♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38

16.8K 177 74
By nyghtdreamer

Chapter Thirty-Six

Lianne's POV

Ang sungit-sungti. Nagso-sorry na nga, ayaw pang tanggapin. Akala mo naman kasing pogi siya ni Ejhay kung mag-inarte siya. Nakakainis! Bahala siya kung ayaw niya ng sorry ko. Ayaw ko na rin mag-sorry sa kanya. Bahala talaga siya!

Ang pangit niya!

Ang arte niya!

Ang demanding niya!

Ang sungit niya!

Ang hot ng abs niya!

Ang sexy niya!

Ang sarap niyang halayin!

Ay joke lang! After five years ko pa pala siya puwedeng halayin. Pero dapat hindi ko rin siya pinagnanasahan ngayon! Mas guwapo si Ejhay sa kanya kaya si Ejhay na lang!

Kapag talaga hindi siya nag-sorry sa akin, abs na lang ni Ejhay ang pagpapatansyahan ko. Sigurado naman ako na may abs din siya at baka nga mas hot pa siya kay Mark. Huh! Akala b ani Mark siya lang ang may hot pandesal sa buong mundo?

Pumunta na lang ako sa kuwarto ni Renz dahil galit na talaga si Mark sa akin. Ginamitan niya pa ako ng ever serious tone niya para lang iparating na galit talaga siya. Akala mo naman ang ganda-ganda ng gawa niya... well, maganda naman talaga. Pero maganda rin naman iyong ginawa ko, 'no! Kamay at lapis pa lang ang ginamit ko, maganda na. paano pa kaya kung ginamit ko ang mga tools niya? Edi, nahiya na siya ng sobra sa akin dahil siya itong nakatapos ng architecture.

Hindi na ako kumatok sa pinto ng kuwarto ni Renz. Hindi naman kasi nagla-lock ng pinto ang unggoy na iyon kaya binuksan ko na agad.

Hindi na ako nagtaka nang makita ko siyang tulog na tulog na nakahilata sa kama niya. Mag-aalas dose na kasi ng hating-gabi. Antukin pa naman ang lalaking 'to. Hindi kasi nagkakape. Bakit ba sila ganoon ng kuya niya? They missed half of their lives because they don't drink coffee often.

Pabagsaka akong umupo sa kama niya kahit alam kong tulog siya. Pakialam ko kung magising siya? Eh, gusto kong mang-inis at siya ang na-trip-an kong inisin.

Hindi naman natinag ang tukmol sa ginawa ko. Parang wala lang. Tulog mantika! Parang gusto ko tuloy siya buhusan ng kumukulong mantika na pinagprituhan ng iba't ibang pagkain, iyong tipong dark na ang kulay. Para flavorful!

"Hoy!" May kalakasan ko siyang pinalo sa braso.

Kumislot lang siya pero tulog na tulog pa rin. Lumapit pa ako sa kanya at niyugyog ko ang kama.

He murmured something I couldn't understand. Alien language ba ang sinabi niya?

"Renz..." tawag ko sa kanya at kinurot ko siya ng pino sa leeg.

Pinalo naman niya ang leeg niya na parang may lamok lang. Inulit ko pa ang pagkurot at inulit niya rin ang pagpalo sa leeg niya.

"Peshteng lamhok!" kunot noong sabi niya habang nakapikit pa rin at winasiwas pa ang dalawang kamay niya sa ere na parang tinataboy ang lamok kahit wala naman talaga.

Ang hirap naman niyang gisingin! Isa na lang ang gusto kong gawin sa kanya ngayon. Ayaw niya kasi makuha sa palo, tawag at kurot, eh.

Nag-stretch ako ng mga braso para maghanda sa gagawin ko. Pinatunog ko pa talaga ang mga daliri ko. At saka ko siya sinabunutan ng malakas.

"Ah-aww! Ano ba?! Aray!" Nagising at napatayo na rin siya sa wakas.

Tinitigan ko lang siya habang disoriented pa siya. Ang guwapo ng best friend ko kapag naalimpungatan ng sabunot. Siguro dapat palagi kong ginagawa sa kanya iyon.

Pero nagbago agad ang isip ko nang tiningnan niya ako ng masama. Hindi dapat siya ginigising sa sabunot! Ano nga ba ulit ang ginagawa ko dito sa kuwarto ni Renz? But whatever it was, kailangan ko nang umalis bago pa man niya ako lamunin ng buhay!

Magiging halimaw na siya any minute!

Ahh! Bakit ba napaka sungit nilang magkapatid? Gusto ko lang naman na pansinin ako ni Mark! Pero dahil hindi niya talaga ako pinapansin, si Renz ang inistorbo ko para sana maglabas ng sama ng loob! Pero puro kasungitan lang nila ang napala ko ngayong gabi.

Sinalo nilang magkapatid ang kasungitan sa buong mundo!

"Ano ba'ng ginagawa mo ditto sa kuwarto ko? Gabing-gabi na nag-iistorbo ka pa!" gigil na sabi ni Renz.

Hayan na nga... lumalabas na ang pulang sungay ni Renz. Oo, red talaga dahil iyon ang favorite color niya.

Kahit nagsusumiksik na sa isip ko na kailangan ko nang umalis, hindi iyon ang gusto kong gawin. Kahit pa mukha ng halimaw na may sungay si Renz, hindi ako magpapatalo!

"Gusto ko, eh!" matapang kong dagot.

Pero parang gusto ko agad bawiin iyon dahil lalong tumalim ang tingin sa akin ni Renz. I should really call for help now! Pero bago ko pa man magawa iyon ay bigla na lang niya akong binuhat na parang sako ng bigas!

"Renz!" sigaw ko. "Hoy! Ibaba mo ako, Lawrence John!" Nagpipiglas pa ako.

"Iniistorbo mo ang tulog ko. Alam mo bang napapanaginipan ko na si Wendy 'tapos bigla mo kong gigisingin?!" Naglalakad na siya papuntang pinto at parang balewala sa kanya ang pagpiglas ko. "Makaka-isang kiss na ako, eh!"

