Happy yet Sad Ending [HySE <3...

By unpredictablefe

17.2K 85 19

Hindi ibig sabihin na masaya tayo sa pagsisimula ng araw natin ay magiging masaya pa rin tayo sa pagtatapos n... More

Important Note:
List of The Models and Characters:
HySE <3 Beginning
HySE <3 1.
HySE <3 2
HySE <3 3.
HySE <3 4. Knowing Him!
HySE <3 5. Princess, wake up!
HySE <3 6. They're Drunk
HySE <3 7. KUYA???
HySE <3 9. KathLil Chap.
HySE <3 10. basketball
HySE <3 11. KathQuen
HySE <3 12. JuliEgo Moments
HySE <3 13. Bakit ka absent?
HySE <3 14. Ako na lang!
HySE <3 15. The Graduation and Fiancee
HySE <3 16. Princess and Prince
HySE <3 17. Her Birthday
HySE <3 18. You Belong with me!
HySE <3 19. The Break up
HySE <3 20. We are here for you!
HySE <3 22. [Happy Birthday To ME!!!!] Happy Ending??
HySE <3 23. Away?
aHySE <3 24. We will miss Her!
HySE <3 Epilogue. Happy yet Sad Ending

HySE <3 8. Give Me A Smile

461 2 0
By unpredictablefe

Thanks readers for reading Happy yet Sad Ending <3. I'm sorry because I decided to change its tittle from "Happy yet Sad Ending <3" to "My Happy Ending [KathNiel]", but don't worry it is still the same story.

I'm happy that there are some readers who read this story. I know that it is a little bit, boring and nonsense but please bear with it. I am still practicing.

For those who read the Badgirl ni Badboy, I want to tell you that I'll post its ending as soon as possible. Thank you again and God bless.

PS: Even 2 votes or 2 likes for the next update. Also if you want, be a fan of mine. Follow me on twitter @unpredictablefe ... Thank you!!!

This is dedicated to all KathNiel fans!!!!

==================================================================================

"KUYA??"

Napalingon kaming lahat. Si Gelay pala kasama si PJ. Nakuha agad ng atensyon ko ang kanyang blouse kaya tumayo ako ang lumapit sa kanya. Hinarangan ko siya na para bang tinatakpan siya mula kay Kuya Ry at inayos ko ang butones ng blouse niya.

"Next time, ayusin mo buttons ng blouse mo." bulong ko sa kanya.

"Pasok sa loob Leng. Hinihintay ka na nila." nagsalita naman agad si Kuya Ry kaya sumunod na si Gelay, pero hinalikan niya muna si PJ sa labi nito. Napalunok na lang ako. Tumabi na ako kay Nel. "Ikaw naman, wag ka muna umuwi may pag-uusapan pa tayo" sabi ni Kuya Ry sabay turo kay PJ at nagpaalam na rin sa mga kasama ko at pumasok na sa loob.

"Jazzper, ayusin mo butones ng polo mo." sabay turo ni ate Cheska sa polo ni PJ at umupo na ito. Inayos naman agad ni PJ polo niyo.

"RJ, pinagsabihan na kitang wag niyo na ulit gagawin yun." disappointed na tugon ni Kuya TJ at umupo na rin siya. 

"Tol, ang aga niyo naman atang ginawa yun." nakangiting sabi ni DM kay PJ habang paupo na rin ito. Ngumiti lang naman si PJ at umupo na rin. Ang sarap niyang sapakin!!!

"Principessa, are you all right?" tanong sa akin ni Nel at hinawakan ako sa balikat ko. Napatingin rin sa akin silang lahat, kasali na si PJ. Nag nod na lang ako at umupo. "Jazzper, did you enjoy it?" ngumiti na ulit si PJ at nagsimula ng magkwento. Umupo na rin si Nel.

"Aaassshhhhhh...." napasigaw at napatayo na ako sa inis. Tama ba na ikwento yung mga nangyari sa kanila?? At sa harap pa talaga namin ni Ate Cheska?!!

"May problema ba, Althea??" tanong sa akin ni PJ..

