Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 39 ♥ Payback For Real

33.2K 445 80
By wistfulpromise

Chapter 39 

Ako ang sinisisi ni Aiden sa kung ano man ang nangyayari sa kumpanya nila. Akalain mo, nagiging madaldal pala ang isang iyon kapag galit? Sinabi nya sa akin lahat, mula sa pagiging parte ni Pietr sa BSG company hanggang sa nalaman ni Jace na balita sa pagkakuha ni Pietr ng additional ten percent shares.

Salamat sa kanya --kahit halata naman na ako lang ang napaglabasan nya ng sama ng loob-- sinabi nya sa akin ang lahat ng mga bagay na ayaw sabihin sa akin ni Jace. Kung hindi pa tumawag sa akin hindi ko malalaman.

Ang problema na lang ngayon ay ang binigay na palugit sa akin ni Pietr. Alam na ni Jace,oo. Pero hanggat hindi pa ito naififinalize sa harap ng board of directors, pwede pa itong mapalitan at mabago. 

Noong gabing pumunta si Jace para makita ako hindi ko na sya pinauwi, pinatulog ko na lang sya sa bahay. Tahimik sya buong gabi, parang yung normal nyang kinikilos. Para ngang isang panaginip lang ang nakita ko sa bintana, gayunpaman, alam ko ang totoo. Hindi na ako nagtanong, hindi na ako nangulit. Pero nasasaktan ako na malaman na ang pinakamalaking sikreto nya ay itinatago nya sa akin.

Kinaumagahan sa ganap na ikatlong araw, nagring ang cellphone ko. Hindi ko pa nakikita kung sino pero kilala ko na.

Itinapat ko ito sa tenga ko.

"Huwag kang mag-alala hindi ko nakalimutan ang usapan natin. Kapag nagkita tayo, malalaman mo ang sagot ko." Magsasalita pa lang sana si Pietr sa kabilang linya pero agad ko syang pinutol. Hindi ko hinintay ang sagot nya dahil ibinaba ko na ang phone.

Palabas na ako ng bahay para pumasok sa Maeda Mora, pero may humarang na kotse sa dinaraanan ko. Nagulat ako nang makita na si Jace pala ito, kasama nya si... Niel. 

Whoa, whoa, whoa. Nagkaayos na ba sila?! 

"Oh, there you are." Lumingon ako kay Julian na palabas na rin ng gate. Patakbo ko syang niyakap noong makita sya."Whoa there! Careful." 

"Thank you!" 

"Thank you... what?" 

Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya. "Napagbati mo na sila Jace at Niel!!" I squealed like a fan girl. "Your 'Operation 101: Pagbatiin ang dalawang magbestfriend' was a success!! Wooh!!" 

Napakamot sya sa ulo na tila ba nagugulahan sa kawirduhan ko.

"Uh, Serene? What'cha mean?" Itinuro ko ang kotse ni Jace. "Oh." 

"Congrats!! Bukod pa roon, gumagaling ka na ring magtagalog! Nakakaintindi ka na nga rin eh!!"

Hinawakan ko ang dalawang kamay nya at saka iwinagwag na parang sumasayaw sayaw kami. I'm so proud of him. 

"Uhm..." panimula nya. Hindi pa rin nawawala ang kunot noo sa mukha nya. "I think we're still far from that?" tapos itinuro nya sa akin sila Jace at Niel na kasalukuyang nasa mainit na usapan sa loob ng kotse. Parang... nagtatalo sila.

Hinila ko si Julian hanggang sa nakalapit kami. Huminto sila agad noong makita ako. Namumula sila pareho na parang galit na galit. 

"Anong nangyayari dito?" 

Lumabas si Niel sa sa kotse at padabog na isinara ang pintuan. Wala na syang saklay pero paika-ika pa rin ang lakad nya. 

"Niel--" 

"Pumasok ka na sa kotse Serene baka ma-late ka pa," Pero wala sa akin ang tingin nya. Tumingin ako kay Jace na nasa driver's seat. Suot suot nya ang black shades nya kaya hindi ko makita ang mga mata nya. Gayunpaman, wala rin sa akin ang tingin nya dahil nakatingin sya sa harap. 

Nag-aalala akong humarap kay Julian. "Julian, anong nangyayari?" I silently mouthed at him. Pinagbuksan nya ako ng pinto at saka matipid na ngumiti. Nauna na sila Reece, Kelly at Nyree na pumasok kaya kami na lang ang natira rito. 

"Pasowk ke ne." sagot nya sa baluktot nyang tagalog. "Niel, get in the car also. You did not brought your car didn't you? We'll be late, c'mon."

Naguguluhan man sa mga nangyayari, tumabi ako kay Jace sa harap. Pumasok na rin si Julian sa likod pero hindi pa rin tuluyang isinasara ang pinto para kay Niel na nasa labas pa rin. 

Napakakapal ng tensyon sa paligid. Parang ayaw ko ngang gumalaw eh. Si Jace walang kibo, si Julian tahimik na nakaupo sa likod, si Niel naman nasa labas pa rin. Ano bang nangyayari rito? 

"Ihahatid nyo ako sa Maeda Mora?" pambabasag ko ng katahimikan.

"Yes." 

"No." sabay na sagot ni Niel at Jace sa akin na kulang na lang ay lumipad ang mga ulo nila malingon lang ako. 

Sa tingin ko... alam ko na kung ano ang pinagtatalunan nila. 

"Jace this is not the right time to be stubborn. I told you, kailangang pumunta ni Serene sa Maeda Mora. Marami syang mga taong kailangang tulungan. Nasimulan na nya ang misyon na iyon, hindi na sya pwedeng umatras!" Tumingin ako kay Niel na nasa labas. 

"I don't care. Nakita mo naman kung anong nangyari noong nakaraang linggo di ba? Sumugod na roon once ang mga myembro ni The Highest, pwede ulit maulit yun. I don't want to risk anyone especially Serene, so deal with it." Tumingin ako pabalik kay Jace.

Ipinikit pikit ko ang mga mata ko.

Bumalik ang tingin ko kay Niel. "That's why I'm there, undercover remember? Julian and Souta are there. Sumugod man sila, wala ng makakatakas sa amin. Can't you see? You're just being paranoid!" 

"I'm not being paranoid!" Malakas na inihampas ni Jace ang dalawang kamay sa may steering wheel ng sasakyan. Napatalon ako sa gulat. "I'm just taking precautions!" 

"Please stop." awat ni Julian sa dalawa. 

Nagpatuloy si Niel. I saw Jace clenched his hands.

"Ang mahirap kasi sayo, sarili mo lang ang iniisip mo! Kailan mo ba marerealize na hindi lang lahat ng gusto mo ang masusunod? Magbigay ka naman ng kunsiderasyon. Hindi lang ikaw ang tao rito sa mundo Jace." 