"H-hindi ko naman alam na nananaginip ka! Akala ko binabangungot ka, eh! Malay ko bang hinahalay mo pala sa panaginip mo si Wendy kaya ka umuungol," sagot ko habang patuloy na pumipiglas. "Ibaba mo na ako!" utos ko pa sa kanya kasabay ng pagsabunot na naman sa kanya.

"A-aray ko!" reklamo niya. "Bitawan mo nga aang buhok ko! Aray! Oo na! Ibaba na kita!"

Binitawan ko nga ang buhok niya at ibinalibag niya naman ako sa kama. Mabuti na lang malambot! Hinimas-himas niya naman ang ulo niyang nasaktan at dahil nanggigigil ako sa kasungitan nilang mag-kuya, tumayo ako sa kama at sinabunutan ko ulit siya.

"Kayong magkapatid na masungit..." gigil na sabi ko habang hawak ko na ulit ang buhok niya.

"Hoy, ano ba?! Masa—aray! What the... Lianne!"

"...dapat sa inyo, kinakalbo!"

Hinawakan niya ang kamay kong nakasabunot sa buhok niya at pinipilit niya tanggalin iyon. Pero hindi niya magawang tanggaling ang mga kamay ko sa sobrang gigil ko at dahil nasa taas ako ng kama.

Dapat pala ganito ang ginawa ko kay Mark kanina para nawala ang inis ko at makaganti sa pag-iinarte niya! Hindi bale... puwede ko sigurong gawin ito sa kanya mamaya o bukas!

"Aray! Bitaw! Bitaw!" Patuloy siya sa pagpigil sa kamay ko. "Kakalbuhin mo ba ako?! Leche ka, Lianne! May pangbayad ako sa sa pagpapagupit kahit sa pinakamahal pang barber shop diyan sa kanto!" Pinalo-palo niya pa ang kamay ko.

Walang hiya! Sa pinakamahal na barber shop sa kanto? Eh, kwarenta hanggang sesenta lang naman ang mga gupit sa labas ng villa namin.

Mas lalo ko pang hinatak ang buhok niya at halos mangiyak-ngiyak na siya sa sakit ng sabunot ko.

"Ang sungit-sungit mo! Ang sungit-sungit mo!" gigil ko pa ring sabi habang patuloy ko siyang sinasabunutan.

"Ahh! Leshe ka talaga! Kung gusto mo ng kasabunutan, mag-abang ka ng babae doon sa kanto tapos hamunin mo! Peste! Masakit sinabi!"

Nagwawala na si Renz at natatawa naman na ako sa ginagawa ko sa kanya. Ito talaga ang dapat sa masusungit!

"Ayaw mo 'kong bitawan, ha!" sabi ni Renz at parang bumwelo pa siya.

Bibitawan ko na sana siya para tumakbo na palayo sa kanya kaso naunahan na niyang hawakan ako sa baywang at binuhat na naman niya ako na parang sako ng bigas.

"Gaah! Ibaba mo ako! Kapag hindi mo ko binaba ngayon din, malalagot ka sa akin, Renz!" banta ko sa kanya.

"Natakot ako..." pang-asar niya namang sabi.

Naglakad siya papuntang pinto at binuksan niya iyon habang nagpapapadyak ako at kinukurot ko ang likod niya. Sa pagpadyak ko, may natamaan akong kung ano at may narinig akong nag-'ouch'.

Ano ang nasipa ko? Bakit nagsalita?

"Ano ba, Renz?! Ibaba mo na ako!" Kinurot ko siya ng pinong-pino sa likod at pinagpapalo ulit.

"Ahh! Shit! Masakit!" reklamo na naman niya.

Pipiglas pa ulit sana ako ulit pero bigla na lang niyang iniba ang posisyon ng pagkakabuhat sa akin. Ewan ko kung paano niya ginawa pero biglang naging buhat prinsesa ang pagkakabuhat niya sa akin kaya napakapit ako sa leeg niya.

"O, girlfriend mo!" Tapos ipinasa na lang niya ako bigla kay Mark na nasa labas pala ng kuwarto.

Siya ba ang nasipa ko kanina?

Hindi naman magkanda-ugaga si Mark sa pagbuhat sa akin. Kung hindi ako nakakapit sa kanya baka nahulog na ako sa sahig at nalamog na ang puwitan ko.

"H'wag na h'wag mo 'yang hahayaang makapasok ulit dito sa kuwarto ko, kung ayaw mong ihagis ko 'yan sa bintana," masungit na sabi ni Renz kay Mark na clueless kung ano ba ang nangyari sa amin.

Papasok na sana ulit si Renz sa kuwarto niya pero naunahan siya sa paglabas ni Tito Rick at Tita Belle.

Naku, patay! Nagigsing yata namin sila!

"Ano ba 'yan? Bakit ang ingay niyo? Gabing-gabi na, ah?" Tanong ni Tito.

Napatingin pa sila sa amin ni Mark. Buhat-buhat pa rin niya ako hanggang ngayon at feel na feel ko pa ang pagkapit ko sa leeg niya. Ang awkward!

"Ibaba mo na ako," bulong ko sa kanya.

Ginawa niya naman iyon kaagad. Pagkatapos ay humarap kaming tatlo kila Tito ng nakayuko. Patay talaga kami nito. Or worst, baka ako lang ang ipagkanulo nilang magkapatid at ako lang ang mapagalitan dahil masungit silang dalawa!

"Mag-uusap tayo bukas. Magsitulog na kayo, gabi na," sabi ni Tita Belle 'tapos pumasok na ulit sila sa kuwarto nila.

We're dead!

"Ito kasi, eh!" paninisi agad sa akin ni Renz na may kasama pang batok.

Ang sakit!

Gaganti na sana ako pero hinatak na lang ako bigla ni Mark palapit sa kanya.

"Sige mag-umpisa na naman kayo," sermon niya sa amin ni Renz. "Nasipa na nga ako sa ilong kanina, nadamay pa ako sa kalokohan ninyong dalawa."

Ang sungit pa rin niya! Hanggang bukas niya baa ko susungitan? Pero sino nga bang matutuwang masipa sa ilong?

"Tsss!" Inirapan kami ni Renz 'tapos pumasok na siya sa kuwarto niya.

"Matulog ka na rin," sabi lang ni Mart at pumasok na rin siya sa kuwarto niya.