"Alam mo PJ?? Hindi ko akalaing magagawa mo yun kay Gelay. Akala pa man namin tunay ka naming kaibigan. Na ikaw ang proprotekta sa amin mula sa mga lalaking babastos na amin. Yun pala, ISA KA SA KANILA!!" napatayo na rin sila. Si PJ rin ay tumayo na. Si Ate Cheska ay lumapit na sa akin. Gusto ko na ilabas lahat ng inis ko kay PJ!! "Anong klase kang kaibigan? Anong klase kang tao? Paano mo na kayang gawin ang mga bagay na yun sa kaibigan mo?!" nagsisimula na ring tumulo ang luha ko. Alam ko nag-oover react na ako, pero kaibigan ko si Gelay at ayaw kong mapahamak siya.

"Althea, hindi ko kasalanan ang lahat." mahinahong pahayag ni PJ.

"Hindi mo kasalanan?? Sino niloko mo??" tinaasan ko na rin siya ng kilay ko.

"May kasalanan rin si Gelay. Kung hindi siya pumayag, hindi ko naman siya pipiliting gawin namin yun." mahinahon pa rin si PJ. Si Kuya TJ nilapitan na siya. Si DM at Nel naman ay hinawakan na rin ako.

"Bambina, wag niyo dito pag-usapan yan. Baka marinig nila tayo." bulong sa akin ni DM. Tama nga pala, baka marinig nila kami. Hindi pa nila alam na mangnangyari na dito sa dalawang to.

"Kung gusto mo Drey ay sa kwarto mo na lang niyo ito pag-usapan." suggest rin ni kuya TJ. 

Hindi na lang ako kumibo. Siguro mas mabuting malaman ng magulang ni Gelay kasi para na namin silang niloloko.

"Kailan niyo balak ipaalam sa mga magulang ni Gelay ang tungkol sa relasyon niyo??" tiningnan ko sa mata si PJ. Yumuko lang siya.

"Hindi pa sa ngayon." mahina nitong bulong na sigurado naman maririnig naming lahat.

"HINDI PA NGAYON?? Kung hindi niyo yan sasabihin sa kanila agad ako na mismo ang magsasabi!!" tumalikod na ako pagkatapos kong sabihin yun. "Bibigyan ko kayong dalawa ng hanggang ngayong Sabado." at naglakad na ako papasok ng bahay namin.

Naiinis kasi ako kay PJ. Kaibigan ko siya. Kaibigan niya si Gelay. Dapat di siya pumayag na gawin nila yun. Nadatnan ko sa sala na umiiyak si Gelay at may hawak na bed sheet si Kuya Ry. Si nanay naman ay nakayuko na umiiyak at si tatay ay hinahaplos si nanay sa likod. Ang parents ko ay nakatayo lang na para na ring umiiyak. Ano ba ang nangyayari dito? Bakit hawak ni Kuya Ry ang bed sheet? Bakit di sila nagsasalita at umiiyak lang?

"Principessa." sabi ni daddy ng malingon niya ako. Nagsilingunan na rin sila sa akin. "Paano mo nagawa sa bestfriend mo ang lahat ng ito?"

"Po? Ano po ang ginawa ko?" Ano ba pinagsasabi ni daddy? Ano ba ang sinabi ni Gelay sa kanila? Alam na kaya nila?

"Joy, tinuring na rin kitang anak. Paano mo nagawa kay Angel ang lahat?" nilapitan na ako ni nanay. Ano ba ang kasalanan ko? Ano ba ang ginawa ko kay Gelay?

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" nagtataka kong tanong. Napansin ko na nasa likuran ko na rin sina DM, Nel, Kuya TJ. Ate Cheska at PJ.

"Wag ka na magmaangmaangan Joy." sabat pa ni tatay.

"Princess, bakit mo pinilit si Angel na tumabi kay Jazzper ng gabing malasing sila?" Nanlaki ang mata ko. Ano bang pinagsasabi ni mommy?? Napatingin ako kay Kuya Ry at napansin kong puno ng galit ang kanyang mga mata. Ano bang sinabi mo sa kanila Gelay? Anong pinilit kita?

