Icy's Pov
Kairita dito
May dalawa kasi kaming kasama at kaaway pa ng beb ko! -.-
Pinatigil na kami sa pag aaway ni Aldrin at nila Stacey
At patungo kami sa mall rito.Nandito na kami sa parking lot ng hablutin ni Veronica buhok ko .......
"Aray!ikaw babae ka !inaano ba kita?!" Sigaw ko sa kanya kaya maraming tao ang napadako ang tingin sa amin
Pero hindi parin tumitigil si Veronica at walang umaawat sa amin -.-
Nakatunganga lang sila Melissa
Paano ko magagamit ang kapangyarihan ko rito?ang daming taong nakatingin
"Hoy!Veronica tama na masyado kang papansin!alam ko naman na nagpapansin ka lang kay Ralph"sigaw ni Ellisay habang nakahawak sa braso ni Ralph
Kita kong inis na inis na si Ralph kaya naman hinaltak ko ang buhok niya nang makalapit ako sa kanya at pinaguntog sila ni Veronica
" Aray!"sigaw nilang dalawa ng magka-untog sila
Athena's Pov
Papunta na ako sa parking lot dahil alam kong nandoon sila
Syempre para san pa ang kapangyarihan kung hindi mo ito magagamit?
Nang nandito na ako ba't parang andaming taong nakatingin doon banda sa walang nakaparadang mga sasakyan?
Dali-dali akong pumunta don
" Aray!"
Teka pamilyar ang boses na iyon ah?
Pagkalapit ko don nakita kong nagsasabunutan si Ellisay ,Veronica at Icy?!
Seryoso?si Icy ba yan?!
Tinignan ko naman sila Stacey,Bessy,Bestie,Aldrin at Ralph na nakatulala lang sa kanila
Ba't hindi nila pinipigilan?
"Hoy!ba't di niyo inaawat?!"bulalas ko sa kanila kaya natinag sila at unti-unting tumingin sa akin
At lumaki ang mata nila
Tinignan ko naman si Aldrin na parang may iniisip
Nabasa ko ito sa isip niya
'Patay lagot kami kay Athena'
Grabe?Aldrin takot ka pala sa akin?haha
Kalalaking tao ha?
Inawat na nila ang tatlo.Si Icy ba talaga ang nakipag-away?Brutal pala siya hehehe talo ako sa kanya
Maraming nagbubulungan at narinig ko ang isang bulong na napakalakas
" Cosplayers ba yan?tignan mo oh ang gaganda ng kulay ng buhok nila parang natural ang kulay"
"Oonga baka cosplayers nga sila.Pero ba't nag-aaway yung tatlong cosplayers?"
"Aba!ewan ko tanong mo sa kanila"
Napagkamalan pa kaming cosplayers?haha
Hindi ko pala nasabi sa inyo na hindi namin kaya ibahin ang kulay ng buhok namin kaya wala kaming choice na ganto kami dito sa mortal world
Sa totoo lang kaya kami nandito sa mortal world para makapagrelax at makapagpamasyal dahil daw sa amin nawala ang halimaw na malaki sa Legendary Forest kaya eto ang reward namin tsaka dalawang araw kami rito kaya dala namin ang card namin na naglalaman ng million na pera tignan natin kung hindi magulat sa pera namin ang bibilan namin ng mga kailangan namin rito
Pshh!pa-uso ni Headmistress eno? -.-
Hindi ko namalayan na nakatulala na ako
Napatingin ako sa kanila na hinihintay ang sasabihin ko
Kaya sa sobrang pagod sinabi ko nalang through mind namin
'Sundan niyo ko wag kayong umangal ah?lalo na sa maaarte diyan'
Syempre dalawa lang ang maarte na kasama namin si Ellisay at Veronica
Nakita ko na naman na nakasabit ang kamay ni Ellisay kay Ralph
Tsk!unggoy ka teh?-.-
Kung iniisip niyong nagseselos ako?
Oo! nagseselos ak-
Huy!Athena ano ba yang pinagsasasabi mo!
Manahimik kana lang Athena okay?
Okay.......relax Athena!
(A/N:wag niyong pansinin si Athena ah?baliw na yan nakasinghot ^_^)
Oy manahimik ka otor sisingit ka pa dito ah!