Naiwan na akong mag-isa kaya pumasok na lang rin ako sa room ko at nahiga sa kama. Ang kaso, hindi pa ako dinadalaw ng antok. Mulagat pa rin ang mga mata ko. Mabuti na lang at Friday ngayon. Walang pasok bukas kaya okay lang mapuyat.

Bumangon ako at nag-indian sit sa gitna ng kama pagkatapos pabagsak na humiga ulit sa kama.

Ahh! Nakakainis! Hindi pa ako inaantok! Kasalanan nilang magkapatid ito! Ang sungit kasi nila!

Nang magsawa ako sa halos kalahating oras na katititig sa kisame ay dumapa ako at noon ko naramdaman ang vibrate ng cellphone ko. Sino namang lapastangan ang tatawag sa ganitong oras?!

Tiningna ko ang caller ID at Nakita kong si Mark ang tumatawag.

Anong tinatawag-tawag niya?! Pagkatapos niya akong sungitan, tatawag-tawag siya? Neknek niya! Hindi ko sasagutin!

I tapped decline.

Bahala siya!

Pero wala pang isang minute ay nakatanggap naman ako ng text galing sa kanya.

Matulog ka na, Babe.

Matulog na? Eh bakit pa siya tumatawag kanina? Ang lakas din talaga ng topak niya. Masungit na nga, topakin pa!

Hindi ko rin siya ni-reply-an dahil tinatamad ako. Nagpagulong-gulong na naman ako sa kama ko pero natigilan ako nang may marinig akong kaluskos galing sa pinto.

Shit! Ano iyon?! Or should I say, sino iyon?

Hindi ako gumalaw sa pagkakadapa. Kung anu-ano na kaagad ang pumasok sa isip ko. Patay ang ilaw ng kuwarto ko at ang isang lampshade lang ang nakabukas.

Hindi kaya multo iyon? O baka naman ang stalker ko? Shit!

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Kumabog ang dibdib ko at ayokong gumalaw sa pagkakasubsob ko sa unan.

Is this my end? Iyong stalker na ba talaga ito? Pero 'Di ba... usual sa mga stalker na may gusto sila sa taong ini-stalk nila? Hindi naman siguro niya ako papatayin! Baka itse-check niya lang kuwarto ko para may malaman pa siya tungkol sa akin!

Ugh! Dapat kanina pa ako natulog para hindi ko na alam kung dinalaw ba niya ako or hindi. Pero hindi ba mas nakakatakot kapag tulog na ako at dinalaw niya ako? Baka pagsamantalahan niya ako. At least, ngayon na gising ako, puwede akong manlaban at sumigaw para manghingi ng tulong!

Ahh! Ano ba itong mga nasa isip ko?! Puwede namang multo na lang ang pumasok sa kuwarto ko at hindi stalker!

Pero bakit kahit ano sa kanilang dalawa ay sobrang natatakot pa rin ako?

"I know, gising ka pa..." Nararamdaman kong umuupo siya sa gilid ng kama ko.

K-katabi ko na ang stalker... I mean ang multo?!

Handa na sana akong sumigaw pero nagsalita ulit siya. "O, gatas para makatulog ka."

Narinig ko pa ang pagpatong ng platito at baso sa side table ko.

Ipinagtimpla niya ako ng gatas? Ang sweet naman niya sa akin... pero huwag siyang ganyan dahil kahit gaano siya ka-sweet, hindi ko siya papatulan! Hindi ako nakukuha sa isang baso ng gatas. Baka sa kape puwede pa!

"Babe..."

Huh? Babe? Tinawag akong 'babe' ng nilalang na ito?

"Uy..." Niyugyog niya pa ako sa balikat.

Hindi pa rin ako kumikilos at naglakas-loob na tingnan ang nasa tabi ko. Kung multo siya, maglalaho na lang siya na parang bula. Pero kung stalker siya, I don't know kung paano siya mawawala na lang.

"Ikaw naman, Babe... ikaw na naman ang nagtatampo imbis na ako. Nagpapalambing lang naman ako kanina kaso sobrang lambing mo, eh. Halos ginulo mo na iyong project ko."

LQ kami ng mumu? Ahh! Ang engot ko na naman! Masyadong nadala sa takot sa stalker o multo!

Bumangon na ako para makita ang stalker... este si Mark pala. Pagkabangon ko niyakap naman agad ako ni Mark.

"Sorry... nagseselos lang talaga ako kanina." Hinigpitan niya pa ang pagyakap sa akin. "Ikaw naman kasi, eh. Alam mo namang maspogi siya sa akin, lapit ka pa ng lapit sa kanya."

Natawa naman ako sa sinabi niya pero pinigilan kong tumawa dahil baka maging masungit na naman siya.

Niyakap ko na rin siya. "Kahit naman maspogi siya sa 'yo, ikaw naman ang mas mahal ko, eh."

"Tsk! Mas mahal? Ibig-sabihin mo mahal mo rin siya?" Humiwalay pa talaga siya sa akin nang sabihin niya iyon at hayan na naman ang kasungitan niya.

"Hindi! Crush ko lang siya!" madiin ko namang sabi. But it's a slip of the tongue.

Napakagat labia ko at naghanda na sa kasungitan na naman niya.

"Tsk!" Niyakap niya ako ulit. "Siguraduhin mong hanggang crush lang 'yan, ha?"

Napangiti ako. "Ikaw lang po ang love ko."

"But please, don't ever hold other guy's hand..." he seriously said.

"I-I'm sorry..." I stammered dahil parang naramdaman ko ulit ang kabang nararamdaman ko kanina sa theater house. "I was really nothing."

"I know..." And then he kissed me on the head.

Nagyakap lang kami ng ilang minuto at maya-maya nauna na siyang bumitaw.

"Inumin mo na 'tong gatas para makatulog ka na." Inabot niya ang baso ng gatas.

Sinunod ko naman agad siya. Inisang inuman ko lang iyon at ibinalik ko ulit sa kanya ang baso.

"Matulog ka na, okay?" Tumayo na siya.

Tipid akong ngumiti. "Alright, babe... thank you."

"Goodnight." Yumuko siya para halikan ako sa noo.

"Goodnight po."