"Ipinagpiipilit mo ba ang gusto mo dahil kailangan talaga o may iba ka pang balak?"

Umiling si Niel na parang hindi makapaniwala sa narinig.

"Seriously Jace? This is not the time to be jealous."

Hinawakan ko na ang braso ni Jace bago pa sya makalabas ng pinto at sugurin ng suntok si Niel. Magsasalita pa sana si Jace pero naunahan ko na sya. Sa pangalawang pagkakataon ay nagsalita ako.

"Can you both please, STOP?! Ano ba? Magtatalo na lang ba kayo rito maghapon ha? For goodness sake! Sinundo nyo pa ako rito. Kung magbubugbugan lang din naman pala kayo sa bagay na dapat sa akin ang desisyon, hala, sige! Magbugbugan kayo! Walang pipigil sa inyo pambihira!" dahil doon natahimik sila. Mula sa rear view mirror nakita ko ang pamilyar na reaksyon ni Julian. Alam nyang nahihighblood na ako, at kapag ako ang nahighblood, nagiging gang leader mode ako.

"Tsk, tsk, you're both dead." pabulong bulong pa nya habang pakunwaring nagmumuni-muni. 

"Jace lumabas ka ng kotse." utos ko sa kanya. Miss na miss ko na sya pero bakit naman sa ganda ng umaga, ganito pa ang entrada ng pagkikita namin? Life.

"What?" gulat na sambit ni Jace na parang hindi makapaniwala sa narinig. Tumawa ng mahina si Julian sa likod.

"Told yah."

"Julian pati ikaw. Labas." 

Huminto sya sa pagtawa. "W-what? Why?"

"Lumabas kayong dalawa." Walang kumilos sa kanila. Pareho silang may naguguluhang tingin sa akin. Tumingin ako sa kanila at base sa reaksyon nila, alam kong alam nila na wala ako sa mood para magbiro. "I said get out!" dahil sa gulat, sabay silang lumabas. Lumabas na rin ako ng kotse. Narinig ko pa ang bulong ni Julian kay Jace pero hindi ko na lang pinansin. 

"One of the reason why you don't want to mess with a Serene Lopez. It's a scary sight."

"Niel get in the car." Noong hindi sya gumalaw hinila ko ang braso nya papasok.

"W-wait, Serene--" Isinara ko na ang pinto bago pa sya makapagreklamo. 

Sunod akong lumingon kay Julian na gulat na gulat noong tinawag ko ang pangalan nya. Kinuha ko ang susi sa kamay ni Jace at inihagis sa kanya. Muntik pa nyang hindi nasalo.

"Ikaw ang magmaneho." 

Binuksan ko ulit ang pinto sa likod kung nasaan ko pinapasok si Niel. Sinenyasan ko si Jace na pumasok. Hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang mukha ko. Nakatitig lang sya sa akin na tila ba gulat na gulat sa nakikita. 

"Jace. Get in." Marahil naninibago sya dahil madalas, sya ang nagsasabi ng mga linyang ito sa akin. Dahil sa katigasan ng ulo nya, noong una ayaw pa nyang pumasok. Pero noong pumasok ako roon at isasara na sana ang pinto, humabol sya. 

"Ugh. Seriously Serene? Why are you doing this to me?" reklamo nya pero pumasok pa rin sya sa loob. Kaya sa ngayon ang pwesto namin, si Julian ang nasa harap, samantalang kaming tatlo ang nasa likod. I'm sitting between Niel and Jace to be exact. Noong marealize nila ang bagong seating arrangement, biglaan silang naglipatan ng tingin sa bintana. Sa mga ikinikilos nila, para silang mga bata. 

"Julian, drive the car." utos ko sa kanya. 

"U-uhm, where are we heading exactly G-Clef?" alanganin nyang tanong. Dahil sa ikinikilos ko, hindi alam ni Julian kung dapat ba syang maging pormal sa akin o hindi. Gayunpaman, hindi ko na sya pinansin lalo na noong bigla syang ngumisi. "You know what? You can really be so bossy sometimes." Tawa pa nya. Noong binigyan ko sya ng tingin, sinimulan nyang paandarin ang kotse at pumito pito na akala mo wala syang sinabi. 

Magsisimula na naman sanang magsalita ang dalawa na nasa tabi ko pero bago pa man mangyari ito, itinaas ko na ang dalawang kamay sa tapat nila. 

"Kahit ngayon lang okay? Dahil kung pag-aawayan nyo lang din ang tungkol kanina, baka mapilitan akong tumalon na lang sa bintana." And I'm deadly serious with it. 

"Diretso tayo sa Princeton Academy." utos ko na nakapagpasaya sa panig ni Jace. Pero agad ding napawi ito matapos marinig ang sumunod kong sinabi. "May bigla lang kasi akong naalala. May sinimulan ako na kailangang tapusin. Pero kapag natapos ko iyon, didiretso tayo sa Maeda Mora, sa ayaw nyo man o gusto. Maliwanag?" 

***

"Hindi ako nakapagdala ng school uniform."

Nasa loob na kami ng school noong marealize ko iyon. Hanggang ngayon ay suot suot ko uniform ng Maeda Mora. Akala ko kasi doon ako didiretso.

Tiningnan ako ni Jace mula ulo hanggang paa. Kaming dalawa na lang ni Jace ang magkasama dahil pagkapasok ng school kanina, napaalam na sila Julian at Niel na pupunta sa lockers nila. Ayaw sana akong iwan ni Niel pero binigyan sya ni Jace ng masamang tingin. Nagpaalam na lang sya sa akin at sinabi na kung pwede raw ay pumasok ako ng klase kahit isa lang. Miss na raw kasi nya ako-- binulong nya lang yung last part. Hinila agad ako ni Jace palayo.

Whats with the attitude?

"Akong bahala sayo." Jace said then squeezed my hands. Dumiretso kami sa harap ng locker nya. Habang hinihintay ko syang kunin ang kailangan nya, sumandal ako sa katabing locker. Humalukipkip ako.

"Jace?"

"Hmm?"

"Pwede bang magkaayos na kayo ni Niel? Please? Ayoko kasi kayong nakikitang nag-aaway."

Ang tagal ko na itong inirerequest sa kanya. Bakit ba hindi nya ako-- nila Niel-- na mapagbigyan? Natigilan sya ng konti sa ginagawa nya pero ilan pang sandali ay nagpatuloy rin sya.

"Kung ganun lang sana kadali..." he sighed in frustration.

"Ano bang mahirap doon? Para namang hindi kayo naging magkaibigan."

Umiling si Jace sa harap ko. "I don't want to talk about it."

