Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 41 ♥ Unleashing Secret

29.5K 362 50
By wistfulpromise

Chapter 41

Serene's POV

Maagang pumasok sila Nyree at Kelly kasama si manong Raul na syang nagsisilbing driver nila. Miss ko na rin si manong Raul sa totoo lang. Madalas ko pa rin naman syang nakikita dito sa bahay lalo na doon sa may garahe. Si Reece at Julian naman sa ikalawang banda ay sabay na pumasok. Halos itulak ko pa nga si Julian para gawin ito eh. Madalas kasi ay si Shane na ang sumusundo kay Reece pero hindi ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung bakit wala sya, naghintay pa man din si Reece. Sa ikalawang banda, nakita ko naman itong pagkakataon para magkasama ang dalawa. 

Nakadisguise-look na ako para sa Maeda Mora noong pumasok si Niel sa bahay para sunduin ako. Sa pagkakataong ito, sabay na kaming dalawa na papasok sa school nila Souta. Hindi na nya kailangang magtago sa akin dahil alam ko naman na naroon sya para bantayan ako. Noong makapasok sa bahay ay kumaway sya sa akin at pagkatapos nagtuloy tuloy na sa loob ng kusina kung saan kasalukuyang nagluluto si ate Desi. 

"Hmm.. ang bango naman yang niluluto mo ate Des! Mukhang masarap ah!" 

"'Sus. Sige na, sige na. Ihanda mo na yang mga pinggan hijo ng makakain na kayo ni Serene."

May narinig akong tawanan kaya pumunta na rin ako sa may kusina. Sa tuwing pumupunta rito si Niel madalas, sa kusina ang first stop nya. Akala mo nga bahay nya eh, parang hari kung makapaglakad. Hindi ko rin naman sya masisi dahil sa dalas ng pagpunta nya rito, nagmistula ng pangalawang bahay ang bahay namin para sa kanya. Madalas din si Jace dito. Actually hindi lang silang dalawa, pati sila Rico, Nathan at Shane diro na rin ang tambayan.

"Gutom na ako." reklamo nya. Umupo ako sa may tapat nya. Inihahanda na ni ate Desi ang bagong lutong sinangag, itlog at tocino sa tapat namin. Noong makita ito, para syang nabuhayan. Sabik na sabik nyang pinagkuskos ang mga kamay noong tuluyan na ngang nailapag sa mesa ang mga nasabing pagkain. Sumandok sya na akala mo nakikipag-unahan kung kanino. 

"Huwag mong sabihin Rico ka na rin Niel? Medjo gutom lang ang peg?" pabiro kong untag. 

"Hindi kasi ako nakakain sa bahay." panay na ang subo nya. Nilunok muna nya ang sandamukal na isinubo nyang kanin bago nagsalita ulit. "Kain ka na rin. Malalate na tayo nyan." 

"Bakit ka nga ba hindi nakakain sa bahay nyo? Nagiging habit mo ng tumambay rito ah." 

Hindi lang madalas, madalas na madalas. Napapansin ko rin na nagiging super close na sila Julian. Palagi kasi silang naglalaro ng videogames sa may sala. 

Ngumiti sya sa akin. Tulad ng dati, labas na naman ang malalim nyang dimples sa pisngi. 

"Is it a good thing or a bad thing?" 

"Depende. Hanggat ikaw pa rin siguro si Niel pwede pa, pero kapag nag-evolve ka na bilang Rico..." I sighed dramatically para may epek. "I might as well kick you out of my house dahil uubusin mo ang lahat ng pagkain namin sa ref." 

Naalala ko tuloy noong nakaraang araw na nagkaroon ng get together ang Intricate at Princeton band dito sa bahay. Dahil sa kagutuman ni Rico, kinalkal nya ang buong kusina. Para syang maghanap ng pagkain. Kahit anong tago ang gawin namin, nahahanap pa rin nya. 

Ikinunot ko ang ulo ko sa pagkakaalala nito. Tumawa naman si Niel sa harap ko. Inihagis nya ang maliit na piraso ng tinapay na kasalukuyan nyang pinapalamanan ng peanut butter. Hindi ako nakailag kaya tumama ito sa mukha ko. 

