Split Again

By JellOfAllTrades

1.5M 42K 9.4K

Graduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nas... More

Split Again (GirlXGirl)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
From the Author

Chapter 23

22.5K 816 199
By JellOfAllTrades

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 23

"Para kang tanga, Gene. Magpapasalamat ka lang eh!"

Tiningnan ko ulit yung mga coloring materials na binigay sa akin ni Hail kanina.

"Eh, nahihiya ako..."

"Kaya ka iniiwan eh. Sobrang mahiyain mo tapos kapag ikaw na yung nilalapitan, sinusungitan mo naman."

Nasaktan ako sa sinabi niyang iniiwan.

"Grabe ka naman sakin..."

"Pinaprangka lang kita." Tumawa si Rhea sa kabilang linya. "Pero seryoso, sa una lang yan masakit, Gene. Makakamove on ka din kay Raegan."

"Alam ko naman yun eh..."

"Basta tawagan mo siya o itext mo para makapagpasalamat ka ng maayos."

"Fine."

"Good girl. Sige na, magaayos na ako!"

"Okay, sige. Salamat, Rhea."

"Wala yun. Good night, Gene!"

"Good night."

Tinapos ko na yung call at muling tiningnan ang calling card na binigay sa akin ni Hail noong nakaraang linggo.

Pinagisipan ko kung itetext ko ba siya o tatawagan. Kung tatawagan ko kasi siya, parang nakakahiya. Kung itetext ko naman siya, parang di ako ganoon kagrateful sa binigay niya.

"Text na nga lang. Bahala na kung anong isipin niya."

To +63915*******

Thank you for the coloring materials. -Gene

Tinitigan ko muna yung text, sinisiguradong walang typo at nang okay na ay nakapikit kong pinindot yung send.

Okay na. Na-send ko na. Bahala na kung magreply siya o hindi.

Naghintay ako ng mga tatlong minuto pero wala pa rin siyang reply kaya ibinaba ko na yung phone ko at dumirecho sa CR. Napagod din naman ako sa mahabang lakaran at kulitan namin kanina nila Rhea, Jenna at Chloe.

Pagkatapos ko maligo ay napansin kong may tumatawag sa phone ko. Pag tingin ko ay unknown number. Pero dahil sa kaba ko kanina na itext siya at ang ilang minutong pagtitig ko sa calling card niya ay pamilyar na sa akin ang number ni Hail.

Kahit nahihiya ako ay pinilit ko na lang din ang sarili ko na iaccept yung call. Call lang naman, it's not like nakikita niya ako. 

"Hello?"

"Genesis?"

"Yes?"

"Did you like the stuff I gave you?"

"Sobra. Thank you, kahit di mo naman ako kailangan bigyan nito."

"Sabi kasi ng friend mo stress reliever yung pagcocolor. I just wanted to help you de-stress kahit onti lang."

"Thank you."

"Hey, Genesis. I'm free tomorrow. D'you want to hang out?"

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Di pa rin kasi ako sigurado kung kakaibiganin ko siya knowing na miyembro siya ng Familia Olympia nila Raegan.

"Genesis?" Tanong ni Hail sa katahimikan ko.

"I'm sorry, Hail."

"May gagawin ka bukas?"

"Magsisimba kasi kami ni Mama."

"Can I tag along, then?"

Napakamot ako ng ulo. "Ano...Kasi...Ewan."

Natawa si Hail sa kabilang linya. "Please?"

"Bakit ba ang kulit kulit mo?"

"It's just the way I am."

"Okay." Napatingin ako kay Captain Barry. "Sige na, Hail. Babye na."

"Teka lang! You haven't told me kung pwede ako maghang out with you?"

"Ikaw bahala."

"I'll take that as a yes!" Sagot ni Hail. "Pwede malaman kung saan kayo nagsisimba? Saka anong oras?"

Napabuntong hininga ako. Bahala na nga.

"St. Anne, sa may Sta. Ana, Taguig. 10AM kami nagsisimba."

"Okay! Sta. Ana, Taguig, 10AM! I'll see you there tomorrow, Genesis."

"Gene na lang."

"Ayoko ng Gene. Mas maganda yung Genesis."

Naalala ko na naman si Raegan at yung pagpipilit niya na tawagin akong Genesis noong una kaming nagkakilala.

"Fine. Ikaw bahala."

"Sige na. Good night, Genesis!"

"Good night, Dr. Hailey."