Umayos ako ng tayo. Hanggang kailan nya ba tatakasan ang topic na ito? "No. We need to talk about it now. Jace hanggang kailan ka iiwas? Habang pinapatagal nyo mas lalong lumalala. Gusto nyo bang habang buhay na lang kayong ganito? Jace naman. You and Niel are both impotant to me. I just want everyone to be happy. "

Isinara nya ang locker. Nagsalita sya ng hindi humaharap sa akin. Kahit pabulong man ito sa hangin, narinig ko pa rin dahil sa malapit na agwat namin.

"There are things you don't understand. And it's better that way."

It is better that way? Meron ba syang alam na hindi ko nalalaman? Jace.. bakit ba ang dami mong itinatago sa akin? Tumunog ang bell. Iniabot nya sa akin ang hawak. Tiningnan ko lang ito pero hindi ko kinuha. Huminga sya ng napakalalim at ngumiti ng konti sa harap ko. 

"Let's just forget about that topic okay? I don't want to ruined this day for both of us. Magpalit ka na. Hihintayin kita."

"Kahit wag na." Kinuha ko ang inaabot nya. "Mauna ka na, late ka na."

Dumiretso ako sa banyo pagkatapos ng pag-uusap namin. Hindi ko mapigilang mainis ng konti. Sinasabi ko ang lahat sa kanya, pero bakit sa akin, hindi nya magawa? Nagpalit ako sa banyo at nakita na P.E. uniform pala nya ang pinahiram sa akin. Buti na lang di-tali yung jogging pants kaya nagkasya pa rin sa akin. Masyadong malaki ang t-shirt kaya ang ginawa ko, tinali ko na lang ito sa likod. Mahaba rin ang jogging pants kaya itinupi ko pa ng ilang beses. I can smell Jace's scent in these clothes. Kahit bagong laba alam mong kanya.

Niyakap ko ang sarili ko. Bakit ba ang daming problema ngayon? I really miss him. I really miss my Jace. 

"Oh. The famous Serene is back." bungad sa akin ni Mia kasama ng mga kaibigan nya pagkalabas ko ng banyo. Tiningnan ko ang buong paligid. Wala si Jace.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Mia. Ngumisi ako. This is perfect, exactly why I'm here. Malas nya medjo wala ako sa mood ngayon. Marami akong problema na matagal ng nakapila at isa na sya roon. Kailangan ko ng linisin ang lahat ng nasa listahan na iyon, gusto ko ng matapos ng lahat ng ito. 

Sa nakikita kong mukha nya, naaalala ko tuloy ang 'Clarisse and Serene days' sa mismong hallway na ito. Oh memories. Speaking of Clarisse, ayos lang kaya sya sa Maeda Mora mag-isa? Siguradong papatayin ako ng babaeng iyon kapag nagkita kami.

 I smiled sweetly. "Yeah. Did you miss me?"

"Oh not at all. Mas mabuti ngang hindi ka na bumalik eh. Ano ba kasi ginagawa mo at naisipan mo pang bumalik?"

Hindi ko mapigilang matawa sa pinagsasabi ng pugitang nasa harapan ko.

"First of all, this school is mine so I have all the rights to go back here anytime I want. Secondly, wala kang karapatan na magreklamo kung nandito man ako o wala and lastly, I'm back to finish what we have started." 

"Oh. I'm scared." sabi pa nya gamit ang nakakalokong mapang-inis na ngiti. 

"Oh you should be." hawak ko sa dibdib na parang nalungkot sa sinabi nya. Paplastikan pala ah? Aba, kay Clarisse pa lang, sanay na sanay na ako. "Excited na nga ako eh. Ikaw ba excited ka na? I have a wonderful gift only for you and your friends. At sigurado ako, magugulat kayo roon! Matagal ko na itong pinaghandaan eh. A gift that you will not forget for the rest of your lives."

"Really? I can't wait then." Nakita kong ikinuyom nya ang mga kamay sa may gilid.

"Naku wag kang mag-alala, malapit na. Pinaghintay na kita ng matagal kaya ayoko ng maulit iyon.  Mas maganda yung mabilis para tapos na. Alam mo na, kapag ang isda pinapatagal, nagiging malansa." Ngumiti ulit ako sa kanya ng pagkatamis tamis. "Parang ikaw." 

Sasampalin nya sana ako pero nasalo ko. Sinampal ko sya pabalik ng mas malakas pa sa inaasahan nya. Muntik pa syang matumba buti na lang nasalo sya ng mga kaibigan nya. 

Tiningnan ko ang kamay ko na pinangsampal ko sa kanya. "Oh crap, I'm infected with your b*tchness disease. Bakit hindi mo sinabi, epidemic pala iyon? Natamaan ka tuloy. Sorry." Noong sinabi ko 'yung sorry ko sa tono ng katulad ng kaartehan ng boses nya ay mas lalo pa syang nainis. Sino bang nagsabing mabait ako? Kung meron mang demonyo, ako iyon. 

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Sa nakikita kong takot sa mga mata nya, hindi ko mapigilang mapangisi. Bukod pa roon alam ko, sa pagkadiskumportable ng mga kasama nya, katulad nya, natatakot na rin sila sa akin. 

"I let you run, but you did not run. I let you change, but you did not change. Akala mo na sa sandaling pagkawala ko rito ikaw na magiging bagong reyna dito na nagagawa ang kahit anong gusto nyang gawin? Well, I hate to break it to you, but you're not. Hindi na ako ang Serene na naaapi mo noon at mas lalong hindi na ako ang Serene na nagtitimpi lang sa lahat ng ikinikilos mo. Katulad ng sinabi ko sayo noon, it's a payback time but now, I'm really serious about it. I'm not going to stop until everything you did to me will turn upside down." 

 

Mia, Mia, Mia. Hindi ako nakakalimot. Sabi ko naman sayo di ba? Babalikan kita.

Lintik lang ang walang ganti.

***

Bago pa man ako pumayag sa misyon sa Maeda Mora, madalas na ginagawa ko ay ang magmatyag. Magmula ng makita ko ang pambubully ng karamihan sa mga estudyante kay Alessa noon dito sa Princeton Academy. Hindi ko na maiwasang mabahala.

Same scenario sa Maeda Mora, bigla ko tuloy naaalala si Sofia na hinahagisan pa ng kung anu-anong mga bagay.

Ang bullying ba ay matatapos lang sa isang araw o magtatagal ito hangga't walang maglalakas loob na suwayin sila? Mula sa classrooms, hallways, corridors, sa labas ng school boundary at pati na rin sa mga soccer fields ay marami akong napapansin. Minsan pasimple, minsan naman hindi. Matagal akong nagmatyag pero hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago.

