A LIFE IN STAR WORLD
🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥
-Julia Montes Point of View-
"Oh! Gising ka na pala Mara, tara kumain ka muna" Yaya naman ni Lola Flory sa akin pagkagising ko.
Wala kaming taping ngayon kasi kababalik lang namin dito sa may Manila so para makapag-pahinga kami wala munang taping ngayon. Buti na rin yun para makapag-plano na ako para sa 17th Birthday ko. Grabe ang bilis ng panahon next year Debut ko na. Wish ko lang sana nandun si Daddy.
"Cge La!" Umupo na ako sa may lamesa at kumuha na ng pagkain.
"Si Patrick ba gising na?" Tanong naman ni Lola.
"Hindi pa po kasi bago ako bumaba sumilip ako sa kwarto niya, naghihihilik pa nga eh tulo pa laway"
"Ganun? Paano ba naman kasi late ng dumating kagabi nakipagkita sa mga kaibigan niya at pumunta daw sila sa Mall"
"Ahh kaya pala bagsak na bagsak"
"O siya pagkatapos mong kumain diyan gisingin mo na siya kasi may lakad daw siya at dapat hindi daw siya malate"
"Po? Gigisingin ko na kung ganung hindi dapat siya malate. Cge po akyat na ako"
Umakyat na ako sa itaas para gisingin ang kapatid ko. Yung lalaking talagang yun ginagawa pang alarm clock si lola para magising siya.
Pumasok na ako at ayun nakabukaka pa habang humihilik. Umupo ako sa kama at tinapik siya sa balikat niya para magising siya.
"Huy! Huy Patrick! Gising na! Huy!" Tinatapik ko pero wala pa rin.
"Mhmmm.." Yun lang sabi niya.
"Ahh away mong magising ah!" Napatingin ako sa may side table niya at saktong may nakalagay na isang basong tubig...ang ginawa ko? Tinuluaan ko siya ng kaunting tubig sa mukha niya kaya ayun napabangon at napahawak sa mukha niya.
"Ate!" Sigaw niya sa akin.
"Ayaw mo kasing magising eh! Bumango ka na diyan!" Lumabas na ako at hindi na naghintay ng sasabihin niya.
Bumalik na ako sa pagkakaupo ko sa lamesa at nagsimula ng kumain. Mhmm...sarap talagang magluto ni Lola kahit kailan.
Tapos si Patrick ayun nakita ko nasa tabi ko na pala habang sumasandok ng kanin pati ng ulam.
"La! May dyaryo po ba tayo ngayong araw?" Tanong naman ni Patrick kay Lola.
"Oo bakit? Magbabasa ka?"
"Opo la! Baka nanalo yung paborito kong Basketball Team!" Akalain mo may paborito itong Basketball team kahit na alam niyo na medyo lumalaglag.
"Oh ito" Iniabot naman ni Lola kay Patrick yung dyaryo at nagsimula ng magbasa.
Maya-maya pa habang kumakain ako bigla akong napatingin kay Patrick kasi naman nakatingin siya sa akin na parang nagmamatyag.
"Bakit?" Nakakunot kong noo sa kanya.
"Nagselos ka ng makita mo toh noh?" May pang-aasar sa boses niya.
"Ano yun?" Minsan tong kapatid ko di ko gets.
"Si Papa DJ kasama si Kath sa isang mall at mukhang nagdadate sila!" Hun? Hindi ko nabalitaan yun ah ah oo nga pala nasa Cebu kami nun.
"Huh? Patingin" Kinuha ko naman sa kanya yung dyaryo pero inilayo niya.
"Bakit? Nagseselos ka nga noh? Kasi may balak kang tignan para masiguro!"
"Ewan ko sa iyo! Ipapaalam mo tapos ayaw mong ipamita, edi wag!"
"Grabe ka girl! O cge na nga babasahin ko na lang for you" Umayos siya sa pagkaka-upo at nagsimulang magbasa with straight body pa.
"Daniel Padilla at Kathryn Bernardo namataan sa isang Mall na kung saan nagdadate ang dalawa habang naka-disguise upang hindi sila mamukhaan ng mga tao. Nang makita nila na may nakadiscover sa kanila sabay silang tumakbo with matching holding hands pa. May namamagitan na nga ba sa dalawa or let's say na namamasyal lang sila?"
