw ba nagbabayad ng pamasahe ko?!



Baklang waladede: Sayang panty, girl.



Nag-angry react ako sa mga messages nila. Nakakainis kausap 'tong dalawang 'to. Puro pangbabara lang ang nakukuha ko sa kanila, at mga hindi pa matitinong kausap.


:Mga walang kwenta. Si Sam lang matino rito. Yes, Sam. Late na naman akez. Traffic ahuhu : ('



Baklang waladede👻: Ayiee akez daw. May namimiss si ate girl.



Samantha's❤️: yieeee hahahaha.



Napasimangot ako at hindi sila nireplyan. Bahala kayo diyan! Nababadtrip lang ako sa kanila; ang aga-aga nang-aasar.



Baklang waladede👻: Ay seen bigla? Napikon na siya hahaha. Affected yan?



I sarcastically replied. 'Whatever. Sana masarap ulam mo ngayon. Malate ka sana!'



All of them reacted 'haha'. Hindi ko napigilang hindi mapairap. Then seen na silang lahat. Ako na naman ang huling nag-iwan ng message. Ayaw ko pa naman na ako ang huling nagc-chat dahil iba sa pakiramdam. Feeling ko hindi ako mahalaga, feeling ko wala akong kwenta. Ako lang ba 'yong ganito? Parang timang 'di ba?


'Nandyan na si mam?' chat ko sa gc namin sa room as a section named BSBA Attractive🤍.


Oo alam ko, ang dami kong gc. Tangina.


Halos lahat naman sila nagreply ng 'Wala pa.' Malapit ko nang isipin na takot silang i-seen ako. Alam naman nating lahat kung anong pakiramdam ng ini-ignore 'di ba? H'wag tayong ganon. Ang totoo niyan President ako ng department namin kaya marami rin akong gc as an officer. Lagi ko silang sinasabihan na hindi maganda sa pakiramdam ang i-seen kaya siguro nirereplyan nila ako. Oh well, dapat lang.


Napangiti ako at napa-yes pa. Late na naman kaming pareho ng professor namin at malamang mas mauuna pa ako dun.


Hindi na rin naman masama para sa araw ng Lunes.


__________
__________

Naabutan kong may kanya-kanyang mundo ang mga tao sa classroom. Gayunman, binati pa rin ako ng lahat pagpasok ko palang ng pintuan. Bumati naman ako pabalik at nginitian sila.


Ang ganda ko ba mga sismars?


Business Administration has ten sections per major that consists of thirty students each. Nasa mataas na section ako. Malaki ang population ng department namin kung iisipin, pero just so you know...kami pa rin ang pinakamaliit compare sa ibang program na may vast of numbers talaga. Though, hindi naman mahirap i-handle ang isang department. Kinakaya ko naman. Mas mahirap pa rin ang maghandle ng buong school as a President, at yon ang ginagampanan ngayon ni Scarlet Zign Anderson. Sana kilala niyo siya. Si Samantha Khail naman ang Vice-president niya at President din ng department niyang Civil Engineering. Ngayon ko lang nalaman na pwede pala yon, Vice-president of Student Council and at the same time President of their department. Si Skylie and Roberto naman? Wala silang ganap kundi magsuot ng puti nilang uniform araw-araw. Pareho silang Nursing student. Nag-usap yata ang dalawang hinayupak na yon.


I roamed my eyes around. Everyone is quite busy with their own thing. Kahit papaano nasa maayos pa naman ang classroom. Ayaw ko kasing pumapasok nang magulo ang paligid na siyang madalas mangyari kapag walang professor o naiiwan kaming walang adviser. Ang iba pa naman sa mga kaklase ko'y hindi ko malaman kung nagskip ng high school dahil kung umasta parang mga elementary student pa rin. Sa akin ibinabato ng faculty ang paninisi kapag isip-bata sila umakto as if magulang ako ng mga taong 'to.


Naglakad ako palapit sa upuan ko kung saan nandoon din ang mga kaibigan ko.


"Oh, nakuha mo na pala classcard mo?" Bati ko kay Jervy. Nasa left side siya ni Margo at umupo naman ako sa right. Nasa right side ko naman ang gamer na si Gabriel na busy sa paglalaro ng Rules of Survival. "Kumusta ang grades natin?"