Paglabas niya ng kuwarto ay hindi pa rin ako kaagad nakatulog kaiisip sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw sa amin ni Ejhay.

∞∞∞

Chapter Thirty-Seven

Lianne's POV

Kinabukasan, pinaglinis kami ni Tito Rick ng mga kotse. Wala daw kasi siyang pampa-car wash. Pero siyempre, joke niya lang iyon dahil ito talaga ang parusa namin sa pang-iistorbo sa tulog nila kagabi.

Mabuti ito lang ang gagawin. Well, madali lang for me dahil hindi ko sineseryoso ang paglilinis dahil nand'yan naman ang magkapatid na masungit. Sila ang mapapagalitan kapag hindi maayos ang pagkakalinis ng mga kotse. Ano naman kasi ang alam ko dito?

Pinupunas-punas ko nga lang ang hawak kong sponge na may sabon ang kotse, eh.

"Hoy, ayusin mo naman 'yang ginagawa mo, Lianne! Para ka naman hindi kumain ng umagahan sa ginagawa mo, eh," sita sa akin ng masungit pa rin na si Renz. "Ang dami-dami mo kayang kinain kanina."

Epal talaga. Pake niya ba? Mabuti nga tinutulungan ko pa sila. Puwede ngang maupo na lang ako sa tabi, eh. At pake niya rin ba kung marami akong kinain kaninang agahan?!

Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko na lang ang host ng tubig at itinapat iyon sa kotse malapit sa kinatatayuan ni Renz. Medyo lumayo ako ng kaunti bago ko binuksan ang tubig.

"Hoy! Ano ba?!" reklamo niya dahil natatalsikan siya ng tubig.

Ngumiti lang ako at pinatay ko na agad ang tubig dahil baka magkarambulan na naman kami dito at malamang mapagalitan na naman kami sa mga kakulitan namin.

Nang matapos na kami, naligo lang si Renz 'tapos umariba na siya ng layas. Nagmamadali pa nga, eh. Malay ko kung saan pupunta. Baka mangbababae!

Nagpahinga naman muna ako sa sala kasama si Mark. Mga ten minutes yata kaming nakaupo lang bago ako umakyat para maligo. Pagkatapos kong maligo, bumaba agad ako at naabutan kong nakaupo pa rin si Mark sa sofa, pero nakaligo na rin siya. Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya.

"Mark, gusto ko ng sundae ng Jollibee," nakalabi kong sabi sa kanya para cute.

"Saturday pa lang, bukas ka na lang mag-sundae," nakakalokong sabi niya na nagpasimangot naman sa akin.

Ang pilisopo!

Nilingon niya ako sabay ngumiti sa akin. "Cute mo!" Pinisil niya pa ako sa pisngi at saka siya tumayo.

Lumapit siya sa telephone 'tapos nag-dial. Maya-maya, narinig ko na siyang umo-order. Jollibee ang tinawagan niya at nagpapa-deliver siya.

"In ten minutes, ma'am," sabi niya pagbalik niya sa tabi ko.

Tahimik lang kaming naghihintay ng delivery habang nagbabasa pareho. After ten minutes, dumating na nga ang in-order niya at ang dami pala niyang in-order!

Happy eating lunch!

Para akong bata na minsan lang makakain ng Jollibee. Napapailing na lang tuloy si Mark sa akin pero sino ba naman ang hindi matutuwa? Sundae lang ang gusto ko pero may spaghetti at chicken pa ako! And if I know... cute na cute siya sa akin ngayon dahil ang babaw ng kaligayahan ko.

Pagkatapos naming kumain, nag-aya siyang lumabasa. Todo tanggi naman ako dahil napakainit pero wala akong nagawa dahil hinihila niya talaga ako.

"Ano ba 'yan? Ang init-init, oh..." reklamo ko kahit nasa bungad pa lang ako ng pinto at hindi pa naman nasisikatan ng araw.

Pero mainit naman talaga. Hindi pa rin ba tapos ang summer? Isang lingo na lang, tapos na ang June. Dapat nag-uumpisa nang umulan.

"Halika na... minsan ka lang naman mainitan." Hinila niya na ako palabas ng gate nila at nagpahila na lang ulit ako.

Naglakad kami papuntang park. Mabuti na lang at maraming puno sa gilid ng daan kaya may lilim sa nilalakaran namin. Pero kahit ganoon, medyo maalinsangan pa rin.

Pagdating namin doon, halos walang tao. Kasi nga, napaka init! Mga baliw lang na katulad ni Mark ang gugustuhing pumunta ngayon dito at baliw lang din na katulad ko ang sasama sa nag-aayang magpunta dito ng ganito kainit na oras. Ala una pa lang at tirik na tirik ang araw!

Naglakad-lakad pa kami sa park at habang naglalakad, patingin-tingin sa akin si Mark. Kapag titingin naman ako sa kanya, ngingiti lang siya 'tapos titingin na ulit sa dinaraanan namin.

Weird naman nitong lalaking 'to ngayon. Ay, hindi pala weird, kundi baliw. At ako pa itong isang baliw na mapapangiti lang din dahil sa gestures niya. Para siyang may crush sa akin na nagnanakaw ng tingin.

"Upo muna tayo," sabi niya pagkatapos naming maikot ang park.

Finally! Akala ko hindi na siya mapapagod, eh.

Umupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno. Humiga naman siya at ang lap ko ang ginawang unan. Hinawakan niya ang kaliwang kamay at nilaru-laro ang mga daliri ko at ang promise ring na ibinigay niya sa akin. Hinahaplos ko naman ang buhok niya gamit ang isa kong kamay.

"Alam mo ba kung bakit dito sinusuot ang promise ring?" tanong niya sa akin maya-maya habang hawak pa rin ang kaliwang kamay ko.

Saglit ako nag-isip. "Kasi raw ito lang ang finger na may vein na directly connected sa heart," sagot ko naman, referring to vena amoris myth.

"That's not true," sabi niya.

I know that. I've just read that myth on the internet. It was an old belief of ancient people in Egypt. Pero wala kasi akong idea kung bakit nga bas a fourth finger sinusuot ang promise ring.

"Kasi magical finger daw ito?" I tried again.