Tinapos ko na yung tawag at napaupo na lang sa gilid ng kama ko. Pakiramdam ko na-drain ako ngayong araw.

Ano kayang ginagawa ni Raegan ngayon?

Inabot ko si Captain Barry at niyakap ng mahigpit.

"Captain, naiisip din kaya ako ni Raegan?" Tanong ko dun sa teddy bear.

Naiiyak na naman ako sa sakit na nararamdaman ko.

Bakit ba kailangang mangyari yung nangyari? Bakit kailangan kong makita yung nakita ko?

Raegan...

Sky ko...

I miss you...

I love you...

===============================

"Ay, Ma. May kakilala pala akong sasabay sa atin mamaya sa pagsisimba."

"Sila Rhea ba?" Tanong ni mama.

"Ahh, hindi po." Iling ko. "Doctor po siya. Last week ko lang nakilala nung nagpunta akong Market-Market mag isa."

"Doctor?" Napatingin sa akin si Mama, nagtataka. "Pano mo ulit nakilala?"

Napabuntong hininga ako, naaalala yung unang pagkikita namin ni Hail.

"Nakatabi ko po siya sa table sa Starbucks." Kwento ko. "Napakwento ng onti tapos ayun, binigyan niya ako ng calling card niya. Nagkita ulit kami kahapon sa may Fully Booked tapos binigyan niya ako ng coloring materials para sa binili kong adult coloring book."

"Parang first time ka nagkwento sa akin na may nakilala kang di mo kaklase o kasamahan sa trabaho."

Napangiti ako. "Oo nga po, kahit ako nabigla na nagkausap kami ni Hail."

"Friendly siguro siya?"

"Mejo po. Pero kasalanan ko din kung bakit niya ako kinausap."

"Bakit, anong ginawa mo?"

"Napatitig po kasi ako sa kanya."

Natawa si Mama sa akin. "Bakit ka tumitig sa kanya? Ano bang itsura niya?"

"Basta po. Sobrang kakaiba kasi siya. Makikita niyo naman siya mamaya, wag niyo na po ako tanungin. Surprise na lang."

"Eh di okay. Tara na."

Umalis na kami ni Mama at nagtungo sa simbahan.

Pagkababa namin ng tricycle sa may tapat ng simbahan ay kapansin pansin ang isang itim na Range Rover sa may parking space sa ilalim ng acacia. Nakasandal dito ay isang babae na may kulay platinum blonde na buhok at may kausap sa cellphone.

Naka-shades siya pero hindi ko makakalimutan ang kulay ng buhok niya, ang undercut niya, ang mga piercings niya at ang height niya na nagpapaalala sa akin kay Raegan.

"Ma, ayun si Dr. Hail." Nagsimula na akong maglakad papunta kay Hail nang maramdaman kong nagvivibrate ang cellphone ko sa bulsa ko.

Napatigil ako at tiningnan yung caller ID. Unknown number. Hindi ko sure kung importante yung tawag kaya tinanggap ko na lang ito.

"Hello?"

"Genesis?"

Nakilala ko yung boses ni Hail at napangiti. Ako pala yung tinatawagan niya.

"Tingin ka sa kaliwa mo."

Lumingon si Hail sa kaliwa niya at napangiti. Ibinaba niya na yung tawag at nilapitan kami.

"Genesis," matamis na ngiti niya sa amin at tinanggal ang shades niya.

Napatingin ako kay Mama na halatang natameme sa kakaibang kulay ng mga mata ni Hail.

"Ma, si Dr. Hailey Caldwell nga po pala. Hail, ang mama ko, si Dra. Isabel Beltran."

"Ahh, alam ko na ngayon kung saan nagmana ng kagandahan tong si Genesis." Ngiti ni Hail kay Mama. "Nice to meet you, Dr. Beltran."

"And you, Dr. Caldwell." Tinanggap ni Mama ang handshake ni Hail.

"Please, call me Hail."

"Dr. Hail,"

"Tara na sa loob?" Aya ko sa kanila.

"Tara,"

Sa paglalakad namin papasok ng simbahan ay di ko maiwasang mapansin ang mga pasimpleng pagtingin at paglingon ng mga tao sa amin.

Nasanay na ako dati sa mga tingin ng tao, pero dahil yun kay Raegan na palagi kong kasama. Ngayon kasi ay iba na ang kasama ko at naninibago ako.