"Niel!" Pinunasan ko agad ang mukha ko. Kaliligo ko pa lang mag-aamoy peanut butter na naman ako. Pero hindi sya tumigil at patuloy pa akong hinahagisan ng kung anu-ano. There's a look of mischivousness in his eyes. Bumelat sya sa akin. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang tumawa kasama nya. Hanggang sa nauwi sa biruan at tawanan. 

"Sya nga pala, nasabi mo na ba kay Jace?" 

"Ang alin?" 

"Yung tungkol sa pag-uusap nyo ni Pietr." 

Ibinaba ko ang tingin ko. Wala akong kailangang itago sa kanya dahil alam naman nya ang lahat. Hindi man nakasagot pero sa katahimikan na ginawa ko, alam kong alam na nya ang sagot. 

Huminga sya ng malalim at saka umiling sa akin. 

"Sa tingin ko kailangan nyong mag-usap ni Jace. Hindi dapat kayo nagtataguan ng mga importanteng bagay sa isa't-isa." Naikwento ko na rin kasi sa kanya ang tungkol sa pagpayag ni Jace sa tv advertisement na inalok ni direk Ronnie. Tulad ko ay gulat din si Niel. Kilala kasi nya si Jace at si Jace yung taong hindi basta basta gagawa ng ganung klaseng desisyon. 

"Mag-uusap kami... mamaya kapag nagkita kami." Pagkatapos akong batiin ng isang magandang umaga sa cellphone kanina pagkagising ko, ito na ang sinabi ko sa kanya. Ayoko rin kasi talaga na naglilihim sa kanya. Si Jace nga sana ang susundo sa akin ngayon ang kaso, tinawag sya ng epal nyang secretary na nagngangalang Aiden. Napurnada tuloy ulit ang plano namin para sa araw na ito dahil sa kanya. Miss ko na ang polar ko. 

"Dapat lang, dahil ayokong nakikitang nahihirapan at nasasaktan ka." 

Sa bawat araw na lumipas magmula noong hindi ako pumayag sa alok ni Pietr, ilang beses na rin akong kusang pumupunta sa opisina ni Mr. Tolentino para kausapin sya tungkol sa shares na pinag-aagawan nila Jace at Pietr. Ano pa nga ba ang mabisang paraan para maayos ang isang problema kundi sa pinag-ugatan hindi ba? Gayunpaman, kahit anong pagpupursige ang gawin ko, ayaw nya akong harapin. Hindi alam ni Jace tungkol sa bagay na ito at walang araw na hindi ako nakakaramdam ng konsensya. Pero sa ikalawang banda, hindi rin naman nya sinasabi sa akin ang dahilan nya kung bakit sya pumayag sa alok ni direk Ronnie. Dahil doon, kahit papaano ay quits kami. 

"Bakit ba ang komplikado ng buhay? Ang dami daming problema. Maayos ko pa kaya ito?" 

Ginulo ko ang buhok ko at saka itinago ang mukha sa mga kamay ko. Teka talaga bang sinabi ko lang ang salitang 'quits kami'? Kahit anong sabihin ko mali pa rin talaga na nagtatago kami ng mga sikreto sa isa't-isa. Waah! Ang gulo ko na talaga. Sa dami ng problema, natutuliro na yata ang utak ko!

"Life is simple. Tayo lang naman ang nagpapakomplikado eh." 

Sinimangutan ko sya. Si Niel pa. Para sa kanya, lahat madali.

"Halika nga." Magkatabi kami ng upuan pero gusto nyang lumapit ako sa kanya. "Sige na. Minsan lang ako humiling hindi mo pa ako mapagbigyan."

Umayos ako ng upo at lumapit sa kanya. Niyakap nya ako.

"Basta kahit anong mangyari nandito lang ako. Everything's gonna be alright. I know, everything's gonna be alright." Paulit ulit nyang sambit sabay tapik sa likod ko. And somewhat, hearing his voice brings calmness deep within me. Sa ngayon, ito nga yata ang kailangan ko.