Wala na kasi akong maisip na iba. Bakit ba parang ang dami niyang alam sa mga meanings ng kung anu-ano? Parang iyong ibig-sabihin niya lang doon sa eight different flowers na binigay niya sa akin noong nakaraan, pati na rin iyong meaning ng number eight. Mapa-scientific at mapa-superstition alam niya.

He's reading too much about many things!

Natawa siya sa huli kong sinagot. "Really babe?"

"Eh, ano ba?" tanong ko na rin sa kanya. Wala na kasi akong maisagot na iba.

Bakit nga ba sa fourth finger nilalagay ang wedding ring or promise ring?

Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa lap ko at umupo paharap sa akin. "Ganito kasi iyon..." He placed his hands together, but his middle fingers were bended together, knuckles to knuckles. "Gayahin mo ako," utos pa niya.

Ginaya ko naman siya agad 'tapos hinintay ang ko sususnod niyang sasabihin na gawin ko kahit nawiwirduhan na naman ako sa kanya. Mukha kaming tatawag ng kung anong nilalang dito sa ilalim ng puno ngayon. Kulang na lang ay lumuhod kami.

"Don't put pressure on it, just relax, " sabi pa niya. "Try mo paghiwalayin ang thumb fingers mo."

Sinunod ko siya at madali ko namang nagawa ang sinabi niya. Nakakunot na ang mga noo ko dahil hindi ko ma-gets kung bakit niya ito pinapagawa sa akin.

"Try mo pa sa iba mong fingers individually," utos pa ulit niya. "But skip the ring fingers."

Nagawa ko pa rin ng walang kahirap-hirap ang inutos niya. And I'm getting bored but still a little curious.

"Now... try to pull your ring fingers apart."

I tried but I can't. Ang hirap paghiwalayin! Bakit ganoon? Sa ibang fingers naman ang dali-dali lang gawin.

Tumawa na naman si Mark nang tina-try ko pa rin pero hindi ko pa rin magawa. "You can't, right? The thumb represents our parents, the index are the siblings, the middle finger is yourself, the ring finger is the life partner, and the pinkie finger are your children in the future. This means that we are not meant to stay forever with our parents, sibling and children, but with our life-partner." Then he put my hands down. "That's why sa ring finger nilalagay ang promise ring."

"I see..." patangu-tango kong sabi. "Do you believe that?"

"Well, I believe that when two people want to be together, they'd be together no matter what," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Napangiti ako because I hold the same belief. Hindi kami maghihiwalay kung ayaw talaga naming maghiwalay. Huh? Bakit nagging 'kami' na? It should be in general! Oh, well... it also applies to us kaya ko iyon naisip.

"But you see... all our fingers have names. Thumb, index, middle, and pinkie finger. But the ring finger before was nameless until such time they gave its function, which is where the ring is place," dagdag niya.

"How do you know that?" curious kong tanong.

"Well, when I bought our promise rings, na-sales talk ako ni kuya," natatawa niyang sabi.

Natawa rin ako. "Really?" Tiningnan ko ang singsing na suot ko. "I really like this ring."

"I know, it's sapphire... you're birth stone." The he smiled. "They say skies is the reflection of sapphire and that it represents heaven."

"Grabe nga ang pag-sales talk sa 'yo ni kuya," natatawa kong sabi pero ang totoo, kinikilig na naman ako.

Everything he gave me has meanings. Pinag-isipan niya talaga at para sa akin talaga.

"May tanong pa akong isa," sabi na naman niya.

Yumuko lang ako sa kanya at hinintay siyang magsalita. Ano na naman kaya iyon?

"Bakit nasa kaliwa ang promise ring?" tanong niya.

Napaisip na naman tuloy ako. Bakit nga ba nasa kaliwa kung puwede namang sa kanan? Puwede rin naman sa paa. But I know in some culture, they wear their wedding rings on the right hand and even on the index finger. Mostly lang talaga ng culture ay sa kaliwang kamay inilalagay iyon.

"Preference or maybe it's their custom," sagot ko.

"Para daw hindi mangaliwa," seryoso niyang sagot sa sarili niyang tanong.

"Huh?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"'Di ba, kapag may affair sa iba ang mga commited ang tawag, pangangaliwa? So, nilalagay ang singsing sa kaliwang kamay para iyon daw ang pipigil sa pangangaliwa ang isang tao. It's a bond anyway."

Nahawa na ako sa kaseryosohan ng mukha niya at paniwalang-paniwala ako sa mga sinabi niya nang bigla na lang siyang tawa nang malakas.

Okay? What is funny?

"Naniwala ka naman, babe?" nakakaloko niyang sabi habang tumatawa pa rin.

Kung ihulog ko kaya siya?!

Pinagmasdan ko na lang siya hanggang sa matapos siyang tumawa. Namumula na ang mukha niya sa sobrang tawa. I don't know how he manage not to choke himself while laughing.

Then he just suddenly stopped. Akala ko iyon na 'yon pero wala pang sampung Segundo, tumawa na naman siya!

Tsk! Sige lang. Tumawa ka hanggang sa lagutan ka ng hininga. Nakakainis! Wala namang nakakatawa sa pinag-uusapan naming. Natatawa siya dahil mukha akong engot na halos maniwala na sa mga pinagsasasabi niya!

Huminto na ulit siya sa pagtawa at huminga pa siya ng malalim para kalmahin ang sarili niya.

"You're right, it's just custom or preference," wika niya. "Although science disproved that the fourth finger on the left hand has the direct vein to the heart, it already became a symbol of matrimonial commitment. It has been a custom. In some culture people wear their rings on the right hand because they say the left hand is sinful or dirty. But I like the vena amoris myth better. It has the promise of fidelity and Egyptians, which is the origin of that myth, believes that the ring is the symbol of eternity. No beginnings and no endings. And the open center is a doorway to unknown... mystery of love."

I don't know kung naikuwento rin sa kanya iyon ng salesman o saleslady na pinagbilhan niya ng promise rings namin. Pero nawiwirduhan na talaga ako sa mga sinasabi niya ngayon. Ganito ba ang lalaking in love?

Nakakatawa pero bakit nakakakilig din?

"Uy, Babe..." pukaw niya sa atensiyon ko nang hindi ako mag-react sa mga sinabi niya at nakatitig lang sa kamay kong hawak niya.