These people are my new or additional group of friends. Tropa ko na sila since first year college at seatmate kapag walang sitting arrangement. Jervy Reyes and Gabriel Anduyan used to be my suitors. Sabay silang nanligaw dati kaso nga lang sa sobrang ganda ko, binasted ko agad sila two days pa lang. Hahaha, oh aangal? Sa korte ka! Margarette Mandy short for Margo, siya naman ang una kong nakilala noong freshman days. Nakilala ko siya habang naghihintay ako sa mga bestfriends ko sa gate. Masyado siyang friendly at naisipan niya akong i-approach. Luckily, pareho kami ng course kaya naman naging seatmate and buddy-buddy kami ng ilang buwan hanggang sa naging officially friends. Nag-i-stay lang kaming apat sa isang section and last year napag-usapan ng buong section ang magpablock para sama-sama pa rin ang buong klase. Nangyari naman kaya solid pa rin ang lahat.


"Look at this darling." Darling. Yan ang tawag sa'kin ni Margo, pantaboy sa mga bugaw at gustong umeksena sa buhay ko. Inagaw niya ang hawak na card ni Jervy at pinakita sa'kin. "Sir Chavez gave him his punishment."


Tumaas ng bahagya ang kilay ko nang makita ang card. Sinulyapan ko ang nakangusong si Jervy na nakakuha ng pasang-awa na gradong tres. Mababa magbigay ng grade si Mr. Chavez, mahilig din siyang mambagsak ng mga estudyante dahil sa strick policy niya sa mga projects. He's a perfectionist oldie. Naghahanap siya ng mga estudyanteng may academic standards. Unfortunately, Jervy's research paper got him down. Ito ang humila sa kanya pababa. Matalino siya pero hindi pumasa sa panlasa ng professor namin ang performance niya lalo na ang effortless nitong output sa individual research paper namin.



"Pasado pa naman yan kahit papa'no, medyo mababa nga lang," sabi ko nalang. Alam kong nalulungkot siya sa nakuha pero hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ako marunong magcomfort o magbigay ng magandang advice para mamotivate man lang siya. "Bawi nalang."



"Don't you think you deserved it naman?" Margo said to him frankly. Pinandilatan ko siya mg mata kaso hindi siya nakatingin sa'kin. Grabe talaga 'to. "You didn't give your best. Nagstick ka lang sa pwede na and tama lang. I already told you to take your time and not rush it, but you still did."


"Margo has a point," sang-ayon ko. Sa aming lahat, siya ang unang nagpasa ng output niya. Ni hindi niya nga man lang ipinasilip sa amin. "Tama siya. Masyado ka yatang naging kampante dahil lagi ka namang pumapasa sa subject na 'yan. Though I think you forgot who our professor is and what he can do; it's the Mr. Perfect Chavez old guy who has already marked down a lot of students. HE ALWAYS DOES THAT EVERY EFFIN' SEMESTER, DUDE!"



"With a valid reason, of course," dagdag ni Margo. "Hindi ka naman ibabagsak ni Mr. Chavez kung ginawa mo naman ang lahat. He's a veteran. He knows what he's doing."



"Tama!" I agreed again. 'Yon lang ang kaya kong sabihin. Bahala na si Margo sa kanya.



"Kagaya ng lagi mong sinasabi hindi kompetensiya or labanan ang pag-aaral. But for me, it is. Hindi nga lang kamag-aral mo ang kalaban mo but the struggle na haharang sayo. The pressure from everyone around. It might not be a competition, but don't be too confident and never get content with things like this. There is always something more. Enough is not enough. It will never be enough. Lagi kong naririnig sayo yan eh," mahaba at seryosong lintaya ni Margarette Mandy.



Hindi ako nakapagsalita. This girl really cares about grades or academic stuff. She always excels and is actually at the top of the class. Nakakatuwa pala na marinig ang mga salitang 'to sa kanya; hindi kasi ako sanay na ganito siya kaseryoso.



"Eventually, grades will not define who you are, so I think that's okay. Don't take it so seriously, guys." The game lord spoke, si Gabriel. Nasa nilalaro pa rin ang kanyang atensyon nang sabihin 'yon.



"It won't hurt, yes. It's just a failed subject; kaya pang mabawi," sabi ko.



Tres lang yan kaso namumukod-tangi.



"But TOR will." Margo countered. Oh, napunta na kami sa TOR. "It will define you and your capabilities in the real world. Sa mundo ng paghahanap ng trabaho. That's the reality!" pagdidiin niya pa. "H'wag niyong sabihin na hindi niyo alam 'yon?"