***

Ilang araw na ang lumipas magmula noong hindi ako pumayag sa alok ni Pietr sa akin. Ilang araw na rin ang lumipas noong ipinataw ko ang Pro-Bullying campaign sa Princeton at ganun din sa Maeda Mora. Maayos man ang kinahantungan nito sa Princeton Academy, kabaliktaran naman ito sa Maeda Mora. Kung hindi nga ako nagkakamali, mas lalo pang lumalala. 

Halos panggigilan akong sabunutan ni Clarisse matapos akong makita. Sobrang namiss yata ako ng bruha kaya ganun na lang kung makaasta. Mabuti na lang at meron si Souta na mabilis humarang para sa akin. Ayaw pang tumigil ni Clarisse noong umpisa, pero noong tinakot sya nitong hahalikan sa labi kapag hindi huminto, mabilis syang tumigil.

"Over my dead gorgeous body. Walang gustong humalik jan sa mahaba mong nguso Mr. Gangster na baliw!" Naalala ko pang singhal nyang sagot kay Souta bago nagwalk-out. Sumunod naman sa kanya si Souta at patuloy syang inaasar. Hindi ko tuloy mapaisip kung ano na nga ba talaga ang nangyayari sa dalawa. Tingin ko kasi nakita na ni Clarisse ang katapat nya. 

Simula noong bumalik ako sa Maeda Mora ay marami na kaming-- kasama sila Clarisse, Souta at Pietr-- batas na inuukol sa school, isa na roon ang Pro-Bullying campaign, tamang pagtapon ng mga basura sa tamang pagtapunan, no-vandalism campaign at marami pang iba. At syempre, tulad ng mga estudyante sa Princeton Academy, maraming mga estudyante ang tumutol sa mga programang ito. 

Kasalukuyan kaming nag-iikot ikot sa bawat classroom para sabihin sa kanila ang mga bagong rules ng school pero sa bawat classrooms na pasukan namin, kung hindi kami pinagtatawanan, binabato bato pa kami ng kung anu-ano. 

Noong una nagtitimpi pa ako sa napakawalang modo nilang ugali pero hindi rin nagtagal. Sumabog din ako. 

"TAHIMIK!!!" sigaw ko sa kanilang lahat. Nandito kami sa klase kung nasaan ang grupo nila Deck at ng mga kasama nya. Nandito rin sila Andrei, Cecilia at Sofia. Sa dami ng nasa estudyanteng nasa harap ko, sila lang yata ang nakikinig sa mga panawagan ko. 

Tumigil ang lahat sa ginagawa nila. Naputol ang tawanan, natahimik ang lahat. Hindi makabasag pinggan ang nanaig sa buong paligid dahil sa di inaasahang malakas na boses na narinig.

Kung hindi lang sira ang speaker ng buong school na 'to, ipana-announcement ko na lang sana katulad ng ginawa ko sa Princeton Academy. Pero wala eh, kailangan pumunta sa bawat classroom dahil ito lang ang nag-iisang choice na nakikita namin. 

"Makinig kayo. Paano maayos itong school nyo kung ganyan ang ugali nyong lahat? Matuto kayong makinig kung may nagsasalita sa harap!" 

"Wow, hindi namin alam miss new girl na Retokada na ikaw na pala ang may-ari ng school na 'to ngayon? Sino ka ba para pagsermonan kami ng ganyan? Principal? Bagong presidente ng Pilipinas? O nanay namin?" Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Deck. "Baka nakakalimutan mo," mula sa pagkakataas ng paa nya sa isang mesa na parang isang 'Don', umayos sya ng upo at tinuro kami nila Clarisse na nasa harapan isa-isa. "Ikaw, ikaw at ikaw, may atraso pa sa akin noong isang araw. Pasensya na, hindi man ako ang pinakamatalinong tao rito sa mundo, hindi naman ako makakalimutin sa mga taong may atraso sa akin."

"Tama! Tama yan!" 

"Turuan mo nga ng leksyon ang babaeng 'yan Deck, ang yabang eh!" 

"Oo nga! Oo nga! Akala mo kung sino!" 

Sigawan ng mga kasama nya sa tabi.

Tumayo si Deck sa kinatatayuan nya at parang tinatamad na humakbang papalapit sa akin. Patuloy pa rin sa pagchicheer ang mga kasama nito sa paligid. 