(A/N:nakasinghot yan ng medyas ^_^)
Aba!ikaw sumusobra kana pigilan niyo ko readers
Hyss salamat wala na si otor
Habang naglalakad maraming nagtitinginan sa amin
Dahil nga sa kakaiba ang mga kulay ng buhok namin
At mukhang
Cosplayers...... -.-
Nakarating kami sa tapat ng isang malaking building ng condo.
At oo mag-cocondo kami hehehe kahit dalawang araw lang kami rito ^.^
Tinignan ko ang nakasulat sa entrance ng napakagarang building sa tapat namin
"Pearl Oasis Condo"
Pagkapasok na pagkapasok namin pumunta kami sa counter upang maghanap syempre ng isang malaking condo yung siyam ang kwarto dahil siyam kami
At hindi mawawala ang mga tinginan sa amin syempre alam mo na ang ganda ko kasi hehe jk!
Syempre sa mga kulay ng buhok namin at isama mo pa na mukha kaming mga dyosa pwera lang sa dalawang demonya na nakasama dito sa amin
Binigyan kami agad ng susi at kung anong floor ng kwarto namin dahil meron pa naman daw available na condominuim with 9 rooms
Pagkapasok namin sa condo
As in wow!
Ang ganda niya!*u*
At malaki!
May aircon lahat pati sala
Kulay black and white ang buong paligid at may second floor pero mababa naman ang hagdan siguro itong floor ng kwarto namin puro may second floor
Gets niyo?hehehe
Ang ayos lahat hindi makalat........
May malaking t.v. sofa na kulay white at dalawa ang hagdan yung isang floor ay may apat na kwarto at sa dulo ang veranda sa kabila naman na hagdan may 5 rooms
Dito sa kusina ang ganda may mga pagkain na?pati sa loob ng ref?
Sigurado akong gumawa nito si Bessy napadako ang tingin ko sa kanya na nakatingin rin sa akin tsaka siya kumindat
Haha ang kulit
"Ang ganda naman dito!!" Sigaw ni Bestie ng nakangiti habang tumatakbo upang libutin lahat
"Oy easy ka lang bestie hahah" sigaw ko kay bestie ang kulit kasi baka madapa siya kakatakbo
"Oonga kyahhh!!!akin yung isang kwarto sa may isang second floor na may limang kwarto yooohoo!!" Sigaw naman ni Icy habang nakataas ang kamay
Hys..childish hahaha
"Ang lamig pa may aircon buong kwarto!"sabat naman ng epal na si Ellisay na nasa veranda ngayon
Nakit ko si Ralph at Aldrin na nakaupo sa sofa
Napagod siguro
" Sinong gutom na?"sigaw ko sa kanila kaya nagtaas silang lahat ng kamay si Veronica naman inirapan lang ako
" Bessy bili tayong pagkain gutom na rin ako e"sabi nama ni Bessy habang nakahawak sa tiyan
"Oonga" sang-ayon naman ni Stacey na nakaupo sa hagdan
Pero sumabat si Ralph
"Ako nalang sasama kay Athena pahinga kana lang jan Linda ay este Melissa"
Anong problema nito at siya ang sasama sa akin?.
Aha!gusto niyang makatakas kay Isay?
Dapat lang
Ngumisi ako tsaka tumingin kay Veronica na inirapan ako
At tinignan ko si Isay na nakataas ang kilay
Hahaha mamatay siya kakataas ng kilay
Hinaltak ko na si Ralph at lumisan sa kwartong iyon
•••••••••••••••••••••••••••
A/N:whoooo!sila magkasama ni Ralph
Yieee si Athena umaariba ah?
.haha jk.....
Mwua
Eto na goodnews:
Ang good news sa mga di nakakaalam kasi ay
#69 in FANTASY NA TO
OMOO!!! 😍😍😍
And 19.2 k reads na siya guysss
Bwahaha !
Party party whooo.......
Yung bad news?walang bad news charot ko lang yon hahaha
At oonga pala guyss
Malapit ng matapos itong Magian yehey!malapit na ang pagtatapos ni otor niyo kakaisip hehe jk.syempre may susunod na story pa ako
At kung nalilito kayo
Ang BESTIE na tinatawag ni Athena ay si Kristine
Yung BESSY naman si Melissa
Lovelots😘