Natawa at nailing ako. "Kumalma ka, darling-mylove-sosweet. Tinatakot mo naman masyado si Jerv. Okay, we get your point. A transcript of records may define us that way, but it is just a document of students' performance. Isn't it? It will be useless if someone fails in the most required ones: behavior and character. TOR is nothing compared to that."



"I know, but then again, that kind of document is what reality's looking for. Hindi naman lahat ganon pero most of them. Kahit santo ka pa kung basura naman ang grade mo, sa tingin mo tatanggapin ka nila? Well, my actual point is...at least make it a little balanced." She explained. Nagcross arms ito at bumaling kay Jervy na natahimik na lamang. "The takeaway here is to always give it your best shot. Umayos ka dahil baka sa susunod makakuha kana naman ng another tres sa kanya. He's watching you."



"Thanks, Margs. Promise, hindi na 'to mangyayari pa. Hindi ko siya papakitaan ng rason para bigyan ulit ako ng tres." Buo ang loob na sagot niya. Tumayo ako sandali para makipag-apir lang sa kanya. "I'll ace his subject next time!"



"Prove him wrong, man. Show him what you got, show him na mali siya ng iniisip!" I cheered. Pumalakpak pa ako. "That's the spirit!"



"Tama na yan, pre. Chill. H'wag mo munang problemahin. Maglaro na tayo," Gabriel. Sabay-sabay kaming napatingin kay kumag na wala na yatang ibang alam kundi maglaro.



"Kaya siguro nakakuha siya ng tres, kakaaya mo sa kanyang maglaro niyan," si Margo kay Gab.



"Sobra kana, Margo. Anong akala mo sa'kin, bad influence?"



"Oo!"



"Luh luh—oh shesh! May kalaban dun!"



Jervy and Gab are actually at the top too. Matalino rin ang dalawang ito kaya kampante naman ako kahit buong maghapon pa silang magbabad sa cellphone at maglaro. They know their priorities. Hindi lang puro gandang lalaki ang dalawang 'to, in fact, lagi silang kasama sa pa-slides ng department namin para sa mga overall runner-up of our program for those who have academic excellence. Syempre kasama rin ako. Lahat kami ay kasama sa top list at nangunguna si Margo. Friendship goals. Hindi ko naman hinangad na magkaroon ng matatalinong kaibigan ngunit 'yon lagi ang napupunta sa'kin. Mula kay Sky at Rob hanggang sa tatlong 'to, wala akong masabi.



Buti na lang hindi ako naging bobo dahil—actually, okay lang naman. May tutulong naman sa'kin. Matatalino naman sila.



Tanga. Hindi okay 'yon!



_____________

Lumipas ang oras pero walang sumipot na professor sa isa sa majors namin. May part sa akin na nagdidiwang, pero may part din na naiinis kasi buryong na naman. Wala akong ginawa kundi tumunganga. Kung malapit lang sana ang bahay namin, sana umuwi muna ako sandali at natulog kaysa maghintay.


Ang sumunod naman naming klase, discussion at pakopya lang. Lagi namang ganito. At dahil tamad ang lahat kumopya at uso ang teknolohiya, pinicturan nalang. Ang walang kakupas-kupas na linyang, 'sa bahay nalang kokopyahin,' at kunwari naman ay kumbinsido ang teacher namin kahit alam naman niyang mas tamad pa kay Juan ang mga 'to. Hinahayaan niya lang kami. Sino nga naman ang babagsak? Ako lang naman ang bukod tanging nagt'tiyagang magtake down notes kahit gaano pa kahaba dahil alam kong tatamarin lang akong magsulat sa bahay. And can you even imagine and consider it? Nag-effort magsulat sa pisara at nagpagod gumawa ng presentation ang professor niyo tapos kukunan lang ng litrato gawa ng katamaran? Bakit hindi natin subukang mag-effort din magsulat. Sana maisip din nila 'to pero imposible. They'll just whine and reason it out.



But not my concern anymore.



"Darling." Napatingin ako kay Margo. "Samahan mo ako later sa condo ko. Kukunin ko lang ang inorder ko. Doon kasi deniliver," mahinang sabi niya. Hindi ako sumagot. Binalik ko ang tingin sa harapan dahil pasulyap-sulyap sa gawi namin ang professor naming may gusto rito sa kaibigan ko; baka mapansin niyang nagbubulungan kami. Actually, si Margo lang 'yon. "Hoy, darling! Narinig mo ba ako?" Pangungulit na bulong niya pa.