"Lahat ng batas mo, walang kwenta. Walang susunod dyan dahil walang may pakialam. Ayaw sana kitang saktan pero, sinasayang nyo lang ang oras nyo sa mga pinaggagagawa nyo. Hindi namin kailangan ng pagbabago dahil masaya na kami sa mga nakasanayan namin. Malaya. Walang bawal. Nagagawa ang lahat ng gusto. Iyon ang gusto namin. Iyon ang tunay na batas sa Maeda Mora." 

Habang tumatagal ay lumiliit na ng lumiliit ang distansya namin sa isa't-isa. May ngisi sa mukha nya na gusto kong burahin. 

"Sino ka ba para guluhin ang school namin?" 

Nakatitigan lang sya sa akin pero hindi ako umatras ni kumurap. Patuloy ang sigawan at tawanan ng mga estudyante sa paligid. 

"Babae ka lang. Mahina ka. Kakasa ka ba sa akin?" 

Bago tuluyang maputol ang distansya namin ay may humarang sa harap ko, kasabay nito ay ang pag-ugong ng isang upuan di kalayuan. Nakita ko si Andrei na kabadong nakatayo sa tapat ng upuan nya. Sa may tabi ay napansin ko rin ang pigura ni Niel na naghihintay lang ng tyempo.

Nasa harap ko na rin si Pietr na noon rin ay unti-unting iniaangat ang tingin kay Deck. 

"Ang babae nirerespeto, hindi binabastos." sabi ni Pietr na ngayon lang nagsalita mula pa kanina. Noong nagsalita sya halos matahimik ang lahat. Hindi ko rin sila masisi dahil kahit ako ay napaatras pa ng konti dahil sa kamandag ng boses nya. Magmula noong huli kaming magkita, hindi na kami nagkausap.

Kung natakot man si Deck, mabilis itong nabura sa mukha nya. Ngumisi ulit sya at natawa pa ng konti dahil sa sinabi ni Pietr. 

"Wow, wow, wow! Pakisabi nga sa boyfriend mo Retokada na hindi nya ako matatakot sa tingin nyang 'yan. Pare-parehas lang kayong tatlo na baguhan sa school na 'to pero mas mahahaba pa yata ang mga sungay nyo kaysa sa amin." 

"Psh. Hambog. Kung alam mo lang, demonyo ang mga nasa harapan mo." pabulong na singhal ni Clarisse sa tabi. 

 "Demonyo nga ba?" Ngumisi si Deck. Bumalik sya sa tapat ng kinauupuan nya at umupo sa mesa nya. "Speaking of, pag-usapan natin ang demonyo." iswinay sway pa nya ang mga paa sa mesa na parang wala lang ang usapang ito sa kanya kundi isang laro. "Sigurado ako alam nyo naman na na karamihan sa mga estudyante ng Maeda Mora ay myembro ng mga gang, yes? So ibig sabihin, hindi na rin nakapagtataka na kilala nyo ang Black Savage Gang di ba?" 

Natahimik kaming tatlo lalo na si Pietr. Alam na kaya nya... kung sino kami?

"Ayon! Ayon ang masasabi kong demonyo at mga halang talaga." pagpapatuloy pa ni Deck. "Siguro kung may dapat man akong katakutan, sila yun at syempre pati na rin ang bagong Gangster Queen. Pero kayo? Tatakutin ako--kaming lahat dito? Nagpapatawa ba kayo? Eh mga walang kwentang baguhan lang naman kayo eh! Tapos ano ba 'yang mga suot nyo?" turan nya sa amin ni Clarisse. "Napakabaduy! Napakawalang kwenta! Ano ba 'to? Kapanahunan nyo si manang Cecilia? Ang papangit nyo!" 

Tapos nagtawanan ulit sila sa loob. Saka lang sila nahinto ng bigla nila kaming marinig na magtawanan. Tumingin ako kay Clarisse na grabe kung makatawa, pati si Pietr na nasa harapan ko kung makatawa rin wagas. Ako naman sa ikalawang banda ay iyon din ang ginawa. Ang tawanan naming tatlo ang namukod tangi sa loob ng kwarto. 

"Black Savage Gang?" tanong ni Pietr sa bawat tawa.

"Gangster Queen?" sabi ko naman.

"Mga pangit?" tawa pa ni Clarisse. 

