Casimiro's Instant First Lady...

By bluekisses

975K 28K 3.1K

It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaak... More

ZBS 1: Casimiro's Instant First Lady
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Epilogue

Kabanata 12

33K 1K 305
By bluekisses

Kabanata 12

Maaga ako nagising kasi naexcite ako sa tunog ng hampas ng alon sa labas. May panligo naman pala ako. Bago kami matulog kagabi ay nagkalkal ako ng bagahe ko at nagulat ako sa ilang pairs ng swimsuit na nakaipit dun. Noong una ang akala ko ay si Ate Fe ang naglagay ng mga 'yon dahil siya ang nag-impake. 'Yon pala ay si Mamita.

At ang Mamita may note pa! 'Apo, ayan ang mga swimsuit, ikaw na bahalang umakit sa apo ko, suportado kita!'

Natawa na lang ako dahil sa sulat ni Mamita. Masuot na nga ito nang maakit ko si Konsi. Natawa ako sa naisip ko, kaloka si Mamita nilalason ng kalandian ang inosente kong utak.

Sinuot ko 'yong cute na navy blue off shoulder top na may ternong navy blue boyleg shorts. Tumingin ako sa salamin at kinilig ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Syet sexy ko pala?

Kinuha ko ang alampay at sunglasses ko at lumabas ng kwarto 5:30 pa lang at pasikat pa lang ang araw, siguro ay tulog pa ang mag-ama. Masyadong hands on ngayon si Konsi sa anak. Close na close na nga sila e.

Sinuot ko ang sunglasses, nilatag ang munting alampay sa buhanginan, at humiga doon.

Hindi ko na namalayan ang oras habang pinakikinggan ang mga alon ay inantok ako.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pagbigat sa ibabang parte ng katawan ko. Anyare?

"Baby, let's make castles on your mama." Teka si Konsi yon ah? Narinig ko din ang tawa ni Cassia.

Pero teka sinong mama? At di ako makagalaw. Dinilat ko ang mata ko. Nasisilaw ako kahit may shades ako.

Diyos ko! Inanod ba ako ng alon at patay na ako ngayon? Mama? Si ate kaya ang tinutukoy ng boses ni Konsi na mama ni Cassia? Oh my God! I can't die like this! Sayang ang katawan ko! Baka nilalamon na ng pating sa dagat!

Napabangon ako at inangat ang salamin ko! Jusmiyo buhay pa ako!

"Mama!" Niyakap ako ni Cassia. Napatingin ako sa bewang ko pababa. Putsa nakabaon pala ako sa buhangin at may buntot sirena ako kaya mabigat ang babang parte ng katawan ko. May castle pa nga sa ibabaw ng buntot ko! Aba imposibleng si Cassia ang gumawa nito. Tatlo lang kami sa lugar na 'to.

Hinanap ng mata ko ang pinanggalingan ng boses kanina. Agad ko namang nakita si Konsi na namumula na sa pagpipigil ng tawa at napabunghalit ng magtama ang paningin namin. Mabilis na pinagpag ko ang buntot kong buhangin at inupo si Cassia sa buhanginan.

Nahulaan ata ni Konsi ang gagawin ko kaya tumayo ito at mabilis na tumakbo, tumakbo din ako nang mabilis at naubutan ko siya. Para kaming batang naghabulan nakita ko na lang din ang masayang si Cassia na humahabol sa'min.

Ang kinalabasan ay nilaro namin si Cassia at naghahabulan kaming tatlo, napuno ng mga tawa't halakhak namin ang buong dalampasigan.

Nang mapagod ay sabay-sabay kaming humiga sa buhanginan. Nasa gitna namin si Cassia.

Natawa pa rin kami nung magkatinginan kami bigla ni Konsi. "That was cool."

Natawa na naman kami. Pero natigilan pareho nang marinig ang malakas na pagtunog ng tiyan ko.

Tumingin ulit sa'kin si Konsi tapos tumawa na naman.