At sa di malamang dahilan ay napepressure din ako dahil parehong doctor ang kasama ko.

Nakahanap na kami ng pwesto at naupo na. Nasa kaliwa ko si Mama at si Hail sa kanan ko.

"Dito kayo palagi nagsisimba?" Pabulong na tanong ni Hail.

"Simula noong bata pa ako."

"So, dito talaga kayo sa Taguig simula pagkabata mo?"

"Oo," tango ko, "wala naman kasi kaming probinsya. Kahit sila mama ay dito na lumaki."

"I see."

"Saka yung school na katabi nito, diyan ako nagaral ng elementary at high school."

Napatingin si Hail sa kaliwa kung saan tanaw mula sa bintana ang isang building ng school. "Talaga?"

"Yep. Ikaw, saan ka ba nag-high school?"

"Ahh, eh. Sa London ako nag-high school." Kwento ni Hail. "Saka lang kami umuwi dito sa Pilipinas dahil sa business saka para mas madali yung college ko."

"Bakit?"

"Accelerated kasi ako. I finished high school at a young age and proceeded to La Salle for my college education at thirteen years old."

Nanlaki ang mga mata ko. "Lasallian ka din?"

"Bakit? Lasallian ka din?" Napangiti si Hail sa pagkagulat ko.

Umiling ako. "Ahh, hindi. Yung isa ko kasing kakilala, taga-La Salle siya."

Napalunok ako nang maalala si Raegan. Pareho sila ni Hail na accelerated. Pero mas maagang nag-college si Hail kaysa kay Raegan. Si Raegan kasi ay isang taon lang naunang matapos ng high school.

"Ahh, anong college niya?"

"Engineering. Electronics and Communications." Mahina kong sagot.

"Human Biology kasi ako." Ngiti ni Hail.

"Saan ka nagmed school?"

"Nag-aral ako saglit sa may DLSHSI sa may Dasmarinas pero nagtransfer din ako sa Harvard Medical school."

Napatingin ako kay Hail. "Sa Harvard ka nagtapos ng medicine?"

"Yep. Nabigyan ako ng opportunity eh. Di ko na pinalagpas."

Bago pa ako makapagtanong pa ay nagsimula na ang mass at natahimik na lang kami.

Pero imbis na makinig ako sa pari at magparticipate sa mass ay di ko maiwasang isipin si Raegan.

Kung si Hail ay nabigyan ng opportunity mag-aral abroad, si Raegan din kaya ay naofferan ng ganoong pagkakataon? Bakit siya nagiistay dito sa Pilipinas kung pwede naman siyang mag-aral sa ibang bansa? Sigurado ako na sa talino niya ay madali lang sa kanya ang magpakadalubhasa sa Amerika kung saan siya pinanganak o sa kung saan mang bansa niya gugustuhin.

Nagulat na lang ako nang hawakan ni Hail ang kamay ko at iniangat iyon. Napatingin ako sa kanya na mahinang kumakanta ng Ama Namin.

Mejo nahihiya man ay hinawakan ko na lang din ang kamay ni Mama at sumabay na sa pagkanta.

Bakit ba si Raegan na naman ang iniisip ko? Eh panigurado namang hindi niya ako iniisip. Andun na si Katarina para pasiyahin siya. Wala na akong papel sa buhay niya. Parte na lang ako ng nakaraan niya.

Hindi na rin nagtagal ay natapos na ang misa pero hindi kami nakisabay sa pagdagsa ng tao palabas. Naghintay na lang muna kami sa upuan namin.

 "Do you want to go out for lunch?" Aya ni Hail sa amin ni Mama. 

Tiningnan ako ni Mama. "Actually, may lalakarin pa ako mag-isa. Bakit hindi na lang kayong dalawa ang maglunch?"

"Sabi mo wala kang--" Di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi palihim akong kinurot ni Mama sa tagiliran.

"Nalimutan mo na? Pupuntahan ko si tito Ramir mo." Palusot ni Mama. "Kayo na lang ni Dr. Hail ang mag-lunch."

"Pero, Ma--"

"Sige na, babye na. Ingat kayo ah?"

Matapos magpaalam ay umalis na din agad si Mama at naiwan kami ni Hail sa kinauupuan namin.

Bakit ba palagi na lang ako iniiwan ni Mama sa kung sino? Noon ay itinulak niya din akong samahan si Raegan.

"Tara?" Aya ni Hail. "Saan mo gusto kumain?"