"I like that myth too..." I plainly said.

"Ikaw naman, Babe... hindi ka na mabiro," sabi niya dahil akala niya yata ay nagtatampo ako sa ginawa niya kanina.

Tumahimik lang ako at hinayaan siya sa kung ano man ang iniisip niya. What is a little lambing in the middle of the day in a park?

"Alright, here's what you should always believe..." Inilapit niya ang kamay ko sa bibig niya at hinalikan iyon.

With that simple gesture, parang may electric shock na dumaloy mula sa kamay ko papunta sa buo kong katawan at parang may nagtatambol bigla sa dibdib ko.

Then he smiled his most handsome smile.

And the banatero of the year award goes to... ten-tenenen-tenen!

Mark Kelvin Lopez!

Hindi ko na napigilan ang ngiti ko. This moment will surely one of those moments I will look back in the future and tell my kids and grandkids about. I just hope, I could memorize every bit of it. I just hope my memory will save all my memories with Mark.

We just stayed like that for a while, me brushing his hair and him holding my hand while his eyes were close. Then something came to my mind.

"Mark, you just said love me, right?" I asked and smiled at him sweetly.

"Hmm..." His eyes were still close.

"When you love someone, you'd let her do what she loves to do, right?" Naging pilyang ngiti na ang kaninang matamis kong ngiti.

Dumilat siya at Nakita niya ang ngiti kong iyon at kumunot ang noo niya. "What is it?"

"Let me join the band, please...?" Then my smile became a forced beam.

Napabangon naman siya sa sinabi ko at tiningnan niya ako. Nag-pout ako na parang nagpapaawa sa kanya. Sana naman mapa-oo ko siya ngayon! I really want that!

"You really want to join the band?" tanong niya pagkalipas ng ilang segundong pagtitig sa akin.

Tumango ako bilang sagot with matching pa-cute na pouty lips pa rin.

He sighed. "Alright..."

"Talaga?!" Napatayo pa ako sa excitement sa pagpayag niya.

"Yes, basta h'wag ka masyadong malalalapit sa pinagseselosan ko." Tumayo na rin siya.

Natawa ako sa sinabi niya 'tapos yumakap na lang ako sa kanya. I don't want to make a promise na parang Malabo kong magawa. Kaibigan ko na rin si Ejhay and I don't think he deserves to be dump dahil lang nagseselos si Mark. They'll get along together one way or another, I'm sure.

"Ang seloso mo naman, eh. H'wag ka mag-alala... lahat ng kakantahin ko on stage para sa 'yo," pambobola ko sa kanya.

Pero hindi naman pure na pambobola iyon. Half meant siguro. Tsaka kanina niya pa ako binobola, ako naman.

"Binola mo pa ako." Pinisil na naman niya ang pisngi ko. "Basta ang gusto ko, lagi akong nandoon kapag kakanta ka."

Sus! Kinilig naman 'yan sa bola ko for sure.

"Yes, boss!" ngiting-ngiti kong sagot.

∞∞∞

Chapter Thirty-Eight

Lianne's POV

Pagkatapos namin mapag-usapan ang tungkol sa banda, umuwi na kami. Pupunta raw kasi siya sa office para lang may ipasang project. Iyon yata ang ginagawa niya kagabi na ginulo ko.

Heto tuloy ako ngayon, mag-isa lang sa garden namin habang nagmumuni-muni ng mga kilig banat ni Mark kanina sa akin.

Tulog kasi si Ate Hannah, kaya wala akong kasama. Lagi na lang siyang tulog. Ganoon yata talaga ang epekto ng mga gamot niya sa kanya.

Nasabi ko na rin kay Ejhay na pumayag na si Mark. Natuwa naman siya at kinamusta niya pa kung okay na raw ba kami. Nag-sorry pa nga siya sa akin kahit hindi naman niya kailangan mag-sorry. Ang bait niya talaga. Kaya crush na crush ko siya, eh!

Nang magsawa ako sa garden namin, pumasok na ako sa loob, at sakto namang pababa si Ate Hannah. Nakikipagtalo pa siya kay Andeng.

"Kaya ko namang bumaba mag-isa. H'wag mo na akong alalayan," malumanay na sabi ni Ate Hannah pero halatang medyo naiirita na siya.

"Ma'am Hannah, utos kasi ng Daddy niyo na palagi raw kitang alalayan," giit naman ni Andeng.

"Kaya ko naman mag-isa, kaya please... bitawan mo na ako," pakiusap niya na may halo na talagang pagkainis sa kasambahay naming.

Lumapit na ako sa kanila bago pa tuluyang mainis si Ate. Nakakatakot para kay Andeng dahil kahit pa mabait si Ate Hannah, magkapatid pa rin kami! Baka biglang ma-trigger ang dugong amasona na nananalaytay sa dugo niya at bigla na lang niyang itulak si Andeng sa hagdan para lang lumbayan siya.

"Andeng, ako na ang bahala kay Ate," sabi ko kay Andeng pagkalapit ko sa kanila.

"Go..." sabi naman ni ate Hannah.

Parang nag-alangan pa rin siyang umalis. Pero sa huli, kaming magkapatid ang nagwagi. She went away at sabay naman kaming bumaba ni Ate Hannah sa hagdan. Hindi ko na siya inalalayan dahil nga ayaw niya.

"Baby sis, gusto kong lumabas kahit diyan lang sa garden," sabi sa akin ni Ate Hannah pagkababa namin ng hagdan.

"Sure, Ate!" nakangiti kong sang-ayon.

Nagpunta nga kami sa garden. Magkatabi kaming naupos sa damuhan. Noong una nga ayaw kong umupo siya doon dahil baka madumihan siya. Kaso mapilit siya kaya hinayaan ko na lang. Minsan lang naman daw siya madumihan.

I'm seeing our similarities now. Isa ang pagiging matigas ang ulo. Kung ano ang gusting gawin ay gagawin. Nakakatawa dahil iyon pa talaga ang pagkakapareho namin.

"Baby sis, kamusta nga pala si Renz? Hindi ko na ulit siya nakikita simula noong dumating ako," tanong niya makalipas ang ilang saglit na tahimik kami.