"Gutom na ata yong mga bulate mo." He said na umupo. "Come on baby hungry na ang worms ng mama mo." Ayan na naman siya, pinanindigan nyang mama ako ng anak niya.

***

Masaya ang tatlong araw namin sa vacation house ni Elliot sa Cebu, pakiramdam ko ay naging malapit kami ni Konsi sa isa't isa dahil sa bakasyong iyon.

Kaso tapos na ang bakasyon dahil pabalik na kami ngayon sa Maynila tapos sa Batangas. May trabaho na daw kasi si Konsi bukas.

Pagbaba namin sa eroplano ay nag-aantay na samin si Nico sa arrival area.

"San ho tayo?" Tanong ni Nico.

"Sa Forbes, sa bahay nila Mamita." Napatingin ako kay Konsi. Mukhang nahulaan niya ang katanungan sa mukha ko.

"Birthday ni Papa Rigo."sagot niya.

"Talaga? Sayang wala akong regalo." Mabait pa naman sakin ang lolo nila.

"It's okay, wala naman yon kay Papa Rigo." Papa Rigo ang tawag nila sa lolo nila. Pero ayon sa source kong si Rima nung mga bata daw sila Papsie ang tawag ng mga kuya niya sa lolo nila. Sabagay di bagay sa mga barako na tumawag ng Papsie. Natawa ako sa naisip ko.

"Why are you laughing?" Natigilan ako nung narinig ko ang sinabing iyon ni Konsi.

"Wala, may naalala lang ako." Sagot ko. Nakatulog na pala si Cassia.

Pumasok kami sa isang malaking subdivision. Eto pala yong Forbes? Ang lalaki ng mga bahay! Tumigil kami sa isang magarbong bahay.

"Konsi ito na yong bahay nila Mamita?" Tanong ko sa kanya. Maliwanag na ang mga ilaw sa buong paligid.

"Yeah." Sagot niya.

"Madami bang bisita?" Tanong ko ulit. Nakakahiya naman kung bigatin ang mga bisita, pang rockstar na naman ang porma ko.

"Nope, family lang." sagot ni Konsi.

Bumukas na ang gate at pinasok na ni Nico ang sasakyan sa bakuran ng mansion ni Mamita.

Buhat ko si Cassia nung pumasok kami sa loob. Ang yaman ni Mamita! Naloka ako sa designs ng pinakabahay at lalo na sa interior nito.

"Ariana apo!" Napalingon ako sa patiling sigaw ni Mamita! At kung makatili si Mamita akala mo hindi siya otsenta anyos.

Ngiting-ngiti siyang lumapit sa'kin. "Ariana kamusta ang pang-aakit?" Bulong ni Mamita na pakiwari ko napalakas. Napatingin ako sa paligid, buti walang tao.

"Mamita naman e ang lakas ng boses nyo?" Saway ko sa matanda.

"E ano naman?" Sagot nang matanda. "Ay teka, Matilda! Pakikuha ang apo ko!" Sigaw ng matanda, maya-maya lang ay lumapit ang matandang babae para kunin si Cassia sa akin.

"Halika nga Ariana! Sumama ka sa 'kin." Hinila ako ni Mamita sa likod bahay. May magandang garden d'on at may pool. "Nagustuhan ba ng apo ko ang mga pabaon ko sa'yong swimsuit?" Excited na tanong niya.

"Mamita..." pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko.

"Meron pa ako sa kwarto, di ko na kasi naisingit sa bagahe mo. Gusto mo bang suotin at rumampa sa apo ko?" Natawa ako sa sinabi ni Mamita.

"Mamita naman baka sabihin ni Konsi di na ako nagsawa sa beach sa Cebu." Natawa din ako.