"Wala po akong alam sa sinasabi niyo-

"Wag ka ng magkaila pa Andrea. Wag mong papalabasin na sinungaling ang kapatid ko!!" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla akong hinigit ni Kuya Ry at hinawakan ang balikat ko. Galit na galit si Kuya Ry, halata sa boses at sa mata niya, kaya napaiyak ako.

"Ryan!!"  sabay higit sa akin ni mommy, kaya binitawan ako ni Kuya Ry.

"Gelay, ano ba sinabi mo sa kanila? Anong pinilit kita?" tanong ko kay Gelay habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. "Please naman wag mo akong gagawan ng kwento."

"I'm sorry, Andi." umiiyak rin na sabi ni Gelay.

"Mommy, daddy, nanay, tatay, Kuya Ry sana naman po hayaan niyo po akong magpaliwanag at paniwalaan niyo rin po ako. Yun po kasi yung mali natin minsan eh, kung sino ang unang nakapagpaliwanag siya yung kadalasang pinapaniwalaan dahil para sa atin siya ang tama. Kung ayaw niyo pong maniwala sa akin, bahala na po kayo basta alam ko sa sarili ko na nagsasabi ako ng totoo." paputol putol kong pahayag dahil sa hindi ko na mapigilan ang paghagulgol. Hindi ko lubos akalaing kaya akong baliktarin ng taong tinuring kong matalik na kaibigan. "At ikaw Gelay, alam mo kung sino sa atin ang nagsasabi ng totoo, sana wag mong pagsisisihan itong mga ginagawa mo." tinuro ko na rin si Gelay.

"Mia principessa." nilapitan na ako ni daddy at niyakap niya. "I do believe in you." bulong niya sa akin. Pero di na ako makapagpasalamat pa. Iyak na lang ako ng iyak.

"Sa resto po muna ako matutulog." umalis na ako sa yakap ni daddy at tumakbo na papunta sa kwarto ko.

Hindi ko lubos akalaing makakayang gawin ni Gelay na baliktarin ako. Sa mga nangyaring to aking napagtantong kahit kaibigan mo ay kayang kang saktan, hindi lang saktan dahil mas masakit yung katotohanang sariling mong kaibigan ang sumisira sa iyo. Napakasakit.

Iyak ako ng iyak habang inaayos ang bag ko. Nagsuot na lang ako ng jacket para hindi masyadong sexy ang suot ko. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto. Pagbaba ko ay nakita ko si Kuya Ry na nakatingin sa akin. Si nanay at tatay ay nakayuko, yung parents ko niyayakap ang isa't-isa, si PJ nasa tabi na ni Gelay, si DM, Kuya TJ, at Ate Cheska ay nakatingin na rin sa akin. Yumoko lang ako at di nagsalaita at patuloy na naglakad palabas ng bahay.

"Drey, sasama ako sa iyo." sigaw ni kuya TJ at napansin kong sumusunod na siya sa akin.

Di pa rin ako nagsalita at patuloy pa rin sa pag-agos ang luha sa aking mga mata. Sumakay na ako sa sasakyan ko at sumakay rin si Kuya TJ. Si Kuya TJ ang nagdrive dahil ginusto niya. Nasa passenger seat lang ako, tahimik na umiiyak hanggang sa makarating kami sa restaurant.

"Magandang hapon Young lady. Magandang hapon rin po sa'yo sir." bati sa amin nung guard pero hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Umupo na lang ako sa aking favorite table dito sa resto. Ang table malapit sa office ko at nasa gilid ng wall na gawa sa salamin. Pero si Kuya TJ hindi sumunod sa akin.

Umub-ob na lang ako at ibinuhos na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko umiyak ng umiyak kahit alam kong pinagtitinginan na ako ng lahat na nandito sa restaurant.