"Si Renz? Okay naman yata? Ang huling sinabi niya sa akin, in love daw siya. Muntik pa nga ako masuka pagkasabi niya noon, eh," natatawang sagot ko naman.

"Talaga? Kanino naman daw siya in love?" usisa niya pa.

"Hmm... kay Wendy..." sagot ko ulit at napangiti ako at naisip ko kung kalian ko kaya ulit siya makikita? It's been a while! Sana man lang dalhin siya ni Renz sa kanila.

"Ah..." Tumango-tango pa siya. "Who is she?"

Hmm... I smell something fishy. Bakit kanina pa siya tanong nang tanong about kay Renz? Parang may something! Pero hindi na puwede si Ate sa bakulaw kong bestfriend dahil may Wendy na siya! Too bad... kung siguro ay hindi siya umalis noon, baka nagka-develop-an na sila ni Renz!

Sunddenly, nanghinayang ako sa mga panahon na hindi namin siya kasama pero inalis ko agad iyon sa isip ko dahil wala na rin naman akong magagawa tungkol doon. What is important is how can I make up for the lost time.

"Nakilala namin sa Boracay last summer," sagot ko at siniko ko siya sa tagiliran. "Ikaw, huh... bakit kanina mo pa tinatanong si Renz?" nanunudyo kong tanong sa kanya.

"H-ha?" Parang hindi alam ang isasagot o gagawin na napanganga lang siya sa akin.

"Sus! Gusto mo ang bakulaw na 'yon, 'no?" patuloy ko sa pang-aasar.

"H-hindi, 'no!" mariing tanggi naman niya pero parang hindi ako naniniwala dahil nag-stutter pa siya.

"Eh, bakit ka nga nagtatanong ng tungkol sa kanya? Yiiiih!" Sinundot ko pa siya sa tagiliran.

Nakiliti naman siya sa ginagawa ko kaya medyo lumayo siya sa akin. Natutuwa ako sa reaksyon ni Ate Hannah dahil parang may gusto talaga siya kay Renz, although hindi ko gusto si Renz para sa kanya.

It just fun to know my sister.

"Hindi ko nga siya gusto," kaila pa rin niya. "Alam ko namang ikaw ang gusto niya kaya bakit pa ako magkakagusto sa kanya?"

Huh? Ako naman ngayon ang napanganga. Alam niya? Paano niya nalaman? Saan? Kailan? Wala pa naman siya dito noong mga panahong ang haba pa ng buhok ko at pinag-aagawan ako ng magkapatid, 'di ba?

"Paano mo nalaman na may gusto sa'kin si Renz?" curious kong tanong.

"Ah..." she paused and then she hugged her thighs close to her chest. "Halata naman noong mga bata pa lang tayo, eh. 'Di ba, palagi ka niyang kinakampihan noon kapag inaaway mo ako?"

It supposed to make me feel a little guilt nang sabihin niya ang huli pero hindi. Nagduda pa ako lalo sa nararamdaman niya para kay Renz.

"Weeh?" udyok ko pa. "Baka stalker ka ni Renz?" pabiro ko pang tanong.

"Hoy, hindi, ah!" Napalo niya pa ako sa braso.

Natawa ako sa ginawa niyang pagpalo sa akin. It's the first time she did that and I think it's a good sign. We are getting closer. At magkapatid talaga kami! Nakikita ko na rin ang pagka amasona niya kahit hindi naman malakas ang pagpalo niya.

"'Tsaka... gusto ko nga kayong magkatuluyan, eh," dagdag pa niya na parang ako naman ngayon ang inaasar niya.

"Yuck! Nakakakilabot naman iyon, Ate!" Napahimas pa ako sa magkabila kong braso dahil parang nagsitayuan lahat ng balahibo ko.

Goosebumps!

"Sus! Ang cute niyo kaya. Bagay kayo. Yiiiih!" asar niya pa lalo sa akin.

"Eww! Baka ikaw talaga may gusto kay Renz, ate? Ipinapasa mo lang sa akin..." balik ko namang asar din sa kanya.

"Hindi, 'no!" tanggi niya pa rin. "Iba kaya ang gusto ko..." At nag-iwas siya ng tingin.

Nabuhay naman kaagad ang curiosity ko. Iba ang gusto niya? Sino naman kaya? Napapangiting tiningnan ko siya at medyo namumula ang mukha niya.

So this is how it feels like to have a sister to tell your secrets to.

"Talaga?!" excited kong sabi. "Sino naman ang masuwerteng lalaki?" tanong ko at lumapit pa ako sa kanya ng bahagya.

Para matigil na rin ang usapan tungkol sa bakulaw kong bestfriend. Ayokong naaalala na nagkagusto sa akin si Renz dahil nakakakilabot talaga. Dapat nang ibaon iyon sa limot!

Tumingin na ulit siya sa akin pero nagbaba rin agad siya ng tingin. "Ayokong sabihin..."

"Eh..." I shook her arm. "Ang daya naman..." nakanguso ko pang sabi.

"Ayokong sabihin dahil baka sabihin mo rin sa kanya..." sabi naman niya.

"Hey..." Ngumuso ako lalo. "I'll be good at keeping secrets."

"Promise?" paninigurado niya.

"Promise!" And I raised my right hand.

Tinitigan niya pa ako na parang nag-iisp kung sasabihin niya ba talaga sa akin. Lalo naman akong naging curious. Kilala ko ba ang gusto niya at natatakot siyang sabihin ko?

"Come on, Ate Hannah..." I urged her.

Huminga siya ng malalim na para bang ako ang gusto niya at sa akin siya aamin. Seems like she really like the guy. Ewan ko pero kumakabog ang dibdib ko sa anticipation na malaman kung sino ang gusto niya.

"Si ano..." Nag-pause siya at napayuko.

Just say it! I want to shout para ipakita ang excitement ko. But instead, hinawakan ko ang kamay niya para iparamdam na suportado ko kung sinuman iyong nagugustuhan niya. Hindi ako nagsalita at hinintay ko lang na ituloy niya ang pagbanggit sa pangalan ng lalaki.

"Si..." she paused again and look at me.