"Kahit saan na lang. Ikaw na bahala."

"Hindi ko rin sure kung anong gusto kong kainin eh." Naglakad na kami papalabas ng simbahan at papunta sa kotse niya. "Nagccrave ka ba for something?"

"Hindi ako nagccrave ngayon eh." Sagot ko. "Pero parang gusto ko mag-try ng bago."

"Bago..." Napaisip si Hail.

Pagdating namin sa Range Rover niya ay pinagbuksan niya ako ng pintuan, katulad ng palaging ginagawa ni Raegan sa akin noon. Pagkatapos masiguradong okay na ako ay pumwesto na din siya sa driver's seat.

"Pasensya ka na kung mejo magulo tong kotse ko ah?" Sabi ni Hail habang nakatingin sa likod.

"Hindi naman magulo ah?" Sabi ko pero napatingin din ako sa backseat at doon ay nakita ko yung gulo na sinasabi niya. "Oh..."

May mga damit siyang halatang nagamit na at sa tabi nito ay mga libro at papel niya sa trabaho.

"Minsan kasi pag on call ako halos di na ako makauwi sa bahay ko."

"Saan ka ba nakatira?"

"Sa Manila. Pero may bahay din ako sa may Alabang. Sa may Portofino."

Tumango na lang ako, hindi familiar sa Portofino.

"Naka-try ka na ba ng Korean barbecue?" Tanong ni Hail.

"Hindi pa." Sagot ko.

"Gusto mo subukan?"

"Sige."

"Awesome. BGC tayo! Meron dun."

"Okay,"

Tahimik lang kami habang nagmamaneho si Hail. Nang mapadaan kami sa intersection na papunta sa mansyon ni Raegan ay hindi ko mapigilang mapapikit.

She's so near and yet, she's already too far for me to reach.

"Genesis? Okay ka lang ba?"

Napatingin ako kay Hail at nakita ang nag-aalala niyang mukha.

"I'm fine."

Itinabi ni Hail yung kotse.

"Uy, I'm okay. Bakit ka tumigil?"

Malungkot ang ngiting ibinigay sa akin ni Hail.

"It's okay not to be okay, Genesis." At pinunasan niya ang mga luhang hindi ko napansing tumutulo na pala.

Dahil sa sinabi niya ay lalo akong naiyak. She reminds me so much of Raegan. Yung talino niya, yung bait niya, yung accented English niya at yung height niya.

"Nakakainis ka naman, Hail eh!" Hinampas ko siya sa braso.

"Oy, anong ginawa ko?"

"Bakit ba sobrang pareho kayo?"

"Anong sobrang pareho? Sino tinutukoy mo?"

"Si Raegan..."

"Raegan?" Takang tanong ni Hail. "Sino yun?"

"Yung ex ko..."

Halata namang naliwanagan si Hail sa sinabi ko. "Kaya ba stressed out ka? This Raegan guy broke up with you?"

Natawa ako.

"What, did I say something wrong?"

"Babae si Raegan." Tawa ko. "And ako yung nakipagbreak sa kanya."

"Eh?"

"I caught her cheating with her ex who happens to be my boss."

"Whaaaaaaat?" Mahabang sabi niya. "No wonder you're stressed out."

Pinunasan ko na yung luha ko at pinilit ngumiti kay Hail. "Tara na, nagugutom na din ako."

"Sure ka ah? Baka umiyak ka na naman. Igigilid ko talaga tong kotse."

"Sabi mo it's okay not to be okay?"

"Oo nga, pero ang hirap kasi pumunta sa isang public place tapos umiiyak yung kasama mo. Baka isipin pa ng mga tao pinaiyak kita."

Natawa ako kay Hail. "Pag naiyak talaga ako mamaya, ikaw sisisihin ko."

"You're mental." Nakangiting napailing na lang siya habang pinapaandar ulit ang kotse.

Sinubukan kong magisip ng magandang comeback pero wala akong naisip. Si Raegan at Alexa kasi yung magaling sumagot sa mga ganyan.

Raegan na naman...

"Is it okay if I ask you about her?" Tanong ni Hail habang lumiliko papasok ng C5.

"Anong itatanong mo?"

"Umm, just the basic stuff. I'm curious eh."

"Fine."

"Sure ka di ka iiyak sa mga tanong ko ah?"

"If you don't ask anything too personal, di ako iiyak." Sagot ko. "So choose your questions wisely."