Alam ko na ang Princeton Academy ay isa sa mga kilalang na 'school of elites'. Pero paaralan man ng mga mayayaman o hindi, mali pa rin ang ginagawa ng karamihan sa kanila. Naranasan ko na ang lahat ng yan. Ang mabully at masaktan ng paulit ulit. Ngunit sa bawat sakit na maramdaman ko noon, idinadaan ko lang ito sa ngiti.

Itinatago sa bawat ngiti ang sakit na hindi ko mailabas.

Alam ko kung gaano kadilim ang mundong iyon at ayaw kong may makaranas at makadama nito ulit kahit kailan. 

Kung hindi ako gagalaw eh di sino? Dahil doon, nabuo ang desisyon sa utak ko. Bago pa man ako lumipat ng pansamatala sa Maeda Mora ay ginamit ko na ang koneksyon ko rito sa school. Ipinagbilin ko na sa kanila ang lahat ng mga dapat gawin para sa pagbabalik ko ayos na ang lahat. At ito na nga ang araw na iyon. 

Magdidial pa lang sana ako sa telepono ng bigla na lamang tumunog ito. Sinagot ko at pinagsisihan ko iyon. Halos literal na nabingi ako sa napakalakas na hiyaw ni direk Ronnie mula sa kabilang linya. Kinailangan ko pang ilayo ng may ilang sentimetro sa tenga ko ang cellphone bago ito muling ibinalik sa tenga ko. 

"Uhm.. yes direk?" 

"MS. LOPEZ! OH MY GOD! OH MY GOD! THANK YOU SO MUCH FOR MAKING MY DREAMS POSSIBLE! I OWE THIS TO YOU!!!!" 

Bahagya kong inilayo ulit ng konti ang telepono. Hindi ko mapigilang mapangiwi. 

"Ano pong ibig nyong sabihin?" 

"PUMAYAG NA SI MR. ALVAREZ SA WAKAS!!! THANK YOU FOR CONVINCING HIM FOR ME! THANK YOU! THANK YOU MS. LOPEZ!! KAHIT ANONG HILINGIN MO IBIBIGAY KO! JUST TELL ME ANYTHING, AND I'LL GIVE IT TO YOU! I WANT TO REPAY YOU KAHIT SA KONTING REGALO LANG!" 

Kailangan ba talaga akong sigawan ni direk? Sa totoo lang kasi ay medjo masakit na sa tenga. Pero... pumayag na raw si Jace? Alam ko ilang beses ko na syang pinilit tungkol sa bagay na ito for the sake of direk Ronnie pero... pumayag talaga sya at hindi man lang sinabi sa akin? 

"Kailan pa po direk?" hindi ko maiwasang masaktan ng konti. Nagdesisyon sya ng hindi man lang pinapaalam sa akin. Alam kong naglihim na rin ako sa kanya minsan tungkol sa Maeda Mora pero ibang kaso iyon. May dahilan ako kung bakit ko ginagawa iyon. Pero ayokong magconclude ng kung ano pa man, siguro may dahilan din si Jace kung bakit sya pumayag dahil alam ko ang mga tipo nya, at ang paggawa ng isang tv commercial ay hindi isa sa mga iyon.

"KANINA LANG! OH MY GOSH! I CAN'T WAIT TO START THIS PROJECT ALREADY MS. LOPEZ!" 

Matapos ng madugong usapan na iyon (madugo talaga dahil sumabog na yata ang ear drums ko.) Hinanap ko pa saglit si Jace pero hindi ko sya makita. Tinext ko sya pero hindi naman nagrereply. Nasa klase na siguro kaya hindi makasagot. Gayunpaman, hindi ko maalis sa puso ko ang makaramdam ng lungkot at tampo. 

Jace, bakit ka nga ba pumayag?

 

***

Tinawagan ko si Paige. Sya at si attorney ang pinaghandle ko rito sa school noong nawala ako. Alam nila ang plano ko tungkol sa mga bullies dito sa school. Noon pa lang ay kinausap ko na ang lahat ng teachers, staffs lalong lalo na ang principal kung suportado ba sila sa akin sa kampanyang ito. Humingi ako ng tulong at nangalap ng impormasyon mula sa kanila sa kung ano ang dapat kong gawin. Nakakatuwa na halos lahat sila ay walang pagdadalawang isip na sumang-ayon sa akin. Kaya heto ako ngayon, muling nagbabalik, isinasakatuparan ang plano ko. 

"Hi Paige!" bungad ko noong sinagot na nya ang cellphone nya. Hanggat maari ay ayokong malaman nyang malungkot ako kaya itinago ko ito katulad ng ginagawa ko noon. 

"SERENE!!" 

Wow medjo ala-direk din si Paige ah. Sa totoo lang hindi na alam ng tenga ko kung kaya pa nya ng panibagong madugong konbersasyon. Nagkwentuhan pa kami saglit dahil miss na miss ko na rin talaga sya. Tapos hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, dumiretso na ako sa rason ko kung bakit nga ba ako tumawag sa kanya. 

"Yes, don't worry Serene naayos ko na ang lahat. Ang tagal ka din naming hinintay ni attorney. Akala namin matatagalan ka pa sa bakasyon mo eh."

Bakasyon. Tama, iyan ang sinabi ko sa kanyang excuse kung bakit nga ba ako pansamantalang mawawala sa Princeton. Alam ni attorney ang mga pinaggagawa ko sa buhay kaya wala na akong kailangang ilihim sa kanya. Nakokonsensya man ng konti dahil nagsinungaling ako sa kaibigan ko, ayoko naman syang ipahamak dahil wala namang alam si Paige sa magulong mundo ng gang. 

Tulad ng request sa akin ni Niel, pumasok pa rin ako ng isang klase. Sobrang saya ni Reece sa pagbabalik ko, niyakap pa nga nya ako at kwinentuhan tungkol sa mga bagay na namiss ko noong wala ako. Habang nagsasalita sya ay hindi ko mapigilang mapatitig.

"I think there's a traitor in your gang Serene..." 

Parang ayokong maniwala sa sinasabi ni Pietr. Siguro, sa mga taong nakapaligid sa akin o ibang gang na nakakahalubilo ko. Doon, maniwala akong may traydor. Pero sa gang ko? Merong traydor? Parang ayokong maniwala.

Pero kung minalas malas ka nga naman. Nag-iisang subject na naabutan ko, Math pa! Sa totoo lang gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader. Mabuti na lang meron akong mga kaibigan na tulad nila Niel at Reece na nagpahiram sa akin ng notes noong biglang nagkaroon ng discussion at pinabasa sa akin ang isang objective ng isang equation. Grabe, nakahinga ako roon ng maluwag. 