Nagkatinginan kaming tatlo tapos wala pang ilang sandali, nagtawanan ulit kami. Nawala na sa defense mode si Pietr dahil umatras na sya at sumandal sa may black board, nakataas ang dalawang kamay sa may batok. 

"This is a big joke." tawa pa ni Pietr. 

"Seriously Retokada? Sigurado ka bang magtatagal pa tayo rito? Baka nakakalimutan mo marami pa tayong classroom na pupuntahan. This room is a waste of time." Umalis na si Clarisse diretso palabas ng pintuan.

"Tingin ko nga." Ibinato ko ang hawak na flyer sa harap ni Deck. Sumunod si Pietr sa amin noong lumabas kami. 

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" galit na bulyaw sa amin ni Deck. Nahawakan nya ang braso ko bago pa man ako nakalabas. Dahil doon hinayaan ko na ang sarili ko, gusto kong ipakita sa kanya... ang demonyong kinakatakutan nya. 

Isang hawak sa braso, at konting bwelo, ibinalibag ko sya ng wala pang isang kisap mata. Nakahawak ang kanang kamay ko sa kanya hanggang ngayon. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, kasama nyang nahila pababa ang suot kong makakapal na bracelet para maitago ang tattoo ko. 

"G-G-G...c-cle--" Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang takot sa mga mata ni Deck. Gayunpaman, bago pa man nya matapos ang sasabihin inunahan ko na sya. 

Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis. "Nice to meet you." 

Tulala man sa natuklasan ay madalian ko syang hinila para makatayo sya. Hindi ko binitawan ang kamay nya hanggang sa pasimple ko syang itinulak kay Pietr. 

Bumulong ako sa kanya. "Hawakan mo 'yan. Nakita nya." 

Sa paglabas namin ng classroom na iyon, dala dala namin si Deck na hanggang ngayon ay parang lutang pa rin. Mabuti na lang si Deck lang ang nakakita. Masyado kasing malayo ang ibang mga estudyante para makita ito ng maayos. 

Naglakad kami hanggang sa nakarating kami sa labas kung saan walang tao. Hinarap ko si Deck na noon din ay itinulak ni Pietr para tumayo sya ng mag-isa. Bumalik sa tabi namin si Pietr.

"P-p-pero... a-anong ginagawa nyo r-rito?" 

Sasagot pa lang sana ako ng bigla na lang may dumating. Hinihingal na huminto si Andrei sa harap namin na halatang galing sa pagtakbo. 

"Saan n-nyo..." hingal nya "i-idadala ang kaibigan ko?" 

Hindi naman sa nanunukso pero... feeling ko kailangan na talagang magdiet ni Andrei. Konting takbo lang ang ginawa nya pagod na sya? Para ngang nahihirapan pa syang huminga. 

"Anong ginagawa mo rito?!" galit na sita ni Deck kay Andrei.

Noong makabawi mula sa pagkakahingal ay tumayo si Andrei sa tabi ni Deck. "Kinuha ka nila." sagot nya na akala mo masasagot nito ang lahat ng katanungan ni Deck. 

"Hindi kita kailangan dito. Umalis ka sa harap ko!" Itinulak ni Deck si Andrei pero hindi sya nagpatinag. Nanatili syang nakatayo sa kinatatayuan nya. 

"Ayoko. Hindi kita iiwan dito." 

"Alis! Ayokong makita ang mukha mo tabachoy!--" 

"Tama na 'yan." putol ko sa kanilang dalawa. Mabilis naman silang natahimik. I wonder kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Bakit ganun ang ikinikilos ni Andrei kay Deck at bakit ganun na lang din ang pagkadisgusto ni Deck kay Andrei? Di ba magkaibigan sila?

"Ayoko ng patagalin ang pag-uusap na 'to. Deck, kung ano man ang nakita mo, burahin mo na yun sa utak mo. Nakagalaw kami sa school na 'to ng walang nakakaalam kung sino kami at gusto naming manatili yung ganun. Sa oras na malaman ko sinuway mo iyon, alam mo kung saan ka pupulutin." 

Nakita ko syang napalunok sa takot. 