"E ano? Pero sige wag na lang, madami pala akong apong lalaki, baka iba pa ang mabingwit mo." Sabi ni Lola. "Tena nga't baka dumating na ang bisita ko." Hinila na naman ako ni Mamita papunta sa bonggang hapagkainan nila. Sinabi sa'kin ni Mamita na, 10 years pa lang daw sila sa bahay na ito, dati daw kasi ay doon sila nakatira sa bahay nila na ngayon ay naibigay na sa panganay na anak nilang lalaki. Mas gusto niya daw dito sa forbes madami daw mga artistang kapitbahay. Pero madalas pa rin daw siyang nauwi sa Batangas tuwing weekends.

'Yong totoo? Ewan ko ba kung bakit napakabagets nitong si Mamita.

"Ayan na Ariana! 'Yong gym instructor sa Batangas." Sabi ni Mamita na nakalingon sa may pintuan.

"Halika Hijo, may papakilala ako sayo." Iginiya ni Mamita papunta sa akin ang bisita niya.

Nangunot ang noo nung lalaki nung makita ako. "Ariana?" Napaisip ako bigla. Pamilyar ang lalaki.

"Lucas?" Tanong ko, nangining ang mga mata ko.

"Akala ko di mo ko kilala." Natawang sagot ng lalaki.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Mamita.

"Yes Mamita." Sagot ni Lucas sa matanda.

"O sige, maiwan muna kayo pahahanda ko lang ang pagkain." Paalam ni Mamita.

"Ikaw yong muse nung Zinc di 'ba?" Matutuwa na sana ako sa tanong niya kung di niya pa pinamukha na Zinc lang ako, last section kaya yon. Tumango na lang ako bilang tugon. Palibhasa Aluminum siya, first section, alphabetical kasi ng table elements ang section namin. Twenty-six section.

"Kamusta ka na? " Baling sa 'kin ni Lucas. Ang ultimate crush ko nung high school, kilala niya pala ako.

"Okay naman! Ikaw ba? Sagot at balik tanong ko, pero deep inside kinikilig ako parang high school lang ang peg.

"Kakilala mo pala yang si Mamita?" Tanong niya na parang gulat.

"Nito lang, mabilis kong nakasundo." Sagot ko na tumingin sa paligid.

Nakita ko si Konsi sa may living room ng mansyon nila Mamita. Kausap niya si Kuya Caleb. Napasulyap siya sa'kin at ngumiti. Shet, wag ganyan Konsi, baka malaglag ang pants ko pati panty. Ba't ganun parang mas kinikilig ako sa sulyap ni Konsi kesa sa ultimate crush ko. Pero parang nawala ang ngiti niya nang may napansin siya. Sinundan ko ang tingin niya.

Nakahawak pala sa kamay ko si Lucas. Hindi ko na namalayan. Pagbalik ko ng tingin kay Konsi nakangiti na siya habang kausap si Kuya Caleb.

"Food is ready!" Narinig kong sigaw ni Mamita. Kaya ibinaba ko na ang kamay ko.

Kumpleto ang magkakapatid. Pero teka wala pa ata si Rod. Baka nalate ulit. Bukod sa pamilya ang outsider lang doon ay ako, si Lucas, may tatlong lalaki rin na mga matatanda na at ang kasama ni Miles na babae.

Dumalo na kaming lahat sa kainan, doon ako pinapwesto ni Mamita sa tabi ni Konsi at katapat ko naman si Lucas, actually ay napapaligiran ako ngayon ng mga gwapong nilalang, Zaragoza brothers palang tiba tiba na ako, kasalukuyang katabi ko rin si Rima na kinukumusta ang naging bakasyon namin, sayang daw at di siya na kasama, kasi nag-aapply siya.

Nang matapos ang hapunan ay kanya-kanyang kuwentuhan na, pumunta muna ako sa kwarto kung saan natutulog si Cassia, umiiyak na siya nung dumating ako doon, agad kong kinuha ito at inalo. "Da-da!" umiiyak na tawag nya sa daddy nya.