"Announcement to all students. Please go to the school quadrangle right after the bell. Thank you." napangiti ako matapos marinig ang announcement mula sa radio club dito sa school. Mabuti na lang isang malapit na kaibigan ang presidente ng club na ito kaya walang anu't ano ay sinunod nila ang inutos ko-- walang iba kundi si Paige. 

"Anong meron? Urgh. Ano ba yan!"

"Lunch na hindi man lang tayo pakakainin? Kabanas naman!"

"Panira naman sa schedule tsk! Gusto ko ng kumain!"

"Ano kayang meron? Gutom na ako. May pagkain ka ba ja-- BABES!!" Nagsisilabasan na ang mga estudyante para sa biglaang announcement. Kaklase ko si Rico sa Math pero malayo ang upuan nya sa amin. Nagulat ako sa reaksyon ni Rico dahil bigla na lang nya akong niyakap. Para ngang ngayon lang ako nakita eh. 

Nagpaalam si Reece na mauna na. Kumaway na lang ako sa kanya. 

"Rico..." Nakayakap sya sa may paa ko na parang isang bata na ayaw mawalay sa kanyang ina. Yung bang, kahit igalaw at iwagwag ko ang paa ko hindi sya bibitaw. Sinubukan kong humakbang at literal na naisasama sya kasama ko. 

"Babes bakit ang tagal mong nawala? Na-miss kita!! Alam mo bang lagi na lang akong inaapi ng polar mo? Wala na akong savior huhu! Tapos wala na ring nagbibigay sa akin ng free food. Ginugutom nila ako rito babes alam mo ba yun? Ginugutom nila ako! Huhuhu." 

"Rico tumayo ka na dyan, marurumihan na 'yang uniform eh." Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay nya sa paa ko pero ayaw nyang bumitaw. Todo emote man nya habang nakasadlak sa sahig, ako naman sa ikalawang banda ay hindi mapigilan ang matawa dahil sa itsura nya. Si Rico nga ito, wirdo eh. Pero masaya ako na nakaget-over na sya sa 'aksidenteng-nakita-sya-ni-Leira-na-umiihi' issue na 'yan. Hindi na sya tulala sa kakaisip kung may nakita man ito o wala. 

Hindi ko namalayang pumasok rin sa kwarto si Nathan na tulad ni Rico ay nagulat noong makita ako. Pero noong makita si Rico na nakayakap sa paa ko na parang isang pulubi, binatukan nya agad ang mokong. 

"Hoy, hoy. Ano na namang kaartihan yan?" Hinila ni Nathan ang colar ni Rico sa likod na parang isang alagang tuta. Sapilitan nya itong iniayos ng tayo sa tabi nya kahit todo pa ito ng reklamo sa harap nya. Binatukan sya ulit nito. Binigyan ng masamang tingin ni Rico si Nathan. 

"Grabe pare kung makabatok ka naman o! Baka nakakalimutan mo may date pa ako mamaya. Gusto mo bang indyanin ako ng date ko dahil sa bukol na binigay mo sa akin?!" 

"Ah, ayan pa pala ang iniisip mo akalaim mo iyon? Eh paano kung si Jace o Shane ang nakahuli sayo nyan? Baka nga higit pa sa batok ang matamo mo eh! I'm doing you a favor." 

Humaba ang nguso ni Rico sabay make-face sa harap ni Nathan dahil alam nitong tama sya. Gayunpaman, agad ding humarap ulit sa akin si Rico. Inilahad nya ang isang kamay sa harap ko na parang nanlilimos. May puppy eyes sa mukha nya. 

"Babes, penge ng pagkain. Naubos na yung baon ko kanina eh."

Nakakainis na nakakaawa na nakakatawa man ang mukha ni Rico, namiss ko pa rin ang pagiging dragon sa pagkain ng lalaking ito. 

"Ako na ba ang bago mong sugar mommy Rico?" pabiro kong untag sabay tawa ng napakalakas. Alam ko ang totoong rason kung bakit ganyan kung umasta sa akin si Rico. Tumingin ako kay Nathan at nagpalitan kami ng ngisian. Sinabi sa akin ni Nathan noon na the more na wirdo si Rico sa isang tao, the more na kumportable ito sa taong iyon. Oo wirdo na talaga si Rico noon pa lang pero kapag ibang tao, medjo mababaw lang na kawirduhan iyon. Pero kapag sa amin na? Iba ang kawirduhan na pinapairal nya sa harap ng mga masasabi nyang mga tunay na kaibigan. At masaya ako na mapabilang sa kategorya na iyon. 

"Pwede rin! Bakit hindi ko na isip yun?" ang laki ng mga mata nya sa harap ko, halata ang tuwa at sabik dito. Naku, mali yata na binigyan ko sya ng ideya ah. "Teka, kapag ikaw ang mommy ko, si Jace ang daddy ko!" tuwang tuwa pa sya noong sinabi ito pero noong narealize ang ugali ni Jace sa bagay na iyon, agad din itong napawi at nauwi sa simangot ng pagkadismaya. "Kaso... sugar ka nga babes pero... bitter naman yung Jace mo. Pero bagay pa rin! Sugar mommy plus bitter daddy equals wirdo baby! Bagay na bagay!" 

"Ang sabihin mo, abomination baby. Isa kang abominasyon, abnormal." sabat ni Nathan sa tabi nya. Tumawa ako ng napakalakas. Ang epic lang kasi ng pagkasabi nya nito! Napakalutong!

Tinawanan lang sya ni Rico, wala ng epekto ang pang-aasar ng kaibigan dahil sa araw araw ng buhay nilang dalawa, ito na yata ang ginagawa nila sa isa't-isa. "Babes! Sugar babes na lang itatawag ko sayo ah! Boring na kasi ang babes eh ginagaya ako ni Nathan. Sugar mommy babes sana kaso mahaba kaya sugar babes na lang! Hahaha!" Wait, ano raw? Sugar babes? Seryoso talaga sya? Agad din syang nahinto sa pagtawa. "Pero gutom na talaga ako huhu."

"Senior year na tayo at dragon pa rin hanggang ngayon yang mga alaga mo sa tyan Rico. Seriously pare? Magpapurga ka na!" saad ni Niel na kanina pa nanood sa tabi. Todo rin ang tawa nya katulad ko kanina. Nag-apiran pa nga kami eh. Gayunpaman, sa pagkakabinyag sa akin ni Rico ng sugar babes na iyan, mas lalo pa ang tawa nya ngayon kaysa kanina.

"Pa-injection ka na Rico. Hindi naman masakit. Mahaba nga lang ang karayom na tutusok sayo." sabat ni Shane na kapapasok rin sa classroom namin. Kumaway sya sa akin noong makita ako. Speaking of Shane, kamusta na kaya sila ni Reece?

