Writer-Ung naghanap ng Chapter 9 eto po siya. nakaprivate ito kaya hindi niyo nabasa para magka fan sana. Mejo naastigan lang ako sa sarili kong gawa haha anyways VOTE COMMENT ANd FAN niyo naman ako please? ^_^V
5pm
Isla Palacio Clinic
“Huhuhu! Allie!”-Chinee
Naririnig ko ang iyak ni Chinee
“Chinee huwag ka ng umiyak.”-Arthur (tdh)
Ano bang nangyari?
Dumilat ako, nakita ko si Chinee na naiyak at inaalo ni Arthur (tdh).
“Gising na siya.”
“Allie!”-Chinee niyakap ako habang umiiyak.
“Chinee anong nangyari?”
“Allie, nahulog kayo sa stage. Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Huhuhu Allie!”
“Chinee ayos lang ako.”
Naalala ko na. Iaabot ko sana kay Chinee iyong panlamig ko kaso naapakan ko at nahilog ako sa stage pumikit ako para hindi ko na maramdaman ang sakit ng pagtama ng mukha ko sa sahig.
“Huwag ka na umiyak Chinee. Gising na si Allie o?”-Arthur (tdh)
“Kamusta si Allie?”
Si Ms Claire
“Buti naman at gising na siya. Thank God!”
“Kamusta na ma’am si Loise Venn?”-
Napakunit ang noo ko.Si Love?
“Ayos na daw siya sabi ng doctor dito sa Isla Palacio. Buti nga at pilay lang ang natamo niya.”
“Bakit siya napilayan?”-hindi maintindihang tanong ko
“Allie nung nahulog ka sinalo ka ni Loise Venn at siya ang nagsilbing pananggalang mo.”
Tumayo ako para puntahan siya.
“Allie san ka pupunta?”
Naglakad ako palabas ng kwarto para pumunta kay Love.
Nakita ko ang mga classmate ko sa may labas ng pinto
Nandiyan siguro si Love.
Pumasok doon at tama ako na nandoon nga si Love.
Tulog siya at may benda ang kamay.
Hindi ko mapigilang umiyak dahil kasi sa akin kaya siya nandiyan ngayon. Dahil sa katangahan ko napilayan siya.
Hinawakan ko ang kamay niya na walang benda.
“Sorry! Im so sorry!”
Patuloy lang ako sa pag-iyak.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
9pm
Dumilat ako.
Teka nasan ako?
Luminga ako sa paligid.
Nasa clinic ako. Sa kwarto kung nasaan si Love.
E nasaan siya?
“Gising ka na pala.”
Tumingin ako sa likod at nakita ko siya. Tumingin ako sa kamay niyang napilayan.
Naiiyak ako. Ayan na tumutulo na. Huhuhu
“Sorry! Dahil sa akin napilayan ka. Sorry talaga. Huhuhu!” T.T
“No its okay!”
“Hindi. Hindi okay iyon. Paano kung hindi mo nasangga ang kamay mo edi nabagok naman ang ulo mo. Dahil sa akin napahamak ka. Huhuhu!”
Humagulgol na ako ng sobra.
“Ang tanga ko kasi ang-------”
“Huwag mong sisishin ang sarili mo sa nangyari. Hindi natin parehong gusto na mangyari yon.”
Hinawakan niya ang mukha ko.
O.O
Pinunasan niya ang luha ko.
“Kaya huwag ka ng umiyak ha?” sabay ngiti ^_^
O.O
Noon ko lang nakita ang ngiti niya. Ang gwapo
Ba-dump, Ba-dump, Ba-dump
I Love You. I wish I could say you these words not only in my mind but all over the world.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Love’s POV
“Sa tingin mo gusto kita? Sa tingin mo mahal kita? Hindi! Hinding hindi mangyayari iyon. Sinagot lang naman kita dahil alam kong lalakas ang kumpanya namin kapag sumama ako sa inyong mga Sebastian. Sinira niyo ang papa ko, kaming lahat kaya tinatapos ko na ang anumang namamagitan sa atin.”
“Ginamit mo lang ako?”
“Oo, ginamit lang kita kaya huwag ka ng umasa dahil hindi kita mahal.”
“Please huwag mo akong iwan. Mahal na mahal kita.”
“Ayoko. Ayoko na sayo!”
Dumilat ako. Panaginip. Naikuyom ng matindi ang kamay dahil sa sama ng aking nararamdaman.
Teka!
Tumingin ako sa kamay ko.
Si Allie.
Buti naman ayos lang siya
Hawak niya ang kamay ko.
Ang lambot ng kamay niya at ang sarap haplusin.
Mukhang natutulog siya.
Inayos ko ang buhok niya na nakatabing sa mukha.
Hindi ko maikakaila na maganda siya. Unang kita ko palang sa kaniya sa Mcdo nagandahan na ako sa kaniya.
Natuwa din ako dahil pareho kami ng school na pinapasukan at classmate ko siya.
Dahil lalaki ako hindi ko ugaling sabihin sa isang babae na maganda siya hindi gaya ng kapatid kong si Eros na bukal sa iba.
May napansin akong pagkakapareho ni Allie at ni……..
Hindi! Nakpagmove on na ako. Hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay na iyon lalo lang akong nasasaktan.
Hindi ko na dapat balikan ang mga lumipas na.
Ayoko pa muna. Ayoko pa.
Lumabas ako para kumain pagbalik ko gising na si Allie.
“Gising ka na pala.”
Tumingin siya sa akin at sa aking pilay na kamay
Umiiyak siya.
“Sorry! Dahil sa akin napilayan ka. Sorry talaga. Huhuhu!” T.T
“No its okay!”
“Hindi. Hindi okay iyon. Paano kung hindi mo nasangga ang kamay mo edi nabagok naman ang ulo mo. Dahil sa akin napahamak ka. Huhuhu!”
Humagulgol na siya ng sobra.
“Ang tanga ko kasi ang-------”
“Huwag mong sisishin ang sarili mo sa nangyari. Hindi natin parehong gusto na mangyari yon.”
Ayokong sisihin niya ang sarili niya. Hinawakan ko ang mukha niya.
Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi. Ayokong makita siyang umiiyak kaya ngumiti ako
“Kaya huwag ka ng umiyak ha?” sabay ngiti ^_^
Ewan ko ba kung bakit napakagaan ng pakiramdam ko sa babaeng ito.
Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan.
Hindi kaya………….?
++++++++++++++++++++++
Chapter 10-I can't fight this feeling anymore
-ADJ ♥