"Hindi ako bingi!" Bulong ko rin.



"Samahan mo ako ah?"



"Order ka nang order. Ba't di ka nalang magshopping, pumunta ka sa mall." Sabi ko pa. Syempre, mas uunahin kong magreklamo muna bago siya samahan. "Buti hindi ka na-i-scam diyan?"



I once ordered online. Hindi ko na babanggitin ang name ng platform dahil baka isipin niyo naninira ako. Pero ayon nga, nag-order ako at karton lang ang dumating. Angas 'di ba? Speaker ang inorder ko pero styrofoam ang laman. Nakalimutan yatang isama ang item. Badtrip na badtrip ako at nag-iwan talaga ako ng GALIT NA GALIT na feedback. Kapag nabasa niyo 'yon, iisipin niyong tae ang nareceive ko sa sobrang sama ng loob ko. Napunta lang sa wala ang 400 pesos ko. Never again!



Lesson learned: Magbasa muna ng mga feedback bago mag-order at kung legit ba ang shop o seller. Ang bobo ko naman kasi, hindi ko napansing second buyer pala ako ng item na 'yon at 'yong unang umorder, nagbigay ng 1 star rating dahil sa bad experience rin. Ano namang malay ko?! First time kong mag-order. 'Yong picture ang tinignan ko kasi mukhang maganda. Sabi na nga ba, hindi porket kaaya-aya, totoo na. Sino ba kasing may sabi sa akin?


Tsk. Never again talaga.


"Alam ko naman kung sino ang legit seller at hindi. Ayaw ko sa mall, tinatamad ako."



"May mall na walking distance lang sa bahay niyo, ba't di ka pumunta ro'n? Ang arte mo!" Mahinang asik ko.



"Tinatamad nga ako. At saka...luma na 'yon." Ang arte nga. Anong gusto niya, bagong gawa? "Pero may gusto akong puntahan na mall. Wala lang akong time."



"Ang sabihin mo, tinatamad ka lang."



"Darling, 'yon nga ang sabi ko 'di ba?" Sinamaan ko siya ng tingin. Pilosopo! "Pero sinisipag ako ngayon. Samahan mo rin kaya ako ro'n? After natin sa condo, punta tayo ro'n, darling."



"Ano ba talaga? Tinatamad ka o hindi?"



Tumawa lang siya. "Basta sasamahan mo ako."



"Saan? Sa Star Mall ba? Ang tagal—!"



"Sa Aizha Mall," putol niya at may halo pang panunukso ang tono.



"Sige." Mabilis kong sagot.



Napatakip siya ng bibig at pakurap-kurap akong tinignan, hindi makapaniwala. I just shrugged. Ang confident ko pa. She grinned and gave me a slow clap, as if she'd been impressed with something. Ano naman kasing masama kung pupunta ako roon? Kung sakali ay pangatlong beses ko na. Oo, pangatlong beses palang dahil hindi naman ako mahilig gumala.



"Nakamove-on kana talaga, darling."



Tsk, ano naman kasing kinalaman ng mall?



"Matagal na."



_______________

MATAPOS ang klase ay agad kaming nagpaalam sa boys. Hindi na rin naman sila sumama dahil baka maglaro pa ng basketball ang mga 'yon. Tinungo namin ang condo ni Margo para kunin ang inorder niyang puro beauty products na naman at mga kakikayan na may kaugnayan sa pagpapaganda.



Girls thing.



Babae ba talaga ako? Ba't hindi ako makarelate kay Margo? Hmm. Nagdududa na ako ah. Wala naman akong lawit ah. Dapat ba i-double check ko or should I ask my mom kung fake ba 'tong nasa baba?



Tangina. I can't believe I'm thinking like this. This is so embarrassing!



"Darling."



"Ano?"



"Gusto mo turuan kitang magmake-up?"



Napairap ako. "Marunong ako, Margarette. Hindi lang talaga ako nagm'make-up."



"Stop calling me Margarette!" She attacked. Natawa ako. Ayaw niyang tinatawag sa totoo niyang pangalan. Pakiramdam niya raw ay lagi siyang may nagagawang mali at hindi maganda. "Call me darling," she smirked.