"Understood."

Saglit na natahimik si Hail habang nagiisip ng itatanong sa akin. Ako naman ay inihanda ang sarili sa mga posible niyang itanong.

"First off, anong sexuality mo?"

Napaisip ako. Straight ang orientation ko dati at si Raegan pa lang talaga ang nagiisang babaeng nagugustuhan ko, so straight pa rin ba ako, bisexual o lesbian?

"Ewan ko."

"Bakit ewan mo?"

"Si Raegan pa lang kasi ang nagiisang babaeng nagugustuhan ko. And before her, I considered myself as straight."

"Okay, no worries there. You can label yourself as anything you want, whenever you want." Sabi ni Hail. "No hurry."

"Teka, bakit ikaw lang magtatanong? Dapat ako din!"

"Okay. I guess that's just fair." Sagot ni Hail. "Ano bang tanong mo?"

"Ikaw ba, straight ka?"

Napangiti si Hail. "Do I look like I'm straight?"

"So, hindi ka straight?" Tanong ko.

Simula kasi noong una ko siyang nakita ay alam ko nang hindi siya straight. Pero hindi rin naman ako makasigurado dahil wala siyang naikukwento tungkol sa sarili niya.

"I'm lesbian, Genesis." Sagot ni Hail. "I figured it out when I was fourteen."

"Bakit ang aga niyong nalalaman na di kayo straight?" Takang tanong ko, naaalala na thirteen lang si Raegan noong umamin siya sa pamilya at kaibigan niya na bisexual siya.

"I dunno. It's different for everyone."

Nakarating na kami ng Bonifacio High Street at nagpark na din si Hail malapit sa sinasabi niyang kakainan namin.

"Teka lang," sabi niya at nagmadaling bumaba.

Pinanuod ko si Hail na magmadali sa side ko at pagbuksan ako ng pinto. Once again ay naalala ko si Raegan sa ginawa niya.

"Thank you,"

Binigyan lang ako ni Hail ng isang matamis na ngiti at sabay na kaming naglakad papasok sa Sariwon Korean Barbecue.

"What do you want?" Tanong ni Hail nang maupo na kami.

"Surprise me?"

Nginisian ako ni Hail. "As you wish."

Si Hail na ang nag-order habang tinitingnan ko ang paligid. Halos puno rin ang lugar dahil lunch time na at napansin ko na karamihan ng mga andito ay mga pami-pamilya. Siguro kagagaling lang din nila ng simbahan katulad namin, after all, Sunday is family day.

"So, Genesis, while we're waiting for our order, pwede ba akong magtanong na ulit tungkol sa kanya?"

"Oo,"

"Wag ka iiyak dito ah?" Sabi ni Hail. "Pag di mo kayang sagutin, just say so."

"Okay."

"Is Raegan your first girlfriend?"

"Yes."

"Nagka-boyfriend ka na ba before her?"

Umiling ako. "Nope."

Napaisip si Hail. "Pano kayo nagkakilala?"

"Pasyente siya dati ni Mama. She was diagnosed with clinical depression after losing her family." Kwento ko. "Nagpapart time ako noon sa clinic namin kasi naka-leave yung receptionist ni Mama. I met her there."

"Interesting..." Napahalumbaba si Hail habang nagiisip.

Gusto ko mapangiti. Kung alam lang niya na hindi lang depression ang sakit ni Raegan, baka hindi lang interesting ang magamit niyang word for Raegan.

"Gano kaya katagal?"

"Almost six months." Sagot ko. "Pero matagal din siya nanligaw sakin."

"Bakit matagal?" Tanong ni Hail. "Pinahirapan mo?"

Umiling ako, natatawa. "Hindi naman. Grabe, ano ba tingin mo sakin?"

"Ewan ko," kibit balikat niya, "ano na?"

"Madami kasing responsibilities si Raegan. Di ko gustong makadagdag sa mga iniisip niya noon kaya pinopostpone ko dati yung pagsagot ko sa kanya."

Naalala ko si Rae at Gan. Yung sakit kasi ni Raegan na Dissociative Identity Disorder ang main reason kung bakit di ko siya sinagot agad noon. Ang usapan namin ay magiging kami lang pag gumaling na siya. Pero sa mga hindi nakakaalam ng sakit ni Raegan ay yung responsibilities niya ang ginagamit kong rason.

"Anong responsibilities?"