"Anong nangayayari?" naguguluhang tanong ni Andrei. Tumingin sya sa amin pabalik kay Deck. Punong puno pa rin ng pawis ang mukha nya mula sa pagtakbo kanina. "A-alam mo na rin?"

Nakuha nito ang atensyon naming apat. Anong ibig nyang sabihin na 'alam nya na rin'?

"Mukhang may nakapuslit ng hindi natin namamalayan." sabi ni Pietr. Itinupi nya ang dalawang braso sa dibdib.

"Anong ibig mong sabihin?" turan ko kay Andrei. Kabado syang tumingin sa akin tapos ibinalik rin ito kay Deck na nagsalita na rin ulit. 

"Alam mo na?" gulat nitong tanong

Mabagal na tumango si Andrei. Binatukan sya ni Deck. 

"Eh gung-gong ka pala eh! Gusto mo ba talaga akong ipahiya ha?! Bakit hindi mo sinabi na kilala mo na pala sya ha?!" 

"Sinubukan ko. Hindi ka naman nakikinig sa akin eh."

"Hunghang ka kasi! Kailan mo pa alam? Alam mo bang g*go ka ha? Hindi ka pa rin nagbabago. G*go ka pa rin!!"

"Eh malay ko ba kung interesado ka palang malaman na ang sikat na Serene Lopez lang naman ng bandang 'The Intricate' ang nasa harap mo! Di ba wala ka namang pakialam sa paborito kong banda diba? Di ba?!" 

Pakiramdam ko, nabato ako sa kinatatayuan ko. 

Muling ibinalik ni Deck sa akin ang tingin na parang hindi makapaniwala sa narinig. "T-teka, i-ibig mong sabihin... si Serene Lopez ng 'The Intricate' band at ang Gangster Q-Queen ay i-i-isa?" 

Nanlaki ang mga mata ni Andrei. 

"Sya ang Gangster Que--?!" pero tinakpan na ni Pietr ang bunganga nya bago pa nito mailantad sa buong Maeda Mora ang tunay kong pagkatao. 

Sabi ko naman sa inyo di ba? Ang pagiging gangster queen ko ay isang malaking sikreto. Walang nakakaalam na ang Serene Lopez sa 'The Intricate' at ang bagong Gangster Queen ay iisa. Sila pa lang ang unang nakaalam nun... sa tingin ko. 

"Gosh. Too much revelation isn't?" maarteng tanong ni Clarisse. Halata ang sarkastiko sa boses nya. Maarte pa nyang inaayos ang buhok nya sabay taas kilay silang pinagmasdan.

"K-kung ikaw nga ang G-gangster Q-queen.." paninimula ulit ni Deck. Binitawan na ni Pietr ang bunganga ni Andrei. "Sino... S-sino sila?" isa-isa nyang turan kanila Clarisse at Pietr. 

"I'm just a mere spectator here na aksidente lang napasama rito. I'm not a gangster member nor a mafia princess. I'm just a Goddess hiding behind this g*ddamn ugly make-up that makes my face itchy. Gosh." Clarissed rolled her eyes. Pero kumindat pa rin sya sa dalawa. 

Goddess? Nice Clarisse. 

"Eh s-sya?" turo ni Deck kay Pietr. 

Ngumisi si Pietr. "Do you really want to know?"

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay patangong napalunok sa kaba si Deck. 

Tinanggal ni Pietr ang shirt nya at saka tumalikod. 

"Oh. My. God. Ang abs..." Yes. Ito ang unang napansin ni Clarisse. Magtataka pa ba ako? Binatukan ko sya. Mabuti't wala rito si Souta dahil kung hindi, tinukso na naman sya dahil sa tila ba naglalaway nyang pigura. 

"I hate you! Freak!" singhal nyang reklamo sabay sa ulo nya. Typical of her. 

Pero syempre iba ang nakita nila Andrei at Deck at iyon ay walang iba kundi ang malaking dragon tattoo sa likod ni Pietr. Napasingap sila sa gulat. Mabilis din isinoli ni Pietr ang damit na suot, isang bagay na sa tingin ko ay nakapagpa disappoint kay Clarisse. Wala eh, tapos na ang palabas. 

"Oh sh*t! Sh*t! Sh*t!! Isa syang Black Savage!!" 