"Oh yun teh! Binasa ko na for you! And now anong masasabi mo?"
"Wala! Edi good for them kasi nagkakadevelopan na sila diba?"
"Mhmmmm... Deny mo lang na nagseselos ka"
"Patrick tigilan mo na nga yang Ate mo baka wala lang siyang nararamdaman para kay DJ"
"Sus, maniwala kayo diyan La eh nung isang gabi nga nakita ko nakabukas phone niyan may naka-enter na picture ni Papa DJ"
"Ano!? Gawa-gawa istorya" Sabi ko kahit totoo.
"I'm not a liar noh! Totoo yun!"
"Ewan ko sa iyo"
"Ewan ko sa iyo means totoo nagkukunwari lang at ayaw aminin!"
"Kayo talagang dalawa! Siya nga pala after 3 days birthday mo na Julia anong plano mo?" Buti iniba ni Lola ang topic. Savior ko talaga si Lola.
"Mhmm... Simple lang po maghahanda tayo dito sa haus and magiimbita lang po ako ng mga ka-close ko talaga"
"Magandang plano yun okay na yung hindi masyadong engrande maselebrate mo lang ng maayos"
"Kung ganun iimbitahin mo rin si Papa DJ?" Ito nanaman tong si Patrick.
"Malamang eh Close Friend ko yun eh!"
"Close Friend or Boyfriend?"
"Close Friend!"
"Shocks! Edi kung nandito si Papa DJ malamang nandito rin si Kath na ka-loveteam niya at si Quen!?"
"Oo nga lahat sila ka-close ko kaya imbitado sila ano ba!"
"Sa tingin mo ano kayang ireregalo sa iyo ni Papa DJ?"
"Ewan"
After that napaisip ako....Ano nga kay ang ireregalo sa akin ni DJ?
-Daniel Padilla Point of View-
"Grabe sabi na nga ba eh makita lang nila tayo kinabukasan news na agad tayo" Sabi ko kay Kath habang nandito kami ngayon sa bahay nina Katsumi. Nagpapractice kasi kami at itong si kath gustong makita yung gagawin namin for Julia.
"Ganyan talaga pag nasa Showbiz Life ka" Komento na lang niya.
"Oo nga eh! Ganito pala yung mga magloloveteam noh!?"
"Alam mo DJ kung sawa ka na sa Showbiz Life mo palit na lang tayo!" Sabi naman ni Lesther.
"Bago mo gawin yun magpa-plastic surgery ka muna kasi kung papasok ka agad-agad baka di ka tanggapin" Tawanan naman kaming lahat.
"Ganun? Gwapo naman ako ah!" Depensa naman niya sa sarili niya.
"Saan banda?" Tanong naman ni JC.
"Edi sa mukha ko!"
"Baka kamo sa pagda-drums!" Tawanan nanaman kami ulit habang siya naaasar na.
"Magpractis na nga lang ulit tayo!"
"Asar ka lang eh!" Sabi ko habang papunta sa harapan at humawak na sa mic.
"12....123!"
-Kathryn Bernardo Point of View-
"Binibini sa aking pagtulog, Ika'y panaginip ko"
Grabe habang tinititigan mo si DJ habang kumakanta isa lang masasabi mo.... NAKAKAINLOVE SIYA.
"Panaginip ng kathang dakila, Nitong pag-iisip ko"
Habang kumakanta siya makikita mo sa facial expression niya na ramdam na ramdam niya ang pag-awit. Ginagawa niya lahat talaga para kay Julia kahit nagmumukhang akin lahat ang ginawa niya sa mata ng mga tao.
"Ang katulad mo raw ay birhen, Sa abang altar ng punong Pag-ibig"
This time nakamulat na ang mga mata niya at tumingin sa akin habang nakangiti sabi ko nga sa sarili ko..... Nginingitian ka lang ni DJ dahil may audience ka at hindi ka niya kinakantahan kung gagawin man niya yun bilang kaibigan lang at hindi bilang babaeng minamahal niya.... Si Julia yun eh.
"O kay ganda, O kay gandang mag-alay sa iyo!"