"Maagang naulila si Raegan ng pamilya niya kaya sa kanya napunta yung responsibility na hawakan yung family business nila. Tapos nagaaral pa siya ng engineering at naglalaro para sa tennis team ng La Salle. Napaka-busy niya palagi."

"Oh, so siya yung sinasabi mong Lasallian friend mo?"

"Yes."

Napaisip saglit si Hail. "La Salle tennis team..."

"Bakit?"

"I think I know someone named Raegan who also happens to be a tennis player. Pero hindi ako sure, ano bang last name niya?"

Napabuntong hininga ako. Inaasahan ko na 'to. Kung miyembro si Hail ng Familia Olympia ay malaki ang tiyansang kilala niya si Raegan.

"Raegan Luces,"

Napakunot ang noo ni Hail, yung mismatched brown and green eyes niya nagbibigay ng isang nakakatakot na effect. Iba yung pagkaseryoso ng itsura niya, parang mananapak.

"Kilala mo siya?"

"I think I've heard her name."

Nacu-curious na talaga ako sa kung miyembro ba talaga ng Familia Olympia si Hail o hindi.

"Hail?"

"Yeah?"

Pero bago pa ako makapagtanong ay dumating na yung inorder namin at nadistract na si Hail sa pagkain.

Tinuruan niya ako kung pano yung gagawin kaya nawala na din sa isip ko yung itatanong ko sa kanya. Nagfocus na lang kami sa pagkain.

At habang kumakain kami ay nagkukwento si Hail tungkol sa trabaho niya bilang isang doktor. Mahahalata mong mahal niya yung ginagawa niya dahil sa kakaibang kislap sa mga mata niya habang pinapaliwanag niya sa akin in yung mga nahandle niyang cases noon at kung pano niya natulungan yung mga pasyente niyang gumaling.

Pagkatapos naming kumain ay naghati kami ni Hail sa bill. Noong una ay gusto pa sana niyang ilibre ako kaso noong sinabi kong di na ako sasama sa kanya sa susunod pag nilibre niya ako ay napilitan na din siyang tanggapin yung bayad ko.

Dahil maaga pa naman ay naisipan naming maglakad lakad na muna.

"May itatanong ka nga pala kanina di ba? Bago dumating yung pagkain?"

Napatingin ako sa kanya.

Ang ganda lalo tingnan ng platinum blonde niya sa araw. Para itong kumikislap sa liwanag.

"Alam mo ba yung Familia Olympia?" Tanong ko.

Napatingin sa akin si Hail, nakakunot na naman ang noo niya. "Oo. But isn't that supposed to be a secret?"

"Alam ko. Napapaisip lang kasi talaga ako kung miyembro ka ba nun."

"My family is part of the Familia. Pero matagal na akong inactive dun."

Napatango na lang ako. Kaya siguro hindi niya maalala si Raegan.

"Member ka din ba?" Tanong ni Hail.

Umiling ako. "No, pero Raegan and her friends showed me what kind of organization it is."

"Is that why you asked me dati kung may kakilala akong Daniel Miraber?"

Tumango ulit ako. "I figured kung member ka ng Familia Olympia, you're related to them since sila yung branch ng Familia na nasa medical field."

"Oh, okay."

Tahimik lang kaming naglakad habang iniisip ko yung Familia Olympia, si Raegan, ang grandparents niya at ang mga kaibigan niyang miyembro din nito.

"Di sila payag sa amin, you know."

"Ha?" Napatingin ulit si Hail sa akin, naguluhan sa sinabi ko.

"Yung grandparents ni Raegan at yung Grand Order of the Kings." Kwento ko. "They didn't want an outsider for the Heir of Zeus..."

"Heir of Zeus?" Parang nagulat si Hail sa kinuwento ko. "Ex girlfriend mo yung tagapagmana ng Zeus House?"

Tumango ako. "Kaya ayokong makipagkaibigan sayo noon. Kasi alam kong katulad ka din nila."

"But like I said, inactive na ako. Ilang taon na." Sabi ni Hail. "Sure, I used to attend parties and socialize with the younger Familia members pero it's been what, nine years? Bata pa ako noon. Baka di pa nga nakakasali si Raegan noon sa Orders."

Di na ako makaimik. Nahihiya ako na iniwasan ko siya kasi akala ko kilala niya sila Raegan at miyembro siya ng Familia Olympia.

"Genesis?" Hinawakan ni Hail ang braso ko. "Please don't cry again."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Hindi ako naiiyak."