"Ayan ka na naman eh."



Darling? Kaya kami naiissue eh. Lagi na lamang akong na-i-issue kung kani-kanino. Ito namang kaibigan ko, gustong-gusto na napagkakamalan kaming magjowa dahil sa tawag niya sa'kin. Akala nga ng iba'y may something talaga sa pagitan namin dahil lagi akong inaangkin nito na pag-aari niya, teritoryo o kung ano pang term na kanyang ginagamit. Ang akala ng iba may malisya at attraction na namamagitan sa amin pero 'yon lang talaga ang paraan niya para protektahan ako at ilayo sa mga nangangahas pormahan ako. Straight si Margo at ganon din ang boys.



"Mauuna na akong lumabas," sabi ko.



"H'wag mo kong iwan!"



"Oa. Sa labas lang ako."



Sumandal ako sa tabi ng elevator na sakto namang pagtunog nito senyales na bubukas. Dalawang tao ang lumabas...habang naglalandian. Napangiwi ako nang makita kung paano yumapos ang babae kay lalaki at kung paano sila nagtukaan sa harap ko. Eww! What term is that again...laplapan?



Punyetang mga 'to!



Napaiwas ako ng tingin. Halos maghubaran na sila habang sinusubukan ni boy buksan ang unit nila. Nakangiwi lang ako. How could I unsee gross things like this? Err! Tangina 'tong mga 'to. Ang lakas pa umungol ng babae. Hindi ko alam kung bakit ako ang nakakaramdam ng hiya. Hindi ba nila ako napansin dito? Parang gusto kong tumakbo pabalik sa unit ni Margo. I couldn't imagine myself in that situation. Why would I do it in the first place? Napafacepalm na lamang ako nang makapasok na sila sa kanilang room. Napailing ako sabay likot ng tingin, at ayon, may cctv nga.



Hays, people nowadays.



"Kinilabutan ako ro'n ah."



Sunod-sunod ang pagbukas ng elevator kabi-kabilaan. Nahihiya na tuloy akong tumayo rito. Ang daming naglalabas-masok. Ang tagal pa ni Margo.



Hanggang sa may lumabas na naman, this time hindi na ako lumingon, hindi na ako tumingin. Nagmumukha na akong tambay rito.



"H-hey."



"Yes?" Isang magandang babae ang nalingunan ko. "Ako?" Turo ko sa sarili.



Teka, parang kilala ko 'to ah. I think nakita ko na siya somewhere.



"Ikaw si Gwen 'di ba? G-Gwen Chloe Perez?"



"Yes?" She sounds nervous. Para siyang nakakita ng artista. Namumula rin siya at mukhang hindi makapaniwala. "Kilala mo ako? Miss, hindi ako artista. Mukha lang pero hindi talaga," sabi ko pa. Medyo natawa naman siya. Oo, nakakatawa nga 'yon.



"You're the ambassadors' representative of New Generation University, right?" palagay niya.



Nakalimutan kong sabihin kanina pero tama siya. Aside from being a department president, isa rin akong student representative ng mga ambassador sa paaralan namin. Hindi naman kataasang katungkulan 'yon sa level ng may mga matataas na posisyon pero isang malaking karangalan para sa akin ang mapili para mapabilang sa sangay nila. Para akong nagt'trabaho sa isang private company sa laki ng allowance ko. Money is life!



"Parang ganon na nga. Pero mawalang galang na, uhh...kilala ba kita?"



"Kiara Roldan," inabot niya ang kanyang kamay. Ilang segundo pa bago ko tinanggap. Nashock ako ng very light. Kaya pala pamilyar. "Nice to meet you, Gwen."



"Ikaw 'yong photographer ng Paradise, right?" Nakangiti siyang tumango. "At 'yong Archer coach?"



"Ako nga. I'm also a writer. Trying to be one and trying to write a new story. Hopefully...our story." Pahina nang pahinang sabi niya kaya hindi ko na naintindihan ang huli. Writer siya, 'yon lang ang nakuha ko.


Siya nga. I know her—not personally, though.



Awkward akong ngumiti. Hindi ko akalaing ganito pala siya kaganda sa personal. Actually, sa TV ko lang siya napapanuod noong high school pa ako at isa pa lamang siya sa mga player ng Feminy University noon. Ngayon coach na siya. Nakakainspire naman. Ang ganda pa. Paano ba maging katulad niya?