"Magandang hapon po sa inyong lahat." narinig ko ang boses ni Kuya TJ na parang gumagamit ng mic pero hindi ko pa rin iniangat ang ulo ko at umiyak pa rin ako. "Sana sa pamamagitan ng kantang ito ay maiparamdam ko sa iyo na nandito lang ako sa tabi mo at handang damayan ka sa lahat ng problema at sakit na nararamdaman mo. Ang kantang to ay ginamit sa Koreanovelang Heartstrings. Hindi man ako si Lee Sin at hindi rin ikaw si Gyu Won. Hindi man tayo mga Koreano, pero sana sa kantang ito maramdaman mo ang gustong iparating ni Lee Sin para sa nasasaktang si Gyu Won. Drey, Give Me A Smile." naring ko na lang na nagsimula na ang tutog.

"utseobwa seulpeohajiman malgo

gwaenchanh-a nunmul heulliji malgo

jigeum bureuneun nae noraega

jakeun wiroga doegil barae"

Nagsimula ng umawit si Kuya TJ. Maganda pala ang boses niya. Mas lalo tuloy akong napapaiyak dahil sa ginagawa niya.

"utseobwa apahajiman malgo

gwaenchanh-a sesangi neol himdeulgehaedo

i sigani da jinagamyeon

modu da neol ihae halgeoya"

Hindi man ako Korean, hindi ko man masyadong naiintindihan ang lyrics ng awiting ito, pero alam ko at nararamdaman ko ang gusto nitong iparamdam sa akin.

"utseobwa ne gyeot-e ittjanh-a

saranghae nae mam-i deullini

nuga mworaedo neol midgottneun

naega hamkke ittjanh-a"

Dahan-dahan ko ng itinaas ang aking mukha at nakita ko si Kuya TJ sa harapan ko na nakangiti at kumakanta.

"utseobwa nae nun-eul barabwa

saranghae neol saranghan (?) mam-eun

byeonhaji anh-a nae eokkae gidae

jamsiman swimyeon dwae

utseobwa"

Kahit patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha ay nababawasan na naman ang sakit na nararamdaman ko. Pinahid ni Kuya TJ ng kanyang mga kamay ang luhaan kong mga mata.

"neol midgoittneun naega ittjanh-a …."

Ngumiti na si Kuya TJ at kahit may natitirang sakit pa rin akong nararamdaman ay nakakangiti na ako.

"Wala naman akong naintindihan sa kinanta mo Kuya eh." paputol-putol ko pa ring sabi. Napangiti lang si Kuya TJ at bumalik sa harapan. Kinausap niya muli ang isang staff.

"Sana ito ay maintindihan mo na." pagkasabi nun ni Kuya TJ ay nagsimula na agad ang tugtog.

"Give me smile, oh please don't be sad

Never cry coz its gonna be alright

This song that I am singing right now

I hope can make yo feel better."

Napapangiti ako sa ginagawa ngayon ni Kuya TJ. Akalain mong the same na kanta pinalitan niya lang ang lyrics. 

"Give me smile, oh please don't get hurt

It's alright although  you're going through a hard time

Without you knowing that would be hurts

And everything it will be fine."

Kahit nakangiti na ako ay patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. Sobra kasi ang sakit eh.

"Give me smile, I'm right by your  side

Can you hear my heart said I Love You

Close your eyes girl coz I believe you

I'm always here for you."

Dahan-dahang naglakad na si Kuya TJ patungo sa akin. At lumuhod sa harapan ko (half-knee bend lang). Hinawakan niya ang aking mukha at pinahid ang aking mga luha.

"Give me smile, look into my eyes

I Love You, I always look to your heart

But nothing has change, It's still the same heart

Just lean on me and rest."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap na si Kuya Tj at humagolhol. Wala na akong pakealam sa mga matang nakatingin sa akin, I just want someone to comfort me.

"Give me smile"

"Salamat kuya." mahina kong bulong sa kanya kahit na umiiyak ako. Nakayakap pa rin ako kay Kuya.

"I'm here for you always

and forever."

Natapos na rin ang kanta, kinuha ng isang staff ang mic. Niyakap na rin ako ni Kuya. I feel the comfort I need. Sa mga yakap niya ay pinapagaan nito ang nararamdaman ko.

"Iiyak mo lang yan Drey, magandang gamot sa sore eyes ang pag-iyak" Napabitaw ako sa yakap ko kay kuya dahil nagtataka ako sa sabi niya. Wala naman kasi akong sore eyes eh. "May sore eyes kasi ngayon ang puso mo."