"You really love her, don't you?"

"Hindi mo alam kung gaano ko siya kamahal, Hail. And hindi mo rin alam kung gano kasakit yung makita siyang may kasamang iba."

"Hindi ko nga alam. But that doesn't mean I don't understand even a little bit of your pain."

Napatingin ako sa kanya.

"Naiwan na din ako, Genesis. But I know it's not the end of the world yet."

"Wala naman akong sinabing it's the end of the world na para sa akin."

"Wala nga, but that's what you're showing."

"Fresh pa kasi. It's only just been three weeks noong nagbreak kami."

"Fresh pa nga..."

Nakarating na kami sa dulo ng Bonifacio High Street kung saan may mga pwedeng upuan sa amphitheater.

"Gustong gusto ko na makamove on sa kanya. Ayoko na maramdaman tong sakit na nararamdaman ko." Mahina kong sabi kay Hail.

"But that takes time, Genesis." Sabi ni Hail. "Hindi yan pwedeng madaliin."

"Pero ayoko na nga nitong sakit na nararamdaman ko. Ang hirap matulog, ang hirap kumain, ang hirap makipagsocialize sa iba. Palagi ko siyang naiisip."

"Then find a distraction."

"Like what?"

"Ewan ko. Ano bang gusto mong gawin?"

"Hindi ko alam."

Natahimik na naman kami habang nagiisip siya ng itatanong sa akin. Inisip ko din kung anong magandang distraction para sa nararamdaman ko.

"Nakapunta ka na bang Baler?" Biglang tanong ni Hail.

Umiling ako. "Hindi pa, bakit?"

"I want to go there and surf. Punta tayo?"

"Kelan?"

"Ummm, next weekend?"

"Pagiisipan ko."

"Bakit kailangan pang pagisipan? That's a distraction right there!" Pilit ni Hail. "I'm going to take you to places you've never been to before!"

"Syempre malayo din yung Baler! Magpapaalam pa ako kay Mama tapos titingnan ko pa kung may budget ako for that!"

"Wag mo na masyado isipin yung budget. I'll drive, tapos may katrabaho ako na may bakasyunan dun. We can stay at her place. Bale, food na lang iisipin natin."

"Magpapaalam pa rin ako kay Mama."

"Sus, malaki ka na. For sure papayagan ka ng Mama mo anywhere."

Napailing ako. "Ang kulit mo talaga ano?"

"Ganun talaga, Genesis." Ngiti niya sa akin. "Game ka?"

Napabuntong hininga ako. "Why are you doing this, Hail?"

"I'm your friend, Genesis. I want to help you."

"Hindi mo naman ako kailangan tulungan eh."

"But I know what's it like to have your heart be broken."

"Makakatanggi ba ako sayo?"

Umiling si Hail. "Obviously, pag di ka pumayag, hahanapin ko yung clinic ng Mama mo at ako na ang magpapaalam para sayo. Tapos aalamin ko na din kung san ka nakatira para pag tinaguan mo ako, mahahanap kita at kakaladkarin kita papuntang Baler."

"Ang lakas mo maka-stalker."

"Ang ganda ko namang stalker?" Malakas na tawa ni Hail.

Napailing na lang din ako sa kalokohan niya. "Fine. I'll go to Baler with you."

"Awesome!"

After ng usapan namin na iyon ay nag-aya na din akong umuwi. At dahil nga makulit si Hail ay inihatid niya pa ako sa amin para alam daw niya kung san ako susunduin next week.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay namin ay muli niya akong pinagbuksan ng pintuan.

"I guess this is good bye for now?" Ngiti ni Hail sa akin.

"I guess so."

"I'll see you next week. I'll text you the details of our trip pag na-finalize ko na."

"Okay." Tumango ako at binuksan na yung pinto ng bahay namin. "Bye, Dr. Hailey."

"Goodbye, Genesis."

Sa pagpasok ko ng bahay ay dumirecho ako sa kitchen para kumuha ng isang basong tubig.

Kakaubos ko lang ng tubig nang may kumatok sa pintuan. Si Hail siguro, may nakalimutan or mangungulit pa.

"May nakalimuta---"

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil hindi pala si Hail ang kumakatok.

"Violet? What are you doing here?"

Binigyan ako ni Violet ng isang matamis na ngiti. Pero parang may mali sa ngiti niya sa akin.

