Chrisha's POV
Kasalukuyan kaming nanonood ni Blake nang palabas sa T.V habang ako naman ay sarap na sarap sa kinakain 'kong pancit. Nagutom ata ako dahil sa pagod kanina.
"Kamahalan, ano pa ba iyong gusto?" Tanong sa'kin ni Blake. Aba? Ine-enjoy niya ang pagtawag sa'kin na 'kamahalan' eh. Sigee, kita 'ko lang kung hindi 'ka mapagod.
Humarap ako sakaniya at ngumise.
"Uhmmm... Gusto 'ko ng spaghetti, lumpiang shanghai, burger, sopas, sotanghon, barbeque at pancake."
Nakita 'ko ang paglaglag ng panga ni Blake hindi pa ata naka-recover sa sinabi 'ko eh.
"Blake? Hindi mo ba ako narinig? Gusto mo ulitin 'ko?" Pinipigilan 'ko ang tumawa sa harap ni Blake para hindi niya mahalata na binibiro 'ko lang siya.
"What the heck?! Makakain mo 'yon lahat?! At saka, saan naman ako kukuha nang ganoong kadami na pera para ibili 'ka ng sandamak-mak na pagkain?! Kamahalan! Buntis 'ka ba?! Buntis 'ka ba agad-agad?!" Namula naman ang pisnge 'ko sa sinabi niya. Ako? Buntis? Agad? No way.
"Hindi.... Pa ako buntis noh!" Tanggi 'ko. Ako buntis?! HAHAHAHA. Sana nga... Pero kasi hindi pa ako handa sa mga ganyan eh. Lalo na si Tristan masyado pa kaming bata para magka-pamilya.
"Ayy. So mabubuntis palang?" Binatukan 'ko nga si Blake.
"Hoy! Hindi ikaw ang mabubuntis kaya tumigil-tigil 'ka diyan! At saka, bilhan mo na nga ako ng mga pinabibili 'ko saiyo!" Taray 'ko sakaniya.
"Kamahalan naman eh... Alam mo naman na---"
"Wala akong pake! Bilhan mo na kasi ako!" At tuluyan 'ko na nga siyang sinisigawan. Eh sa naiinis ako eh. -.-
"Maghunos dili 'ka kamahalan! Tatawagin 'ko si Master para bigyan ako nang sandamak-mak na pera para pambili diyan sa pagkain mo." Akmang tatayo na sana siya pero hinila 'ko siya paupo.
"Ano? Bakit?! Wala 'ka bang pera diyan?! Baka kasi nakaka-istorbo kay, babe." Sambit 'ko. Baka mamaya maistorbo pa sila Tristan sa ginagawa nila eh.
"May pera ako, pero hindi kasya sa budget na pinabibili mo." Buntunghininga niya.
"Sigee. Kahit yung burger, pancake, lumpiang-shanghai at yung coke nalang." Pagmamaka-awa 'ko. Ngayon totoohanan na. Nagutom kasi ako. Oy! Hindi ako buntis! Hindi. Ako. Buntis.
"Hala siya! Ang dami pa din 'non!" Reklamo ni Blake at saka ginulo ang buhok niya.
"Eh sa nagugutom ako eh!" Pagdadabog 'ko.
"Tatawagin 'ko talaga si Master para manghingi nang pera." Aniya.
"Hindi! Wala 'ka na bang ibang mahihingian nang pera?!" Namromroblema din ako sa pagkain 'ko eh.
"Wow, kamahalan! Ikaw itong kakan tapos ako mangungutang kung kani-kanino? Shete! Hindi nalang sana ako ang pinabantay ni Master sa'yo eh, naiistress ako sa'yo, kamahalan." Saka siya huminga nang malalim.
Napa-yuko naman ako. Pabigat ba ako? Ba't parang naiiyak ako. Napaka-OA 'ko naman kung ganun.
Keme! Hindi ako naluluha nor naiiyak. Hindi ako buntis kaya. :D
"Hindi 'ko na problema 'yon. Gawa 'ka ng paraan." Saad 'ko at humarap na sa pinanonood 'kong pelikula.
Narinig 'ko ang pag-sara nang pinto sign na lumabas si Blake. Kaya inatupag 'ko lang ang panonood.