Napabalik ako sa pagkakayakap sa kanya, at umiyak na ako ng umiyak.

"Wag ka mag-alala, alam na nila ang totoo." Napabitaw ako ulit sa yakap ni Kuya sa mga sinabi niya. "Sinabi ni RJ kanina ang totoo ng umakyat ka sa kwarto mo. Nasampal nga ni Ryan si Angel eh."

"Young lady excuse lang po. Isasarado na po namin itong resto." biglang nagsalita ang Guard. Tumango na lang ako sa kanya. Umalis na rin yung ibang staff at sinimulan na ng guard isara ang resto.

"Kuya, anong ibig mong sabihin?" tanong ko kay kuya kahit umiiyak pa rin ako ay nakukuha ko na namang magdiretso ng tanong. Umupo muna si Kuya bago sumagot.

"Ganito kasi yung nangyari ng umakyat ka ng kwarto mo..

*flashback*

"Jazztine's POV"

Pagkasabi ni Drey na sa resto na muna siya matutulog ay umakyat na agad siya papunta sa kwarto niya. Walang nagsasalita sa aming lahat dito ngayon sa ibaba. Hindi ko lubos akalaing magagawa ni Angel na baliktarin ang bestfriend niya.

"Excuse me lang po, mam, sir, nanay, tatay, Kuya Ry." napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si RJ pala. Sana sabihin niya ang totoo at huwag pagtakpan ang kamalian nila ni Angel. "Wala pong kasalanan si Althea sa nangyari sa amin ni Angel."

"Ano ba ang gusto mong sabihin?" nagatatakang tanong ni Ryan kay RJ. Lumapit muna si RJ kay Angel bago ito sumagot.

"Bago po ang gabing iyon ay iniwan po namin si Althea. Kumain muna kami ni Angel sa labas without her. Habang kumakain po kami bigla pong sinabi ni Angel ang tunkol sa party niyo. Tinanong ko siya kung may inuman ba at umiinom ba siya. Sabi niya natural na may inuman at hindi siya umiinom. Kaya naisip kong makipagpustahan sa kanya na iinom kami parehas at kung sino ang unang malasing ay may dare na gagawin. Pumayag naman siya sa sinabi ko. Sabi ko sa kanya na kung ako ang unang malalasing ay magiging slave niya ako for one week, pumayag naman siya. Pero pagdating sa dare niya siya rin pinagdesisyon ko, at siya mismo ang nagsabi na kapag siya ang unang nalasing ay papayag siyang makipagtalik sa akin." nakayukong pagpapaliwanag ni RJ. Walang nakaimik sa aming lahat. Hindi ko akalaing ganun si Angel.

"JP, ano ba pinagsasabi mo?" umiiyak na rin si Angel habang nakahawak sa kamay ni RJ.

"Gel, wag mo namang baliktarin ang kaibigan mo. Alam mong pinigilan ka ni Althea na ako ang isama sa pagpasok sa kwarto mo." paliwanag ulit ni RJ. Nakita ko sa mukha ng pamilya ni Angel ang galit. Lumapit na si Ryan kay Angel at itinulak si RJ.

"Totoo ba ito Angel?" tanong ni Ryan na hinawakan na si Angel sa leegan ng damit nito.

"Ku-kuya....."

"Totoo ba???!!!!" tanong ulit ni Ryan. Tumango na lang si Angel na yun ang naging dahilan ng pagsampal sa kanya ni Ryan.

"Ryan." lumapit na si Tatay Ben sa kanya para pigilan siya sa susunod na atake niya kay Angel. Yung parents ni Drey, umiyak na. Yung kay Angel naman ay umiyak na rin. Wala ng umiimik sa aming lahat dito.

*flashback end*

"Althea's POV"

"..... Pagkatapos nun ay nakita ka na naming bumaba. Binulungan na lang ako ni Cheska na sundan daw kita. Si Darwin rin sinabing di ka raw niya masusundan dahil kailangan niya na raw umuwi. Si Arnel naman ay pinapauwi na rin. Kaya ako na lang talaga ang sumunod sa iyo." pagpapaliwanag sa akin ni Kuya TJ. Nababawasan na ang sakit dahil alam ko na hindi na galit sa akin sina Kuya Ry, pero masakit pa rin na isiping nakayang gawin yun sa akin ni Gelay.