"Wait baby, pupunta na tayo kay Daddy mo ha! Shhh... " lumabas na kami sa kwarto at hinanap si Konsi nahirapan ako dahil matapos ang dinner ay may kanya-kanya nang kausap ang lahat, si Lucas ang alam ko ay kausap ni Mamita ngayon.

Medyo kalmado na si Cassia at nakalabas na ako sa bakyard nila Mamita. Tahimik na si Cassia na nakasaklay ang dalawang hita sa kanang bewang ko. "Ma-ma, dadada." Narinig kong sabi niya habang pinaglalaruan niya ang mahaba kong buhok.

"Wait lang baby ha, hinahanap natin si Daddy." Pagkasabi ko noon ay napabaling ako sa may pool side at nakita ko si Konsi.

"Ayun na si Dada mo." Tinuro ko pa kay Cassia si Konsi na kausap pa rin si Kuya Caleb at yong mukhang supladong si Elli.

Palapit na ako sa kinatatayuan ko nung biglang humarang si Lucas. "Hey there you are! Been looking for you-" Natigilan siya nang mapansin ang batang dala ko.

Nangunot maigi ang kanyang noo. "Ma! Dada!" Kumakawag na si Cassia dahil malapit na kami sa Daddy niya kung di lumapit itong si Lucas.

"Ma?" Naguguluhang tanong ni Lucas. "Anak mo?" Pahabol niya pa.

"Dadadada--" tuwang-tuwa pang tili ni Cassia.

"Yes baby ko?" Si Konsi na alam kong malapit na sa amin. Mabilis kong inabot si Cassia sa kanya.

"Hindi ah! Anak nila yan ng ate ko." Depensa ko na ngumiti kay  Lucas.

"Oh." Nasagot ni Lucas ngumiti at bumaling kay Konsi.

"Councilor Zaragoza. It's nice to meet you here." Nakipagkamay si Lucas kay Konsi, nakipagkamay din naman ang huli.

"Hmmm Konsi, si Lucas pala, batchmate ko nung high school."

"Nice to meet you too." Sagot ni Konsi na inabot ang isang kamay habang ang isa ay gamit sa pagbuhat kay Cassia.

Bumalik muna si Konsi sa kapatid nya dala si Cassia. Ako naman ay nagpaiwan kay Lucas para makipagkuwentuhan.

Alam kong masama magkumpara, pero pagkukumparahin pa rin si Lucas at Konsi.

Kung sa tangkad ay lamang si Konsi. Mas maputi din si Konsi, at di hamak na mas pogi si Konsi. 'Yong totoo Aria? Dehado masyado si Lucas sa pagkukumpara mo, halatang may kinikilingan ka.' natigilan ako sa pagkikipag-usap sa isang bahagi ng isip ko nung kinalabit ako ni Lucas.

"So bayaw mo pala si Konsehal Zaragoza?" tanong ni Lucas nung napatingin ako sa kanya mula pag kalabit niya sa akin.

"Hmmm, hindi naman.  Tatay lang siya ng pamangkin ko." sagot ko na medyo naguguluhan din, di ko naman talaga bayaw si Konsi.

"Why? Hindi pala sila kasal ng Ate mo." komento niya. "Anyway, asan ba yong ate mo?" tanong niya pa, nakikichismis pa.

"Hindi, kasi patay na rin naman si Ate." sagot ko na medyo malungkot, pero kahit papaano di na ganoon kasakit, halos sampung buwan na rin naman mula nung mawala si Ate.

"I'm sorry to hear that. Anyway, ano namang pinagkakaabalahan mo ngayon?" Ani Lucas.

"Ah, minsan may mga gig ako or sideline sa pagkanta, pero nabusy na ako sa pag-aalaga sa pamangkin ko. Kinuha na ako ni Konsi para tumingin sa anak niya. Na para sa akin ay ayos naman, kasi..." kasi.. bakit nga ba?

'Kasi gwapo ang housemate mo.' Sundot ng isang bahagi ng utak ko.