"Spongebob! I can't hear you, it's too dark!"
Sa linyang 'yan, duon ako humahikgik kakatawa. Bwisit talaga 'tong Patrick Star. Anong connect ng hindi niya marinig si Spongebob dahil madilim? Bangag talaga.
Narinig 'ko ang pagbukas nang pinto. Hmm? May dala na sigurong sandamakmak na pagkain si Blake.
"Oh ano, Blake. Asan na yung pagkain---"
Napatigil ako sa pagsasalita.
"Sabi 'ko saiyo kamahalan. Kailangan 'kong tawagin si---"
"Babe." Sambit 'ko.
"Babe? Are you that hungry?" Saka lumapit sa'kin si Tristan at inakbayan ako.
Umiling naman ako bilang pagsagot. Siyempre nahihiya din ako sa boyfriend 'ko na ubusin niya ang pera niya para lang sa'kin.
"You sure?" Aniya.
Tumango nalang ako.
"Aba! Wag 'ka nang magsinungaling, kamahalan. Napagkamalan pa nga kitang buntis dahil sa katakawan mo---"
"Are you pregnant?" Nakita 'ko ang... Spark? Ang spark sa mata ni Tristan.
"No, babe. I'm not pregnant." Tanggi 'ko.
"Owww." Saka nakita 'ko ang kalungkutan sa mata ni Tristan.
Ehh? Gusto niya na ba magka-anak?
I cupped his face with my both hands.
"Sabihin mo nga, babe. Gusto mo na ba magka-anak?" Tanong 'ko habang hindi pa din binibitawan ang kamay 'ko sa mukha niya.
Tinanggal naman niya ang kamay 'ko sa mukha niya at kinuha niya ang right hand 'ko at hinalikan ang likod nang palm 'ko.
"Oo naman. Basta ikaw ang nanay." Then he winked at me.
Binawi 'ko ang kamay 'ko sakaniya at hinampas 'ko siya.
"Soon! Huwag muna ngayon at masiyado pa tayong bata." I said.
I saw him grinned.
"What with the face?" Tanong 'ko sakaniya.
Nilapit niya ang mukha niya sa'kin. I can now smell his breath. "We can make one now. Bakit pa natin patatagalin? Kung pwede naman na ngayon na?" Then he smirked at me.
Kusa namang tumayo lahat nang balahibo 'ko sa sinabi niya.
"Pwede ba, babe? Mag-ipon muna tayo para sa future natin. Excited 'ka masyado eh." Natatawang sambit 'ko. Aba, kailangan naming mag-ipon sa future namin ano? Ayoko 'ko ngang mabuhay ang mga anak namin na walang makain.
"Alright, then I'll start now." And lalo pang lumawak ang ngisi niya.
"Bakit ngayon agad?! Atat lang?!" Pinanlakihan 'ko siya nang mata.
"Naman. Para makagawa na agad tayo ng baby." Oh juicecolored! Ano pong sumapi kay Tristan at bakit siya nagkakaganito?
"Gawin niyo akong ninong sa magiging anak niyo hah?" Ay peste! Kasama pa pala namin si Blake. Nakalimutan 'ko. Siguro kanina pa siya diring-diri saaming dalawa ni Tristan. Aba't ganyan talaga 'pag single, palaging bitter.
"Oo naman, dude. Ikaw rin gagawin 'kong best man sa kasal namin ni Chrisha." Then humarap sa'kin si Tristan at kiniss ang cheek 'ko.
Myghaad. Atat talaga siya eh. Hindi pa nga nagpropropose, kasal na agad? Tss.
"Napaka-atat mo talaga. Makakapaghintay naman 'yan eh." Sambit 'ko.
"Eh sa excited na ako sa honeymoon eh. Saan mo ba gusto? Sa Paris? Sa Germany? Sa Hawaii? Or dito nalang sa Pilipinas? Kuha tayo nang motel? Or if you want, bibili nalang ako ng condo natin?"
Pinanlakihan 'ko siya nang mata at hinampas sa braso. Feeling 'ko pulam-pula na ako sa mga sinasabi niya. Kahit naman nagawa na namin yung 'ano' nakakailang pa din na pag-usapan noh.