Napaiwas ako ng tingin. Sa hindi malamang dahilan bigla akong nailang dahil tila nagbago ang paraan ng pagtitig at pagngiti niya. Nakakatunaw. I could almost feel like I was melting. I couldn't handle it.



Napunta ang tingin ko sa mga kamay namin at doon ko napagtantong magkawak pa rin kami.



"S-sorry," bawi ko sana sa kamay ko pero humigpit ang pagkakahawak niya roon. Mahigpit pero hindi masakit. Ang lambot ng kamay niya. "Ahh...yung...kamay ko."


Pumikit siya sandali. Mariin.



"Three months ago, you got married," she uttered.



"Huh?"



Ano raw 'yon?



"Three months ago, the seasonal festival happened. Can you still remember how you married someone you don't even know?"



Ahh, 'yon pala. Ang tanginang wedding booth na 'yon. How could I forget?! Gabi-gabi ko pa rin naiisip ang nangyaring 'yon.



Sa Paradise University naganap ang festival at bilang ambassadors' representative ay malamang dapat nandoon din ako. Ngunit palakad-lakad lang ako at hindi alam ang gagawin. Para akong tagabundok na naliligaw, were so out of place, and everything was so awkward. Wala rin doon ang mga kaibigan ko maliban kay Samantha na busy naman at hindi ko mahagilap. Mag-isa talaga ako. Gusto kong umuwi pero hindi pwede. Pansin ko nga habang tumatagal nagiging mairitahin na ako sa crowd despite of my fond of being outside. That day, palakad-lakad lang ako sa field kung saan hindi matao. Lumayo ako sa pwestong maingay at crowded. And also that moment, may mga epal na sumulpot at bigla na lamang akong piniringan. Before I knew it, ikinasal-kasal na pala ako sa taong hindi ko kilala. Paano ko makikilala? Nakapiring nga ako. I said no pero natuloy pa rin ang kasal. Walang hiya sila.



Ayaw kong alalahanin ang araw na 'yon. Nakuha ang first kiss ko! And guess what, sa babae ako ikinasal. Oo, pota sa babae. May sayad yata ang nagkunwaring pari doon.



"Are you done reminiscing about those moments?"



Nagkaroon ako ng pagkakataon na bawiin ang kamay ko at nagtagumpay naman. Pinagpawisan ang kamay ko ah. "Excuse me lang, wedding booth lang 'yon."



"Pero ikinasal ka pa rin."



"Hindi 'yon totoong kasal," depensa ko at may bahid nang inis ang boses ko. Nagpapatawa ba siya? At ano bang pakialam niya? Kung hindi lang siya nakatatanda sa'kin, sinagot ko na siya ng pabalang. Teka. Bakit ba ang defensive ko?! Pero dapat lang naman, hindi ba? "Why do you care, anyway? Hindi ko nga kilala kung sino ang nakapartner ko roon."



"Ako."



Mas kumunot ang noo ko. "Ano?"



"Ikinasal ka sa'kin," malamyos nitong sabi.



"Alam mo idol kita since high school, but you don't have to say that. Alam kong hindi ikaw—!"



Napamura ako ng malutong, mentally, nang bigla siyang dumikit sa'kin. When I say dikit, it means sobrang lapit talaga at halos magdikit na ang tungki ng ilong naming dalawa. Napaigtad ako. Pilit kong iniaatras ang mukha ko pero nakasandal nga pala ako.



"Hindi 'yon seryosohan pero seniryoso ko. You have already piqued my interest since the day we first met."



First meet?



Kung hindi ako nagkakamali graduation namin 'yon sa NGU noong senior high school ako. We met kasi nga photographer siya.



Piqued her interest?!



Hindi ako makasagot.



"You're mine, wife. Mine alone, Gwen Chloe."



WHAT?! THIS GIRL IS CRAZY!



Sasagot na sana ako para supalpalin siya sa panaginip niyang hindi ko maintindihan nang may sumabat. Buti nalang may sumabat.



Si Margo.



"She's not yours!"





TO BE CONTINUED•

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 58.3K 50
Frances Montejar was determined to win back her childhood ex-boyfriend, Miguel "Migs" Fuentabella. But when Migs came back from the US, Frances felt...
873K 31.4K 37
Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming...
326K 12.9K 42
Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilipinas at sa unibersidad nila para lang ma...
384K 14.4K 58
**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng ba...