Ngumingiti lang ako sa kanya habang kumakanta siy. Nginitian ko rin ang ibang tumutugtog ng instruments. Talagang supportive sila pagdating kay DJ lalo na sa babaeng iniibig niya.
After 3 minutes natapos na siyang kumanta at natigil na rin ang pag-play ng instruments.
"Oh ayos ba yun Kath?" Tanong ni DJ na nakatayo pa rin sa harapan at hawak-hawak ang mic.
"Oo naman! Yan pala yung regalo mo para kay Julia. Tiyak na magugustuhan niya yan!" Sabi ko sa kanya. Dapat supportive ako sa kanya pati na rin sa Bestfriend ko.
"Hay tignan ko lang kung hindi pa mainlove sa akin si Julia ko!"
"Okay guys! From the top!" Sabi ni DJ at nagsimula na siyang kumanta ulit.
-Julia Montes Point of View-
Kahapon hindi ko napagisipan ang mga dapat kong gawin para bukas sa Birthday ko pero kagaya nga ng sinabi ko simple lang. Maghahanda at magiimbita ng mga ka-close ko. Actually tinawagan ko na sila kagabi at pinapapunta dito sa may bahay ko.
-Flashback-
Una kong tinawagan syempre si Kath Bestfriend ko yan eh since Goin Bulilit Days......
Kath: Juls! Napatawag ka! Advanced Happy Birthday ah!
Ako: Salamat Kath! Uy! Punta ka naman dito sa bahay ko mga 7:30 ng gabi para may privacy tayo ano punta ka?
Kath: Oo naman kailan pa ba ako tumanggi? Tsaka kung may importante pa akong lakad hinding-hindi kita hihindian.
Ako: Salamat ah! Cge kita na lang tayo bukas! Bye.
Pangalawa kong tinawagan si Quen... Isa naman to sa mga naging ka-close ko since Way Back Home...
Quen: Juls! Advanced Happy Birthday! (Totoo ko talagang mga kaibigan toh kasi alam na alam nila.
Ako: Salamat! Punta ka dito bukas sa bahay ko mga 7:30 ng gabi. Punta ka ha magdala ka ng pagkain at yung regalo ko wag mong lilimutin ha. (Syempre biro lang yun)
Quen: Oo ba! Ano bang gusto mo?
Ako: Surprise me!
Quen: Surprise me pala ha! Cge pihadong masusurprise ka bukas. Bye na mag-iisip na ako hg bagay na isusurprise ko sa iyo bukas.
Pangatlo kong tinawagan si Arie.... Ito naman since Gimik Days from now ko ka-close.
Arie: Hi Mara! HBD to you!
Ako: Thanks! Punta ka dito sa bahay mga 7:30 kung pwede pakisabihan na lang si Vangie kasi nadelete ko ang number niya accidentally eh.
Arie: Sure! Sure! No prob! Cge na bye baka mamaya marami ka pang tatawagan para imbitahin bukas sa Birthday mo! Bye!
Hay yun lang naman mga naging ka-close ko sina Kuya Coco at Kuya Pao hindi pwede dahil busy sila si Ate Melissa may Date daw bukas sa Boyfriend niya sa Baguio for two days. Halos lahat sila busy.... Sino pa kaya?
Shocks! Si DJ pa pala!
DJ: Hello Julia! Bakit?
Ako: Ay! Lahat ng tinawagan ko binabato ako ng Happy Birthday tapos ikaw hindi. Bakit lang?
DJ: Biro lang malilimutan ko pa ba yun? Happy Birthday nga pala! Saan ang venue?
Ako: Sa bahay lang simpleng celebration lang. Punta ka dito ng mga 7:30 ng gabi ha.
DJ: Oo ba sama ko pa sina Kats eh.
Ako: Cge-cge imbitahin mo na rin sila para masaya.
DJ: Cge! Salamat sa pag-imbita ha.
Ako: Wala yun cge Bye!
DJ: Ah Juls wait lang!
Ako: Ano yun?
DJ: Uhmmmmm.... Ano.....
Ako: Ano?
DJ: Sana maging masaya ka bukas sa araw ng birthday mo.
Ako: Salamat! Cge bye!
Nung medyo nautal si DJ nageepect pa ako na may sasabihin siya pero yun pala yun lang. Masyado talaga akong assuming pagdating sa kanya.