'Tanga, syempre kasi kasama niya si Cassia, bonus na lang ang poging housemate.'

Napailing-iling ako sa naglalaro sa isip ko. Ano ba naman yon?

"Kasi ano?" Naguguluhan at halos kunot-noo nang tanong ni Lucas.

"Kasi syempre kasama ko ang pamangkin ko, na parang anak ko na rin kung ituring." Sagot ko.

Nagkakuwentuhan pa kami ni Lucas ng mahaba-haba. Nung medyo lumalim na ang gabi at sinabi niya na aalis na siya. Kami ata ay dito na matutulog kina Mamita.

"Aria?" Narinig kong tawag ni Lucas nung patalikod na ako.

"Can I have your number?" Tanong niya.

"Number ko?" Tinuro ko pa yong sarili ko.

"Yes." Sabi niya na lumapit sa akin at iniabot ang hawak niyang cellphone. Tinype ko na ang number ko.

"I'll call you na lang, goodnight." Sabi niya na winave pa ang kanang kamay.

"Sure." Sagot ko na kumaway pabalik. "Ingat ka Lucas!" Pahabol ko pa. Inabangan ko hanggang makalabas sya sa gate, nasa labas daw kasi nakapark yong sasakyan niya.

"Ehem." Napalingon ako kay Konsi na hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala. "Parang type ka nun ah." Tatawa-tawang sabi niya.

"Hindi ah!" Defensive na sagot ko, oo crush ko yon dati pero di ako type nun.

"Hindi ka na nga hiniwalayan buong party, iba pa tingin sa'yo malagkit." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Konsi, bukod kasi sa sinabi niya ay nagulat din ako na inaasar niya ako, parang hindi ganto an pagkakilala ko sa kanya.

"Nako, Konsi walang ganyanan." Natatawang sabi ko na nagtatakip ng bibig.

"Totoo naman e, nakita ko." Natatawang giit niya pa. "High school sweetheart mo ba yon?"

"Uy, hindi ah!" Sabi ko na hinampas si Konsi sa balikat medyo naging malapit ata kami dahil sa Birthday Vacation niya.

"Eto ano mo yon?" Talagang may pinaglalaban siya. Napayuko ako at feeling ko namula ang pisngi ko. "Uy?" Dinutdot niya ako sa braso gamit ang kanang hintuturo niya.

"Crush ko lang yon noon, ngayon di na." Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. Nakarinig ako ng malakas na pagtawa.

"I knew it! Haha, kaya pala may sparks kayo!" Walang tigil sa pagtawa na tuta niya pa.

"Oy Konsi, past is past!" Depensa ko uli. Wala nang effect sa 'kin si Lucas. 'Si Konsi na kasi may effect sayo!' Sawsaw na naman ng malanding utak ko.

"Sige na kunwari na lang wala ka nang feelings!" Asar nya pa ulit.

"Ewan ko sa'yo Konsi, papasok na ako, kasi inaantok na ako." Tatawa tawang sabi ko, na umuna na. Alam ko na sumunod na rin sya sa akin, dahil naririnig ko pa ang mahina nyang pagtawa.

"Matutulog na ba kayo?" Salubong nito sa amin.

"Yes Mamita, ihahatid ko na siAria sa tutulugan niya." Maagap na sagot ni Konsi.

"Nako hijo, ayon nga ang sasabihin ko sa inyo, kulang ang guest room ngayon rine, papaano kasi e, nirerenovate pa ang isa, mabuti nga't di na dito natulog si Miles dahil may kasama siya at kukulangin pati ang kwarto. Ang isa ay sa mama at papa mo, ang isa ay kay Caleb, ang isa ay si Rod ang gagamit, iyong isa kay Elli, ang kay Rima naman maliit lang kasi 'yon, alam mo naman na yon ang paborito nya dine, kasi maliit ang space na palalalmigin ng aircon, alam mo na iyong babaitang iyon, kulang na lang magpakasasa sa lamig ng aircon, tapos iyong tinutulugan na lang ng apo kong si Cassia, kung ayos la'ang sana na doon na la'ang kayong tatlo. Malaki naman na iyon." Ewan kung bakit masyadong nagpapaliwanag si Mamita, pero bakit parang may naramdaman akong set-up ang nagaganap dahil sa pagkindat niya sa'kin.