Halata ang takot sa mukha ni Rico sa narinig. Aatras na sana sya palayo kaso hinawakan sya sa magkabilang braso ni Shane at Nathan. Parehas na may nakakalokong ngisi sa mga labi nila. Lumapit si Niel sa kanila na katulad nila Nathan ay hindi rin maitago ang nakakalokong ngisi nito.

Oh I really miss this. Wala kasing ganito sa Maeda Mora. 

"Dapat hindi lang isang tusok. Dapat sampu para sigurado. Anong masasabi mo Rico?"

 

Kabadong napalunok si Rico sa sinasabi ng mga kaibigan. May naaalarmang tingin sa mata nya na pabalik balik kanila Nathan, Shane at Niel na kung makatingin sa kanya ay akala mo kakainin sya ng buhay. 

"Tapos saka natin sya idala sa dentista at ipabunot lahat ng ngipin nya ng hindi na makakain."  Walang pakundangang tumango sila Niel at Shane sa panibagong suhestyon ni Nathan.

"Tama." Lumapit si Jace sa mga kaibigan at nakisali sa pananakot kay Rico. Nagulat ako sa pagpasok nya. Hindi ko kasi aakalaing pupunta rin sya rito. Katulad ni Shane at Julian, pare-parehas silang nasa Calculus class. Nandito kaming lahat sa Pre-Cal class namin. Huminto sya sa tabi ko. "Isa isa, bunutin ng walang anesthesia." 

At ang pinaka creepy sa lahat, sabay sabay silang nag-evil laugh sa harapan ng naalarma at nangingilabot na Rico. Pero pagkatapos na pagkatapos na sabihin yun ni Jace, hindi na sya nakapagpigil at nagsisigaw na parang bata at tumakbo palayo sa amin. Kasabay na kasabay ng pagsigaw nya sa takot ay ang muling pagtunog ng bell para sabihin sa mga estudyante na ito na ang huling tawag para papuntahin sila sa quadrangle. Wala man lang gaanong nakapansin sa pagtunog ng bell na yun. 

"Ang sama nyo! Kahit anong gawin nyo hindi nyo ako mapapapunta sa dentista at mas lalong hindi nyo ako mapapa-injectionan!" takot na takot na sabi Rico. "Lalo ka na!" tinuro nya si Jace. "Bitter daddy! Bitter!" bago mabilis na tumakbo palayo sa amin.

Tinaasan ko lang ng kilay sila Nathan ng mag-apiran sila isa-isa dahil sa kalokohan na ginawa. May kalog din pala 'tong mga lalaking 'to kapag nagsama sama. Si Niel at Jace ay halata pa ring iniiwasan ang isa't-isa.

Tumaas ang isang kilay ni Jace, halatang naguguluhan sa huling sinabi ni Rico sa kanya. "Bitter daddy? What?" Pero imbes na sabihin sa kanya ang kwento tungkol doon ay tumawa na lang kaming lahat.

Tiningnan ko si Jace at nagulat ako matapos makita na nakatingin na sya sa akin. Hinila nya ang kamay ko at saka bumulong sa akin. 

"Saan ka pumunta kanina? May binalikan lang ako saglit sa locker, nawala ka na." tinutukoy nya  yung kanina noong nagpalit ako sa washroom. Kaya pala bigla syang nawala. Siguro nagkasalisi kami. Hindi pa rin nya itinatanggal ang mga labi sa tapat ng tenga ko kaya ramdam ko ang paghinga nya sa balat ko. Lumayo ako ng konti dahil ayokong makita nya ang pamumula ng mukha ko. Gusto kong bumitaw pero mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Ilang beses pa nya akong siniko ng konti na parang nagpapahiwatig na sa tahimik na paraan, gusto nyang sabihin na tumingin ako sa kanya.

Matipid akong ngumiti pero agad ko ring iniiwas ang mga mata ko. Tawa pa rin ng tawa sila Shane sa paligid pero parang hindi ko feel na tumawa ulit kasabay nila. Bumabalik kasi ang tampo na nararamdaman ko sa kanya kanina. 

"Pumayag na ako sa request mo."

Tiningnan ko sya sa mata. I'm glad he told me kahit na ba naunahan na sya ni direk Ronnie. Pero hindi ko pa rin maiwasang magtampo ng konti. Gayunpaman itinago ko na lang iyon sa mga ngiti sabay biro.

"Good. Hindi na rin ako sa wakas kukulitin ni direk Ronnie tungkol sa bagay na iyon." Tumawa ako ng pero ni hindi man lang nagbago ang reaksyon nya. Marahil nararamdaman nya na ang tawa na iyon ay walang laman. Pinisil ko na lang ang ilong nya. Ayoko talaga kapag tinititigan nya ako tulad ng ginagawa nya ngayon. Kahit yata anong gawin ko, hindi ako masasanay. I feel like he cannot only see me, but also, through me. 

"Sige guys kitakits na lang mamaya sa quadrangle!" Paalam ko sa kanilang lahat. Tumingin ako sa suot na relo. Kailangan ko ng magmadali para pumunta sa quadrangle dahil may aayusin pa ako. 

(A/N: School Quadrangle ang tawag sa parte ng school kung saan nagtitipon tipon ang mga estudyante kapag may importanteng event, flag ceremony, etc.)

"Serene hindi ka sasabay sa amin?" takang tanong ni Niel. Silang apat ay naghihintay sa ibibigay kong sagot. 

"Hahabulin ko si Rico dahil pinagkaisahan nyo eh." pabiro kong sagot na agad ko namang binawi. "Joke lang! Basta! Kita na lang tayo roon!"

"Sama na ako." habol sa akin ni Jace pero umiling ako. Isang halik sa pisngi ang ibinigay ko sa kanya. Kumindat pa ako sa iba ko pang kaibigan bago nagmadaling tumakbo papunta sa pupuntahan ko. 

 ***

"Serene!" kaway sa akin ni Paige pagkakita sa akin.

May ipinakita sya sa akin na papel para sabihin na naayos na raw nya lahat ng inutos ko sa kanya. Nag-apiran kami bago nagyakapan dahil sa tuwa. Bumulong ako ng pasasalamat sa tenga nya bago kami naghiwalay. Miss na miss ko na rin sya, silang dalawa ni Lexie na matagal ko ng hindi nakikita. Nagtetext-an pa rin naman kahit papaano. Kung si Paige ang naging presidente ng radio club, si Lexie naman sa ikalawang banda ay naging head ng student council. Masyado kasing achiever ang dalawa tulad na lang noong una ko silang makita. Malimit ko na tuloy silang makasama dahil sa kabusy-han namin sa mga ginagawa namin. Nagtetext-san pa rin naman kami. Pero madalas, hanggang doon na lang.