Ay, ano ba?! Ang lakas naman mangbitin ni Ate! Gusto ko na siyang alugin na parang kapag ginawa ko iyon ay lalabas isa-isa ang mga letra ng pangalan ng lalaking gusto niya.

"Ay, h'wag na nga." Then she let go of her hand from mine.

What?! After niya ako bitinin nang bonggang-bongga, hindi niya rin sa sabihin? No! Hindi ako papayag!

"Ate—"

"You know him..." sabi niya na parang biglang nag-alala at umiwas ulit siya ng tingin.

Napaisp ako lalo. Kilala ko? Sino?!

"Ate, naman, eh..." nakanguso ko na namang sabi. "Sabihin mon a, please? I promise to keep it!" pilit ko pa sa kanya.

Tumingin siya sa akin at todo pout naman ako na parang nagtatampo. Nag-iwas rin ako ng tingin para mas effective.

"Alright... I'll tell you," parang walang choice niyang sabi.

Agad naman akong tumingin ulit sa kanya. Hindi ko pa rin itago ang excitement ko na malaman kung sino ang masuwerteng lalaki.

"He's... uhmm... how can I say it?" sabi niya, more off to herself and then she smiled. "Uhmm... nagustuhan ko siya because he's been good to me ever since we've met. He's actually my knight in shining armor..." upon saying those, I saw a glint of happiness in her eyes.

Napangiti rin ako dahil feeling ko, hindi lang basta-basta ang pagkagusto niya sa guy. She's in love with that guy. At kung sino man siya, I hope he loves my sister too. My sister deserves to be loved back.

Pero kung hindi man niya mahal ang Ate ko, aba... hindi ako papayag! I'll make him love her! I'll help her make him love her! I'll do anything to make her have the love of her life.

I just noticed that Ate Hannah has little dimples on the sides of her lips. She's so pretty! I want to see her smile more often, so that guy should really love her too!

"I like him already!" nakangiting sabi ko. "So, who's the guy?" I asked impatiently.

"Si..." Huminga siya ng malalim at nawala na rin ang ngiti sa mga labi niya.

Kinakabahan na naman siya. Siguro ngayon lang rin siya makakapagsabi sa isang tao kung sino ang gusto niya. Maybe she doesn't have a friend to tell about it before kaya ganoon na lang ang kaba niya.

"Mark..." she continued, and she looked away again.

Napigil ko naman ang hininga ko dahil sa pangalang binanggit niya at nabura na rin ang ngiti sa mga labi ko. Parang may biglang dumagundong sa magkabilang tainga ko at parang nabibingi ako maliban sa naririnig ko ng paulit-ulit ang pagkakasabi niya sa pangalang iyon.

Si... Mark...

At the moment, I just wished that I heard it wrong. But I know that I heard it right. Noong sabihin niya pa lang na kilala ko ang gusto niyang lalaki, I should have an idea. It's either Renz or Mark only. Pero sa sobrang excitement kong malaman kung sino iyon, hindi iyon sumagi sa isipan ko.

Nang tumingin ulit siya sa akin ay pinilit kong ngumiti ulit.

"It's Mark..." ulit niya pa.

"M-matagal mo na ba siyang gusto?" I asked and I tried not to stutter but I did.

Sumilay na naman ang ngiti sa mga labi niya. "I started to like him when he became my first friend."

"I see..." iyon na lang ang nasabi ko habang tumatango at isa lang ang nasa isip ko.

Hindi niya alam na kami na ni Mark.

"Tara, Baby sis. Kain muna tayo. Nagugugtom ako." Tumayo na siya at inabot ang kamay sa akin para tulungan akong tumayo rin.

Inabot ko naman iyon at tumayo na rin. Sabay na kaming naglakad papasok sa bahay. She's smiling widely and I'm forcing a smile too.

∞∞∞

Okay... hindi alam ni Ate Hannah na kami na ni Mark. Wala siyang kaide-ideya na kami na ngayon. Paano nga naman siya magkakaideya kung hindi naman niya kami nakikitang magkasama at sweet sa isa't isa?

Noong huli niya kaming nakitang magkasama ay iyong mga panahon na inaaway ko siya at pinangtanggol na naman siya ni Mark mula sa akin.

Paano nga naman niya maiisip na magiging kami kung dati pa lang ay hindi na kami magkasundo ni Mark? 'Tapos nang dumating siya ulit, nag-away na naman kami ni Mark sa harap niya.

Nahawakan ko ang singsing sa dalairi ko at naalala ang sinabi ni Mark kanina sa park.

"I love you like this ring... There'll be no change of direction, just loving you endlessly."

Pati ang ngiti niya kanina habang sinasabi niya iyon ay nag-flashback sa utak ko. Napapikit ako para mawala ang mukha niya pero lalong lang luminaw ang mukha niya sa pagpikit ko.

Gusto ko na lang umiyak bigla. I feel helpless...

I even told myself that I want to see Ate Hannah's smile often, and if it takes that guy she like to make her smile like that, I'd do everything to make him love her back.

But it is Mark...

Kaya ko ba siyang ibigay kay Ate? Should I give up my happiness for the sake of her happiness? How about Mark? For sure, he wouldn't want that, would he?

Parang gusto ko na lang din sisihin si Mark sa pagiging mabait niya kay Ate Hannah pero kung hindi ba siya nagging mabait, hindi na rin siya magugustuhan ni Ate?

"Well, I believe that when two people want to be together, they'd be together no matter what."

Mark's voice popped in my head again at para akong nanlulumo sa mga salitang naaalala ko. A tear fell from my eye while they're still close.

I want Ate Hannah to be happy, no doubt about that. She deserves all the happiness in the world. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang ibigay sa kanya ang kaligayahan niya, kung kaligayahan ko ang kapalit. But do I deserve the happiness Mark brought me?

Halos hindi ako nakatulog magdamag sa kakaisip ng mga bagay-bagay at kung ano ba ang dapat kong gawin.

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

254K 17.2K 82
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2M 6K 4
Saraya Kennedy Cruz was just a simple girl living her life peacefully. She has an undying love for a half-British guy named Chord Sebastian Harris. S...
650K 14.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
143K 3.3K 12
Mahal kita... Mahal mo'y iba... Akala mo ba papayag akong maging masaya kayong dalawa?