"Ah ganun ba Mamita?" Ani Konsi na bumaling sa 'kin. "Ayos lang ba sayo Aria, pwede naman ako sa family area, may couch naman doon." Maginnong sabi ni Konsi.

"Hindi. Okay lang sakin." Sagot ko, nakakahiya naman kasi, siguro naman may couch doon, pwede na sa'kin yon. 'Gaga! Chance na 'yan, pwede mo na gapangin si si Konsi.' Napailing ako dahil sa ideya ng malanding utak ko.

"Samahan ko na kayo mga apo." Iginiya nga kami ni Mamita sa kwarto,malaki nga ito, gaya ng sabi ni Mamita, mahimbing na  rin ang tulog ni Cassia sa gitna ng malaking kama. "Oh siya sige mga apo, inaantok na rin ako." Paalam ni Mamita na humalik na kay Konsi at lumapit rin sa akin. "Galingan mo hija."kinilabutan ata ako sa mahinang pagbulong niya.

"Mamita!" Nanlaki ang matang saway ko sa matanda, nag-iinit ang tenga ko. Kumindat lang siya sa akin at umalis na.

Pumasok na kami sa kwarto at sa kasmaan o kabutihahang palad, walang couch. "Wala palang couch dito." Napansin agad ni Konsi.

"Oo nga ano?" Sabi ko na inilibot ang mata sa paligid. "Malaki naman ang kama Konsi, pagitnaan na lang natin si Cassia." Suhestyon ko, kasi sa laki naman ng kama at nasa gitna si Cassi, hindi ko na siguro magagapang si Konsi--este, hindi naman siguro masikip sa akpming tatlo ang kama. Grabe nahawa na ako sa kalandian ng isang bahagi ng utak ko.

"Okay, sige, magshower ka muna, I'll just go out." Paalam ni Konsi, nandito na pala ang mga bagahe namin. Kakaiba talaga si Mamita. Planado lahat.

Nagshower na nga ako at matapos iyon ay tumabi na ako kay Cassia. Siguro dahil sa pagod sa maghapon ay mabilis bumagsak ang talukap ng mga mata ko. Ni hindi ko na alam kung anong oras nakabalik si Konsi.

***

Nagising ako kasi naiinitan ako, parang masyadong masikip. Minulat ko ang isa kong mata, nakakasilaw, sinubukan kong buksan ang isa pa. Hanggang sa naka adjust na ako sa liwanag, nakatagilid ako at nakaharap sa payapsng natutulog na si Cassia. Sinubukan kong mag unat pero di ako makagalaw. May kamay na nakadantay sa bewang ko. Nanlaki ang mata ko!

'Pakshet! Sinong nanggapang? Ako o si Konsi! Kung ako, lamunin mo na ako lupa.'

Itutuloy...

~~~
Author's Note:

Hi everyone so thanks for waiting for this so long update after 4 months! May mga typo, di ko na naedit. Hope you still enjoyed this update! Feel free to comment, im reading this, nagrereply din ako. :)

Lovelots...

~Leyn 💙

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 23.7K 26
Christine Juarez ended up falling in love with Dock Daomino but the feelings aren't mutual. Christine, thinks that one-sided love is painful. Dahil i...
572K 11.1K 23
Book Two of Bachelorette Series ✔️ Completed Everything is moving so fast and I can't keep up with the phase. Feeling ko kahit anong gawin ko hinding...
123K 3.5K 45
How much pain do you have to go through until giving up is okay?
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...