 Sa gilid ay ang mga teachers, ngumiti sila sa akin nang makita ako. 

Hindi ko talaga magagawa ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kanila.

Wala pang ilang minuto ay nagsidatingan na ang mga estudyante sa school quadrangle. Walang upuan at lahat sila ay nakatayo. Nakatayo ako sa may stage at pinapanood ang parami na ng parami na mga estudyante. Sa may bandang harap ay sila Jace, Niel, Nathan at Shane. Sumunod din na pumasok sila Julian kasama si Reece, Nyree at Kelly pati si Leira na tumabi kanila Jace. Kunot noo nila akong tinitingnan kung bakit ako nakatayo sa kinatatayuan ko. Nag-peace sign ako sa kanila at sinabing ipapaliwanag ko na lang sa kanila mamaya. Wala kasi akong pinagsabihin tungkol sa bagay na ito bukod sa mga teachers, staffs, kay principal at Paige. Gusto ko kasi sikreto muna dahil isa itong top secret mission (para sa akin oo haha. Pero sa totoo joke lang iyon. Sinabi ko na rin ito noon kay Jace, Julian, Reece at Niel, noong plinaplano ko pa lang ito. Yun nga lang hindi ko sigurado kung naaalala pa nila ito dahil matagal na rin.

Iniabot sa akin ni Paige ang mic bago nagthumbs at kumindat. Ibinalik ko rin ang ngiti sa kanya.. 

"Magandang hapon sa inyong lahat." sabi ko pagkaharap na pagkaharap sa mga estudyante na naghihintay sa kung anong meron dito at kailangan pa silang tawagin lahat para magtipon. 

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa kung bakit namin kayo pinatawag dito." huminto ako sandali at tiningnan ang buong paligid. "Ang pagtitipon na 'to ay para ikampanya sa Princeton Academy... ang Pro-Bullying Campaign."

Napakaraming bulong bulong sa paligid pati na rin ang mga ilang pigil na tawa lalo na sa lugar kung nasaan sila Mia. Buti na lang meron ang mga teachers para patahimikin sila.

"Starting from this day, Princeton Academy will no longer tolerate bullies in this school. Ang lalabag sa batas at ang sino mang mahuhuling nambubully ay may kakaharaping kaparusahan. First offense will be will be posted in our special bulletin called 'Wall of Shame'."

May lumabas na mga estudyante sa may gilid ng stage na may hila hila na bulletin para ipakita sa kanila ang sinasabi ko. 

"Hindi lang yun. May iba pang special embarassing surprises para sa mga nahatulan ng first offense kaya wag kayong kampante." ngisi ko sa mga estudyante na hindi sineseryoso ang babala ko. Ako ba ang hinahamon nila? Hindi yata nila ako kilala.

Nagpatuloy pa ako hanggang sa makarating kami sa third offense.

"Third and final offense," humakbang ako sa kabilang gilid ng stage para makita ang mga estudyante na alam ko na noon pa lang ay may galit na sa akin. Sila ang kadalasang number one bullies dito sa school

"Total expulsion in Princeton Academy."

Marami ang napasingap at marami ang nagulat. Total expulsion in Princeton Academy which is known with its reputation is nothing but an embarrassment. Hindi lang sa pamilya kundi sa lahat ng nakakakilala sa kanila. Sa oras na magkaroon ka ng pangit na record lalo na sa ganitong uri ng paaralan, mahihirapan ang estudyante na makapasok sa kahit anong kilalang school. Katakot lang ng mga maarte na mapunta sa public school. 

May nagtaas ng kamay sa mga estudyante at nagsalita. 

"Expulsion agad? Hindi ba pwedeng suspended muna?" Ang nakakainis, nakuha pa nitong tumawa at saka nakipag-apiran sa mga kasamang kaibigan.

"Para sa akin masyadong magaan ang suspended lalo na sa mga katulad mo." binigyan ko sya ng tingin "Sa tingin mo sa kasalanan at pambubully na ginawa mo, suspend lang ang katapat nun? Ano yun? Sa ilang araw o linggo na suspension mo, magpapakasarap ka lang sa bahay dahil wala kang pasok at pagkatapos ay babalik ka sa school ng walang pagbabago. Aba ang swerte mo naman. Siguro sa ibang school yun ang patakaran pero sa school na 'to... ako ang batas."

"Ang yabang naman, porket sila lang ang may-ari."

"Psh. As if maniwala ako. Puro lang naman yan salita."

"Estudyante lang sya na tulad natin, anong magagawa nya? Kalokohan."

"Hindi naman totoo yan. Batas ngayon pero sa susunod makakalimutan na"

"Sinong tinakot nya. Psh."

Halos bigyan nila Jace ng masasamang tingin ang mga estudyante na nagbubulong bulungan. Akala mo mga bubuyog na walang ibang magawa kundi magreklamo. Tama nga ako, ang batas na 'to ay hindi magiging ganun kadali lalo na sa mga taong katulad nila na puro negatibo ang nasa utak. Muli silang pinatahimik ng mga guro sa paligid. 

"Kung ayaw nyong maniwala at kung ayaw nyong sumunod sa kahit anong batas na iuukol sa paaralang ito, bukas ang pinto, pwede kayong umalis kahit kailan nyo gusto. Hindi namin kayo kailangan dito at mas lalong hindi kailangan ng Princeton Academy ang mga taong katulad ninyo." 

Harsh na kung harsh. Pero sa mga ganitong kaimportante na bagay wala akong pakialam. Wala na ulit nagsalita pero makikita mo sa tingin ng mga ibang estudyante sa disgusto sa bagong batas lalo na ang magiging kaparusahan. Wala halos ang naniniwala na maari kong gawin at isakatuparan ang sinabi ko. Pwes, tingnan natin. 

"Para patunayan sa inyo na totoo at seryoso ako sa mga sinasabi ko, I will show you a very nice example." inihinto ko ang tingin sa grupo nila Mia. Lahat ng mga estudyante tumingin sa mga taong itinuturo ko. 

"Mia Diaz," at isa isa ko pang binanggit ang pangalan ng mga kasama nya noong isang araw. "You are now all expelled from Princeton Academy effectively... today.

Kumawala ang napakalaking ngisi sa bibig ko dahil na rin sa gulat na gulat nilang reaksyon. Kung ganito lang pala kadali na paalisin ang mga babaeng may gusto kay Jace, eh di ang saya. Mai-expel nga silang lahat ng matapos ang problema ko. Hahaha! Pero biro lang. Mabait na nga ako sa lagay na 'to eh dahil hindi sila dumaan sa first and second offense, kundi biglang talon agad sila sa third offense. Ang swerte nila. 