Napansin kong hindi maayos ang make up niya at parang nabasa yung mascara niya.

"What am I doing here? Really, Gene? Have you forgotten?"

Tinulak niya ako dahilan para mapaatras ako.

"Teka lang, Violet!"

"WHY DID YOU LET HER WIN?!" Sigaw niya sa mukha ko sabay sabunot sa akin.

"Aray ko!"

"I LET YOU BE HAPPY WITH HER! I LET RAEGAN GO BECAUSE OF YOU!"

Hinatak niya yung buhok ko palapit sa kanya. Halos masubsob na ako sa kanya dahil nanghihina na bigla yung mga tuhod ko. Naiiyak na rin ako sa sakit.

"HOW DARE YOU HURT HER AND LEAVE HER TO KATARINA?!"

"LET ME GO!" Sigaw ko, pilit na tinatanggal ang mahigpit niyang pagkakahawak sa buhok ko.

"I TOLD YOU, IF YOU HURT HER, I'LL MAKE SURE YOU'LL PAY FOR IT!"

"DO YOU EVEN KNOW WHAT HAPPENED?!" Sigaw ko pabalik sa kanya, pilit siyang itinutulak papalayo. "I DIDN'T HURT HER! SHE WAS THE ONE WHO HURT ME!"

"THEN WHY IS SHE SO LIFELESS NOW?"

"Lifeless?" Natigilan ako sa narinig ko. "What do you mean?"

Last time na nakita ko si Raegan ay noong last day ko sa opisina. Maayos pa naman siya noon at nagagawa pang makipaglandian kay Katarina.

Hinila ni Violet ang buhok ko para maiangat ang mukha ko at makita ko ang galit sa mga mata niya.

"Don't you know?" Galit niyang sabi sa mukha ko. "Raegan's engaged to Katarina now."

Engaged?

Tinulak niya ako dahilan para matumba ako sa sahig.

Engaged? Pero three weeks pa lang kaming break. Engaged na agad sila?

"VIOLET!" May na sumigaw na lalaki sa labas.

Panong engaged agad sila? Nagpropose na agad si Raegan kay Katarina?

"Gene!"

Napatingin ako sa bagong dating na si Dan.

"Are you okay?" Tanong ni Dan sa akin at tiningnan kung nasaktan ba ako ni Violet.

"If you didn't break up with her, she wouldn't get engaged to Katarina!" Galit na sabi ni Violet sa akin.

"Violet!" Saway naman ni Dan. "Stop it!"

Hindi ako makapagsalita.

"I've never seen Raegan so dead." Halos dumura na si Violet sa akin. "She looks so fucking dead because of you!"

"Violet, please. Stop it! You know Gene didn't mean to hurt Raegan!"

"Oh, but she killed her!" Sagot ni Violet kay Dan.

"She didn't!" Sagot ni Dan.

"YOU SAW HER DEAD EYES, DANIEL!" Sigaw ni Violet. "AND YOU!" Masamang tingin niya sa akin. "YOU KILLED HER!"

Tumayo na si Dan at hinawakan si Violet para ilayo sa akin kasi mukhang aatakihin na naman niya ako.

Habang hinihila ni Dan si Violet palabas ng bahay namin ay narealize ko na lang na umiiyak na naman ako.

Engaged na siya. Ilang araw, linggo o buwan na lang ay ikakasal na siya kay Katarina.

Ang babaeng inakala kong makakasama ko habang buhay, ay ikakasal na sa ibang tao.

Engaged na siya.

Engaged na sa iba ang Sky ko.

Sky...

Pano mo nagawa sakin to? Akala ko ba ako lang? Akala ko ba....

Napakapit ako sa dibdib ko, sa parte kung saan pinakamasakit. Please make it stop. Make it go away. Ayoko na nito. Ayoko na masaktan.

Ayoko na...

Raegan, ayoko na.

Continue Reading

You'll Also Like

86.7K 2.2K 44
Magari Series 2 Giorgia has always believed that getting drunk is better than getting fuck. She loves boozing herself up. Partying was her oasis afte...
2.7M 69.2K 59
Si Kill ay napilitan lang mag-try out sa isang basketball team dahil sa bestfriend nya at hindi nya aakalain na kahit hindi nya ginalingan ay napasam...
10.4K 614 95
"and history say they were roommates." an epistolary. --- Paranoid of not having a place to stay for the new semester, Aleszandra Sunni Ferrer posted...
2.9M 82.3K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****