Pietr wrinkled his nose. "Actually, not anymore." 

"But still!!" sabi ni Deck. "Hanggat nakatatak sa likod mo iyan, Black Savage ka pa rin!" 

"Patay na tayo Deck... Hindi lang tayo kundi lahat ng mga estudyante rito. A-anong ginagawa ng dalawa sa pinakamalakas at pinakasikat na pangalan sa gangster world dito sa school natin? Patay talaga tayo... Patay..." wala sa sariling sambit ni Andrei.

"Andrei kailan mo pa nalaman?" tanong ko na nakapagpabalik sa diwa nya. Nakatulala syang tumingin sa akin. "Kailan mo pa nalaman, na ako nga si Serene Lopez?" 

Kabado syang tumingin sa akin. "Noong... noong sumabay ka sa akin na kumanta ng 'Royals' sa gym. Sa boses mo pa lang...alam kong ikaw iyon. Hindi ako pwedeng magkamali." 

Tumunog ang bell. Pero bago kami tuluyang magkahiwa-hiwalay ng landas, pinagsabihan na namin sila na itikom ang mga bibig. Katakot lang ng dalawa na suwayin kami. Alam nila ang magiging kapalit dahil sa oras na kalabanin nila kami sa utos namin, hindi lang dalawa gang ang hahabol sa kanila, kundi lima. Inticate, Ellipses, Black Savage, Serendipity at ang Shinobi Gang ni Souta. Dehadong dehado sila. 

♥♥♥

Author's Note: 

Okay. This one is a very crappy update kaya pasensya na!! >.<) Hindi ko pa ito naedit, kaya kung may wrong grammar, salitang naulit-ulit and such, paniguradong nadulingan ko lang iyon. (ilang beses ko na kasi syang nire-read. If my brain could only vomit words, letters and sentences dahil sa pagkakaumay, napuno na ng tinta itong computer ko.)

Baka ire-write ko na lang ulit. (Buti na lang may freedom of speech este-- freedom of writing si watty. Pwedeng mag-ulit pag may mali. Hohoho!)

Ewan ko ba. This days wala akong masulat kahit pa sa TSR. Ilang araw na akong tulala sa laptop ko. Nakailang beses na rin akong nakapagsulat ng Chapter 41. Not only once, twice but SIX TIMES!! Yes! Anim na beses ko ng sinulat itong chapter na ito, iba't-ibang version, iba't ibang scenes pero ni isa wala akong gusto T__T) Ito lang medjo umayos sa panlasa ko but even then, hindi pa rin ako super kontento. Huhuhuhu. Hindi ganun kadaling maging writer-- sabi nila. Ngayon naiintindihan ko na T.T)

Maraming salamat sa matyagang paghihintay Listeners! T3T)/ 

Abangan nyo na lang ang next dahil nakakasiguro akong action ang next scenes na magaganap. Kasalukuyan ko na kasi syang sinusulat. 

On the brighter side, nagsign-up ako for a reading challenge in Goodreads! (sino may goodreads account jan? :D Add nio ako!) Nagpledge akong magbabasa ng 100 BOOKS this year 2014, at so far 11 Books pa lang ang nababasa ko LOL. (Kasisimula ko lang kasi nung pledge last week so...) Anyway, bukod sa pagsusulat, iyon din ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ko, walang iba kundi ang magbasa! So kapag wala ako rito sa watty, nandun ako sa sulok ng bahay namin, nagbabasa!! LOL. Medjo isang libro ang natatapos ko sa isang araw, bampira kasi ako pagdating sa libro :3 

So sa mga may account ng goodreads at mahilig magbasa ng libro, chikahan nyo rin ako kung anong novel ang binabasa nyo!! :D Pwede kayong magrecommend sa akin ng librong mababasa (iPM nio na lang sa akin! :D) at baka sakaling makahanap ako ng kopya nun dito at magchichikahan tayo! Hahahahaha

Okay magbababye na meeeee. Ipagpapatuloy ko pa ang pagbabasa. Keep inspiring Listeners!

OLE!!~ 

-wistfulpromise

 

Continue Reading

You'll Also Like

274K 17.2K 38
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
2.7M 71.7K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
2.7M 102K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
1.1M 35.4K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...