"What?! You can't do that!" naaalarmang sigaw ni Mia.

"Oh I just did." I looked at her with a smug smile on my face. Akala ba nya hindi ko na naalala? Akala ba nya porket busy ako sa mga nagdaang mga araw makakalimutan ko na? She did not really knew me at all. "Sa katunayan nga eh," lumabas si principal attorney Reyes sa may gilid ng stage at lumapit sa akin. Dala dala na nya ang nirequest kong papers para sa expulsion nila Mia. Ang kailangan lang nilang gawin ay kunin ito at pagkatapos,

Bye bye Princeton Academy! Ganun lang kadali.

"Nakahanda na rin ang mga papeles nyo para sa pag-alis sa school na 'to."

Ginagawa ko 'to hindi lang para sa akin, kundi sa lahat ng mga estudyante na nabully na nila sa school na 'to sa tagal ng panahon. 

Susugurin na sana ako ni Mia dahil sa galit pero napigilan sya ng iba naming school mates. 

"You can't do this to me! Wala akong ginagawang masama! Senador ang papa ko rito sa Pilipinas at ipapademanda kita!" 

Tinapatan ko ng tingin ang nagliliyab na mangiyak ngiyak na mata nya sa akin. "Wala akong pakialam." ang walang emosyon na sagot ko sa pananakot nya. Muli akong humarap sa ibang estudyante at matama silang tiningnan. 

"Ito ang tandaan nyo. Wala akong pakialam kahit ano pa ang estado ng buhay nyo. Anak man kayo ng senador, kapatid ng artista o kahit apo pa ng presidente ng Pilipinas. Ang lumabag sa batas ay paparusahan. Sa school na 'to walang mayaman, walang mahirap. Lahat tayo pantay pantay."

"And as of you," muling baling ng tingin ko kay Mia "stop being hypocrite. I've been tolerating your imprudent behavior for a very long time ago since you first beaten me when we are in ninth grade. And now you're telling me, you're not doing anything?" at dahil doon natahimik sya.

Mabilis na tumingin ang mga kaibigan ko sa kanya lalong lalo na si Julian, Niel at Jace na ngayon lang 'to nalaman. Bago lang ako rito noon at ako ang madalas nyang pinagtritripan. Pero salamat sa kanya dahil kundi dahil doon, hindi ko makikilala sila Lexie at Paige. 

Muling umarangkada ang bulong bulungan at usapan sa paligid. Sa sobrang ingay kahit mga teachers ay hindi sila mapigilang patahimikin.

"At kayo, kayo, kayo!" turo ko sa mga kasama ni Mia at pati na rin sa mga kilala ko rito sa school na walang ibang magawa sa buhay kundi pagkaisahan ang mas nakaliliit sa kanila "Masaya ba kayo na laging may napapaiyak? Masaya ba kayo na laging may nasasaktan?"

Biglang natahimik ang maingay na paligid noong magsimulang tumaas ang tono ng boses ko. Nakita ko si Alessa at ang mga iba pang nabiktima nila sa tabi na naluluha luha na ng konti. Sa pagkakakita sa kanila, mas lalo akong tumapang. Mas nanaig sa dibdib ko na tama nga ang ginagawa ko.

"Freak, loser, b*tch, slut, tabachoy, nerd, loner, pangit... paano kung bumaliktad ang mundo at sa inyo naitawag yan? Anong mararamdaman nyo? Sa tuwing may tinawag ba kayong pangit dahil kakaiba sya sa paningin nyo, dahil mataba sya, maraming pimples sa mukha o kaya may depekto sa panlabas nyang anyo, gumanda ba kayo? Sa tuwing may nilalait kayong scholar at nerd na syang nagsusumikap mag-aral sa school na 'to para sa pamilya nila, tumalino ba kayo? Tumaas ba ang grades nyo? Sumaya ba kayo?" 

"Wala kayong alam dahil sarili nyo lang iniisip nyo. Hindi nyo alam na ang tinatawag nyong mataba ay ginugutom nya ang sarili nya para lang maging tama sa paningin nyo. Hindi nyo alam na ang tinatawag nyong lubak lubak ang mukha ay araw araw nyang iniiyakan ang sarili sa harapan ng salamin. Hindi nyo alam na ang tinatawag nyong malandi ay maraming pinagdadaanan sa buhay na hindi nyo na gugustuhing malaman pa. Hindi nyo alam na yung taong inaapi api nyo at tinatawag na loner o loser ay may broken family, binubugbog sa bahay o di naman kaya may mahal sa buhay na may sakit at nasa bingit na ng kamatayan. Hindi nyo alam dahil wala kayong alam. Salamat sa inyo dahil mas lalo pang naging miserable ang buhay nila." 

"Alam ko na lahat sa atin ay may pinagdadaanan, pero mali na isisi at ibunton natin sa iba ang galit na hindi natin mailabas. Miserable ka na nga, nandamay ka pa, eh di miserable ang buong mundo. Walang mangyayari kung patuloy tayong magiging ganito. Nasa senior year na ang karamihan sa atin at kailangan na natin ng pagbabago."

Sa wakas, natapos na rin ang bagay na matagal ko na sanang natapos. And it's official. It's the same campaign that I'm going to do in Maeda Mora effectively as soon as I get back. 

♥♥♥

Author's Note: 

A very long update for everyone! Don't I deserve a very long review/comment too? *puppy eyes*

 

Dedicated kay Klaudine!! Hello dear! Pasenya na napagtripan ka namin noong isang araw sa group! LOL! Heto nasagot na ang quest mo, "Sino nga ba si Ms. Otor?' Hello! Ako yun! Si 'Akodawsi Jade" ^O^)/ LOL! Ang tagal nating nagchat at nakakatuwa na hindi mo alam na ako na pala kausap mo! xD Thankies din sa ibang Listeners na nakisali sa kalokohan ko, REALLY APPRECIATED!! *hugs* 

Sa next update malalaman nio na ang sagot ni Serene kay Pietr! Is it a yes, or a no? Anong masasabi nyo kay Mia? Ayos ba ang payback ni Serene? *evil laugh* Bakit kaya pumayag si Jace kay direk Ronnie? Sa pagbabalik ni Serene sa Maeda Mora, maayos nya kaya iyon o hindi? Dalawang chapters sana ito pero inisahan ko na. Ayoko na kayong bitinin eh :) 

Too many questions too watch out in the next chapters coming!! Stay tuned Listeners! Mwuah! ^3^)/ 

P.S. Dumarami na tayo!! Partey-partey!! ~(^O^)~ 

OLE~!

-wistfulpromise

Continue Reading

You'll Also Like

7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
1.6M 62.8K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
23.4M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
141K 2.9K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...