"Salamat Kuya ha. Siguro kung hindi mo ako sinundan malamang umiiyak pa rin ako ngayon."

"Ano ka ba, ok lang." nakangiting tugon ni Kuya TJ.

Pagkatapos nun ay niyaya ko siya sa kusina para kumuha ng pwede naming kainin. Ng makakuha na kami ay bumalik na kami sa inuupuan namin kanina. Nagkwentuhan lang kami ni Kuya. Ikwenento niya sa akin ang lahat ng mga bagay na tungkol kay PJ. Sinabi niya na balak raw na talaga ni PJ hiwalayan si Gelay kanina pero sinundan siya nito, kaya di niya ito nahiwalayan. Malapit ng mag 10:00 ng mapatingin kami ni Kuya sa orasan.

"Dito ka ba talaga matutulog Drey?"

"Yup. Sanay na naman ako eh." Minsan kasi kapag nag-aaway kami ni Tine ay dito ako natutulog sa resto. Everytime rin na may mga kailangan akong asikasuhin dito, ay dito rin ako natutulog.

"Paano ba yan, di kasi ako pwede dito matulog eh. Maaga pa ang trabaho ko bukas." tumayo na si Kuya pagkasabi niya nun.

"Sige Kuya, ingat ka na lang sa pag-uwi ha. Salamat sa pagdamay mo sa akin dito." Tumayo na rin ako. Naglakad na kami ni Kuya palabas ng resto.

"Ahm Drey, may ipagpapaalam sana ako sa iyo." hinarap ako ni Kuya pagkadating namin sa may pinto ng resto. Ngumiti na lang ako sa kanya. Ano kaya ang ipagpapaalam niya? "Gusto ko sana malaman mo na, liligawan kita simula bukas." napalunok na lang ako sa biglang sinabi ni Kuya. "Hindi ko naman kinakailangan pumayag ka, ang sa akin lang ay malaman mo. High school pa lang tayo, crush na kita."

"Ha?? High School? Eh, diba hindi ka naman sa paaralan namin nag-aral?"

"Dun ako nag second year pero lumipat rin agad. Atsaka, kilala kita kasi nga kaibigan ka ni RJ." Hinawakan ni Kuya TJ ang aking balikat at iniharap ako sa kanya. "Basta Drey, manliligaw ako sa'yo kahit na alam ko mahihirapan ako sa mga kalaban ko." Nakangiting tugon ni Kuya.

"Ikaw bahala. Basta, kahit ano yung mangyari walang magbabago sa atin. Sige na Kuya uwi ka na, gabi na." bumitaw na si Kuya TJ sa pagkakahawak niya sa akin at aakma ng aalis. "Ingat ka Kuya."

"Isa pa pala Drey, wag mo na ako tatawaging Kuya, magkaedad lang kami ni Darwin." napangiti na lang ako sa sinabi niya. Umalis na rin siya.

Nakangiti na akong pumasok sa office ko dito sa resto. Nagpunas na muna ako at nagbihis. Humiga na ako sa sofa dito sa office ko. I feel better now.

Hindi ko na alam kung papaano ko haharapin si Gelay bukas dahil sa mga nangyari ngayon. Malaki rin ang pasasalamat ko kay PJ sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin. Natatawa na rin ako sa mga pwedeng mangyari simula bukas. Ako na talaga ang MAGANDA, tatlo-tatlo ang manliligaw.hahahaha

Ang araw na ito ay parte na siguro ulit ng aking Happy yet Sad Ending <3 dahil malungkot ako sa mga ginawa sa akin ni Gelay, at masaya naman ako dahil alam kong hindi na galit sa akin ang pamilya ko at nakasama ko ngayong gabi si Kuya TJ,.

"Thank you Lord." nasabi ko sa sarili ko. Nagdasal na ako at ipinikit na ang aking mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

327K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
135K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]